MONU(meant)TO at ESPA(show): Mga Pagpapakahulugan sa Monumento ng Bayaning si Andres Bonifacio Tesis na Iniharap sa Departamento ng Arte at Komunikasyon Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas – Maynila Inihanda Bilang Bahagi ng Gawaing Kailangan Sa Pagtatamo ng Titulong Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas (Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining) Jessalyn Martinez Basco 2014-30715 Mayo 2018
128
Embed
MONU(meant)TO at ESPA(show): Mga Pagpapakahulugan sa ...
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
MONU(meant)TO at ESPA(show):
Mga Pagpapakahulugan sa Monumento ng Bayaning si Andres Bonifacio
Tesis na Iniharap sa
Departamento ng Arte at Komunikasyon
Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas – Maynila
Inihanda Bilang Bahagi ng Gawaing Kailangan
Sa Pagtatamo ng Titulong Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas
(Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining)
Jessalyn Martinez Basco
2014-30715
Mayo 2018
i | B A S C O
PAGPAPATIBAY
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang MONU(meant)TO at ESPA(show): Mga
Pagpapakahulugan sa Monumento ng Bayaning si Andres Bonifacio na iniharap ni Jessalyn Martinez
Basco bilang pagsasakatuparan sa mga pangangailangan sa kursong Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas
(Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining) ay tinatanggap at inaaprubahan na.
___________________________________
Odessa N. Joson, M.A.
Tagapayo sa Tesis
___________________________________
Alice Benito – Adeva, M.A.
Tagapangulo
Departamento ng Arte at Komunikasyon
___________________________________
Leonardo Estacio Jr., PhD
Dekano
Kolehiyo ng Agham at Sining
ii | M O N U ( m e a n t ) T O
PASASALAMAT
Ang katuparan ng pananaliksik na ito ay lubos na ipinagpapasalamat sa gabay ni Propesor Odessa
N. Joson, ang tagapayo sa tesis na ito. Maraming salamat po sa pagtitiyaga, pag-intindi, at pagtitiwala sa
aming walo bagama’t may mga pagkakataon na nais niyo na lamang magpasaksak ng bolpen.
Pinasasalamatan din ang mga propesor na kapuwa umupo bilang panel sa depensa, sina Propesor Rosemarie
Roque at Propesor Kenneth Recio (na siyang nagmungkahing dagdagan ng “ESPA(show)” ang pamagat ng
tesis na ito).
Nais ko ring pasalamatan ang mga taong nagpaunlak na aking kapanayamin at iba pang mga tao at
ahensya na naglaan ng kahit kaunting oras upang ako’y gabayan at tulungan. Salamat kina Meg, Jia, Jace,
at aking ama sa pagsama sa akin sa pagbisita sa iba’t ibang mga bantayog.
Nagpapasalamat din ako sa mga kapuwa ko Negatron (na siyang tawag sa amin ni Propesor
Joson)/Joson Layers/Ka-tiyanak na sina Sopeng, Meg, Jia, Rozhie, Ate Veka, Camille, at Lorenz. Lubos
din ang pasasalamat sa aking mga kaibigan na sina Kyla, Jera, at kasama na ang mga naunang nabanggit
na sina Sopeng, Meg, at Jia.
At siyempre, wala ang tesis na ito kung hindi dahil sa aking pamilya, lalung lalo na ang aking mga
magulang na sina Analyn at Jesus Basco. Lubos na pasasalamat po sa lahat-lahat, Ma at Pa.
Maraming salamat din sa Siyang nasa itaas sa wagas na paggabay, pagtitiyaga, at pagmamahal.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat!
iii | B A S C O
ABSTRAK
Isa si Andres Bonifacio sa mga kinikilalang pambansang bayani ng mga Pilipino. Kilala siya sa
pagtatatag ng isang kalipunang tinawag na Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan. Bilang pagkilala sa kabayanihang kaniyang ipinamalas, ilang bantayog patungkol kay Bonifacio
ang itinayo sa bansa. Ayon sa Patalaan ng mga Ari-Ariang Kultural ng Pilipinas (Sangay sa Plano,
Programa, at Polisiya, 2018), anim sa mga bantayog na ito ang matatagpuan sa Punong Rehiyon ng Pilipinas
o National Capital Region (NCR). Ito ay ang mga sumusunod: Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton
(Ermita, Maynila); Bantayog ni Andres Bonifacio sa may Tutuban Center Mall Grounds (Tondo, Maynila);
Bantayog ni Andres Bonifacio sa Makati Park and Garden (West Rembo, Makati); Bantayog ni Bonifacio
(Rotonda, Kalookan); Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa may Mehan Gardens (Ermita,
Maynila); at Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan (San Nicolas, Maynila). Ang mga ito ang mga
monumentong pinag-aralan sa papel na ito.
Inalam ng pananaliksik na ito ang imahen ng bayani sa mga nabanggit na bantayog ni Andres
Bonifacio pati na rin ang implikasyon nito sa sistema ng kolektibong pagpapakahulugan at pag-alala ng
mga Pilipino. Ang unang hakbang na isinagawa ng mananaliksik ay ang pangangalap ng batayang mga
batis mula sa iba’t ibang aklatan at research databases. Matapos nito ay isa-isang pinuntahan at
inobserbahan ang mga bantayog. Nagsasagawa rin ng mga pakikipanayam at naghanap ng mga kaugnay na
arkibo ang mananaliksik mula sa iba’t ibang tao at ahensyang may kaugnayan sa mga bantayog na saklaw
ng pag-aaral na ito. Mula sa mga nakakalap na datos ay tinangkang siyasatin ang sistema ng
pagpapakahulugan at pag-alala ng mga Pilipino, partikular ang kanilang konsepto ng bayani at pagkabayani.
Sinuri ang imahen ni Bonifacio bilang isang bayani sa kaniyang mga monumento at maging ang
monumento ng bayani sa pampublikong espasyo sa kasalukuyan.
iv | M O N U ( m e a n t ) T O
MGA NILALAMAN
PAGPAPATIBAY ........................................................................................................................................ i
PASASALAMAT ........................................................................................................................................ ii
ABSTRAK .................................................................................................................................................. iii
MGA NILALAMAN .................................................................................................................................. iv
TALAAN NG PIGURA ............................................................................................................................. vi
TALAAN NG LARAWAN ........................................................................................................................ vi
TALAAN NG TALAHANAYAN ........................................................................................................... viii
A. Pinagmulan ng Pag-aaral...................................................................................................................... 1
B. Paglalahad ng Suliranin ........................................................................................................................ 4
C. Mga Layunin ........................................................................................................................................ 4
D. Saklaw at Delimitasyon ....................................................................................................................... 4
E. Kahalagahan ng Pananaliksik ............................................................................................................... 6
F. Metodolohiya ........................................................................................................................................ 7
G. Teoretikal na Balangkas ....................................................................................................................... 9
H. Konseptwal na Balangkas .................................................................................................................. 16
KABANATA II: Rebyu ng Kaugnay na Literatura ................................................................................... 18
A. Mga Teorya sa Pagpapakahulugan at Paggunita ................................................................................ 18
B. Ang Bayaning Pilipino: Iba’t ibang Pagtingin kay Andres Bonifacio ............................................... 21
C. Bayani at Pagkabayani ....................................................................................................................... 25
D. Pagbubuod .......................................................................................................................................... 26
KABANATA III: Paglalatag ng Datos ...................................................................................................... 27
A. Bantayog ni Bonifacio sa Rotonda, Kalookan ................................................................................... 27
B. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton sa Ermita, Maynila .......................................................... 34
C. Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa Ermita, Maynila ....................................................... 38
D. Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan (K.K.K. Monument) sa San Nicolas, Maynila .................. 46
E. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Makati Park and Garden sa West Rembo, Makati ........................ 51
F. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila ............................................................................. 56
G. Pagbubuod .......................................................................................................................................... 60
KABANATA IV: Pagsusuri ng Datos ....................................................................................................... 73
A. Si Bonifacio sa Kaniyang Mga Monumento ...................................................................................... 73
v | B A S C O
B. Ang Bayani sa Kaniyang mga Monumento ....................................................................................... 77
C. Ang Monumento ng Bayani sa Pampublikong Espasyo .................................................................... 80
APENDISE C: Personal na Komunikasyon tungkol sa Bantayog ni Andres Bonifacio sa Makati Park
and Garden sa Makati ........................................................................................................................... 103
APENDISE D: Personal na Komunikasyon tungkol sa mga Bantayog ni Andres Bonifacio sa Punong
Rehiyon (National Capital Region) ....................................................................................................... 109
vi | M O N U ( m e a n t ) T O
TALAAN NG PIGURA
Pigura 1. Konseptwal na Balangkas ............................................................................................................ 16
TALAAN NG LARAWAN
Larawan 1. Ang bantayog ni Bonifacio sa Rotonda, Kalookan. ................................................................. 27
Larawan 2. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa bantayog sa Kalookan ......................................... 28
Larawan 3. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa bantayog sa Kalookan. ......................................... 28
Larawan 4. Ang harapang bahagi ng bantayog sa Kalookan. ..................................................................... 29
Larawan 5. Ang kaliwang bahagi ng bantayog sa Kalookan. ..................................................................... 29
Larawan 6. Ang kanang bahagi ng bantayog sa Kalookan. ........................................................................ 30
Larawan 7. Ang likurang bahagi ng bantayog sa Kalookan. ...................................................................... 30
Larawan 8. Ang pigura ng Victory sa tuktok ng bantayog sa Kalookan. ................................................... 30
Larawan 9. Ang araw na may walong sinag na kumakatawan sa walong mga probinsyang kasama sa
paglaban sa mga Kastila. ............................................................................................................................. 31
Larawan 10. Isang bahagi ng tubig na nakapaligid sa bantayog sa Kalookan. ........................................... 31
Larawan 11. Ang mga plaka sa harapan ng bantayog sa Kalookan. ........................................................... 31
Larawan 12. Ang tanawin mula sa harapan ng bantayog sa Kalookan. ...................................................... 32
Larawan 13. Ang tanawin mula sa kanang bahagi ng bantayog sa Kalookan. ........................................... 32
Larawan 14. Ang tanawin mula sa kaliwang bahagi ng bantayog sa Kalookan. ........................................ 32
Larawan 15. Ang tanawin mula sa likuran ng bantayog sa Kalookan kung saan makikita rin ang tatlo sa
sampung watawat na nakapalibot sa bantayog sa Kalookan. ...................................................................... 32
Larawan 16. Ang bantayog sa Kalookan kung titingnan mula sa labas ...................................................... 33
Larawan 17. Ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton. ..................................................................... 34
Larawan 18. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa bantayog sa Lawton. .......................................... 35
Larawan 19. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Lawton. .......................... 35
Larawan 20. Ang plaka ng NHI sa bantayog sa Lawton. ............................................................................ 35
Larawan 21. Ang plaka ng lungsod ng Maynila sa bantayog sa Lawton. ................................................... 35
Larawan 22. Ang bahagi ng kahabaan ng Taft na nasa harapan ng batayog sa Lawton at Tanggapan ng
Koreo na nasa likuran ng bantayog. ............................................................................................................ 36
Larawan 23. Ang kanang bahagi ng bantayog sa Lawton. ......................................................................... 36
Larawan 24. Malayuang kuha sa kaliwang bahagi ng bantayog sa Lawton. .............................................. 36
Larawan 25. Ang ilang mga nagtitinda sa paligid ng bantayog sa Lawton. ............................................... 36
Larawan 26. Ang pagkilos na isinagawa sa Liwasang Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 2017. Roxas
Larawan 41. Isang bahagi ng bantayog sa Ermita na nawawalan ng piraso. .............................................. 44
Larawan 42. Malapitang kuha sa kopya ng Kartilya sa bantayog sa Ermita kung saan makikita ang
pagkawala ng mga piraso. ........................................................................................................................... 44
Larawan 43. Isang bahagi ng plant box sa bantayog sa Ermita na kakikitaan ng iba't ibang uri ng kalat at
Larawan 45. Ang natapon na pintura sa memorare ng bantayog sa Ermita. ............................................... 45
Larawan 46. Isang halimbawa ng vandalism sa bantayog sa Ermita. ......................................................... 45
Larawan 47. Ang bantayog sa San Nicolas, Maynila. ................................................................................ 46
Larawan 48. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa bantayog sa San Nicolas. .................................. 46
Larawan 49. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa bantayog sa San Nicolas. ................................... 47
Larawan 50. Si Bonifacio at limang pigurang kasama sa bantayog sa San Nicolas. .................................. 47
Larawan 51. Ang iba't ibang depiksyon sa itaas ng bahagi ng bantayog sa San Nicolas. .......................... 48
Larawan 52. Ang sahig na bahagi ng bantayog sa San Nicolas. ................................................................. 48
Larawan 53. Isang bahagi ng bakod ng bantayog sa San Nicolas kung saan makikita ang "KKK" na
pininturahan ng pula. .................................................................................................................................. 48
Larawan 54. Ang mga tricycle sa kahabaan ng Recto sa harapan ng bantayog sa San Nicolas. ................ 49
Larawan 55. Ang kanang gilid ng bantayog sa San Nicolas. ...................................................................... 49
Larawan 56. Ang kaliwang gilid ng bantayog sa San Nicolas. ................................................................... 49
Larawan 57. Ang ilang mga tumatambay sa paligid ng bantayog sa San Nicolas. ..................................... 50
Larawan 58. Ilang kalat sa bantayog sa San Nicolas. ................................................................................. 50
Larawan 59. Ang kopya ng Kartilya sa bantayog sa San Nicolas na nawawalan ng ilang piraso. ............. 50
Larawan 60. Ilang mga sako at pandakot at walis sa bantayog sa San Nicolas. ......................................... 51
Larawan 61. Ang bantayog ni Bonifacio nang nasa orihinal na kinatayuan pa nito sa Makati. Montasco
Larawan 64. Kuha sa Makati Park and Garden mula sa kahabaan ng Jose P. Rizal Ext. ........................... 52
Larawan 65. Ang Ilog Pasig kung tatanawin mula sa Makati Park and Garden. ........................................ 52
Larawan 66. Ang iskultura habang nakatali sa isang flag pole. Sembrano (2017). .................................... 53
Larawan 67. Ang mga metal na bakod na nakapalibot sa dating kinalulugaran ng bantayog ni Bonifacio sa
Makati Park and Garden. ............................................................................................................................ 53
Larawan 68. Kuha ng lugar na dating kinalalagyan ng bantayog sa Makati mula sa kahabaan ng Jose P.
Rizal Ext. kung saan makikita ang ilang detalye patungkol sa proyektong isinasagawa ng DPWH. ......... 54
Larawan 69. Ang bantayog ni Bonifacio sa Tondo, Maynila. .................................................................... 56
Larawan 70. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Tondo. ........................... 57
viii | M O N U ( m e a n t ) T O
Larawan 71. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Tondo. ............................ 57
Larawan 72. Kuha sa bantayog sa Tondo sa ibang anggulo kung saan makikita ang watawat ng Katipunan
sa kaliwa ni Bonifacio. ................................................................................................................................ 57
Larawan 73. Ang pedestal at disenyong araw na kinalalagyan nito sa bantayog sa Tondo. ....................... 58
Larawan 74. Ang mall sa harapan ng bantayog sa Tondo. ......................................................................... 58
Larawan 75. Ang bakod at kahabaan ng Recto sa kanan ng bantayog sa Tondo ........................................ 58
Larawan 76. Ang dating pangunahing istasyon ng Manila Railroad Company Ltd. .................................. 58
Larawan 77. Ilan sa mga upuang nakapalibot sa bantayog sa Tondo ......................................................... 59
Larawan 78. Ilan sa mga mamimili sa ilang pamilihan sa paligid ng bantayog sa Tondo. ......................... 59
TALAAN NG TALAHANAYAN
Tahanahayan 1. Pagbubuod sa mga nakalap na datos................................................................................. 72
1 | B A S C O
KABANATA I: Introduksyon
A. Pinagmulan ng Pag-aaral
Ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre 1863 sa isang maliit na kubo sa Calle Azcarraga (na
ngayon ay Claro M. Recto Avenue) sa Tondo, Manila, si Andres Bonifacio ay panganay sa mga anak nina
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Esperidiona, at Maxima
(National Historical Commission of the Philippines, 2012). Ayon sa NHCP (2012), nakapagtapos siya ng
elementaryang edukasyon sa pamamagitan ng isang Guillermo Osmeña ng Cebu. Nang maulila ang
kaniyang pamilya noong labing-apat na taong pa lamang, siya na ang umako sa reponsibilidad ng
pagpapalaki sa nakababatang mga kapatid sa pamamagitan ng paglikha at pagbebenta ng ilang mga bagay
gaya ng papel na pamaypay at tungkod (NHCP 2012). Naging isang mensahero rin siya sa Fleming &
Company at kalaunan, isang bodegero sa Fressel & Company (NHCP, 2012).
Ayon sa isang artikulong mula sa NHCP (2012), hindi naging hadlang ang kahirapan sa pagkauhaw
sa kaalaman ni Bonifacio. Inilaan niya ang karamihan ng kaniyang oras sa pagbabasa ng mga libro upang
palawakin ang kaniyang kaalaman sa Espanyol at Tagalog. Ang Fressel & Company ang nagsilbing silid-
aklatan at silid-aralan ni Bonifacio (NHCP, 2012).
Ikinasal si Andres Bonifacio kay Gregoria de Jesus na kaniyang ikalawa nang asawa (ang kaniyang
unang asawa, si Monica, ay namatay sa leprosy isang taon matapos silang ikasal) (NHCP, 2012). Labing-
anim pa lamang si Gregoria de Jesus at sa kabilang dako naman ay dalawampu’t siyam na taon na si Andres
Bonifacio nang sila ay nagkaibigan (NHCP, 2012). Dahil na rin siguro rito kaya’t noong una ay tumutol sa
relasyon ng dalawa ang mga magulang ni Gregoria ngunit kalaunan ay pinayagan din silang ikasal (NHCP,
2012). Kinasal ang dalawa noong 1892 sa parehong seremonyang Katoliko at ng Katipunan (NHCP, 2012).
Ayon sa NHCP (2012), “Lakambini” ang napiling nom de guerre ni Gregoria.
2 | M O N U ( m e a n t ) T O
Kilala si Bonifacio sa pagtatatag niya ng isang kalipunang tinawag na Kataastaasan,
Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Itinatag ang katipunan noong ikapito ng Hulyo
1892 sa bahay ni Deodato Arellano (NHCP, 2012). Maaaring maging kasapi ng samahang ito sa
pamamagitan ng sanduguan na simisimbolo sa pagtatatag ng isang lihim na lipunan na naglalayong
ihiwalay ang Pilipinas sa Espanya at paalisin ang mga Espanyol sa bansa (NHCP, 2012). Ikatlong supremo
ng Katipunan si Bonifacio; una si Deodato Arellano na sinundan naman ni Roman Basa (NHCP, 2012).
Noong 1893, pinayagang lumahok sa Katipunan ang kababaihang pinangunahan nina Gregoria de Jesus,
Josefa Rizal, Marina Dizon, at Angelica Lopez (NHCP, 2012). At noong 1894, kumalat ang Katipunan sa
kabuuan ng Maynila (NHCP, 2012).
Upang patatagin at lalo pang palawakin ang operasyon ng organisasyon, ang Kalayaan, ang opisyal
na pahayagan ng Katipunan, ay inilimbag (NHCP, 2012). Si Emilio Jacinto ang nagsilbing editor nito
(NHCP, 2012). Dalawang sulatin ni Bonifacio ang naisama sa Kalayaan, ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
at “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” (NHCP, 2012).
Noong ika-27 ng Abril 1897, ilang maliliit na labanan ang pumagitna sa mga puwersa nina
Bonifacio at Aguinaldo (NHCP, 2012). Dito namatay si Ciriaco, samantalang nahuli naman sina Andres at
Procopio (NHCP, 2012). Noong sumunod na araw, dinala sa husgado ng Indang at saka sa Naic ang mga
bilanggo (NHCP, 2012). Sa araw ring iyon, binuo ni Gen. Mariano Noriel ang husgado na kalaunang
sumubok at nagtagumpay na bigyan ng hatol na kamatayan ang magkapatid na Bonifacio (NHCP, 2012).
Hindi inaasahan ang naging desisyon, noong una ay binago ni Aguinaldo ang hatol at sa halip ay
inerekomendang ipatapon na lamang ang magkapatid na Bonifacio sa isang isla sa Cavite ngunit sa
panghihimok nina Gen. Noriel at Gen. Pio del Pilar ay nagbago ang kaniyang isip at hinatulan ng kamatayan
ang magkapatid (NHCP, 2012).
Noong ikasampu ng Mayo 1897, si Andres, kasama si Procopio, ay binaril sa Bundok Nagpatong,
na siyang tumapos sa maikling buhay ng Supremo (NHCP, 2012).
3 | B A S C O
Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas o National Historical Commission
of the Philippines (NHCP) (2012), bagama’t hindi pantay sa iba pang mga bayani ang kaniyang edukasyong
naabot at pagkabihasa sa militar, wagas ang kaniyang pagmamahal sa bayan at ang kaniyang pangalan ay
patuloy na maaalala at magsisilbing sigaw ng mga Pilipinong nagnanasa ng kalayaan mula sa panggigipit
at kawalan ng hustisya.
Isa si Andres Bonifacio sa mga kinikilalang pambansang bayani ng mga Pilipino. Ayon sa National
Commission for Culture and the Arts (2015), bagama’t walang batas, ehekutibong order o proklamasyong
nagtatakda kahit ano bilang pambansang bayani, may ilang mga batas at proklamasyon na nagpaparangal
sa mga bayani. Halimbawa, ipinalalagay na pambansang bayani si Bonifacio, gayon rin si Rizal, gaya na
lamang sa pamamagitan ng pagdedeklara ng mga pista para sa kanila katulad ng pagdedeklara ng ika-30 ng
Nobyembre, araw ng kaniyang kapanganakan, bilang pambansang pista.
Bilang isang bayani, ilang monumento ni Bonifacio ang itinayo sa bansa bilang pagkilala sa
kabayanihang kaniyang ipinamalas. Kaugnay nito, ang Act Bilang 2760 na ipinatupad noong ika-23 ng
Pebrero 1918 ang kumumpirma at nagpatibay ng lahat ng hakbang na isinagawa sa paglikha, pangangalaga,
at pag-aayos ng mga pambansang monumento at partikular ang pagtatatag ng isang monumento sa alaala
ni Andres Bonifacio (NCCA, 2015). Ito ay ang Bantayog ni Andres Bonifacio sa Rotunda, Lungsod ng
Kalookan (NHCP, 2013d), isang bronseng obra na nilikha ng Pambansang Alagad ng Sining na si
Guillermo Tolentino (Fortunato, 1998). Dito, ipinapakita si Bonifacio na may suot na “nakasarang Barong
Tagalog na may panyong nakatali sa leeg, at nakasapatos” habang “nakatindig nang mahinahon subalit
nanghahamon” nang may “gulok sa kanang kamay at baril naman sa kabilang kamay” (Fortunato, 1998).
Sa kaniyang likuran ay si Emilio Jacinto at isang watawat na nakaladlad (Guillermo, 1991). Sa parehong
gilid ni Bonifacio ay may mga Katipunerong nagwawasiwas ng kanilang mga bolo (Guillermo, 1991).
Makikita naman sa kaniyang kanan ang ilang bumagsak at nakagapos na mga pigura pati na rin ang isang
Katipunerong hawak-hawak ang isang naulilang sanggol (Guillermo, 1991). Sa kabila naman ay makikita
ang pagbitay sa Gomburza, isang depiksyon ng pagsapi sa Katipunan, isang namamatay na babaeng may
4 | M O N U ( m e a n t ) T O
sanggol na tinatangkang abutin ang kaniyang suso, at ang kaniyang asawang nakakuyom ang kamao sa
gilid ng Katipunero sa tabi ni Bonifacio (Guillermo, 1991). Ilan pa sa mga monumento na may depiksyon
ni Andres Bonifacio na matatagpuan sa Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region (NCR) at
ang mga ito ang sinuri ng papel na ito. Mula sa mga bantayog na ito ni Bonifacio ay tatangkain ng
pananaliksik na ito na alamin ang imahen ng bayani at pagkabayani, maging ang kasalukuyang
pagpapakahulugan ng publiko sa kaniyang mga monumento.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ano ang imahen ng bayani sa mga monumentong patungkol kay Bonifacio at ano ang implikasyon
nito sa sistema ng kolektibong pagpapakahulugan at pag-alala ng mga Pilipino?
C. Mga Layunin
1. Tukuyin ang mga monumento ni Andres Bonifacio sa Punong Rehiyon ng Pilipinas o National
Capital Region (NCR);
2. Siyasatin kung mayroon bang mga namamayaning paksa, motif, at elemento o disenyo sa mga
monumentong ito;
3. Suriin ang pampublikong espasyong kinalalagyan ng mga monumento; at
4. Alamin ang imahen ng bayani at pagkabayani sa mga namamayaning elemento, koneksyon sa
espasyo, at ugnayan ng mga kalahok sa pagpapakahulugan ng mga konseptong nabanggit
D. Saklaw at Delimitasyon
Tanging ang mga monumento lamang ni Andres Bonifacio na kinikilala ng Pambansang Komisyon
para sa Kultura at Sining o National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at nakatala sa Patalaan
ng mga Ari-Ariang Kultural ng Pilipinas (Sangay sa Plano, Programa, at Polisiya, 2018) ang saklaw ng
pag-aaral. Ito ay upang mas matiyak na tanging mga monumento lamang na tiyak na si Bonifacio ang
inilalarawan ang mapag-aaralan.
5 | B A S C O
Gaya ng nabanggit at bilang paglilinaw, tanging mga iskultura lamang patungkol kay Bonifacio
ang susuriin sa pag-aaral na ito. Hindi kasama sa pananaliksik ang depiksyon ng bayani na matatapuan sa
iba pang midyum gaya na lamang ng sa mga larawan, painting, dibuho, sulatin, at iba pa. Napili ang
iskultura sa kadahilanang umuukupa ito ng espasyo, at sa gayon ay sa kung sa papaano ay mas
nararamdaman ang presensya nito kumpara sa mga dalawang dimensyunal (2-dimensional) nitong katapat.
Dagdag pa rito, napili ang mga monumento dahil sa pagiging publiko nito. Ipinapalagay na mas marami
ang nakikilahok sa proseso ng pagpapakahulugan sapagkat kahit sinong makakikita sa monumento ay maari
nang maging kalahok sa nasabing proseso.
Dagdag pa rito, tanging mga monumento lamang na matatagpuan sa Pambansang Punong Rehiyon
o National Capital Region (NCR) ang isinama. Ito ay sa kadalahilanang, una, si Bonifacio ay laking Maynila
partikular sa Tondo. At sa gayon, ikalawa, hindi na siguro higit na sabihing karamihan sa mga
makasaysayang pangyayari sa kaniyang buhay ay naganap sa ilang bahagi ng rehiyong ito. Dahil dito,
maaari na ring sabihing marami sa mga monumento para sa kaniya ay matatagpuan sa rehiyong ito sapagkat
sa mga pook na ito itinayo ang ilang mga iskultura patungkol buhay ng nasabing bayani – mula sa kaniyang
kapanganakan, sa pagtatag ng Katipunan, hanggang sa iba pang mahahalagang pangyayari sa kaniyang
buhay. Kung gayon, bakit hindi pa isama ang rehiyon ng Katagalugan? Nilimita lamang ng mananaliksik
sa Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region (NCR) ang heograpikal na saklaw ng pag-aaral
sa kadahilanang ito lamang ang pinahihintulot ng pinansiyal at pamanahong salik ng pananaliksik.
Mahalaga ring banggiting sinuri ang lahat ng mga monumento na may depiksyon ni Bonifacio. Ibig
sabihin, hindi lamang ang mga iskultura kung saan siya lamang ang paksa ang isinama. Kasama sa pag-
aaral kahit iyong mga hindi siya ang tanging paksa (gaya na lamang sa kaso ng K.K.K. Monument) dahil
makikita pa rin sa mga ito ang depiksyon ng nasabing bayani. Sa katotohanan ay mas nakikita pa ito ng
mananaliksik bilang katangiang tila ba kakaiba kumpara sa mga monumento ng iba pang mga bayani.
Sa kabuuan, anim na monumento ang sinuri sa isinagawang pananaliksik:
6 | M O N U ( m e a n t ) T O
1. Bantayog ni Bonifacio sa Rotonda, Kalookan;
2. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton sa Ermita, Maynila;
3. Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa may Mehan Gardens sa Ermita, Maynila;
4. Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan (K.K.K. Monument) sa San Nicolas, Maynila;
5. Bantayog ni Bonifacio sa Makati Park and Garden sa West Rembo, Makati; at
6. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
Nilalayon ng pag-aaral na ituloy ang tradisyon ng pag-aaral ng ugnayan ng monumento, espasyo,
at kolektibong pagpapakahulugan at paggunita. Mahalaga ito lalo na at wala pang gaanong nasusulat na
literatura sa Pilipinas kung saan pinag-uugnay ang mga nabanggit na konsepto. Sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng mga ito ay magkakaroon ng mas malalim na pag-intindi sa proseso ng pagpapakahulugan at pag-
alala ng mga Pilipino. Gayon rin, makapag-ambag din ito sa mas malinaw na pagtingin sa relasyon ng mga
pag-alalang ito sa pampublikong espasyo.
Bukod pa rito, maliban sa nasabing Bantayog ni Bonifacio na likha ni Tolentino, wala pang
masyadong sulatin na pumapatungkol sa mga monumento ng bayani. Lalong lalo na, wala pang masyadong
pag-aaral kung saan pinag-uugnay ang Semiotika at mga pampublikong iskultura, partikular ang mga
monumento, lalung lalo na sa Pilipinas. Kaugnay nito, wala pa ring naisagawang kahit anong
komparatibong pag-aaral sa kahit anong mga monumento ni Bonifacio at nagtangkang tingnan ang imahen
ng bayani sa kaniyang mga monumento.
Nakikita rin ang pananalisik na ito bilang isang ambag sa pag-aaral ng rekonstruksyon ng imahen
(sa kasong ito, ng bayani) sa mga pampublikong iskultura partikular ng mga monumento. Kaugnay nito,
dahil na rin sa nasa pampublikong espasyo, ang mga mensaheng napapaloob sa mga iskulturang ito ay
nililikha at tinatanggap ng mas malawak na mga kalahok na sa gayon ay mas nagtataas sa pangangailangang
suriin.
7 | B A S C O
Mapapalawak din ng pananaliksik ang literatura tungkol sa pagpapakahulugan partikular sa
konsepto ng bayani at pagkabayani na nakikita sa mga monumentong sinuri. Kadalasan, kapag bayani at
pagkabayani ang pinag-uusapan ay dalawang personalidad ang pumasok sa isipan. Una, si Jose Rizal na
tinitingnan bilang isang repormista at bayaning gumamit ng pluma bilang sandata. Sa kabilang dako naman,
si Andres Bonifacio na tinitingnan bilang isang rebolusyunaryong bayani at kadalasang naiuugnay sa
paggamit ng kaniyang bolo. Ito ang imahen ng bayani at pagkabayaning sinuri, sinuportahan, at kwinestyon
ng pag-aaral na ito.
At huli, hindi na siguro maling sabihin na sa pag-aaral ng pagpapakahulugan ay makatutulong ang
pananaliksik na ito sa mas malalim na pag-intindi sa kultura ng mga Pilipino, partikular sa pakikipag-
ugnayan nila sa mga monumento.
F. Metodolohiya
Ang unang hakbang na isinagawa ng mananaliksik ay ang pangangalap ng batayang mga batis. Ilan
sa mga ito ay nakuha mula sa silid-aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas – Maynila. Ang ilan naman ay
nakuha mula sa ilang mga research database gaya na lamang ng JSTOR, EBSCOhost, ResearchGate, at
Springer Link. Nakasilip din ng ilang libro sa Google Books. Ilang artikulo at journal rin ang nakuha mula
sa Philippine EJournals. Nakakuha rin ng impormasyon mula sa ilang opisyal na website ng gobyerno gaya
na lamang ng sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas o National Historical Commission
of the Philippines (NHCP) at sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining o National Commission
for Culture and the Arts (NCCA).
Matapos ito ay nakipag-ugnayan ang mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng
mensahe at pagpunta sa tanggapan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas upang
humingi ng kopya ng ilang mga arkibong patungkol sa mga iskultura ni Bonifacio na nasa ilalim ng
pangangalaga ng nagsabing institusyon maging ilang pantulong na literaturang pinahihintulutan nilang
maibahagi sa mananaliksik. Ang primaryang talaang nagawa ay binubuo ng mga detalyeng nakalap tungkol
8 | M O N U ( m e a n t ) T O
sa mga monumento gaya na lamang ng pangalan o titulo, petsa ng pagkakatayo, dahilan o basehan ng
pagkakatayo, artistang lumikha (bagama’t kalahati lamang sa mga ito ang natiyak), klasipikasyon,
kasalukuyang gamit, at lugar na kinalalagyan ng mga ito. Ito ang naging batayan ng mananaliksik sa
susunod na hakbang.
Sunod ay isa-isang binisita ng mananaliksik ang mga monumento. Kinunan ng larawan ang bawat
monumento sa iba’t ibang angulo (harap, likod, at magkabilang gilid). Gayon rin ang mga partikular na
elemento o disenyo ng bawat monumento. Kinunan rin ang kapaligiran ng monumento (gaya na lamang ng
mga nakapalibot na establisyemento at/o kalsada) sa iba’t ibang anggulo. Dito nanggaling ang datos na
sinuri ng mananaliksik. Mahalagang banggitin sa bahaging ito na lahat ng mga larawang ginamit ay
pagmamay-ari ng mananaliksik, maliban doon sa mga sinipi at binigyan ng sitasyon ang kumuha ng
larawan.
Sa pagsusuri ng mga simbolong makikita sa mga monumento ay unang gumawa ng listahan ang
mananaliksik. Ito ay binubuo ng mga simbolo, motif, at/o disenyo na makikita sa bawat monumento. Mula
rito, nakita ng mananalisik ang mga namamayaning mga elemento na sa madaling salita ay iyong mga
nakikita sa karamihan, kung hindi sa lahat, ng mga monumentong sinusuri. Dagdag pa rito, pinagkumpara
din ang mga ito upang matukoy kung may mga patterns ng pagkakapareho o sa kabilang dako, pagkakaiba.
Mula sa pagsasama-sama ng mga namamayaning elemento at mga konseptong kinakatawan ng mga ito ay
nagkaroon ng mas nagkakaisang imahen ng bayani at pagkabayani sa mga monumento ni Bonifacio.
Sinuri rin ang ugnayan ng mga monumento at ng mga tagapagmasid. Isinagawa ito sa tulong ng
nasagawang pag-o-obserba habang binibisita ang bawat monumento. Habang nagmamasid ang
mananaliksik at kaniyang mga kasama ay nagsulat ng ilang mga obserbasyon habang nasa may monumento.
Nagsagawa rin ng pakikipagpanayam sa ilang mga monumento na may nagbabantay o naglilinis sa
panahong isinagawa ang obserbasyon. Dagdag pa rito, ang mga kinuhang larawan ng mga monumento
bukod sa naging patunay sa mga naitalang obserbasyon ay naging obheto rin ng pagsusuri. Mula sa larawan
9 | B A S C O
ng bawat monumento sa iba’t ibang anggulo ay tiningnan ang iba’t ibang detalye gaya ng kasalukuyang
ugnayan ng mga bantayog at publiko. Kaugnay nito, mahalagang banggitin na ang pagbisita sa mga
monumento ay isinagawa tuwing umaga sa parehong oras (mula 45 minuto matapos ang ika-9 ng umaga
hanggang 15 minuto matapos ang ika-10 ng umaga). Isinagawa ang pagbisita at obserbasyon sa mga
sumusunod na petsa:
1. Bantayog ni Bonifacio sa Rotonda, Kalookan (ika-1 ng Marso 2018, Huwebes);
2. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton sa Ermita, Maynila (ika-2 ng Marso 2018,
Biyernes);
3. Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa may Mehan Gardens sa Ermita, Maynila
(ika-5 ng Marso 2018, Lunes);
4. Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan sa San Nicolas, Maynila (ika-6 ng Marso 2018,
Martes);
5. Bantayog ni Bonifacio sa Makati Park and Garden sa West Rembo, Makati (ika-8 ng Marso
2018, Huwebes); at
6. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila (ika-9 ng Marso 2018, Biyernes)
Mula sa parehong kalipunan ng mga larawan ay sinuri rin ang mga detalyeng pang-espasyo ng mga
monumento gaya na lamang ng mga establisyimentong nakapalibot, malalapit na kalsada o daanan, at
kabuuang paglalarawan sa pook.
Mula sa pagsasama-sama ng lahat ng mga datos na nakalap pati ng mga pagsusuring isinagawa sa
mga ito ay bubuuin ang imahen ng bayani sang-ayon sa mga bantayog na patungkol kay Andres Bonifacio.
G. Teoretikal na Balangkas
Sa pag-aaral ng mga simbolo at pagpapakahulugan, kasama ang Ikonograpiya at Ikonolohiya sa
mga madalas na gamiting teorya. Sa literal na paraan, ang Ikonograpiya ay ang pag-aaral ng mga imahen
10 | M O N U ( m e a n t ) T O
(D’Alleva, 2005). Sa pinakasimpleng lebel ng paggamit nito, tinitingnan dito kung ano ba ang mga motif
at imahen sa mga likhang-sining: ang isang babaeng may hawak na gulong sa kaniyang kamay ay si St.
Catherine at ang isang pigurang nakaupo nang magkakrus ang mga binti at nakapusod ang buhok sa ibabaw
ng kaniyang ulo at may pinahabang mga tainga ay nagrerepresenta kay Buddha (D’Alleva, 2005). Sa
Ikonolohiya naman ay tinitingnan kung paano at bakit napili ang isang imahe sa tuntunin ng mas malawak
na kultural na pinagmulan ng imahen (D’Alleva, 2005). Mas pinagbasehan ng pag-aaral na ito ang tatlong
lebel ng pagsusuring Ikonograpikal at Ikonolohikal ni Erwin Panofsky. Ayon kay D’Alleva (2005), ang
unang lebel ay ang pagsusuri bago ang ikonograpikong pagsusuri (pre-iconographic analysis) kung saan
tinitingnan ng tagapagmasid (sa kasong ito, ng mananaliksik) ang mga likhang-sining labas sa kahit anong
sanggunian sa labas. Sa ikalawang lebel naman, sa ikonograpikong pagsusuri, kinikilala ng tagapagmasid
ang imahen bilang isang kilalang kuwento o karakter (D’Alleva, 2005) na sa kasong ito ay ang bayaning si
Andres Bonifacio. At huli ay ang ikonolohikal na pagsusuri kung saan titatangkang bigyang-kahulugan ang
isang imahen at tinitingnan rin ang panahon kung kailan ito itinayo at pook kung saan ito itinayo, mga
namamayaning estilong kultural o estilo ng manlilikha, mga kahilingan ng patron, atbp. Mahalagang
banggitin na sa pagsusuring isinagawa, hindi gaanong binigyang-pansin ang manlilikha o mga iskultor dahil
na rin sa wala masyadong batis patungkol sa mga gumawa ng ilan sa mga bantayog. Gayunpaman, naisama
sa pagsusuri ang ibang mga salik gaya na lamang ng petsa ng pagkakatayo at pook na kinalalagyan ng mga
bantayog at mga taong may kinalaman sa pagpapatayo ng mga ito.
Isa pa sa mga teoryang madalas na gamitin sa pagsusuri ng mga simbolo at pagpapakahulugan ay
ang Semiotika. Ang Semiotika ay ang pag-aaral ng mga senyas at tanda, pati na rin ng sistema at prosesong
dinaranas ng mga ito (Moriarty, 2002). Dito, ang mga mensahe ay binubuo ng mga senyas na ipinararating
sa pamamagitan ng mga sistema ng senyas na tinatawag na codes; ang kahulugang maiintindihan ng
tagatanggap ay sinasabing hanggang sa hangganan lamang ng kaniyang pagkakaintindi sa code (Moriarty,
2002).
11 | B A S C O
Upang mas maintindihan ang teorya, mahalagang bigyang-pansin ang mga konseptong ginagamit
dito. Una, ang senyas, ayon kina Eco at Hopes, ay kahit anong kumakatawan sa iba pa, maging bagay man
o konsepto (Moriarty, 2002). Pinaliwanag ni Ferdinand de Saussure, na kilala bilang Ama ng Continental
Semiology, ang relasyon ng signifier at signified bilang isang ugnayan ng tunog o imahen (signifier) at ang
konseptong kinakatawan nito (signified). Sa kabilang dako naman, ayon kina Petrilli at Ponzio, tinuring ni
C.S. Peirce, na kilala bilang Ama ng Pragmatismo, ang Semiotika bilang isang teorya ng lohika (logic
theory) (Najafi & Abbas, 2014). Dito, sinasabing bubuo ng interpretasyon ang isipan kapag may isang
senyas na tumutukoy sa isang bagay o referent na nag-uudyok dito (Najafi & Abbas, 2014). Ayon kina
Rolling Jr at Smith-Shank, binigyang-kahulugan ni Peirce ang senyas bilang isang bagay na kumakatawan
sa isang kahulugan sa isang tao sa ilang paraan (Najafi & Abbas, 2014).
Sumunod kay Pierce ay si Barthes na ayon kay Danesi ay nagpresenta ng “semiotic method” na
siyang malawakang ginamit sa mga larangang nakaugnay sa kritikal na teorya, isang dibisyon ng pag-aaral
tungkol sa kultura (cultural studies) kung saan ang ugnayan sa gitna ng tagapagmasid, ng kaniyang
kapaligiran, at ng sosyolohiya ng pag-uugali (behavior) ng isang grupo ay sinusuri (Najafi & Abbas, 2014).
Bagama’t nagkaroon na ng pagkilos ang mga semioticians sa pagsisiyasat ng iba’t ibang aspeto ng
Semiotika sa iba’t ibang larangan ng arte gaya na lamang ng mga binanggit ni Ferreira sa Semiotikang
Patalastas at Kultura, Semiotika sa Marketing, Sosyal at Musikal na Semiotika, Mga Biswal na Senyas
bilang Semiotika, Semiotika ng Film at Potograpiya, atbp. patungkol sa nasulat na mga batis, ang pagsusuri
ng mga senyas at simbolo ay isang bagong sangay ng sining (Najafi & Abbas. 2014). Gaya ng nasabi ng
ilang mga iskolar gaya nina Ferreira, Temple, at Smith-Shank tungkol sa pag-unawa ng konsepto ng
Semiotika sa sining, ay mahalagang ikonsidera ang papel ng kultura sa kadahilanang hindi lamang dahil sa
matinding ugnayan ng dalawa kung hindi ang iba’t ibang katangian ng mga likhang-sining ay nag-uugat sa
kultura (Najafi & Abbas, 2014).
12 | M O N U ( m e a n t ) T O
Nagsimula noong ika-20 siglo ang pagkabuo mula sa Semiotika ng kasalukuyan nitong estado, na
kinikilala bilang Sosyal na Semiotika (Social Semiotics) ayon kina Chandler at van Leeuwen (Najafi &
Abbas, 2014). Kaugnay nito, ayon pa rin kina Najafi at Abbas (2014), ilang mga iskolar gaya nina Barthes,
Jewitt at Oyama, at van Leeuwen, ang nagpunto sa pagsasama ng biswal na kultura (visual culture) sa
Sosyal na Semiotika. Ayon pa sa kanila, kinikilala si Barthes bilang pinagmulan ng pagsasalin ng
potograpiya sa larangan ng Biswal na Semiotika (Visual Semiotics). Ayon kina Aiello, Hall, at van
Leeuwen, bumuo si Barthes ng dalawang lebel ng denotasyon at konotasyon patungkol sa photographic
functionality (Najafi & Abbas, 2014). Kinilala ito ni van Leeuwen bilang pagle-layer ng kahulugan
(layering of meaning) Najafi at Abbas (2014). Gayunpaman, para kay Barthes, ang kahulugan ng mga
imahen (at iba pang mga code ng Semiotika, gaya ng damit, pagkain, atbp.) ay laging kaugnay ng, at sa
isang pagpapalagay, ay nakadepende, sa berbal na teksto (Kress at van Leeuwen, 1996). Sa kanilang akda
namang Reading Images: the Grammar of Visual Design, pinagpalagay nina Kress at van Leeuwen (1996)
na ang parehong wika at biswal na komunikasyon ay mahalaga at malalawak na mga sistema ng
pagpapakahulugan na bahagi ng kultura, ngunit parehong kumikilos sa sarisarili nilang mga espesipikong
anyo nang independiente.
Kasunod nito, sa kanilang akdang Discourses in Place: Language in the Material World,
pinagsama-sama naman nina Scollon at Scollon (2003) ang tatlong sistema ng Biswal na Semiotika,
Interactice Participant Systems, at Place Semiotics sa Geosemiotics. Sa Biswal na Semiotika, ayon sa
kanila, sinusuri kung paanong ang mga bagay ay nagsasama bilang isang biswal na kabuuan, maging two-
dimensional man na mga larawan o hinulmang mga pigura (sculpted figures) sa semiotika ng biswal na
espasyo (semiotics of visual space). Ayon kina Kress at van Leeuwen, sa halip na isa lamang hamak na
ektensiyon o ilustrasyon ng berbal na teksto, ang biswal na bahagi ng teksto ay organisado sa sarili nito at
nakabalangkas sa sarili nitong gramatika (Scollon & Scollon, 2003). Sunod, tinalakay nina Scollon at
Scollon (2003) na ang interaktibong sistema ng mga kalahok (interactive participant systems) ay binubuo
ng mga ugnayan sa gitna ng tagalikha (producer) at mga kinakatawang mga kalahok (represented
13 | B A S C O
participants), sa gitna ng mga kinakatawang kalahok at tagapagmasid (viewers), at sa gitna ng tagalikha at
tagapagmasid. Ayon sa kanila, sa iba’t ibang uri ng representasyon ay kasama ang ugnayan (contact), kung
saan may mga puwesto na nagpapakita ng paghingi (demand) o pagbibigay (offer), sosyal na distansya
maging malapitan (intimate), sosyal o impersonal, at mga aksyon (attitudes) ng kapangyarihan o
pakikisangkot. Dagdag pa nila, ang Biswal na Semiotika, higit sa ibang bagay, ay nagbibigay-daan sa
pagsusuri ng sosyal na mga kalahok (social actors) sa order ng interaksyon (interation order, termino galing
kay Goffman) sa kung paano silang kinatawan sa pictorial na pamamaraan. At huli, sa pagtatalakay ng
Place Semiotics, sinabi nina Scollon at Scollon (2003) na ang pinakasentrong tesis ng Geosemiotics ay ang
pook sa mundo kung saan naganap ang isang aksyon ay mahalagang bahagi ng kahulugan nito. Ayon sa
kanila, ang Geosemiotics ay isang kabuuang pagtingin sa mga nabanggit na sistema ng Semiotika na
bumubuo sa mga kahulugang tinatawag nating pook (place).
Mula sa mga nabanggit na bersyon ng Semiotika ay kumuha ng ilang mga susing ideya na
pinagbasehan ng isinagawang pagsusuri, partikular ang mga ideyang mula sa Geosemiotics nina Scollon at
Scollon. Una, mula sa biswal na Semiotika ay sinuri ang iba’t ibang mga elementong gumagalaw sa bawat
monumento at kung paanong nagkakaisa ang mga ito upang bumuo ng isang biswal na kabuuan. Ayon sa
kanila, nagbibigay-daan ang biswal na Semiotika sa pagsusuri ng mga sosyal na actor (social actors) sa
order ng interaksyon (interaction order) sa kung papaano sila ikinakatawan sa biswal na pamamaraan.
Nabanggit din nila na ang interes nila sa biswal na Semiotika ay nasa kung papanong ipinapakita sa biswal
na pamamaraan ang mga biswal na simbolo at sa kabilang dako, sa paanong paraan naaapektuhan ng
pagkakalagay (sa lugar) ang kanilang interpretasyon. Mula sa interaktibong sistema ng mga kalahok
(interactive participant systems) naman ay sinuri ang ugnayan ng mga kalahok sa pagbuo ng imahen ng
bayani at pagkabayani, maging ang relasyon sa pagitan ng mga ito sa espasyong ginagawalan ng mga
bantayog. Ang tagalikha (producer) ay iyong mga artista na lumikha ng mga iskultura pati na rin ang mga
nanguna sa pagtatayo ng mga monumentong ito na sa gayon ay nagkaroon ng kakayahang idikta ang uri ng
imahen na mabubuo. Itinuring naman ang lahat ng nakakikita sa iskultura, gaya ng mga taong dumaraan sa
14 | M O N U ( m e a n t ) T O
may monumento, bilang siyang mga tagapagmasid (viewers). Ang kinatawang kalahok (represented
participant) naman sa kasong ito ay si Bonifacio na kung sinong kabayanihan ay ang ipinapakita sa bawat
monumento. Mahalagang suriin ang ugnayan sa gitna ng mga kalahok na nabanggit sapagkat ang mga uri
ng representasyon ay nangangailangan ng pakikipag-ugnayan, sa puwesto (pose), sosyal na distansya, at
attitude (Scollon & Scollon, 2003).
Ayon pa rin kina Scollon at Scollon (2003), ang interaction order naman ay binubuo ng mga
kasalukuyan, nagpapatuloy, at tumitibay na mga pangkat ng sosyal na pakikipag-ugnayan natin sa ibang
tao sa ating kapaligiran. Dagdag pa nila, ang interes nila sa interaction order sa nabanggit nilang libro, ay
bilang isang Sistema ng diskurso sa isang pook – sa papaanong mga pamamaraan ginagamit ng mga tao sa
iba’t ibang estruktura ng sosyal na pakikipag-ugnayan sa pook.
At ang huli ay ibabase naman sa konsepto ng Place Semiotics. Gaya ng nasabi kanina ay sinuri rin
ang espasyong inuukupa ng mga monumento. Mula dito ay nakakuha ng ilang mga impormasyon gaya na
lamang ng pook na kinatatayuan ng iskultura, dahilan kung bakit sa lugar na iyon ito itinayo, at ang
kabuuang katangian ng espasyo na masusuri sa pamamagitan ng pagtinggin sa kapaligiran nito (kung saan
kabilang na ang mga daanan at/o kalsada sa paligid ng bantayog at iba pang mga establisyimentong
nakapalibot dito). Ito ay itinuturing na bahagi rin ng kabuuang pagpapakahulugan nabuo.
Isa pang teoryang pinagbasehan ng pagsusuri sa pananaliksik na ito ay ang sa kolektibong alaala o
colletive memory. Ayon kina Foote at Azaryahu (2007), ang mga pamamaraan kung saan ang diskurso ng
nakaraan ay binubuo sa lipunan at inihahayag sa materyal na pamamaraan sa pamamagitan ng mga tanawin
(landscape), pampublikong mga memorial, at heritage sites. Ayon sa kanila, noong 2007, ang interes sa
heograpiya ng pampublikong alaala (public memory) at pag-alala (commemoration) ay lumakas sa
nakaraang dalawang dekada at nagbigay inspirasyon sa ilang mga gawa gaya ng patungkol sa simbolismo
ng tanawin (landscape symbolism) gaya na lamang ng kanila Cosgrove, Harvey, Lowenthal at Tuan.
15 | B A S C O
Ayon pa rin kina Foote at Azaryahu (2007), sa pinakapayak na lebel, ang memorya o gunita ay ang
aktuwalisayon ng nakaraan sa isang anyo ng kontemporaryong karanasan. Dagdag pa rito, ang alaala ng
publiko (public memory) ay ang interface (o pinagtatagpuang punto) kung saan ang nakaraan ay
kinakatawan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pinagsasaluhang kultural na produksyon at reproduksyon
ayon kay MacCannell (Foote at Azaryahu, 2007).
Ang mga monumento, bilang mga makasaysayang pook at iskultura, ay nagsisilbing tagapag-ugnay
ng nakaraan at kasalukuyan dahil ang mga ito ay nagsisilbing reproduksyon ng mga mahahalagang bahagi
ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa gayon, maaaring makita sa mga pampublikong iskulturang ito ang sistema
ng pagpapakahulugan at pag-alala ng mga Pilipino.
Sa kabuuan, ibabase sa mga teoryang nabanggit – Ikonograpiya at Ikonolohiya, Semiotika, at
Kolektibong Alaala – ang pagsusuri sa mga monumento ni Bonifacio tungo sa mas malalim na pag-intindi
sa kasalukuyang sistema ng pagpapakahulugan at pag-alala ng mga Pilipino.
16 | M O N U ( m e a n t ) T O
H. Konseptwal na Balangkas
Pigura 1. Konseptwal na Balangkas
Makikita sa pinakalabas na bahagi ng balangkas ang iba’t ibang nahinuhang punsyon ng
monumento sa pampublikong espasyo sa kasalukuyang panahon. Sunod naman dito ay iyong tumutuon sa
mga pisikal na kaanyuan ng mga monumento ni Bonifacio. Sa pinakaloob na bahagi ng balangkas naman
makikita ang ipinalalagay na imahen ng bayani at pagkabayani sang-ayon sa mga nauna.
Sa pinakalabas na bahagi ng balangkas, makikita ang paggalaw ng mga bantayog sa espasyo sa
kasalukuyang panahon. Una, tinitingnan ang mga bantayog bilang pook ng iba’t ibang pagdiriwang gaya
na lamang ng Araw ng Kalayaan, Kaarawan ni Bonifacio, at kapistahan. Sunod, bilang isang entablado
kung saan nagtutunggalian ang iba’t ibang ideya gaya na lamang sa kaso ng mga pagkilos (katulad ng mga
rally) at maging sa mga simpleng mensaheng ipinapadala sa pamamagitan ng mga vandalism at graffiti sa
17 | B A S C O
mga bantayog. At huli, ito ay itinuturing rin bilang isang entablado ng iba’t ibang isyung panlipunan gaya
na lamang ng kakulangan sa pabahay at trabaho, kakulangan ng edukasyong pumapaksa sa sining at
pamanang kultural, at pagsasawalang-bahala sa mga pamanang kultural.
Sa ikalawang bahagi naman makikita ang mga pisikal na katangiang namamayani sa mga
monumento ni Bonifacio. Ito ay ang handa o nakaabanteng tindig, matipunong pangangatawan, buhok na
nakaparte at nakahawi pakanan ang mas malaking parte, nakakunot na noo at mga matang nakatingin sa
malayo, simpleng kasuotang Pilipino, bolo at baril bilang mga sandata, at iba pang mga bagay at taong may
kinalaman sa rebolusyon.
Sa mga nabanggit ay maaaring mahinuha ang iba’t ibang imahen ng bayani na makikita sa
pinakasentro ng balangkas. Ito ay ang “Bayani Bilang Rebolusyunaryo”, “Bayani Bilang Bahagi ng Masa”,
at “Bayani Bilang Politikal na Instrumento”.
18 | M O N U ( m e a n t ) T O
KABANATA II: Rebyu ng Kaugnay na Literatura
A. Mga Teorya sa Pagpapakahulugan at Paggunita
Sa pagsusuri ng mga imahen ng bayani sa mga iskulturang patungkol sa kaniya ay mahalagang
talakayin ang mga teoryang umiikot sa pagsusuri ng mga likhang-sining, partikular iyong pampubliko gaya
na lamang ng mga monumento. Sa kadahilanang nasa pampublikong espasyo ang mga ito, ang mga
bantayog ay sumasailalim sa pagpapakahulugan ng publiko at sa gayon ay naaapektuhan at inaapektuhan
ang kolektibong alaala ng publiko. Dito umiikot ang mga sulatin at pag-aaral na sinipi sa bahaging ito.
Hindi na siguro higit kung sasabihin na sa pag-aaral na gaya nito ay mahalagang bigyang-pansin
ang mga teorya sa pagpapakahulugan. Ito, kasama ang iba pang mga teorya at metodo sa art history, ang
naging paksa ng libro ni D’Alleva (2005) na umikot sa ilang mga teoryang ginagamit sa pagsusuri ng mga
likhang-sining. Tinalakay niya sa ikatlong kabanata ang pagsusuri sa anyo (form), simbolo, at senyas (sign).
Sinimulan ang kabanata sa teoryang formalismo, isang paraan ng pagsusuri ng mga likhang-sining na
binibigyang-diin ang pakikipag-ugnayan (engagement) ng tagapagmasid (viewer) sa pisikal at biswal
nitong mga katangian. Sumunod ay ang ikonograpiya (iconography) kung saan nagkakaroon ng pagtukoy
ng mga motif at imahen sa mga likhang sining, pati na rin ng proseso ng pagbuo ng imahen (image-making).
Ang ikonolohiya (iconology) naman ay sinabing nagsisimula kung saan nagtatapos ang ikonograpiya. Dito,
sinusuri kung paano at bakit pinili ang imahen sa mas malawak na kultural na pinagmulan (cultural
background) ng imahen. Ipinaliwanag rin ang ikonograpiya ni Panofsky, pati na rin ng mga sumunod sa
kaniya, at ang pagsasagawa ng ikonograpiya at ikonolohiya sa isang pag-aaral. Huling tinalakay ay ang
semiotika, ang teorya ng mga senyas (signs). Binigyang-pansin ang kahulugan nito, relasyon sa
ikonograpiya at ikonolohiya, at ang mga nagpasimuno ng teorya na sina Saussure at Pierce pati ang kanilang
mga semiotika. Tinalakay rin ang relasyon ng semiotika sa art history at ang pagsasanay ng semiotic art
history. Bilang pagtatapos ay binanggit ang pagbabasa ng mga imahen at ang kaugnayan ng salita at imahen.
19 | B A S C O
Sa kabuuan, nakatulong ang akda sa mas malalim na pag-intindi sa ilang mga teorya at metodo sa pagbubuo
ng interpretasyon tungkol sa mga likhang-sining lalo na at nagmungkahi ito ng ilang gabay na tanong.
Tinangka naman ni Jeffers (2000) na bumuo ng isang teorya sa aesthetics kung saan pinaghalo ang
formalismo at kontekstwalismo. At ang semiotika, ayon sa kaniya, bilang isang makapangyarihan at
malawak na kasangkapan, ay pinadadali ang pagsasaliksik at ang proseso ng pagsasama ng formalismo at
kontekswalismo. Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kaniyang mga estudyante ng konsepto at pagsasanay
ng “analog drawing” ni Betty Edward, tinangka niyang pag-aralan kung ano ba ang itsura ng iba’t ibang
emosyon at karanasan ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng linya lamang. Isinagawa ang pagsusuri sa
tulong ng mga “raters” na hindi kilala ang mga taong gumuhit. Sa huli, napagtanto nila na may ilang mga
disenyong umuulit sa depiksyon ng iisang konsepto ng iba’t ibang tao. Bukod pa rito, may ilang mga
disenyong naiugnay sa mga partikular na emosyon at ibang katulad na emosyon. Bagama’t naging limitado
sa mga linya at karanasan at emosyon ng tao, nakita ang pag-aaral bilang isang hakbang tungo sa pagsasama
ng ilang mga teorya sa aesthetics, partikular ang semiotika, formalismo, at kontekswalismo upang mas lalo
pang palalimin ang pag-aaral tungkol sa sining at pagpapakahulugan.
Sa pag-aaral tungkol sa mga likhang sining at pagbuo ng mga interpretasyon mula sa mga ito ay
mahalagang suriin ang publiko at ang mga memoryang kanilang binubuo, ikinakalat, at tinatanggap. Sa
mga nakarang taon ay ilang akda na ang nasulat tungkol sa pag-alala (commemoration) at kolektibong
alaala (collective memory). Isa sa mga ito ay ang pangkalatang pagtingin sa pag-alala na isinagawa ni
Savage (2006) sa pamamagitan ng pagsipi at pagtinggin sa ilang literatura at pag-aaral. Dito, tinangka
niyang ituro ang mga susing katanungan, mga debate, mga natuklasan, at mga trend sa mga pag-aaral
tungkol sa pag-alala. Tinalakay niya rito ang pampublikong mga monumento, mga bagong paraan ng pag-
alala sa modernong lipunan, at kung paanong ang mga likhang monumental ay nagiging arena ng
tunggalian. Nabanggit din ang ilang mga temang naaral na kasama ng pag-alala gaya na lamang ng giyera,
at kasama nito, lahi, kasarian, isyu ng trauma, at iba pa. Sinundan ito ng pagtatalakay sa alaala, tradisyon,
at kasaysayan kasama ng ilang mga kaugnay na pag-aaral. Tinapos ang sanaysay sa tila ba isang tawag sa
20 | M O N U ( m e a n t ) T O
pagpapalawak at pagsasama-sama ng mga pamamaraang nailatag tungo sa mas malalim na pag-unawa sa
kung paano ba nabubuo, tinatanggap, isinasaloob, at inaaksyunan ang nakaraan. Sa kabuuan, nakatulong
ang akda sa mas malawak na pag-intindi sa pag-alala lalo pa’t nagbigay ito ng ilang mga kaugnay na sulatin
at pag-aaral sa nasabing paksa.
Sa kadahilanang ang mga bantayog ay kumikilos sa isang pampublikong espasyo, mahalagang
bigyang-pansin rin ang mga nasulat tungkol sa ugnayan ng nakaraan, kasaysayan, at kolektibong alaala sa
espasyo. Dito umikot ang introduksyon nina Meusburger, Heffernan, at Wunder (2011) tungkol sa
kolektibong mga alaala kung saan iniugnay sa kolektibong alaala ang espasyo, lugar, pook (landscape) at
heograpiya. Sinumulan nila ito sa pagkakaiba ang teksto at imahen pagdating sa pagbuo, paghahatid,
pagmamanipula, paghubog, at pagkakaroon ng epekto sa alaala kung saan nasabing mas nakahihigit ang
ikalawa. Gayunpaman, nasabi nilang parehong mahalaga ang dalawa at mas nakita nila ito bilang isang
dulot ng pagkakaiba ng katangian at layon ng teksto at imahen. Gayunpaman, nabanggit din nila na may
kahinaan ang biswal at spatial. Halimbawa na lamang ay mas madali itong mamanipula at depedyente ito
sa mga pagpapahalaga ng mga lipon ng tao sa isang pook. Bukod pa rito, binigyang-pansin rin nila ang
relasyon ng monumento at pook at kung paanong naapektuhan ng nahuli ang nauna. Sa kabuuan, nakatulong
ang akda sa mas malalim na pag-intindi sa relasyon ng kolektibong alaala partikular sa teksto o mga sulatin,
pulitika, imahen, at pook at/o espasyo.
Kaugnay nito, nagmungkahi si Schwartz (1991) ng kaunting pagbabago o modipikasyon sa mga
pananaw ukol sa kolektibong alaala kung saan ibinilang bilang susing salik (key element) ang mga nag-
uugnay (agent) sa alaala at sosyal na istraktura. Itinampok ang dalawang rebulto ni Lincoln, ang George
Gray Barnard’s at Augustus Saint-Gauden’s, na nagpapakita ng magkaibang pampublikong pananaw sa
makabagong demokrasya. Nakita sa dalawang depiksyon ang mga nagtatapatang pagpapahalaga, mga
katotohanan sa kapuwa rebulto, at ang mga publikong sumusuporta sa magkatapat na mga imahen.
Napagtanto ni Schwartz (1991) na ang ideya ng kolektibong alalang nakasentro sa mga agent, o iyong mga
may kakayahang ilarawan ang nakaraan, ay hindi maaaring palitan iyong nakasentro sa istraktura sapagkat
21 | B A S C O
nalilimita ang mga ito sa mga alaalang kayang ipalaganap, partikular iyong nakapaloob sa tinatawag ni
Schudson na “the available past”. Dagdag pa rito, nakita sa dalawang pinagtapat na mga rebulto ang
dalawahang simbolikong estruktura (dual symbolic structure) na naglarawan at nagpaliwanag ng dualismo
ng pulitikal na kultura ng isang bansa. Masasabi na ang pag-aaral ay isang mahalagang ambag sa pagsusuri
sa ugnayang namamagitan sa publiko, kolektibong alaala, at mga monumento.
Tumuon naman ang artikulo nina Dwyer at Alderman (2008) sa ilang mga iminumungkahing
mapanuring mga tanong at talinghaga tungkol sa mga memoryal na pook (memorial landscapes). Sa
pamamagitan ng pag-angkla sa pagtingin sa mga memoryal na pook sa tatlong lente – teksto (text), arena,
at pagtatanghal (performance) – pinag-aralan kung ano-ano ang mga interes na kinikilingan at tinatangihan
ng mga ito. Sinimulan ang akda sa pagtatalakay sa tagpuan ng pook at alaala na sinundan ng pagtatalakay
sa socio-spatial na kondisyon ng pag-alala at kung sa papaanong paraan ito naaapektuhan ng mga
memoryal. Pagkatapos nito ay nagmungkahi sila ng tatlong pamamaraan ng pagsusuri ng mga memoryal
na pook sa pamamagitan ng pagbubuo ng mapanuring mga tanong kung saan sinuri ang mga memoryal
bilang teksto, bilang arena at bilang pagtatanghal. Sa ganitong paraan, ang artikulo ay nakapag-ambag ng
metodo sa pagpapalagay ng mga pook bilang mga bukas na sistema ng mga simbolo (open-ended symbolic
systems). Bagama’t hindi masyadong nasuri nang mas malaliman ang mismong halimbawa ng monumento,
nakatutulong nang higit ang akda lalo na sa pamamaraan ng pagsuri sa mga monumento at/o mga memoryal
at sa mas malalim na pag-intindi sa interseksyon ng kolektibong alaala at pook-urban.
B. Ang Bayaning Pilipino: Iba’t ibang Pagtingin kay Andres Bonifacio
Bilang isa sa mga kinikilalang pambansang bayani, marami na ang nasulat tungkol kay Bonifacio.
Kadalasan, umiikot ang mga ito sa kaniyang buhay, sa pagtatatag niya ng Katipunan, at sa kaniyang
kabayanihan. Isa na rito ay ang “A Question of Heroes” ni Joaquin (2005). Sa pamamagitan ng ilang kritikal
na mga sanaysay ay nagbigay ng makabagong pagtinggin sa kasaysayan si Joaquin partikular sa sinasabing
“Unfinished Revolution”; kung kanino nga ba ang rebolusyong ito, pati na rin ang ilang mga susing taong
sangkot lalo na ang mga bayaning Pilipino (kung saan kabilang na si Andres Bonifacio) at sa papel na
22 | M O N U ( m e a n t ) T O
ginampanan nila sa tradisyon ng rebolusyon sa Pilipinas. Tinalakay ang Katipunan, ang Sigaw at tila ba
pagsusuri sa kung saan nga ba ito naganap, pati na rin ang pagbagsak ni Bonifacio at mga puwersang
nagdulot nito. Sa kabuuan, ang akdang ito ay nakita bilang isang ambag sa literatura sa kung sino ba si
Bonifacio pati na rin ang Katipunan sa nasulat na kasaysayan.
Tinangka naman ni Nunag (20f14) na gumawa ng bagong asersyon, pagtingin at pagtatas tungkol
kay Andres Bonifacio at sa Katipunan na taliwas sa namamayaning pananaw tungkol sa Himagsikang
Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng mga dokumento at sulatin ng Katipunan mula sa Archivo General
Militar de Madrid (AGMM), partikular ang Caja 5677, bilang primaryang batis. Ipinakita dito ang batayan
at ugat ng pagtatatag sa Katipunan, kung kailan ito itinatag at ang ipinapalagay na tunay na mga
kadahilanan, at kung ano-ano ang mga konseptong namayani kina Andres Bonifacio at sa mga Katipunero
sa “pagtatatag ng isang kaayusan at kabuuang sosyo-pulitikal-kultural na taal lamang sa kanila bunga ng
kanilang mga partikular na karanasan bilang bahagi ng Katagalugan – isang kabuuang sumasaklaw sa lahat
ng mga tao at bayan na tumutubo sa sangkapuluan”. Nahinuha ni Nunag na tiningnan nila Bonifacio at ng
mga Katipunero ang Katagalugan bilang “Inang Bayan” at ang mga “anak ng bayan”, kung saan sila
kabilang, bilang lahat ng “tumubo sa sangkapuluan”. At sa gayon, itinatag ang Katipunan bilang pagtupad
sa kanilang tungkulin na ipagtanggol ang “Inang Bayan”. Bukod pa rito, natuklasan ding itinatag ang
Katipunan anim na buwan bago pa maitatag ni Rizal ang La Liga na nagdulot ng pangangailangang baguhin
ang pananaw ng Katipunan bilang “direktang kontinwasyon ng La Liga” lalo na’t magkaiba ang kamalayan
ng dalawang samahan. Dahil dito, nakita ang pag-aaral hindi lamang bilang isang mahalagang ambag sa
tala ng kasaysayan ngunit nakatulong din ito upang magkaroon ng makabagong pagtingin kay Bonifacio at
sa Katipunan.
Hindi na siguro higit kung sasabihing bahagi ng pagkatao ni Bonifacio ang mga puwersang
humubog sa kaniya bilang isang Pilipino, rebolusyunaryo, at kalaunan, bilang isang bayaning Pilipino. Iyan
ang itinampok ni Kimuell-Gabriel (2014) sa pag-aaral ng “konteksto ni Andres Bonifacio”; kung paano
siya hinubog ng kaniyang pook at kung paano siya “tumugon sa pangangailangan nito sa kaniyang
23 | B A S C O
panahon”. Gamit ang ilang mga sulatin, tiningnan ang kasaysayan ng parehong si Bonifacio at ng Tondo.
Pinag-aralan kung paano siya nahubog ng kaniyang pagiging taga-Tondo at sa kabilang dako, kung paano
siya kumilos hindi lamang para sa kaniyang pook na Tondo ngunit para sa Inang Bayan. Sinikap ng may-
akda na “ipakita ang pagtatalaban ng usapin ng uri at kalinangan sa pangkasaysayang konteksto ni
Bonifacio”. Ayon sa kaniya, bilang taga-Tondo, si Andres Bonifacio ay “produkto ng isang pook at
panahong saksi sa rurok ng kolonyalismong Español sa Pilipinas at lahat ng kaakibat nitong pagsasamantala
at pang-aapi sa mga Pilipino” at sa gayon ay hinubog ng “kaniyang pook at ang mga karanasan dito ang
nagturo sa kaniya para kumilos at baguhin din ang konteskto ng pagkaalipin”. Bagama’t isinilang sa Tondo,
siya ay naglingkod hindi lamang sa pook na ito ngunit para sa kalayaan ng buong Inang Bayan. Sa
artikulong ito, epektibong naipakita at naipaliwanag ang sosyokultural na relasyon ni Andres Bonifacio at
ng kaniyang pook na pinagmulan, ang Tondo.
Tumuon naman ang pananaliksik ni May (1997) hindi partikular kay Bonifacio mismo ngunit mas
higit sa kung papaano siyang muling nilikha matapos ang kaniyang kamatayan (posthumously re-created)
at ang anim na indibidwal na may kinalaman dito. Ang mga ito ay ang tatlong mananalaysay bago maganap
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sina Manuel Artigas, Epifanio de los Santos, at Jose P. Santos;
ang memoirist at kilalang rebolusyunaryong si Artemio Ricarte; at dalawang kinikilalang mananalaysay
matapos ang nabanggit na digmaan na sina Teodoro Agoncillo at Reynaldo Ileto. Dito, nabanggit ni May
na maliban sa ilang mga naimprentang order kung saan makikita ang lagda ng nasabing bayani, halos
walang dokumentong naisulat ni Bonifacio ang naipasa sa sumunod na salinlahi. Dagdag pa niya, dahil sa
kawalang ito ng mga dokumento ay napadali ang “paglikha” kay Bonifacio ng mga nasyonalistang
mananalaysay. Ayon sa kaniya, mas naging malaya ang mga ito sa pag-uugnay ng ilang mga ideya at
personal na katangian kay Bonifacio at sa pagpapaliwanag ng kaniyang mga hayag na kamaliang pantao
(human flaws) at sa gayon ay makalikha ng isang naangkop na pambansang simbolo. Sa huli, tiningnan ni
May (1997) si Bonifacio bilang isang ilusyon na isang producto ng mga hindi nadokumentang mga
pahayag, hindi maaasahan, dinuktor, o kaya naman ay mga hindi makatotohanang mga batis, at kolektibong
24 | M O N U ( m e a n t ) T O
imahinasyon ng ilang mga historyador at isang memoirist. Bagama’t itinuturing ang akdang ito bilang isang
mahalagang hakbang sa pag-aaral patungkol kay Bonifacio, gaya ng nabanggit ay mas tumuon ito sa
konsepto ng historikal na paglikha (historical re-creation) kaysa sa mismong bayani. Dagdag pa rito at
ayon na rin kay May, hindi pinag-aralan sa kaniyang libro ang representasyon ni Bonifacio sa mga
ipinintang larawan (paintings), mga pampublikong estatuwa, mga pagtatanghal (plays), pelikula, at iba
pang popular na piksyon maging sa mga bahagi ng pagsusulong sa pagkilala kay Bonifacio bilang isang
pambansang bayani noong 1960s gaya na lamang ng pagbibigay ng pangalan sa mga kalsada at paaralan,
pagpapalabas ng mga selyo, at iba pa. Matapos nito ay ipinahayag ni May ang kaniyang kahilingang
maipagpatuloy ng ibang mga iskolar ang kaniyang nasimulan.
Ang ikonisasyon naman ni Bonifacio ang naging pokus ng isang artikulo mula sa Presidential
Communications Development and Strategic Planning (n.d.). Gamit ang iba’t ibang depiksyon ng nasabing
bayani mula sa mga litrato hanggang sa ilang selyo at monumento ay pinag-aralan sa deskriptibong paraan
si Bonifacio. Inihain nang ayon sa pamanahong pagkakasunod-sunod ang mga larawan ni Bonifacio na
kapuwa nagpakita ng tila magkakaibang bersyon ng bayani. Pinag-aralan din ang imahen ni Bonifacio sa
mga pera (parehong papel de bangko at barya) sa parehong pamamaraan. Naihain din ang ilang monumento,
iyong kay Guillermo Tolentino, kay Ramon Martinez, at iyong nasa Tondo. Bagama’t halos limitado
lamang sa deskriptibong pagtingin at bilang ang depiksyong nasuri, naging isang magandang hakbang ang
akda sa pag-aaral ng imahen ni Bonifacio sa paglipas ng panahon, mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Naging partikular naman sa imahen ng bayani sa kaniyang monumento ang mga akda ng The FHL
(Filipinas Heritage Library) Research Team (2003) at ni Chua (2007). Sa parehong mga akda ay sinuri ang
monumento ni Bonifacio sa Kalookan, iyong likha ni Guillermo Tolentino. Gayon pa man, mas may
pagtingin sa mga simbolo ang sa The FHL Research Team at mas lamang naman kasaysayan ang kay Chua.
Bagama’t parehong sinuri ang pagpepresenta kay Bonifacio sa kaniyang monumento ay naging limitado
ang parehong akda sa iisang monumento. Mahalaga ring banggitin na dahil na rin sa nasa porma ng artikulo
25 | B A S C O
ay hindi malalimang nasuri ang monumento at sa gayon ay nangangailangan pa ng mas matibay na mga
sandigan ang ilang mga pahayag.
C. Bayani at Pagkabayani
Sa pagsusuri ng imahen ni Bonifacio ay mahalagang talakayin ang konsepto ng bayani at
pagkabayani sa isipan ng mga Pilipino. Kabilang ang magka-ugnay na mga konseptong ito sa sinuri ni Chua
(2014). Sinubukan niyang alamin kung “nagpatuloy ba ang kamalayan mula sa sinaunang kalinangan
hanggang sa kasalukuyang panahon tulad ng sinasabi ni Zeus Salazar at ng mga tagapagtaguyod ng
Pantayong Pananaw” at kung mayroon bang “mga konsepto/dalumat” na maaaring ituring na “susi ng
pagkakakilanlan natin bilang isang bansa” o kung ang mga ito ba ay “pantasyang pananaw lamang”. Para
sa metodolohiya, ginamit na inspirasyon ng pag-aaral ang akda nina Deepa Nayan, Robert Chambers,
Meera Shah, at Patti Petesce na “Voices of the Poor: Cyring Out for Change”. Una, kumuha ng mga
pinunong maralita (38) mula sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila. Sa unang bahagi ay pinasagot
ang mga pinuno ng questionnaire na umikot sa konsepto ng kasaysayan. Sa ikalawang sesyon naman ay
pinabuo sila ng limang grupo at nagtalakayan tungkol sa ilang piling mga “konsepto sa Sikolohiyang
Ang ikatlong sesyon naman ay isang lakbay-aral upang talakayin ang Katipunan at Himagsikang Pilipino.
Ang huling sesyon ay pinamagatan namang “PAGTINDIG: Ang Pakikibaka mula sa Panahon ng Islam
hanggang People Power”. Gaya ng nasabi, isa sa mga konsepto/dalumat na tinalakay ay ang “bayani” pati
na rin ang mga “katangian ng isang pambansang bayani” at ang ilang mga salik na maaaring makaapekto
sa pagtanggap ng mga tao sa pagkabayani ng isa. Mahalagang ring bangitin na may isyu sa gitna ng
heroismo at kabayanihan at heroé at bayani. Sa huli, nakita na “halos nagkakaisa ang mga maralita sa
kanilang pakahulugan at tumutugma naman ito sa mga nagpag-aralan sa Pantayong Pananaw”.
Gayunpaman, may pagkakalito sa ilang konsepto gaya na lamang ng “bayani” na nakita “sa pagkilala nila
kapuwa kina Rizal at Bonifacio”. Sa kabuuan, nakita ang akda bilang isang ambag sa pag-aaral ng
pakahulugan ng mga Pilipino sa ilang konsepto bagama’t nalimita ito sa mga tinaguriang nasa “ibaba”.
26 | M O N U ( m e a n t ) T O
Naging partikular naman sa pagkabayani ni Bonifacio ang pangkumperensiyang papel ni Belvis
(2013) kung saan nagbigay siya ng argumento na ang pagiging lehitimo ng isang bayani ay hindi, sa
pangunahin, isang resulta ng arkibo. Tiningnan si Bonifacio bilang isang kultural na konstruksyon ng
kolektibong alaala, ng mga intitusyonal na mekanismo gaya na lamang ng pagsusulat ng mga aklat-
pampaaralan (textbooks), at ng hindi sinasadyang (unsuspecting) pakikilahok sa world-time (Geist).
Ginamit sa pag-aaral ang konsepto ng surrogation ni David Lambert kung saan ipinaliwanag sa papel ang
hindi maiiwasang nangyari sa libro ni Glenn Anthony May dahil sa ang kagitingan (heroism) ni Bonifacio
ay inilalagay siya sa isang teksto na nagdadala ng aporia ng kasaysayan. Sinimulan ni Belvis ang kaniyang
papel sa pagbalik-tingin sa reconstructionist na pagpapalagay nina May at ng mga Pilipinong historyador
na sumagot sa kaniya kung saan nakitang hindi sila masyadong nakaiba sa mga prinsipyo ng historikal na
metodolohiya kundi higit sa resultang maaasahan (reliability results) ng mga pangunahing sanggunian.
Nagkaroon ng mas positibong pagtingin sa imbensyon ng isang bayani kung saan tiningnan ang bayani
bilang isang kultural na konstruksyon. Kaugnay nito, nabanggit na halos hindi natalakay ni May ang papel
ng kolektibong alaala, ng mga institusyonal na mekanismo, sa pagbuo ng reputasyon ng isang bayani, at ng
kaniyang tadhana sa harap ng (vis-à-vis) Geist. Sa kabuuan, bagama’t nalimita sa debate nina May at ng
ilang historyador, nakita ang papel bilang isang bagong pag-aaral sa pagtingin sa pagkabayani (ni Andres
Bonifacio).
D. Pagbubuod
Sa kabuuan, ang mga kaugnay na sulatin at pag-aaral na nabanggit ay umikot sa ilang mga teorya
at metodoholiya sa pagpapakahulugan at pag-alala, kay Andres Bonifacio, at sa ilang mga konseptong
mahalagang bigyang-pansin sa pagsusuri ng ugnayan sa pagitan ng monumento at sa imahenng ipinapakita
nito sa publiko. Nakikita ang pag-aaral bilang isang ambag sa mas malalim na pag-intindi sa ugnayang ito
lalo pa’t wala pang nasusulat tungkol sa mga pampublikong monumento sa Pilipinas kung saan iniuugnay
ang mga ito sa espasyo at sa gayon, sa publiko. Bukod pa rito, makatutulong ang pag-aaral sa mas malawak
na pagtingin sa konsepto ng bayani at pagkabayani ng isang bayaning Pilipino.
27 | B A S C O
KABANATA III: Paglalatag ng Datos
ANG MGA MONUMENTO NI BONIFACIO
A. Bantayog ni Bonifacio sa Rotonda, Kalookan
Naipasa ang Act No. 2760 noong ika-23 ng
Pebrero 1918 na kumikilala sa pagpapatayo ng isang
monumento bilang pag-alala kay Andres Bonifacio
(NHI, 1985). Binigyang-daan naman ng Section 1 ng
Act No. 3602 ang pagbibigay ng gantimpala sa mga
natatanging guhit at plano para sa monumento (NHI,
1985). Isang paligsahan ang isinagawa para sa disenyo
at konstruksyon ng memorial para kay Bonifacio kung
saan labintatlo (13) ang lumahok at nagpasa ng kanilang
mga plano sa ilalim ng kanikaniyang mga alyas
(Presidential Museum & Library, 2013). Ang plano ni
Guillermo Tolentino ang napiling isagawa (NHI, 1985)
na nagpasa sa ilalim ng palayaw na “Batang Elias” (Presidential Museum & Library, 2013). Siya
nakatanggap ng P125,000 na tutumbas sa P38,538,732.39 (noong panahong isinulat ng Presidential
Museum & Library ang kanilang artikulo noong 2013). Inilatag ni Dona Aurora Quezon, asawa ng noon ay
Pangulo ng Senado ng Pilipinas na si Manuel Quezon, ang cornerstone ng bantayog noong ika-66 na
kaarawan ni Bonifacio noong 1929, 45 minuto makalipas ang ika-5 ng hapon (Presidential Museum &
Library, 2013). Isinagawa ni Tolentino ang konstruksyon sa tulong ng isang grupo ng mga iskultor kung
saan kabilang na sila Anastacio Caedo at Francesco Riccardo Monti (Presidential Museum & Library,
2013). Natapos ang bantayog makalipas ang tatlong taon (Presidential Museum & Library, 2013). Ayon sa
Larawan 1. Ang bantayog ni Bonifacio sa Rotonda, Kalookan.
28 | M O N U ( m e a n t ) T O
Presidential Museum & Library (2013), kinikilala ng bantayog ang kaugnayan ni Bonifacio sa Kalookan,
na nagsilbing pook ng ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa kampanya para sa rebolusyong Pilipino.
Ang Bantayog
Diretso ang tindig ni Bonifacio habang bahagyang
nakapaling sa kaliwa ang kaniyang ulo. Hawak niya ang kaniyang
mga sandata sa magkabilang kamay – ang kaniyang bolo sa kanan at
baril naman sa kaliwa. Magkahiwalay ang kaniyang dalawang paa at
may espasyong hindi hihigit sa lapad ng kaniyang balikat sa pagitan
ng mga ito. Bahagyang nakaabante ang kaniyang kaniyang paa.
Sa bantayog na ito, makikitang
nakakunot ang noo ni Bonifacio na para
bang may malalim na iniisip habang
nakatingin sa malayo. Sarado ang
kaniyang bibig. Ang kaniyang buhok ay
pinarte at nakahawi sa kanan ang mas
malaking bahagi.
Suot-suot ni Bonifacio ang isang simpleng barong may
simpleng burdadong disenyo at nakasarado ang lahat ng butones. Sa
kaniyang leeg ay nakaikot at nakatali sa harap ng kaniyang kuwelyo ang isang panyo. Isang sinturon naman
ang nakapalibot sa kaniyang baywang kung saan nakadikit ang lalagyan ng kaniyang baril sa kanan at ng
bolo naman sa kaliwa. Simple rin ang suot na pambaba ni Bonifacio at nakatali sa bandang itaas ng kaniyang
paa. Makikitang nakatapak si Bonifacio sa depiksyong ito.
Larawan 2. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa bantayog sa Kalookan
Larawan 3. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa bantayog sa Kalookan.
29 | B A S C O
Kasama ni Bonifacio sa bantayog nito ang mga
taong may malalaking papel na ginampanan sa
rebolusyon. Ang iba’t ibang pigura at elemento ng
monumento ang naging paksa ng isang infographic
mula sa Presidential Museum & Library (2013). Ayon
dito, sa harap ay makikitang kasama ni Andres
Bonifacio si Emilio Jacinto, ang kaniyang kanang-
kamay sa kaniyang kanan, at isang Katipunero namang
may hawak ng watawat sa kaniyang kaliwa (Presidential Museum & Library, 2013).
Sa kaliwang1 bahagi ng iskultura naman ay
makikita ang isang sumusugod na Katipunero habang
hawak-hawak ang kaniyang bolo (Presidential Museum
& Library, 2013). Sa direksyong tila ba kaniyang
pinanggalingan ay may mga nakahandusay na babae’t
lalaki at mga magulang na umiiyak sa bangkay ng
kanilang mga anak (Presidential Museum & Library,
2013).
1 Tinukoy ito ng Presidential Museum & Library bilang kanang bahagi. Bagama’t sinipi ang paliwanag ng nasabing tanggapan, kinokonsidera ito ng mananaliksik bilang kaliwang bahagi ayon sa oryentasyon nito sa pigura ni Bonifacio (na sa kasong ito ay kaliwa). Dagdag pa rito, ganitong paraan ng pagtukoy (kung harap, kanan, kaliwa, o likuran ba) ang ginamit sa lahat ng monumento.
Larawan 4. Ang harapang bahagi ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 5. Ang kaliwang bahagi ng bantayog sa Kalookan.
30 | M O N U ( m e a n t ) T O
Sa kanang2 bahagi naman ay makikita ang
ginawang paglaban ng mga Katipunero – may isang
pumupunit ng sedula, may isang itinataas ang kaniyang
bolo upang lumaban, at isang nagsasagawa ng
sanduguan bilang panunumpa sa Katipunan
(Presidential Museum & Library, 2013).
Ang mga pari namang sina Mariano Gomez,
Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora, kung sinong
pagbibitay ang nagpaningas sa apoy ng rebolusyon, ang
makikita sa likurang bahagi ng monumento
(Presidential Museum & Library, 2013). Ang pigura ni
Padre Burgos, na may nakabalot pang tela sa mukha
nito, ay nanatiling nasa garrote (Presidential Museum
& Library, 2013). Isa ring pigura ang matatanaw sa
pinakatuktok ng bantayog. Nakataas nang 45 na
talampakan sa hangin, ang toreng gawa sa granite ang nagsisilbing pedestal
ng pigura ng Victory (Presidential Museum & Library, 2013). Ito ay binase sa
Winged Victory of Samothrace (Presidential Museum & Library, 2013).
2 Tinukoy ito ng Presidential Museum & Library bilang kaliwang bahagi. Bagama’t sinipi ang paliwanag ng nasabing tanggapan, kinokonsidera ito ng mananaliksik bilang kanang bahagi ayon sa oryentasyon nito sa pigura ni Bonifacio (na sa kasong ito ay kanan). Dagdag pa rito, ganitong paraan ng pagtukoy (kung harap, kanan, kaliwa, o likuran ba) ang ginamit sa lahat ng monumento.
Larawan 6. Ang kanang bahagi ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 8. Ang pigura ng Victory sa tuktok ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 7. Ang likurang bahagi ng bantayog sa Kalookan.
31 | B A S C O
Ang pangunahing bahagi ng bantayog ay ang
paylon na binubuo ng limang parte na sumasagisag sa
limang aspeto ng lipunan – Kataastaasan,
Kagalanggalangan na Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (NHI, 1985) Ang bantayog ay nakasentro sa
isang araw na may walong sinag na sumisimbolo sa
walong probinsyang lumaban sa mga Kastila –
Maynila, Bulakan, Pampangga, Nueva Ecija, Tarlac,
Laguna, Kabite, at Batanggas (NHI, 1985). Ang
patunggang ito ay may tatlong baitang na nagpapaalala sa bawat siglo sa ilalim ng mga Kastila (NHI, 1985).
May makikita ring tubig na nakapalibot sa
monumento na ayon sa Presidential Museum & Library
(2013) ay kumikilala sa paghahambig ni Rizal sa
ugaling Pilipino – “ang buhay nilang sanhi ng buhay,
nagbabagong-anyo, nagpupuyos kapag hinamak, isang
‘batayang lakas,’ na isa sa mga motif na ginamit niya sa
kaniyang El Filibusterismo: ‘Napakabayad ng tubig na
iyan at maiinom, subalit
nilulunod ang alak at serbesa at pinapatay ang apoy, at kapag nainitan ay
nagiging singaw, at kapag umalon ay dagat, na minsang nilipol ang
sangkatauhan at niyanig ang daigdig mula sa pinakagalugod nito!’.”
Sa harapang bahagi ng pedestal ay nakadikit ang dalawang plaka,
kung saan isa na ang sa National Historical Institute na nakapetsa noong 2009.
Larawan 9. Ang araw na may walong sinag na kumakatawan sa walong mga probinsyang kasama sa paglaban sa mga Kastila.
Larawan 11. Ang mga plaka sa harapan ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 10. Isang bahagi ng tubig na nakapaligid sa bantayog sa Kalookan.
32 | M O N U ( m e a n t ) T O
Ang Pampublikong Espasyo
Sa tapat ng monumento ay makikita ang isang
malaking billboard na may larawan ng kasalukuyang
alkalde ng lungsod. Sa ibaba nito ay makikita naman
ang tent ng mga pulis na nakaistasyon sa lugar.
Nakatapat ang monumento sa kahabaan ng Rizal
Avenue Exit.
Halos sakop naman ng isang
malaking mall ang tanawin sa
kanang bahagi ng monumento. Sa
kaliwa naman, isang kalsada ang
layo mula sa bantayog ay may
makikitang tila ba entablado ng isang
birhen. Dito rin makikita ang kahabaan ng MRT (Metro Manila Rail Transit System).
Makikita naman ang kahabaan ng Manila North
Road (kilala rin sa tawag na MacArthur Highway) at
isang overpass sa likuran ng bantayog.
Sa paligid ng monumento, sa loob ng mga
bakod, ay may makikitang sampung (10) mga watawat
– tatlong grupo ng tig-tatlo at isang mediyo mas
prominente sa iba.
Larawan 12. Ang tanawin mula sa harapan ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 14. Ang tanawin mula sa kaliwang bahagi ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 13. Ang tanawin mula sa kanang bahagi ng bantayog sa Kalookan.
Larawan 15. Ang tanawin mula sa likuran ng bantayog sa Kalookan kung saan makikita rin ang tatlo sa sampung watawat na nakapalibot sa bantayog sa Kalookan.
33 | B A S C O
Ang Bantayog at Ang Publiko
Gaya ng nabanggit, hindi masyadong madaling
lapitan ng publiko ang monumento. Bagama’t maaari
magpaalam upang makapasok, walang nakikitang
tawiran upang makapunta sa bantayog. Mahalagang
banggitin na upang makapasok ay inilalayan ng mga
pulis na nakaistasyon sa tapat ng monumento ang
mananaliksik at ang kaniyang kasama upang
makatawid. Dagdag pa rito, may bakod rin sa palibot ng
bantayog. Maaring pumasok sa pamamagitan ng pagbubukas ng maliit na pintong bahagi ng nabanggit na
bakod.
Kadalasang naiuugnay ang bantayog na ito sa pagiging pook-palatandaan o landmark nito. Dagdag
pa rito, ayon sa panayam sa mga tagapangalaga ng monumento (J.M. Mendoza, A. Rondina, & F.R.
Mendoza, personal na komunikasyon, ika-1 ng Marso 2018), ito ay nagiging pook din ng ilang okasyon.
Halimbawa na lamang ay ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo at ang araw ng kapanganakan ni
Andres Bonifacio tuwing ika-30 ng Nobyembre. Nabanggit pa ng isa sa mga kinapanayam na naging bahagi
rin ito ng pagdiriwang sa pista roon na ginanap noong ika-16 ng Pebrero 2018. Dito raw ginanap ang
fireworks display. Sinasaraduhan sa ibang pagkakataon ang ilang mga kalsada sa palibot ng monumento
tuwing may okasyon upang maglagay ng entablado. Bukod pa rito, ilang “malalaking tao” rin daw ang
pumupunta roon upang makidalo sa mga pagdiriwang na ito.
Ang Bantayog sa Kasalukuyan
Sa kasalukuyan, ang monumento ay nananatili pa rin sa orihinal na pook nitong kinatayuan. Dahil
na pinaggigitnaan ng apat na mga kalsada, wala masyadong panahon ang mga tao upang bigyang-pansin
ang monumento. Wala ring lakaran ng tao o sidewalks sa paligid ng monumento, maliban sa lakaran sa
Larawan 16. Ang bantayog sa Kalookan kung titingnan mula sa labas
34 | M O N U ( m e a n t ) T O
gilid ng isang mall. Dagdag pa rito, napapalibutan ang monumento ng bakod at walang pedestrian lane
patungo sa monumento. Gayunpaman, nakapasok ang mananalisik sa tulong ng mga pulis na nakaistasyon
sa tapat ng monumento na umalalay sa pagtawid papunta rito.
Sa kasalukuyan ay masikap na pinangangalagaan ng lungsod ng Kalookan ang monumento.
Limang tagapangalaga ang araw-araw na naglilinis sa lugar mula umaga hanggang hapon. Namamalagi sila
sa monumento buong araw kasama ang guwardiya. Ayon sa panayam (J.M. Mendoza, A. Rondina, & F.R.
Mendoza, personal na komunikasyon, ika-1 ng Marso 2018), nililinis nila ang bantayog sa pamamagitan
ng pagwawalis sa paligid nito. Dinidiligan din nila ang mga halaman na nasa espasyo sa paligid ng
monumento. Sila rin ang nag-aayos sa fountain kung sakaling magbara man ito. Ayon rin sa panayam, sa
kasalukuyan ay dalawang guwardiya ang nagpapalitan upang bantayan ang monumento.
B. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton sa Ermita, Maynila
Ang bantayog ay matatagpuan sa Liwasang
Bonifacio na noon ay Plaza Lawton (NHI, n.d.). Inialay ito
sa bayani ng lungsod ng Maynila noong 1963 bilang
pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng kaniyang
kapanganakan (NHI, n.d.). At noon din ipinangalan sa
kaniya ang liwasan (NHI, n.d.). Ayon sa NHI (n.d.), ang
Liwasang Bonifaio ay pook ng iba’t ibang anyo ng pagsigaw
para sa demokrasya, kalayaan, at hustisya para sa Inang
Bayan.
Larawan 17. Ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Lawton.
35 | B A S C O
Ang Bantayog
Sa bantayog na ito, makikitang diretso ang tindig ni Bonifacio.
Ang kanang kamay niya ay bahagyang nakasara ngunit bahagya ring
nakabukas. Hawak-hawak naman niya sa kaniyang kaliwang kamay
ang isang bolong nakasuksok pa sa lalagyan nito. Makikita sa mga ugat
sa kaniyang kamay na mediyo mahigpit ang pagkakawak niya rito.
May kaunting espasyo sa dalawang paa ni Bonifacio.
Makikita rito na bahagyang
nakakunot ang noo ni Bonifacio habang
nakatanaw sa malayo ang kaniyang mga
mata. Nakasuklay nang maayos ang
kaniyang buhok at hinawi ang malaking
parte nito pakanan.
Nakasuot si Bonifacio ng Barong Tagalog. May panyong nakapalibot
sa kaniyang leeg na nakatali sa harapan. May suot siyang sinturon sa kaniyang
baywang. Sa kanang bahagi nito ay nakadikit ang lalagyan ng kaniyang baril
kung saan ito nakasuksok. May suot naman siyang pantalon bilang pambaba na nakatupi sa ilalim. Nakapaa
lamang si Bonifacio.
Sa depiksyong ito, mag-isa lamang si
Bonifacio. Nakatungtong ang iskultura sa isang
bloke ng semento na may disenyo ng mga dahon.
Sa harap at likod ng pedestal ay nakadikit ang
palatandaan ng National Historical Institute na
nakapetsa noong 2013 at ng Lungsod ng Maynila.
Larawan 18. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa bantayog sa Lawton.
Larawan 19. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Lawton.
Larawan 20. Ang plaka ng NHI sa bantayog sa Lawton.
Larawan 21. Ang plaka ng lungsod ng Maynila sa bantayog sa Lawton.
36 | M O N U ( m e a n t ) T O
Ang Pampublikong Espasyo
Nakaharap ang monumento sa kahabaan ng
bahagi ng Taft Avenue kung saan ilang saksakyan ang
dumaraan. May mga upuan sa magkabilang gilid ng
monumento na siyang inuupuan ng ilang mga
napaparoon. May iba namang natutulog sa mga ito,
gaya na lamang ng mga taong tila ba roon na sa liwasan
naninirahan. Sa likod naman nito ay makikita ang gusali
ng Tanggapan ng Koreo (Post Office) na may watawat
ng Pilipinas sa harapan nito. Sa harap
din ng gusali ay may isang malaking
fountain kung saan tumatambay ang
ilang tao. Mayroon mga nagtitinda ng
iba’t iba nilang produkto sa paligid
ng monumento. May mga punong
nakatanim sa magkabilang gilid ng monumento.
Ang Bantayog at Ang Publiko
Iba’t iba ang layon ng mga taong napaparoon sa
bantayog. Gaya ng nasabi, may ilang tindero at tindera
sa paligid ng monumento. May ilan din namang
pumupunta roon upang tumambay gaya na lamang ng
mga magkasintahan at magkakaibigan. May mga mag-
anak din na nasa paligid ng monumento. Ilan sa kanila
ay nakahiga sa ilang upuan sa kaliwa ng monumento.
Larawan 24. Malayuang kuha sa kaliwang bahagi ng bantayog sa Lawton.
Larawan 22. Ang bahagi ng kahabaan ng Taft na nasa harapan ng batayog sa Lawton at Tanggapan ng Koreo na nasa likuran ng bantayog.
Larawan 23. Ang kanang bahagi ng bantayog sa Lawton.
Larawan 25. Ang ilang mga nagtitinda sa paligid ng bantayog sa Lawton.
37 | B A S C O
May ilan naman na pumupunta lamang sa liwasan upang mag-intay. Ang ilan naman ay dumaraan lamang
doon ngunit may ibang patutunguhan.
Kung minsan, nagiging pook din ng pagkilos ang bantayog gaya na lamang ng rally noong ika-30
ng Nobyembre laban sa ipinanunukalang
rebolusyunaryong pamahalaan sa Liwasang
Bonifacio (Roxas, 2017a).
Ang Bantayog sa Kasalukuyan
Sa malayo pa lamang ay makikita na ang kulang-kulang
na tiles sa pedestal ng monumento. Sa paglapit ay mas marami
pang senyales ng pagsasawalang-bahala ang makikita. Ang
iskultura mismo ay nasa mabuting kalagayan. Gayunpaman,
ilang kalat ang makikita sa bantayog. Sa paanan mismo ni
Bonifacio, sa hindi-malamang dahilan, ay may dalawang
sapatos na tila ba galing sa iisang pares. Iba’t ibang klase naman
ng basura ang natagpuan sa paligid ng monumento. May nakita
ring iba’t ibang uri ng vandalism sa pedestal ng monumento.
May iba’t ibang klase ng dumi sa paligid, sa pedestal, at maging
sa mga palataan ng bantayog.
Larawan 29 at 30. Ilang halimbawa ng vandalism sa bantayog sa Lawton.
Larawan 30
Larawan 26. Ang pagkilos na isinagawa sa Liwasang Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 2017. Roxas (2017a).
Larawan 28. Ang dalawang sapatos sa paanan ng pigura ni Bonifacio sa bantayog sa Lawton.
Larawan 27. Ang kulang-kulang na tiles sa pedestal ng bantayog sa Lawton.
38 | M O N U ( m e a n t ) T O
C. Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa Ermita, Maynila
Ang bantayog na ito na gawa
sa metal ay kabilang sa mga
pampublikong sining ni Eduardo
Castrillo (Pamaran, 2016) na kilala rin
sa iba pa niyang likha sa iba’t ibang
panig ng bansa gaya na lamang ng
People Power Monument sa may
EDSA, Pinaglabanan Shrine, at Pieta
sa labas ng Loyola Memorial Park sa
Parañaque (Osental, 2013). Ito ay
matatagpuan malapit sa Manila City
Hall at Mehan Gardens. Ang monumento ay binubuo ng humigi’t kumulang 60 (animnapu) na mga pigura
kung saan isa na si Bonifacio. Kung titingnan mula kaliwa pakanan, ipinapakita ng mga depiksyon sa
monumento ang iba’t ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Bonifacio mula sa kaniyang pagkabata,
sa pagsama sa La Liga Filipina, sa sanduguan at pakikisapi sa Katipunan, hanggang sa mga
rebolusyonaryong labanan at iba’t ibang símbolo ng kalayaan (Arumpac, 2008).
Larawan 31. Ang bantayog ni Bonifacio sa may Mehan Gardens sa Ermita, Maynila.
39 | B A S C O
Ang Bantayog
Kung titingnan mula sa malayuan, ang katawan ni
Bonifacio ay lumilikha ng isang nakahilig na linya. Diretso at
nakataas ang kaniyang kanang kamay kung saan hawak-hawak
niya ang kaniyang bolo. Nakaunat rin ang kaniyang kaliwang
braso habang mahigpit na nakasara ang kaniyang kaliwang
kamay. Nakabaluktot ang kaniyang kaliwang binti habang
nakaunat naman ang kaniyang kanang binti na para bang
naghuhudyat ng pagsulong.
Sa monumentong
ito ay may makikitang
tensyon sa mukha ni Bonifacio. Bahagyang nakakunot ang kaniyang
noo. Nakabuka ang kaniyang bibig, kita ang kaniyang mga ngipin, at
tila ba may isinisigaw. Ang kaniyang buhok ay nakaparte at nakahawi
sa kanan ang malaking bahagi nito.
Isang simpleng barong may kaunting bukas sa itaas ang suot
na pantaas ni Bonifacio. Sa may bandang baywang niya ay may para
bang tali na nakapalibot at nagsisilbi bilang isang sinturon. Nakatupi
hanggang sa bandang itaas ng kaniyang braso ang magkabilang manggas ng kaniyang pantaas. Sim pleng
pambaba rin ang suot-suot ni Bonifacio na nakatupi hanggang sa may ilalim ng kaniyang tuhod.
Ipinakikitang nakatapak si Bonifacio sa iskulturang ito.
Ang bantayog ay binubuo ng maraming pigura. Sa baba ni Bonifacio ay makikita ang nabanggit na
iba’t ibang kaganapan sa buhay ng bayani. Kung titingnan mula kanan patungong kaliwa ay makikita ang
naging buhay ni Bonifacio mula sa kaniyang kabataan hanggang kamatayan at maging sa kalayaan ng
Larawan 32. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Ermita.
Larawan 33. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Ermita.
40 | M O N U ( m e a n t ) T O
bayan. Sa unang bahagi ay makikita ang apat na batang nagtitinda ng mga tungkod at pamaypay. Sa baba
nito ay dalawa pang bata – isang nagbabasa at isang may hawak na gunting. Sa sunod na bahagi naman ay
may makikitang tatlong mga lalaki
kung saan dalawa ang may buhat-buhat
na mga kahon. Sa ilalim nito, sa tabi ng
mga bahay kubo ay may isang lalaking
nakasandal habang nagbabas a na hindi
na mali kung sasabihing si Bonifacio.
Sa sunod na bahagi naman ay may
makikitang pitong lalaking
nagpupulong. Tila isang pagpupulong
din ang nagaganap sa sunod na grupo
ng mga pigura kung saan may isang lalaking para bang nagsasagawa ng sanduguan (ngunit hindi ito
tuluyang matiyak sapagkat nawawala ang kaniyang kaliwang braso), isang lalaking nakaharap sa kaliwa na
tila ba may kinakausap, isang may hawak-hawak na papel at para bang ipinapakita o iniaabot ito sa iba, at
limang iba pa na nakaharap dito. Sa may ilalim na bahagi ay limang lalaki ang makikitang nag-uusap-usap.
Sa ibabang bahagi naman nito ay may makikitang dalawang pigura na tila ba nagpapakita ng pagtatahi ng
isang watawat. Sa kaliwa nito ay may tatlong lalaki, isang may mahabang kasuotan (iyong gaya ng mga
isinusuot ng mga pari), isang nakaluhod at nakatungo sa kaniyang harapan na may halos parehong kasuotan,
at isang lalaking may sombrero sa bandang likuran. Sa itaas na bahagi naman ay makikitang ang limang
watawat. Apat na watawat ng Katipunan ang makikita kasama ang kasalukuyang watawat ng Pilipinas. Ang
mga watawat na ito ay ginamit upang hatiin sa iba’t ibang bahagi ang monumento. Sa ibaba ng tatlong
naunang watawat ng Katipunan ay makikita ang humigit-kumulang 14 (labing-apat) na tao na nakatalikod
sa tagapagmasid, nakatayo, at nakataas ang mga kamao kung saan isa ang may hawak-hawak na bolo. Sa
kaliwa nito ay may isang lalaking umaabante habang hawak-hawak ang watawat ng Katipunan at sa
kaniyang tabi ay isang lalaki na may hawak namang iskopeta (shotgun). Sa baba nito ay may makikitang
Larawan 34. Malayuang kuha sa bantayog sa Ermita kung saan makikita ang iba't ibang depiksyon ng ilang mahahalagng pangyayari sa buhay ni Bonifacio.
41 | B A S C O
dalawang nakatayong lalaki na tila ba nakatingin sa nakahandusay na lalaki sa mas ibabang bahagi, na sa
malamang ay naglalarawan sa pagkamatay ng bayani. Sa dulong bahagi ng monumento, sa may
kasalukuyang watawat ng Pilipinas, ay may pitong ibong lumilipad.
May nakalagay na kopya ng Kartilya ng Katipunan sa likurang bahagi ng monumento. Ito rin ay
gawa sa metal.
Mahalagang banggitin na iba’t ibang kulay ng pintura ang makikita sa monumento. Kung susuriin,
maaring sabihing ginamit ang mga ito upang
maihiwalay sa isa’t isa ang iba’t ibang bahagi ng
iskultura. Pula ang itaas na kaliwang bahagi. Sa ibaba
naman nito, ang likurang bahagi ng iskultura ay
napipinturahan ng dilaw. Ang bahaging malapit sa gitna
naman ay nakukulayan ng isang uri ng malamlam na
kulay asul na may halong berde. Mas kahel na klase
naman ng dilaw ang kulay ng gitnang bahagi, sa may
ilalim ng pangunahing pigura. Sa katabing bahagi nito ay may mga tiles na kulay pula. Ang likod ng
naunang apat na larawan ay napipinturahan ng puti, na may parang mga sinag na kulay dilaw. Sa ilalim nito
ay may kulay pula sa likuran mga pigurang tila ba nag-aalsa. Ang lahat ng mga watawat ay pininturahan
ng naayon na mga kulay.
Sa may kaliwang gilid ng monumento, sa bandang likuran, ay may makikitang watawat. Sa
kinatitirikan nito ay nakadikit ang isang plaka na isang memorare.
Larawan 35. Ang likuran ng bantayog sa Ermita kung saan makikita ang kopya ng Kartilya.
42 | M O N U ( m e a n t ) T O
Ang Pampublikong Espasyo
Nakaharap ang monumento sa kahabaan ng Taft
Avenue. Marahil ay dahil na rin dito kaya’t nagsisilbi bilang
intayan ng sasakyan ang harapan ng monumento, lalo na sa
bandang kaliwa ng harapan nito. Sa kanang bahagi ng harapan
ng monumento ay may nakalagay na palatandaang pantrapiko
na “No Parking”. Gayunpaman, ang likod ng monumento, sa
kabaligtaran, ay nagsisilbi bilang isang paradahan. Iba’t ibang
klase ng sasakyan ang nakatigil dito. Nakakita rin ng ibang likha
ni Eduardo Castrillo sa may likuran ng bantayog. May iba’t ibang klase rin ng tindahan dito. Gaya ng
likuran ay may mga nagtitinda rin sa magkabilang gilid ng
monumento. Gayun din ay umaabot sa mga gilid ang paradahan
sa paligid ng bantayog.
May siyam na watawat na nakahanay sa kanang bahagi
ng bantayog na nagpapakita ng iba’t ibang watawat sa
kasaysayan ng Pilipinas. Sa harap ng mga ito ay may
kasalukuyang watawat ng Pilipinas. Gaya ng nabanggit, may isa
pang watawat ng Pilipinas sa bandang likuran ng bantayog.
Larawan 36. Ang tanawin mula sa harapan ng bantayog sa Ermita kung saan makikita ang kahabaan ng Taft at ilang jeep na nagsasakay ng pasahero.
Larawan 37. Ang tanawin mula sa kaliwang bahagi ng likuran ng bantayog sa Ermita kung saan makikita ang ilan sa mga sasakyang nakaparada sa paligid nito.
43 | B A S C O
Ang Bantayog at Ang Publiko
Dahil sa napapalibutan ng iba’t ibang
institusyon gaya ng mga paaralan, munisipyo ng
lungsod, at isang mall, maraming tao ang dumaraan sa
paligid ng monumento. Gayun pa man, iilan lamang,
kung hindi wala, ang tumitigil upang tingnan ang
bantayog. Ito ay dahil na rin sa kadahilanang wala
namang lugar na maaaring upuan sa kapaligiran nito
maliban sa likuran kung saan ang kopya lamang ng
Kartilya ang nakikita. Mahalaga ring banggiting may
ilang tumatambay sa likuran ng bantayog, kung saan malaking bilang ay mga mag-aaral. Dito, sila ay
kumakain, naglalaro (gaya na lamang ng basketball), nagkukuwentuhan, o kaya naman ay tumatambay
lamang.
Ayon sa panayam (N.E. Naval, A.T. Amaro, &
“Amanda”, personal na komunikasyon, ika-5 ng Marso 2018),
sa pagsapit ng gabi ay ilang tao rin ang natutulog sa bantayog.
Kaugnay nito, ilang mga kabataan din, na tinawag ng mga
kinapanayam na “solvent boys”, ang dumudumi sa bantayog.
Nagsisilbi ring pook ng ilang okasyon ang
bantayog. Halimbawa na lamang ay dito ginaganap ang
ilang pagkilos gaya na lamang ng rally ng ilang mga
grupo sa ilalim ng Movement Against Tyranny (MAT)
noong Araw ng Karapatang Pantao (Human Rights Day)
Larawan 38. Ang tanawin mula sa kaliwang bahagi ng harapan ng bantayog sa Ermita kung saan matatanaw ang munisipyo ng Maynila.
Larawan 40. Ang pagkilos na naganap sa bantayog sa Ermita noong ika-10 ng Disyembre 2017. Roxas (2017b).
Larawan 39. Isang butas sa bantayog sa Ermita kung saan masisilip ang ilang dumi ng mga tinaguriang "solvent boys".
44 | M O N U ( m e a n t ) T O
noong ika-10 ng Disyembre 2017 (Roxas, 2017b). Taon-taon ring nagkakaroon ng pagdiriwang dito tuwing
ika-30 ng Nobyembre 2017 bilang pag-alala sa kaarawan ng bayani. Nililinis at inaayos ang monumento
ilang linggo bago ang nasabing pagdiriwang.
Ang Bantayog sa Kasalukuyan
Isa sa mga pinakamapapansin ay ang pagkawala ng
ilang bahagi ng monumento. Ilang pigura ang nawawalan ng
braso at binti. Ilang butas rin ang makikita sa iskultura dahil sa
nasabing pagkawala ng mga piraso ng metal. Sa likod ng
monumento, maraming titik na ang nawawala mula sa kopya ng
Kartilya ng Katipunan. Ayon sa panayam (N.E. Naval, A.T.
Amaro, & “Amanda”, personal na komunikasyon, ika-5 ng
Marso 2018), dahil gawa sa metal, kinukuha raw ito ng ibang
tao upang ibenta. Ilang tiles naman mula sa pedestal at maging
sa bantayog mismo ang sira na at nawawalan ng mga piraso. Ilan
sa mga ito ay tinapalan na ng semento. May ilang pininturahan
ng itim upang umayon sa kulay ng mga tiles.
May mga plant box sa likod at magkabilang gilid
sa bahagi ng pedestal na kinatatamnan ng iba’t ibang
klase ng halaman at puno. Gayunpaman, iba’t ibang uri
ng kalat ang nakita sa mga ito, maging sa iba’t ibang
bahagi ng bantayog. Sa likod ng monumento, ilang
karton, piraso ng kahoy, at plastik ang nakakalat. Sa
iskultura mismo ay may nakitang damit na nakasabit
Larawan 41. Isang bahagi ng bantayog sa Ermita na nawawalan ng piraso.
Larawan 42. Malapitang kuha sa kopya ng Kartilya sa bantayog sa Ermita kung saan makikita ang pagkawala ng mga piraso.
Larawan 43. Isang bahagi ng plant box sa bantayog sa Ermita na kakikitaan ng iba't ibang uri ng kalat at dumi.
45 | B A S C O
mula sa loob. Ilang tuyong dahon, plastik, at iba’t ibang klase ng basura gaya ng takip ng bote at karton ang
nakita mula sa mga butas ng monumento.
Iba’t ibang uri rin ng dumi ang
nakita sa iba’t ibang bahagi ng bantayog.
Ilang vandalism ang nakita sa
monumento, sa pedestal nito, at sa
sementong kinalalagyan ng watawat sa
likod ng bantayog. Sa pedestal ay may
ilang mantsa na naiwan ng kung ano man
ang natapon doon. May dilaw rin na
pinturang nakakalat sa memorare ng
bantayog. Gaya ng nasabi, sa loob ng mga butas ng iskultura ay may natanaw
na mga dumi na ayon nga sa panayam (N.E. Naval, A.T. Amaro, &
“Amanda”, personal na komunikasyon, ika-5 ng Marso 2018) ay dumi ng
tao, partikular iyong mga binansagan nilang “solvent boys”.
Ilang hayop din ang nakitang tumatambay sa monumento, partikular
ang dalawang pusang nakita habang nag-oobserba.
Larawan 46. Isang halimbawa ng vandalism sa bantayog sa Ermita.
Larawan 44. Isang halimbawa ng graffiti sa kinatitirikan ng pinakaprominenteng watawat sa bantayog sa Ermita.
Larawan 45. Ang natapon na pintura sa memorare ng bantayog sa Ermita.
46 | M O N U ( m e a n t ) T O
D. Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan (K.K.K. Monument) sa San Nicolas, Maynila
Matatagpuan sa puntong
pinagtatagpuan ng abenida ng Claro M.
Recto at kalsada ng Elcano (Sangay sa
Plano, Programa at Polisiya, 2018) ay
isang bantayog na ayon na rin sa mismong
titulo nito ay pinapaksa ang pagtatatag ng
Katipunan. Tinutukoy ng marker na
inilagay ng NHCP noong 2008 (National
Registry of Historic Sites & Structures in
the Philippines, n.d.) bilang pook kung
saan itinatag ang Katipunan, sa #72 Azacarraga, Tondo, Maynila noong ika-7 ng Hulyo 1892.
Ang Bantayog
Diretso ang tindig ni Bonifacio at may katamtamang espasyo sa pagitan
ng dalawa niyang mga binti. Ang espasyo ay halos kasing lapad ng kaniyang
mga balikat. Nakaakbay siya sa isa sa kaniyang mga kasama gamit ang kaniyang
kanang kamay. Nakataas-kamao naman ang kaniyang kaliwang kamay.
Sa depiksyong ito, bahagyang nakakunot ang noo ni Bonifacio habang
nakatingin sa malayo. Nakabuka ang kaniyang mga bibig na tila ba sumisigaw.
Ang kaniyang buhok ay nakaparte at malaking bahagi ay nakahawi pakanan.
Larawan 47. Ang bantayog sa San Nicolas, Maynila.
Larawan 48. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa bantayog sa San Nicolas.
47 | B A S C O
Simple ang suot na pantaas ni Bonifacio na may mahabang
mga manggas. Mediyo maluwag ito at nakatupi ang mga manggas nito
hanggang sa may itaas ng kaniyang siko. Dagdag pa rito, may
nakapalibot na panyo sa kaniyang leeg na nakatali sa harapan. Sa
baywang niya ay nakapalibot ang isang sinturon kung saan nakadikit
ang lalagyan ng kaniyang mga sandata kung saan nakasuksok ang
mga ito – ang baril sa kanan at bolo sa kaliwa. Simple rin ang pambaba
ni Bonifacio na tila ba nakatupi hanggang sa kaniyang mga sapatos.
Lima
pang pigura ang
nakatayo kasama ni Bonifacio. Maaaring ipalagay na
ang mga ito ay sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa,
Valentin Diaz, Jose Dizon, at Deodato Arellano na
silang mga naroon nang itatag ang Katipunan sa #72
kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila (NHCP, n.d.) Iyong
isa ay nakatayo sa pinakakanan at nakaliko ang kanang
braso at para bang hinahawakan sa kaniyang kanang kamay. Sunod ay isang pigura na katabi ni Bonifacio
na may malinis na pagkakaayos ng buhok at pantaas na may pataas na kuwelyo. Katabi naman ni Bonifacio
sa kaniyang kaliwa ang isang lalaking mediyo malapad ang noo at nakahawi ang buhok pakanan. Nakasuot
siya ng amerikana. Hawak-hawak ng kaniyang kaliwang kamay ang kaniyang kanang kamay na nakatiklop.
Katabi naman nito ay isang lalaking nakasuot ng nakabutones na pantaas at bilugang sumbrero habang
magkahawak ang kaniyang dalawang kamay malapit sa kaniyang dibdib na para pang nananalangin. Huli
ay isang lalaking may simpleng pantaas na nakatupi ang mga manggas hanggang sa may itaas ng kaniyang
siko. Hawak ng kaniyang kanang kamay ang kaniyang bolo na hinuhugot niya mula sa lalagyan nito na
hawak naman ng kaniyang kaliwang kamay.
Larawan 49. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa bantayog sa San Nicolas.
Larawan 50. Si Bonifacio at limang pigurang kasama sa bantayog sa San Nicolas.
48 | M O N U ( m e a n t ) T O
Sa taas ng mga pigura ay makikita ang isang
malaking parihaba na inukit na parang telang
nakaladlad. Nakapatong dito ang tatlong letrang “K” at
sa ibaba ng mga ito, isang papel na nakarolyo sa
parehong itaas at ibabang bahagi. Nakasulat dito ang
Kartilya ng Katipunan bagama’t hanggang ikatlo
lamang ang nakasaad. Sa ibabang kalahati nito ay may
nakaukit na dalawang piraso ng papel, tinta at pluma, at isang bungo. Sa palibot naman ay makikita ang
iba’t ibang depiksyong may kaugnayan sa Katipunan.
Sa sahig na bahagi ng bantayog ay makikita ang
ilang mga simbolo, watawat, at mahahalagang taong
bahagi ng pagkilos tungo sa kalayaan. Napapalibutan
ang bantayog ng bakod na may “KKK” sa pintuan nito
at sa magkabilang gilid.
May dalawang plaka sa magkabilang gilid ng
bantayog kung saan
isa na ang
palatandaan ng NHCP na nasa kanan.
Mahalagang banggitin na gumamit ng malalim na kulay pula sa
tatlong letrang “K” pati na rin ng kopya ng Kartilya ng Katipunan. Pula
rin ang kulay ng mga “KKK” na makikita sa bakod.
Larawan 51. Ang iba't ibang depiksyon sa itaas ng bahagi ng bantayog sa San Nicolas.
Larawan 52. Ang sahig na bahagi ng bantayog sa San Nicolas.
Larawan 53. Isang bahagi ng bakod ng bantayog sa San Nicolas kung saan makikita ang "KKK" na pininturahan ng pula.
49 | B A S C O
Ang Pampublikong Espasyo
Katapat ng bantayog ang kahabaan ng abenida
ng Recto. Sa gitna, ilang tricycle ang nakitang nakapila
sa may bakod. Tanaw rin mula rito ang gusali ng Burke
House-7 sa kabilang kalsada. Nasa kanan ng
monumento ang El Cano kung saan ilang sasakyan ang
dumadaan. May ilan ding nagtitinda ng pagkain sa gilid
na ito. Sa kaliwa naman ay ilang nakaparadang
sasakyan. May mga nagtitinda rin dito. Halos
nakasandal ang monumento sa gusali sa likuran nito.
Larawan 54. Ang mga tricycle sa kahabaan ng Recto sa harapan ng bantayog sa San Nicolas.
Larawan 55. Ang kanang gilid ng bantayog sa San Nicolas.
Larawan 56. Ang kaliwang gilid ng bantayog sa San Nicolas.
50 | M O N U ( m e a n t ) T O
Ang Bantayog at Ang Publiko
Kapansin-pansin na ginagawang tambayan at intayan ang
monumento. Sa obserbasyong isinagawa, ilang tao ang tumambay sa
tapat ng monumento. May ilan pa ngang may dalang sariling mga
upuan. Ang karamihan naman ay sumasandal lamang sa bakod ng
monumento. May ilang ginagawang sabitan ng kanilang iba’t ibang
mga dalahin ang bakod ng bantayog. May ilan namang ginawang
taguan, kung hindi tapunan, ang
bantayog dahil sa nakitang parilya,
ilang piraso ng kahoy, at folding bed
sa kanang gilid ng iskultura.
Sa kabuuan, wala masyadong tumitingin sa monumento.
Mahalagang banggitin na may ilang nagtaka at tumingin sa monumento
habang nag-oobserba ang mananaliksik at kaniyang kasama.
Ang Bantayog sa Kasalukuyan
Bagama’t maayos pa naman sa kabuuan ang
monumento, may ilang mga piraso na ang nawawala.
Halimbawa na lamang ay may ilang mga salitang nawawala
mula sa kopya ng Kartilya. May espasyo sa kaliwang bahagi ng
monumento kung saan may anim na butas na tinapalan. Sa
ginawang pananaliksik, natuklasang dito dating nakalagay ang
plaka ng lungsod ng Maynila.
Nang isagawa ang obserbasyon ay nakitang basa ang maliit na sahig ng bantayog mula tila ba ihi.
Noong nag-obserba, may nakitang ilang sakong nakatambak sa kaliwang bahagi ng bantayog. May nakita
Larawan 58. Ilang kalat sa bantayog sa San Nicolas.
Larawan 57. Ang ilang mga tumatambay sa paligid ng bantayog sa San Nicolas.
Larawan 59. Ang kopya ng Kartilya sa bantayog sa San Nicolas na nawawalan ng ilang piraso.
51 | B A S C O
ring dalawang pandakot at isang walis. Isa sa mga pandakot, iyong
kasama ng walis sa harapang bahagi ng bakuran ng bantayog, ang may
lamang mga basura.
E. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Makati Park and Garden sa West Rembo, Makati
Ang monumento ay nilikha noong
1997 upang gunitain ang ika-100
anibersaryo ng pagkamatay ni Andres
Bonifacio, Ama ng Rebolusyong
Pilipino (Sembrano, 2017). Ang
monumento ay matatagpuan sa West
Rembo, Makati, sa loob ng Makati
Park and Garden. Ang bantayog ay
likha ng anak ng Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal na si Abdulmari Asia Imao, si Juan Sajid
Imao (Sembrano, 2017). Mayroon itong palatandaan mula sa National Historical Institute na ngayon ay
Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas o National Historical Commission of the Philippines
(Sembrano, 2017).
Larawan 60. Ilang mga sako at pandakot at walis sa bantayog sa San Nicolas.
Larawan 61. Ang bantayog ni Bonifacio nang nasa orihinal na kinatayuan pa nito sa Makati. Montasco (n.d.).
52 | M O N U ( m e a n t ) T O
Ang Bantayog
Diretso ang tindig ni Bonifacio habang bahagyang nakahakbang paharap ang ka
niyang kanang paa. Nakataas ang kaniyang kanang kamay habang hawak-hawak ang
kaniyang bolo. Bahagya ring nakatingin sa kanang direksyon ang bayani. Mahigpit
namang nakatikom ang kaliwang kamay ni Bonifacio na nasa kaniyang gilid.
Kalmado ang ekspresyon ng mukha ni Bonifacio bagama’t bahagyang
nakakunot ang kaniyang mga noo. Nakatikom ang kaniyang mga labi.
Simple ang suot na pantaas ni Bonifacio. Masasabing
bahagyang bakat ang kaniyang katawan dito. Nakatupi kaniyang ang mga
manggas hanggang sa may itaas ng kaniyang siko. May suot siyang sinturon na
nakapalibot sa mediyo ibaba ng kaniyang baywang. Dito, nakadikit ng lalagyan
ng kaniyang baril kung saan ito nakasuksok sa kanang bahagi. Sa kaliwa naman
ay ang lalagyan ng kaniyang bolo. Simple rin ang suot na pambaba ni Bonifacio
na nakatupi hanggang sa may ibaba ng kaniyang tuhod. May suot siyang tila mga
bota sa kaniyang mga paa.
Ang Pampublikong Espasyo
Dati ay nakatayo ang bantayog sa loob ng Makati Park and Garden. Nakaharap
ito noon sa kahabaan ng Jose P. Rizal Ext. at nakatalikod sa Ilog ng Pasig.
Malapit
ang pook sa ilang institusyon gaya na
lamang ng munisipyo at unibersidad
ng lungsod.
Larawan 62. Nakatutok na pokus sa mukha ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Makati. Sembrano (2017).
Larawan 63. Bersyon na mas nakatutok sa pigura ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Makati. Montasco (n.d.)
Larawan 64. Kuha sa Makati Park and Garden mula sa kahabaan ng Jose P. Rizal Ext.
Larawan 65. Ang Ilog Pasig kung tatanawin mula sa Makati Park and Garden.
53 | B A S C O
Ang Bantayog at ang Publiko
Noong naroon pa raw ang bantayog, ayon sa panayam (personal na komunikasyon, ika-8 ng Marso
2018), ay pinagdarausan ng iba’t ibang pagdiriwang ang bantayog. Ilan sa mga nabanggit na halimbawa
ng mga okasyon ay kasal, binyagan, Christmas Party, at Family Day. Bukas raw ang bantayog, at ang
liwasan sa kabuuan, sa publiko. Kailangan lamang ng pagpapaalam sa lokal na pamahalaan.
Ipinagdiriwang din ang ika-12 ng Hunyo at ika-30 ng Nobyembre sa pook. Nagkakabit sila ng mga
watawat at ilang mga bulaklak sa paligid ng bantayog tuwing sasapit ang mga okasyong ito.
Ang Bantayog sa Kasalukuyan
Bago pa ipagdiwang ang kaarawan ni Bonifacio ay inalis na sa
kinalalagyan nito ang bantayog ng bayani. Ayon kay Sembrano (2017),
natagpuan ng Inquirer ang monumento na nakatali sa isang tagdan ng
bandila (flag pole) nang puntahan nila ang konstruksyon. Dagdag pa niya,
ang palatandaang pangkasaysayan ay nakatambak kasama ng mga kalat sa
isang gazebo ng liwasan. Ayon sa puno ng NHCP na si Rene Escalante,
hindi raw nakipag-ugnayan ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at
Lansangan o Department of Public Works and Highways (DPWH) sa
kanilang tanggapan
patungkol rito, maging
sabihan sila tungkol sa demolisyon (Sembrano, 2017).
Nakipag-ugnayan naman si Carminda Arevalo, deputy
director ng parehong tanggapan sa alkalde ng Makati na
si Abby Binay noong ika-2 ng Nobyembre sa
pamamagitan ng isang liham kung saan humiling siya
ng pakikiisa mula sa lokal na pamahalaan tungkol sa
Larawan 66. Ang iskultura habang nakatali sa isang flag pole. Sembrano (2017).
Larawan 67. Ang mga metal na bakod na nakapalibot sa dating kinalulugaran ng bantayog ni Bonifacio sa Makati Park and Garden.
54 | M O N U ( m e a n t ) T O
proyekto ng DPWH, at inabisuhan ang alkalde na huwag magsagawa ng kahit anong pagbabago sa lugar
hanggang sa sumang-ayon sila sa plano (Sembrano, 2017). Gayunpaman, natanggal na ang bantayog noong
panahong iyon (Sembrano, 2017). Sinabi ng executive assistant ng lokal na pamahalaan ng Makati na si
Marge Calupitan sa Inquirer na hindi pa pormal na tumutugon ang lokal na pamahalaan sa NHCP sa
kadahilanang tinitingnan pa nila ang materya (Sembrano, 2017). Dagdag pa rito, nakipag-ugnayan rin ang
NHCP sa DPWH ngunit wala pa silang natatanggap na tugon nang panahong naisulat ang artikulo
(Sembrano, 2017).
Nang isagawa ang obserbasyon, walang nakita
ang mananaliksik at kaniyang kasama maliban sa mga
bakod na gawa sa metal. Sa labas ng liwasan, sa tapat
ng pook kung saan noong matatagpuan ang bantayog ni
Bonifacio ay makikita ang detalye patungkol sa
proyektong sininasagawa ng DPWH. Ayon dito, may
dalawang yugto ang proyekto. Una ay ang 4-lane na
tulay na tatawid sa Ilog ng Pasig at ikokonekta ang
abenida ng Lawton sa lungsod ng Makati sa kalye ng
Sta. Monica sa lungsod ng Pasig. Sa ikalawang yugto naman, pagdudugtungin ang abenida ng Lawton sa
pasukan ng Bonifacio Global City sa lungsod ng Makati. Inaasahang tumagal nang 960 CD ang proyekto,
mula ika-19 ng Oktubre hanggang Hunyo 2020.
Ayon sa isinagawang panayam (personal na panayam, ika-8 ng Marso 2018) kay G. Carlo T. Claro,
kasalukuyang nasa loob ng isang kahon ang monumento. Ang kahon ay gawa sa kahoy na plywood.
Nabanggit ding niyang naka-crate ito. Nakatago rin daw ang palatandaan ng monumento. Ayon pa nga sa
kaniya, “Ultimo ‘yung detail ng turnilyo nakatago”. Nang tanungin kung saan maaaring naroroon ang
monumento, sinabi niyang maaaring nasa isang malaking bodega ito sa Buendia.
Larawan 68. Kuha ng lugar na dating kinalalagyan ng bantayog sa Makati mula sa kahabaan ng Jose P. Rizal Ext. kung saan makikita ang ilang detalye patungkol sa proyektong isinasagawa ng DPWH.
55 | B A S C O
Noong naroroon pa ang monumento, ang tanggapan din nila ang naglilinis sa bantayog dahil sa
bahagi ito ng liwasan. Apat na beses sa isang taon kung linisan ang monumento. Ayon sa kaniya, “Basta
huwag lang siyang mangingitim nang husto”.
Nabanggit din ni G. Claro na noong una ay binalak munang tapusin ang proyekto ng DPWH bago
ibalik ang monumento. Gayunpaman, nakahanap na raw ng ibang puwesto ng lokal na pamahalaan ng
Makati kung saan maaring ilagay ang bantayog ni Bonifacio. Bagama’t hindi na ibabalik sa dati nitong
kinatayuan ay sa loob pa rin ng liwasan ilalagay ang monumento, at nakaharap sa kahabaan ng Jose P. Rizal
Ext. at Unibersidad ng Makati.
Nang kapanayamin naman ang tanggapan ng NHCP, walang problema sa paglilipat mismo ng
bantayog dahil sa ang palatandaan naman nila roon ay hindi para sa isang pook (W.P. Godoy, personal na
komunikasyon, ika-3 ng Abril 2018). Dinagdag ding ng kinapanayam na nakapag-usap na nang maayos
ang kanilang tanggapan at ang lokal na pamahalaan ng Makati.
Ang problema lamang sa kasong ito ay ang naging proseso dahil sa dapat na may pagpapaalam
muna bago tanggalin o ilipat ang kahit anong palatandaang inilapat nila. Gayundin, masasabing hindi
naging handa ang mga nagsasagawa ng konstruksyon dahil sa nararapat na inayos muna nila ang
paglalagyan ng monumento bago ito tanggalin.
56 | M O N U ( m e a n t ) T O
F. Bantayog ni Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila
Ayon sa plaka ng Tutuban Properties, Inc. na
nakalagay sa likod na bahagi ng pedestal ng
monumento, unang ipinakita sa madla ang parehong
bantayog at liwasan noong ika-7 ng Hulyo 1992 ng
noon ay Pangulo na si Fidel V. Ramos at pinasinayaan
naman ng noon ay Pangalawang Pangulo na si Joseph
Ejercito Estrada saktong isang taon ang nakalipas.
Ayon pa rito, kasabay ng pagpapasinayang ito ay ang
“ikasandaan at isang taong anibersaryo ng pagkakatatag
ng Katipunan, bilang paggunita sa dakilang bayani at sa
kilusang kaniyang itinatag”, pati na rin ang pook na
kaniyang sinilangan.
Ang Bantayog
Sa bantayog na ito, nakayuko si Bonifacio at bahagyang nakatagilid patungong harapan ang itaas
na bahagi ng kaniyang katawan habang ibinabaling ang kaniyang atensyon sa isang piraso ng papel. Hawak-
hawak ng kaliwa niya kamay ang papel na ito habang ang kanang kamay naman niya ay may hawak na
plumang nakalapit sa papel na tila ba may isusulat siya rito. Nakadiretso ang kaniyang kanang binti habang
bahagyang nakabaluktot naman ang kaniyang kanang binti at para bang sumasalo sa bigat ng kaniyang
katawan.
Larawan 69. Ang bantayog ni Bonifacio sa Tondo, Maynila.
57 | B A S C O
Sa bantayog na ito, makikita sa mukha ni Bonifacio na ibinubuhos ang kaniyang atensyon sa isang
papel. Bagama’t bahagyang nakakunot ang noo ay
kalmado ang bayani. Nakaparte ang buhok ng bayani at
nakahawi pakanan ang
malaking bahagi nito.
Si Bonifacio ay
may suot-suot na isang
simpleng pantaas na
bahagyang nakabukas sa
itaas. Nakatiklop ang mga manggas nito hanggang sa
may ibabaw ng kaniyang braso. Sa kaniyang baywang
ay nakapalibot ang isang sinturon kung saan din
nakakabit ang sa kapuwa lalagyan ng mga ito ang baril
sa kanan at bolo sa kaliwa. Simple rin ang suot niyang
pambaba na nakatupi nang kaunti sa dulo. Nakasuot ng sapatos si Bonifacio.
Sa kaliwa ni Bonifacio ay makikita ang watawat ng Katipunan na
nakatali sa isang poste na bahagyang lumilihis patungong harapan, gaya ni
Bonifacio.
Larawan 71. Malapitang kuha sa pigura ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Tondo.
Larawan 70. Malapitang kuha sa mukha ni Bonifacio sa kaniyang bantayog sa Tondo.
Larawan 72. Kuha sa bantayog sa Tondo sa ibang anggulo kung saan makikita ang watawat ng Katipunan sa kaliwa ni Bonifacio.
58 | M O N U ( m e a n t ) T O
Nakapatong ang iskultura sa ibabaw ng isang puting pedestal na may mga disenyong parang alon.
Sa harap na bahagi nito nakadikit ang palatandaan ng
National Historical Commission. May nakadikit pang
dalawang plaka na gumugunita sa bayani sa kanan at
likurang bahagi ng pedestal. Makikitang nakasentro ang
bantayog sa araw na ipininta sa ilalim nito gamit ang
matingkad na kulay ng dilaw. Sa likod ng araw na ito
ay isang puti at pulang bilog.
Ang Pampublikong Espasyo
Nakaharap ang bantayog sa mall ng lugar. Sa likuran nito ay may
ilang upuan at mga halaman. Matatanaw rin mula sa likod ang iba’t ibang
pang malls na malapit sa lugar. Nasa kanan ng bantayog ang bakuran ng
lugar at sa labas, ang kahabaan ng abenida ng
Recto. Dito rin makikita ang ilang mga pedikab
sa labas ng Tutuban Center. Sa kaliwang bahagi
naman ay ilang upuan ulit ang matatagpuan. Sa
gilid ding ito makikita ang gusali ng
pangunahing istasyon ng Manila Railroad
Company Ltd. Sa gitna nito at ng bantayog ay may isang maliit na daanan kung
saan dumaraan ang mga saksakyan.
Larawan 73. Ang pedestal at disenyong araw na kinalalagyan nito sa bantayog sa Tondo.
Larawan 74. Ang mall sa harapan ng bantayog sa Tondo.
Larawan 75. Ang bakod at kahabaan ng Recto sa kanan ng bantayog sa Tondo
Larawan 76. Ang dating pangunahing istasyon ng Manila Railroad Company Ltd.
59 | B A S C O
Ang Bantayog at Ang Publiko
Dahil sa nakabakod ang pook ay hindi agad mapapansin ang
bantayog mula sa labas. Kung makapasok naman ay
mapapansing payapa sa kabuuan ang kinalulugaran ng
bantayog. Gaya ng nabanggit, may ilang mga upuan sa paligid
nito kung saan ilang tao ang tumatambay at nagkikita. Malapit-
lapit ang mga
upuang ito sa
bantayog kaya naman mas madaling makalalapit sa monumento.
Gayunpaman, karamihan ng mga taong tumutungo sa pook ay
pumupunta sa pamilihan sa loob nito, partikular sa may likod ng
bantayog.
Ang Bantayog sa Kasalukuyan
Masasabing nasa maayos na kalagayan ang bantayog ni Bonifacio sa Tutuban Center. Wala, kung
hindi iilan, ang nakitang basura sa bantayog at sa paligid nito. May ilang mga upuan sa paligid ng
monumento kaya naman madali at maaliwalas na tumambay sa lugar.
Nababakuran ang parehong Tutuban Center at ang bantayog mismo. Gayunpaman, nakabukas ang
isang bahagi, partikular ang harap na bahagi, ang bakod ng mismong bantayog.
Larawan 77. Ilan sa mga upuang nakapalibot sa bantayog sa Tondo
Larawan 78. Ilan sa mga mamimili sa ilang pamilihan sa paligid ng bantayog sa Tondo.
60 | M O N U ( m e a n t ) T O
G. Pagbubuod
Bantayog Pisikal na Anyo Pampublikong
Espasyo
Bantayog at
Publiko
Bantayog sa
Kasalukuyan
Bantayog ni
Bonifacio sa
Rotonda,
Kalookan
▪ Tindig: diretso
ang tindig at may
puwang sa
pagitan ng mga
binti, hawak ang
bolo sa kanang
kamay at baril
naman sa kaliwa
▪ Pangangatawan:
matipuno
▪ Ekspresyon sa
Mukha:
nakakunot ang
noo, nakatanaw
sa malayo, at
nakatikom ang
bibig
▪ Buhok:
nakaparte ang
buhok at hinawi
pakanan ang mas
malaking parte
▪ Napapalibutan
ng mga
kalsada, mga
mall, at mga
billboard.
▪ May tila ba
entablado ng
isang birhen sa
kaliwa.
▪ Malayo sa
publiko
sapagkat
napapalibutan
ng bakod at
walang
madaling
daanan
patungo sa
bantayog
▪ Nagsisilbing
pook-palataan
o landmark
▪ Pook ng ilang
okasyon gaya
ng Araw ng
Kalayaan,
Araw ni
Bonifacio, at
pista.
▪ Nasa maayos
na kalagayan
at
pinangangala-
gaan ng
lungsod ng
Kalookan
61 | B A S C O
▪ Pantaas: Barong
Tagalog na may
burda, may
panyong
nakapalibot sa
leeg na itinali sa
harap
▪ Pambaba:
simple at nakatali
sa bandang itaas
ng paa
▪ Pampaa:
nakatapak
▪ Mga
Kagamitan: bolo
at baril
▪ Iba pang
Elemento: iba’t
ibang tao na may
papel na
ginampanan sa
rebolusyon,
paylon na may
limang parteng
sumasagisag sa
62 | M O N U ( m e a n t ) T O
limang aspeto ng
lipunan, araw na
may walong
sinag na
sumisimbolo sa
walong
probinsyang
lumaban sa mga
Kastila
Bantayog ni
Andres
Bonifacio sa
Lawton sa
Ermita,
Maynila
▪ Tindig: diretso
ang tindig at may
puwang sa
pagitan ng mga
binti, bahagyang
nakasara ang
kanang kamay at
hawak naman
ang kaniyang
bolo sa kaliwang
kamay
▪ Pangangatawan:
matipuno
▪ Ekspresyon sa
Mukha:
nakakunot ang
▪ Nakaharap sa
kalsadang
bahagi ng Taft
Avenue
▪ May mga
upuan sa
magkabilang
gilid
▪ Nasa likuran
ang isang
fountain at ang
gusali ng
Tanggapan ng
Koreo (Post
Office)
▪ May mga
nagtitinda sa
paligid
▪ May mga
tumatambay,
nag-iintay, o
dumaraan
lamang
▪ May mga
pamilyang
doon
namamalagi
▪ Minsan ay
nagiging pook
ng pagkilos
▪ May kulang-
kulang na tiles
ang pedestal
▪ May ilang
kalat, dumi, at
vandalism
63 | B A S C O
noo, nakatanaw
sa malayo, at
nakatikom ang
bibig
▪ Buhok:
nakaparte at
hinawi pakanan
ang mas
malaking parte
▪ Pantaas: Barong
Tagalog na may
burda, may
panyong
nakapalibot sa
leeg na itinali sa
harap
▪ Pambaba:
simple at
nakatupi sa
bandang itaas ng
paa
▪ Pampaa:
nakatapak
gaya ng mga
rally
64 | M O N U ( m e a n t ) T O
▪ Mga
Kagamitan: bolo
at baril
Pambansang
Bantayog ni
Andres
Bonifacio sa
may Mehan
Gardens sa
Ermita,
Maynila
▪ Tindig: Nasa
pasulong na
posisyon na kita
sa nakaabanteng
kanang binti,
hawak ang bolo
sa kanang kamay
habang nakaunat
ang braso,
nakaunat din ang
kaliwang kamay
na nakatikom
naman
▪ Pangangatawan:
matipuno
▪ Ekspresyon sa
Mukha:
Nakakunot ang
noo, nakatanaw
sa malayo, at
nakabuka ang
▪ Malapit sa
iba’t ibang
institusyon
gaya ng
munisipyo,
mga paaralan,
at mga mall
kaya’t
maraming
napapadaan
▪ Nakaharap sa
kahabaan ng
Taft Avenue
▪ Nagsisilbing
paradahan ang
likuran at
magkabilang
gilid
▪ Matatagpuan
ang iba’t ibang
likha ni
Eduardo
▪ Kahit na
marami ang
nakakakita,
iilan kung
hindi wala ang
tumitingin
▪ Tanging ang
likuran lamang
ang may lugar
na maaaring
upuan ng mga
taong
napaparoon
kaya’t hindi
matitingnan
ang
monumento
mismo
▪ Nagsisilbing
sakayan ng
mga tao ang
harapan
▪ Ilang bahagi
na ang
nawawala
mula sa
iskultura at
kopya ng
Kartilya
▪ Kulang-kulang
ang mga tiles
▪ May mga
kalat, dumi, at
vandalism at
graffiti
65 | B A S C O
bibig na tila ba
sumisigaw
▪ Buhok:
nakaparte at
hinawi pakanan
ang mas
malaking parte
▪ Pantaas: isang
simpleng baro na
may kaunting
bukas sa itaas at
nakatupi
hanggang sa
bandang itaas ng
braso
▪ Pambaba:
simple at
nakatupi
hanggang sa may
tuhod
▪ Pampaa:
nakatapak
▪ Kagamitan: bolo
▪ Iba pang
Elemento:
Castrillo (ang
may likha ng
monumento)
sa likuran
▪ May mga
tindero at
tindera ng
samu’t saring
paninda sa
paligid
▪ Ilang kabataan
na
binansagang
“solvent boys”
ang dumudumi
sa monumento
mismo
▪ May ibang
kumukuha ng
ilang bahagi
ng monumento
upang ibenta
▪ May ilang
taong doon na
natutulog
▪ Pook ng ilang
mga okasyon
ng kaarawan
ni Bonifacio
66 | M O N U ( m e a n t ) T O
depiksyon ng
iba’t ibang
pangyayari sa
buhay ni
Bonifacio, iba’t
ibang watawat ng
Katipunan at
Pilipinas, kopya
ng Kartilya
▪ Pook ng ilang
pagkilos gaya
ng rally
Pook Kung
Saan Itinatag
ang Katipunan
(K.K.K.
Monument) sa
San Nicolas,
Maynila
▪ Tindig: diretso
ang tindig at may
malaking puwang
sa pagitan ng
mga binti,
nakaakbay sa
katabi ang
kanang kamay at
nakataas kamao
naman ang
kaliwa
▪ Pangangatawan:
payat hanggang
matipuno
▪ Ekspresyon sa
Mukha:
▪ Nakaharap sa
kahabaan ng
Recto at pila
ng mga
tricycle
▪ May ilang
nakaparadang
sasakyan sa
kaliwa
▪ Napapalibutan
ng mga
pamilihan
▪ Halos
nakadikit sa
gusali sa
likuran nito
▪ Marami ang
tumatambay
▪ Nagiging
sandalan at
sabitan ang
bakod ng
monumento
▪ May ibang
nagdadala ng
upuan at
tumatambay sa
harapan
▪ Nakabakod
▪ Wala ang
plaka ng
lungsod ng
Maynila nang
isagawa ang
obserbasyon
▪ May ilang
bahagi ang
nawawala
gaya ng ilang
salita sa kopya
ng Kartilya
▪ May mga kalat
at dumi
67 | B A S C O
nakakunot ang
noo habang
nakatanaw sa
malayo at
sumisigaw
▪ Buhok:
nakaparte at
hinawi pakanan
ang mas
malaking parte
▪ Pantaas: simple,
may kaluwagan
at may mahabang
mga manggas na
nakatupi
hanggang sa
bandang itaas ng
kaniyang siko
▪ Pambaba:
simple at
nakatupi
hanggang sa
bandang itaas ng
kaniyang mga
paa
68 | M O N U ( m e a n t ) T O
▪ Pampaa:
simpleng sapatos
▪ Mga
Kagamitan: baril
at bolo
▪ Iba pang
Elemento: may
kasamang limang
kalalakihang
ipinalalagay na
siyang mga
kasama niya sa
pagtatatag ng
Katipunan,
depiksyon ng
iba’t ibang
pangyayaring
may kaugnayan
sa Katipunan,
kopya ng
Kartilya (1-3),
mga letrang
KKK, mga bagay
at taong may
69 | B A S C O
kinalaman sa
rebolusyon
Bantayog ni
Andres
Bonifacio sa
Makati Park
and Garden sa
West Rembo,
Makati.
▪ Tindig: diretso at
may kaunting
espasyo sa
pagitan ng mga
binti, nakataas
ang kanang
kamay kung saan
hawak-hawak
niya ang
kaniyang bolo
habang
nakatikom naman
ang kaliwang
kamay sa
kaniyang gilid
▪ Pangangatawan:
matipuno
▪ Ekspresyon sa
Mukha:
nakakunot ang
noo habang
nakatanaw sa
malayo at
▪ Noong naroon
pa, nakaharap
ito sa
kahabaan ng
Jose P. Rizal
Ext. at
nakatalikod sa
Ilog Pasig
▪ Malapit sa
ilang
institusyon
gaya ng
munisipyo at
unibersidad ng
lungsod
▪ Noong naroon
pa,
nagsisilbing
pook ng ilang
mga okasyon
gaya ng mga
binyagan,
kasal,
Christmas
Party, at
Family Day
▪ Ipinagdiriwan
g rin ang Araw
ng Kalayaan at
kaarawan ni
Bonifacio
▪ Naging isyu
ang pagtanggal
sa monumento
▪ Kasalukuyang
nasa loob ng
isang kahong
gawa sa kahoy
at marahil ay
nasa isang
bodega
70 | M O N U ( m e a n t ) T O
nakatikom ang
bibig
▪ Buhok:
nakaparte at
hinawi pakanan
ang mas
malaking parte
▪ Pantaas: simple,
mediyo sikip, at
nakatupi
hanggang sa
bandang itaas ng
kaniyang siko
▪ Pambaba:
simple at
nakatupi
hanggang sa may
ibaba ng tuhod
▪ Pampaa: tila
nakabota
▪ Mga
Kagamitan: baril
at bolo
Bantayog ni
Andres
▪ Tindig:
Nakaabante ang
▪ Nakaharap sa
isang mall at
▪ May mga
upuan sa
▪ Nakabakod
71 | B A S C O
Bonifacio sa
Tondo,
Maynila.
kanang paa
habang itinutuon
ang pansin sa
hawak na papel at
tila may
isinusulat
▪ Pangangatawan:
matipuno
▪ Ekspresyon sa
Mukha:
nakakunot ang
noo, nakatuon
ang tingin sa
hawak na papel,
at nakatikom ang
bibig
▪ Buhok:
nakaparte at
hinawi pakanan
ang mas
malaking parte
▪ Pantaas: simple
na bahagyang
bukas sa harap at
nakatupi
napapalibutan
ng ilan pang
mga pamilihan
▪ Nasa kanan
nito ang bakod
ng lugar at
kahabaan ng
Recto
▪ Nasa kaliwa
ang gusali ng
pangunahing
istasyon ng
Manila
Railroad
Company Ltd.
▪ May mga
upuan sa
paligid
paligid kung
saan
tumambay ang
ilang mga
napaparoon
ngunit
karamihan ay
mas
naglilibang sa
mga pamilihan
sa paligid
▪ Sa kabuuan ay
nasa maayos
na kalagayan
72 | M O N U ( m e a n t ) T O
hanggang sa may
itaas ng siko
▪ Pambaba:
simple at
nakatupi sa
bandang itaas ng
kaniyang mga
paa
▪ Pampaa:
simpleng sapatos
▪ Mga
Kagamitan: bolo
at baril, may
hawak na papel at
pluma
Tahanahayan 1. Pagbubuod sa mga nakalap na datos.
73 | B A S C O
KABANATA IV: Pagsusuri ng Datos
A. Si Bonifacio sa Kaniyang Mga Monumento
Tindig
Sa kabuuan, masasabing may dalawang uri ng tindig na makikita sa mga bantayog ni Bonifacio.
Una at nangingibabaw ay ang diretsong tindig na may kaunting puwang sa pagitan ng dalawang binti. Ito
ay makikita sa mga monumento sa Kalookan, Lawton, Tondo, at Makati.
Ang isa naman ay makikita sa dalawang monumento, iyong nasa Ermita at Tondo. Makikita sa
parehong monumento ang isang paabanteng tindig. Sa mga ito, bahagyang nakahilig paharap ang katawan
ni Bonifacio habang nakaabante ang kaniyang kaliwang binti.
Bagama’t may pagkakaiba, ang parehong posisyong nabanggit ay masasabing nagpapahiwatig ng
aksyon o kung hindi ay paghahanda patungo rito.
Pangangatawan
Sa anim na depiksyon, makikitang matipuno ang pangangatawan ni Bonifacio. Hindi siya makikita
bilang mataba, payat, o ‘di naman kaya ay maskulado. Katamtaman lamang ang laman sa kaniyang katawan
sa paraang ginagamit ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kumbaga, maaari itong iugnay sa
pagiging bahagi niya ng manggagawang uri kung saan gumagawa siya ng manu-manong gawain.
Ekspresyon ng Mukha
Nakakuno’t ang noo habang nakatinggin sa malayo – ito ang katangiang nangingibabaw sa mukha
ng lahat ng depiksyong saklaw ng pag-aaral. Bagama’t may iba’t ibang mga emosyong maaaring maiugnay
sa pagkakunot ng noo gaya na lamang ng pagkagalit at pagtataka, hindi na higit kung sasabihing mas
maiuugnay sa pagiging determinado ang nakita sa mga bantayog. Ito ay dahil na rin sa pagkamulat ng
kaniyang mata. Mahalagang banggitin ang konsepto ng pagiging “mulat” na maaring maiugnay sa pagiging
maalam (sa politika) (Arriola, 1993).
74 | M O N U ( m e a n t ) T O
Kaugnay nito, mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang tanaw ng mga mata sa mga monumento.
Karamihan sa mga monumento, lima sa pagtitiyak, ang nagpapakita kay Bonifacio na nakatuon ang tingin
sa malayo na para bang may tinatanaw. Maaaring sumisimbolo ito sa pagiging handa niya sa kung ano at/o
sino man ang kaniyang kahaharapin o ‘di naman kaya sa hinaharap na pinapangarap niya sa para sa bayan.
Mahalagang banggitin na tanging ang monumento lamang sa Tondo ang hindi nakatanaw sa
malayo. Sa depiksyong ito, makikita ang bayani na ibinubuhos ang kaniyang atensyon sa isang papel
habang hawak-hawak ang isang pluma. Bagama’t iba ang pinagtutuunan ng pansin, taglay pa rin ng
depiksyong ito ang determinasyon na makikita sa iba pang mga monumento.
Buhok
Sa lahat ng depiksyon, mapapansing iisa ang ayos ng buhok ni Bonifacio. Nakaparte ang kaniyang
buhok at iyong mas malaking parte ay hinawi pakanan. Hindi na ito nakakapagtaka dahil ito ang
pagkaraniwang ayos ng buhok ng mga kalalakihan noong mga panahong iyon.
Kasuotan
Dalawang uri ng pantaas ang nakita sa mga monumento. Una, ay iyong camisa na nakita sa apat na
monumento partikular iyong nasa Ermita, San Nicolas, Makati, at Tondo. Tatlo sa mga ito ay baro na
bahagyang bukas sa harapan. Mapapansin ding nakatupi ang mga manggas ng baro sa mga depiksyong ito.
Maaari itong maihahalintulad sa halimbawang ilustrasyong mula sa “The Barong Tagalog” kung saan
ipinakita ang isang nagtatrabahong “indio” (de la Torre, 1996) na nakabarong nakatupi sa bandang itaas
ng kaniyang mga siko. Mapapansin na ang mga ito ay maluwag at simple na maaring maiugnay sa
ordinaryong pamumuhay ni Bonifacio. Dahil sa siya ay bahagi ng mangagawang uri, simple lamang ang
kaniyang kasuotan hindi lamang dahil sa mas nakamumura ang mga ito kung hindi dahil na rin sa ito ang
naayon sa kaniyang hanapbuhay. Bukod sa maaliwalas dahil sa kaluwagan ay madali ring matutupi ang
mga manggas ng kaniyang suot na pantaas.
75 | B A S C O
Gayunpaman, dalawang depiksyon ang nagpapakita kay Bonifacio na nakasuot ng mas maluhong
bersyon ng baro na kinikilala bilang pinaka-awtentik na Barong Tagalog (de la Torre, 1996). Ito ay iyong
may disenyo sa dibdib na tinatawag na “pechera” na hango sa “pecho”, ang Espanyol na salita para sa
dibdib (de la Torre, 1996). Mahalagang banggitin na ayon kay de la Torre (1996), popular lamang ito sa
mga mas nakakaangat sa buhay. Kung gayon, bakit ito ang suot ni Bonifacio sa mga depiksyong nabanggit?
Isa sa maaaring dahilan kung bakit ito ang napiling kasuotan sa dalawang nabanggit na bantayog ay dahil
sa pagka-Pilipino nito lalo na at kilala ang Barong Tagalog bilang siyang pambansang kasuotan ng mga
kalalakihang Pilipino.
Bagama’t may pagkakaiba ang dalawang nabanggit na kasuotan, kapuwa ipinapakita ng mga
pantaas na ito ang pagka-Pilipino ni Bonifacio. Kahit na may bahagyang magkaiba ang ipinahihiwatig ng
dalawang kasuotan patungkol sa ilang mga bagay na tungkol ka Bonifacio, gaya na lamang ng kaniyang
katayuan sa buhay, hindi na higit kung sasabihing kapuwa makokonsidera na Pilipino ang mga kasuotang
ito.
Makikita na halos parepareho ang suot na pambaba ni Bonifacio. Lahat ay kapuwa simple at
maluwag. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa pagkakatupi. Tatlo sa mga ito ay nakatupi sa dulo lamang ng
binti, partikular iyong mga monumento sa Lawton, San Nicolas, at Tondo. Sa bantayog naman sa Kalookan
ay nakatali ito imbis na nakatupi ngunit nagtatapos sa parehong punto. Sa mga bantayog naman sa Ermita
at Makati ay makikitang nakatupi ang kaniyang pambaba hanggang sa bandang tuhod. Mahalagang
banggitin na sa dalawang depiksyong ito ay makikita ang aksyon ng pagtataas ng bolo, na maaring tingnan
bilang simbolong kahandaang sumulong at lumaban.
Kalahati sa bilang ng mga depiksyon, partikular iyong nasa Kalookan, Lawton, at Ermita, ay
makikitang nakatapak si Bonifacio. Maaari itong maiugnay sa katayuan niya sa buhay at sa paglalarawan
sa kaniya sa ganitong paraan, ipinapakita na siya ay isang bayani na mula sa inaapi at kumikilos para sa
mga inaapi ng lipunan.
76 | M O N U ( m e a n t ) T O
Sa kabilang dako, makikita naman sa kabilang kalahati na may suot-suot siyang pampaa. Sa mga
bantayog sa San Nicolas at Tondo, makikita siyang nakasuot ng simpleng pares ng sapatos. Tila bota naman
ang suot niya sa bantayog sa Makati sa hindi pa malamang dahilan.
Mga Kagamitan
Pinakamapapansin sa mga iskulturang patungkol kay Bonifacio ay ang kaniyang mga sandata. Sa
lahat ng iskulturang saklaw ng pananaliksik ay mayroon siyang dala-dalang panlaban. Lima sa mga
monumento ang kakikitaan ng kapuwa baril at bolo. Lahat ng ito ay may katumbas na mga lalagyan rin na
nakadikit sa sinturon sa may baywang ng bayani. Bagama’t iba’t iba ang istilo ng paghawak, o hindi
paghawak sa ibang kaso, mapapansin iisa lamang ng posisyong ng lalagyan ng mga ito. Laging nasa kanan
ang baril at sa kaliwa naman ang bolo. Ang tanging naiiba ay ang bantayog sa Ermita kung saan walang
nakitang lalagyan ng baril o kahit bolo. Gayunpaman, mahalagang banggitin na may hawak-hawak siyang
bolo sa kanang kamay. Mahalaga ring bigyang-pansin na bagama’t pluma at papel ang hawak ng bayani sa
kaniyang bantayog sa Tondo, makikita pa rin ang kaniyang baril at bolo na kapuwa nakasuksok sa mga
lalagyan nito sa kanyang sinturon.
Sa kabuuan, ipinahihiwatig ng mga sandatang ito ang armadong pamamaraan ng pakikipaglaban ni
Bonifacio. Mahalaga ring banggitin na gaya ng unang nasabi, ang lalagyan ng bolo ay palaging nasa kaliwa
at sa gayon ay huhugitin, at sa ibang depiksyon, ay nahugot na ng kanang kamay. Maaring sabihin na
ipinakikita nito na sa kaniyang dalawang armas na ginagamit, mas nangunguna pa rin ang bolo.
Iba pang mga elemento
Ilan pa sa mga namamayaning elemento sa mga bantayog na ito ay iyong may kaugnayan sa
Katipunan. Una, ang watawat ng Katipunan sa iba’t iba nitong ebolusyon na makikita sa mga bantayog sa
Kalookan, Ermita, at Tondo. Sunod ay ang Kartilya ng Katipunan na makikita lamang sa dalawang
bantayog – sa likuran ng bantayog sa Ermita at sa bantayog sa San Nicolas.
77 | B A S C O
Mahalaga ring banggitin na kalahati sa mga bantayog ay makikitang may kasama si Bonifacio,
partikular iyong nasa Kalookan, Ermita (sa mga depiksyon sa ibaba), at San Nicolas. Ipinahihiwatig ng mga
ito na bilang isang bayani, maaaring tingnan si Bonifacio bilang isang tao na bahagi ng isang mas malaking
kalipunan ng mga taong kumikilos. Gayunpaman, kalhati rin ay makikita namang nag-iisa si Bonifacio,
partikular iyong mga bantayog sa Lawton, Makati, at Tondo.
Pagbubuod: Si Bonifacio sa Kaniyang mga Monumento
Sa kabuuan, si Bonifacio ay ipinapakita na isang matipunong lalaki na may diretso o paabanteng
tindig. Nakaparte ang kaniyang buhok at nakahawi pakanan ang mas malaking parte. Nakakunot ang
kaniyang mga noo habang itinutuon ang kaniyang tingin sa malayo o sa isang bagay. Simple ang kaniyang
kasuotan na bagama’t may kaunting pagkaiba, lahat ay masasabing kasuotang Pilipino at mas maiuugnay
sa ordinaryong pamumuhay ng masa. Siya ay bahagi ng isang kalipunan ngunit kaya ring tumindig mag-
isa.
B. Ang Bayani sa Kaniyang mga Monumento
Ang Bayani Bilang Rebolusyunaryo
Hindi na mailalayo sa pagkabayani ni Bonifacio ang armadong paglaban. Gaya ng nasabi, makikita
sa lahat ng mga bantayog ni Bonifacio ang kaniyang mga sandata. Laging makikitang si Bonifacio na
armado ng kaniyang bolo at baril (maliban sa kaso ng bantayog sa Mehan kung saan tanging bolo lamang
ang nakita).
Makikita sa mga bantayog ni Bonifacio ang kahandaan ng isang bayani, sa iba’t iba nitong anyo.
Sa kaniyang mga bantayog sa Kalookan, Lawton, Makati, at San Nicolas, si Andres Bonifacio ay nakatindig
nang diretso habang may puwang sa gitna ng kaniyang mga paa. Masasabing mas kampante ang posisyong
78 | M O N U ( m e a n t ) T O
ito kung ikukumpara sa isang tindig na tuwid na tuwid at magkadikit ang dalawang paa. Maaaring sabihin
na ang tindig na ito ay nagpapakita ng kaniyang kahandaan sa pamamaraang siya ay kalmado at kontrolado
ang kaniyang mga emosyon. Bagaman bakas sa kaniyang nakakunot na noo ang tension, binabalanse ito ng
kaniyang kalmadong tindig.
Makikita ang naman ang kahandaan sa paabanteng tindig ng mga depiksyon sa mga bantayog sa
Ermita at Tondo. Gaya nga ng nabanggit, parehong nakaabante ang kaliwang paa ng dalawang monumento.
Kapansin-pansin sa bantayog sa Ermita ang posisyon ng pangunahing pigura ni Bonifacio ang
pahiwatig ng pagsulong. Nakikita ito sa kaniyang paabanteng tindig at tanaw na nakatuon sa pook na
ninanais niyang marating.
Ang Bayani Bilang Bahagi ng Masa
Sa kaniyang bantayog sa Kalookan, si Bonifacio ay makikita bilang simula at puno ng isang
pagsulong. Maaaring sabihin na siya ay nangunguna sa parehong literal at simbolikong paraan. Makikita
sa depiksyong ito na si Bonifacio ang pinakamataas na punto ng grupo ng mga pigura. Kung titingnan ang
magkabilang gilid ng monumento, maaaring gumuhit ng isang tatsulok na ang isang gilid ay paakyat na
linya patungo kay Bonifacio. Bagaman bahagyang mas mataas naman ang ilang pigura sa likuran, mas
mataas pa rin ang puntong abot ng pigura ni Bonifacio. Kung titingnan naman mula sa harapan ay may
mabubuong hugis tatsulok kung saan si Bonifacio ang nasa tuktok. Mahalagang banggitin na sa larangan
ng simbolismo, naiuugnay ang hugis ng tatsulok sa katayuan at kahalagahan ng isang tao, bagay, konsepto,
at iba pa. Maaari itong maiugnay sa mahalagang papel na kaniyang ginampanan sa rebolusyon – ang
pagtatatag ng isang lupong makabayang kilala sa tawag na Katipunan.
Mapapansin sa mga monumento na si Bonifacio ay kasama sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Kadalasan, mapapansing ang kaniyang mga kasuotan, partikular ang mga manggas ng kaniyang pantaas at
kaniyang pambaba, ay nakatupi. Gayundin, simple ang mga ito at wala masyadong palamuti. Ang tanging
naiiba ay ang mga pantaas niya sa mga monumento sa Kalookan at Lawton kung saan nakikita siyang
79 | B A S C O
nakasuot ng Barong Tagalog. Gayunpaman, maaaring sabihin na bagama’t iba’t ibang uri ng baro, ang mga
ito ay parehong Pilipino.
Mahalaga ring banggitin na kalahati sa mga monumento ay ipinakikita si Bonifacio na nakatapak.
Maaaring masabi na ipinakikita nito na siya ay bahagi ng manggagawang uri at maging ang kahandaan
niyang ilapat ang kaniyang mga paa sa lupa.
Sa kasalukuyan, masasabi pa rin na sa pamamagitan ng kaniyang mga monumento ay kasama ng
bayani ang mga nasa laylayan ng lipunan. Halimbawa na lamang ay iyong mga pamilya makikitang
namamalagi sa mga ito at sa paligid ng mga ito.
Ang Bayani Bilang Politikal na Instrumento
Sa kaniyang kakayahan na mag-organisa, maging bahagi, at maging puno ng isang rebolusyon,
masasabing politikal ang bayani. Bukod pa rito, makikita rin ang paggalaw ng politika hanggang sa mga
bantayog ng bayani. Ayon sa isang panayam, ikinokonsidera ni G. Godoy (personal na komunikasyon, ika-
3 ng Abril 2018) na may mga pansariling motibo ang mga politiko sa pagtatayo ng mga monumento.
Karamihan sa mga monumentong saklaw ng pananaliksik ay itinayo noong 1990s kung kailan
ipinagdiwang ang ilan sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan gaya na lamang ng ika-101 taon ng
pagtatag ng Katipunan (sa kaso ng monumento sa Tondo), ika-100 taon ng Pilipinas, ika-100 taon ng
kabayanihan ni Bonifacio, at iba pa, hindi maiiwasang isipin na ginawa lamang ang mga bantayog upang
masabi na mayroon silang mga proyekto bilang pakikiisa sa mga okasyong nabanggit. Higit pa itong
maikokonsidera lalo na at may mga monumento na napapabayaan ilang taon lamang matapos silang
maitayo gaya na lamang ng nasabi ni G. Godoy (personal na komunikasyon, ika-3 ng Abril 2018). Hindi
na higit kung sasabihin na karamihan sa mga monumento ay napapabayaan o napabayaan sa ilang
pagkakataon (sa kaso ng bantayog sa Kalookan) ng mga lokal na pamahalaang may hawak sa mga ito, na
kadalasan ay sila ring nagpatayo ng mga ito. Maaaring sabihin na kung talagang pagkilala kay Bonifacio at
80 | M O N U ( m e a n t ) T O
sa kaniyang kabayanihan ang layon ng pagtatayo sa mga monumentong ito, ang pangangalaga sa mga ito
ay magiging prayoridad. Gayunpaman, hindi ito ang nangyayari.
C. Ang Monumento ng Bayani sa Pampublikong Espasyo
Ang monumento bilang pook ng mga pagdiriwang
Dahil sa karaniwang nakatayo sa mga liwasan, kadalasang nagagamit ang mga bantayog bilang
pook ng iba’t ibang uri ng pagdiriwang. Sa mga ito idinaraos ang iba’t ibang okasyon mula sa kaniyang
kaarawan hanggang sa mga pista (sa kaso ng monumento sa Kalookan) maging sa binyagan, kasal, Family
Day, at Christmas Day (sa kaso ng monumento sa Makati ng nakatayo pa ito). Gayunpaman, ang
monumento ay maaari ring maging entablado ng mga kasalukuyang panlipunang kalagayan.
Ang monumento bilang entabladong sumasalamin sa mga kasalukuyang isyung panlipunan
Sa monumento at sa kapaligiran nito, naobserbahan ang pagtambay ng ilang tao, paglalaro ng ilang
mga bata, at pagtulog ng ilang pamilya. Sa unang tingin, maaring ipagsawalang-bahala lamang ito ng
karamihan sa mga nakakikita lalo na at hindi ito isang bagong tanawin sa lugar gaya ng Punong Rehiyon.
Sa kasalukuyan, hindi na nakagugulat na makakita ng mga pamilyang walang tirahan sa siyudad.
Gayunpaman, kung pag-iisipang mabuti at ayon na rin sa isang panayam kay G. Godoy ng NHCP (personal
na komunikasyon, ika-3 ng Abril 2018), maaaring ikonsidera na itong mga taong natutulog sa mga
monumento ay walang pagpipilian. Karamihan sa mga ito ay mga taong pumunta sa lungsod upang
maghanapbuhay at makaahon sa kahirapan lalo pa’t ang mga oportunidad ay nasa rehiyong ito. Ang iba
naman ay walang mahanap na trabaho dahil sa hindi sila mga nakapagtapos. Marahil ay may iba pang mga
rason kaya’t wala silang mga tirahan ngunit hindi na higit kung sasabihin na walang sinuman ang may
kagustuhang matulog sa daan. Ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan, ay napipilitang maghanap
ng lugar na palalagian sa pagpatak ng kadiliman ng gabi. Kabilang ang mga liwasan (na kadalasan ay may
mga monumento) at maging mga monumentong may espasyo sa mga lugar na napipili nilang tulugan.
81 | B A S C O
Maaaring dahil sa malinaw na dahilan na ang mga ito ay maluwag, may mga upuang maaari nilang higaan,
at may mga ilaw. Dagdag pa rito, sa kaso ng bantayog sa Ermita, ilang mga kabataan na tinawag ng mga
kinapanayam na “solvent boys” (N.E. Naval, A.T. Amaro, & “Amanda”, personal na komunikasyon, ika-5
ng Marso 2018) ang dumudumi sa monumento mismo.
Sa kasong ito, ayon muli sa panayam kay G. Godoy (personal na komunikasyon, ika-3 ng Abril
2018), maaari silang tingnan bilang mga tagapamulat sa mga nakikita sa kanila sa mga kasalukuyang
kondisyong panlipunan. Dagdag pa niya, ipinapakita ng mga ito na may problema at kakulangan sa pabahay
at trabaho para sa mga mamamayan. Mula dito, maaaring mapagtanto na sinadya man ng mga taong ito na
makita sila o hindi, ang mga bantayog at ang espasyong kinalalagyan ng mga ito ay nagiging entablado ng
kasalukuyang kalagayang panlipunan lalo na noong mga nasa laylayan. Sa ilang paraan, masasabi na ang
mga bantayog at ang mga taong gumagamit at namamalagi rito, ay kapuwa mga bahagi ng lipunan ngunit
hindi nabibigyan ng kaukulang pansin. At, kung pagtutuunan man ng pansin ay kadalasang may pansariling
motibo sa likod ng mga aksyong ito.
Sa katunayan, ang pagtatayo mismo ng mga monumento sa kabuuan ay maaring tingnan bilang
isang politikal na instrumento. Kaugnay dito, isa ito sa mga bagay na natalakay sa panayam kay G. Godoy
(personal na panayam, ika-3 ng Abril 2018) kung saan itinanong niya na maaaring nagpapatayo lamang ng
mga monumento ang mga politiko upang masabing may nagawa silang proyekto o ‘di kaya naman ay
maipagtayo ng monumento ang mga taong may kaugnayan sa kanila. Idinagdag din niya ang maaaring
hindi pangangalaga sa mga monumento (sa kabuuan) ng halimbawa ay bagong administrasyon dahil sa
tinitingnan nila ang mga monumentong ito bilang walang kaugnayan sa kanila. Sa pamamaraang ito,
maaaring makita ang monumento bilang pook ng politikal na tunggalian kung saan nagagamit ang mga ito
bilang instrumento ng pagpapahayag at pagpapalaganap ng mga politikal na ideya. Maaari rin itong tingnan
bilang ebidensya sa kakulangan ng edukasyon ng mga Pilipino patungkol sa pambansang pagkakakilanlan
at pamanang kultural.
82 | M O N U ( m e a n t ) T O
Karamihan sa mga bantayog na saklaw ng pananaliksik, apat bilang pagtitiyak, ang kakikitaan ng
pagsasawalang-bahala mula sa publiko. Iba’t ibang uri ng paninira, pagguhit at pagsusulat, pagdumi, at
pagkakalat ang makikita sa mga ito. Ang mga bantayog ay itinatayo upang kilalanin ang mga taong may
malaking papel na ginampanan sa bayan at gunitain ang kanilang kabayanihang ipinamalas. Gayunpaman,
kung tataratuhin ang mga ito sa ganitong pamamaraan, hindi ba kabaligtaran ang naibibigay nito sa mga
bayaning Pilipino? At mas mahalagang tanong, bakit ganito ang nangyayari?
Hindi na higit kung sasabihing dahil ito sa kakulangan ng edukasyon sa pamanang kultural at sa
gayon ay kawalan ng pambansang pagkakakilanlan. Ang usapin ng pagbubuo ng iisang pagkakakilanlan
ay mahirap sa isang bansang gaya ng Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang pangkat na may iba’t ibang
paniniwala. Ito ay lalo pang pinahihirap ng kawalan ng naaayong pagtuturo tungkol dito. Kadalasan, ang
pagtuturo ng kasaysayan at kultura sa mga kabataan ay nagiging kaso ng pagsasaulado imbis na pag-intindi
at pag-unawa sa iba’t ibang pangyayari na humubog sa Pilipinas tungo sa kasalukuyan nitong kalagayan.
Sa kaso ni Andres Bonifacio, mas napagtutuunan ng pansin ang kaniyang buong pangalan, mahahalagang
pangyayari at petsa ng mga ito sa kaniyang buhay, at iba pang bagay na maaaring kabisaduhin. Ang mga
bagay ring ito mismo ay madaling makalimutan sa paglipas ng panahon dahil ang mga ito ay mga salita na
walang pinag-uugatan. Ang mga ito ay hindi katulad ng mga aral at pagpapahalaga na maaring mapulot sa
kaniyang naging buhay gaya na lamang ng kaniyang katapangan, lakas ng loob, at pagsasakripisyong
kaniyang inalay para sa kasarinlan ng bayan. Dahil sa kakulangang ito, walang pag-uugatan ang paggalang
sa mga bantayog o kahit anong kumikilala sa kabayanihan ng mga bayaning Pilipino.
Bukod pa rito, masasalamin din ng isyu ng pagtanggal sa bantayog ni Bonifacio sa Makati ang
pagsasawalang-bahala ng bayang ito sa mga pamanang kultural. Kung iisiping mabuti, dapat na ituring
bilang mahalagang bahagi ng mga plano tungo sa pag-unlad ang pamanang kultural at sining. Ito ay sa
kadahilanang ang mga ito ay may kakayahang hubugin ang ideya ng pagkakakilanlan ng mga mamamayan.
Ngunit, kung titingnan ang mga hinahahantungan ng iba’t ibang pamanang kultural, gaya na lamang ng
83 | B A S C O
mga monumento at makasaysayang gusali, malalamang kadalasan ay ginigiba ang mga ito imbis na
pangalagaan.
Ang monumento bilang isang entablado at pook-tungalian ng mga ideya
Sa kasalukuyan, ilan sa mga monumento ni Bonifacio ang ginagamit bilang pook ng pagkilos,
partikular bilang lugar kung saan nagaganap ang ilang mga rally. Ilang halimbawa na lamang ay ang mga
pagkilos na naganap noong nakaraang taon noong ika-30 ng Nobyembre laban sa ipinanunukalang
rebolusyunaryong pamahalaan sa Liwasang Bonifacio (Roxas, 2017a) at noong Araw ng Karapatang Pantao
(Human Rights Day) noong ika-10 ng Disyembre 2017 sa bantayog sa may Mehan Gardens (Roxas, 2017b).
Sa kasong ito, ang mga bantayog at ang espasyong kanilang kinalalagyan ay pinagtatanghalan ng mga ideya
ng mga mamamayang kalahok sa mga pagkilos. Bukod pa rito, mahalagang banggitin na ang mga
ipinaglalaban ng mga pagkilos na ito ay malapit sa kung ano ang ipinaglaban ni Bonifacio, gaya na lamang
ng kalayaan.
Dagdag pa rito, ilang uri rin ng vandalism at graffiti ang makikita sa ilang mga monumento gaya
na lamang ng bantayog sa Lawton at Ermita. Bagama’t iba’t iba at kung minsan ay magkakalayo ang mga
mensahe at ideyang ipinararating at sinasalamin ng mga ito, pagpapatunay pa rin ang mga ito na ang mga
monumento ay nagiging midyum ng pagpapahayag para sa iba.
84 | M O N U ( m e a n t ) T O
KABANATA V: Konklusyon
Sa pinakamababaw na lebel, ipinepresenta si Bonifacio bilang isang matipunong lalaki na diretso
ang tindig. Nakaparte ang kaniyang buhok at hinawi ang mas malaking parte pakanan. Laging nakakunot
ang kaniyang noo habang itinutuon kaniyang tingin sa malayo o sa isang bagay. Maaaring nakatikom ang
kaniyang mga labi o ‘di kaya naman ay nakabuka na nagpapahiwatig ng pagsigaw. May suot-suot siyang
baro na maaring iyong simpleng bersyon o kaya naman ay iyong tinaguriang Barong Tagalog. Madalas
siyang makikita na may suot na panyo sa kaniyang leeg na nakatali sa harapan. Simple at maluwag ang suot
niyang pambaba na nakatupi sa ibabaw ng kaniyang paa o kaya ay sa may bandang tuhod. Makikita siyang
nakatapak o hindi kaya naman ay nakasuot ng simpleng sapatos o sa isang kaso, nakabota. Lagi niyang
dala-dala ang kaniyang mga armas na baril at bolo. Sa isang pagkakataon ay bolo lamang ang naobserbahan.
Kadalasan ding makikita sa kaniyang mga bantayog ang mga tao at bagay na may kinalaman sa rebolusyon
at Katipunan.
Mula sa mga pisikal na paglalarawang nabanggit, masasabing nakikita sa mga monumento ni
Bonifacio ang isang pagpepresenta sa isang bayaning Pilipinong rebolusyunaryo. Mula sa kaniyang suot-
suot na baro hanggang sa kaniyang bolo, maoobserbahan ang mga elementong Pilipino. Bukod pa rito,
mahihinuha sa kaniyang mga armas ang armado niyang pamamaraan ng pakikipaglaban. Makikita rin ang
pagpepresenta sa kaniya bilang isang bahagi ng manggagawang uri sa kaniyang pangangatawan, maluwag
na kasuotang nakadalasan ay nakatupi, at pagiging tapak sa ilang pagkakataon. Mahalaga ring banggitin na
sa kalahati ng pagkakataon, si Bonifacio ay makikitang may kasama na nagpapahiwatig na siya ay bahagi
ng isang mas malaking kalipunan at kumikilos nang hindi nag-iisa. Gayunpaman, makikita rin ang
kakayahan niyang tumindig mag-isa.
Ang bayani, sa kaniyang kakayahang mag-organisa, mamuno, at maging bahagi ng isang pagkilos,
ay politikal. Bukod pa rito, masasabing ang bayani, sa pamamagitan ng kaniyang mga bantayog, ay
nagagamit din bilang isang politikal na instrumento. Sa kaso ng mga rally, kung sa papaanong pinili nila
85 | B A S C O
ang monumento ni Bonifacio upang ipaglaban ang kalayaang ipinaglaban ng bayaning ito. Sa kaso naman
ng ilang mga politiko, ang bayani ay nagiging isang politikal na instrumento sa pagpapatayo nila ng mga
bantayog maging ano man ang kanilang intensyon sa pagpapatayong ito – personal man o bilang pagkilala
sa kabayanihan ni Bonifacio.
Ang bayani at kaniyang pagkabayani, gaya ng kaniyang mga monumento, ay isang konstruksyon
ng mga pirapirasong bahagi. Binubuo ng publiko ang imahen ng bayani sa kung ano ang nalalaman nila
patungkol sa kaniya. Gayundin, naaapektuhan ito sa pagpepresenta sa kaniya sa kanila, mula sa kung ano
ang nakasaad sa nakasulat na kasaysayan hanggang sa mga mga depiksyon sa kaniya sa pampublikong
sining gaya ng mga monumento.
Sa kasalukuyan, iba’t ibang uri ng okasyon ang ipinagdiriwang sa mga bantayog ng bayani. Iba’t
ibang pagdiriwang ang nagaganap sa mga bantayog ni Bonifacio mula sa Araw ng Kalayaan at kaarawan
ni Bonifacio. Gayunpaman, ang mga bantayog na ito ay nagsisilbi rin bilang isang entablado sa ibang
paraan.
Una, ang bantayog ay nagiging isang entablado kung saan naitatanghal ang iba’t ibang isyung
panlipunan sa kasalukuyan. Sinasadya man o hindi, makikita sa mga nagaganap na pagbabago sa mga
monumento ang iba’t ibang problema sa lipunang Pilipino. Halimbawa na lamang ay ang maaaring
kakulangan sa epektibong pabahay. Maaari rin namang dahil ito sa kakulangan sa mga trabaho sa mga lugar
sa labas ng Metro Manila kaya’t napipilitan silang makipagsisikan sa rehiyon. Sa kabuuan, masasabing ang
mga bagay na nakikita sa mga bantayog ay hindi ang mga problema mismo kundi bahagi at manipestasyon
lamang ng mas malaking isyung panlipunan. Sa kasong ito, ang problema ay ang kakulangan ng epektibong
pagpaplano ng mga lungsod sa bansa.
Dagdag pa rito, makikita sa iba’t ibang pagsasawalang-bahala gaya ng mga pagkakalat at
pagdurumi at maging pagtatanggal mismo ng monumento (sa kaso ng bantayog na nasa Makati) ang
kakulangan sa edukasyon at pagpapahalaga patungkol sa sining at pamanang kultural ng mga Pilipino.
86 | M O N U ( m e a n t ) T O
Mapagtatanto na ito ay nakaugat sa kawalan ng kaalaman, at sa gayon ay pagpapahalaga, sa mga
pampublikong sining at pamanang kultural. Ang suliraning ito, gaya ng nauna, ay makikitang bahagi ng
mas malaki pang suliraning panlipunan na sa kasong ito ay kakulangan sa edukasyong nakaugat sa kultura
at pambansang pagkakakilanlan.
Maaari ring mahinuha sa kakulangan ng naaayong pagpapahalaga sa mga monumento ang isyu ng
paggamit sa mga ito bilang politikal na instrumento. Kumbaga, kung talagang pagkilala kay Bonifacio at
sa kaniyang kabayanihan ang pokus ng pagtatayo ng mga monumento, nararapat lamang na ang magsikap
ang mga lokal na pamahalaang nagpatayo sa mga ito hindi lamang sa simula ngunit maging sa paglipas ng
panahon.
Nagiging pook ng pagkilos gaya na lamang ng mga rally ang mga bantayog ni Bonifacio. Sa pamamaraang
ito, ang bantayog ay nagsisilbi bilang pook na siyang pinagtatanghalan ng mga ideyang ipinaglalaban ng
mga grupong nagsasagawa ng pagkilos. Nakikita rin ang mga bantayog bilang isang midyum ng
pagpapahayag na naoobserbahan sa mga vandalism at graffiti sa mga monumento at sa paligid ng mga ito.
87 | B A S C O
KABANATA VI: Rekomendasyon
Higit pang pananaliksik sa iba pang monumento sa Pilipinas
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, natuklasang wala masyadong pag-aaral patungkol sa mga
monumento, lalung lalo na iyong mga nasa Pilipinas. Sa pamamagitan ng higit pang pag-aaral sa mga
bantayog, mas magkakaroon ng mas malalim na pag-intindi patungkol sa mga ito at iba pang uri ng
pamanang kultural. Makikita rin sa mga ito kung paanong gumagalaw ang mga monumento sa kasalukuyan
at ang ano ang uri ng relasyon sa pagitan ng mga ito at ng publiko.
Mas maayos na sistemang edukasyon sa sining at pamanang kultural
Natuklasan sa pag-aaral na iba’t ibang anyo ng pagsasawalang-bahala ang nararanasan ng publiko.
Gayunpaman, ipinagpapalagay na ang mga ito ay dulot ng kakulangan ng edukasyon patungkol sa sining
at pamanang kultural ng bansa. Kaya naman, iminumungkahi ang sistemang pang-edukasyon na mas
kinokonsidera ang mga ito tungo sa mas malalim na pag-intindi at sa gayon ay pagpapahalaga sa mga ito.
Sa kasalukuyan, mapapansing mas binibigyan ng pagpapahalaga ang mga asignaturang patungkol
sa agham, matematika, at maging Ingles. Kakaunti lamang iyong nakatuon tungkol sa sining at kultura at
kadalasan pa ay elektibo lamang at hindi pangunahing mga asignatura ang mga ito (gaya na lamang ng
MAPEH o Music, Art, Physical Education, and Health). Mahalagang magkaroon ng isang asignaturang
mas magpapalalim sa pag-intindi ng kabataan sa kanilang pambansang pagkakakilanlan. Gayundin, mas
mahalagang bigyang-pansin ang mga museo, monumento, at iba pang pamanang kultural sa mga
educational field trips. Nararapat na ipaliwanag sa kanila nang maayos ang kahalagahan ng sining, kultura,
at kasaysayan na lagpas sa mga detalyeng nakakabisa.
Holistikong Pagpaplano ng Lungsod (Urban Planning)
Napansin na isa rin sa mga dahilan kung bakit wala masyadong komunikasyon sa pagitan ng
publiko at mga bantayog ay ang kakulangan sa holistikong pagpaplano ng mga pook-urban. Sa
88 | M O N U ( m e a n t ) T O
kasalukuyan, mas pinagtutuunan ng pansin ang mga komersyal na establisyimento at kung paano sila
ipagsisiksikan sa sikip nang mga lungsod. Hindi masyadong binibigyang-pansin ang paglalagay ng mga
monumento, liwasan, at pampublikong sining sa mga lungsod.
Matinding iminumungkahi na bigyang-pokus ang pagsasama ng sining at kultura sa urbanong
pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Inirerekomenda na mas maging bukas sa publiko ang mga
monumento sa pamamagitan ng madaling daanan papunta sa mga ito, sa pamamagitan ng pagtatanggal ng
mga bakod na upang mas magkaroon ng koneksyon sa pagitan ng mga ito at ng publiko. Mahalaga ring
ikonsidera ang paglikha nang mas kalmado at nakahihikayat na espasyo sa mga bantayog upang mas
mahimok ang publiko na tumungo o tumambay man lang sa mga ito. Bukod pa rito, ang kalmadong
kapaligiran ay makatutulong upang mas mabigyang-pansin nila ang mga bantayog.
Mahalaga ring banggitin na dapat mas bigyang-pansin ang mas maayos na pabahay at trabaho. Ito
ay upang maiwasan ang pamamalagi ng iba (na may iba pang naidudulot gaya ng pagdurumi) sa mga
monumento na dulot ng pagsisiksikan sa mga lungsod.
89 | B A S C O
SANGGUNIAN
Arumpac, A. G. (2008). Andres Bonifacio and the Katipunan: A Legacy of Revolt and Freedom. Foreign
Service Institute, Department of Foreign Affairs. Bantayog: Discovering Manila through its