Top Banner
Mga Tungkulin ng Wika Inihanda ng: Grupo 1 Jonna Ladit Ma. Antonietta Jaron Diane Frane FILN10A
14

Mga tungkulin ng wika

Dec 15, 2014

Download

Sports

Mj Aspa

 
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Mga tungkulin ng wika

Mga Tungkulin ng WikaInihanda ng: Grupo 1

Jonna LaditMa. Antonietta Jaron

Diane FraneFILN10A

Page 2: Mga tungkulin ng wika

Anu-Ano ang mga Tungkulin ng Wika?

Page 3: Mga tungkulin ng wika

Ayon kay Michael A.K. Halliday: • Interaksyonal -

nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.

• Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng nga tao sa paligid.

• Regulatori –wikang gumagamit ng kondisyonal . kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba.

Page 4: Mga tungkulin ng wika

Ayon kay Michael A.K. Halliday:

• Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

• Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. (ie, mga tula, awit atbp.)

• Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos at gamit ng mga taong nais magkamit ng kaalamang akademiko at/o profesyonal.

• Informativ – ito ay naglalarawan na kung saan mayroong nailalalhad din dito ang lugar, araw tao at batay na rin sa tunay na pangyayari  at nagbibigay ng informasyon/datos. Ginagamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pagbabalita atbp.

Page 5: Mga tungkulin ng wika

Gamit ng Interaksyonal• Halimbawa: Pagbati, pagpapaalam,

Pagaanyaya at pagbibiro a) Sa magkakaibigan, pagbibiruan at

panunukso b) Sa mga magkakamag-anak, nariyan

ang paanyaya at pasasalamat c) Sa mga pangkat panlipunan, nariyan

ang mga salitang pangkabataan,wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon.

Page 6: Mga tungkulin ng wika

Instrumental

•Halimbawa: Pagmumungkahi, Paguutos at paghihikayat.

a) Ipinanghiwa ko ang kutsilyo

b) Nanghuli ako ng isda gamit ang sibat

Regulatori

•Halimbawa: Pag-ayon , Pagtutol at Pagsagot sa telepono

a) Pagbibigyan kita ngunit sundin mo muna ang nais ko.

Page 7: Mga tungkulin ng wika

Personal: Ano ang personal na pagsusulat?

•Ang personal na sulatin ay informal, walang tiyak na balangkas at pansarili.

• Ito ang pinakamagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-iisip, o di kaya'y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.

Mga Halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary, Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati.

Page 8: Mga tungkulin ng wika

Heuristik

• Halimbawa: Pagtatanong, Pagsagot, Pangangatwiran at Pagbigay ng konklusyon.

InformativHalimbawa: Paglalahad, Pagsisinungaling at paghahatid ng mensahe, katulad ng balita sa telebisyon

Page 9: Mga tungkulin ng wika

Ayon kay Roman Jakobson:

1.Kognitibo/Reperensiyal/Pangkaisipan - pagpaparating ng mensahe o impormasyon.

2.Conative - paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga paguutos o pakiusap.

3.Emotive-pagpapahayag ng damdamin,saloobin at emosyon.

4.Phatic-pakikipagkapwa tao.

5.Metalinggwal - paglinaw sa mga suliranin.

6.Poetic - patula,paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.

Page 10: Mga tungkulin ng wika

Ayon kay W.P. Robinson:•Estetiko – Paggamit ng wika sa

paglikha ng panitikan

•Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, pagbibiro.

•Pag – alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao – paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika bilang kagandahang –asal (kumusta ka?); pagbati, pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay.

Page 11: Mga tungkulin ng wika

•Pag-alalay sa iba – Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin ng iba – paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin/ obligasyon – pag-uutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob, panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, pagtawad.

•Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarli” nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran, pagpapaliwanag.

Page 12: Mga tungkulin ng wika

•Pagpapahayag ng Sarili – Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin – tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice quality).

•Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan – paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao – mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba (G. Gng. Bb…)

Page 13: Mga tungkulin ng wika

•Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistika –

•a) Pagkilala (discrimination) – pagkilala at pagpapahayag ng kaibhan at pagkakatulad ng mga bagay.

•b) Pagbuo (organization) – pag-uuri-uri at pagbibigay – katuturan sa mga kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay.

•Pagtuturo – Paggamit ng wika sa pagpaparating (imparting) ng bagong impormasyon at kasanayan.

•Pagtatanong at Panghuhula – Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng haraya (imagining) pagpapasubali (suppoising).

Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay.

Page 14: Mga tungkulin ng wika

MARAMING SALAMAT PO!

GRUPO 1

FILN10A