Paano namin naiimpluwensiyahan ang patakaranKatuwang namin ang
mga partner sa komunidad sa pagbuo ng mga malikhaing tugon sa
labanan, at sa paghihikayat sa mga opisyal na patakaran. Sa antas
ng indibidwal na programa, nakikipagtulungan kami sa mga lokal at
internasyonal na tao at grupong kumikilos sa:
Colombia Silangan at Gitnang Aprika Fiji Jammu at Kashmir
Pilipinas Timog Caucasus Kanlurang Aprika
Sinusuportahan namin ang mga katuwang namin sa mga rehiyong may
labanan upang mas mapalakas pa ang kanilang adbokasiya at
kahusayan. Nagbibigay rin kami ng mga workshop sa pagpapahusay ng
kanilang kakayahan.
Naniniwala kaming dapat gabayan ng mga lokal na pananaw ang mga
tugon sa labanan kaya’t lumilikha kami ng mga pagkakataon upang
tuwirang makitungo ang aming mga partner sa mga gumagawa ng
patakaran at marinig ang kanilang pahiwatig sa pamamagitan ng mga
proyektong tulad ng People’s Peacemaking Perspectives:
www.c-r.org/PPP
Sa pandaigdigang antas, tinututukan namin ang pagpapahusay sa
pagkakaunawa sa mga isyu ng labanan at karampatang tugon dito ng
mga gumagawa ng patakaran sa UK, EU, UN at US.
Pagpapalakas ng patakaran at pagsasagawa
Sa buong mundo, higit sa 80 ang nagaganap na o napipintong
armadong labanan. Matindi ang epekto ng labanan at ng panganib ng
karahasan sa mga indibidwal, komunidad, at bansa. Isa sa
pinakamalaking hamon ng panahon ang epektibo at makabubuting tugon
sa kalagayang ito.
Sa Conciliation Resources, may mga karanasang nababatay sa
pagpapanukala para sa mga patakarang pandaigdigan. Humuhugot kami
ng mga praktikal na karanasan ng peacebuilding sa mga bansang nasa
gitna ng labanan at inilalathala ang mga aral na natutunan dito sa
pangunahing publikasyon naming Accord.
Layunin naming maging malikhain sa aming pamamaraan at ihain ang
mga paksang tatalakayin kung paano at kung ano ang dapat gawin.
Gusto naming mahikayat at baguhin ang pamamaraan ng mga gobyerno at
ahensya nito sa pambansa at pandaigdigang antas sa pakikitungo sa
mga bansang apektado ng mga labanan.
Pagpapalakas ng lokal na pananaw sa peacebuilding
Naniniwala kami na dapat na marinig at maisaalang-alang ang
pananaw, pagkaunawa at kaalaman ng taumbayan sa komunidad sa
pagbigay solusyon sa alitan. May mga hakbang na dapat gawin bago at
pagkatapos ng prosesong pangkapayapaan. Kailangang itaguyod ng mga
gobyerno at internasyonal na organisasyon ang prosesong
pangkapayapaan na nilalahukan ng karamihan bilang sentro ng
pangkalahatang istratehiya sa isang bansa o rehiyon sa gitna ng
labanan.
Gumagawa at ibinabahagi namin ang mga patakarang nakabatay sa
ebidensya (policy brief), mga ulat, at mga rekomendasyon.
Nagbibigay kami ng mga seminar at regular na kaalaman sa mga
konsultasyon, at ng ad hoc na payo ukol sa mga partikular na
labanan at isyu na kung saan ay dalubhasa kami. Malaking tulong ito
sa mga opisyales na gumagawa ng patakaran.
Logo using multiply onlayers
Logo drawn as seperate elementswith overlaps coloured
seperately
Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel:
+44 (0)20 7359 7728 Email: [email protected] Web: www.c-r.org Twitter:
@CRbuildpeace
4
4
4
4
4
4
4
www.c-r.org/policy
Image © Norton Cooper
UK: Mahalagang patuloy na isulong ng UK sa pandaigdigang
larangan ang kahalagahan ng paghadlang sa labanan at pagpanday ng
kapayapaan. Ginagamit namin ang aming karanasan sa pagkilos sa mga
bansang may labanan upang itaguyod ang gobyerno ng UK tungo sa
paghubog ng pinakaepektibong pamamaraan. Kasama sa mga ambag namin
ang patuloy na pag-uusap sa isyu ng mga prosesong pangkapayapaan,
mula pa sa publikasyon ng ulat naming Bridging the gap: Improving
UK support for peace processes noong 2007, hanggang sa mga
rekomendasyon namin sa goberyno ng UK na Building Stability
Overseas Strategy (BSOS) noong 2011. Malinaw ang paninindigan dito
na harapin ang marahas na labanan at kahinaan sa pamamagitan ng
malinaw na balangkas at isang istratehiyang cross-governmental.
Regular kaming nag-oorganisa ng mga seminar at pulong ng mga
opisyales upang magbahagi ng aral at mapahusay ang patakaran at
pagkilos.EU: Galing sa EU ang mahigit sa kalahati ng tulong para sa
kaunlaran sa daigdig at para sa mga mahihirap na bansa, kaya’t isa
itong mahalagang panlabas na bahagi. Kaya rin malaki ang potensyal
na papel ng EU sa pagpigil sa labanan at pagpanday ng kapayapaan.
Bilang aktibong miyembro ng European Peacebuilding Liaison Office
(EPLO), at ng Steering Committee nito, sinisigurado naming
suportado at prayoridad ng EU ang pagpigil sa labanan at pagpanday
ng kapayapaan. Tuwiran din ang pakikitungo namin sa mga gumagawa ng
patakaran sa EU sa mga pagpupulong at seminar, at sa gobyerno ng UK
bilang EU Member State na aktibo sa mga isyung pangkapayapaan.UN:
Nakikipagtulungan ang Conciliation Resources sa mga tauhan ng UN at
estadong miyembro nito upang palakasin ang mga proseso ng
paghadlang at pagbawas sa marahas na labanan. Nag-aambag kami sa
mga talakayan sa UN tungkol sa pinakamabuting uri ng suporta sa mga
prosesong pangkapayapaan, paghimok sa partisipasyon ng publiko, at
pakikitungo sa mga armadong grupo. Regular kaming nagdadaos ng mga
seminar para sa mga opisyales ng UN at mga estadong miyembro nito,
katuwang ang ibang mga organisasyon sa peacebuilding, sa mga tema
tulad ng epekto ng pambabatikos (proscription) sa mga prosesong
pangkapayapaan. Nag-aambag kami ng mga palagay sa pagsulat ng mga
susing dokumento pampatakaran, tulad ng 2012 UN Guidance for
Effective Mediation at Ulat ng Secretary General sa pagpanday ng
kapayaapaan kagyat na matapos ang labanan.
grupong naglalaban. Maaring hindi naman nila kinakatawan ang
kapakanan ng mas malawak na lipunan. Nakikipagtulungan kami sa
civil society upang siguruhing nasasalamin ang pananaw ng lahat ng
bahagi ng lipunan sa pagpapanday ng kapayapaaan. Itinataguyod namin
ang mga pagkilos ng kababaihan sa peacebuilding at pagpigil sa
labanan, at ang kanilang makubuluhang partisipasyon sa mga opisyal
na negosasyon.
Pagtutuon ng pansin sa mga kumikilos sa pandaigdigang
larangan
Conciliation Resources Charity registered in England and Wales
(1055436) Company limited by guarantee registered in England and
Wales (03196482)
2
2
2
Mga tema ng patakaran
Pagpapanday ng kapayapaan sa mga hangganan ng mga bansaMalimit
na nakatutok sa mga estado bilang pangunahing antas ng pagsusuri at
pamamagitan (intervention) ang tugon ng mga internasyonal sa
labanan– nagkakaproblema sila sa pakikitungo sa masalimuot na
kalagayan sa mga hangganan ng mga bansa (cross-border dynamics),
kahit hindi nirerespeto ng digmaan ang mga hangganang pampulitika o
teritoryal. Sa pamamagitan ng gawain namin kasama ang mga katuwang
sa iba’t ibang rehiyon, natukoy ng Conciliation Resources ang
pangangailangan na suriin, unawain, at tugunan ang mga isyu sa
rehiyon, sa halip ng sa tradisyonal na mga bansa, na siyang batayan
ng maraming pamamagitan. Sinusuportahan namin ang civil society sa
kanilang mga malikhaing pamamaraan sa pakikitungo sa mga labanan na
tumatawid sa mga hangganan.
Pakikitungo sa mga armadong grupo Hindi malinaw ang patakaran sa
pandaigdigang antas kung kailangan nga ba o kung kailan kaya dapat
makipag-usap sa mga armadong grupo. Kadalasan, kailangang makitungo
sa mga grupong ito upang matigil ang marahas na mga labanan. Sa
Conciliation Resources, magagabayan namin ang mga gumagawa ng
patakaran sa mga maaring ikilos, hamon at taktika ng pakikitungo sa
mga armadong grupo sa iba’t ibang baitang o antas ng prosesong
pangkapayapaan.
Pamamahala at pagpanday ng kapayapaan Kalimitan, mahinang uri ng
pamamahala ang ugat ng labanan. Pinakamalaking hadlang din ito sa
pagpapanday ng pangmatagalang kapayapaan. Kasabay nito, hadlang din
sa pagpapahusay ng pamamahala ang mga pamana ng labanan – tulad ng
mga lipunang may hidwaan at kung saan mataas ang antas ng
paghihinala at hindi matatag na mga institusyon.
Kinakatulong ng Conciliation Resources ang taumbayan sa gitna ng
labanan upang maisatinig nila ang kanilang mga pangangailangan.
Nakikiisa kami sa kanila sa pakikiharap sa mga pulitiko at mga
gumagawa ng patakaran sa pagpapasya sa mga isyu na may labis na
epekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Mga prosesong pangkapayapaan at usapanMaitatayo ang pundasyon ng
makatarungan at pangmatagalan na kapayapaan kung magkasundo ang mga
naglalaban sa paglutas ng mga isyu na lumikha ng hidwaan at kung
paano sila maaring mapayapang manirahan na magkasama sa hinaharap.
Nakikipagtulungan kami sa iba’t ibang tao, sa mga grupong may
alitan, at sa mga sumusuporta sa prosesong pangkapayapaan. Sa
pakikipagtulungang ito, isinusulong namin ang pagkaunawa sa bago at
naiibang uri ng pagkilos. Lumilikha rin kami ng mga pagkakataon
upang magharap at mag-usap ang mismong mga taong kasangkot sa
labanan tungkol sa mga isyu.
Partisipasyon ng taumbayanKadalasan, ang mga taong naninirahan
sa gitna ng labanan ang may pinakamahusay na kaalaman ukol sa mga
ugat ng suliranin at kung ano ang mga solusyon dito. Ngunit layunin
ng karamihan sa negosasyong pangkapayapaan ang pag-sasaayos ng mga
kasunduan sa pagitan lamang ng kinatawan ng mga
“Nakapagpalawak ng kaisipan [ang Conciliation Resources] sa
pamamagitan ng mga pagtatanghal, workshop, pagsasanay at
pagsisiwalat ng impormasyon (briefings) sa mga indibidwal. Kilala
at respetado ito sa UN at EU. Nakapagbigay rin ng mga pagkakataon
para sa mga briefing ang mga pagbunsod ng Accord sa mga matataas na
antas ng pamahalaan na madalas nagbunga sa pagpapaloob ng mga
mensahe nito sa mga dokumentong pampatakaran at
talumpati.”Komentaryo mula sa pinondohan ng DFID na Conflict and
Humanitarian Fund Project Completion Report, 2011