Agosto 2016 11 “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko” (Exodo 20:3). Habang karamihan sa mga tao ay hindi natutukso ngayong sumamba sa isang gintong guya, hindi tayo dapat sumamba sa “mga diyus-diyusan” tulad ng katanyagan o mga materyal na ari-arian (tingnan sa 2 Nephi 9:30). “Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin” (Exodo 20:8). Kapag pinanatili nating banal ang araw ng Sabbath, matututo tayong magkaroon ng mata na “nakatuon sa kaluwalhatian [ng Diyos]” (D at T 88:67). “Huwag kang mangangalunya” (Exodo 20:14). Nasusunod natin ang kautusang ito sa pagkakaroon ng dalisay na mga kaisipan (tingnan sa D at T 42:23). Narito ang ilang halimbawa ng pagsunod sa mga kautu- san ngayon: MGA PAGLALARAWAN NI J. BETH JEPSON “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” (Exodo 20:12). Maaaring ibilang dito ang paggalang sa ating mga ninuno, ating mga magulang, at ating mga magulang sa langit. “Huwag mong iimbutin [ang pag-aari] ng iyong kapuwa” (Exodo 20:17). Bukod pa sa ibang mga bagay, ang pag-iimbot ay humahantong sa kawalan ng kasiyahan at kalungkutan.