Panahon ng mga kastillaKaligirang KASAYSAYANAng
isinasaalang-alang na unang pananakop ng mga kastila sa ating
kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpe noong
1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral. At dito
nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito
ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng
digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang
pananakop na ito ng mga Kastila.Sa mga panahong iyon, maraming
pagbabago ang naganap sa buhay ng mga Pilipino. Tinangkilik nila
ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga pangalan at
nagpabinyag. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay. Nagkaroon ng
mga bahay na bato at tisa, mga magagandang kasangsakang tulad ng
piyano, muwebles, at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon ng mga di
ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor. Natuto silang
magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, sa Papa,
at sa gobernador. Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera
ng kabayo, at teatro.Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng
daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng "may-kaya" na may mag
ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral
at nakakuha ng kurso tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at
pagiging maestro. Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito na
rin sa Pilipinassa pagkat marami na rin namang paaralan ang
naitatag nang mga panahong ito.MGA IMPLUWENSYA NG KATILA SA
PANITIKANG PILIPINODahil sa matagal na pagkakasakop sa atin ng mga
Kastila, di-maikakailang malaki ang impluwensyang naidulot nito sa
Panitikang Pilipino.1. Ang "Alibata" na ipinagmamalaking
kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng
mga gawang makarelihiyon.3. Ang wikang Kastila na naging wika ng
Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging
bahagi ng wikang Pilipino.4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng
Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Pnitikang
Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, at iba pa.5. Ang
pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at
sa ibang wikain.6. Ang pagkakalathala ng iba't ibang aklat
pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano, at
Bisaya.7. Ang pagkakaroon ng makarehiliyong himig ng mga lathalain
ng mga panahong yaon.MGA UNANG AKLAT1. ANG DOCTRINA CRISTAINA- Ito
ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa
pamamagitan ng silograpiko. Akda ito nina Padre Juan de Placencia
at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila.
Naglalaman ito ng Pater Noster, Ave Marie, Regina Caeli, Sampung
Utos ng Diyos, Mga Utos ng Sta. Iglesya Katiliko, Pitong kasalanang
mortal, Pangngumpisal, at Katesismo. Tatlong kopyang orihinal na
lamang ang natitira sa aklat na ito na matatagpuan sa Batikano, sa
Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados Unidos. Nagtataglay
lamang ng 87 pahina ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng
$5,000.2. NUESTRA SENORA DEL ROSARIO- Ito ang ikalawang aklat na
nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong
1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Thomas sa tulong
ni Juan de Vera, isang maestrong Intsik. Ngalalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa
relihiyon.3. ANG BARLAAN AT JOSAPHAT- Ito ang ikatatlong aklat na
nalimbag sa Pilipinas.Adka ito sa Talalog ni Padre Antonio de
Borja. Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang napalimbag sa
Pilipinas.4. ANG PASYON- Ito'y aklat na natutungkol sa buhay at
pagpapakasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw.
Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito at ang bawat
bersyon at ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito
ay Version de Pilapil (Mariano Pilapil), Version de Belen (Gaspar
Arquino de Belen), Version fe la merced(Aniceto de la Merced), at
Version de Guia(Luis de Guia). Isinaalang-alang na pinakapopular
ang Version de Pilapil.5. ANG URBANA AT FELISA- Ito'y aklat na
sinulat ni Modesto de Casto, ang tinaguriang 'Ama ng Kastilang
Tuluyan sa Tagalog". Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid
na sina Urbana at Felisa. Pawang tungkol sa kabutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito, kaya'y malaki ang nagawang impluwensya
nita sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.URBANA AT
FELISAinPadre Modesto de Castroang aklat na ito ay pinamagatang
"Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina Urbana at FelisaAng
layunin ni P Modesto sa pagsulat ay upang mangaral sa mga kabataan
sa siyudad at sa lalawigan tungkol sa mga pag uugali, kilos at
makabagong kabihasnan.BUOD:Sina Urbana Felisa at Honesto ay
magkakapatid na tubo sa isang lalawigan.1Nang sila'y magsilaki na
si Urbana ay nag tungo sa Maynila samantalang sina Felisa at
Honesto ay nanatili sa lalawigan. sina Urbana at Felisa ay laging
nag susulatan at sa kanilang mga pagsulat ay lagi nilang pinaaalala
sa bawat isa ang mga ginintuang aral tulad ng pakikipag kapwa tao,
mga katungkulan ng tao sa duyos. pag-iibigan kalinisan ng kalooban
at mga dakilang aral ng ina sa anak sa ina katulad ng sabi ni pari
modesto kay urbana na pakatantuin ng ina na ang kalinisan ng isang
dalaga ay parang bubog na kahit di nagkalamat kahit di mabasag
mahingahan lamang ay nagdurungisan"Tungkol naman sa pakikipagkapuwa
tao ay binanggit ni Felisa kay Urbana na kabaitang di hamak na
ipinakita mo sa eskuwela natinitipid mo ang gawi ng kabataang
kalaro sa kapuwa bata ang kahinhinan ng iyong asal na di makitaan
ng kagaslawa't katalipandasang magpahanggang ngayo'y di malilimutan
ay nagagalak ang loob ko't nag nasang mahuwaran ang magandang
kaasalan mo"LIkas kay Urbana ang mabining kilos at kabaitan sa
kapuwa kaya.t kahit wala na siya sa lalawigan ay bukangbibig parin
ng kaniyang mga guro dahil sa magandang asal niya at katapatan sa
pakikisama sa kapuwa ang magagandang gawa ay di malilimutan
kailamanSa kanilang pagsusulatan ay nabanggit din ang tungkolin ng
mga magulang sa pagtuturo ng kagandahang asal mga dasal at
karunungan sa pagkilala sa diyos kaya sinabi ni urbana na mapalad
ang mga anak sa kanilang diyos napag usapan din nila na kung
magbinata si Honesto at magkaroon ng pagkaka taong alukin ng
katungkulan sa bayan ay di niya dapat tangapin ang panunungkulan
kung karangalan lamang ang nasa ngunit kung ito'y pinagkaisahan ng
bayan ay dapat na tanggapin sapagkat kaloob ito ng diyos nabanggit
din nila na karamihan sa mga nanunungkulan ay may kasakiman at di
marunong tumupad sa katungkulan at ang iniisip ay pansariling
kapakanan lamang PANTIIKANG FILIPINOKung sakaling tanggapin ni
honesto ang panunungkulan ay dapat siyang maging matapat at di
dapat na maging palalo upang di maparusahan ng diyosAng huling
tinalakay ni urbana at felisa ay ang kahutulang ukol sa pagsang
ayon sa kalooban ng diyosSa pagkamatay ng ama nila ay pinayuhan ni
urbana si felisa na umayon sa kagustuhan o kalooban ng diyos ang
kapalaran ng isang tao ay maitakda na at di dapat sisihin ang
sinuman bagkus ay ipanalangin ang kaluluwa nitoMGA AKDANG
PANGWIKA(1)Arts Y Reglas de la Lengua Tagala sinulat ni padre
blancas de san jose at isinalin sa tagalog ni tomas pinpin noong
1610KARILYOIto ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang
ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton, na pinanood ng
gumagalaw sa likod ng isang nagsasalita rin para sa mga kartong
gumagalaw.MORO-MOROTulad ng sinakulo ang moro-moro ay itinatanghal
din sa isang ipinasadyang entablado. Ito'y itinatanghal sa mga araw
ng pista ng bayan o ng nayon upang magdulot ng aliw ng tao at
laging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong Kristiyano.
Ang mga moro-moro ay may hari't reyna at mga mandirigmang
kawal.
Halimbawa:"Prinsipe Rolante"Ngayo'y dumating na itong takdang
arawDakilang Torneo sa plasang kalakalan May kabalyerong dito'y
daratalAy magpapamalas ng dangal at tapang.O mahal kong anak,
Prinsesa FlorindaSabihin sa aki't sa ina mong ReynaKung ang iyong
loob ay handang-handa naSa larong tornoe na magiging
bunga.KARAGATANIto'y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa
na naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa niya ang
kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa
kanya na sisirin sa dagat at ang makakuha'y pakakasalan niya. Sa
larong ito, isang matanda ang kunwa'y tutula: pagkatapoz ay
paiikutin ang isang tabo na may tandang puti at ang sinumang
matapatan ng tandang ito ay isang tatanungin ng dalaga ng mga
talinghaga. Kapag ito'y nasagot ng binata ay ihahandog niya ang
singsing sa dalaga.Halimbawa:"KARAGATAN"Dalaga --- "Ikaw nga ang
unang napili ng DiyosSumisid sa singsing na aking hinulogSubalit
hindi upang siyang maging irogKundi idaan lang muna sa
pagsubok.""Kaya't sisirin mo ang tanong kong itoAt singsing kong
ito ay nang maangkin moSa singsing na linao at walang pabatoTuran
mong simula at ang dulot nito"Binata --- "Karagatan ito'y kahit na
malalimPangangahasan kong aking lulusunginHustong bait ninyo ang
titimbulainNa inaasahang sasagip sa aakin.""Karagatan ito'y oo
nga't mababawMahirap lusungin nang hindi maalamKaya kung sakaling
ako'y masawi manKamay mong isasagip yaong hiniihintay."
DUPLOIto ang humalili sa karagatan . Ito'y paligsahan ng husay
sa pagbigkas at pangangatuwiran na patula. Ang mga pangangatuwiran
ay hango sa Bibliya, sa mga sawakain, at mga kasabihan. Karaniwang
nilalaro ito sa paglalamay sa gunita ng isang
namatay.Halimbawa:Hari :Yamang sa tuos ko ngayo'y natalastasna ang
isinasakdal dito'y nahaharapang unang bigkas sa naritong dilag
siyang tinutukoy na di nagbabayadBilyako :Bilyaka,mangyaring
sumagot ka ngayonkung inaamin mo ang sinabing sumbong saging na
nalugok, dahon may kaluntoybayaran ang dapat sa takdang
panahon.Bilyaka :Hari namong giliw na kagalang-galang.punong
sinusunod nitong kalahatanang kamunting tutol ay inyong
pakingganniring walang sala't wala namang utang.Hiwagang malaki ang
parating nilasapul magkaisip ay di nakilala saging na nasabing
hindi kinukuhaat di nangungutang kahit isang pera.Bilyako gasp
emoticon! Himalang dilag na magpagpasakitsa bayaning pusong lalong
umiibigano't yaong utang ay wawaling-tikisat ikakaila yaring
pag-uusig.Dito po ay taglay yaong katunayanbilang paghahabol sa
naturang utangmay dalawang saksi akong ililitaw na inilagak mo sa
pagpapatibay.
KURIDOAng salitang "corrido" (baybay sa Kastila) ay
nangangahulugan kasalukuyang mga balita (current events) sa mga
Mehikano.Dito sa Pilipinas ang kurido ay isang tulang pasalaysay na
natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at
pananampalataya ng mga tauhan. Karamihan sa mga paksa ay galing sa
Europa at dinala lamang dito ng mga Kastila.Naging tanyag na awitin
noong ikalabingsiyam na siglo ang kurido dahil sa kakulangan ng
babasahin, libangan, at panoorin ang mga tao. Ang ilan sa ating mga
manunulat ng kurido ay sina Jose de la Cruz,Ananias Zorilla, at
Francisco Baltazar.Narito ang isa sa mga kuridong sinulat ni Jose
de la Cruz.Prinsipe Orentisni Jose de la Cruz O Trinidad
SantisimaDios na tatlong PersonaWalang huli't walang
unaCapangyarihan i iisa.Sa lakas ng carunungan At tanang
capangyarihan Balang inyong caloobanYari ng ano mang bagai.Linalang
din namang tigisYaong Imperio ng langitSampo ng mga
AngelesArcangels, Querubines.At sa iyo Inang VirgenVirgeng dating
maawain Ang tulong mo i papagcantimMatutu nang sasabihin.Yayang din
sa camahalanNgayon dito i napipisanAng aquing capamanhicanMunting
tahimik ay bigyan.At aquing pupunuan naCorrido i ipagbadiaHangga't
salin sa historiaNiyon buhay ni Cassandra.At ang mundong
UniversoLinalang mo rin Dios coMadlang halaman at damoIsda, hayop,
ibang tao.Caya ang hingi ko ngayonAng ama mo't papaamponSa aquing
ay iabuloySabi co i nang mapatuloy.Sa historia i sinasambit Ang
buhay ni QrandatisDoon naman i calaquipBuhay nitong si
Orentis.Historiang wikang CastilaAt limbag ng pagcatalaTinatagalog
at tinulaSa corrido i inilagda.a India Elegants Y EI Negrito
Amente(Sayneteng may isang yugto)Mga Tauhan:Uban,(pusong)Kapitang
Toming, (ita)Menangge, (babae)Pook: -Isang kalsada ng bayan ng
pagpipistahan. Lalabas si Uban na may dalang walis.Uban: -Apwera,
munti't malaki babae man at lalaki at nang hindi makarumi sa plasa
ng ng komedyante.Kay-hirap nitong magwalis, pigtas na ako ng pawis
mula ulo hanggang singit kamukha.y ulang tikatik.Ikalimang araw
ngayon nitong aking pagkukumon, may isang daang kareton nahakot
kong taeng-baboyPlasang ito'y gayon liit ay di ko malinis-linis,
binayaang naging silid o kumon ng aso't basig.Saka ito'y linisin
man ay wala ring kabuluhan gagawingsuwagan lamang ng kambing ,
baka't kalabaw,Dito'y walang makikita kundi nga giri, at salta,
kunday attadyak ng paa pampalubid ng bituka.Kay-hirap nitong
magkumon lalo't bituka'y maghilom, sakat ako'y walang patron na
magpalagok ng rom.Bakit si Kapitang Toming ita kong katutulungin ay
hindi pa dumarating, ako'y lubhang papagurin.Bamos, bata,
mag-agwanta, alang-alang na sa pista; k'widado,aking bituka, masama
ang maimpatsa!Lalabas si Kapitang Toming.Tom - Uban!Uban - He!Tom -
Uban!Uban - Tseng!Bakit ngayon ka lamang dumating?Tom - Ako
Uba'y...Taran, tieing...Uban - Ikaw nga'y si Kapitang Toming.Tom -
B'yen b'yen, hustong-husto:Si Kapitang Toming ako,Ang itang
chickhiriquilloo "EI Amante Negrito."Ita bagang kumakasi sa India
Elegante.Uban, tingnan mong mabuti ang dikit ng aking talye.Uban -
Ha, ha, ha, hay; ho, haaaa...!ikaw nga'y de-lebitasama pala ng
hitaura ng lokong putrilyong ita.Tom - Baya! que tonto ni Ubannene
ka taga-bayan man sabes tu ba ang dahilannitong lebita kong
taglay?Uban - At ano baga ang sanhi?Tom - Sumisinta nang
masusi.Uban - At kanino?Tom - Kay Manangge.Uban - Taga-Kalungusang
bungi?Tom - Hindi, ahoy. Kung makita ikaw may palit sisinta.Uban -
At biglang aayawan ka kung makitang de-lebita Tom - De-lebita?Uban
- Tran, trin, trok... sama ng ita sa bundok.Tom - Ang ita kung
umirog kamukha rin ng Tagalog.Uban - Maski ka na nanininta mulang
ulo hanggang paa, masamarin. ang hitsura kung magsugot ng lebitaTom
- Sa kiyas ko ngayo't tindig, suot-Kastila ang damit, sukat naUbang
maibig ni Menanggeng sagyang dikit.Pagka't nang siya'y ligawan ng
damit-itang natural ay di manako titigan kahit may regalong
taglay.Ako naman ay nagsugot damit.mestisong Tagalog, nagpustisopa
ng buhok, hindi ko rin napairogUmuli akong nanamit ng baro't
salawal Insik; regalo kongdala'y pagkat, hindi ko rin
napaibig.Nagpatabas ako ngani, damit-morong Balangingi, hindi ko
rin napagiri. ang sinta kong si Menangge.A ber, kung siya'y suminta
ngayong ako'y de-lebita pagka't angaking hitsura Kastila't hindi na
ita.Uban - Palibhasa'y itang burol isip ay palinsong-linasong;
Bamos!magwalis ka ngayon, halinhan akong magkumon.Tom - Di ka
nahihiya utusa'y damit-Kastela?Uban - Maghubad ka at gumawa saka
masugot mamaya.Tom - Yao'y mahirap na Uban, di ko na matutuhan,
pagka't tatlumpu at siyam bitones niring salawal.Kaya, Uban, huwag
pilitin na ako'y papagwalisin.Uban - Ay ang utang mo sa akin?Tom -
Agad ka nang naniningil?Uban - Pagka't marami kang utang ang mais
ay walong pukyan ang bigas aypitong gatang, ang tabako'y labing
siyam.Tatlong puso't , isang sibat saka limang barang bahag. at
anim na ripang kawad at pitong tuhong na k'wintas Tom - May
pambayad akong taglay at pulot-panilan Uban - Kanimo mo ibibigay,
sa sinta mong mukhang kulam? Tom - Uban , kung ibig mo sana,
dinggin mo kung mabuti na ang itatapat kong kanta kay Menanggeng
aking sinta.Uban - Kanya yata sa ambahan di ko na ibig
pakinggan.Tom - Marikit na kantang bayan bago pinag-aaral.Uban -
Baya! Kantahin mong agad, totonohan ko ng lundag.mahiwalay man sa
kumpas magagamot na ng tuwad.
-AWIT-Tom - Raudables de Ilantovertian mis ojos,espinas y
abrojosmi consuelo fue.Amor inconstantebuscaba mi amor,y luego
letratome quiso mostrar.Adios, mi dulce Nangge,me amante perjura,
conten la bravurade tu pecho cruel.Uban - Baya! kanta mo'y mainam
katono ng aking sayaw;nguni't masarap isawsaw ang buloy sa
pulot-panilan.Malinis na itong plasa na pagsusuwagan ng baka, sa
bahay ko'ymuwi kita, ang lakad mo. Uba'y ikumpas sa marcha. (Tuloy
pasok)-AWIT-Tom - Hermosa de los balconesel ruido sa hace ilegar,no
turbas los corazonesde los que van a canter.EI flechero cuando
cantaen vez de buscar dolor eonsuela don su gargantava diciendo
"venga amor"-SALITA-Tom - Aba naririto ang sanhi ng dala kong
dalamhati. (Titingin sa dakong kinauupuan ni Menangge.)Buenas
noches, Nora Menangge, kamusta ang kulasisi?Men - Ang kulasisi
bagang bigay mo?Tom - At alin pa kundi ito.Men - Di kulasisi't
kuwago o sabukot ang tingin ko.Tom - Kulasisi pong marilag.Men - Ay
di kulasising gubat, dito sa baya'y ang tawag kuwagong parang na
mailap Tom - Kulasising namumutok ang ibon kong inihandog mapula
ang tuka, maputi ang tuktuk, balahibo'y berde, ang pakpak ay
kusot.Saka malaki ang mukha na nakakaparis ng pusa.Men - Ay di
yao'y kuwago na nga, ikaw na ang nagwiwika Tom - Kung ang ibon
aking alay ay di mo po nagustuhan, ang ibong mula sa atay,
tanggapin mong mahinusay.Men - At anong hitsura ibon?Tom - Tila po
manok sa kapon.Men - Anong hitsurang kolor?Ton - Dinggin mo po't
nang manuynoy.-AWIT-Tom - Oh! masinag na sula Dinggin mong
magdalita at magdala kang awasa sintang luluha-luha.Dahilan nga sa
pag-ibignalogmok ako sa sakit,at kung di ka mahahapishininga ako'y
mapapatid.Men - Singngin kita ay malayo,di mo ako masisilosa paraya
mo at hiboat di ukol yaring puso.Ang laga'y mo'y titigandi kita
magkakahusay,aba naring kapalaransa dalita'y mamamatay!
-Salitaan-Tom - Ay! Menangge, kung makikitang si Titoy ay kausap
ka, angpuso ko'y nag-aalsa nakukubid ang bituka.Lalo na't kung
mamamalas na ikaw ay kinakausap ng mayamang insik-Guat ang dibdib
ko'y nabibiyak.Nagreregalo ng hamon, kandila, kakaw at litson, sa
pag tanggap mo'y mayroon titig na paalon alon.Men - Anong masakit
sa iyo tumatanggap man ng regalo? Ito'y ugali sa mundo ang masok ay
itago mo.Tom - Ngungi't hindi sa paggiliw.Men - Sa paano ma'y gayon
din, balang bigay ay tanggapin kung sapuso nanggagaling.Tom - Ang
gayon ay nakokontra, tungkol sa utos ng sinta.Men - At sumisinta ka
baga?Tom - Banta ko'y talastas mo na.Men - Kung yao'y natatap ko di
tatanggapin ko iyong padalangragalo masamang ibong kuwago. At saka
ako'y tagalog at ita kang taga-bundok, papaanongmakukupkop ang
iyong haying pag-irog?Tom - Ha, ha, ha, haaaa!...(Tatawa si
Toming.)Laki niring kamalian isip ko'y di ka pahikan iyo
palangtinitingnan, ang balat, hindi ang laman.Men - Malis ka sa
aking harap. itang masamang mangusap.Tom - Huwag kang magalit,
liyag, sa aki'y magdalang habag!Tom - Kung tinitingnan mong si
Pebo'y sisikat at ang Santinakpa'ypupunin ng sinag, nagsisipamuka
ang tanang bulaklak, ang puso ko nama'y yuyuni sa hirap;Ang lahat
ng ibo'y nangag-aawitan salubong sa galak na handog ng araw, ang
puso ng iyong kinagagalitan, sumasayapak mo't pagsinta ang alayKung
matanghali na't sumasal ang init sa payapa'y kusang lahat ay
hihilig pakakandong naman ang aba kong dibdib sa masainding dusa
dahil sa pag-ibig.Men - Pamimintana na ang masayang araw sa
tahanang ginto sa Dakong Silangan, inisip ko na kung anong paraan,
masok sa puso ko ang pagsintang tunay.Kung magabi nama't magkusang
sumabog sa masayang langit ang bituing tampok, kung sa nakaraang
maghapo'y umirog parang asong biglang papanaw sa loob.ano pa't ang
sinta'y hindi kumakapit kundi nga sa balatlamang niring dibdib,
kung dini sa puso'y masok ang oag-ibigletra ang kaparang sinulat sa
tubig.-Salitaan-Tom - Kung kalakal mang marumi ang pag-ibig ng
babae mahal,mura'y binibili ng pagsinta ng lalaki.Pagka't balang
isang galaw ninyo kung nililigawan, lubhang malakas umakbay sa puso
ng lumiligaw.Isang mapungay na sulyap o isang pagtingin kindat, sa
lalakingsinasagap parang hamog ng pagliyag.Kaya ang hingi sa iyo
ako ngayo'y ibigin mo, at kung makasal na tayo mabigla ka ng
magpayo.Men - Huwag mo akong biruin ng ulol na pagtuturing; ang
hindi dapat galitin hindi sukat aglahiin.Tom - Hindi kita binibiro
wika ko'y tunay sa puso at doon sa aminghulo ay ganito ang
pagsamo.Kung ako'y iyong ibigin at mag-asawa sa akin ang sambong
natatanggapin kuwarentaydos biniling.Isang dosenang bukala ang
puluha'y pawang safya may garingpilak at tingga at kabit-kabit na
tagaIbibigay kong bangibang buntot ng talukapisan at saka dahonng
pandan, marikit ka nang titingnan!Kaya nga ako'y ibigin at wala
kang hihilingin na di agad tatanggapin sa sintang Kapitang
Toming.Men - Ako'y lubha ng galit. Umalis ka. itang buwiist!Tom -
Palamigin mo ang dibdib, at dinggin mo yaring hibik!-AWIT-Tom -
Titigan ang luha ng lingkod mong aba, hulugan ng awa akong may
dalita.Nang hindi malugmok ang palad kong kapos. pilit malalagot
dahil sa pag-irog.Lulubog-luhog ang puso sa iyong alindog kung di
mahahapis sa palad kong amis. sasabog ng pilit dahil sa
pag-ibig.Men - Kung nagkakataong sa hangi'y ibuhos ang bagyo 'sa
mundo'ymadla ang lulukob, nguni't kamunti ma'y hindi malulukot
sabagyo ng sinta ang puso ko't loob.Palibhasa'y aking tatap aral ng
sa mundo'y lakad ang pagsinta'tpagsusukab mahigpit ang
pagkalapat.Kahabagan kita sa linungoy-lungoy kahit kamunti man sa
puso ko ngayon, isipin ang puso kung sa sinta'y tukoy
dimananatiling magiging maghapon.Ang pagsinta'y ang kamukha ay
pag-ibig ng bata kung ngayo'yparang kandila baluktot na
maya-maya.-Salitaan- Tom - Ako'y iyomg pinapagod Menangge, sa
sayo't luhog, tingni't may ita sa bundok na matibay na
umirog.Kabibi nga ang kaparis sa aplaya ng pag-ibig, kung
aluni'ymatitirik, tataob o tatagilid.Tantui't yaring pag-irog
parang tiking natutulos, lubhang mahirap mahugot ng alo't matuling
agos.Men - Walang kasinungalingan para ng iyong sinaysay.
nakikilalakang tunay na tubo sa kabundukan.Kung sa bayan ka tumubo
ang pagsinta'y matatanto; yaring pinaghalu-halo ng sumpa, daya at
biro.Tom - Gayon nga kung magsusulit ang di suminsintang dibdib,
dapwa.t sa umiibig ng sinta'y tunay na langit.At nang iyong
matatalastas ang ganang aking pagliyag.dinggin mo't isisiwalat sa
awit kong ikukumpas.-Awit- Tom - Sa mundo ang pagsintasiyang unang
ligaya kayamanan at ginhawa,ay! tuwa ng kaluluwa.kung ang buhay
nati'y katipunang salitat siyang sadlakan ng dalita't hapis,anhg
buong ligaya'y nasa sa pag-ibigang pasinta'y siyang gamot sa
hinagpis.Toming at Menangge-Sabay-Tom-Men - Ang sinta'y ipagdiwang
siyang tali ng buhay, lubhang mayamang bukal, ay! ng sigla't
katuwaan.Men - Sa pagsinta'y walang hindi sumusuko ang lalong
mailap ay napaaamo, ang tigreng mabangis na uhaw sa dugo daig ng
pag-ibig at napasusuyo.Tom-Men - Ang sinta'y ipagdiwang siyang tali
ng buhay lubhangbukal ay! ng sigla't katuwaan.--Wakas--SARSUELAAng
sarsuela ay isang melodrama o dulang musikal na tatatluhingyugto.
Ang paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin.Maglalarawan din ito
ng pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino.Upang lalong magustohan
ng mga manonood, hinahaluan ito ngkatatawanan na laging
ginaganpanan ng mga katulong sa dula.Sinasabing ito'y naging
libangan nang mga huling taon na ngpananakop sa atin ng mga
Kastila.Ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng sarsuela ay ang
"Walang Sugat" ni Severino Reyes na namalasak mula sa huling taon
ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa mga unang taon dito ng mga
Amerikano.Sapagkat ang isa sa pinakalayunin ng mga Kastila sa
pananakop nila ng mga ibang bansa ay ang magpalaganap ng
pananampalatayang Katolisismo. kaya't ang una nilang itinuro sa mga
Pilipino'y ang relihiyon. Nagbukas sila ng mga paaralan o kolehiyo
sa ilalim ng pamamahala ng mga pari.Ang mga unang kolehiyong
itinatag nila ay ang mga sumusunod:1-Colegio de San
Jose-16022-Colegio de Santo Tomas-1611 (naging
unibersidad-1645)3-Colegio de San Isabel (1632)4-Beaterio de la
Campana5-Colegio de Santa Rosa (1750)6-Colegio de la Concordia
(1869)KABANATA4Panahon ng Pagbabagong IsipKALIGIRANG
KASAYSAYANNagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong
pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang
isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez,
Burgos, at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang
matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito'y naganap noong ika-17 ng
Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang
liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa
pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng
liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Marie de la Torre.Naging
lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit di na nila
nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga
Pilipino. Ang dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at
humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.ANG
KILUSANG PROGPAGANDAAng kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga
intelektuwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar, Granciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose
Ma. Panginiban, Pedro Paterno, at iba pa. Paghingi ng reporma o
pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.1.
Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila
sa ilalim ng batas.2.Gawing lalawiganin ng Espanya ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng
Espanya.4.Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.5.Ibigay ang
kalayaan ng mga Pilpino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.MGA TALUKTOK
NG PROPAGANDATatlo ang taluktok o pinakalider ng Progpaganda. Ang
mga ito'y sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,at GrancianoLopez
Jaena. Tunghayan natin ang mga kani-kanilang mga dakilang ambag sa
bayan. Dr.Jose Rizal Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda
ang buo niyang pangalan. Siya ay ipinanaganak noong Hunyo 19, 1861
sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna. Naging unang guro niya
ang kanyang ina na si Teodara Alonzo.Nag-aral siya sa Ateneo de
Manila. Nagsimula siyang mag-aral ng medisina sa Pamantasan ng
Santo Tomas, ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral ng Madrid.
Nag-aral din siya sa pamantasan ng Berlin, Leipzig, at Heidelberg.
Ang kanyang buhay ay nagwakas noong Disyembre 30, 1896, nang
ipabaril siya ng mga Kastila na nagparatang sa kanya ng sedisyon at
paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila . Ginamit niya ang
sagisag na Laong-laan at Dimasalang sa kanilang mga panulat.ANG
KANGYANG MGA AKDA 1."Noli Me Tangere"- Ito ang una at walang
kamatayang nobelang nagpasigla nang malaki sa Kilusang Pragpaganda
at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat na
ito ay walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahari
sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Mahigpit na ipinagbawal
ng mga Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit maraming salin ang
lihim na nakapasok sa kapuluan, bagama't ito'y nangangahulugang
kamatayan sa nag-iingat. Ang "Noli" ay nagbigay sa panitikang
Pilipino ng mga di-malilimot na tauhang larawang -buhay na
mananatili sa isip ng mga bumabasa, gaya nina Maria Clara, Juan
Crisostomo Ibarra, Ellias, Sisa, Pilosopong Tasio, Donya Victorina,
Kapitana Maria, Basilio, at Crispin. Makapangyarihan ang panitik ni
Rizal sa paglalawarang-tauhan.2."El Filibusterismo"-Ang nobelang
ito'y karugtong ng Noli. Kung ang Noli ay tumalakay sa mga sakit ng
lipunan, ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama
rito ang katulong ngunit higit na naging makapangyarihan, ang
simbahan. Kaya't madalas uriin ang Noli na nobelang panglipunan at
pampulitika naman ang fili.Sa Fili ay naging Simoun si Ibarra. Ang
dating malamig, mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si
Ibarra ay naglagablab na kagubatan ng ngitngit, poot at
oaghihiganti sa bulok at tiwaling pamahalaan.3."Mi Ultimo
Adios"-(Ang Huli kong Paalam)- Ito ay kanyang sinulat noong siya ay
nakakulong sa "Fort Santiago "Ipinalalagay ng marami na ang tulang
ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.Ang
tulang ito'y di nilagyan ng pamagat ng umakda. Ang pamagat na ito'y
inilapat ng ibang tao nang si Rizal ay namatay na.4."Sobre La
Indolencia de Los Filipinos" (Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino).Ito'y isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga
dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.5."Filipinas
Dentro De Cien Anos" (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang
Taon).PANAHON NG PAGBABAGONG ISIPIto ay isang sanaysay na
nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa
Pilipinas ay mababawasan,samantalang ang impluwensiya ng Estado
Unidos ay mararamdaman. hula ni Rizal: Kung may sasakop uli sa
Pilipinas, walang iba kundi ang Estado Unidos. 6."A La Juventud
Filipino"(Sa Kabataang Pilipino)-Ito ayisang tulang inahandog niya
sa mga kabataang Pilipinong nag aaral sa Pamantasan ng Santo
Tomas.7."El Consejo De Los Dioses" (Ang Kapulungan ng mga
Bathala)-Ito ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng
paghanga kay Cervantes.8."Junto Pasig" (Sa Tabi ng Pasig)-Isinulat
niya ito nang siya ay may 14 na taong gulang lamang.9."Me Piden
Versos" (Hinilingan Nila Ako ng mga Tula)-1882at"A Las Flores de
Heidelberg" (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882) Ang dalawang
tulang ito ay nagpapahayag ng mga di-pangkaraniwang kalaliman ng
damdamin.10."Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por Ei
Dr.Antonio de Morga" (Mga Tala sa Akdang mga Pangyayari sa
Pilipinas ni Dr.Antonio de Morga) 1889.11."P Jacinto; Memorias de
Un Estudiante de Manila" (P Jacinto;Memorias de Un Estudiante de
Manila:Mga Gunita ng Isang Estudyante sa Maynila) 1882.12."Diario
de Vinje de Norte Amerika" (Talaarawan ng paglalakbay sa Hilagang
Amerika)Marcelo H. del PilarSi Marcelo H. del Pilar ay
kilalang-kilala sa kaniyang mga sagisag sa panulat na Plaridel,
Pupdoh, Piping, Dilat, at Dulores Manapat. Siya'y isinilang sa
Cupang. San Nicolas, Bulacan noong ika-30 ng Ang kanyang mga
magulang ay sina Julian H del Pilar, kilalang manunulat sa wikang
Tagalog, at Ginang Biasa Gatmaitan.Kapatid niya ang paring si P.
Toribio H. del Pilar na ipinatapon sa Marianas noong 1872. Marami
silang magkakapatid at dahil doon,ang ginawa ni Plaridel ay hindi
tumanggap ng mana at ang nauukol sa kanya ay ibinigay sa mga
kapatid.Si Plaridel ay nagsimula ng pa-aaral sa kolehiyo ni G.
Flores at pagkatapos ay lumipat sa Kolehiyo ng Jose. Di-nagtagal ay
lumipat siyang muli sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang
pag-aaral ng huling kurso ng derecho ay napatigil nang walong taon
dahil sa pagkakagalit nila ng kura sa pag aanak sa binyag sa
simbahan ng San Miguel, Manila noong 1869 ay nakuha rin niyang
matapos ang karunungan sa pagiging manananggol.Itinatag ni Plaridel
ang pahayagang "Diariong Tagalog" noong1882, na pinaglathalaan niya
ng mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang
Kastila at dahil sa iba'tibang kasalanang ibinuhat sa kanya na
bunga ng paghihiganti ng mga prayle at upang maiwasan ang gagawing
pagpapatapon sa kanya ay napilitang maglakbay sa Espanya noong
1888.Naging katulong niya si P. Serrano Laktaw sa paglalathala ng
naiibang pasyon at katesismo na kababasahan ng masasakit na biro sa
mga prayle. Ginawa rin nila ang "Dasalan at Tocsohan" at ang
"Kaiigat Kayo," galing sa salitang igat na isang uri ng isdang ahas
na nahuhuli sa pulitika.Nang dumating siya sa Espanya. hinalinhan
niya si GracianoLopez Jaena bilang patnugot ng La Soliridad na
nagingtagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga
kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino. Ngunit hindi tumagal nang
mahabang panahon at napatigil siya dahil sa pagkakaroon niya ng
karamdaman. Malubha na siya at hindi halos makalakad ay nagtangka
pa ring makarating ng Hongkong upang doon man nabigo siya sa tangka
niyang ito. Sa sakit ng pagkatuyo ay namataysiya sa Espanya,
nguni't bago binawian ng buhay ay ipinagbilin sa mga kasama na
paratingin sa kanyang asawa't mga anak ang sumusunod na tagubilin:
"sabihin niyo sa aking pamilya na sila ayhindi ko
napagpaalaman.Ibalita ninyo ang kapalaran ng ating mga kababayan.
Ipagpatuloy niniyo ang pagtuklas ng ginawa at kagalingan ng ating
bayan.Iyan ang dahilan kaya si Plaridel ay may sariling pitak sa
kasaysayan ng ating bayan.Hindi na mabilang ang mga
lansangangnagtataglay ng kanyang pangalan. Ang dating bayan ng
Kingwa ay ginawang Plaridel, ang mataas na paaralan sa Malolos
ayMarcelo H. del Pilar High School, nguni't higit sa lahat,
mananatiling buhay habang panahon ang kanyang kagitingan at
pagkamakabayan.ANG MGA AKDA NI MARCELO H. DEL PILAR1. "Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa" -salin sa tulang Kastilang"Amor Patrio" ni Rizal na
napalathala noong Agosto 20, 1882 sa "Diariong Tagalog. "2.
"Kaiigat Kayo" -Ito'y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa
tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa " Noli" ni Rizal; inilathala sa
Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng "dolores Manapat" sa akda
niyang ito.3. "Dasalan at Tocsohan" -akdang hawig sa katesismo
subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona.
1888.Dahil dito'y tinawag siyang "Pilibustero."Kahanga-hanga ang
himig na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.Halimbawa ng
isang bahagi."Amain Namin""Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang
ngalan mo malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito
sa lupa para sa langit.Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyong inarao-arao at patawarin mo kami sa iyong pag-ungal para ng
taua mo kung kami'y nacucualtahan. at huwag mo kaming ipahintulot
sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen.4.
"Ang Cadaquilaan ng Dios"- Ito'y isang hawig sa katesismo subalit
patuya laban sa mga prayle na inilathala sa Barcelona.Itoy'y isang
sanaysay ng pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit nagtataglay ng
mga pilosipiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng Poong
Lumikha, pagpapahalaga. at pag-ibig sa kalikasan.5. "Sagot ng
Espanya sa Hibik ng Pilipinas"-isang tulang nagsasaad ng paghingi
ng pagbabago ngunit ang Espanya ay napa katandaat napakahina na
upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas. Ang tulang ito'y
katugunan sa tula ni Herminigildo Flores na "Higik sa Pilpinas, sa
Inang Espanya".6. "Dupluhan...Dalit...Mga Bugtong"- ito'y katipunan
ng maiigsing tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.7. "La
Soberana en Filipinas"- isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian
at di makatarung ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.8. "Por
Telepono"9."Pasiong Dapat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Babasa".Si
Graciano Lopez Jaena(1856-1896)Isinilang noong Disyembre 18, 1856,
at binawian ng buhay noong Enero 20,1896,Si Graciano Lpez Jaena ay
isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang
Fray Butod. Butod ang salitang Hiligaynon para sa kabag at katumbas
din ito ng balbal na tabatsoy.Dukha ang mga magulang nang isilang
si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 18, 1856.
Ang ina niya, si Mara Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang
ang ama, si Plcido Lpez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na
lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang
lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba
ang tinubuan ni Graciano.Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng
mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa
Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni
Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang
dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita.Noong 1870,
nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San
Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging
manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga
magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa
Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng
Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip,
ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi
bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos
ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga
magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung
ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay
sa pali-paligid.Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot
niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang
18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa
sinulat niyang Fray Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa
babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen
samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao.Hindi ito
nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang
umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga prayle kay Graciano
nang patuloy siyang kumalampag (campaa, campaign) ng katarungan
para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Espaol na
alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi
si Graciano na ipahayag na natural ang pagkamatay ng mga bilanggo.
Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga
frayle. Nuon siya tumakas sa Espaa.Noong Pebrero 15, 1889,
inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang
pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga
artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata
ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at
makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang
Kastila.Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na
40 sa Madrid, Espanya.
ANG MGA AKDA NI GRACIANO LOPEZ JAENA1."Ang Fray Botod"-isa sa
mga akdang isinulat niya sa Jaro, Iloilo, noong 1876, anim na taon
pagkatapos na himagsikan sa Kabite, na tinituligsa ang mga prayle
na masiba, ambisyoso, at imoral ang pagkatao. Ang "satire" o
mapagtawang Bisaya ay "malaki ang tiyan" o mapagpatawang kuwentong
tuligsa sa kasamaang kaganap noon sa simbahan. Narito ang
pagsusuring salin sa Tagalog ng Fray Botod na sinulat ni Magdalena
P. Limdico.FRAY BOTODNi Graciano Lopez JaenaSino si Botod?May
dalawang taong nag uusap at ang kanilang pinag-uusapan ay tungkol
kay Pari Botod. Nasa plaza sila at nakita nila ito na may kasamang
babae. Sinasampal ang babae at napaluhod ito at nagmamakaawa na
wari humihingi ng kapatawaran. Siya ang kura paroko sa bayan.
Talagang naririto sila at nagmamalabis hindi lamang sa ispiritwal
na bagay kundi sa (politico) pamahalaan at sa kalaswaan.Darating
ang araw at pagbabayaran din nila ang kanilang pagkakautang.Daig pa
pala sa Tsina.Paglalarawan:Ang kahulugan ng Botod ay malaking tyan
at ito ang itinatagurisa kanya ng mga tao. Ang ngalang binyagan nya
ay Ana dahil sa ipinanganak sya sa kapistahan ng Santa Ana- ina ng
Mahal na Birhen.Siya ay taga- Aragon at ang mga magulang niya ay di
nya nakilala. Siya ay natagpuan ng isang mangingisda sa ilog ng
ebro malapit sa simbahan ng "Our lady of Pillar"- nang sumapit sa
14 na taon ay tumakas at nagpunta sa villadolid sa kumbento ng mga
Agustino.Siya ay 21 ng maatasang pumunta sa pilipinas. Siya ay nag
anyong mahiyain ngunit pagkatapos na maging kura paroko, nagging
mapagmalaki at napakayaman.pandak siya , may bilugang mukha na
paranf buwan, bilugang pisngi. Makapal ang labi, maliliit ang mga
mata, mapulang ilong na malaki ang butas kya medaling makaamoy.
Mamula-mulang buhok, bilugan ang ulo na tulad ng bao ng niyog.
Kunot ang noo at matalas tumingin. Napakalaking tiyang nakausli at
maikli ang leeg- iyan si Padre Botod.Gawain ng mga Batang
Babae:Kikay - mamamaypayPula - nangingiliti sa paaLoleng -
naghihilot sa uloTitay - nag-aalis ng kutoManay - nangingiliti sa
tainga sa tulong ng pakpak ng manok Arang - nanghihila ng
daliriAnsay - nang-aalis ng puting buhokBiray - pinakamaganda
-nanghihimas sa tiyanCalay - bumubulong ng mga istorya sa tainga
upang makatulong para mag-isip ng sarap sa buhay. May iba
pa-ayokong sasabihin kapag naghihilik na-isa-isang umaalis.May
misteriosang pintuan na spring.2- dalagang magaganda ang papasok,
uupo sa silya sa tabi ng pari at maghihintay sa nais mangyari ng
pari.Imahinasyon na ninyo ang bahalang humabi sa mga dapat
mangyari.Paano siya nagpaparusa?Pag may Indio na di nagtrabo dahil
sa maysakit ang asawa.Palo- 50x3=150lagyan ng suka at paminta para
madali2. Ang iba pang isinulat ay ang La Hija del Praile, at ang
"Everything is Hambug" o (ang lahat ay kahambugan). Dito ay
ipinaliliwanag ni Lopez Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan kung
mapakasal sa isang Kastila.3. "Sa Mga Pilipino"- 1891- Isang
talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Malaya, maunlad, at may karapatan.4. "Talumpating Pagunita kay
Kolumbos"- Noong ika-391 Anibersaryo sa pagkakatulas ng Amerika na
binigkas niya sa treatro ng Madrid.5. "En Honor del Presidente
Morayta dela Asociacion Hispano Pilipino"- 1884- pinuri ni Lopez
Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay-pantay niya sa mga tao.6. "En
Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo"- 1884- Matapat
na papuri sa kanilang mga iginuhit na naglalarawan ng mga kalagayan
ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.7. "Amor A Espanya o Alas
Jovenas de Malolos"- (Pag-ibig ng Espanya sa mga kababaihan ng
Malolos. Pag-aaral sa Kastila ng mga babae na ang guro ay
gobernador ng lalawigan ang magbibigay).8. "El Bandolerismo En
Pilipinas"- Ipinagtanggol ni Graciano Lopez Jaena na walang tulisan
sa Pilipinas at dapat makaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at
kailangang (Pilipinas) baguhin upang hindi mahirapan ang
Pilipinas.9. "Honor En Pilipinas"- Karangalan sa Pilipinas- ang
pagwawagi sa exposisyon nina Luna, Resurreccion, at Pardo de
Travera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangan sa Pilipinas.10.
"Pag-aalis na Buwis sa Pilipinas."11. Isang paglinang sa
"Institucion ng Pilipinas."12. "Mga Kahirapanj ng Pilipinas"-
Tinutukoy rito ni Lopez Jaena ang maling pamamalakad at edukasyon
sa Pilipinas- 1887.IBA PANG PROPAGANDISTAAntnio Lunasi Antonio Luna
ay isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa
Espanya. Sumanib siya sa Kilusang Propaganda at nag-ambag ng
kanilang mga sinulat sa La Solidad. Ang paksa ng kaniyang mga akda
ay halos natutungkol sa kaugaliang Pilipino at ang iba'y
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila. Ang ginamit niyang
sagisag sa panulat ay Taga-ilog. Namatay siya sa gulang na 33 noong
ika-7 ng Hunyo 1, 1899. Pinatay siya diumano na mga tauhan ni
Aguinaldo, sanhi nang mabilis niyang kabantugan na naging kaagaw
niya sa pagtingin ng bayan.Ang ilan sa kaniyang mga inakda ay ang
mga sunusunod:Noche Buena- naglalarawan ng tunay na buhay
Filipino.Se Divieten- (Naglalarawan Sila)- isang pagpuna sa sayaw
ng mga Kastila na halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga
nagsisipagsayaw.La Tertulia Filipina- (Sa Piging ng mga Pilipino)-
naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na ipinalalagay niyang
lalong mabuti kaysa kaugaliang Kastila.Por Madrid- tumutuligsa sa
mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo.La Casa
de Huespedes- (Ang Pangaserahan)naglalarawan ng isang pangaserahan
na ang kasera'y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumita,
kundi upang maihanap ng mapapangasawa ang kaniyang
anak.Impresiones- ito'y isang paglalarawn sa ibayong kahirapang
dinaranas ng isang mag-aaral na amang kawal.MARIANO PONCESi Mariano
Ponce ay naging tagapamahalang patnugot,mana-nalambuhay, at
mananaliksik ng Kilusang Propaganda. Ang kaniyang mga ginamit na
sagisag sa panulat ay Tikbalang, Kalipulako, at Naning. Tungkol sa
kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kaniyang mga
sanaysay. Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang mga
karaingan ng baya.Ang ilan sa kaniyang mga akda na naiambag niya sa
Panitikang Filipino ay ang mga sumunod:Mga Alamat ng Bulakan-
naglalaman ng mga alamat at kuwentong bayan ng kaniyang bayang
sinilangan.Pagpugot kay Longino- isang dulang Tagalog na itinanghal
sa liwasan ng Malolos, Bulakan.Sobre FilipinasAng mga Pilipino Sa
Indo-TsinaPEDRO PATERNOSi Pedro Paterno ay isang iskolar,
dramaturgo, mananaliksik, at nabelista ng Kilusang Propaganda.
Sumapi rin siya sa Kapatiran ng ,ha Mason at sa Asociacion
Hispano-Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mga Propagandista.
Siya ang unang manunulat na Plipinong nakalaya sa sensura sa
panitikan noong mga huling araw ng pananakop ng mga Kastila.Ang mga
sumusunod ay ilan lamang sa kaniyang mga sinulat:Ninay-
kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng
isang Pilipino.A Mi Madre (Sa Aking Ina)- nagsasaad ng kahalagahan
ng isang ina, na nagiging malungkot ang isang tahana kung wala
ito.Sampaguitas y Poesias Varias- katipunan ng kaniyangt mga
tula.JOSE MA. PANGANIBANIkinubli ni Jose Ma. Panganiban ang
kaniyang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na Jomapa. Kilala
rin siya sa pagkakaroon ng "Memoria Fotografiga". Siya ay halos
kabilang sa mga kilusang makabayan.Ang ilan sa kaniyang mga
naisulat ay ang mga sumusunod:-Ang Lupang Tinubuan-Sa Aking
Buhay-Su Plan de Estudio-El PensamientoANG PANAHON NG TAHASANG
PAGHIHIMAGSIKKALIGIRANG KASAYSAYAN Hindi naipagkaloob sa mga
Pilipino ang mga hinihinging pagbaba-go ng mga Propagandista.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpa-tuloy ang pang-aapi at
pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang
pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang
Espanya sa Pilipinas ay nasalungat pa rin ng mga prayleng
nangaghari rito.Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga
mamamayang Pilipinong kabilang sa pangkat ng "La Liga Filipina"
(isang samahang sibiko na pinaghihinalaang mapanghimagsik at naging
dahilan ng pagkakatapon sa Dapitan ng nagtatag na si Jose Rizal) na
tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini,
Jose Palma, Pio Valenzuala, at nagsipagsabi na "wala nang
natitirang kunas kundi ang maghimagsik." Ang naging laman ng
panitikang ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at
pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang
matamo ang inaasam na kalayaan.MGA TALUKTOK NG TAHASANG
PAGHIHIMAGSIKAng kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang
paghihimagsik at sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at
Apolinario Mabini. Tunghayan natin ang kani-kanilang naging
dakilang ambag sa bayan.ANDRES BONOFACIOKilalang-kilala si Andres
Bonifacio bilang "Ama ng Demokrasyang Pilipino", ngunit higit sa
lahat , bilang "Ama ng Katipunan" sapagkat siya ang namuno sa
pagtatag ng samahang "Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan"Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay
ni Andres Bonifacio, kaya't sinasabing ang kaniyang mga natutuhan
ay pawang galing sa "paaralan ng karanasan".Si Bonifacio ay lalong
kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit
mayroon din naman siyang naging akdang nagpaalab sa himagsikan at
naging bahagi ng ating Panitikan. Narito ang ilan sa kaniyang mga
akda.- Katungkulang Gagawin ng Mga Anak ng Bayan- nahahalintulad sa
Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartiyang ito.- Huling
Paalam- salin sa Tagalog ng "Mi Ultimo Adios" ni Rizal.- Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa- isang tulang naging katulad din ng pamagat ng
kay Marcelo H. del Pilar. Narito ang tula.Ang pag-ibig pa ang
hihigit kayasa pagkadalisay at pagkadakilagaya ng pag-ibig sa
tinubuang lupa?aling pag-ibig pa?wala na nga, walaUlit-ulitin mang
basahin ng isip at isa-isahang talastasing pilitang salita'y buhay
na limbag at titikng sangkatauhan ito'y namamasid.Banal na pag-ibig
pag ikaw ang nukal sa tapatna puso ng sino't alin manUmaawit,
tumula, kumantha't sumulat Kalakhan din nia'y isinisiwalat.Walang
mahalangang hindi inihandogng may pusong mahal sa Bayang
nagkupkopdugo, yaman, dunong, katiisa,t pagodbuhay may abuting
magkalagot-lagot.Bakit?alin ito na sakdal ng laki na hinahandugan
ng buong pagkasina sa lalung mahal nakapangyayariat guinugugulan ng
buhay na iwi.Ay!ito'y ang Inang bayang tinubuansiya'y ina't tangi
kinamulatanng kawiwiling liwanag ng arawna nagbigay init sa lunong
katawan.Sa kania'y utang ang unang pagtatanggapng simuy ng hanging
nagbibigay lunas sa inis na puso na sisingap-singapsa balong
malalim ng siphayo't hirap.Kalakip din nito'y pag-ibig sa bayanang
lahat ng lalung sa gunita'y mahal.Naging pinakakanang-kamay ni
Emilio Agunaldo nang itatag ang Republika ng Malolos. Ang kaniyang
naging ambag sa panitikan ay karaniwang nahihinggil sa pamahalaan,
lipunan, pilosopia, at pulika. Narito ang ilan sa kaniyang mga
naisulat:- El Verdadero Decalopgo-(Ang tunay Na Sampung Utos)-Ito
ang ipinalalagay na kaniyang pinaka "obra maestra" na ang
pinakahanga niya rito ay ang magpalaganap ng nasyonalismong
Pilipino. Narito ang kabuuan ng "Tunay na Sampung Utos" ni
Mabini.Ang Tunay na Sampung UtosUna-ibigin mo ang Diyos at ang
iyong karangalan nang higit sa lahat ng bagay:Ang Diyos ay batis ng
lahat katotohanan, ng lahat katarungan, at ang lahat ng gawain; at
ang karangalan mo'y siyang tanging kapangyarihang mag-uutos sa iyo
na ikaw ay maging matapat, mabait, at masipag.Ikalawa- sambahin mo
ang Diyos sa paraang minamabuti at minamarapat ng iyong budhi,
sapagkat sa iyong budhi, na humahatol sa masama mong gawa at
pumupuri sa mabuti ay nakakausap mo ang iyong Diyos.Ikatlo-
linangin mo ang mga sadyang katangiang kaloob ng Diyos, sa paggawa
at pag-aaral ayon sa iyong kakayanan, na di lumalayo sa landas ng
kagalingan at katarungan upang matamo ang sariling kadalisayang
ikatutupad mo sa tungkuling ipinataw sa iyo ng Diyos sa buhay na
ito, at sa ganito'y ikaw ay pararangala, at sa dangal mong ito'y
luluwalhati ang Diyos mo.Ikaapat- ibigin mo ang iyong bayang sunod
sa Diyos at sa iyong karangalan at mahigit sa iyong sarili: pagkat
ang bayan mo'y siyang tanging Paraisong kaloob ng Diyos sa iyo sa
buhay na ito, ang tanging lupang tinubuan ng iyong kinabukasan;
dahil sa bayan mo, ikaw ay may buhay,pag-ibig, kapakanan, ligaya,
karangalan, at Diyos.Ikalima- pagsumikapan mo ang kaligayahan ng
iyong bayan una kaysa sarili mo, gagawin mo siyang maging kaharian
ng katwiran, ng katarungan, at ng paggawa; pagkat kung ang bayan
mo'y maligaya, ikaw at sampo ng iyong pamilya ay magiging maligaya
rin. Ikaanim- pagsumikapan mo ang kasarinlan ng iyong bayan: pagkat
ikaw lamang ang maaring magkaroon ng tunay na adhika sa kaniyang
ikaunlad at ikatatayog, sapagkat ang kaniyang kasarinlan ay isang
magbibigay ng iyong kalayaan; ang kaniyang kaunlaran ay siyang
panggagalingan ng iyong kagalingan; at ang kaniyang katayuan ay
siyang pagkukunan ng sarili mong luwalhati at pagkawalang
kamatayan.Ikapito- huwag mong kilalanin sa iyong bayan ang
kapangyarihan ninumang hindi inihalal mo at ng iyong mga kababayan:
sapagkat ang kapangyarihan ay galing sa Diyos, at dahil sa ang
Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng bidhi ng bawat tao, ang sino
mang hinirang at inihayag ng bidhi ng kabuuan ng mga tao ay siyang
tanging maaaring gumamit ng tubay na kapangyarihan.Ikawalo-
pagsumikapan mong makapagtatag ng isang Republika at kailanma'y
hindi ng isang kaharian para sa iyong bayan: sapagkat ang huli'y
nagpapatayog sa isa o iilang pamilya lamang at may paghaharing
manahan, ang una'y nakapagpaparangal at nagpapaging marapat sa
isang lahi sa pamamagitan ng katwiran, nakapagpapdakila sa
pamamagitan ng kalayaan, nakapagpapasagana at ningning sa
pamamagitan ng paggawa.Ikasiyam- mahalin mo ang kapuwa tao gaya ng
pagmamhal sa sarili mo: sapagkat ikinatang ng Diyos sa kaniya at sa
iyo ang tungkuling ikaw ay tulungan at huwag gawain sa iyo ang
hindi niya nais na gawin mo sa kaniya; ngunit kung ang kapuwa mo,
na di makatupad sa ganitong tungkulin, ay maghangad ng laban sa
iyong buhay, kalayaan, sa gayo'y sa ilalim ng batas ng pagtatanggol
sa sarili ay igugupo mo siya'y lilipulin.Ikasampu- itatangi mo ang
iyong kababayan higit sa kapuwa mo; ipalalagay mo siyang kaibigan,
kapatid, o kasamang kaugnay mo sa iisang kapalaran, kasukob sa
ligaya at lungkot at sa mga magkakatulad na hangarin at
kapakanan.
- El Desarollo Y Caida de la Republika Filipina (Ang Pagtaas at
Pagbagsak ng Republikang Pilipino)- Sa Bayang Pilipino-
PahayagEmilio Jacinto (1875-1899)Sagisag ng kabataang
mapanghimagsik. Si Jacinto ay kinilalang utak ng Katipunan,
sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni Bonifacio, na hindi niya
hiniwalayan liban na lamang sa huling yugto ng paghihimagsik, nang
mapasugo siya sa Laguna at si Bonifacio nama'y sa Cavite.
Anak-mahirap din, si Jacinto ay nakaroon ng nmatiising magulang na
nagsikap na mapapasok sa kolehiyo ang anak. Sa ganito, si Jacinto
ay nakapag-aral at naging bihasa sa Kastila, na una niyang
natutunan sa lansangang pinaglumagian niya nang bata pa. Lalong
bihasa sa Kastila, nagpakahusay si Jacinto sda Tagalog, sapagkat
ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan, hanggang sa
makasulat ng mga maaalab na katha bilang pagsunod sa tangging
layuning makaakit ng mga kaanib sa samahang mapanghimagsik. Matapat
na makabayan, si Jacinto ay sumulat ng mga paksang makabansa at
makapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga sinulat niya sa
Tagalog, na nilagdaang Dimas Ilaw, ibinibilang ang tinangap na
Kartilya ng Katipunan na pinagtibay gamitin sa halip ng kartilya na
inihanda ni Bonifacio, saka ang Pahayag, Sa mga Kababayan, Ang
Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan,
at Samahan ng Byan sa Pangangalakal. Isa sa lalong malaking nagawa
niya para sa kapakanan ng Katipunan, at samakatuwid sa rebolusyong,
ay ang pagkakatatag at pagkakapamahala niya ng Kalayaan, ang
tagapamansag ng Katipunan na miminsang lumitaw noong Enero 18,
1896, na sa pagkalaganap ay nakaakit ng libu-libong kaanib ng
samahan.Si Emilio Jacinto ang naging matalinong katulong ni Andres
Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan. Siya ang tinaguriang "Utak ng
Katipunan". Iniurong ni Bonifacio ang kaniyang sinulat na Kartilya
bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto bilang kalihim ng mga
kaanib sa samahan. Narito ang ilan sa kaniyang mga sinulat.-
Kartilya ng Katipunan- Liwanag at Dilim- Katipunan ng kaniyang nga
sanaysay na may iba't ibang paksa, tulad ng kayaan, paggawa,
paniniwala, pamahalaan, at pag-ibig sa bayan.- A Mi Madre (Sa Aking
Ina)- isang madamdaming oda.- A La Patria- bang ipinalalagay na
kaniyang obra-maestra.Buhat sa Liwanag at DilimPinapag-alab ng
layuning makaakit ng kaanib sa Katipunan, si Jacinto ay nagsikap na
sumulat ng mga kathalang naglalahad ng mga katangiang at mga
karapatan na angkin, at dapat maangkin, ng tao. Sinisipi rito ang
lalong makakabuluhan, na kumakatawan sa istilong maliwanag, kung
payak man, ni Jacinto.Ang Ningning at LiwanagAng ningning ay
nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan
ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.Ang
bubog kung tinatamanng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning;
ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumanpot.Ang ningning
ang lmadaya.Ating hanapin ang liwanag, tayo'y huwag mabighani sa
ningning. Sa katunayan ng masamang kaugalian: nagdaraan ang isang
carwaheng magningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo'y
magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan.
Datapua'y marahil na,man ay isang magnanakaw, ,marahil sa isang
malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalaan at mga hiyas na
tinataglay ay natatago ang isang sukaban.Nagdaraan ang isang
maralita na nagkakanghihirap na pinapasan. Tayo'y napapangiti, at
isasaloob: Saan kaya ninakaw?Datapua't maliwanag nating nakikita sa
pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya'y
nabubuhay sa sipag, kapagalang tunay.Ito na nga ang dahilan na kung
kaya ang loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nag
pupumilit na lumitaw na maningning lalung-lalo na nga ang mga hari
at mga pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga
kampon, at walang nasa kungdi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng Byan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang
ito.Tayo'y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakahang
ang ibig mabuhay sa dugo ng magbalat-kayong ningning.Ang kaliluhan
at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huag
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan;
ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.Ang lumipas na
pinanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay na katotohanan
nito.Mapalad ang araw ng liwanag!Ay! ang Anak ng Bayan, ang kapatid
ko, ay matuto kaya na kumuha ng halimabawa at lakas sa pinagdaanang
mga hirap at binatang mg kaapihan.JOSE PALMA y VELASQUEZ
(1876-1903)Si Palma ay inakda sa Tundo noong ika-6 ng Hunyo, 1876.
Kapatid siya ni Rafael Plm,a na naging pangulo ng Unibersidad ng
Pilipnas. Nakatagpo ni Jose Palma, noong nag-aaral siya sa Ateneo
de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng
mga hukbong manghihimagsik. Kahit bata p[a sa Ateneo, si Jose Palma
ay kumatha ng mga pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong
siya'y 17 taong gulang pa lamang. Sumama sa himagsikan laban sa mga
Amerikano. Ngunit kahit taglay niya ang damdamin at sigla ng
panghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa
higpit at hirap ng buhay-sundalo, kaya't ginugol niya ang kaniyang
panahon sa panlilibang sa mga kawal ng manghihimagsik sa
pamamagitan ng kanyang mg a kundiman. Ang kanyang mga tula ay
tinipon sa isang aklat na pinamagatang "Melancolicas" (mga
pan-imdim)na inilathala ng kanyang kapatid na panahon ng ng
Amerikano. Ngunit ang pinadakilang ambag niya sa panitikang
Filipino ay ang mgh=a titik ng "Pambansang Awit ng Pilipinas" sa
Kastila, na nilapatan ng musika ni Julian Felipi. Sinulat niya ang
mga titik na ito habang ang pulutong ng kawal na kinabibilangan
niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang mga letra ni Palma
ay bihira nang awitin ngayon sapagkat ang salin sa Ingles at
Tagalog ang siyang laong gamitin, ngunit na ito ang kaniyang
orihinal. (Ang salin sa Tagalog ay itinapat sa mga talutod at hindi
ang saling inaawit)."HIMNO NACIONAL FIPILINO"(PAMBANSANG AWIT NA
PILIPINO)Tierra adorada,Hija Sol de OrienteSu fuego ardienteEn ti
latienti esta.Lupang pinipintuho,Anak ng Araw ng Silangan Ang apoy
niyang naglilingasAy tumitibok sa iyo.Patria de AmoresDel heroismo
cuna.Los invasoresNo te hollaran jamas.Bayan ng mga Pag-ibig,Duyan
ng kabayanihan,Ang manlulusodAy di makayuyurak sa iyo kailanman.En
tu azul cielo,en tus aulas,Entus montes y en tu mar,Esplende y late
el poema.De tu amada libertad.Tu pabellon, que en las lides La
Victoria ilumino,No vera nunca apagados Sus estrellas y su sol.Sa
bughaw mong langit, sa mga ulap mo,Sa iyong mga bundok at sa dagat
mo,Kumikinang at tumitibok ang tulainNg itinatangi mong
kalayaan.Ang watawat mong sa mga paghahamokAng tinanglawan ng
Tagumpay, Ay di vmakikitang pagdimlan kailanganNg mga bituin mo't
ng iyong araw.Tierra de dichas, de sol y amores,En tu regazso dulce
es vivir;Es una gloria para tus hjios,Cuando te ofender, por ti
morir.Lupa ng ligaya, ng liwanag at mga pag-ibig,Sa kalungan mo'y
kay-tamis mabuhay;Ikinaluluwalhati ng iyong mga anak,Na kapag
inaapi ka'y mamat