Top Banner
25

pamahalaan

Oct 24, 2014

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: pamahalaan
Page 2: pamahalaan
Page 3: pamahalaan
Page 4: pamahalaan
Page 5: pamahalaan
Page 6: pamahalaan
Page 7: pamahalaan
Page 8: pamahalaan

PamahalaanKahulugan

UriIstruktura

Page 9: pamahalaan

Ang pamahalaan o gobyerno ay ang sistema ng pamamalakad ng isang bansa. Pangunahing tungkulin nito na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan, gabayan ang lahat ng mga gawain ng tao.

Page 10: pamahalaan

Mahahalagang tungkuling ginagampaan ng Pamahalaan:Pangagalaga at pagpapanatili ng

katatagan at katahimikan ng isang bansa

Page 11: pamahalaan

Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa

Page 12: pamahalaan

Pagpapabuti ng panlipunang kalagayan ng mamamayan

Page 13: pamahalaan

“Natatanto ng lahat na ang pamahalaan bilang isang makataong institusyon ay kailangan ang suporta ng lahat ng mga tao; kailangan nitong makita at maramdaman ang katotohanan ng lahat ng bagay”.

Page 14: pamahalaan

“Kabutihan ang mithiin ng lahat ng asosasyon, at ang pinaka makapangyarihan sa lahat ng asosasyon, pati na ang iba pa, ay magsusulong ng mithiin na ito at itutuon sa kapakanan ng nakararami. Ang asosasyong pulitikal ang pinakamakapangyarihan at pinakamalawak. ”.

Page 15: pamahalaan

“Nakasalalay sa mga tao ang paggalaw ng pamahalaan. Nakasalalay sa pansariling katangian ng namumuno ang pagkalap ng mga nararapat na tauhan. Sa pansariling katangian. Ang namumuno ay dapat gumagamit ng batas moral. Malilinang ang batas moral kung ang pinuno ay may prinsipyo ng tunay na pagkatao”.

Page 16: pamahalaan

Mga Uri ng Pamahalaan

Ayon sa lawak ng KapangyarihanAyon sa Ugnayan ng mga SangayAyon sa bilang ng may Hawak ng

Kapangyarihang Mamuno

Page 17: pamahalaan

Ayon sa lawak ng Kapangyarihan

Unitaryo

Pamahalaang Sentral ang mga batas na nagmumula sa

Pamahalaang Pambansa ay siya ring ipinatutupad ng Pamahalaang Lokal

Halimbawa nito ay ang Pilipinas

Page 18: pamahalaan

Ayon sa lawak ng Kapangyarihan

Pederal

May paghahati ng kapangyarihan ang lokal at sentral na pamahalaan.

Halimbawa nito ay ang Federal Government ng America kung saan may mga batas na ipinatutupad sa isang estado o state na maaaring hindi ipinatutupad sa ibang state.

Page 19: pamahalaan

Ayon sa Ugnayan ng mga Sangay

Parlamentarya

“Gabineteng Pamahalaan”Pinamumunuan ng punong ministro o prime

minister sa tulong ng mga gabinete na kanyang hinirang.

Ang kapangyarihan ay nahahati sa dalawang sangay. (1) Pinagsanib na ehekutibo at (2)hudisyal.

Halimbawa ng mga bansang ganito ay Germany, India, Singapore, Italy at iba pa.

Page 20: pamahalaan

Ayon sa Ugnayan ng mga Sangay

PresidensyalNahahati sa tatlong sangay ang pamahalaan:

Lehislatibo o tagagawa ng batas; Ehekutibo o tagapagpatupad ng batas; at Hudisyal o siyang tagapagbigay ng hatol sa

mga lumalabag sa batas. Halimbawa ng mga bansang may ganitong uri

ng pamahalaan ay ang Pilipinas, United States, Pakistan, France, at iba pa.

Page 21: pamahalaan

Ayon sa bilang ng may Hawak ng Kapangyarihang Mamuno

Pamahalaang nasa iisang tao ang kapangyarihan

Pamahalaang nasa iilangtao ang kapangyarihan

Pamahalaang nasa nakararami ang kapangyarihan

Page 22: pamahalaan

Pamahalaang nasa iisang tao ang kapangyarihanMonarkiya a. Ganap na Monarkiya –Hari, Reyna o Emperador. Hal. Brunei darusallem, Saudi Arabia, Qatar at

iba pa.

b. Limitadong Monarkiya / Monarkiyang Konstitusyunal –Halimbawa nito ang mga bansang United Kingdom, Japan, Belgium. Spain, Malaysia, at iba pa.

Tyranny – Pinamumunuan ng isang sakim o makasariling

lider

Page 23: pamahalaan

Pamahalaang nasa iilang tao ang kapangyarihanAristokrasya – Pinamumunuan ng maharlika,

pili na nabibilang sa mataas na uri ng lipunan.

Oligarkiya – Pinamumunuan ng maimpluwensya o nangingibabaw na angkan.

Plutokrasya – Pinamumunuan ng pinakamayayamang indibidwal.

Page 24: pamahalaan

Pamahalaang nasa nakararami ang kapangyarihanTuwirang Demokrasya – Tinatawag ding

dalisay o purong demikrasya dahil dito ay direktang pinamamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili.

B. Di-tuwirangDemokrasya /Representatibo o Republikanong Demikrasya

Page 25: pamahalaan

Mayroon bang perpektong uri ng pamahalaan? Kung meron ano

ito? Kung wala, bakit? At paano makakamit ng bansa ang

kaunlaran?