Top Banner
MODYUL 1 Heograpiya ng Asya, Rehiyon sa Asya At Katangian, Klima
28

Modyul 1

Nov 14, 2014

Download

Documents

asd
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Modyul 1

MODYUL 1

Heograpiya ng Asya,Rehiyon sa Asya At Katangian, Klima

Page 2: Modyul 1

Modyul 1 Heograpiya ng Asya

Sa pag-aaral ng kasaysayan, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ngheograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano.Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego – ang

geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng

ibabaw o balat nglupa. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa iba’t ibang agham pisikal,bayolohikal, at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ngbawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook. Sa pag-unawa sa simula ang mga yamang-lupa ay nakapagbigay sa historyador ng mgakabatiran kung paano ginagamit ang mga ito

Page 3: Modyul 1

Ang Katangiang Pisikal

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Tinatawag na kontinenteang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa globo. Iba’t ibang kaanyuang pisikalang matatagpuan sa Asya kagaya ng kinaroroonan, sukat at hugis, mga anyong lupa atanyong tubig.Ang Europa, ayon sa iba ang hindi maituturing na isang kontinente dahil isalamang itong tangway na nakadikit sa Asya. Kung masusing pag-aaralan ang mgamapa ng mundo, mapapansing ang Europa ay karugtong pa rin ng Asya at ayon sa iba,maaari lamang itong ituring na isang kotinente kung ang Europa ay idurugtong sa Asyaat tatawaging Eurasya.

Page 4: Modyul 1

MGA REHIYON SA ASYA

Malawak ang lupang sakop ng Asya at malayo ito sa kanilang kinalalagyanglugar kung kaya lumikha ng mga katawagan ang mga kanluranin bilangpagkilala sa ilang bahagi ng kontinente. Dahil sa laki ng Asya, lubhang malaki angpagkakaibaiba ng heograpiyang pisikal.May limang rehiyon ang Asya na tinatakdaan ng mataas na hanay ng bundok:Hilagang Asya, Silangang asya, Timog Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog-Silangang Asya. Nagkakaiba-iba ang bawat rehiyon sa katangian at klima.

Page 5: Modyul 1

Rehiyon sa Asya

At Katangian

Page 6: Modyul 1

Hilagang Asya Sinasakop ng Hilagang Asya ang rehiyon na nasapagitan ng bundok Ural

sa dakong kanluran hanggangsa Karagatang Pasipiko. Ang malawak na rehiyong itoay tinatawag ding Siberia, isang bahagi ng malakingbansa ng dating Unyon Sobyet. Walang anumangpunongkahoy na maaaring tumubo rito bunga ngnapakahaba at napakalamig na panahon ng taglamig atnapakaikling tag-araw. Ang pag-init ng panahon aytumataas lamang ng 50°F (10°C). Sa maikling panahonng tag-araw, nananatiling may yelo ang buongkapaligiran. Ang kalagayang ito ay tinatawag na

 permafrost  .Mayroon ding makikitang malalawak na damuhan natinatawag na steppe sa pinakatimog na bahagi ngrehiyon. Ilang hanay ng bundok ang

hangganan ngHilagang Asya sa dakong timog nito – ang Tien Shan,Sayan, at Yablonovy. Nasa dakong timog din angLawang Baikal, ang lawang may pinakamalalim na tubigsa buong daigdig. Tatlong malalaking ilog angdumadaloy patungong Karagatang Arctic – ang Ilog Ob,Yenisey at Lena, ang Ilog Amur. Ang ilog naman ayumaagos pasilangan patungong Karagatang Pasipiko.

Page 7: Modyul 1

Silangang Asya

Sakop ng Silangang Asya ang rehiyon na nasapagitan ng mataas na kapuluan ng Gitnang Asya at angKaragatang Pasipiko. Matataba ang mga kapatagan,malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundoksa rehiyong ito. Dalawang malaking ilog ang nasarehiyon: ang Yangtze-Kiang at ang Huang Ho. Nasagawing kanlurang baybayin ng Asya ang mga tangwayng Kamehatka at ang mga pulo ng Hapon at Taiwankabilang ang Hilagang Korea, Timog Korea, Tsina atHong Kong sa rehiyong ito.Dito rin matatagpuan ang Mongolia, ang Sikiang atTibet na sakop ng Tsina. Karaniwang tanawin saSinkiang at Mongolia ang mga talampas. Naririto rin angdisyerto ng takla Makan at Gobi

Page 8: Modyul 1

Timog-Kanlurang Asya

Binubuo ng dalawang malalaking tangway ang Timog-Kanlurang Asya: ang tangway ng Arabia.Isang mabatong talampas ang tangway ng Anatolia.Karaniwang natutuyo ang mga ilog at lawa sa rehiyongito. Ang Ang malaking bahagi ng tangway ng Arabia aymainit at walang ulan.Ilang mahalagang anyong-tubig ang matatagpuan sarehiyong ito. Ang Ilog Jordan ay nagwawakas sa DeadSea, isang maalat na lawa at itinuturing na maypinakamaalat na tubig sa buong daigdig. Nasa gawinghilagang silangan ng rehiyon ang dagat Caspian.Nasa dulong silangan ng Timog-Kanlurang Asya angIran at Afghanistan. Hindi gaanoong tigang ang lupa ritokung kaya sari-saring pananim ang tumutubo rito.Madalang ang pag-ulan ditto sa buong taon. Ang klimaay napakalamig kung taglamig at napakainit kung tag-araw

Page 9: Modyul 1

Timog Asya Nasa Timog asya ang sub-kontinente ng India at SriLanka sa timog, ang Bhutan at

Nepal sa hilaga.Nagsisilbing hangganan sa hilagang-silangan angkabundukang Hindu Kush. Kahanay nito mula hilagapasilangan ang mga taluktok at lambak sa Pamir Knot.Sa gawing silangan ng Pamir Knot ay ang kabundukanng Karakorum at ang Himalaya, ang pinakamataas atpinakamatarik na bundok. Dito matatagpuan angBundok Everest, ang pinakamataas na taluktok sadaigdig. Nasa pagitan ito ng Tibet at Nepal.Bukod sa kabundukan, binubuo ng dalawang rehiyonang Timog Asya: ang mga ilog mula sa Himalaya at angTalampas Deccan na sumasakop sa sentral at timogIndia. Ditto matatagpuan ang tatlong hanay ngkabundukang Silangan Shate, Kanlurang Ghats at angBundok Vindhya.Dalawang lambak-ilog na nagging sentro ngsinaunang kabihasnan ang matatagpuan sa rehiyon.Ang isa ay ang lambak-ilog ng Indus na umaabot saPakistan at nagwawakas sa Dagat Arabia at ang ikalawaay ang lambak-ilog Ganges na dumaraan sa hilagangIndia hanggang Bangladesh at nagtatapos sa LookBengal.Naapektuhan ng mga monsoon ang Timog Asya.Paiba-iba ang direksyon ng mga hanging ito sa iba’tibang panahon sa buong taon. Mula Hunyo hangangSetyembre ang timog-kanlurang monsoon mula saKaragatang India ay nagdadala ng malakas na pag-ulanna sanhi ng nakapipinsalang paghaba sa delta ng IlogGanges sa Bangladesh. Mula Oktobre hangang Marso,ang banayad na hangin mula sa Himalaya aynagdudulot ng mainam na klima

Page 10: Modyul 1

Timog-Silangang Asya

Binubuo ang Timog-Silangang Asya ng mga bansa ngMyanmar, mga peninsula ng Indochina at Malaya at angpangkat ng mga maliit at malaking pulo ng borneo,Sumatra, Java at Clebes. Sa banding hilaga ng mgapulong ito ang kapuluan ng Pilipinas.Ang bahagi ng rehiyon sa kapuluang Asya aymagugubat na kabundukan sa hilaga at mga lambak-ilogsa timog. Ang ilang kapatagan ay may matabang lupa atang iba ay mga pook na latian at matubig. Ganito rin angkalagayan sa mga pulo. May dalawang ilog na umaagossa rehiyon: ang Irrawaddy sa Myanmar at ang Mekongsa Indochina.Nasa rehiyon ng mga bulkan at paglindol ang Pilipinasat Indonesia. Lumilindol din sa Anatolia at sa ilangbahagi ng Timog-Kanlurang Asya

Page 11: Modyul 1

Mga Klima sa Mababang Latitud

Page 12: Modyul 1

Equatorial o Tropical

Sa pangalan pa lamang, madaling matutukoy kungsaang rehiyon makapal ang tubo ng mga puni at ang mgadahon nito ay malalapad at malalaki. Palagiang kulayberde rin ang mga dahon ng puno. Nangangahuluganitong hindi sabay-sabay ang paghulog ng mga dahon sapuno. Patuloy ang pag-usbong ng mga dahon sa buongtaon.Tumataas ng 30 hanggang 50 metro ang mga puno ngkagubatan sa pagnanais nitong masikatan ng araw. Karamihan sa mga puno ay may malalaking ugat upangmaging matatag ang puno. Ang mga punungkahoy aypinagkukunan ng mga kahoy na ginagamit sa pagtatayong mga bahay at paggawa ng mga muwebles.Napapaligiran ng mga dapo, pako, orkidyas at baging angmga puno at sanga ng mga punongkahoy. Palagiang mayulap ang langit at mahalumig-mig ang hangin.Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, mga bahaging Timog Amerika at gitnang Aprikaa ay may klimangequatorial o tropical

Page 13: Modyul 1

Savanna

Ang klimang ito ay makikita sa mga pook sa mababanglatitude na malayo sa ekwador. Nakararanas ng matindingulan sa loob ng kalahating taon kung panahon ng tag-initang mga pook sa rehiyong ito at kaunting pagulan sanalalabi pang kalahating taon. Ang mga hayop tulad ngelepante, giraffe, antelope at leon ang karaniwangmakikita sa klimang ito.

Page 14: Modyul 1

Disyerto

Makikita ang mga disyerto sa mababa at gitnanglatitude. Ang disyerto ay isang pook na tumatanggap ngnapakakaunting ulan kung kaya bihirang halaman lamangang maaaring tumubo rito. Mga sampung dali lamang ngulan sa loob ng isang taon ang pumapatak sa disyerto.Tigang at mabatoang lupa rito. Tanging cactus lamangang maaaring tumubo sa ganitong klima.

Page 15: Modyul 1

Mediterranean

Makikita ang klimang ito sa mga bansang nakapaligidsa Dagat Mediterrean tulad ng Turkey, Syria, Lebanon atIsrael. Ang klimang ito ay matatagpuan din sa California,gitnang Chile at Timog Aprika. Ang mga bansang ito aynasa 35º hilaga ot timog ng ekwador, malapit sa dagat onasa dakong kanluran ng kontinente.Kaaya-aya at maaraw ang panahon ng mga pook namay klimang Mediterranean. Mainit at walang ulan kungtag-araw at malamig at maulan naman kung taglamig.Ang matatagpuang mga halaman ditto ay mgadamuhan, palumpong at kagubatan. Maaring magtanim ngmga halaman tulad ng prutas at mga namumulaklak nahalaman

Page 16: Modyul 1

Humid Sub-Tropical 

Makikita ang klimang ito sa silangang baybayin ng mgakontinente 35º hilaga o timog ng ekwador. Nagtataglay ngkliamang sub-tropical ang timog-silangang baybayin ngTimog Amerika, Australia, Hapon at Tsina. Dumadaloyang mainit na tubig na nagmumula sa karagatan saklimang ito

Page 17: Modyul 1

Kanlurang Baybayin oMarine

Ang rehiyong pangklimang ito ay makikita sa pagitan ng30º at 60º latitude sa dakong kanlurang baybayin ng mgakontinente

Page 18: Modyul 1

Humid Continental

Ang klimang ito ay makikita sa pagitan ng 40º at 60ºlatitude hilaga ng ekwador. Ito ay mararanasan sa dakonggitna ng isang kontinente o sa tabing silangang bahagi ngkontinente. Ito ang klima ng apat na panahon – taglagas,taglamig, tagsibol at tag-araw. Ang klimang ito ay higit nanaapektuhan ng mga hanging umiihip sa lupain kaysamga hanging umiihip sa karagatan

Page 19: Modyul 1

Tundra

Isa ito sa dalawang klimang nabibilang sa pinakamataasna latitude. Ito ay salitang Ruso na nangangahulugangmalaking kapatagan. Makikita ang klimang ito sa hilagangbahagi ng Canada, Europa at Unyong Sobyet

Page 20: Modyul 1

Klimang Vertical

Ang klimang ito ay matatagpuan sa matataas na mgabundok. Ang klima sa paanan ng bundok ay klimangtropical. Sa pagakyat ang bundok, nagiging malamig angklima kung kaya ang mga lupain ditto latitude. Ang taluktokng bundok ay nagtataglay ng klimang kabilang sa mataasna latitud

Page 21: Modyul 1

MGA PINAGKUKUNANG YAMAN

Nagtataglay ng iba’t ibang klima at iba pang katangiang pisikal ang mga rehiyonsa Asya kung kaya iba’t ibang pananim at likas na yaman ang matatagpuan sakontinenteng ito.

  May iba’t ibang uri ng likas na yaman ang isang

bansa. Ang ilang mga likas nayaman ay higit na mahalaga kaysa iba. Maaaring ang isang likas na yaman aymahalaga sa isang bansa at hindi mahalaga sa iba. Ito ay naaayon sa pangangailanganng isang bansa sa isang likas na yaman

Page 22: Modyul 1

Likas na Yaman ng Hilagang Asya

Page 23: Modyul 1

Siberia

May lawak na 12. 6 milyong kilometro kwadrado, bahagi ng Rusyaang Siberia at matatagpuan sa silangan ng Bundok Ural at hilagang Tsina at Mongolia. Nahahati ito sa tatlong pang-heograpiya atpangkabuhayang rehiyon – Kanlurang Siberia, Silangang Siberia atDulong Silangang Siberia

Page 24: Modyul 1

Mongolia

Ang Mongolia, matatagpuan sa Gitnang Asya, ang bansang maypinakamaliit na populasyon sa buong daigdig. Nasa pagitan ito ngdating Unyon Sobyet sa hilaga at Tsina sa silangan.

Page 25: Modyul 1

Likas na Yaman ng Silangang Asya

Ang pinakamalaking potensyal sa produksyon sa pagsasaka sadaigdig ay matatagpuan sa mga kapatagan at lambak-ilog ngTsina. Gayunpaman, magtatagal pa bago ito makamtan ng mgaTsino sapagkat sinauna pa ang paraan ng pagsasaka at digaanong gumagamit ng bagong teknolohiya ang mga magsasakatulad sa Europa.

Page 26: Modyul 1

Sa Hapon, kaunting lupa lamang ang sinasaka at ditto inaani angpalay, trigo, barley, millet, prutas at gulay. Nagtatanim ng punongmulberry na pagkain ng mga uod o silkworm ang mga Haponeskaya nangunguna sila sa industriya ng telang sutla

- Sa Tsina, isang bansang nakahihigit sa iba sa likas na yaman

ayang bansang Tsina. Matatagpuan ang iba’t ibang uri ng mineral saTsina tulad ng manganese, mercury at tungsten. Malaki angnaitutulong ng mga kayamanang ito sa pag-uunlad ng Tsina bilangisang pwersang industriyal

- Karbon ang pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya saTsina.

Pangatlo ang Tsina sa pagmimina sa karbon at sa dami ngdeposito ng karbon. Nasa lambak ng Hwang Ho angpinakamalaking deposito ng karbon at isa sa mga pangunahingminahan ng karbon sa buong daigdig. Bawat lalawigan sa Tsina aymayroong kaunting pinagkukunan ng karbon

Page 27: Modyul 1

Yamang-tubig at Lupa

Ang Ilog Yangtze at Ilog Hwang Ho ay dalawa sa pinakamalakingilog sa buong mundo. Ang mga ito ay mahalaga sa irigasyon atbilang lagusan patungo sa mga liblib na pook ng Tsina. Ang IlogYangtze ay malaki ang posibilidad na magamit para sa lakashaydro-elektrika. Sa kasalukuyan, maraming prinsa ang ginagawaupang mapakinabangan ang potensyal na ito ng Ilog Yangtze

Page 28: Modyul 1

Hilaga at Timog Korea

Higit na malaki ang Hilagang Korea kaysa Timog Korea bgunit higita kaunti ang populasyon nito sa Timog Korea. Ang Timog Koreaang pangunahing rehiyong pang-industriya sa tangway at patuloyang pag-unlad nito. Nagbibigay ng lakas haydro-elektrika ang mgailog. May graphite at magnesium na nagmimina sa bansang ito Palay ang pinakamahalagang produktong agrikultura