Top Banner
Pangalan: Petsa natapos: Sinalihang aktibidad: Araw ng kapanangakan: Eded alinsunod sa buwan: Lugar: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ang inihusay ng aking anak? Pakikinig at Atensyon Oo Hindi Ang aking anak ay lumilingon upang tumingin sa direksyon ng iba't ibang mga tunog na maririnig niya tulad ng sa isang aso tumatahol, sa isang maingay na kalansing o sa aking boses. Tumutugon ang aking anak kapag nakaririnig niya ang mga boses sa malapit. Ang aking anak ay nasasabik o napapanatag kapag nakaririnig ng pag-uusap, halimbawa kapag kinakausap ko siya habang ako ay papalapit. Mas madali at mabilis na umuunlad ang atensyon ng aking anak mula sa isang karanasan hanggang sa susunod; halimbawa mula sa isang nakasabit na selpon, sa isang pusa at hanggang sa mga kalansing. Pag-unawa buwan) Ang aking anak ay tumitigil at lumilingon kapag marinig niya ang kanyang sariling pangalan. Pagsasalita buwan) Tumutugon ang aking anak ng tulad ng "bababa", "nonono" at "gogo" sa kausap kapag siya ay kinakausap. Komunikasyong Sosyal Binibigyang pansin ng aking anak ang mukha at gagayahin ang mga ekspresyon na gawa ng mga tao tulad ng paglalabas ng kanilang mga dila o pag-ngiti. Binibigyang pansin ng aking anak ang mukha ng mga tao at siya din ay masayang nakikipagugnayan sa mga tao. buwan) Aking mga anak ay gumagamit ng pinaghalong paggalaw ng katawan, kanyang tinig at ekspresyon ng mukha upang makakuha at panatilihin ang atensyon ng mga tao, ang halimbawa nito ay ang pagkaway ng kamay at pagbulong.
12

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Aug 29, 2019

Download

Documents

vonhu
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pangalan:

Petsa natapos:

S i na l i hang a k t i b i dad :

Araw ng kapanangakan:

Eded alinsunod sa buwan:

Lugar:

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan

Gaano na ang inihusay ng aking anak?

Pakikinig at Atensyon Oo Hindi

Ang aking anak ay lumilingon upang tumingin sa direksyon ng iba't ibang mga tunog na maririnig niya tulad ng sa isang aso tumatahol, sa isang maingay na kalansing o sa aking boses.

Tumutugon ang aking anak kapag nakaririnig niya ang mga boses sa malapit.

Ang aking anak ay nasasabik o napapanatag kapag nakaririnig ng pag-uusap, halimbawa kapag kinakausap ko siya habang ako ay papalapit.

Mas madali at mabilis na umuunlad ang atensyon ng aking anak mula sa isang karanasan hanggang sa susunod; halimbawa mula sa isang nakasabit na selpon, sa isang pusa at hanggang sa mga kalansing.

Pag-unawa

buwan)

Ang aking anak ay tumitigil at lumilingon kapag marinig niya ang kanyang sariling pangalan.

Pagsasalita

buwan)

Tumutugon ang aking anak ng tulad ng "bababa", "nonono" at "gogo" sa kausap

kapag siya ay kinakausap.

Komunikasyong Sosyal

Binibigyang pansin ng aking anak ang mukha at gagayahin ang mga ekspresyon

na gawa ng mga tao tulad ng paglalabas ng kanilang mga dila o pag-ngiti.

Binibigyang pansin ng aking anak ang mukha ng mga tao at siya din ay

masayang nakikipagugnayan sa mga tao.

buwan)

Aking mga anak ay gumagamit ng pinaghalong paggalaw ng katawan, kanyang

tinig at ekspresyon ng mukha upang makakuha at panatilihin ang atensyon ng

mga tao, ang halimbawa nito ay ang pagkaway ng kamay at pagbulong.

Page 2: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pagtatalakay: • Pagpapatala

• Paglalagay ng direksyon sa mga poste patungo sa Sentrong para sa Pag-aalaga ng Bata

• Polyeto ukol sa paghuhusay ng wika

• Mga ideya ng pagsasanay sa bahay

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng tulong isang kaagapay para sa Terapiya ng Pananalita at Wika

• Mga bagay-bagay mula sa mga magulang

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng Pangkalusugang Tagapayo

• Iba pang mga impormasyon

Kinumpleto ni:

Alam mo ba? • Ang iyong anak ay maaaring ng magsimulang bumulong ng iba't ibang mga tunog tulad ng "dadadad" o "bababa".

• Maaaring mahiligan ng iyong anak na gumawa ng iba't ibang tunog gamit ang iba't ibang mga lakas ng boses, ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita).

• Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking tulong sa pagbuo ng kanilang mga kasanayan sa komunikasyon.

Ang iyong Pangkalusugang Tagapayo o ang mga taga Sentrong para sa Pag-aalaga ng Bata ay maaaring

magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagunlad sa pagsasalita at wika ang iyong anak

at sila din ang dapat kausapin kung kayo man ay may anumang alalahanin ukol sa inyong anak.

Page 3: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pangalan:

Petsa natapos:

Sinalihang Aktibidad:

Araw ng kapanangakan:

Eded alinsunod sa buwan:

Lugar:

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 8-20 na buwan Gaano na ang inihusay ng aking anak?

Pakikinig at Atensyon Oo Hindi

Sa ilang sandali ay talagang pinag-iisipan ng aking anak ang isang bagay o isang aktibidad na kanyang

pinili; halimbawa nito ay sa isang salamin, ang pagkumpas sa isang bandeha o pagdidikit ng mga

bagay.

Sa ilang sandal ay maaaring mabigyang-pansin ng aking anak ang isang bagay sa isang pagkakataon

tulad ng isang bulaklak; ngunit siya rin ay madaling nagagambala ng ingay o ng mga taong nag-uusap.

Mahilig sumabay ng galaw o indayog ang aking anak sa kumpas ng tugtog.

Ang aking anak ay matalas na magsiyasat.

Pag-unawa

Ang aking anak ay tumutugon sa mga pamilyar na bagay na aking sasabihin ; tulad ng “Nasaan si nanay?”

o “Nasaan ang iyong ilong?”

Ang aking anak ay pamilyar sa mga payak na bagay; halimbawa ay ‘tatay’, ‘kotse’, ‘mata’,

‘telepono’ or ‘susi’.

Pasasalita

buwan)

Kayang bumigkas ng mga payak na salita ang aking anak; halimbawa ay “kotse”, “tatay” or

“nanay”.

Madalas na ginagaya ng aking anak ang mga salita or tunog; halimbawa ay “brrrr!”, “moo” or “aso”.

Naaliw ang aking anak na magsasalita tulad ng isang musmos at sumubok ng mga bagong tunog at

salita para masabi sa akin kung ano ang gusto niya o kung saan siya interesado; halimbawa "Teddy",

"sige pa", "huwag" o "bye bye".

Komunikasyong Social

Gusto ng anak ko na lagi siya sa tabi ko o sa tabi ng isang kakilalang nakakatanda at panoorin ang ginagawa.

.

Ang aking anak ay tumitingin sa kung saan ako tumuturo o sa kung kanino ako kumakaway.

Alam ng aking anak na maaring niyang gamitin ang kanyang boses or kilos upang makakuha ng atensyon.

buwan)

Marunong ang aking anak na gamitin ang pagturo sabay tingin upang ipakita sa akin ang isang bagay,

halimbawa kapag nais niya ang isang laruang hindi niya maabot ay titingin siya sa laruan, titingin sa

akin at titingin sa pagitan ko at ng mga laruan at sa akin muli habang tumuturo.

Page 4: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Alam mo ba?

• Ang iyong anak ay maaaring simula ng gumagamit ng pinaghalong salita tulad ng “nanay” at kasabay ay sarili nilang salita;

halimbawa ay “botbot” para sa botelya.

• Tandaan na minsan ang iyong anak ay tunuturo sa mga bagay na nais nilang matutunan at hindi dahil gusto nila itong

kunin.

• Ang iyong anak ay maaaring may mga salitang ikaw lamang ang nakakaintindi at

hindi ng ibang tao .

• Maraming salita na nauunawaan ang iyong anak, kadalasan ay higit sa sa mga kaya niyang sabihin.

• Ang iyong anak ay gumamit ng pagkilos upang mas madaling maunawaan; halimbawa ay ilabas ang iyong kamay kapag

sinasabing “halika dito” o “ibigay sa iyo ang patpat ”.

Ang iyong Pangkalusugang Tagapayo o ang mga taga Sentrg para sa Pag-aalaga ng Bata ay maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagunlad sa pagsasalita at wika ang iyong anak at sila din ang dapat kausapin kung kayo man ay may anumang alalahanin ukol sa inyong anak.

Pagtatalakay:

• Pagpapatala

• Paglalagay ng direksyon sa mga poste patungo sa Sentrong para sa Pag-aalaga ng Bata

• Polyeto ukol sa paghuhusay ng wika

• Mga ideya ng pagsasanay sa bahay

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng tulong isang kaagapay para sa Terapiya ng Pananalita at Wika

• Mga bagay-bagay mula sa mga magulang

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng Pangkalusugang Tagapayo

• Iba pang mga impormasyon

Kinumpleto ni:

Page 5: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pangalan:

Petsa Natapos:

Sinalihang Aktibidad:

Araw ng kapanangakan:

Eded alinsunod sa buwan:

Lugar:

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika16-26 na buwan

Gaano na ang inihusay ng aking anak?

Pakikinig at Atensyon Oo Hindi

Ang aking anak ay naaaliw na makinig ng mga pambatang awitin at ng mga

kuwento na may isang tono o paulit ulit na indayog tulad ng ‘Row, row, row

your boat’ o ‘Going on a Bear Hunt’.

Ang aking anak ay mahilig sumali sa mga pambatang awitin na may mga

pagkilosa at salita tulad ng ‘paa, tuhod, balikat , ulo’.

Kayang magtuon ang aking anak sa kanyang aktibidad kung kaya’t minsan ay

hindi niya ako naririnig kapag tinatawag ko siya.

Pag-unawa

Kaya ng aking anak na pumunta at mahanap ng mga bagay kapag hiningi sa

kanya; halimbawa "Bigay mo sa akin si Teddy" o "Eto ang iyong sapatos?". Ang

aking anak ay kayang kumilala ng mga bagay mula sa kumpol ng ibang bagay

kapag hiningi ito sa kanya; halimbawa "Nasaan ang iyong pantalon?" (Mula sa

iba’t ibang uri ng mga damit).

Pasasalita

buwan)

Ang aking anak ay nagsisimula ng magbuo ng dalawang salita;

halimbawa ay “juice pa” or “Bye yaya”.

Ang aking anak ay nagsisimula na gumamit ng mga salitang pandiwa at pang-

uri, pati na rin mga pangalan ng mga bagay-bagay, halimbawa "punta",

"mainit", "tulog" o "saging".

Nagsisimulang magtanong ng mga simpleng tanong ang aking anak

halimbawa ay “Ano yan?” or “Saan pupunta?”

Komunikasyong Social

Ang aking anak ay naaliw na sa paglalaro ng kanyang laruan; halimbawa ay

nagmamaneho kunwari ng kotse o pinapakain umano ang manyika o si

Teddy.

Ang aking anak ay tumitingin sa akin upang matulungan silang maunawaan

kung paano gumagana ang mga bagay-bagay at mabigyang ng kahulugan ang

mga bagay sa mundo, halimbawa ay inaantay nila ang aking reaksyon kapag

may sinusubukang mga bagong bagay tulad ng paghakbang o pag-iwas sa

putikan.

Page 6: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pagtatalakay • Pagpapatala

• Paglalagay ng direksyon sa mga poste patungo sa Sentrong para sa Pag-aalaga ng Bata

• Polyeto ukol sa paghuhusay ng wika

• Mga ideya ng pagsasanay sa bahay

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng tulong isang kaagapay para sa Terapiya ng Pananalita at Wika

• Mga bagay-bagay mula sa mga magulang

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng Pangkalusugang Tagapayo

• Iba pang mga impormasyon

Kinumpleto ni:

Alam mo ba?

• Ang inyong anak ay simula ng gumagamit ng dumaraming bilang ng mga salita at maaaring nagsimula na

ring pagsamahin ang dalawang salita, halimbawa "Wala na", "Tatay wala" o "Ano yan?"

• Ang iyong anak ay maaaring magsimula ng magsalita nguniy gumagamit ng salitang musmos na kung minsan ang kanyang

sinasabi ay maaaring hindi malinaw.

• Ang tunog sa mga salita ay nabubuo na, ngunit minsan ay maaaring may naiiwan na pantig sa mga salita;

halimbawa "pu" para sa pusa, "a" para sa aso, o mabago tulad ng "tapik" para sa takip.

• Mas madalas na naiintindihan ng mga tao ang mga sinasabi ng iyong anak.

Ang iyong Pangkalusugang Tagapayo o ang mga taga Sentro para sa Pag-aalaga ng Bata ay

maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagunlad sa pagsasalita at

wika ang iyong anak at sila din ang dapat kausapin kung kayo man ay may anumang alalahanin

ukol sa inyong anak.

Page 7: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pangalan:

Petsa natapos:

Sinalihang aktibidad:

Araw ng kapanangakan:

Eded alinsunod sa buwan:

Lugar:

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 22-36 na buwan Gaano na ang inihusay ng aking anak?

Pakikinig at Atensyon Oo Hindi

buwan)

Ang aking anak ay nakatuon sa isang bagay ngunit kayang ilipat ang pansin

sa ibang bagay kapag kinuha ang kanilang atensyon. Ang pagtawag sa

kanyang panagalan ay makakatulong.

Ang aking anak ay masusing nakikinig sa mga tunog na aking ginagawa kapag

siya ay ang aking binabasahan o kinukwentuhan.

Ang aking anak ay marunong na at tumutugon din sa mga pamilyar na

tunog halimbawa ay ang paglingon kapag may kumatok sa pinto.

Pag-unawa

buwan)

Ang aking anak ay nakakaintindi na ng mga pagkilos na mga salita sa mga

larawan, halimbawa "Sinong tumatalon?", at ito ay naipapakita nila sa

pamamagitan ng pagturo sa tamang larawan sa libro.

Ang aking anak ay kaya ng umintindi sa mga simpleng tanong tulad ng ‘Sino?’,

‘Saan?’ at ‘Ano?’ halimbawa ay “Nasan si …?” o “Ano iyan?”

Ang aking anak ay nagsisimula ng makaintindi ng mga simpleng konsepto tulad ng

malaki/maliit o mainit/malamig.

Pasasalita

Ang aking anak ay madaling natututo ng mga bagong salita at ginagamit ito kapag

nagsasalita.

Gumagamit ang aking anak ng kilos, at minsan may halong salita; halimbawa ay

kapag inabot nila ang ang isang laruan at sasabihing “nasa akin” o kapag itinuro

nila ang sapatos ay sasabihin nilang “ Isuot na ang sapatos ngayon”

Ang aking anak ay nagtatanong sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng

‘Ano?’, ‘Saan?’ at ‘Sino?’

Ang aking anak ay gumagamit na ng mga simpleng pangungusap; halimbawa ay”

Magtratrabaho si nanay”.

Ang aking anak ay marunong ng gumamit ng mga panlapi tulad ng pupunta

at mga pusa.

Page 8: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pagtatalakay • Pagpapatala

• Paglalagay ng direksyon sa mga poste patungo sa Sentrong para sa Pag-aalaga ng Bata

• Polyeto ukol sa paghuhusay ng wika

• Mga ideya ng pagsasanay sa bahay

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng tulong isang kaagapay para sa Terapiya ng Pananalita at Wika

• Mga bagay-bagay mula sa mga magulang

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng Pangkalusugang Tagapayo

• Iba pang mga impormasyon

Kinumpleto ni:

Alam mo ba?

• Nagiging mas malinaw na nag pagsasalita ng iyong anak, at pagsapit ng tatlong gulang ay naiintindihan na din ito ng

ibang di kilalang tao.

• Minsan maaaring palitan ng inyong anak ang tunog ng mga salita; halimbawa ay "jampa" para sa grandpa at kung

minsan ay maaaring hindi nasasabi ang huling tunog ng salita.

Ang iyong Pangkalusugang Tagapayo o ang mga taga Sentro para sa Pag-aalaga ng Bata ay maaaring

magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagunlad sa pagsasalita at wika ang iyong

anak at sila din ang dapat kausapin kung kayo man ay may anumang alalahanin ukol sa inyong anak.

.

Komunikasyong Sosyal Oo Hindi Naibabahagi ng aking anak sa iba kung ano ang nangyari sa pamamagitan ng

pakikipag-usap, gayon din ay ang kung ano ang iniisip niya o kung ano ang nararamdam niya.

Mahilig ang aking anak na makipag-usap sa akin at madalas lumilipat ito mula sa isang paksa patungo sa isa pa.

Nagsimula ng magustuhan ng aking anak na may kasama siya, pati na rin ang pakikipag-usap sa ibang mga bata, gayundin sa mga nakakatanda sa kanya.

Ang aking anak ay interesado na sa laro ng ibang mga bata at sumali na rin dito.

Ang aking anak ay nagpapamalas na ng pag-aalala kapag ang ibang bata ay nasaktan o nalulungkot o natutuwa siya kapag ang ibang bata ay masaya.

Page 9: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pangalan:

Petsa natapos:

Sinalihang aktibidad:

Araw ng Kapanganakan:

Edad alinsunod sa buwan:

Lugar:

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 30-50 na buwan

Gaano na ang inihusay ng aking anak?

Pakikinig at Atensyon Oo Hindi

Ang aking anak ay nakikinig sa akin kapag kami ay magkasama, o nakikinig kapag siya ay kasama sa isang maliit na grupo, lalo na kapag siya ay interesado sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito.

Ang aking anak ay mas nakatuon sa pakikinig sa mga kwento at naaalala niya ang mga pamilyar na parte nito.

Ang aking anak ay sumasali sa pag –awit ng mga paulit-ulit na taludtod mula sa mga pambatang kanta na kabisado niya, halimbawa ay “I’ll huff and I’ll puff and I’ll blow your house down.”; at alam din niya ang susunod na mangyayari.

Ang aking anak ay maaaring nakikinig sa akin o may ginagawang ibang bagay (ngunit hindi sa parehong sandali). Maaari na niyang ilipat ang kanyang pansin sa pagitan ng dalawa.

Maaaring kaya ng sumunod ang aking anak sa mga utos maliban lamang kung siya ay talagang nakatuon sa isang aktibidad na sariling pinili.

Pag-unawa

Naiintindihan ng aking anak ang paggamit ng mga bagay, halimbawa ay maaaring sabihin ko na "Ano ang ginagamit natin upang gumupit ng mga bagay?"

Naiintindihan ng ng aking anak ang ng mga salitang tulad ng ' ilalim', ' itaas' o ' likod'. Kapag ginagamit ko ang mga salitang tulad ng mga ito ay alam niya kung saan at ano ang hahanapin, halimbawa ay "Ilagay ang iyong tasa sa mesa" o "Ito ay nasa likod mo".

Simula ng naiintindihan ng aking anak ang mga patanong na salita tulad ng 'Bakit?' o 'Paano?'

Pasasalita

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tulad ng 'at' o 'dahil', ang aking anak ay nagsisimula ng gumamit ng mga mas mahahabang pangungusap na umuugnay sa kanyang mga pananaw; halimbawa ay "Gusto ko ang garahe 'dahil gusto kong maglaro ng mga kotse".

Ang aking anak ay marunong ng magsabi sa akin tungkol sa isang bagay alinsunod sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari, halimbawa "nagpadulas paibaba, nasaktan ang daliri".

Ang aking anak ay kaya ng makipag-usap sa akin tungkol sa kung ano ang nangyayari ngayon, kung ano ang nangyari sa nakaraan at kung ano ang maaaring mangyari sa susunod.

Ang aking anak ay nagtatanong ng mga katanungan tungkol sa kung bakit ang mga bagay ay nangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tulad ng 'Sino?', 'Ano?', 'Kailan?' At 'Paano?' kasabay na rin ay magbibigay siya ng mga sagot at paliwanag sa mga bagay-bagay, halimbawa kapag tumunog ang timbre sa pinto, tatanungin niya "Sino yon? ... alam ko ... si Nana. "

Kapag ang aking anak ay nagsasabi ng tungkol sa mga bagay ay kaya niyang gamitin ang ilang mga tamang pagtatapos na salita tulad ng 'laro', 'paglalaro', 'maglalaro' o 'nilaro'.

Page 10: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pagtatalakay • Pagpapatala

• Paglalagay ng direksyon sa mga poste patungo sa Sentrong para sa Pag-aalaga ng Bata

• Polyeto ukol sa paghuhusay ng wika

• Mga ideya ng pagsasanay sa bahay

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng tulong isang kaagapay para sa Terapiya ng Pananalita at Wika

• Mga bagay-bagay mula sa mga magulang

• Paglalagay ng abiso na nangangailangan ng Pangkalusugang Tagapayo

• Iba pang mga impormasyon

Kinumpleto ni:

Alam mo ba?

• Naiintindihan na ng isang di kakilala ang halos lahat ng sinasabi ng aking anak.

• Kaya ng bumuo ng pangungusap na may apat hanggang anim na salita ang iyong anak; halimbawa “Gusto kong maglaro ng kotse”.

• Maaaring nahihirapan ang iyong anak na magbigkas ng ‘r’ ‘j’ ‘th’ ‘ch’ at ‘sh’.

• Kaya ng gumamit ng salita ang iyong anak kapag may di pagsang-ayon at hindi lamang sa pamamagitan ng kilos.

Ang iyong Pangkalusugang Tagapayo o ang mga taga Sentro para sa Pag-aalaga ng Bata ay maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagunlad sa pagsasalita at wika ang iyong anak at sila din ang dapat kausapin kung kayo man ay may anumang alalahanin ukol sa inyong anak.

Komunikasyong Sosyal

Nagsisimula ng maunawaan ng aking anak ang mga pangangailangan ng ibang mga bata ngunit minsan ay nangangailangan pa ng tulong upang maghintay siya para sa kung ano ang nais niyang mangyari o upang magpahiram siya ng mga paboritong laruan.

Ang aking anak ay mahilig magsimula ng pag-uusap sa akin at sa iba tao.

Ang aking anak ay tiwala na humingi sa akin o sa iba pang mga tao para sa tulong; halimbawa sa grupo ng mga naglalaro ay humihingi siya ng tulong upang isuot sa kanya ang kanyang dyaket.

Gusto ng aking anak na pag-usapan ang tungkol sa kung ano ang mangyayari sa bahay at kapag lumabas kami , halimbawa ay kapag namimili kami o ng kami ay nasa liwasan.

Ang aking anak ay nagsisimula ng makipagkaibigan sa ibang bata.

Oo Hindi

Page 11: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Pangalan: Araw ng Kapanganakan:

Petsa natapos: Edad alinsunod sa buwan:

Sinalihang aktibidad: Lugar:

Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 40-60 na buwan

Gaano na ang hinusay ng aking anak? Pakikinig at Atensyon Oo Hindi

Ang aking anak ay nagagawa ng makinig nang mabuti sa matagal at tumutugon sa mga komento, mga katanungan o mga pagkilos, halimbawa ay pagkatapos ng pagbabahagi ng isang libro tungkol sa dagat ay magtatanong siya kung gaano kalaki ang mga balyena.

Ang aking anak ay kayang manatiling nakatuon, pag-isiping mabuti at umupo nang tahimik, halimbawa nito ay kapag nakikinig siya sa isang kuwento.

Ang aking anak ay nagsisimula ng magawang makinig at gumawa pa ang isang aktibidad ng magkasabay, halimbawa kapag ang timbre sa pinto ay tumunog, magpapatuloy siyang gumuhit habang nakikinig para malaman kung sino ang dumating.

Kaya ng aking anak hatiin ang pansin sa pagitan ng pakikinig at paggawa, halimbawa kapag kami ay namimili maaari siyang makinig sa kung ano pa ang kailangan namin habang tumutulong sa akin upang mahanap ng mga bagay-bagay.

Pag-unawa

Marunong na ang aking anak na matuwa sa mga biro at sa mga awit na pambata.

Ang aking anak ay nagpapakita na ng palatandaan na naunawaan na niya ang kahulugan ng 'Paano?' at 'Bakit?

sa pamamagitan ng pagbigay ng mga sagot sa mga tanong, halimbawa kung tatanungin "Paano

naputikan ang alpombra" maaari niyang sabihin na "Ang aso ay pumasok ng puro putik".

Kaya ng masundan ng aking anak ang isang kwento kahit na hindi ako gumagamit ng mga larawan o gamit.

Kaya ng sumunod ng aking anak sa mga utos na may una, pagkatapos o sa huli, halimbawa "Kunin mo muna ang iyong dyaket, pagkatapos ay isuot ang iyong bota para makapunta tayo sa liwasan".

Ang aking anak ay nakakaintindi na ng mga pag-utos na may mga salita tulad ng 'mahaba', 'maikli', 'mataas' ‘matigas', 'malambot', 'magaspang'; halimbawa ay "Ibigay mo sa akin ang mahaba".

Pasasalita

Patuloy na natututo ng mga bagong salita ang aking anak lalo na ang pagbibigay pangalan sa mga salita tulad ng 'sebra', 'bulaklak na daffodil' at 'ibon na kiwi' ; at mga salitang nagbubuklod tulad ng 'hayop', 'bulaklak' at 'prutas'.

Kapag ang aking anak ay nagkukwento ay kaya niyang manatili sa isang paksa at ituloy ang kanyang mga iniisip, halimbawa maaari niyang sabihin sa akin ang tungkol sa isang pagbisita sa liwasan at ano ang ginawa niya doon.

Gumagamit ang aking anak ng mga salita sa kanyang paglalaro; halimbawa kapag siya ay isang

parlolista, magtatanong siya “ Gaano kaigsi ang gusto mong gupit sa buhok mo?”.

Ang aking anak ay gumagamit ng salita upang:

• Masigurong naiintindihan nila ang isang bagay; halimbawa “Kailangan natin makasakay sa bus kasi sira ang kotse”.

• Para sabihin sa akin ang kanyang nararamdaman; halimbawa “Ayaw ko ng kuwentong iyan… nakakatakot ang lobo”.

• Abangan ang isang kaganapan; halimbawa; “3 tulog na lang at kaarawan ko na?”

Kung minsan ay gumagamit ang aking anak ng salita sa kanyang paglalaro upang makagawa ng sariling mga

kuwento, halimbawa kapag naglalaro na kunwari ay sa ospital, sinasabi niya "Bilis, bilis, ito ay nangangailangan ng

agarang lunas, ako ang magiging doktor, kailangan natin makarating agad sa pinangyarihan ng nabanggang kotse."

Page 12: Pagsubaybay sa pagkakatuto ng wika 0-11 na buwan Gaano na ... · ritmo at tono (iyan ang kantahan,awit at tunog sa ating pagsasalita). • Ang pakikipag-usap sa inyong anak ay malaking

Komunikasyong Sosyal Oo Hindi Ang aking anak ay tiwala na sabihin sa iba kung ano ang gusto niya, kung saan siya interesado o kung ang iniisip niya; halimbawa "Ang lahat ng mga lalaki ay pumunta doon at magtago .. pagkatapos ay kailangang hanapin natin sila".

Nagsisimula ng makipag-uusap sa ibang mga tao ang aking anak, nakikinig siya sa kung ano ang kanilang sasabihin at sumasagot.

Kaya na ng aking anak na sabihin sa akin kung paano sa tingin nila nararapat sa isang bagay at kung ano ang alam nila, halimbawa "Kailangang maluto muna ang pasta bago natin ito puwedeng kainin?" Nagtatanong sila sa mga tao ng naaangkop na mga katanungan, halimbawa "Anong oras darating si nanay sa bahay? "

Kapag ang aking anak ay nakikipag-usap sa ibang mga tao ay alam nila kung paano panatiliin ang kanilang pansin, halimbawa ay sa pamamagitan ng paglapit o sa pamamagitan ng pag-ulit sa mga nasabi.

Kayang ipakita ng aking anak sa akin kung ano ang kailangan niya at kung paano sa palagay niya ay

angkop; halimbawa "Nasasabik akong dahil ito ay ang aking kaarawan" o "Nalulungkot ako dahil hindi

tayo maaaring lumabas."

Ang aking anak ay nagkakaroon ng magandang ugnayan sa ibang bata at sa mga nakakatanda sa kanya.

Kaya na ng aking anak na makipagsabayan sa mas malalaking mga grupo at makipag-ugnayan sa kanyang

mga kaibigan, halimbawa ay bilang bahagi ng isang klase.

Pagtatalakay (mga ideya ng pagsasanay sa bahay, paglalagay ng direksyon, paalala)

Kinumpleto ni:

Alam mo ba? • Ang inyong anak ay gumagamit na rin ng mga buong pangungusap; halimbawa "Nakipaglaro ako kay Ben nung tanghalian", bagama’t

maaaring mayroong pa ring ilang mali sa gramatika.

• Ang bokabularyo ng iyong anak ay mabilis ay pa ding nadaragdagan.

• Bagama’t may ilang di buo na tunog sa mga salita, dapat ay na madali ng maunawaan ng mga nakakatanda at mga kasamahan ang iyong

anak; halimbawa ang string ay nagiging 'sting'.

• Maaaring bigkasin ng iyong anak ang ‘th/r/s’ bilang ‘f/w/th’.

Ang iyong Pangkalusugang Tagapayo o ang mga taga Sentro para sa Pag-aalaga ng Bata ay maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagunlad sa pagsasalita at wika ang iyong anak at sila din ang dapat kausapin kung kayo man ay may anumang alalahanin ukol sa inyong anak.