Top Banner
PALATUNUGAN (PONOLOHIYA)
64
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: PALATUNUGAN

PALATUNUGAN (PONOLOHIYA)

Page 2: PALATUNUGAN

Ang wika ay bahagi na ng buhay ng tao. Wika ang ginagamit upang maipahayag ang naiisip at nararamdaman gayundin upang maisakatuparan ang ninanais sa buhay. Ngunit, paano kung dahil sa wika ay nasaktan mo ang isang tao, nagawa mong makaimpluwensya at makaapekto?

Bakit nga ba kailangang pag-aralan ang tunog?

•Ang alinmang wika sa daigdig ay nalilikha sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga makabuluhang tunog. Ang pag-aalis at pagpapalit ng isang tunog ng loob ng isang salita ay karaniwang nagdudulot ng malaking pagbabago sa kahulugan nito.

Page 3: PALATUNUGAN

Halimbawa sa Filipino: panday – pantay; kulay—gulay; hala – dala

May mga salita sa isang wika na iisa ang baybay ngunit dalawa, tatlo o apat na kahulugan na makikilala lamang sa pamamagitan ng pagkakaiba ng mga tunog kung binibigkas ang mga ito.

Page 4: PALATUNUGAN

pako

pako

baga

baga

Page 5: PALATUNUGAN
Page 6: PALATUNUGAN
Page 7: PALATUNUGAN

Samakatwid, sa pag-aaral ng alinmang wika ay kailangang pag-aralan ang mga tunog na bumubuo nito. At higit na magiging madali at malinaw ang pagtatalakay sa mga tunog kung aalamin muna ang mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng mga ito.

Page 8: PALATUNUGAN

PONOLOHIYA-- ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog.-- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Page 9: PALATUNUGAN

Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas.

Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika

( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan-- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog –

ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita

Hal. nasa- pasa-- Maaari ring di makapagpabago – Malayang

nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki

Page 10: PALATUNUGAN

2 URI NG PONEMA

Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/,

/r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/.

Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang ponemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.

Page 11: PALATUNUGAN

ANG FILIPINO TULAD NG ALINMANG WIKA AY BINUBUO NG MGA TUNOG.

Ang Pagsasalita

Page 12: PALATUNUGAN
Page 13: PALATUNUGAN
Page 14: PALATUNUGAN

PAANO NAKAPAGSASALITA ANG TAO?

May tatlong salik na kailangan upang makapagsalita ang tao: Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya Ang pumapalag na bagay o artikulador Ang palatunugan o resonador

Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog:

Dila at Panga (sa ibaba) Ngipin at Labi (sa unahan) Matigas na ngalangala (sa itaas) Malambot na ngalangala (sa likod)

Page 15: PALATUNUGAN

Ang hugis at laki ng guwang sa loob ng bibig ay nagbabagu-bago dahil sa panga at dila na kapwa malayang naigagalaw. Ang dila ay napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod o naiaarko ayon sa tunog na gustong bigkasin. Dahil sa pagbabagong ito ay napag-iiba-iba rin ng nagsasalita ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.

Page 16: PALATUNUGAN

PALATUNUGAN SA FILIPINO

Bawat wika ay may kani-kaniyang set o dami o bilang ng makabuluhang mga tunog. Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Mag-iiba ang kahulugan ng salitang talo kapag inalis o pinalitan ang /l/ --tao –tabo. Samakatwid, ang /l/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino

Page 17: PALATUNUGAN

PONOLOHIYA

Tinatalakay sa ponolohiya ang mga tunog sa isang wika; ang mga alintuntunin sa pagkasunud-sunod ng mga ito; ang pagpapantig; at ang mga proseso na nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong ponema, o iba pang dahilan. Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa lahat na tunog na ginagamit nito. Ang sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang mga katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga patinig /i, e, a, o, u/ .

 Tatlong bagay ang kailangan upang mabigkas ang isang tunog: hangin galing sa baga; ang babagtingan o larynx kung saan naroon ang vocal folds; at, ang vocal tract na binubuo ng lalaugan (pharynx), bibig, at guwang ng ilong (Tingnan ang Fig. 1 sa itaas).

Page 18: PALATUNUGAN

Ang mga tunog ay maaaring uriin batay sa bahagi ng vocal tract kung saan ito nabibigyang realidad -- pharyngeal, kung sa pharynx; nasal, kung sa guwang ng ilong; at, oral kung sa bibig. Nasa bibig ang dila, ngipin, mga labi, ngalangala [palate at velum] na siyang nagbibigay anyo ng mga ponema. (Tingnan ang Fig. 2).:

Ang ponemang / p /, halimbawa, ay mabigyang realidad sa pamamagitan ng pagsara ng dalawang labi. at pagbukas nito. Ganoon din ang ponemang / b /, kaya lang nagba-vibrate ang vocal cords pagbigkas nito --kung kaya ito ay tinatawag na voiced at ang / p / ay voiceless.

Page 19: PALATUNUGAN

Ang paraan sa pagbigkas ay isa ring mahalagang batayan sa pag-uuri ng mga katinig.

Ang / p / ay tinatawag na stop kasi hinaharangan muna ng dalawang labi ang hangin bago ipalabas sa bibig.

Dalawa lamang ang stops sa mga panlabing ponema /p, b/.

Ang mga ponemang nasal naman ay pinapalabas sa guwang ng ilong. Nilalapat ang dila sa ngalangala upang hindi lalabas sa bibig ang hangin. Ang mga tunog na "binibigkas nang paimpit sa bungad ng bibig" (Santos, et. al., 1995: p.475) ay tinatawag na prikatib (fricative).

Page 20: PALATUNUGAN

Ang mga ponemang napabilang nito ay may kasamang ingay na pasutsot. Ang affricate ay ang mga ponemang nagsisimula bilang stop at nagtatapos bilang prikatib. Tuloy- tuloy rin ang labas ng hangin sa pagbigkas ng mga ponemang likwid (liquid) ngunit ang mga ito’y walang kasamang ingay na pasutsot.

Ang mga ponemang /w at y/ ay tinatawag na semi-vowel o malapatinig.

Samakatuwid ang mga katinig ay maaaring uriin alinsunod sa paraan at sa punto ng kanilang artikulasyon. at sa pamamagitan ng aksyon ng mga vocal fold (voiced o voiceless). Tingnan ang tsart sa mga katinig sa Filipino sa  Hanayan 1.

Page 21: PALATUNUGAN

PARAAN NG PAGBIGKAS

P U N T O  N G  A R T I K U L A S Y O N

- / +

voi

sa labi (libial)

ngipin at labi

Gilagid (alveolar)

ngala-ngala 

velum titigukan (glottal)

pasara (stop) - v + v

p  b

  t d

  k  g

?

prikatib  - v + v

  f  v

s     h

afrikit  - v + v

       ts j 

   

Nasal + v m   n   ng  

Likwid + v     l, r      

malapatinig + v w     y    

Hanayan 1. Mga Katinig sa Wikang Filipino

Page 22: PALATUNUGAN

Samantala, ang pagitan ng dalawang babagtingang patinig na dinaraanan ng hangin ay tinatawag na glotis.

Ang tunog na pasarang impit /?/ ay nililikha kung ang presyon ng papalabas na hangin ay biglang pinipigil at nagsasara ang glotis.

Ang mga salita na ang unang titik ay patinig ay laging nagsisimula sa impit. Halimbawa: ?ewan, ?iwan, ?uso, ?aso. sang-ayon kay Donald Bowen, ang pansarang impit sa Filipino ay maaaring matagpuan sa unahan ng salita halimbawa: ?u. MA.gah; sa gitna: pa, A.lam; TA?.oh; sa hulihan: po?, BA.ta?.

Page 23: PALATUNUGAN

Sang-ayon naman kay Santiago ang impit ay nirerepresinta ng gitling (-) kapag ito’y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig, tulad halimbawa ng mga salitang may-ari, pag-alis, mag-iwan, atbp. Pansinin na kapag inalis ang gitling ka kumakatawan sa ponemang glottal na pasara ay karaniwan nang matatagpuan sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang –ugat na nagsisimula sa patinig.

Page 24: PALATUNUGAN

Ang pasutsot na impit ay nalilikha sa pamamagitan ng bahagyang nakabukas na glottis; halimbawa: PU.toh, HI.pon. ang pasutsot na impit ay nakapagpapaiba ng kahulugan ng isang salita kapag ito’y nasa unahan lamang ng isang pantig, halimbawa: HI.ka? – I.ka?, ta.han – ta.AN

Ang (?) ay katumbas ng NG sa ating Alpabeto na bagamat binubuo ng dalawang titik ay sumasagisag lamang sa isang makabuluhang tunog. Ito ay tinatawag na kambal – titik (digrapo). Halimbawa: (ta.o?/Gu.LO?)

Page 25: PALATUNUGAN

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a

Page 26: PALATUNUGAN

Ang patinig ay tinuturing na siyang pinakatampok o prominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig. Sa mga pantig na di-payak, ang katinig naman ang gumaganap na panimula at/o pangwakas na bahagi ng pantig. Kung binibigkas ang patinig, walang paghahadlang na nagaganap sa hanging nanggagaling sa baga.

Ang mga patinig ng wikang Filipino ay naisasaayos ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig: unahan, sentral, gitna o mababa. Ang (i) halimbawa, ay tinatawag na mataas, harap sapagkat kapag binibigkas ito; ang harap na bahagi ng dila ang gumagana na karaniwan umaarko ng pataas.

Page 27: PALATUNUGAN

MGA DIPTONGGO

Ang mga diptonggo ng wikang Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy, at uy. Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig /y/ at /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama sa sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.

Page 28: PALATUNUGAN

Harap Sentral Likod

Mataas uy

Gitna iw, iy oy

Mababa ey aw, ay

Page 29: PALATUNUGAN

NARITO ANG ILANG HALIMBAWA NG DIPTONGGO SA FILIPINO: saliw sayaw tangkay bangkay

panaghoy aruy Ang iw ay diptonggo sa salitang saliw ngunit

hindi ito maituturing na diptonggo sa salitang saliwa pagkat ang w ay nakapagitan sa dalawang patinig. Kaya’t kung papantigin ang saliwa ito’y magiging /sa- li- wa/ at hindi /sa-liw-a/.

Page 30: PALATUNUGAN

MGA KLASTER O KAMBAL –KATINIG

Ang klaster ay ang magkakabit na dalawang katinig sa isang pantig. Batay sa kasaysayan ng ating wika, walang kambal-katinig sa Filipino maliban sa magkasunod na katinig sa hangganan ng pantig sa salita (across syllable boundary) gaya ng KK sa /bugtong/ at /palakpak/. Dalawa lamang ang katinig na maaaring magkasunod sa hangganan o sugpungan ng pantig sa salita.

Ang mga klaster sa Filipino ay parami nang parami dahil sa mga hiram na salita (loan words) at ipinapalagay na bahagi ng wikang Filipino.

Narito ang ilang halimbawa: dram, tsart, kard, nars, plastic, bra, klasmeyt, tsok, atbp.

Page 31: PALATUNUGAN

MGA KLASTER O KAMBAL –KATINIG Ang mga klaster na wala noon sa matandang

Tagalog (Balarila ng Wikang Pambansa, 1940 p.17) ay matatagpuan na ngayon sa ibang pusisyon ng pantig – sa unahan o inisyal at hulihan o faynal.

Mapapansin na ang pagtanggap sa mga klaster ay nakapagpapabilis sa paglagom o pag-aasimila sa mga salitang hiram lalo na sa Ingles.

Page 32: PALATUNUGAN

MGA PARES MINIMAL Ang magkapares na salita na magkatulad sa bigkas

maliban sa isang ponema ngunit magkaiba ng kahulugan ay tinatawag na pros-minimal.

Kapag dalawang tunog ay magkatulad ang pusisyon o kaligiran (in the same position or environment) sa salita at nakapagpapaiba ng kahulugan. Ang mga tunog na ito ay magkahiwalay (separate) o magkaibang ponema. Halimbawa ay ang mga poemang /p/ at /b/ ng parehong nasa unahan ng mga salita /pala/ (shovel) at /bala/ (bullet). Ang dalawang ponemang ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon (tignan sa Hanayan1.) sapagkat kapwa labial o panlabi gayundin sa paraan ng artikulasyon sapagkat kapwa stop o pasara.

Ngunit ang /p/ at /b/ lamang ang nakapagpapabago sa kahulugan ng salita. Ito ay nagpapatunay na ang dalawang tunog ay magkaibang ponema.

Page 33: PALATUNUGAN

Narito ang ilan pang halimbawa ng pagkakaiba o salungatan ng mga ponema na matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salita: /pantog/ -- /bantog/, /ipon/ -- /ibon/ at /nawa/ -- /ngawa/.

Sa halimbawang ibinigay /pala/ -- /alab/ ay wala sa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat ang /p/ ay nasa unahan ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa hulihan. Ang mga salitang nabanggit ay hindi pares-minimal.

Sa halimbawa namang /kape/ at /kafe/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /f/. ngunit hindi natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagpapabago ng kahulugan ang mga ito. Magkatulad ang kahulugan ng salitang /kape/ at /kafe/ hindi ba? Samakatwid, ang /f/ ay hindi pa maituturing na ponema sa wikang Filipino. Sa Ingles ay malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/, tulad ng makikita sa mga pares-minimal na /pin/ at /fin/.

Page 34: PALATUNUGAN

PONEMANG NAGPAPALITAN O ALOPONO Makikita ang tsart ng mga patinig na /i/ at /e/ ay

dalawang magkahawig na tunog sapagkat ang harap ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga ito. Gayundin naman ang /u/ at /o/ na binibigkas na ang bahaging likod ng dila ang siyang gumagana.

Madaling patunayan na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/ ay magkahiwalay na ponema sa Filipino sapagkat ang mga ito’y nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran. Halimbawa: /mesa/ -- /misa/, /tela/ -- /tila/

Ngunit may mga pagkakataon na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/ ay hindi nagsasalungatan o malayang nagpapalitan sa salita. Halimbawa: lalaki – lalake, babae – babai, pokpok – pukpuk.

Page 35: PALATUNUGAN

Pansinin sa mga halimbawa na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/, kung ang pantig na katatagpuan ng dalawang ponema ay walang diin. Hindi nagpapalitan ang gamit ng mga nabanggit na ponema sa mga pantig na may diin. Sa mga halimbawa sa itaas, ang diin sa mesa; misa ay nasa unang pantig na katatagpuan ng /i/ at /e/, kaya’t magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita. Samantala, ang diin sa lalake; lalaki ay nasa ikalawang pantig na hindi katatagpuan ng /i/ at /e/, kaya’t hindi nag-iiba ng kahulugan ang dalawang salita.

Ang isang kataliwasang mababanggit dito ay ang pares-minimal na butuhan: botohan ; na kahit ang diin ay wala sa /u/ at /o/ ay nagsasalungatan pa rin.

Page 36: PALATUNUGAN

IKALAWANG BAHAGI

Page 37: PALATUNUGAN

MORPOLOHIYA

Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbubuo ng mga ito sa salita.

Tinatawag din itong palabuuan.

Page 38: PALATUNUGAN

MORPOLOHIYA

Ang tawag sa pinakamaliit na Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.nagtataglay ng kahulugan.

May tatlong uri ng morpema– May tatlong uri ng morpema– istem/salitang-ugat, panlapi at istem/salitang-ugat, panlapi at morpemang binubuo ng isang morpemang binubuo ng isang ponema.ponema.

Page 39: PALATUNUGAN

MORPOLOHIYA

Istem/ Salitang- ugatIstem/ Salitang- ugat– ay ang payak na – ay ang payak na salitang walang panlapi. Ang mga ito ay salitang walang panlapi. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-uri at pandiwa.maaring pangngalan, pang-uri at pandiwa.

Panlapi–Panlapi– tinatawag na di- malaya tinatawag na di- malaya sapagkat nalalaman lamang ang sapagkat nalalaman lamang ang kahulugan nito kapag naisama na ito sa kahulugan nito kapag naisama na ito sa istem. istem.

Tinatawag na panlaping makangalan, Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang nabubuong salita ay kapag ang nabubuong salita ay pangngalan; panlaping makauri, kapag pangngalan; panlaping makauri, kapag ang nabubuong salita ay pang-uri at ang nabubuong salita ay pang-uri at panlaping makadiwa, kapag ang panlaping makadiwa, kapag ang nabubuong salita’y pandiwa.nabubuong salita’y pandiwa.

Page 40: PALATUNUGAN

Morpemang binubuo ng isang Morpemang binubuo ng isang ponemaponema

Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila– senador/ senadora; mayor/ mayora

• sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugang lalaki at sa mga

salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae — barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.

Page 41: PALATUNUGAN

MORPOLOHIYA

Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pag-uulit at pagtatambal ng mga salita.

Pag-uulit-- may tatlong paraan

a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig lamang ang inuulit. Hal. babasa, susulat, aawit

b. Ganap na pag-uulit– buong salitang-ugat ang inuulit. Hal. araw-araw, gabi-gabi

c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal. Tutulog-tulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis

Page 42: PALATUNUGAN

MORPOLOHIYA

Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang pinagtambal para makabuo ng isang salita.

a. Malatambalan-- hal. Tsaang-gubat, bahay-ampunan

b. Tambalang-ganap— hal. Bahag+hari=rainbow;

balat+sibuyas= maramdamin

Page 43: PALATUNUGAN

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO1. Asimilasyon / ŋ/ o /ng/ a. Asimilasyong di- ganap / parsyal

hal. pampalengke pambayad pandama pangkahoy

b. Asimilasyong ganap hal. pang-+palengke ----

pamalengke pang-+bahay ---- pamahay pang-+tabing ---- panabing pang- +kahoy ---- pangahoy

pan-+talo ---- panalo

Page 44: PALATUNUGAN

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

[ pam-] [ pan-] [ pang-]

Pampuno Pandakot Pang-abono

Pambata Panligo Pang-ihip

Pambenta Panregalo Pang-ekis

pampalo Pansukat Pang-uso

Pantali Pang-ospital

Pangkayod

pangnanay

panggisa

pangwagayway

pangyero

Page 45: PALATUNUGAN

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO2. Pagpapalit ng Ponema

a. /d/-- /r/ ≈ madami ≈ marami –pag patinig ang hulihan ng unlapi.

b. /d/ -- /r/ ≈ lipad+ -in ≈ lipadin ≈ liparin

[-in/ -an] pahid+ -an ≈ pahidan ≈ pahiran

c. /h/ -- /n/ ≈ kuha+han ≈ kuhahan ≈ kuhanan

d. /0/ -- /u/ ≈ laro+an ≈ laruan ≈ bunso ≈ bunsung-bunso

Page 46: PALATUNUGAN

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

3. Metatesis/ Maylipat

a. Nagkakapalit ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng [-in] ang mga ito.

hal. -in- + laro ≈ nilaro

-in- + yari ≈ niyari

-in- + regalo + an ≈ rinegaluhan ≈ niregaluhan

b. Pagkakaltas ng ganap

hal. silid + an ≈ silidan ≈ sidlan

atip + an ≈ atipan ≈ aptan

takip+-an ≈ takipan ≈ takpan

Page 47: PALATUNUGAN

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO4. Pagkakaltas ng Ponema

-- kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

hal. bukas + an ≈ bukasan ≈ buk(a)san asin + an ≈ asinan ≈ as(i)nan

5. Paglilipat- diin-- kapag nilalapian ang mga salita,

nagbabago ang diin nito.hal. basa + -hin ≈ basahin takbo + -han ≈ takbuhan uwi + -an ≈ uwian

Page 48: PALATUNUGAN

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

6. Pagdaragdag o Pagsusudlong

-- pagdaragdag ng isa pang hulapi gayong mayroon nang hulapi ang nasabing salitang-ugat.

hal. tukso + han + an ≈ tuksuhanan

7. Pag- iisa ng dalawa o higit pang salita o pag-aangkop

-- pagsasama ng bahagi o pantig ng dalawang salita.

hal. wika + mo ≈ kamo

tayo na ≈ tena

hintay ka ≈ teka

Page 49: PALATUNUGAN

PAGBUBUO NG MGA SALITA

1. Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang0ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan.

hal. Tubigma-+tubig = matubig (maraming

tubig)pa-+tubig = patubig (padaloy ng

tubig)tubig+-an= tubigan (lagyan ng

tubig)tubig+-in = tinubig (pinarusahan

sa tubig)

Page 50: PALATUNUGAN

PAGBUBUO NG MGA SALITA

2. Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang-ugat.

Pag-uulit na ganap

hal. Taon taun-taon

bahay bahay-bahay

Pag-uulit na Parsyal

usok uusok

balita bali-balita

Pag-uulit na parsyal at ganap

sigla masigla-sigla

saya masaya-saya

Page 51: PALATUNUGAN

PAGBUBUO NG MGA SALITA

3. Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na pinagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat.

a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salitahal. Taong- bundok, kulay- dugo

b. Tinatanggap ng ikalawang salita ang ginagawa ng unang salitahal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw

c. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita hal. Bahay-aliwan, silid- aralan

d. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang salitahal. Batang-lansangan, kahoy- gubat

e. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salitahal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw

Page 52: PALATUNUGAN

PAGBUBUO NG MGA SALITA

Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na maaaring makalikha ng ikatlong kahulugan

hal.basag + ulo = basaguloanak+ pawis = anakpawisdalaga+ bukid =

dalagambukid

Page 53: PALATUNUGAN

SINTAKS

Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga parirala at mga pangungusap.

Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategori na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap.

Pag-aaral ng istraktura ng mga pangungusap.1a. * binulsa ko ang mabangong panyo1b. * bumulsa ko ang mabangong panyo1c. * Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

Page 54: PALATUNUGAN

PARIRALA AT SUGNAY Sugnay

-- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at panaguri-- buo o hindi buo ang diwa.

1. Sugnay na makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Hal. Ako ay nakahiga,nang siya’y umalis.

2. Sugnay na di-makapag-iisa – di buo ang diwahal. Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho.

• Parirala -- lipon ng salita na walang paksa o simuno at

panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.

Page 55: PALATUNUGAN

PANGUNGUSAP Isang salita o lipon ng mga salita na

nagpapahayag ng buong diwa.

2 Bahagi ng pangungusapKaraniwang ayos – nauuna ang panaguriDi- karaniwang ayos– nauuna ang paksa sa panaguri. (ay)

Page 56: PALATUNUGAN

ANYO NG PANGUNGUSAP1. Payak na pangungusap– binubuo ng isang

paksa at isang panaguri na may iisang diwaa) May payak na paksa at payak na panaguri.

Hal. Pinsan ko po siya.b) May tambalang paksa at payak na panaguri.

hal. Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral.

c) May payak na paksa at tambalang panagurihal. Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit.

d) May tambalang panaguri at tambalang paksa.hal. Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

Page 57: PALATUNUGAN

2. Tambalang Pangungusap-- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap.-- dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan.

Pandugtong = pangatnig = at, o, pero, ngunit, subalit o datapwat , : , ;

3. Hugnayang Pangungusap-- Binubuo naman ito ng dalawang sugnay.-- Buo ang diwa ng isang sugnay, habang ang isang sugnay ay hindi

Pandugtong = dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa.

Page 58: PALATUNUGAN

PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga

kataga- pa,ba,man,naman,nga,pala at iba pa.

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring

panuring = na at ng

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kumplemento

-- tinatawag na kumplemento ang bahagi ng panagui na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.

a. Kumplementong tagaganap– pinangungunahan ito ng panandang ng at mga panghalili nito.

hal. Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.

Page 59: PALATUNUGAN

b. Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwaPananda– para sa, para kay, at para kina.hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga bisitang darating.

c. Kumplementong Ganapan– Pananda– sa hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.

d. Kumplementong Sanhi – Isinasaad dito ang kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa.Pananda– dahil, sa, kay hal. Dahil kay Rosa, nahuli ng dating si Nora.

Page 60: PALATUNUGAN

e. Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay.Pananda – nghal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.

f. Kumplementong Kagamitan o instrumento-- tumutukoy ito sa kung anong instrumento o kagamitan ang ginagamit para maisakatuparan ang kilos ng pandiwa.

Page 61: PALATUNUGAN

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal-- maaaring magtambal ang dalawang batayan o payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka at iba pa. Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.

Page 62: PALATUNUGAN

POKUS NG PANDIWA Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng

pangungusap.

1.Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka, at mag.Hal. Nagsulat ng tula si Perla.

Page 63: PALATUNUGAN

2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa.Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –inHal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.

3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han.Hal. Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang kawayan.

4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos.Panlapi– I, ipang- , at ipag.

Page 64: PALATUNUGAN

5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa ay kagamitan o kasangkapan ng kilos.Panlapi– ipang-.Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.

6. Pokus sa Sanhi– nasa pokus sa sanhi o kadahilanan ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang sanhi o dahilan.Panlapi– ika-,Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.

7. Pokus Resiprokal– kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos.Panlapi-- mag-, at mag –an.Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.