Programa para sa Pandinig ng Sanggol
Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak: Mahalagang Kasosyo ang
mga Magulang
Impormasyon para sa mga magulang bago ipanganak ang kanilang
sanggol
Anong mangyayari kung ang aking anak ay may kawalan ng pandinig?
Halos dalawa sa 1000 mga sanggol ay magkakaroon ng kawalan ng
pandinig. Kung ang inyong sanggol ay masuri na may kawalan ng
pandinig, ipaliliwanang ng audiologist ang uri ng kawalan ng
pandinig, ang mga ingay na maririnig ng sanggol, pati na rin ang
mga ingay na maaaring hindi marinig ng sanggol, at kung paano
maaapektuhan ng kawalan ng pandinig ang pag-unlad sa pagsasalita at
wika. Magbibigay ang IHP ng suporta para sa pag-unlad ng
komunikasyon, pati na rin ng mga serbisyo ng isang Manggagawang
Pangsuporta sa Pamilya (Family Support Worker) kung nais ninyo.
Maaari bang maganap ang kawalan ng pandinig sa kalaunan ng buhay
ng aking anak?Halos tatlo sa apat na mga bata mula sa 1000 ay
magkakaroon ng kawalan ng pandinig pagsapit ng ika-limang taong
gulang na maaaring makaapekto sa kanilang pagsasalita, pagbabasa,
at sosyal na pag-unlad. Mahalaga na maipasuri ang pandinig ng
inyong anak sa isang audiologist kung kayo ay may anumang mga
alalahanin tungkol sa pag-unlad sa pandinig, pagsasalita at o
wika.
Saan ako makakakuha ng mas higit na
impormasyon?www.ontario.ca/infanthearing
Upang mag-order sa pamamagitan ng telepono:1-800-668-9938TTY:
1-800-268-7095
O bisitahin ang: www.serviceontario.ca/publicationsPublikasyon #
018870
Mas higit na alamin: www.ontario.ca/children
Pebrero 2014 Queens Printer for Ontario
TAGALOG
Programa para sa Pandinig ng Sanggol
Ano ang Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak? Ang Ontario
Infant Hearing Program (IHP) ay isang programa sa buong probinsiya
ng Ministri ng mga Serbisyo para sa mga Bata at Kabataan (Ministry
of Children and Youth Services) na nagsusuri ng mga sanggol para sa
kawalan ng pandinig pagkapanganak. Ang pagsusuri ay nagaganap sa
ospital o sa isang nakabatay sa komunidad na tagpuan. Ang programa
ay dinisenyo upang:
Kilalanin ang lahat ng mga sanggol na may kawalanng pandinig
pagkapanganak.
Magbigay ng mga serbisyo at suporta sa mga batana bingi o
nahihirapang makarinig, upang ang mgapamilya ay makagawa ng
napag-alamang mgadesisyon tungkol sa teknolohiya sa pandinig(hal.
mga hearing aid), mga pasenyas o manwal nasalita (hal. American
Sign Language) at iba pang mgaparaan para sa pag-unlad ng
komunikasyon. Angmga serbisyong ito ay sumusuporta sa
pagpapaunladng salita at maagang kakayahan sa pagbasa atpagsulat
upang maging handa ang mga bata napumasok sa paaralan.
I-monitor ang mga sanggol na nasa panganib ngmaagang kawalan ng
pandinig.
Bakit kailangan ng aking sanggol ng pagsusuri sa pandinig
pagkapanganak? Ang karamihan ng mga sanggol ay ipinanganak na
nakahandang makarinig ng mga boses ng kanilang mga magulang at ng
mga ingay ng mundong nasa paligid nila. Ang mga sanggol na may
kawalan ng pandinig ay mayroon ding parehong pangangailangan upang
ma-akses ang isang nakakapagpasiglang kapaligiran ng wika tulad ng
mga sanggol na may normal na pandinig. Ang pagkilala sa kawalan ng
pandinig pagkatapos na
maipanganak ay mahalaga. Pinahihintulutan nito ang mga pamilya
na makipagtulungan sa mga propesyunal ng pangangalagang
pangkalusugan na alamin ang pinakamabuting paraan upang matulungan
ang kanilang anak na matuto ng wika at maiwasan ang pagkahuli sa
komunikasyon at sosyal na pag-unlad.
Paano ginagawa ang pagsusuri sa pandinig?Ang isang tagapagsuri
sa pandinig ng IHP na may ispesyal na pagsasanay ang magsasagawa ng
pagsusuri sa pandinig para sa inyong sanggol sa ospital o sa isang
nakabatay sa komunidad na tagpuan. Ang pagsusuri na ito ay mabilis
at ligtas. Mahinang antas na mga tunog ang patutugtugin ng isang
kompyuter sa tainga ng inyong sanggol na gamit ang isang malambot
na dulo. Maraming mga sanggol ang nakakatulog sa panahon ng
pagsusuri.
Paano kung hindi makapasa sa pagsusuri ng pandinig ang aking
sanggol? Kung magkaroon ang inyong sanggol ng isang refer na
resulta mula sa inisyal na pagsusuri sa pandinig, sila ay
magkakaroon ng ikalawang pagsusuri sa pandinig bago kayo umalis sa
ospital o sa isang lokasyon sa komunidad pagkatapos kayong
makaalis. Kung ang ikalawang pagsusuri ay magkaroon din ng isang
refer na resulta, kayo ay bibigyan ng iskedyul para sa mas mataas
na uri ng pagsusuri sa pandinig. Ang pagsusuri sa pandinig ay
gagawin ng isang audiologist ng IHP na mayroong kaalaman at mga
kakayahan na kilalanin at gamutin ang kawalan ng pandinig sa mga
bata. Napakahalaga na kayo ay pumunta sa appointment na ito dahil
ang paggamot sa kawalan ng pandinig nang maaga sa buhay ay
makakatulong sa inyong anak na makapagdebelop ng mga kakayahan sa
pagsasalita, wika, pagbabasa at mga pangsosyal na mga kakayahan na
mahalaga para sa paaralan at sa pangkalahatang kalusugan.
Ang pahinang ito ay sadyang iniwan na blangko
Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak: Mahalagang Kasosyo ang
mga MagulangImpormasyon para sa mga magulang bago ipanganak ang
kanilang sanggolAno ang Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak?
Bakit kailangan ng aking sanggol ng pagsusuri sa pandinig
pagkapanganak? Paano ginagawa ang pagsusuri sa pandinig?Paano kung
hindi makapasa sa pagsusuri ng pandinig ang aking sanggol? Anong
mangyayari kung ang aking anak ay may kawalan ng pandinig? Maaari
bang maganap ang kawalan ng pandinig sa kalaunan ng buhay ng aking
anak?Saan ako makakakuha ng mas higit na impormasyon?