Genesis 12:1-91 Sinabi ni Yahweh kay Abram, "Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. 2 Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami.
Genesis 12:1-93 Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain." 4 Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh; nilisan niya ang Haran noong siya'y pitumpu't limang taon. Sumama sa kanya si Lot.
Genesis 12:1-95 Isinama ni Abram ang kanyang asawang si Sarai at si Lot na pamangkin niya. Dinala niyang lahat ang kanyang mga alipin at mga kayamanang naipon nila sa Haran. Pagkatapos nito'y nagtungo sila sa Canaan. 6 nagtuloy si Abram sa isang banal na lugar sa Shekem, sa malaking puno ng Moreh. Noo'y naroon pa ang mga Cananeo.
Genesis 12:1-97 Nagpakita kay Abram si Yahweh na nagsabi sa kanya, "Ito ang lupaing ibibigay ko sa iyong lahi." At nagtayo si Abram ng altar para kay Yahweh na nagpakita sa kanya. 8 Buhat doon, nagtuloy siya sa kaburulan sa silangan ng Bethel at huminto sa pagitan ng Bethel na nasa kanluran at ng Ai na nasa silangan. Nagtayo rin siya roon ng altar at sumamba kay Yahweh. 9 Mula roon, unti-unti silang nagpatuloy papunta sa gawing timog ng Canaan.
ANG MGA DESISYON NA GINAGAWA MO
NGAYON AY MAGTATAKDA NG IKUKWENTO MO
BUKAS.
HEBREO 12:1-2
1 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.
PARA IKAW AY MAKARATING SA
IYONG DESTINASYON, KAILANGAN MONG
HUMAKBANG PALAYO SA KASIGURADUHAN.
Genesis 12:1-31 Sinabi ni Yahweh kay Abram, "Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. 2 Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. 3 Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain."
HINDI TAYO NABABAGO NG PAGGAWA NG MGA PANGAKO
SA DIYOS.
Tayo ay nababago ng
mga pangako ng diyos.
Genesis 12:44 Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh; nilisan niya ang Haran noong siya'y pitumpu't limang taon. Sumama sa kanya si Lot.
Hindi mo masusukat ang pagpapalang
ibibigay ng diyos sa’yo kung ikaw ay susunod sa kanya.
ANo ANG GUSTO NG DIYOS NA NAISIN MO?
ANO ANG HAKBANG NG
PANANAMPALATAYA NA NAIS NG
DIYOS NA GAWIN MO?
ANG PANANAMPALATAYA AY NAGBIBIGAY
NG KALUGURAN SA DIYOS.
HEBREO 11:88 Dahil sa pananampalataya sa Diyos, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
HINDI MO KAILANGANG
MATAPOS BASTA IKAW AY MAGSIMULA
NG MAY PANANAMPALATAYA.
HUMAKBANG KA.
EXODO 3:10-1110 Kaya't papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayang Israel.“ 11 Sumagot si Moises, "Sino po ako para humarap sa Faraon at ilabas ang bayang Israel mula sa Egipto?"
EXODO 4:10-1210 Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Panginoon, sa mula't mula pa'y hindi po ako mahusay magsalita. Bagama't nangusap ka na sa akin, hanggang ngayo'y pautal-utal pa rin ako kung magsalita.“
EXODO 4:10-1211 Sinabi ni Yahweh, "Sino ba ang gumagawa sa bibig ng tao? Sino ang may kapangyarihan para maging bingi o pipi ang isang tao? At sino rin ba ang nagbibigay ng paningin at nag-aalis nito? Hindi ba't akong si Yahweh?
EXODO 4:10-1212 Kaya nga, lumakad ka na at tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang iyong sasabihin."