Top Banner
PANAHON NG HAPON Lilibeth Bullicer Guro
39

Panahon ng Hapon

Jan 16, 2017

Download

Education

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Panahon ng Hapon

PANAHONNG

HAPONLilibeth Bullicer

Guro

Page 2: Panahon ng Hapon

MGA TUMALAKAYAbalos. Ma. Myzel

Aninon. Margielyn M.Faa. Joel

Galve. Precelma V.Lorzano. Jhon Mark

Padua. LesliePingol. Angelique Celine.

BEED IV

Page 3: Panahon ng Hapon

KasaysayanAng Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang

panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang

1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung

kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na

dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan

ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang

Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga

sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8,

1941.

Page 4: Panahon ng Hapon

KasaysayanNaganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng

mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados

Unidos, Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras

sina Heneral Douglas MacArthur na kasama

ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay

nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.

Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong

Enero 2 1942.

Page 5: Panahon ng Hapon

Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga

Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga

bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng

mga Hapones (ang tinatawag na Martsa

ng Kamatayan) papunta sa isang kampo

ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan

ng Tarlac.

Kasaysayan

Page 6: Panahon ng Hapon

KasaysayanPagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si

MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan

Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang

sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw.

Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga

Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-

tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.

Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan

ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga

Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni

Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte.

Naproklaman bilang bagong pangulo ng

Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si

Manuel Quezon.

Kasaysayan

Page 7: Panahon ng Hapon

KasaysayanMalakas na nabomba ng mga sundalo ng

Estados Unidos ang Maynila noong

Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano

ang mga puwersang militar ni Heneral

Homma sa Lalawigang

Bulubundukin (Mountain Province), na

napilitang sumuko noong mabigo ang mga

ito sa tinatangka nilang pagtakas.

Page 8: Panahon ng Hapon

Kaligiran Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos

kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para

sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya

sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring

ito.

Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa

panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong

Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at

itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit

ang mga katutubong wika sa bansa.

Page 9: Panahon ng Hapon

Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles

upang masigurong hindi mababahiran ng

kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng

panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng

Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga

Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat

ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at

paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Kaligiran

Page 10: Panahon ng Hapon

Kaligiran Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na

babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo

at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na

maka-feministang maikling-kwento.

• Ang isang manunulat ay likas na manunulat.

• Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa.

• Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino,

si Jose P. Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang

“pamatnubay.”

Page 11: Panahon ng Hapon

Kaligiran• Natutong gagarin ng mga manunulat ang

HAIKU.

• Maikling Tula

• Labimpituhing Pantig

• Tatlong Taludtod

• Unang taludtod ay lima

Gitna ay pito

Huli ay lima

Page 12: Panahon ng Hapon

Kaligiran Ang kagandahan ng uri ng tulang Haiku ay

nakasalalay sa mga ipinahihiwatig na imahen nito

at sa malalim na kahulugang taglay ng talinghaga.

Nagbalik din sa panulat ang matandang anyo ng

tulang Tagalog, ang tanaga na parang Haiku sa

ikli. Aapating taludtod lamang. Bawat taludtod ay

binubuo ng tigpipitong pantig. Ubod din ng

talinghaga.Margielyn M. Aninon

Tinalakay ni:

Page 13: Panahon ng Hapon

DULA Sa mga dula karaniwang ang buhay Pilipino, buhay lungsod o

nayon, at karaniwang ugali ng mga Pilipino.

Maraming pagtatanghal ang may mga paksang katawa-tawa

upang ikubli ang mga kapintasan ng mga hapones tulad ng

pangunguha ng ari-arian sa mga Pilipinong nabibilang o

nangungurakot.

Page 14: Panahon ng Hapon

nobela Hindi umanlad ang nobela sa panahong ito dahil maraming

kakapusan sa papel.

nobela Naglalarawan ng mga nalathalang dula,

tula, sanaysay, at maikling kwento ng

damdaming makabayan.

Page 15: Panahon ng Hapon

Mga Katangian ng mga akda sa panahon ng

hapon Matitimpi ang pagpapahayag ng paksa.

Nag sasalaysay ng madulang pangyayari.

Walang balangkas ang kwento.

Ang paksa ay nauukol sa iba’t-ibang

karanasan sa buhay ng tao.

Gumagamit ng mga payak na pangungusap

kaya madaling maunawaan.

Page 16: Panahon ng Hapon

Tema ng panitikan sa panahon ng hapon

Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o

pangingisda.

Ugali ng mga hapon na pagiging tapat sa kanilang

bansa at pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa.

Leslie PaduaTinalakay ni:

Page 17: Panahon ng Hapon

3 URI NG TULA Tulang may malayang taluturan na kinagigiliwan

ng mga hapones.

May labing pitong pantig

1st (tatultod): limang pantig

2nd(tatultod): Pitong pantig

3rd (tatultod): limang pantig

Karaniwang maiikli ngunit nagtataglay ng

matatalinghagang kahulugan.

Page 18: Panahon ng Hapon

TUTUBITutubi

Hila mo’y tabak…

Ang bulaklak,nanginig!

Sa paglapit mo.

Gonzalo K. Flores

Liwayway, Hunyo 5, 1993

Page 19: Panahon ng Hapon

ANYAYAUlilang damo

Sa tahimik na ilog…

Halika, sinta.

Gonzalo K. Flores

Liwayway, Hunyo 5, 1993

Page 20: Panahon ng Hapon

TANAGA May sukat at tugma.

Bawat taludtod ay may pitong pantig

Nagtataglay ng isang tugmaan A-A-A-A, ngunit

ang mga bagong tanaga ngayon ay kakikitaan

narin ng mga tugma na inipita –A-B-B-A, salitan

A-B-A-B, at sunran A-A-B-B.

Page 21: Panahon ng Hapon

PALAYPalay

Palay siyang matino

Nang Humangi’y yumuko,

Kabibi

Kabibi, ano kaba?

May perlas, maganda ka

Kung diit sa tainga

Tag-init

Alipatong lumapag

Sa lupa- nagkabitak

Sa kahoy- nalugayak,

Sa puso, naglagablab! Ildelfonso Santos

Liwayway, Abril 10, 1943

Page 22: Panahon ng Hapon

KARANIWANG TULA

Payak at simple at walang sukat at tugma.

May apat na taludtod sa isang saknong.

Celine Angelique LeroTinalakay ni:

Page 23: Panahon ng Hapon

Uhaw na Tigang Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang

ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig,

malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na

hikbi.

Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung

makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng

ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng

anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.

ni Liwayway Arceona lupa

Page 24: Panahon ng Hapon

Uhaw na Tigang Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang

nagmamakinilya,ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya

ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang

pagpatuloy sa pagsulat.

Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na

talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at

kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata

ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.

ni Liwayway Arceona lupa

Page 25: Panahon ng Hapon

Uhaw na Tigang Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na

masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at

hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa

anak ang tunay na karamdaman ng ama.

Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang

pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang

larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina.Walang lagda ang

larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y

nakalimot”.

ni Liwayway Arceona lupa

Page 26: Panahon ng Hapon

Uhaw na Tigang May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham.

Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at

tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak.

Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang

kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso

ay hindi pagibig tuwina.

ni Liwayway Arceona lupa

Page 27: Panahon ng Hapon

Uhaw na Tigang Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng

malay samantalangang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang

imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha

kung walang makakita sa kanya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng

kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na

kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang

paraan.

ni Liwayway Arceona lupa

Page 28: Panahon ng Hapon

Uhaw na Tigang Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng

mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.

Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong

nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko

na ang kaligayahan ko”.

Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng

kanyang mahal.Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay

lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy

sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

ni Liwayway Arceona lupa

Page 29: Panahon ng Hapon

Liwayway A. ArceoSi Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista,

mananaysay, tagasalin-wika, editor), ayon sa isang kritikong

gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga katha ng

dekada 40, ay feminista na bago pa “nauso” ang katagang

iyon.

Page 30: Panahon ng Hapon

Liwayway A. Arceo.Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbag na,

namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela, ang Canal de la

Reina (1985) na isinalin sa Japanese (1990) at dinaluhan ng

awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t

muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha,

ang klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943), na

itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling

kuwentong Tagalog.

Page 31: Panahon ng Hapon

Liwayway A. ArceoAng dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay

nagsanga sa Panitikang relihiyoso at espiritwal nitong huling

13 taon, na nagbunga sa kanyang Catholic Author’s Award

(1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa

kanyang mga gawad ang Life Achievement Award sa

Panitikan (1994) mula sa Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP

sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane Letters,

honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas,

Diliman.

Ma. Myzel AbalosTinalakay ni:

Page 32: Panahon ng Hapon

MAIKLING KUWENTO • Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling

Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at

bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa

buhay.

• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng

damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o

damdaming may kaisahan. 

• Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa

buhay ng pangunahing tauhan.

• May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.

• Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

Page 33: Panahon ng Hapon

MGA ELEMENT

O NG MAIKLING KWENTO

1. TAUHAN

> Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May

pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga

pantulong na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON

> Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa

iba't ibang panahon

kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN

> Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa

mga pagsubok na

darating sa buhay ng mga tauhan.

Page 34: Panahon ng Hapon

MGA ELEMENT

O NG MAIKLING KWENTO

4.SULIRANIN O TUNGGALIAN

> Tumutukoy ito sa Inihahanda sa bahaging ito ang mga

mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng

mga tauhan.

maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa

Tao/lipunan.

5. KASUKDULAN

> Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa

pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa

paglutas ng suliranin.

Page 35: Panahon ng Hapon

MGA ELEMENT

O NG MAIKLING KWENTO

6. KAKALASAN

> Ito ang kinalabasan ng paglalaban.Sumusunod eto agad

sa kasukdulan.

7. WAKAS

>Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian

ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing

tauhan.

Precelma V. GalveTinalakay ni:

Page 36: Panahon ng Hapon

Mga Manunula

tJose Ma. Hernandez Manunulat at Guro.

Nag-aral ng pagsulat at pagtatanghal.

Panday Pira (may 3 yugto)

The olive Garden

Palanca Memorial Award in Letirature.

Page 37: Panahon ng Hapon

Mga Manunula

tFrancisco “soc” rodrigo Politiko sa Pilipinas.

Ipinanganak sa Bulacan.

Pamantasang Ateneo de Manila

Namatay noong 1998 dahil sa kanser.

Dating pangulo ng Catholic ction.

Batas-Rizal.

Page 38: Panahon ng Hapon

Mga Manunula

tGervacio santiago Hulyo 19, 1909

Panganay na lalaki

Leonor Dalisay

Namatay noong Agusto 14, 1993

Page 39: Panahon ng Hapon

Mga Manunula

tClodualdo l. delmundo sr. Septiyembre 11, 1911

Naging co-founder ng unang pangulo ng panitikan

noong 1935.

Bituing Walang Langit.