3 Mother Tongue Learner’s Materials Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
3
Mother Tongue
Learner’s Materials
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Mother Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9601-31-9
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D.BEE – Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D.
Inilimbag sa Pilipinas ng MGO
Enterprises
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected]
Development Team of the Learner’s Module
Consultant and Editor: Dr. Felicitas PadoDr.Rosalina J. VillanezaMs. Editha Macayaon
Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic
Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega
Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan
Graphic Artist:Layout Artist:
Table of Contents
Quarter1: Knowing Myself and My Family
Lesson 1:My Family and I ………………………………………………….
Lesson 2:My Family and I: Healthy Habits ……………………………...
Lesson 3:Things I Enjoy and People I Like1……………………………....
Lesson 4:My Favorite Animals and Plants .............................................
Lesson 5:Things I Love t Do – Favorite Activities, Hobbies, Sports ……
Lesson 6:Care for the Environment …………………………………………
Lesson 7:My Family and Our Roles …………………………………………
Lesson 8:Members of the Family, Pride of My Family …………………..
Lesson 9:My Family and Our Roles …………………………………………
Summative TEST ……………………………………………………..
Unang KuwarterUnang Linggo
Gawain 1Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento.Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol sa kuwentong “Aking Alaga”
Talaan ng Tagpuan
Talaan ng Tauhan
Talaan ng mga Pangyayari
Sabihin at Alamin
Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang tagpuan, tauhan at mga pangyayari.
Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento.
Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.
Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga naging suliranin at kalutasan sa kuwento.
Gawain 2
Tandaan
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay lugar o pangyayari.
Basahin ang mga pangungusap mula sa ating kuwento: “ Halina sa Bukid”
a. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.b. Nasiyahan si Greg sa pagmamasid ng mga tutubi sa
paligid.
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong “ Halina Sa Bukid”
A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid.
Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita ng tatay? Nasaan ang kuting?Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?
Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?Ano ang pangngalan?
Tandaan
Subukin
Gawain 3:
Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Isulat ang pangngalan sa angkop na kahon.
Pangngalan
Tao Lugar Bagay
ate upuan walis pambura silid -aklatan aklat
bag tatay
Tiya Rose
Basahin at Alamin
Basahin ang kuwento. Basahin nang wasto ang mga salita at may angkop na damdamin.
“Ang Pag-uwi ni Sally”
Ni: Nelia D. Bamba
“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya. “Isasama ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally”Nagpaiwan na si tiya Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally. “Hindi na ako makapaghintay, nanay.! Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya” ang sabi ni Ben “ Ano kaya ang pasalubong niya sa akin?
“ Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally?” tanong ni Tatay. Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon sakay si Sally, nag-aalalang sabi ni Nanay.
Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kanyang luha. “Nanay, huwag kang mag alala, sigurado akong nsaa susunod na bus na si Sally”.
“Heto na ang huling bus mula sa lungsod”! wika ng Tatay. Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally. Nang bumukas ang pinto, patakbo at masayang bumaba si Sally at sabay sabing, “sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”.
“ Nag-alala kaming lahat sa iyo” wika ni Tatay. Halika na, naghihintay na ang paborito mong
pagkain sa bahay sabi ni Nanay.
Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back pack”, wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”
Isipin
Sagutin ang mga tanong.1. Sino ang uuwi?2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus?3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?6. Bakit nag-aala si nanay?7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula.8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula.
Lingguhang Pagtataya
Gawain # 1:
Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Punan ng tamang sagot ayon sa kanilang mga uri. Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar o bagay.
1.
Gawain # 2:
Basahin ang pangungusap, Isulat ang nga pangngalang may salungguhit sa tamang kahon.
a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga manok .
pambura
guro opisina lapis sabon entablado
tiya silid- aklatan tsokolate ina
b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso . c. Inutusan sila ng Nanay na makipaglaro ng holen sa iyo.d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na payong.e. hindi ko siya mapabangon sa kama . f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso.
Unang KuwarterIkalawang Linggo
Pangngalan
Isahan Maramihan
Sabihin at Alamin
Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa iisang bagay.(Singular nouns are used to name one thing)Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan sa dalawa o higit pang mga bagay.(Plural nouns are used to name two or more things)
Gawain 1:
Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!1. May bagong saranggola si Tatay.
May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa bukid.
2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang nilagang itlog, tatlong pirasong keso at dalawang piraso ng bilog na tinapay.
Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap? Paano sila nagkakaiba?
Ano ang isahang pangngalan??Ano ang maramihang pangalan?
Gawain 2:
Tandaan
Subukin
Pakinggan ang panuto na sasabihin ng guro. Sipiin ang tsart at ilagay dito ang inyong sagot.
Pangngalan
Isahan Maramihan
Basahin ang kuwento nang wasto,may tamang diin at ekspresyon.
Prutas na Makatas ni: Nelia D. Bamba
“Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga bata sa pagkuha ng kani- knilang bag. “Uuwi na tayo, Biyernes na rin sa wakas” ang sabi ng mga bata.
“ Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping. “Hintay!” ang sabi ni Miguel. “ Naiwan ko ang aking
lagayan ng tubig, uhaw na uhaw ako, kailangan kong uminom, napagod ako sa aming praktis ng balibol”.
“Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!” “Nakikita ninyo ba ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada?”
Basahin at Alamin
Maraming melon,suha, pinya at bayabas, mukhang makatas at sariwa” ang wika ni Marie.
“Oo nga, wala ang mga iyan kahapon” ang sabi ni Miguel.
“ Panahon ngayon ng anihan” ang sabi ni Mang Peping. “Ang mag prutas na iyan ay kaani lamang ng mga magsasaka sa kanilang bukid”
“ Sana ay nakita ni Nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili siya” ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga prutas, ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.”
“Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo nang uminom ng katas ng prutas”, wika ng mga bata.
Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap.
“Suha, suha, makatas na suhaKainin, katasin tayo ay palulusugin.
Melon, melon,makatas na melonMasarap lalo na kung mainit ang panahon
Pinya, pinya makatas na pinyaMaasim, matamis talagang masustansiya.
Sagutin ang tanong.1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang kanilang ginagawa sa loob ng bus? Bakit? 3. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?
Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!”
Isipin
1. Binigyan ng Nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog at isang tasa ng sopas.
2. Magdadala si Nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso ng tinapay.
Alin ang mga pangngalan sa pangungusap?Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin?Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang?
Alin ang pangngalang pamilang?Alin ang pangngalang di pamilang?Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang??Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di pamilang?
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalan nabibilang. Ang pangngalang di pamilang ay ang mga pangngalang di nabibilang.
Gawain 1
Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na kahon.
Tandaan
ice cream carrot
saging sopas
bayabasasukal
Sabihin at Alamin
Gawain 2Isulat ang pangngalan sa tamang kahon.
a. bote ng mantika
b. bibingka
c. isang mansanas
d. isang tasang asukal
(Pangngalang Pamilang) (Pangngalang Di Pamilang)
N
O
U
N
Pangngalang pamilang
Ang suliranin ang nagsasaad kung ano ang ipinag-
aalala ng isang tauhan sa kuwento.
Ang kalutasan ang nagsasaad ng solusyon sa isang
kuwento.
e. sampung mangga
f. mantekilya
g. isang pirasong saging
h. garapon ng asin
i. isang basong juice
j. tatlong kahel
Basahin ang pangyayari mula sa “ Makatas na Prutas”
Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan. Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin niya iyon para makainom.
Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento?
Bakit nag-alala si Miguel?
Ano ang naisip niyang kalutasan ?
Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag- aalala ng tauhan?Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?
Pangngalang di
pamilang
Tandaan
Ang suliranin ang nagsasaad kung ano ang ipinag- aalala ng isang tauhan sa kuwento.Ang kalutasan ang nagsasaad ng solusyon sa isang kuwento.
Gawain 4:Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 Basahin ang suliranin. Subuking bigyan ng kalutasan. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon. Oras na ng recess. Kalutasan: ____________________________
Pangkat 2Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang kalutasan.
Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay: lugar kung saan nangyari ang kuwento at ang oras kung kailan nangyari ang kuwento
Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan.
Suliranin: ______________________________________
Kalutasan: ______________________________________
Pangkat 3:Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan ito ng solusyon.
Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!”
Isang sabado, magkasamang binaybay nina Tatay at Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila narrating ang malawak na bahagi ang bukid. Masayang masaya sa pangyayari si Marlon.
Saan nangyari ang kuwento?Kailan ito nangyari?Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento?
Ang suliranin ay: _____________________________________
Ang Kalutasan ay:___________________________________
Tandaan!
Gawain 5:
Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. PasasalamatSaan ito nangyari? ________________
a. sa bahay b. sa kantina c. sa dagatKalian ito nagaganap? _____________________________ a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa c. swimming
2. Kuwento tungkol sa mga diwataSaan ito nangyari?___________________________ a. paaralan b. palasyo c. zoo saan ito naganap? _____________________________ a. noong unang panahon b. kasalukuyan c. sa darating na panahon
3. Mga katatakutang kuwento Saan ito nanyari?___________________________ a. sa party b. Nakakatakot n bahay c. palasyo
Kailan ito nangyari? _____________________________ a. gabi b. tanghali c. madaling araw
Gawain 6:
Subukin
Punuan ng mga titik upang mabuo ang puzzle.Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig.
SaranggolaBukidPrutasSabadoTatay
Gawain 7:
Isulat ang P kung ang salita ay Pangngalang Pamilang at DP kung Di Pamilang.
a. isang kutsaritang toyo
b. isang boteng suka
c. isang labanos
d. isang sibuyas
e. mga kamatis
f. isang bandehadong pansit
g. pinya
h. isang boteng patis
s
p
ds
T
y
i. mangga
h. mantekilya
i. isang boteng mantika
Gawain 8:
Basahin ang kuwento. Hanapin ang suliranin at kalutasan, gamit ang porma sa ibaba. Ang suliranin ay: _______________________________________
Ang kalutasan ay: _______________________________________
Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo.
“Gustong - gusto ko ang lugar na ito” ang sabi ni Jenny. “Kahanga-hanga ang mga puno halika na sa paborito kong puno” ang sabi ni Joyce. “Hitik ang mga bunga!” “ Gusto kong makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin”.
“Ito ang panungkit, gamitin natin” sabi ni Jenny. “Isa, dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga”, sabi naman ni Joyce.
Basahin at Alamin
“Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila”, ang sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang isang tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny.
“ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na tsinelas sa aking bag”, ang sabi ni Joyce.
Talata 1
Ano ang suliranin? ____________________________________Ano ang kalutasan ? ______________________________________
Talata 2
Ano ang suliranin? ____________________________________Ano ang kalutasan ? ______________________________________
Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may tamang pagkakasunod -sunod. Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita ang mga panandang una, sumunod, bago, pagtapos, sa wakas o iba pang salita na makapagsasabi ng pagkakasunod -sunod.
Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina pagkaawas sa paaralan. Lagyan ng tamang bilang sa patlang.
Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ag kanyang ginagawa pagkagaling sa paaralan.
________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan
ang Nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan.
________Kapag natapos na niya ang kanyang mga gawaing-
bahay, katabi niyang nanonood ng paborito nilang
palabas sa telebisyon ang kaniyang nanay.
________Tapos, kukuhanin niya ang kanyang mga kuwaderno
at gagawa na siya ng gawaing bahay.
________Sa huli, hahalik siya sa kanyang nanay athihiga na
upang matulog.
_______Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad
siya sa kusina upang kumain ng meryenda.
Tandaan
Gawain 4
Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito.
Gawain 5
Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa Pangngalang di pamilang at ilagay ito sa patlang.
b t u n a y l s
i A t e w a l o
y T m a s a y a
a A p a r k r d
y y a y t p t y
a i e s i d s t
k a i b i g a n
isang tasa ng isang baso ng isang plato ng isang garapon ng
isang bote ng isang dakot na isang patak ng isang sako ng
sopas pasas juice
gamot jam kanin
Gawain 6
Pagsunod-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit. Lagyan ng tamang bilang sa patlang.
_______ Basahin at unawain ang panuto._______ Isulat ang pangalan,baitang at pangkat._______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit._______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot._______Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit.
Gawain 7
1. Punan ng pangngalan ang tsart. Piliin ang sagot mula sa bag sa ibaba.
mangga asukal
lapis cake mansanas
bigas asin
mantikilya aklat
mantika
mangga asukal
lapis cake mansanas
bigas asin
mantikilya aklat
mantika
Pangngalan
Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di- nabibilang
Gawain 8:
Piliin ang tanda ng pangngalang pamilang.
Pangngalan
garapon ng piraso ng isang basket na
plato ng bote ng tasa ng
isant patak na baso na puno ng
garapon ng piraso ng isang basket na
plato ng bote ng tasa ng
isant patak na baso na puno ng
________ tubig
________ jelly
________ kanin
_ca_______ c cake
_____ cake
_________ prutas
________ fruits__________buhangin
________ raisins
cake
Unang KuwarterIkaapat na Linggo
Gawain 1
Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang pangungusap.
1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan.
2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.
3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.
4. ________ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.
5. ________si Norman na manalo siya sa paligsahan.
Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang maipahayag ang iyong nais.
Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring mangyari o makatotohanan.
Tandaan
Sabihin at
Ang salitang gusto ay ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi maaaring mangyari o hindi makatotohanan.
Gawain 2
Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong “Papasukin Po Ninyo Ako!”
pag-ibig hardin kaligayahan
kagalakan kapatid kagandahan
takot panlilinlang palumpong
puno pagdaralita pagsuway
Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naaamoy?Alin naman ang HINDI?Anong uri ng pangngalan ang mga ito?
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang
ating limang pandama. Ang di -kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad
ng
Sabihin at Alamin
Tandaan
katangian o damdamin.
Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin? Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang bagong kalaro?
Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula.Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono at damdamin.
Ang Kuting na si Pussyni: Florita R. Matic
Ako ay isang kutingPussy kung ako’y ituring
Ang nakatutuwang kuting na itoNagbibigay ng pagmamahal sa inyo.
Ang pagmamahal na dulot ko
Nagdadala ng kagalakan sa inyoAng kalituhan at kalungkutan
Ay wala sa aking kapakinabangan.
Pagkasabik at kagalalakanAng aking nararamdaman
Sa tuwing ako’y makakikilalaNg bagong mga kasama.
Basahin at Alamin
Sagutin ang mga tanong.1. Tungkol saan ang tula?2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula?3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na nagpapahayag nito. 4.Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting? Basahin ito.5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag.
Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita?1. madaya2. kasama3. nasabi4. makulay5. malungkot
Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat?Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi?
Sabihin at Alamin
Isipin
Ano ang panlapi?
Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna o sa hulihan ng salitang- ugat upang makabuo ng bagong salita.
Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng salitang- ugat tulad ng ma-, na- , pag- at ka-
Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na idinadagdag sa hulihan ng salitang- ugat tulad ng –an at -han
Gawain 1:
Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “Ang Kutingna si Pussy. Salungguhitan ang mga panlaping ginamit.
pagmamahal kalituhan
kagalakan pagkasabik
kalungkutan
Basahin nang malakas ang mga salita.
tauhan pinangyarihan pangyayari
Subukin
Sabihin at Alamin
Tandaan
talata saknong taludtod
tugma tula kuwento
Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita?Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento?Alin ang tumutukoy sa tula?
Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng tauhan, pinangyarihan at pangyayari sa kuwento.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong ay mga taludtod na may salitang makakatugma.
Gawain 2:Isulat ang loob ng kahon ang mga salitang magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula.
Tandaan
Gawain 3:Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga.Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula
1. Ano ang inaalagaan mo?2. Ano ang pangalan ng iyong alaga?3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga?4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng
iyong alaga?5. Mahal mo ba ang iyong alaga?6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong
alaga?
Gawain 4:Bilugan ang mga di kongkretong pangngalang makikita sa loob ng kahon.
saknongpangyayari tugma
tauhan
pinangyarihan
talata
taludtod
kuwento
tula
pagdamay luha isipan
bayani telebisyon kabayanihan
kamalayan masaya kahirapan
usapan pagmamahal pagmamalaki
pagkilala sulat paniniwala
Gawain 5:Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
4. pagkayamota. hindi naiinipb. pagpapakita ng inipc. naaaliw
5. kalungkutana. hindi nalulungkotb. walang nadaramang lungkot c. nakakaramdam ng lungkot
Unang KuwarterIkalimang Linggo
Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar at pagdiriwang sa inyong pamayanan?
Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar?Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa iyo?Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar?
Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang tao, lugar at pagdiriwang .
Igalang natin ang mga ito
Tandaan
Sabihin at Alamin
Gawain 1Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang tao, lugar at pagdiriwang sa inyong lugar.Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan: ulo- sikat na tao, kamay- kilalang pagdiriwang at paa- kilalang lugar.
Subukin
Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong “ Isang Kahilingan.” Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
A Bkagalakan ngitipagkagulat regalokalungkutan luhakasigasigan handaanpagkasabik mag-anak
Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang pandama?Anong uri ng pangngalan ito?Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naamoy? Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?
Gawain 2Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na kakatawan sa nakasaad na di kongkretong pangngalan. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Halimbawa:pagmamahal – bulaklak , tsokolate
1. pananampalataya - ________ ________
2. katarungan -_________ _________
3. karunungan -_________ __________
4. kalinangan -_________ __________
Basahin at Alamin
5. kaunlaran -_________ __________
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitangmaaari nating madama samantalang ang di kongkretongpangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naaamoy.
May mga kaibigan ka ba?
pamilihan silid-dalanginan
pulis paaralan
sayaw gawang-kamay
aklat kulungan
daanbibliya
Basahin at Alamin
Tandaan
Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan?Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa iyong paligid?
Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang kaibigan.Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono at damdamin.
Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyanteni: Florita R. Matic
Ikaw at ako’y kailangan ng kaibiganTunay na taong mapagkakatiwalaanTulad ng bato, matatag at matibay
May lakas at tibay na walang kapantay.
Sa sandaling tayo ay naliligawMga kaibiga’y nakaagapay
Tulad ng isang matuwid na daanTunay na kaibigan’y di ka bibitawan
Totoong kaibiga’y tulad ng kayamanGaya ng gintong may kinang na taglay Walang katumbas, di kayang bayaran
Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.
Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatinAng halaga nito’y hindi sukat akalain
Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang katangian mayroon ang baton a tulad ng isang kaibigan?
2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang daan ay katulad ng isang kaibigan?
3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong katangian magkatulad ang dalawa?
4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian ang magkapareho sa kanila?
5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit?
Gawain 3
Basahing muli ang tula.
Isipin
Ano ang ibig sabihin ng tula?Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.
1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na walang kapantay.
2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigan’y di ka bibitawan.
3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning. 4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan.5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay.
Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan ang isang kaibigan?Puwede bang ihambing ang tao sa bagay?Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay?Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?
Basahin at Alamin
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng. Halimbawa:
sintamis ng kenditulad ng rosas
Gawain 4
Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap.
Halimbawa:Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.
1. Nagningning tulad ng araw ang kanyang mga mata nang makita niya si Leah.2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.3. Singgaan ng balahibo ang papel.4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat.5. Tulad ng bituin ang kislap ng kanyang mga mata.6. Lumangoy siyang simbilis ng isda.
Tandaan
Subukin
Gawain 5
Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap na may simile o pagtutulad. Isulat ang sagot sa patlang.
1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng
___________________________________________
2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa , ay
__________________________________________
3. mangagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay, langgam
__________________________________________
4. isip, ang, kanyang, sing-liwanag, ng , ay , araw
__________________________________________
5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng
__________________________________________6. ang, palagay, ay , umaagos, tulad, kanyang, ng, ilog
__________________________________________
Basahin ang liham-pangkaibigan.Tingnan kung paano ito isinusulat.
18-B. Chico St. Marulas
Basahin at Alamin
Valenzuela City Ika- 23 ng Hulyo, 2013
Mahal kong Ellaine,
Ang aking lola’y magdiriwang ng kanyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang sorpresa.
Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake.
Tiyak na matutuwa nag aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan. Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating.
Ang iyong kaibigan,Eunice
A. Sagutin ang mga tanong.
Sino ang sumulat ng liham?Saan nakatira si Eunice?Kailan niya isinulat ang liham?Kanino niya ipinadala ang liham?Tungkol saan ang liham?
B. Paano isinulat ang katawan ng liham?Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po.
1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham?
2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat pangungusap?
Isipin
3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit at iba pang bantas na ginamit?
4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita?5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng
papel?
Gawain 6Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake.Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake:1. Painitin muna ang oven sa temperatureng 350 degrees F
(175 degrees C).2. Sa isang katamtamang laking lalagyan, paghalo-haluin ang
mga sangkap ng tatlong minuto gamit ang de kuryenteng panghalo.
3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin.4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang
pinainitang oven.5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan.6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang
lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas at vanilla nang salit-salit.
7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at lagyan ng icing ang bawat patong.
Lingguhang PagtatayaPagsasanay 1:Sulatan ng mga salita ang kahon ayon sa pamagat. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
tagumpay medalyang ginto pagmamahal
pagtitiyaga kaalaman aklat computer
paaralan kapayapaan watawat
Pagsasanay 2:
Buuin ang simile o pagtutulad gamit ang mga salita sa kahon.
sindilim ng sintamis ngisang anghel isang arawisang ilog
1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______.2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi.3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita.4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam.
5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng _____ na nagbibigay liwanag.
Pagsasanay 3:
Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito ng isda.Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
a. Linisin ang isda.b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta.c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika.d. Iprito ang isda hanggang sa maluto.e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang
tumulo ang mantika. f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang
kamatis.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.Unang Kuwarter Ikaanim na Linggo
May hardin ba kayo sa bahay?Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin?Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin? Bigkasin ang tula.
Hardin Ko…Pinggan Ko!ni: Florita R. Matic
Isang araw, sa aking paggisingAking nasilayan pagsikat ng araw
Basahin at
Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumatiTila isang dalagang mayumi.
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloyAt doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguranAt hindi isang pagong na may kakuparan.
Aking mga tanim ay agad nagsilakiKawangis ng isang higanteng kaylaki
Kay gandang tingnan halamang luntianBituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
Kung ikaw ma’y nalulungkotPakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
Ang hardin ko ay aking pinggan Na nagpapalusog sa aking katawan Dahil sa alaga kong anong inam Puno ng pagmamahal na iningatan.
Isipin
Sagutin ang mga tanong.
1. Tungkol saan ang tula?2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula?3. Saan iwinangis ang araw?4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kanyang sarili?5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula?
Gawain 1: Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong
Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung tungkol saan ang saknong.
Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloyAt doon ang trabaho’y agad na itinuloyTulad ng isang kalabaw na walang kapaguranAt hindi isang pagong na may kakuparan.
Pangunahing Diwa: a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw.b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita
sa kanyang hardin .c. Maraming pagong sa kanyang hardin.
Subukin
Aking mga tanim ay agad nagsilakiKawangis ng isang higanteng kaylakiKay gandang tingnan halamang luntianBituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
Pangunahing Diwa:a. Magandang pagmasdan ang mga tanim.b. May mga bituin sa halamanan.c. Higante ang mga halaman.
Kung ikaw may nalulungkotPakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardinTiyak ang kalungkuta’y papawiin.Pangunahing Diwa:
a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin.b. Nagbibigay saya ang aking hardin.c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.
Gawain 2Gumuhit ng hardin na gusto mo sa loob ng kahon.
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.
1. Ako’y isang kalabaw sa bukid.2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan.3. Mga higante ang halaman.4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap
pagmasdan. 5. Ang hardin ko ay aking pinggan.
Paano pinaghambing ang mga bagay sa bawat pangungusap?Anong anyo ng pananalita ang ginamit?
Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na metapora o pagwawangis.
Basahin at Alamin
Tandaan
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng.
Gawain 3
Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay gumamit ng metapora.
______ 1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.______2. Singgaan ng balahibo ang papel. ______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo.______4.Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat parang pagong kung siya ay kumilos.______5. Siya ay bituin sa paningin ng kanyang ama.
Gawain 4Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon.
1. Madaling mawala ang galit ni Bing.Siya ay may __________________________________.
2. Hindi marunong magpatawad si Rene.Mayroon siyang ______________________________ .
dilang- anghel pusong mamon
dugong-bughaw pusong bato
isang kahig, isang tuka
3. May _____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar.
4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan.Siya ay may ___________________________________.
5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila ay________________________________________.
Mayroon ka bang talaarawan?Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan? Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa niya araw-araw.
Ako po si Ronel, walong taong gulang. Paghahardin, pangongolekta ng halaman at pagtatanim ng mga puno ang aking mga paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan. Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi pagkatapos kong gawin ang aking takdang- aralin. Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi Dinala kami ng aming guro sa Science na si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga halaman. Namangha ako sa dami ng makukulay na halaman sa aming hardin. Nakahahanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga ng halaman.
Basahin at Alamin
Martes, Ika- 23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na kinakausap niya ang kanyang mga tanim sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas sa kanyang paningin.
Miyerkules, ika- 24 ng Hulyo, 2013, ika- 7:00 ng gabi Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan. Nagpasalamat ako sa kanya. Alam niyang mahilig akong magtanim.
Huwebes, ika- 25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla. Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag na araw upang hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga tanim.
Biyernes, ika- 26 ng Hulyo, 2013, ika- 7:15 ng gabi Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin. Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mgatuyong dahon. Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga halamang namumulaklak.
Sabado, ika- 27 ng Hulyo, 2013, ika- 8:00 ng gabi Kahit walang pasok, maaga akong gumising dahil hindi ako upuang patatas. Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan, agad akong pumunta sa aking hardin. Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga itinanim.
Linggo, ika- 28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan
ang aking hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo. Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang sariling hardin!
Gawain 5
Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na nagustuhan?Iguhit ito sa loob ng kuwadro at sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito.
Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan.
1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong
ibahagi?3. Kailan at saan ito nangyari?4. Ano ang nangyari noong araw na iyon?
Mahilig ka bang magbasa?Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat?Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito?Salunguhitan ang mga ito.
Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat, talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya.
Isipin
pabalat ng aklat katawan ng aklat
pahinag pang-isports pamagat
pang-ulong tudling talaan ng nilalaman
Tandaan
Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1Pagtambalin ang metapora sa kahulugan nito.Isulat ang letra ng tamang sagot.
A B_____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho
_____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam
_____3. basang-sisiw c. masama ang ugali
_____4. kayod-kabayo d. problema
_____5. pusong bato e. inaapi
Pagsasanay 2Salungguhitan ang bahagi ng aklat sa talaan sa ibaba.
glosari bibliyograpiya
pabalat ng aklat pahinang pang-isports
indise o indeks pamagat
pahinang pamagat talaan ng nilalaman
paunang salita katawan ng aklat
talaan ng pagpapalimbag ng aklat
Pagsasanay 3
Piliin ang letra na nagpapahayag ng pangunahing diwa ng tula.Isulat ito sa patlang.
_____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay, kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig.
a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay.
b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng bakuran.
c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y nakatira sa lungsod.
_____2. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang Maglinis.” Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang pamayanang malinis ay ligtas sa sakit.
a. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay naglilinis ng paligid araw-araw.
b. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang kanilang pamayanan.
c. Nakatutuwang maging babaeng iskawt dahil maaari kang sumali sa proyekto ng pamayanan.
Unang KuwarterIkapitong Linggo
Paunang Pagtataya:Lagyan ng tsek (/) kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat pangungusap.
Pangungusap Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng.
2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro kapag nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito ay halimbawa ng metapora.
3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata.
4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng tuldok , tandang pananong o padamdam sa hulihan ng pangungusap.
5. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa.
Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan.
Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit.
Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi.
Ang sanggol ay anghel ng pamilya.
Siya ay gutom na leon kung kumain.
Basahin at Alamin
o Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato?
o Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan?o Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop
na gamitin sa paghahalintulad o pagwawangiso Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang
pagkakapareho ng mga bagay?o Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora
o pagwawangis?o Paanong nagkaiba ang simile at metapora?
Simile at Metapora
Ano ang simile? Ano ang metapora?
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng.
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng.
Tandaan
Isipin
Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora. Isulat ang pangungusap sa patlang.
1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ____________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
Basahin at Alamin
Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong “Tulad ng Langgam.”
a. Nagwawalis ng bakuran si Athena. b. Nagdidilig ng halaman si Brigette. c. Nagbubungkal ng lupa si Rose. d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa
hukay na gagawing abono. e. Nagdadamo ang bunsong si Mark. f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.
Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak na pangungusap.
Simuno PanaguriAthena nagwawalis ng bakuranBrigette nagdidilig ng halamanRose nagbubungkal ng lupaKuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa
hukay na gagawing abonoMark nagdadamoMang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim
Ano ang mga bahagi ng pangungusap?Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit?Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan lamang?Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap?
Ano ang payak na pangungusap?Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang.
Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri.
Tandaan
Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap.
Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o ikinilos ng simuno.
Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang pananong (?) o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap.
Gawain 1Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan. Lagay ang sagot sa loob ng bilog.
Subukin
Tulad ng Langgam
ni: Claire B. Barcelona
“Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila masyadong abala?” tanong ni Brigette.
“Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya.
Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang tatay.
“Athena, Brigette at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga anak.
Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-maya’y naging abala na ang lahat.
Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong
Basahin at Alamin
dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.
Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain.
Nakangiting pinagmamasdan ng Nanay ang kaniyang mga anak. “ Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina.
Sagutin ang mga tanong.
Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya? Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang
pagtatrabaho? Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kanyang mga
anak? Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata? Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga
langgam para sa tag-ulan? Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata? Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin?
Gawain 2
Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong pamilya sa mga espesyal na okasyon?
Isulat sa loob ng banderitas ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat sa kahon gamit ang payak na pangungusap.
Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.
Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose.
Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si
Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.
Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain.
o Ano ang isinasaad sa bawat talata?o Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa?o Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa
pangunahing diwa?o Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito?o Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata?o Saan makikita sa talata ang susing pangungusap?
bakasyon kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso
Sabihin at
Ano ang susing pangungusap? Ano ang pangunahing diwa?
Gawain 3 Basahin ang maikling kuwento at buuin ang kaisipan.Isulat ang nawawalang impormasyon.
Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna o sa hulihan ng talata.
Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing pangungusap.
Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi ng teksto.
Pamagat ng Kuwento
Pagbabasa ng Diyaryo
Pag-iipon ng mga Larawan
liba-ngan
pagbaba-sa ng aklat at diyaryo
pagtata-nim ng halaman
Tandaan
Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo.
Tagapagsalita 1 : Ang DCBB Balita Nagyon ay magbabalik pagkaraan ng paalalang ito.
Joseph : Mark, saan ka galing?Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking takdang aralin at humiran na rin ako ng aklat.
Joseph : Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo sa computer.
Mark : Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni Tatay.Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento dito sa aklat na hiniram ko.
Joseph : Uy , kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento!
Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis kong nakikita ang aking hinahanap.
Joseph : Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa.
Mark : Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang matututuhan.
Basahin at
Tagapagsalita 2 : Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT Foundation at ng istasyong ito.
o Tungkol saan ang paalala sa radyo? o Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang
libangan?o Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark
ng kuwento sa aklat?
Gawain 4
Pag-aralan ang datos na nakatala sa talahanayan na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat.
Bahagi ng Aklat
Kahulugan
1. Pabalat ng aklat
nagpapakita ng pamagat ng aklat, may-akda at gumuhit ng mga larawan.
2. Talaan ng pagpapalimbag ng aklat
nagsasaad kung kailan inilimbag ang aklat
3. Talaan ng nilalaman
nagpapakita ng paksa o aralin at pahina kung saan ito mababasa
4. Katawan ng aklat
nilalaman ng aklat
5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng mga salitang ginamit
Ano-ano ang bahagi ng aklat? Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito?
Gawain 5Itambal ang hanay A sa bahagi ng aklat na nasa hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang papel.
A B
1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbagni Paz M. Belvez
2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklatVisayas Avenue, Quezon City
3. Aralin 1- Mga Tugmang- bayan c. glosari(Salaysay)………….2
4. malumbay , 24
5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman
Lingguhang Pagtataya
Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong ito. Subuking sagutin nang wasto ang bawat aytem.
A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
“Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niyaang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon. Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala.
Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang Tatay. Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang Nanay ay nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong.
“Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Baranggay na tuwang-tuwa.
“Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay,” puna ni Mark .
1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento?a. Ang Pistab. Oras ng Maglinisc. Pagtutulungan ng Mag-anakd. Paghahanda sa Pista
2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng binasa?
a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan.b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na maglinis. c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging responsable.
3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay?”
a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan.b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa paghahanda para sa pista. c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag- anak na maglinis ng daan.d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa paghahanda para sa pista.
B. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat pangungusap.Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung metapora.
_____4. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya kumain silang tulad ng baboy.
_____5. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag ang kaniyang paboritong plorera.
_____6. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng langit kapag iyong natikman.
_____7. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera.
C. Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. Nagsasanay naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.
8. Ano ang susing pangungusap?a. Umaga ng Sabado. b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola.d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin
ang kanilang mga lolo at lola.
9. Aling pangungusap ang HINDI sumusuporta sa pangunahing diwa?
a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilanglolo.
b. Nagsasanay naman ng sayaw sina Anton at Josephpara sa kanilang paaralan.
c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola.d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa
kanilang lolo at lola.
10. Ano ang kaisipang diwa ng talata? a. Ang mga Batang Abalab. Katapusan ng linggo sa Lolo at Lolac. Kapana-panabik na Araw sa Bukidd. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola
11. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit at naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kanyang titingnan?
a. indeks o indiseb. glosaric. pabalat ng aklatd. talaan ng nilalaman
12. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Ali ang halimbawa ng payak na pangungusap?
a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang Nanay na magluto ng tanghalian.
b. Tatlongmakukulay na paruparo sa isang magandang hardin
c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang asawang si Joyce.
d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kanyang computer sa paaralan.
D. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan. Isulat ito sa papel. (13-15)
Paunang Pagtataya:Lagyan ng tsek (/) ang hanay na kakatawan sa iyong pansariling palagay sa nakahayag na konsepto.Lagyan ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo ito.
Konsepto
Alam na alam ko Ito
Narinig ko na Ito
Wala Palatanda
an
Halimbawa
Kahulugan
tambalang pangungusapsalitang may iba’t ibang kahulugan
nakapagbibigay- hinuha sa
nararamdaman ng tauhantalaan ng nilalaman
Tara Na! ni Florita R. Matic
Ang lahat ng kasama’y abalaAng pakiramdam ay masaya
Dahil lahat ay tiyak na sasamaSa lakbay-aral na kay saya
Tiyak na magdudulot ng ligaya.
Tara na at maglakbayIngat lang at alalaySa paanan ng burol
Hakbang mo’y ingatanTalampakan ay tatagan.
Mga puno sa burolPuno ng sangang madahon
Sa tabi naman nito’yMay tubo na nakabaon.
Doon sa di kalayuanIyong masisilayan
Mga tanim na tuboTubo na ang ilanKay sarap tikman.
Paso at lapnos ang aming balat Sa init ng araw na matingkad.Dahil sa layo ng aming nilakad
Basahin at Alamin
Katawang pagod ay agad napaupo Sa tabi ng paso dahil sa hapo.
o Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa rap na binasa?
o Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso?o Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita?o Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng
salitang magkapareho ang baybay?
Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan
Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart.
Salita Kahuluganpuno tanim o punong-
kahoymaraming laman
tubo daluyan ng tubig isang uri ng pananim na ginagawang asukal
usbong ng halaman na lalaki pa lamang
paso lapnos sa balat dahil sa init
lalagyan ng halaman
Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart? Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang
kahulugan? Paano mo malalaman kung ano ang angkop na
kahulugan ng salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa pangungusap?
Sabihin at Alamin
Pag-aralan ang bawat pangungusap at itambal ito sa larawang nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang sagot.
a. Bumili ng bagong saya si Ana. 1.
2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya na kanilang nararamdaman.
3. c.Malakas ang tunog ng pito.
Ang mga salita’y maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan.
Ang kahulugan ng salita’y nakabatay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.
Tandaa
Isipin
4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng bilang na pito.
5. e. Magtanim tayo ng puno.
f. Puno ng kape ang tatlong tasa.6.
Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan
Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang iyong hinuha sa kanilang nararamdaman.
o Sino-sino ang tauhan sa usapan?o Ano ang nararamdaman ni Athena?
Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.
Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton.
Anton:Madali lang yan. Tutulungan kita.
Ano ang sinabi?
Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.
Ano ang nararamdaman?
Sabihin at Alamin
o Ano ang iniisip ni Brigette?o Ano ang sagot ni Anton?o Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak?o Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton?
ni Mang Jose?
Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan.
Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan UgaliAthenaBrigetteAntonMang Jose
Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Paano mo masasabi kung ano nararamdaman
ng tauhan sa kuwento?
Gawain 1
Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa o iniisip.
Tandaan
Subukin
Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino.Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na damdamin.Paano mo ito nalaman?
Damdamin Sitwasyonkinakabahankawalan ng tiwala sa sarilimaiyak-iyakmatapang
Ugali Ginawa at Sinabi ng Tauhan
“Hindi ko halos narinig kung kailan ka nagkamali. Lahat ay pumalakpak pagkatapos mong tumugtog.”“Narinig kitang tumugtog. Ang husay mo!” Niyakap niya ang kapatid.“Bakit, Dino?” bulong niya sa kapatid.
Ako po si Dino.
Ako po si Angela. Ano po ang ugali ko?
Gawain 2 Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan.
Magandang Ideya
Name ofthe
character
thinks
does
feels
Ako po si _______ ___________.
says
Basahin at
ni: Claire B. Barcelona
“Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,” sambit ni Brigette sa kapatid.
“Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena.
“Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong sagutin nang maraming beses pero hindi ko talga makuha,” sagot ni Brigette sabay lapit sa kanyang kapatid.
Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math.
“Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong tanong ni Athena.
“ Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid.
Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano
ang gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya Anton sa Math.
“ Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong puso,”mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton.
Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing “Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.”
Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang tumungo sa hapag-kainan.
Sagutin ang mga tanong.
o Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga kapatid?
o Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga kapatid?
o Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa niya ang kaniyang galing sa Math?
o Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong ipagmalaki?
o Ibinabahagi mo sa iyong pamilya ang iyong talento? Paano?
o Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?
Tambalang PangungusapBasahin
ang mga pangungusap tungkol sa kuwento.
a. Ngumiti si Anton sa kanyang mga kapatid at ipinaliwanag niyang mabuti ang gagawin.
b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si Athena.c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton.
d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa hapag-kainan.
Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap?
Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap.
Ngumiti si Anton sa kanyang mga kapatid at unang kaisipan
ipinaliwanag niyang mabuti ang gagawin. ikalawang kaisipan
o Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap?
Basahin at
o Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag?
o Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa?
o Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa?
Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap na ginamit sa kuwento.
Ano ang tambalang pangungusap? Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa? Ano ang pang-ugnay? Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang
pangungusap? Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap?
Gawain 3
A. Nasaan ang aking kaparis? Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang
makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel.
A1. Pagpipinta ang gusto ni Mark. 2. Tumutugtog ng gitara siJoseph.
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa.
Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at, o, ngunit at saka.
Tandaan
3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda.4. Mahusay sumayaw si Grace.5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil.
Ba. Araw-araw siyang nagsasanay. b. Siya ang lider ng cheering squad.c. Kumakanta ang banda nila sa handaan. d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit. e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan.
Gawain 4
Talaan ng Nilalaman ng Aklat
Pag-aralan ng talaan ng nilalaman. Sagutin ang mga tanong.
o Ilang aralin mayroon sa talaan?o Ano ang pamagat ng huling aralin?o Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa
pagtuklas ng iyong lakas?o Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98?o Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng
libangan?o Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga
kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito?o Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at
priyoridad?o Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling
aralin ang babasahin mo?
Mga Libangan Mo
Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan…………………1-7Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas……………………... 8-39Aralin 3 Pagyamanin ang Galing….………………….. 40-76Aralin 4 Ibahagi sa Iba………… ……………………… 77-99Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili…..…………………100-124Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad…………….125-150
Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng aklat?
Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat?
Lingguhang Pagtataya
Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong ito. Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto.
A. Pakinggan ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra.
Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka.
“Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka.
“Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa kakambal.
Tinawag silang dalawa ng kanilang Nanay.
Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa unahang bahagi ng aklat.
Nakasaad dito ang yunit, aralin o kuwento at kung saan pahina ang mga ito matatagpuan .
Tandaan
1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko?
a. makasarilib. mapagtiwalac. palakaibigand. matigas ang ulo
2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang kakambal?
a. natakotb. nalungkotc. nagalitd. humingi ng paumanhin
3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko?
a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan.b. Mayroon kang sariling manika. c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta.d. Maaari bang mahiram ang iyong bola?
B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.
_____5. Alin ang tambalang pangungusap?
a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola.
b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa kanilang Tito Bobby.c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha-luha.d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo.
6. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. karneng manamis-namis ang luto
b. paghingi ng tawad c. pag-aanyaya ng awayd. pagkaing gawa sa isda
7. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong pang-ugnay. Tumula ang mga batang babae. Nagsayaw ang mga batang lalaki. Alin ang tama?
a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang mga batang lalaki.
b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang mga batang lalaki.
c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga batang lalaki.
d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang mga batang lalaki.
8. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan?
a. Nakadamit ng saya ang mga bata. b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya.c. Baro at saya ang kasuotan ng mga ninuno nating Pilipino. d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa kanilang mga ngiti.
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap.
a. taniman ng halaman b. lapnos ang balat dahil sa initc. lagpas na sa itinakdang araw
9. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa. ______
10. Ginamot ng Nanay ang mga paso ni Mark sa braso. ______
11. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito. ______
C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.
12. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong malaman ang ehersisyong bagay sa iyo?
a. aralin 1b. aralin 2c. aralin 3 d. aralin 4
13. Anong impormasyon ang nasa pahina 32?a. Tamang Ehersisyob. Gabay sa Pagkainc. Mabuti sa Katawand. Pag-iingat na Kailangan
D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang pangungusap tungkol dito.
Malusog na Pamumuhay
Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18Aralin 2 Pag-iingat na Kailangan…...…………….. 19-36Aralin 3 Mag-exercise Tayo……………..………… 37-54Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo…………............... 55-75
Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng alcohol.
a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol.
b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay kalsada.
2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa Corregidor.
a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga makasaysayang lugar ng ating bansa.
b. Maliwanag ang tala kung gabi.3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw.
a. Pakiusap,iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na panauhin.
b. Bukas aalis na ang iyong pinsan.4.
Paano mo nakilala ang mga slitang maraming kahulugan.
Gawain 1
Tandaan
May mga salita na maraming kahulugan.
Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap.
Tandaan
Hanap larawan: Lagyan ng tsek ang tamang larawan.
1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging.
2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan.
3. Ang baso ay puno ng gatas.
4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.
5. Kulay berde ang upo.
Sabihin at Alamin
Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan ang inilalarawan sa pangungusap.
a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na
hindi nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________.
mapagbigay bastos tamad
b. Hinigasan ni Monina ng mga pinggan ng walng reklamo. Monina ay __________.
mabait mapagbigay matulungin
c. “Monita, ibigay na lang natin sa matndang nagugutom an gating baon.
Si Monina ay__________.malungkot galit mapagbigay
d. “ Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko ibibgay, “ wika ni Monita.
Siya ay _________.
Makasarili maalalahanin palakaibigan
e. Nararamdaman niyang siya ay __________.
masaya malungkot mainitin ang ulo
Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan sa kuwento upang malaman natin ang kanyang ugali.
Tandaan: Kung ano ang sinasabi, ginagawa, inisip at nararamdan ng tauhan ay ngpapakita kung anong ugali siya mayroon.
Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang dalawang na pangubgusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salitang dahil o habang.1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit.__________________________________________________2. Nilinis ni maria ag kuwato. Naghihintay si Mario sa labas.__________________________________________________3. Umawit si Paolo. Matamang naking ang kaniyang mga kaklase.__________________________________________________4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro. __________________________________________________5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay.
Ano ang hugnayang pangungusap?Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap?
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang ugnay na
dahil o habang.
Basahin at Alamin
Tandaan
A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sahin kung ang pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap.
1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doo kahapon. 2. May sakit si Alice at kailanagn niyang tumigil muna sa bahay3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong.4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito. 5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus.
B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pag ugnay na dahil o habang.
1. Nakapunta kami sa marming lugar _____ kami ay nasa Cebu.2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ maga ang kanyang paa.3. Sikat ang pamilya Garrara ________lahat ng kanilang mga anak ay nasa honor roll.4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa.5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan.
Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong.
Subukin
Basahin at Alamin
Tanong:1. Sino ang sumulat ng talaarawan?2. Ano ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan?3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert?
Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay
tungkol sa ating sarili.Mga pangyayari na gusto at hindi natin
gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang
mahahalagang pangyayari sa ating buhay.
April 25, 2012
Ibinili ako ng Tatay ng asul na bisikleta.sa darating na bakasyon mag-aaral akong mag drive. Natutuwa talaga ako!
Bert
April 27, 2012
Marunong na akong mag drive ng bisikleta. Tinuruan ako ng Tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon,natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit.
Bert;’
Tandaan
Subukin:
Pagsulat ng talaarawan
Sagutin ang tanong:1. Ano ang mahalagang nagyari sa iyo noong Sabado?
Sumulat ng dalawang pangungusap.2. Bakit nangyari iyon? 3. Ano ang naramdaman tungkol dito??
Gamit ang inyong mga sagot, isulat sa talaarawan ang inyong karanasan
Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay sa buong klase ang iyong nabuo.
Suriin ang inyong sariling.Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng bahagi o kapareha ng inyong sagot.
Nilalaman at Kaayusan Nakuha1. Ang mga pangungusap ay naisulat nang angkop, kumpleto at nauunawaan(my tamang bigkas))2. Ang mga pangungusap ay maliwanag at kumpleto.3. Sentences hindi kumplteto pero maliwanag Katangian1. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng isang mag-aaral.2. Ibang kamag-aral