Taon 10 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2011 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph GGS 2011 Gabi ng Parangal: Mga Mambabatas Pinarangalan Kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga pinakanatatanging sangguniang bayan at sangguniang panlungsod ng lalawigan, gayundin ang magagaling na pangalawang punong bayan, kagawad at kalihim ng sanggunian sa ginanap na Gabi ng Parangal ng Gawad Galing Sanggunian 2011 noong Disyembre 21, 2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center. Proyekto ng Sangguniang Panlalawigan, sa pakikipagtulungan ng Philippine Councilors League- Bulacan Chapter, na pinangunguluhan ni Bokal Ariel R. Arceo, at ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan, sa pamumuno ni Sec. Ma. Perpetua Santos, bilang kalihiman, ang GGS 2011 ay may temang “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala at parangal ang mahusay at natatanging pagganap sa tungkulin ng mga lokal na mambabatas na malaki ang naiambag upang maisakatuparan ng pamahalaan ang mabuting hangarin nito sa pagtatamo ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan, at mahikayat sila upang pagbutihin pa ang kanilang paglilingkod bilang mga lingkod bayan. Panauhing pandangal ng okasyon si Kgg. Alan D. Zulueta, Pambansang Tagapangulo ng Philippine Councilors League. Dumalo rin ang Punong Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarardo at Pangalawang Punong Lalawigan Daniel R.Fernando, Tagapangulong Pandangal at Ka- Tagapangulong Pandangal ng GGS 2011. Kabilang sa mga pinarangalan at tumanggap ng plake ng pagkilala at kaukulang gantimpalang salapi ang mga sumusunod: 1. Natatanging Sangguniang Bayan - Sangguniang Bayan ng Calumpit, 2. Natatanging Sangguniang Panlungsod - Sangguniang Panlungsod ng Malolos 3. Natatanging Tagapangulo ng Hapag – Pangalawang Punong Bayan Antonio S. Patawaran ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag 4. Natatanging Kagawad ng Sanggunian – Kagawad Sheila Ana Enrina R. Enriquez ng Sangguniang Bayan ng Plaridel 5. Natatanging Kalihim ng Sanggunian - Kalihim Felix P. Cadiz ng the Sangguniang Panlungosd ng San Jose Del Monte 6. Natatanging Ordinansa ng Taon - Ordinansa Blg.16- 2010 na akda ni Kagawad Ricardo C. Degala III ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos Napagkalooban naman ng plake ng pagkilala para sa Special Awards ang mga sumusunod: 1. Awards for Improved Session Hall - Sangguniang Bayan ng San Rafael P. 2 SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MALOLOS Natatanging Sangguniang Panlungsod 2011 SANGGUNIANG BAYAN NG CALUMPIT Natatanging Sangguniang Bayan 2011
4
Embed
Mga Mambabatas Pinarangalan - The Sangguniang Panlalawigan
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Taon 10 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2011
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph
Ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice-Gov. Daniel R. Fernando, ay nag-Lakbay-Aral sa Taiwan noong Setyembre 1 – 5, 2011 sa adhikaing maitaas pa ang antas ng kanilang kaalaman at karanasan upang makapagsabatas ng mga napapanahon at kinakailangang lehislasyon na makapagsusulong pa sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Bulacan. Kabilang din sa delegasyon ng Sangguniang Panlalawigan sina Bokal Michael Fermin, Bokal Therese Cherryl Ople, Bokal Ramon Posadas, Bokal Enrique Dela Cruz, Jr., Bokal Enrique
(Sundan sa P. 3)
GGS 2011 Gabi ng Parangal:
Mga Mambabatas Pinarangalan
Kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan
ang mga pinakanatatanging sangguniang bayan at
sangguniang panlungsod ng lalawigan, gayundin ang
magagaling na pangalawang punong bayan, kagawad at
kalihim ng sanggunian sa ginanap na Gabi ng Parangal ng
Gawad Galing Sanggunian 2011 noong Disyembre 21,
2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention
Center.
Proyekto ng Sangguniang Panlalawigan, sa
pakikipagtulungan ng Philippine Councilors League-
Bulacan Chapter, na pinangunguluhan ni Bokal Ariel R.
Arceo, at ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang
Panlalawigan, sa pamumuno ni Sec. Ma. Perpetua Santos,
bilang kalihiman, ang GGS 2011 ay may temang
“Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama,
Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na
mabigyan ng pagkilala at parangal ang mahusay at
natatanging pagganap sa tungkulin ng mga lokal na
mambabatas na malaki ang naiambag upang
maisakatuparan ng pamahalaan ang mabuting hangarin nito
sa pagtatamo ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan, at
mahikayat sila upang pagbutihin pa ang kanilang
paglilingkod bilang mga lingkod bayan.
Panauhing pandangal ng okasyon si Kgg. Alan D. Zulueta,
Pambansang Tagapangulo ng Philippine Councilors
League. Dumalo rin ang Punong Lalawigan Wilhelmino M.
Sy-Alvarardo at Pangalawang Punong Lalawigan Daniel
R.Fernando, Tagapangulong Pandangal at Ka-
Tagapangulong Pandangal ng GGS 2011.
Kabilang sa mga pinarangalan at tumanggap ng plake ng
pagkilala at kaukulang gantimpalang salapi ang mga
sumusunod:
1. Natatanging Sangguniang Bayan - Sangguniang Bayan
4. Natatanging Kagawad ng Sanggunian – Kagawad Sheila
Ana Enrina R. Enriquez ng Sangguniang Bayan ng
Plaridel
5. Natatanging Kalihim ng Sanggunian - Kalihim Felix P.
Cadiz ng the Sangguniang Panlungosd ng San Jose Del
Monte
6. Natatanging Ordinansa ng Taon - Ordinansa Blg.16-
2010 na akda ni Kagawad Ricardo C. Degala III ng
Sangguniang Panlungsod ng Malolos
Napagkalooban naman ng plake ng pagkilala para sa
Special Awards ang mga sumusunod:
1. Awards for Improved Session Hall - Sangguniang
Bayan ng San Rafael
P. 2
SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MALOLOS
Natatanging Sangguniang Panlungsod 2011 SANGGUNIANG BAYAN NG CALUMPIT
Natatanging Sangguniang Bayan 2011
2
Nakapagpakitang gilas at kahusayan
ang Sangguniang Panlalawigan para
sa taong 2011 kung saan nalampasan
nito ang mga inaasahang
maisasakatuparan para sa taong
2011.
Sa inaasahang 48 bilang ng
maisasagawang sesyon, 51 ang
naisagawa nito, at sa target na 200
kapasiyahan at tatlong kautusan, ang
napagtibay ng Sangguniang
Panlalawigan ay 356 na kapasiyahan
at 12 kautusan. Sa gawaing panlupon
naman, sa target na 100 pulong at
50 pampublikong pagdinig, ang
naisagawa ay 421 na pulong at 285
na pagdinig.
Narito ang kabuuan ng mga
naisakatuparan ng Sangguniang
Panlalawigan:
1. Bilang ng naisagawang sesyon: a. Regular Session - 50 b. Tanging Pagpupulong - 1 2. Bilang ng napagtibay na Kapasiyahan at Kautusan: a. Panlalawigang Kapasiyahan - 356 b. Panlalawigang Kautusan - 12 k. Kautusan sa Paglalaan - 3 3. Bilang ng mga ordinansang naipalathala sa pahayagan, bilang pag-alinsunod sa Seksyon 59 (c) ng RA 7160. - 8
4.Kabilang sa mga kapasiyahan o resolusyong napagtibay ay ang mga sumusunod: a. Memorandum of Agreement - 27 b. Annual Budgets ng mga Munisipyo at Lungsod - 24 k. Kapasiyahang Pambayan/ Panlungsod -13 d. Kautusang Pambayan/ Panlungsod - 186
Ulat ng Naisakatuparan sa 2011
5. Bilang ng Pagpupulong ng Lupon: a. Pagpupulong ng Lupon - 421 b.Pampublikong Pagdinig - 285 Mga Tanging Gawain Naisakatuparan 1. Gawad Galing Sanggunian – sa bisa ng Panlalawigang Kautusan Blg. 05-T’11, muling isinakatuparan ang proyektong ito na nagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga natatanging Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod at natatanging pangalawang punong bayan/panlungsod, kagawad at kalihim ng sanggunian. Ginanap ang Gabi ng Parangal para sa mga nagwagi at mga tumanggap ng parangal noong ika-21 ng Disyembre 2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.
2. Pagsasahimpapawid ng radio program na “SP Files” tuwing Miyerkules, ika-9:00 hanggang ika-10 ng umaga sa Radyo Bulacan, 90.3 fm bilang bahagi ng paghahatid ng mga impormasyon sa ating mga kababayan hinggil sa mga huling kaganapan sa ating Sangguniang Panlalawigan. Mula Abri l3 hanggang Disyembre 31, 2011, nakapagbroadcast ang SP ng 30 beses. 3. Publikasyon ng munting pahayagan ng SP, ang Legislative Digest – ito ang quarterly computer-generated newsletter ng SP na naglalaman ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan at ng kanilang mga gampanin, gayundin ng mga gawaing naisakatuparan ng ating Sangguniang Panlalawigan. 4. Pagme-maintain at pag-a-update ng sariling website ng Sangguniang Panlalawigan na naka-link sa website ng ating lalawigan. Matatagpuan dito ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa SP, sa ating mga kagawad ng SP, sa pangunguna ng ating minamahal na pangalawang punong lalawigan, Kgg. Daniel R. Fernando.
5. Pagsasakatuparan ng Digital Conversion Project – P1.5 Million Project of Sangguniang Panlalawigan, in cooperation with Ayala Systems Technology, Inc. – Sa pamamagitan ng proyektong ito, nagkaroon ng back-up copies ang ating humigit-kumulang kalahating milyong pahina ng mga resolusyon, ordinansa, katitikan ng mga sesyon at iba pang mahahalagang dokumento ng Sangguniang Panlalawigan dokumento ng Sangguniang Panlalawigan.
Mga Mambabatas Pinarangalan…
2. Special Project Awards -
Sangguniang Bayan ng Calumpit
3. Awards for Meritorious Support to
Legislation by a Local Chief
Executive –
a. Mayor Paula Carla G. Tan – San
Ildefonso
b. Mayor James P. De Jesus -
Calumpit
c. Mayor Patrick Neil F. Meneses –
Bulakan
4. Awards for Perfect Number of
Sessions Held - 8 sanggunian ang
pinarangalan
5. Awards for Three Termers – 39
kagawad ang pinarangalan
6. Awards for Perfect Attendance – 48
ang tumanggap ng parangal
7. Posthumous Awards para sa
yumaong kagawad – 2 ang tumanggap
Samantala, naging tampok din sa Gabi
ng Parangal ang pagkakaloob ng plake
ng pagkilala kay Bokal Enrique “Boy
Asac” V. Viudez II bilang
pagpapahalaga sa kanya na ngayon ay
nasa kanyang ikatlong termino ng
panunungkulan bilang kagawad ng
Sangguniang Panlalawigan.
3
Ang Legislative Digest ay
inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa aming tanggapan.