-
Republic of the Philippines Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Migrasyon: Sanhi Dulot ng
Golbalisasyon
Zest for Progress Zeal of Partnership
10
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
-
Alamin
Magandang umaga mga mag-aaral. Welcome sa bagong aralin sa
Araling
Panlipunan 10. Ang modyul ay inihanda para sa pagkatoto at
pagkaunawa ng Sanhi ng
Migrasyon Dulot ng Globalisasyon.
Pagkatapos mong mabasa at masagot ang modyul:
Ø Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon.
Balikan
1. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong
1992 at 1997 mas
dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o
kontraktuwal kaysa
sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol
sa flexible working
arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng
sektor ng
serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong
mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang
kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.
B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga
dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa
sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan
kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives
upang makahikayat ng mas maraming dayuang kompanya na magtayo ng
mga negosyo at serbisyo sa bansa.
D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa
bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan
na magpatupad ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga
manggagawang Pilipino.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Angel P. Aying Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri:
Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of illustrator/Photographer
Tagalapat: Peter Alavanza, Name of layout artist
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Name of District Supervisor/PICD
Name of School Principal
-
2. Ang globalisasyon ay may mabuti at di-mabuting epekto sa
pamumuhay ng mga tao.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting dulot ng
globalisasyon?
A. Pagpapalala sa problemang pang-ekonomiya
B. Lumalala ang pagitan sa mahihirap at mayayaman
C. Nakapaglilikha ng maraming trabaho at mga opurtunidad
D. Higit na pinalalaki ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa
mundo
3. Bakit maraming sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang
OFW?
A. dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay
B. dahil nais nilang makarating sa ibang bansa at magliwaliw
C. dahil nais nilang makakakita ng dayuhang magaganda at
gwapo
D. dahil nais nilang mabisita ang mga kamag-anak nila sa ibang
bansa
4. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas
paggawa ay mga
kababaihan. Kung ikaw ang kalihim ng Department of Labor and
Employment (DOLE),
paano ka makakatulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga
kababaihan?
A. Makisali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga
kababaihan
B. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga programang
magprotekta at mag-aala sa mga sa kababaihan
C. Ibilin ang mga kababaihan sa mga kalalakihang manggagawa
upang maalagaan silang mabuti
D. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa
ibang sektor ng lipunan
5. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang
pag-iral ng sistema
ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang
naglalarawan sa konsepto
ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang
mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa
kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking
pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
-
Tuklasin
Basahin at unawain ang tula na tungkol sa mga OFW.
Sa Gitna ng Disyerto
ni Noel Malicdem Bayani kung ituring ng gobyerno Wala naman
magawa kapag kami’y inaabuso Baka masira daw relasyon sa bansang
kinalalagyan ko Magtiis na lang hanggang matapos kontrata ko.
Mayroon nga tayong konsulado Mga nakatalaga naman dito mga
abusado Walang pakialam kung ano kalagayan mo Baka mas malala pa
kapag napadpad ka rito
Isa lang akong saksi buhay dito sa disyerto Na kung tawagin lupa
ng pera piraso Dahil kung hindi huli limang buwang walang sweldo
Walang pakialam magutom man ang pamilya mo.
Tama na sa akin ang tawaging OFW Na umalis ng bayan para sa
kinabukasan ng pamilya ko Ang kaligayahan pansamantalang
kinalimutan ko Mapunta sa bansang lungkot ang karamay mo.
Di ko pinagsisihan ang pagpunta rito Bahagi lang ito ng
pakikibaka sa buhay ko Hindi ang maging saksi sa mga
mapagsamantalang politiko Na lalo lang nagpapahirap pagnakaupo na
sa puwesto.
Aralin 5
Migrasyon: Konsepto at Dahilan dulot ng Globalisasyon
-
Ang hiling lang namin tunay na pagbabago Magbigyan pansin mga
karaingan naming OFW Dahil bahagi rin kami ng pag-unlad kahit
kami’y malayo Isigaw sa buong mundo, mabuhay ang Pilipino.
Gawain 2: Suri Tula!
Suriin ang tula ayon sa hinihingi ng bawat colom/hanay isulat
ang sagot sa loob ng talahanayan.
Suriin
Magaling! Ipinakita mo ang iyong interest sa panibagong leksyon.
Nandito ang mga mahalagang terminolohiya na dapat mong
pansinin.
Migrasyon - ay tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar upang
doon manirahan.
Mahalagang ideya sa awit
Mga ideya nararanasan ng iyong pamilya o
kakilalang OFW
Mga ideyang nagkaroon ng pagbabago at lagyan
ng patunay
-
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration
ay mahalagang
maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa
disiplinang ito. Una na rito
ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.
Flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang
pumapasok sa
isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
Madalas ditong
gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang
anyo.
Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly
qualified specialists,
entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.
Stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa
bansang nilipatan.
Dahilan / Sanhi ng Migrasyon
• hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay;
• paghahanap ng ligtas na tirahan;
• panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
• pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman
partikular sa mga bansang industriyalisado.
• Pag-iwas sa malaking gutom sanhi ng kalamidad
• Suliranin sa unemployment rate o kawalan ng hanapbuhay sa
bansang tinitirhan
• Globalisasyon
MGA SANHI NG MIGRASYON
Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang bansa ay
tinatawag na economic migrants o iyong naghahanap ng mas
magandang
pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang
grupong
ito ng mga migrante ay mabilis na dumarami sa kasalukuyang
panahon.
Dahil sa globalisasyon, mas madali na ngayong makahanap ng
trabaho
sa ibang bansa. Dahil ang mga mayayamang bansa ay
nakakaranas
ngayon ng pagbaba ng populasyon kaya’t naghahanap sila ng
mga
mangagawa mula sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang
pambansang ekonomiya.
Bahagi rin sa mga migrante sa buong mundo ay mga refugee na
lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
-
Migrasyon ng mga Pilipino
Taong 2013 umabot ng 10 milyong Pilipino ang naghahanap-buhay sa
mahigit
190 bansa sa daigdig. Mayroon ding Overseas Flipino Workers
(OFW) o temporary
migrants na nagtatrabaho sa bansang tulad ng Saudi Arabia,
United Arab Emirates,
Kuwait, Hongkong, Japan, Italy at Espanya.
Malaking tulong sa bansa ang OFW dahil sa ipinadala nitong pera
para sa
kanilang pamilya na tinawag na remittance. Samantala umaabot
naman sa 800,000 ang
mga migranteng walang papeles. Karaniwan sa mga nangibang bansa
ay mga
kababaihan o peminismo.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit maraming nag-migrante sa bansang napabilang third world
countries? Magbigay ng mga dahilan:
______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Mula sa mga dahilan ng migrasyon, alin dito ang nangngunang
sanhi na nangyayari inyong komunidad? Bakit?
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Paano nagkakaiba ang flow at stockfigures sa migrasyon? Ano
ang kaugnayan ng dalawa sa globalisasyon? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Bakit itinuturing na bayani ang mga OFW?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Naniniwala ba kayo na ang pinakadahilan ng migrasyon ay ang
globalisasyon? Ipaliwanag ang sagot.
-
_____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
Sa ibaba mayroong pagkalahatang obserbasyon ng migrasyon:
Gawain 2: Venn Diagram
Pumili ng tatlong pangkalahatang obserbasyon ng suriin ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito.
Pagkakatulad ng Pagkakatulad ng tatlo
Dalawa
Pangkalahatang Obserbasyon ng Migrasyon
1. Globalisasyon ng migrasyon
Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia,
New
Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at
sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.
Karaniwan na
dumadagsa ay mula sa Asya, Latin Amerika at Africa.
2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon Malaki ang implikasyon nito
sa batas at polisiya sa bansa.
-
3. Pagkaiba-iba ng uri ng Migrasyon - labour migration, refugees
at maging permanenteng migrante Irregular migration - nagtungo sa
ibang bansa na walang permit magtrabaho at
overstaying sa ibang bansa.
Temporary migration - tawag sa taong nagtungo sa ibang bansa na
may kaukulang
permit at papeles sa pagtrabaho nang may kaukulang takdang
panahon.
Permanent migration - layunin ng migrante ang pagtatrabaho at
paninirahan sa
piniling puntahang bansa kalakip ang pagkuha ng pagkamamamayan o
citizenship
Dalawang Uri ng Migrasyon A. Panloob na Migrasyon
- nangyayari ang paglipat sa loob ng bansa B. Panlabas na
Migrasyon
- paglipat ng tao sa ibang bansa upang manirahan o mamalagi sa
matagal na
panahon.
4.Pagturing sa migrasyon bilang isyung politika
Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal
at maging ang
polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu
ng migrasyon.
5.Paglaganap ng ‘migration transition’
Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang
bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin
ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular
dito ang nararanasan ng
South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic
at Turkey.
6.Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon
sa
kasalukuyan dahil karamihan sa migrante ay kababaihan.
Pagyamanin
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng sumusunod.
______________________ 1. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa isang
lugar
______________________ 2. Tawag sa mga migrante na lumikas para
umiwas sa labanan o
pagkagutom
-
______________________ 3. Karaniwang dahilan ng migrasyon ng mga
Pilipino
______________________ 4. Kontribusyon ng OFW sa ekonomiya ng
bansa
______________________ 5. Tawag sa taong migrante na
permanenteng naninirahan sa
ibang bansa.
______________________ 6. Pagkakaroon ng demand ng maraming
trabaho sa paglago ng
kalakalan.
______________________ 7. Tawag sa mga migrante naghahanapbuhay
sa ibang bansa.
______________________8. Pangunahing problema ng isang bansa
maraming nangibang
bansa sa paghahanap-buhay.
______________________ 9. Karaniwang nangingibang bansa sa
Pilipinas.
______________________10. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang
lugar upang doon
manirahan.
Gawain
Gawain 3: Spider Web
Magtala ng isang dahilan sa migrasyon dulot ng globalisasyon sa
bilog at ilagay naman
sa kahon ang mga kaugnayang dahilan sa pagmigrate.
Gawain 4: Timbangin Mo!
-
Suriin mula sa sanhi ng migrasyon kung alin ang nangunguna at
kasunod ayon
sa inyong pag-aanalisa sa daloy ng ekonomiya ng bansa.Isulat sa
loob ng tatlong maliit
na kahon at sa malaking kahon ay ipaliwanag ang
pagkakahanay.
Paliwanag:
Gawain 5: Burger Organizer
Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa burger
organizer.
Paksa: Globalisasyon ba’y pangunahing sanhi ng migrasyon?
Mahalagang Punto#1:
Pansuportang detalye:
Mahalagang Punto# 2:
-
Isaisip Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang bago ang numero.
HANAY A HANAY B 1. Pinagmulan migrasyon ngunit a. Pag-aaral sa
ibang bansa daungan na
ngayon pinupuntahan na turista
2. Exchange student si Ana b. migrationtransition sa Chicago,
USA.
3. Pagpasok ng maraming tao sa ibang c. Panloob na Migrasyon
Bansa kada taon maaring trabaho o negosyo
4. Tumutukoy sa loob nagtrabaho d. Flow
Sa Cebu
5. Ipinapadalang pera ng OFW sa bansa e. Hanapbuhay
6. Madaling nakapunta sa iba’t ibang bahagi f. Remittance
ng daigdig ang mga tao, ideya, kaalaman at
produkto
7. Pangunahing sanhi sa pangingibang bansa g. Globalisasyon
na mga Pilipino
8. Migranteng naiipit sa kaguluhan h. Australia
9. Maunlad na bansang pipuntahan ng mga i. refugee
migrante
10. Bansang pinagmulan ng migrante j. Africa
Tayahin
Panuto: Piliin ang letrang tamang sagot sa sumusunod na
tanong.
Pansuportang detalye:
Konklusyon:
-
1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang
lugar. Alin sa ibaba ang pinakadahilan ng migrasyon?
A. Paglipat ng tirahan B. Mapalapit sa malaking siyudad C.
Makapag-aral sa sikat na paaralan. D. Paghahanapbuhay para
mapaunlad ang kabuhayan
2. Pataas na pataas ang mga taong nagsipaglikas sa kanilang
bayan tinitirhan lalo na dito sa lugar ng Midanao. Ano ang tawag sa
mga taong lumikas na biktima ng bakbakan?
A. Refugee C. Migrante B. Immigrant D. Naghanapbuhay
3. Mula sa sitwasyon sa itaas, ano ang tawag sa mga taong
lumilipat ng lugar sa parehong bansa dahil sa pagnenegosyo?
A. Pandarayuhan B. Panlabas na Migrante C. Panloob na Migrante
D. Pangingabang bansa
4. Ano ang tawag sa mga bansang dating pinagmulan ng mga
migrante ngunit ngayon ay naging distination ng migransyon?
A. Migrationtransition C. Peminisasyon B. Globalisasyon D.
Refugees
5. Alin sa ibaba ang hindi kabilang sa dahilan ng migrasyon?
A. Globalisasyon B. Paghahanapnuhay para kumita ng malaki C.
Pamamasyal ng pamilya sa ibang bansa D. Paglikasa dahil sa laban at
gutom ng lugar.
6. Bakit lalong umunlad ang migrasyon sa mga nagdaang
panahon?
A. Dahil sa kahirapang dinanas ng mga bansang mahirap. B. Dahil
kawalan ng kaunlaran sa mga liblib na lugar. C. Dahil sa paglakas
ng globalisasyon ng buong mundo. D. Dahil nais ng mga magulang na
makapagtapos ang anak sa pag-aaral.
7. Ano ang tawag sa galaw ng mga nandarayuhang pumapasok sa
isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon?
A. Flow B. Stocks C. Entrepreneur D. Manwal
8. Sa bahagi sa Mindanao lalo sa Julu Sulu nakaranas kahirapan.
Ano ang pangunahing sanhi sa pangingibang lungsod ng mga
mamamayan?
A. Kabuhayan B. Kaligtasan C. Pag-aaral D. Pagnenegosyo
9. Alin sa mga dahilan/sanhi ang hindi kabilang sa migrasyon
dulot ng globalisasyon?
A. Paghahanap ng kabuhayan sa malaking siyudad. B. Paglipat ng
tirahan sa U.S para makaahon ang pamilya. C. Pag-aaral sa paghasa
sa kasanayan bilang entrepreneur.
-
D. Pagbibili ng mga pangunahing pangangailangan sa bahay.
10. Bakit malaking ang impluwensya ng globalisasyon sa migrasyon
ng mga tao?
A. Dahil sa pangunahing pangangailangan ng tao. B. Dahil sa nais
ng tao na mabuhay at makabili ng luho. C. Dahil sa globalisasyon
nagmumura ang mga bilihin sa merkado. D. Dahil sa globalisasyon
lumalawak ang maraming oportunidad sa
trabaho at negosyo.
Karagdagang Gawain
Panuto :
1. Gumawa ng jingle song sa epekto ng ekonomiya sa pagdami ng
OFW sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
2. Subukang maipresenta sa video ang nabuong jingle song.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG JINGE SONG
1. Angkop sa nilalaman 7
2. Nakapanghihikayat sa nakikinign 6
3. Orihinalidad 6
4. Creativity 6
Kabuuan 25
Susi sa Pagwawasto
Pagyam
anin
1.M
igrasyon
2.R
efugees
3.Pagh
anapbu
hay
4.R
emittance
5.Perm
anent M
igrant
6.G
lobalisasyon
7.E
conomic M
igrants
8.U
nem
ploymen
t rate
9.K
ababaihan
10.Migrasyon
Tayain Mo
1.D 6. C
2.A 7. A
3.C 8. A
4.A 9. D
5.B 10. D
-
Sanggunian: MGA KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN -
Rehiyon IX – Zamboanga
Peninsula, pahina: 220-240
Evanlgeline M. Dallo, Eleanor D. Antonio, Consuelo M. Imperial,
Maria Carmelita B.
Samson, Celia D. Soriano; KAYAMANAN mga Kontemporayong Isyu
,pp.96-100
Balik
an
1.C
2.C
3.A
4.D
5.C
Isaisip
1.B
6. g
2.A
7. e
3.D
8. i
4.C
9. h
5.f
10. j
-
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the
Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the
Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden
beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh!
That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños,
Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX Our.. Eden... Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a
dream. I dreamed that I was walking along the beach with the
LORD.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong
to me and the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I noticed only one set of
footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am
sad and helpless?”
And the LORD replied “My son, My son, I have never left you.
There was only one (1) set of footprints in the sand, because it
was then that I CARRIED YOU!
I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree
whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing
breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms
to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her
hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with
rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a
tree.