Emilio F. Aguinaldo Unang Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Unang Republika Diktador ng Pamahalaang Diktadorial Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo Punong Ministro Apolinario Mabini (1899) Pedro Paterno (1899) Pangalawang Pangulo Mariano Trias (1897) Sinundan si Bagong Tatag Sinundan ni (pinawalang bisa mula 1901-1935) Wesley Merritt (Gobernador-Heneral, 1901) Manuel Quezon (Pangulo, 1935) Kapanganakan Marso 22, 1869 Cavite El Viejo (ngayong Kawit), Cavite, Pilipinas Kamatayan Pebrero 6, 1964 Lungsod Quezon,Pilipinas Partidong politikal Paksyong Magdalo ng Katipunan (1897-1901) National Socialist Party(1935) Asawa (1) Hilaria del Rosario† (2) Maria Agoncillo Hanapbuhay Militar, Guro,Rebolusyonaryo, Pulitiko Relihiyon Katoliko Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Emilio F. Aguinaldo
Unang Pangulo ng PilipinasUnang Pangulo ng Unang RepublikaDiktador ng Pamahalaang DiktadorialPangulo ng Pamahalaang RebolusyonaryoPunong MinistroApolinario Mabini (1899)Pedro Paterno (1899) Pangalawang Pangulo Mariano Trias (1897) Sinundan si Bagong TatagSinundan ni (pinawalang bisa mula 1901-1935)Wesley Merritt (Gobernador-Heneral, 1901)Manuel Quezon (Pangulo, 1935)Kapanganakan Marso 22, 1869Cavite El Viejo (ngayong Kawit), Cavite, Pilipinas Kamatayan Pebrero 6, 1964Lungsod Quezon,Pilipinas Partidong politikal Paksyong Magdalo ng Katipunan (1897-1901)National Socialist Party(1935)Asawa (1) Hilaria del Rosario†(2) Maria AgoncilloHanapbuhay Militar, Guro,Rebolusyonaryo, Pulitiko Relihiyon Katoliko
Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Manuel L. Quezon________________________________________Ika-2 Pangulo ng PilipinasUnang Pangulo ng KomonweltPanunungkulanNobyembre 15, 1935 – Agosto 1, 1944 Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña Sinundan si Emilio Aguinaldo(position restored. 1935)Sinundan ni Jose P. Laurel ________________________________________Kapanganakan Agosto 19, 1878Baler, Aurora Kamatayan Agosto 1, 1944Saranac Lake, New York,Estados Unidos Partidong politikal Coalición Nacionalista(1935-1938);Nacionalista Party 1938-1944 Asawa Aurora Aragon Hanapbuhay AbogadoRelihiyon Katoliko
Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15,1935–Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunalIpinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1]Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1]Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1]Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1]Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat saLungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa
Ramon F. Magsaysay
Ika-7 Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangulo ng Ikatlong RepublikaPanunungkulanDisyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957 Pangalawang Pangulo Carlos P. García Sinundan si Elpidio Quirino Sinundan ni Carlos P. García ________________________________________Kapanganakan Agosto 31, 1907
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957).Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.[pananangguni'y kailangan] Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.
Ferdinand E. Marcos
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ngSenado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.Bilang isang pulitiko
Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Noong 1954 nakilala niya si Imelda Romualdez, ang "Rosas ng Leyte" at pamangkin ng Ispiker Daniel Romualdez, na naging kaisampalad niya pagkatapos ng isang madaliang panliligaw.Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto. Noong 1961, naging Pangulo si Marcos ng Partido Liberal (Liberal Party) at makalipas ng isang taon, siya ang naging Pangulo ng Senado.Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na siDiosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang "landslide victory".Mga Nagawa sa Loob ng Unang TerminoKapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
1. Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;2. Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;3. Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na
kaparti sa kinikita ng pamahalaan;4. Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan
(kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);
5. Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan;
6. Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice';7. Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;8. Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at9. Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng
pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.
Corazon C. Aquino
________________________________________Ika-11 Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangulo ng Ika-apat na RepublikaUnang Pangulo ng Ikalimang RepublikaPanunungkulanPebrero 25, 1986 – Hunyo 30, 1992 Punong Ministro Salvador H. Laurel[1] Pangalawang Pangulo Salvador H. Laurel Sinundan si Ferdinand E. Marcos Sinundan ni Fidel V. Ramos ________________________________________Kapanganakan Enero 25, 1933Paniqui, Pilipinas Kamatayan Agosto 1, 2009 (edad 76)Makati Partidong politikalUnited Nationalists Democratic Organizations(UNIDO)/Lakas ng Bayan (LABAN)/Liberal Asawa Benigno Aquino, Jr.† Hanapbuhay Inang Bahay, Politiko Relihiyon Katoliko
Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco)
(Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009 [2] ) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-
isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto
(Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa
pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco
Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri
saWikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon
noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang
mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya
angdemokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng
Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng
________________________________________Ika-15 Pangulo ng PilipinasIkalabinglimang Pangulo ng Ikalimang RepublikaKasalukuyan PanunungkulanHunyo 30, 2010 Pangalawang Pangulo Jejomar Binay Sinundan si Gloria Macapagal-Arroyo ________________________________________Senador ng Pilipinas PanunungkulanHunyo 30, 2007 – Hunyo 30, 2010 ________________________________________Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Tarlac PanunungkulanHunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007 Sinundan si Jose Yap Sinundan ni Jose Yap ________________________________________Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal Kapanganakan Pebrero 8, 1960(edad 52)Maynila, Pilipinas Pamantasang Ateneo de Manila Hanapbuhay Ekonomista, Politiko
Propesyon Ekonomista, Serbisyo sibil Relihiyon Katoliko Romano
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa
palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noyay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang
umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating
Senador Ninoy Aquino at dating PangulongCory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena
“Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-
Dee at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas.
Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".
Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010-kasalukuyan)
Si Noynoy Aquino habang inihahalal bilangPangulong-halal ng Pilipinas ni Senador Juan Ponce
Enrile at Kongresista Prospero Nograles saBatasang Pambansa, Lungsod Quezon noong Hunyo 9, 2010.
Nagwagi siya sa Pagka-pangulo at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong Hunyo 9, 2010, naiproklama
na si Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinas kasama si Jejomar Binay bilang Pangalawang Pangulo ng
Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas