Top Banner
*Mga Mungkahing Gawain para sa Ikaapat na Araw (Una at Ikalawang Markahan) *mga pagsasanay, pagtataya, paalala at iba pang gawaing magsisilbing panghubog sa kasanayan at kaalamang naitalaga *maaari ring magsilbing follow-up o key intervention para sa mga kasanayang kailangan pang hubugin
28

mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Jul 07, 2016

Download

Documents

Dona Banta Baes

lesson plan
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

*Mga Mungkahing Gawain para sa Ikaapat

na Araw(Una at Ikalawang Markahan)

*mga pagsasanay, pagtataya, paalala at iba pang gawaing magsisilbing panghubog sa kasanayan at

kaalamang naitalaga*maaari ring magsilbing follow-up o key

intervention para sa mga kasanayang kailangan pang hubugin

Page 2: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 1

“Batang-bata ka pa”

*Pagbuo ng Simbolo*Pagsulat ng Talata

Page 3: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”

*Pagbuo ng Simbolo - balikan ang uri (tuwiran, di-tuwiran) - magbigay ng iba pang halimbawa ng akda na sinadyang maraming ginamit na simbolo  - magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang bagay (hal. bulaklak, krus, agila) at hayaang magbigay ng sagot na maaaring sinisimbolo ng mga ito - (pabigkas) gamit ang iba pang lunsarang akda (na maraming simbolong ginamit) hayaang tuklasin ng mga mag-aaral ang mga ginamit na simbolo mula rito at humingi ng patunay bilang pagpapatibay sa kanilang kasagutan.

Page 4: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”

*Pagsulat ng Talata-balikan ang uri (Naglalahad, Naglalarawan, Nagsasalaysay, atbp.)- alalahanin ang mga:

Mga Dapat Tandaan:*layunin (bakit ka nagsusulat?)*madla (para kanino kaya ka nagsusulat?)*persona (sino ka at ano ka bilang manunulat?) 

Iba pang Dapat Tandaan:*4B (bantas, balarila, baybay, walang banyagang salita)*nilalaman*panuto*estilo*pamagat*KKK (kaisahan, kaayusan, kabuuan)

Page 5: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”

*Pagsulat ng Talata- bago ang kani-kaniya / indibidwal na gawaing pasulat, mas makabubuting magparanas muna sa klase ng SAMA-SAMANG PAGBUO

NG SULATIN (pisara) 

*mula ito sa pagpili ng paksa hanggang sa paglalagay ng angkop na pamagat

Hal. ng RUBRIK para sa SANAYSAY 

4B 5 4 3Kaisahan 5 4 3Kaayusan 5 4 3Kabuuan 5 4 3Estilo 3 2 1Panuto 2 1

 - Mula sa nakuha/nabasa/namarkahang 33% na sulatin ng mga mag-aaral, maaaring gamitin ang mga datos na makakalap upang

muling balikan ang mga KARANIWANG PAGKAKAMALI ng mga mag-aaral.

Page 6: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 2

“Ang Sundalong Patpat”

*Talasalitaan*Readers' Theatre

Page 7: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 2“Ang Sundalong Patpat”

*TalasalitaanMga Paraan sa Pagtuklas ng Kahulugan

 *kunin ang salitang-ugat*sumangguni sa diksyunaryo*balikan kung paano ginamit sa pangungusap (konteksto)*magtanong sa nakatatanda

- Magpalaro sa mga mag-aaral upang matiyak sa bawat isa na marunong silang tumingin at sumangguni sa diksyonaryo. Magbigay ng 3-4 na salita, isasaayos nila ito sa kung ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito. - Sa paghanap ng kahulugan, magbigay ng maraming halimbawang salita na sadyang nagtataglay rin ng maraming kahulugan ngunit iisa ang paraan ng pagbaybay. (Hal. “bata”)

-Magsisilbing quiz ang mga pagsasanay (drills) na isinagawa. - Dito makikita ang consistency ng mga mag-aaral na may kahinaan pa sa kasanayan at maging ang mga pamamaraan sa pagsagot at pag-iisip sa paghanap ng talasalitaan.

Page 8: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 2“Ang Sundalong Patpat”

*Readers’ TheatreMga Dapat Tinataglay:

May Mahusay na Nilalaman Kahusayan sa Pagbigkas Talab sa ManonoodMalikhain

Page 9: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 3

“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat na

“ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong

*Simbolo (sarili)*Talatang Naglalarawan

Page 10: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 3“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat

na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong

*Simbolo (sarili) - sa pagpili ng simbolo, natiyak bang:

> angkop ang mga katangian ng 2 bagay? > naipaliwanag nang maayos ang dahilan kung bakit ito

ang napiling simbolo?

Page 11: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 3“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat

na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong*Talatang Naglalarawan

Hal. ng RUBRIK para sa TALATA4B 5 4 3Kaisahan 5 4 3Kaayusan 5 4 3Kabuuan 5 4 3Estilo 3 2 1Panuto 2 1

Page 12: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 4

“Isandaang Damit” ni Fanny Garcia

*Idyoma, Simili, Metapora

Page 13: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 4“Isandaang Damit” ni Fanny

Garcia

*Idyoma- magpapalaro sa klase tulad ng pagpapakita ng mga larawan at mag-uunahan ang mga mag-aaral na sabihin kung anong idyoma ang ipinapakita nito

Page 14: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 4“Isandaang Damit” ni Fanny

Garcia*Simili/Metapora - balikan ang kahulugan, pagkakaiba/pagkakatulad at magbigay ng maraming halimbawa.  - simulan ito sa SALITA (bagay), pag-iisip kung ano ang maaaring ikumpara rito patungo sa gamit nito sa pangungusap, sa talata, sa sanaysay, sa kuwento, sa tula at sa iba pa.

- PAGTUKOY (identification) kung ano ang ginamit sa pahayag: simili, metapora  - PAGKILALA kung ano ang bagay na kinumpara at pinagkumparahan  -PAGGAWA ng sariling halimbawa

Page 15: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 5

Kung Bakit Umuulan

*Alamat*Poster

Page 16: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 5Kung Bakit Umuulan

*Alamat - kahulugan, katangian, kahalagahan, tungkol saan ang ALAMAT? *Poster

HAL. ng RUBRIK ng POSTER

Nilalaman 6 5 4Pagkamalikhain 5 4 3Katapatan sa Paksa 5 4 3Kalinisan 3 2 1Panuto 1 0

Page 17: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 6

Alamat ni Tungkung Langit ni Roberto Añonuevo

*Alamat*Paggawa ng Banghay

Page 18: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 6Alamat ni Tungkung Langit ni

Roberto Añonuevo*Alamat-Tungkol saan ang alamat? - Ano ang pagkakaiba nito sa iba pang genre?

PAGSULAT*tiyaking napapaloob ang mga katangian ng alamat

 PAGBIGKAS

*naiparanas ba sa klase ang tradisyong pasalita (oral tradition) na pinagmulan ng alamat?

Page 19: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 6Alamat ni Tungkung Langit ni

Roberto Añonuevo

*Paggawa ng Banghay Masasagot ba ng ginawang banghay ang sumusunod na tanong?

-> nandito na ba lahat ang nais kong isulat?-> malinaw ba ang daloy ng pagkakasunud-sunod nito?-> kuntento na ba ang sa saklaw o sakop ng isusulat ko?-> isinaalang-alang ko ba ang persona, madla at layunin sa pagbuo ko nito?

Page 20: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 7

“Salamin” ni Assunta Cuyegkeng

*Tula

Page 21: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 7“Salamin” ni Assunta Cuyegkeng

*Tula - maaaring makatulong kung bigyang-pansin ang pormalistikong pananaw (uri, elemento) - bago ang kani-kaniya / indibidwal na gawaing pasulat, mas makabubuting magparanas muna sa klase ng SAMA-SAMANG PAGBUO NG SULATIN (pisara) - maaaring magsimula sa tulang may sukat at tugma (TANAGA) hanggang sa maiparanas sa klase ang pagsulat ng tulang may malayang taludturan

Hal. ng RUBRIK para sa TULABantas 5 4 3Baybay 5 4 3Balarila 5 4 3xBanyaga 5 4 3Nilalaman 5 4 3Panuto 5 4 3

 

Page 22: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 8

“Ang Pintor” ni Jerry Gracio

*Tayutay*Pagbigkas ng Tula

Page 23: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 8“Ang Pintor” ni Jerry Gracio

*Tayutay - pasalita man o pasulat, mahalagang malinaw ang kasanayang  nalinang sa mag-aaral:

+PAG-ALAM, kung batid ng mag-aaral na may ginamit na tayutay sa teksto/akda +PAGTUKOY, kaya ng mag-aaral na tukuyin/sabihin ang uri ng tayutay na ginamit sa teksto/akda

+PAGBUO, (may padron man o wala) may kakayahan ang mag-aaral na gumawa ng halimbawa ng pahayag na may tayutay

*dito makapipili ang guro ng pagsasanay na aangkop sa pangangailangan ng klase

Page 24: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 8“Ang Pintor” ni Jerry Gracio

*Pagbigkas ng Tula- saulado man o binabasa, kailangang malinaw sa

mag-aaral ang nilalaman at konteksto ng kaniyang bibigkasing tula upang mas maging ganap at may sandigan ang paraan ng pagbigkas niya rito:

- Hal. ng rubrik ng pagbigkas ng tula:Lakas (Volume) 20 17 15 12

Bigkas (Pronunciation)

20 17 15 12

Ginhawa (Self-Confidence, Comfortability)

20 17 15 12Kulay (Emotion,

Color)20 17 15 12

Ugnay (Audience Impact)

20 17 15 12

Page 25: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 9

Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat

*Pagbubuod ng Maikling Kuwento

Page 26: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 9Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat

*Pagbubuod ng Maikling Kuwento -pabigkas man o pasulat, kailangang matiyak sa mga mag-aaral na sa pagbubuod, dapat tandaan na:

^malinaw pa rin ang daloy ng pangyayari^nailalarawan pa rin nang maayos ang mga tauhan at ang kanilang

papel sa kuwento^natutukoy ang mga lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento^nag-iiwan sa tagapakinig o mambabasa ng kakaibang dating at

pag-unawa kahit buod lamang ang napakinggan o nabasa

Page 27: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 10

Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan*Pagbubuod at Presentasyon

Page 28: mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw

Unang Markahan: Linggo 10Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan

*Pagbubuod at Presentasyon- ang pinakamabigat na pagsubok sa bahaging ito ng guro at mag-

aaral ay ang matiyak ang katapatan sa paksa ng nilalaman at presentasyon- para sa guro, mahalagang itanong ang sumusunod sa mag-aaral na

magtatanghal:Nakasunod ba sa mga panuto?Angkop ba ang presentasyon sa paksa at nilalaman? Malinaw ba ang layunin ng gawain para sa lahat ng miyembro?Anu-ano ang naging o magiging balakid para sa ikatatagumpay ng pangkatang gawain?Anu-ano ang posibleng solusyon para sa

mga nabanggit na balakid?