Bakit nga ba nanonood ng TV, nakikinig ng radyo, at nagbabasa ng dyaryo ang mga tao? Bakit sa gitna ng anumang sakuna, tila nagkakaroon pa rin ng oras ang mga tao na mag-post ng litrato sa kani-kanilang social media accounts? Saan nga ba nakuha ng mga tao ang ganitong pag-uugali? Maaring maging sagot ng ilan, para ma-entertain. Sa paglaganap ng iba't-ibang uri ng medya na may dalang iba't ibang mensahe, tila nauuwi lamang sa simpleng mensaheng pangkasiyahan ang dala ng mga itinuturing na produktong medya . Bunsod nito, nakalimutan nang nanghihikayat at umaakit din ang mga mensaheng dala ng medya. Ayon sa librong pinagmulan ng artikulong aming iniulat sa klase, ang mga mensaheng dala ng medya hindi naiiwasang maghatid ito ng mga kahulugang hindi neutral sapagkat kadalasan hindi naiiwasang may bias. May kakayanang anyayahanan ang mga tao na sumunod sa mga paguugali at paniniwala na nakikita sa pelikula, telebisyon, kanta at mga video games. Bakit nga ba ganito? Kaya nahihikayat ang mga tao dahil itinuturing na retorikal ang lahat ng uri ng medya. Retorika, ito ang sinaunang sining ng oratory o binigyang kahulugan ni Aristotle bilang isang tiyak na kaso
17
Embed
Pagsusuring Retorikal sa Pelikulang 50 Shades of Grey
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Bakit nga ba nanonood ng TV, nakikinig ng radyo, at nagbabasa ng dyaryo
ang mga tao? Bakit sa gitna ng anumang sakuna, tila nagkakaroon pa rin ng oras
ang mga tao na mag-post ng litrato sa kani-kanilang social media accounts? Saan
nga ba nakuha ng mga tao ang ganitong pag-uugali?
Maaring maging sagot ng ilan, para ma-entertain. Sa
paglaganap ng iba't-ibang uri ng medya na may dalang iba't
ibang mensahe, tila nauuwi lamang sa simpleng mensaheng
pangkasiyahan ang dala ng mga itinuturing na produktong medya
. Bunsod nito, nakalimutan nang nanghihikayat at umaakit din
ang mga mensaheng dala ng medya. Ayon sa librong pinagmulan
ng artikulong aming iniulat sa klase, ang mga mensaheng dala
ng medya hindi naiiwasang maghatid ito ng mga kahulugang
hindi neutral sapagkat kadalasan hindi naiiwasang may bias.
May kakayanang anyayahanan ang mga tao na sumunod sa mga
paguugali at paniniwala na nakikita sa pelikula, telebisyon,
kanta at mga video games. Bakit nga ba ganito? Kaya nahihikayat ang
mga tao dahil itinuturing na retorikal ang lahat ng uri ng
medya. Retorika, ito ang sinaunang sining ng oratory o
binigyang kahulugan ni Aristotle bilang isang tiyak na kaso
ng panghihinuhod o persuasion. Noong mga sinaunang panahon,
itinuturo ng mga pulitikong Grego ang kanilang mga
mananalumpati at manunulat upang mahikayat ang kanilang mga
tagapakinig na kumilos. Sa pelikulang Lord of the Rings noong
2001, ipinakita doon kung paano hinikayat ni Gollum ang
Hobbit na sa kanya dapat mapunta ang singsing. Magkaiba man
ang kanilang pamamaraan, ipinakita pa ng dalawang halimbawa
ang kapangyarihan ng persuasion.
Isang magandang halimbawa ang documentary film Michael
Moore na Fahrenheit 9/11. Tiningnan nito ang papel na ginampanan
ng pera, langis, at ng administrasyon ni Bush hanggang sa
pagbagsak ng World Trade Center noong Setyembre 11, 2001. Ibig
hikayatin ng dokumentaryong ito ang mga Amerikano upang
makiisa sa hangarin nilang patalsikin si Bush sa White House. Sa
kabila ng pagtanggap ng pelikula ng maraming parangal,
binatikos pa rin ito ng mga kritiko at itinuring na bias.
Tiningnan lamang diumano ang mga kamalian ng mga
administrasyon ayon sa mga maka-Bush. Ayon sa kahulugan ng
salitang documentary, isa itong dokumentong napapakita ng
aspekto ng realidad at sa wala ito g kinakampihan sa lahat ng
panahon.
Inilahad ni Kenneth Burke, "Even if the given terminology is a
reflection of reality, by its very nature as a terminology it must be a selection of
reality; and to this extent it must also function as a deflection of reality",
patungkol ito wika.Kung gagamitin ang sinabi ni Burke sa
pagbusisi ng medya lalabas na nagbibigay ang medya ng larawan
ng realidad. Ipinapakita kung ano ang nangyayari at dahil nga
maituturing na bias ang media, kinakailangan niyang piliin
kung ano lang ilalabas at makikita ng manonood, habang
tinatakpam niya kung ano ang katotohanan. Noong Martial dito
sa Pilipinas may mga pelikulang pinigil ang administrasyon ni
Marcos dahil natakot ang administrasyon na mahikayat ng
pelikula ang mga Pilipino na kalabanin ang administrasyong
Marcos. Napigil ni Marcos na guwag ipakita sa publiko ang
pelikulang Orapronobis ni Lino Brocka.
Gaya ng nabanggit, ang Rhetorical na pagsusuri ay isang
paraan ng pagpapasang-ayon ng isang kahulugan ng palabas o
pelikula. Ang huling estruktura ng Rhetorical ay tinatawag na
Narrative. Kung saan ang paraan ng paglalarawan ng isang
pangyayari. Binubuo ito ng mga kwentong umiilalim sa totoong
pangyayari. May mga pelikulang hindi nailalahad ang buong
pangyayari dahil sa kakulangan ng oras o mas pinipiling
ilahad ang mga maliliit na balangkas ng kuwento. Hindi na
kailangang ilahad at ipakita ang mga impormasyong
makakapagpabagal sa pag-usad ng isang pelikula. Gaya na
lamang ng sikat na sikat na palabas para sa kabataan na “50
Shades of Grey”. Kung mapapansin, ang paglalahad ng kuwento
sa nasabing pelikula, mabilis ang mga naging pangyayari.
Ipinapakita lamang ng pelikula ang mga highlight ng
pagproseso sa nararamdaman ng dalawang actor sa pelikula.
Hindi na mahalagang ipakita o ipahayag ang lahat ng mga
nangyari sa kanilang pagsasama. Isa itong paraan upang
pasabikin ang mga manunuod sa iba pang mahahalagang bahagi ng
pelikula.
Isang paraan din ang discourse sa paglalarawan ng isang
kuwento. Tinatawag din itong expression plane. Dito lumalabas
ang tunay na kuwento at kung paanonito mas maipapadama sa mga
manunuod. Kung ikukumpara ang bersyon ng librong “50 Shades
of Grey” sa pelikulang ipinalabas, sa libro mas naipakita at
naipadama ang mga salita at pakiramdam ng mga karakter sa
teksto. Hindi lamang basta ibinato ang mga salita sapagkat
ipinadama ito sa mga mambabasa, hindi sapat ang mga salita
upang ipaliwanag ito. Kaya naman, gumawa ng iba pang bersyong
ipinakita ang tunay na pangyayari upang maihayag ang malalim
na kahulugan nito. Isang malaking parte ng pelikula na umani
ng maraming batikos ay ang pagpapakahulugan sa salitang
submissive o ang kakaibang kalaswaang sekswal na ginagawa ni
Mr. Grey sa kaniyang mga babae. Sa pelikula, bilang isang
bahagi ng discourse, masasabing matagumpay na inihayag ang
tunay na nangyari. Mas mataas pa sa inaasahanang paglalarawan
dito.
Ang pagsalaysay ng kuwento ay tumutukoy sa isang tao at
kung sino at kaninong perspektiba ito. Madalas kailangang
malaman ang point of view ng pelikula para mas maintindihan ito
ng manunuood. Mayroong tatlong paraan upang suriin ang
pagsalaysay. Una ay ang tense o tamang bilis at tiyempo ng
boses at salita sa pangyayari ng nagaganap. Mayroong
pagkakaiba sa bilis ang Discourse time at Story time. Hindi lahat ng
pelikula o kuwento ay maaring magkamit ng anumang uri ng
bilis. Sa paglalahad ni Sarah Kozloff, nagkaroon ng limang
relasyon ang dalawang uri ng bilis. Magkaiba ang dalawang
ito. Ang pelikulang “50 Shades of Grey” ay nagpakita ng bilis
bilang story time sa ibang parte ng pelikula at discourse time sa
ibang bahagi. Hindi lahat ng parte nito ay kailangang bigyan
ng pokus sa pagkakaroon ng malalim na kahulugan at maipadama
ito sa pamamagitan ng pagsalaysay ng iba pang impormasyon.
Kabilang ang frequency sa bahagi ng pagsusuri ng pelikula
kung ilang beses lamang isasalaysay ang isang pangyayari.
Mahalagang bahagi rin ang boses kung sinumang magsasagwa o
maglalarawan ng isang pagsasalaysay sa pelikula dahil ang
boses ng isang tagapagsalaysay ang sumasalamin sa isang
posisiyon at perspektiba nito. Maaari ring suriin ang
pelikula gamit ang iba’t ibang konseptong mailalapat sa
Theories of Signs.
CHARLES SANDERS PIERCEObject: Neck-tie na nakapalibot sa kamao