Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 1 Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE) Sa unang markahan, naipamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Tinuklas mo rin ang iyong mga talento, kakayahan at kahinaan, at hilig. Naunawaan mong ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga ito ay gabay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata. Sana ay nagawa mo ang inaasahang pagganap sa bawat aralin sa unang markahan upang umunlad ka sa paggawa ng iyong mga tungkulin at magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Sa modyul na ito, inaasahang: a. masasagot mo ang tanong na: Paano nagiging bukod-tangi ang tao? b. matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b: a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya, paaralan o pamayanan b. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat sitwasyon c. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay ang sumusunod: Isip - Tungo ba sa katotohanan? Kilos-loob – Tungo sa kabutihan?
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 1
Edukasyon sa Pagpapahalaga I
Ikalawang Markahan
Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB
TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE)
Sa unang markahan, naipamalas mo ang iyong pag-unawa
sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata. Tinuklas mo rin ang iyong mga talento, kakayahan at kahinaan, at
hilig. Naunawaan mong ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng pagtuklas ng
mga ito ay gabay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga o
nagbibinata. Sana ay nagawa mo ang inaasahang pagganap sa bawat aralin sa
unang markahan upang umunlad ka sa paggawa ng iyong mga tungkulin at
magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.
Sa modyul na ito, inaasahang:
a. masasagot mo ang tanong na: Paano nagiging bukod-tangi ang tao?
b. matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa ng
pasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b:
a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya, paaralan
o pamayanan
b. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat sitwasyon
c. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay ang
sumusunod:
Isip - Tungo ba sa katotohanan?
Kilos-loob – Tungo sa kabutihan?
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 2
Ang pagsagot mo sa tanong na ”Paano nagiging bukod-tangi ang tao? ”
ay makatutulong sa pagbuo mo ng Kakailanganing Pag-unawa sa modyul na ito.
Kaya mahalagang gawin mo nang nang may determinasyon ang mga gawain sa
modyul na ito.
Ngayon, sagutin mo ang Paunang Pagtataya upang matuklasan mo ang
mga konsepto sa araling ito na tama ang pagkaunawa mo at ang mga
konseptong mali ang iyong pagkaunawa.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat sa
kuwaderno ang salitang Tama kung ito ay nagpapahayag ng tamang konsepto.
Isulat ang salitang Mali kung ito ay nagpapahayag ng maling konsepto.
1. _____ Ang isip ay ginagamit sa pag-unawa.
2. _____ Walang kakayahan ang taong tuklasin ang totoo.
3. _____ Likas sa tao ang inklinasyon na gumawa ng mabuti.
4. _____ Ang kilos-loob ay ginagamit sa pagkilos at paggawa.
5. _____ Walang epekto sa ating pagkatao ang pagsisinungaling.
6. _____ Ang tao ay may kakayahan na piliin ang mabuti sa masama.
7. _____ Nababawasan ang pagkatao ng tao kung gumagawa siya ng
masama.
8. _____ Imposibleng gumawa ng mabuti kung ang mga nasa paligid mo ay
masama.
9. _____ Natutuklasan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
kaalaman.
10. _____ Walang pananagutan ang taong nasa sapat na pag-iisip kung
gumawa siya ng masama.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 3
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Maayos mo bang nasagot ang Paunang Pagtataya? Kung gayon, binabati
kita! Kung hindi naman, huwag mabahala dahil ang mga susunod na gawain ay
susubok ng mga karanasan at kaalamang iyong natutuhan na. Gawin mo ang
mga sumusunod na gawain.
Gawain 1
1. Masdan mo ang mga larawan sa ibaba.
2. Sagutin sa iyong kwaderno ang mga tanong sa ibaba ng mga larawan.
Mga Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng tatlong nilikha na nasa mga larawan?
Nasa talahanayan sa ibaba ang isang halimbawa. Pag-aralan ang
sitwasyong inilahad at ang pagtatayang ginawa sa pasya o kilos ng tauhan.
Sitwasyon Ang Naging Pasya at
Kilos ng Tauhan sa Sitwasyon
Pagtataya ng Pasya o Kilos ng Tauhan sa Sitwasyon
Isip – Ginamit ba tungo ba sa katotohanan?
Kilos-loob – Ginamit ba tungo sa kabutihan?
Tinanghali si Ainil ng
gising isang umaga.
Natukso siyang huwag
nang pumasok dahil
may programa sa
kanilang paaralan
tungkol sa Linggo ng
Wika at kalahating
araw lang ang
kanilang klase.
Pumasok pa rin si Ainil sa
paaralan dahil tungkulin
niya bilang mag-aaral
ang regular na pagpasok
sa paaralan anuman ang
itinakdang gawain sa
bawat araw.
Oo. Nilikha ang tao
upang matamo ang
kaganapan bilang
tao tungo sa
paglilingkod sa
kapwa at pakiisa sa
Diyos. Ang
pagtupad ng
tungkulin ng
pagpasok sa
paaralan nang
regular ay paraan
upang makamit ang
mga ito. Kaya,
ginamit ni Ainil ang
kanyang isip tungo
sa katotohanan.
Oo. Ipinakita ni Ainil
ang pagpupunyagi
bilang mag-aaral.
Tungkulin niya bilang
mag-aaral ang pag-
aaral at ang regular na
pagpasok sa paaralan
anuman ang
itinakdang gawain sa
bawat araw. Ito ay
kanyang
pananagutan. Kaya,
ginamit ni Ainil ang
kanyang kilos-loob
tungo sa kabutihan.
Ngayon, ikaw naman. Gunitain at ilarawan ang dalawang sitwasyong kinaharap mo sa
nakaraang linggo – una sa pamilya o tahanan at ikalawa sa paaralan o pamayanan o
kapitbahayan (halimbawa, sa computer shop o internet cafe). Kung mahirapan ka sa
pagtataya (sa ikatlong kolum), humingi ka ng tulong sa iyong guro magulang.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 15
Sitwasyon Ang Naging Pasya at Kilos Ko sa Sitwasyon
Pagtataya ng Pasya o Kilos Ko sa Sitwasyon
Isip - Ginamit ko ba tungo ba sa katotohanan?
Kilos-loob – Ginamit ko ba tungo sa kabutihan?
1. Sa pamilya
2. Sa paaralan o
pamayanan
Kumusta? Nahirapan ka ba sa gawain? Malapit ka ng matapos, kaya
huwag bibitiw. Gawin ang pagninilay sa ibaba.
Pagninilay
Sa iyong journal, magsulat ng isang pagninilay. Gabay mo ang mga
sumusunod na tanong:
1. Anu- ano ang mga natuklasan ko sa paraan ko ng paggamit ng isip at kilos-
loob sa mga pang-araw-araw na sitwasyon ng buhay?
2. Paano ako magpapakatatag upang:
a. gamitin ang aking isip para sa katotohanan lamang?
b gamitin ang aking kilos-loob para sa kabutihan lamang?
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 16
Pagsasabuhay
Sinabi ni Lao-Tzu, isang Pilosopong Tsino ang pahayag na: ”The journey
of a thousand miles begins with the first step.” Anu-ano ang mga unang hakbang
na dapat mong gawin upang magamit mo ang iyong isip at kilos-loob nang tama?
Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1. Balikan mo ang iyong mga tungkulin sa bawat gampanin mo sa Modyul 4. Alin
dito ang hindi mo nagagampanan nang maayos o kulang sa determinasyon?
Tunghayan muli ang talahanayan na nasa Modyul 4.
Gampanin Tungkulin
1. Sa sarili
2. Bilang anak Halimbawa:
a. Pag-aaral nang mabuti upang makatapos b. Paggastos o pagiging masinop sa pera c. Pagpapanatiling malinis at maayos ang sariling silid d. Pagsunod sa mga utos ng magulang
3. Bilang kapatid
4. Bilang mag-aaral
5. Bilang mamamayan
6. Bilang
mananampalataya
7. Bilang konsyumer ng
midya
8. Sa kalikasan
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 17
Halimbawa, balikan mo ang isang tungkulin mo bilang anak na nasa
talahanayan sa itaas - Pag-aaral nang mabuti upang makatapos. Anu-ano ang
mga sagabal upang maisagawa mo ito? Anu-ano ang mga gawi mong dapat
mong baguhin upang makapag-aral ka nang mabuti. (Halimbawa, kung may ire-
research ka sa internet kaugnay ng takdang aralin ninyo sa Edukasyon sa
Pagpapahalaga, naalala mong buksan sandali ang Facebook upang kamustahin
ang isang kaibigan. Kaya nagugol mo ang oras para rito imbes na sa pag-aaral.)
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba. Gabay mo ang unang halimbawa.
Isulat sa kwaderno ang tatlong sariling gawi na balakid sa pag-aaral mo nang
mabuti. Punan ang tsart.
Mga tungkulin bilang anak
Mga sariling gawi na balakid sa pag-aaral nang mabuti
Ano ang dapat kong isipin upang maituwid ang maling gawi
Ano ang aking gagawin upang maituwid ang maling gawi at malampasan ang kahinaan
Ano ang sasabihin ko sa harap ng salamin tuwing mapagtatagum-payan ko ang kahinaang ito
a. Pag-aaral nang mabuti upang makatapos
Naalala kong buksan sandali ang Facebook upang kamustahin ang isang kaibigan imbes na mag-research tungkol sa takdang- aralin. Kaya nagugol ko ang oras para rito imbes na sa pag-aaral.
”Kailangan kong maging mabuting tagapangalaga (steward) ng mga biyayang ipinagkaloob sa akin ng Diyos –tulad ng oras o panahon. Mas mahalaga sa akin ang pag-aaral kaysa pakikipagkaibigan sa panahong itinakda para sa pag-aaral. Kaya uunahin kong gawin ang aking takdang-aralin.”
Magdarasal muna ako pagkagising sa umaga upang humingi ng basbas at gabay ng Diyos sa lahat ng aking gagawin sa araw na iyon – lalo na ang paglampas sa aking mga kahinaan. Gagawa ako ng maayos na iskedyul o listahan ng mga dapat kong gawin sa maghapon at sisikapin kong sundin ang iskedyul na ito. Kaya, uunahin ko ang research sa internet para sa takdang-aralin
”Mabait ka talaga! Congratulations!”
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 18
kaysa buksan ang Facebook.
b.
c.
d.
Masaya ka ba sa pinuno mong tsart? Mabuti kong ganoon. Binabati kita?
Tandaan na ang pagpuno ng tsart ay unang hakbang lamang. Ang hinihingi ng
Pagsasabuhay ay konsistent o palagiang pagsasagawa ng mga kilos at pag-
iisip ng mga pahayag at pangangatwiran na inilista mo. Kung may
determinasyon ka sa pagsasagawa ng mga mabuting gawi, tunay na magagamit
mo ang iyong isip at kilos loob nang ayon sa tunguhin ng mga ito: ang isip para
lamang sa katotohanan at ang kilos-loob para lamang sa kabutihan.
Maligayang bati sa iyong tagumpay na matapos ang Modyul 5! Ngayon
ay maiuugnay mo ang lahat ng iyong natutuhan sa Modyul 6.
Mga Sanggunian:
Brenan, Robert Edward (1948). The Image of His Maker. Milwaukee: The Bruce
Publishing Company.
Esteban, Esther J. (1990). Education in Values: What, Why and for Whom.
Manila: Sinag-tala Publishers Inc.
Institute for Development Education Center for Research and Communication
(1992). Perspective: Current Issues in Values Education 4. Manila: Sinag-tala
Publishers Inc.
Intellect, Will, and Feelings in the Process of Fulfillment (n.d.) Retrieved June 3,
2009 from http://www.cormacburke.or.ke/node/113
The Philosophy of Man: A Brief introduction to Rational Psychology adapted
from various sources and edited by Jonathan Dolhenty, Ph.D. (n.d.) Retrieved
June 1, 2009 from http://radicalacademy.com/jdpsychology8.htm
4 Ang Puso (n.d.) Retrieved November 11, 2009 from