Banal na Kasulatan Ang Bibliya o Banal na Kasulatan ay koleksyon ng ibat-ibang mga librong nasusulat noong unang panahon. Nagsimula ito sa salitang BIBLIYA na ang ibig sabihin ay libro. Ito ay nahati sa tatlong bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan at Apocrypha. Ang salitang Tipan ay nagsimula sa salitang Latin na Testamentum, na nangangahulugang kalooban at kasunduan. Lumang Tipan Sa mga Hebreo ang Lumang Tiopan ay nahati sa tatlong bahagi: Ang Batas,Mga Propeta at Kasulatan. Ang mga naunang libro ng Lumang Tipan ay tinatawag na Penteuch. Ang mga librong ito ay nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga kautusan, paglikha sa buong sanlibutan at buhay ni Abraham. Si Abraham kasama ang kanyang pamilya ay naglakbay patungo sa Canaan. Doon ginawa siyang alipin at nakatakas sa pangunguna ni Moises-EXODUS. Sila ay napadpad sa Sinai Peninsula sa gitna ng Mediterranian Sea at Red Sea. Ang mga kwento sa librong ito ay nagpapahiwatig ng mga kabanalan tulad ng paglikha sa sanlibutan, pagbaha, ang templo ng Babel, ang Exodus, ang pagbibigay ng mga batas at kautusan at ang pagbagsak ng mga tao. Ito rin ang nagtataglay ng mga dakilang tula, ang kanta ni Lameh, ang pagbabasbas sa mga Patriarko, ang awit ni Moses at ang bendisyon ni Moises. Nagtataglay din ito ng mga piling tao tulad ni Noah, Abraham, Lot at Jacob. Ipinaliliwanag din dito ang tungkol sa mga lupain at ang Gawain noong una, ang usok at apoy sa bundok Sinai, ang nangyari sa Canaan, ang arko at iba pa. Ang pagiging matapat ng tao ng tao ang nagdala sa kanila sa Lupang Pangako. Bagong Tipan Ito ang nagsasaad ng bagong relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay nasusulat sa panahon noong nagibabaw ang Imperyong Romano
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Banal na Kasulatan
Ang Bibliya o Banal na Kasulatan ay koleksyon ng ibat-ibang mga librong nasusulat noong unang panahon. Nagsimula ito sa salitang BIBLIYA na ang ibig sabihin ay libro. Ito ay nahati sa tatlong bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan at Apocrypha. Ang salitang Tipan ay nagsimula sa salitang Latin na Testamentum, na nangangahulugang kalooban at kasunduan.
Lumang Tipan
Sa mga Hebreo ang Lumang Tiopan ay nahati sa tatlong bahagi: Ang Batas,Mga Propeta at Kasulatan. Ang mga naunang libro ng Lumang Tipan ay tinatawag na Penteuch. Ang mga librong ito ay nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga kautusan, paglikha sa buong sanlibutan at buhay ni Abraham. Si Abraham kasama ang kanyang pamilya ay naglakbay patungo sa Canaan. Doon ginawa siyang alipin at nakatakas sa pangunguna ni Moises-EXODUS. Sila ay napadpad sa Sinai Peninsula sa gitna ng Mediterranian Sea at Red Sea. Ang mga kwento sa librong ito ay nagpapahiwatig ng mga kabanalan tulad ng paglikha sa sanlibutan, pagbaha, ang templo ng Babel, ang Exodus, ang pagbibigay ng mga batas at kautusan at ang pagbagsak ng mga tao. Ito rin ang nagtataglay ng mga dakilang tula, ang kanta ni Lameh, ang pagbabasbas sa mga Patriarko, ang awit ni Moses at ang bendisyon ni Moises. Nagtataglay din ito ng mga piling tao tulad ni Noah, Abraham, Lot at Jacob. Ipinaliliwanag din dito ang tungkol sa mga lupain at ang Gawain noong una, ang usok at apoy sa bundok Sinai, ang nangyari sa Canaan, ang arko at iba pa. Ang pagiging matapat ng tao ng tao ang nagdala sa kanila sa Lupang Pangako.
Bagong Tipan
Ito ang nagsasaad ng bagong relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay nasusulat sa panahon noong nagibabaw ang Imperyong Romano hanggang sa huling panunungkulan ni Haring Herod (37 B.C.) ang mga tagasunod ni Kristo ay tinatawag na Apostoles . Si Jesus ay isang Hudyo na na naninirahan sa Galilea sa hilagang bahagi ng Pales tin. Ang Ilog ng Galilea ang tinutukoy na ilog kung saan napatigil ni Jesus ang isang bagyo. Napaloob din dito ang Sampung Utos ng Diyos na ibinigay kay Moises sa bundok ng Sinai. Para naman sa mga Kristiyano ang bibliya ay buhay na salita ng Diyos . Ang Lumang Tipan ay may 45 o 46 na libro samntalang ang Bagong Tipan ay mayroon lamang 27 libro.
Sa Bagong Tipan ay may apat na ebanghelista sina: Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Ang ebanghelyo kay san Marcos ang naunang isulat. Ito ay isinulat sa Roma. Ang sumunod naming naisulat ay kay San Mateo na isinulat sa Antioch noong 90 B.C. ang ebanghelyo naman ayon kay San Lucas ay naisulat sa Gresya noong 80 B.C. para sa kabutihan ng pinakamataas na sa Theophilus na maaaring mataas na opisyal sa Roma. Ang ebanghelyo ni San Juan ang nagsasaad ng muling pagkabuhay ni Kristo ang sumunod na grupo ay tinatawag na mga propeta,
dahil ito ay nagtataglay ng mga libro ng mga Hudyo sa pakikipag-ugnayan nila sa Diyos. Sina Jerimiah ay isinilang noong panahon ng pagkasira ng Jerusalem. Si Isaiah ang nakasaksi sa naging pag-aaway nina Judah at Assyriah. Si Ezekiel ang tinaguriang tagapagplano ng relihiyong Judaismo dahil sa siya ang nagbigay ng plano sa mga Istraelitas. Ang pangunahing dibisyon ng Lumang Tipan ay ang Miscellaneous. Dito matatagpuan ang mga salmo, koleksyon at ang mga himno, Ang mga tulang gawa ni David, Proveros nanagbibigay ng mga magagandang payo sa pang-araw-araw na buhay . Job kung saan matatagpuan ang kahulugan ng paghihirapng mga tao, Song of Selemon, Ruth –tunay na pagmamahal, Lamentataions- kabiguan ng tao, Ecclesiastes-libro ng kaalaman, Esther nagsasaad ng kasaganaan, Daniel- librong naglalaman ng mga kwentong mga bayani, Chronicles1 and 2, Esrah at Nehomah na nagssalaysay ng kasaysayan ng Israel.
Apocrypha
Nasulat sa pagitan ng 300 at 100 B.C. Sa mga Perotestante at Hudyo ito ay inirerespeto ngunit hindi masyadong pinahahalagahan. Ito ay nagsimula sa unang libro ni Esdras at ang pinakamahalagang bagay na nasulat dito ay ang tungkol sa 3 Guardsmen, na nagpapaliwanag na ang katotohanan ang pinakamatibay na pananggalang sa mundo.
Aklat ng Mga Araw
Ang klasiko ng Confucianismo ay ang apat na libro ng limang klasika. Ang apat na libro ay ang: Analects, Mencius, Dakilang karunungan, at Doktrina ng mga Aba. Ang limang klasika ay ang:Libro ng Tula, Libro ng Kasaysayan, Libro ng Pagbabago, Taunang Tagsibol at pagtuturo habang ang apat na libro ay tala ng mga opinion at teorya ni Confucious. Ang Doktrina ni Aba ay kalimitang inilalarawan ang pilosopiya at kaisipan ng Confucianismo. Ito ay pinakamagandang mapagkukunan ng impormasyon kung gustong matutunan ang tungkol sa pilosopiya ng Confucianismo. Ang Dakilang Karunungan ang una sa apat na libro at ito rin ang unang librong pinag-aralan ang mga batas sa paaralan. Sinasabi rin na ang Doktrina ng Aba at Dakilang Karunungan ay kapakipakinabangan sa mga bata kung sasauluhin habang sila ay bata pa. Ang Dakilang Karunungan ay tumatalakay sa relasyon ng indibidwal at kaayusan ng mundo na ang ibig sabihin ay relasyon sa pagitan ng ethics at pulitika. Ang Mencius ay mayroong pitong kabanata na may pangalan ngunit ito ay mas mabuti sa Analects. Iniisip ng mga tao ang Dynastiyang Han na si Mencius mismo ang sumulat ng libro. Pagkatapos naman ng pananaliksik ng mga iskolar ngayon ay lumalabas na ang estudyante ni Mencius ang sumulat ng libro at inayos lamang ito ni Mencius.Ang libro ni Mencius ay nagpapaliwanag ng pilosopiya ni Confucius. Ang Analects ay isang libro ng mga sipi ni Confusius habang kinakausap niya ang kanyang mga estudyante o mga tao. Ito ay isinulat ng kanyang mga estudyante at 20 kabanata dito ang may pangalan. Hindi gaanong kaayos ang Analects sapagkat ito ay isang simpleng koleksiyon ng mga sipi mula kay Confucius kung saan hindi binanggit kung kailan, saan, bakit, sino at ano ang nangyari pagkatapos. Kung kaya mahirap intindihin ang ibig sabihin nito. Hindi magandang libro ang Analects para pagsimulaan ng pag-aaral tungkol kay Confucious.Ang librong ito ay nangangailangan ng mahabang oras upang maintindihan ang bawat salita at pangungusap.
Ang Libro ng Tula ay naglalaman ng mahigit sa 300 tula kasama ang pinakamatandang tula ng Tsina. Pinasauli ni Confucious mula sa kanyang mga estudyante ang libro dahil gagamitin nya itong material sa kanyang pagtuturo sapagkat naisip niya na kung hindi natin alam ang “poetry” ay hindi tayo marunong magsalita. Naniniwala si Confucious na ang “poetry” ay makatutulong para maintindihan ang katotohanan, palaganapin ang pagkakaisa sa bawat tao at palaganapin ang mas mabuting pag-intindi sa kalikasan. Ang Libro ng ritwal ay tumatalakay sa maatos na porma ng seremonya. Ito ay mayroong 3 bahagi: 1. Ang Ritwal ng Zhou- tumutukoy sa gobyerno ng daynastiyang Zhou: 2. Ceremonya- naglalaman ng mga batas sa pangyayari sa buhay ng mga matataas; 3. Libro ng Ritwal- ito ang pinakamahabang bahagi ng libro na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga alituntunin at mg autos kung paano pamunuanang mga kawal. Ang Libro ng Kasaysayan ay naglalaman ng kasaysayan ng tsina mula sa pinakaunang panahon ng emperador na nagdala ng mga kagamitan ng sibilisasyon sa mga Tsino sa pamamagitan ng dinastiyang Xia, Shang at Zhou. Tinuturing ng mga Tsino na ang kasaysayan ang pinakaimportante dahil sa pagaaral sa nakaraan. Ang Taunang Tagsibol at Taglagas ay isang pahayagan ng mga pangyayari na naganap sa bayan ni Confucious. Ang Libro ng Pagbabago ay libro ng paghihiwalay na nagsasabi ng mangyayari sa hinaharap at intindihin ang pamumuhay ng tao at natural na pangyayari.
Iliad(Iliada)
"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad ng makatang
si Homer para sa kaniyang Iliada. May nakatanim na galit kay Agamemnon ang pangunahing
bayaning si Achilles, sapagkat inagaw ni Agamemnon ang gantimpalang napanalunan ni
Achilles, ang babaeng si Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito nakipaglaban kay
Agamemnon, sa halip sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa kasawian sa loob ng
kaniyang talabing okubol. Sinasabing naging mas naging mainam ang pagkatao ni Achilles dahil
sa kaniyang paghihirap na ito.[1]
Nang nararamdaman ni Agamamenon na nagwawagi ang mga Troyano, inalayan niya ng mga
handog si Achilles at nagmakaawa upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban sa mga
Troyano. Tumanggi si Achilles. Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan lamang si Achilles na
nagmumukmok sa kaniyang kubol. Nang lumaon, pinahuntulot nitong makipaglaban ang
kaniyang matalik na kaibigan si Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles ang sariling baluti.
Napatay si Patroclus ng prinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit, at ikinalungkot din, ni
Achilles ang pagkakapaslang kay Patroclus, kaya't napapayag din siyang makipaglaban sa mga
Trohano. Nagtagumpay si Hector at napatay din niya si Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng
Troy na si Haring Priam si Achilles para magmakaawang ibigay ni Achilles ang katawan ni
Hector. Pumayag si Achilles sapagkat, sa pamamagitan ni Priam, naalala ni Achilles ang sarili
niyang ama. Nagwawakas ang Iliada sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng
labanan sa pagitan ng mga Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na libing
Ang hukbo ni Charlemagne ay nakikipaglaban sa mga Muslim sa Espanya. Ang huling siyudad na hindi pa natatalo ay ang Saragossa na pinamumunuan ni Marsilla. Dahil sa takot ni Marsilla sa pagsalakay ng hukbo,nagpadala siya ng mensahe kay Charlemagne na bibigyan sila ng kayamanan at magpapabinyag ito bilang Kristyano kung babalik ang mga Franks sa Pransya. Si Charlemagne,kasama ng kanyang mga tauhan, ay napapagod na rin sa pakikidigma kaya’t pumayag na din ang mga ito. Kinakailangan na nilang magpadala ng mensahero kay Marsilla. Ang matapang na mandirigmang si Roland ay iminungkahi ang kanyang tiyuhin na si Ganelon.Si Ganelon ay galit na galit.Takot siyang mamatay sa mga kamay ng mga uhaw sa dugong pagano at sinususpetsa nito na ito ay sadyang layunin ni Rolando.Matagal na niyang kinapopootan at kinaiinggitan ang kanyang lalaking anak na panguman. Pagsakay pabalik sa Saragossa,kasama ang mga sugong Sarasen, siya ay nakahanap ng isang pagkakataon para sa paghihiganti. . Siya ay nagmungkahi sa mga Saracens kung paano nila maaaring salakayin ang huling hukbo ni Charlemagne na kung saan ay tiyak na si Rolando ang mamumuno sa pagbabalik ng mga Franks sa Espanya sa pamamagitan ng bundok.
Gaya ng prediksyon ni Rolando,nagtraydor nga si Ganelon kaya’t nagpresinta itong pamunuan ang hukbo. Napili niya sina Olivier at Turpin upang sumama sa kanya.Sinalakay sila ng mga pagano sa Roncevals. Ang mga Kristyano ay nagulat sa dami nila.Inutusan ni Olivier si Rolando na hipan ang sungay ng elepante upang makahingi ng tulong.Ngunit hindi ito sumunod at sinabing hindi nila kailangan ng tulong..Ngunit unti-unting natalo sina Rolando at sila ay nangamatay.
Nang dumating si Charlemagne at ang kanyang hukbo sa labanan,tanging mga bangkay na lamang ang kanilang nadatnan.Dumating si Balignant,pinuno ng Babylonia, sa Espanya upang tulungan si Marsilla. Kasama niya ang maraming Muslim at sinalakay nila ang hukbo ni Charlemagne.Nang mapatay ni Charlemagne si Balignant,nagsitakas ang kanyang mga tauhan. At ngayon,ang Saragossa ay wala ng tagapagtanggol at ito ay sa mga Franks na.
Nadiskubre ng mga Franks ang ginawang pagtatraydor ni Ganelon hanggang dumating ang araw ng paglilitis.Sinabi niya na hindi siya naging matapat sa kanyang bansa kung iyon ay paghihiganti. Sa huli,naparusahan siya ng kamatayan.
Koran
Ang Koran ay ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Naniniwala ang mga Muslim na ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan,at isinaalang-alang ang orihinalna tekstong Arabic,na salita ni Allah,diyos ng mga Muslim na ipinakita kay Muhammad sa panahon ng dalawampu’t tatlong taon at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa sangkatauhan.
Sinasabing si Muhammad ang nagbunyag ng Koran sa pamamagitan ni Jibril. Ang Koran ay isinulat ng mga kasamahan ni Muhammad noong siya ay nabubuhay.Noong 633 A.D.,pinagsama-sama ang mga ito at noong 653 A.D. ay ikinalat na ito sa Emperyong Islam at nagkaroon pa ng marami nito.Ang kasalukuyang Koran ngayon ay ang rebelasyon ng Diyos kay Muhammad ng mga iskolar.
Ang Koran ay naglalaman ng isandaan at labing apat na artikulo na iba-iba ang haba. Ang bawat isang kabanata ay tinatawag na sura.Ito ay hinahati pa sa dalawang kategorya na Meccan at Medinan,depende kung anong mga berso ang maipakita. Ang pamagat ng mga kabanata ay hinango sa mga pangalang tinukoy sa teksto o sa unang letra o salita ng sura.Naniniwala ang mga Muslim na si Muhammad ang nagbigay ng pamagat sa bawat kabanata.Ang mahahabang kabanata ang nauuna samantalang ang maiikli ang nasa huli.Ang pagkakaayos ng mga ito ay walang kinalaman sa pagkakasunod-sunod ng mga rebelasyon.
Ang mga sura ay naglalaman ng mga ayat na ang ibig sabihin ay senyales na ipinadala ng Diyos.Iba’t-iba ang dami ng ayat ang makikita sa bawat sura.Ang isang ayat ay maaaring konting letra lamang o kaya linya.Iba ang ayat o berso sa mga matataas na uri ng tula ng mga Arabo sa nilalaman at sa mga pagkakatugma.
Meron ding paghahati sa tatlumpung parte na tinatawag na ajza. Ang bawat isa any naglalaman ng dalawang yunit na tinatawag na ahzab na nahahati pa rin sa apat na bahagi(rub’al-ahzab).Nahahati rin ito sa pitong istasyon(manazil).
Ang Koran ay walng simula,gitna at katapusan.Ang instraktura nito ay hindi pantay-pantay.Ang mga nakasulat ditto ay hindi tapos,walang pinakatema at pag-uulit.Labing apat na letrang Arabic ang bumubuo sa labing apat na magkakaibang grupo ng Qur’anic Initials” at panlaping dalawampu’t siyam na surah sa Koran. Ang ibig sabihin ng mga ito ay hindi alam ng mga Muslim. Noong 1974,Si Rashad Khalifa ay nagsasabing nakadiskubre siya ng koda ng matematika base sa numerong 19,na hindi naman napapaloob sa sura ng Koran.
Ang mga Muslim ay naniniwalang ang Koran ay gabay nila sa pamumuhay at kinokonsidera nila ang mga nakasulat ditto ay siyang sinabi ng Diyos sa kanila.Ang konsepto ng mga Kristyano sa rebelasyon ay ito’y nangangahulugan na ang Diyos ay naging tao at namuhay sa mundo pero ito ay kakaiba sa Islam.Sa Islam,ang kanilang konsepto ay ang Diyos ay tumatawag ng indibidwal na siyang maglalahad ng kanyang mga mensahe.Ang tawag sa prosesong ito ay tanzil o nuzul.
Uncle Tom's Cabin
Ang Uncle Tom's Cabin ay nagsimula sa usapan sa pagitan nina G.Shelby at G. Haley na nagbebenta ng alipin.Tinatalakay nila kung ilang alipin pa ang kailangan ni G. Shelby para mapawi ang kanyang utang.Napagdesisyunan niya na ibenta si Tom,ang kanyang matapat na alalay at si Harry, ang anak ng paboritong katulong ng kanyang asawa,si Eliza.
Narinig ni Eliza na ang kaniyang anak ay naipagbili napagdesisyunan ng kumuha sa kanya dalhin siya sa Canada nang gabing iyon. Mas maaga sa araw na iyon, ang kanyang asawang si George Harris ay ipinaalam sa ang kanyang plano na tatakas siya sa kanyang amo at magkikita sila sa Canada.
Nang makatakas si Eliza,sinundan siya ni G.Haley at muntik na siyang mahuli.Nakatakas siya sa Ohio sa pamamagitan ng pagtawid sa ilog sa tulong ng isang bloke ng yelo.Pinasundan siya ni G.Haley sa mga tagahuli at bumalik siya para kay Tom.Hindi tumakas si Tom para sa kanyang among si G.Shelby.Umalis sina Tom at G.Haley patungong Timog.At sa kanilang paglalakbay,iniligtas ni Tom ang isang batang babae mula sa pagkalunod.Nagpasiya ang ama ng bata na bilhin si Tom para maging alalay ng kanyang anak.Maswerte si Tom dahil ang nakabili sa kanya ay ang ama ng bata,Augustine St. Clare, ay itinatrato ng maasyos ang kanyang mga alagad.Ang batang babae na si Eva ay mabait din sa kanyang mga alagad.Kabaligtaran naman ito ng kanyang ina na si Marie St Clare na mga luho lamang niya ang iniisip.
Lumaki si Tom na kinagigiliwan ang batang si Eva.Pinaguusapan nila ang kanilang pananampalatayang Kristyanismo.Nabago ni Eva ang buhay ng isang batang alipin na nagngangalang Topsy. Naturuan din niyang bumasa ang isa pang alipin na si Mammy.
Nang malapit ng mamatay si Eva,ipinatawag niya ang lahat ng kanyang mga alipin upang pangaralan ng mga salita ng Diyos.Binigyan niya ang mga ito ng hibla ng kanyang kulot na buhok upang maalala nila si Eva. Namatay si Eva sa sakit na tuberculosis.
Samantala, Si Eliza at ang kanyang asawang si George ay nagtagpo sa isang kampo Kweiker. Mula doon,matagumpay silang nakatakas papuntang Canada.
Sa bahay ng mga St Clare,si Augustine St Clare ay nalulungkot sa pagkamatay ng kanyang anak na si Eva gayun din lahat ng kanyang mga alipin.Ipinangako ni St Clare ang kalayaan ni Tom.Ngunit bago pa amn matapos ni St Clare ang mga papeles,siya ay napatay.Naipagbili si Tom kasama pa ng iba pang mga alipin.
Nabili si Tom ni Simon Legree, isang masama at marahas na tao na pinagtatrabaho ang kanyang mga alipin hanggang sila ay mamatay,pagkataposn ay bumibili ng bagong alipin.Sa kabila ng ugali ni Legree,nanatiling matapat sa kanya si Tom.Pilit binabago ni Legree ang ugali niTom upang gamitin siya bilang isang tagapamahala sa mga plantasyon, ngunit si Tom ay tumangging baguhin ang kanyang ugali kahit gaano kahirap o kung gaano kadalas siya pinapahirapan.
Hinikayat ni Tom ang dalawang babaeng alipin na tumakas .Sa kanilang pagtakas,pinarusahan ni Legree si Tom hanggang siya ay mamatay.Pagkalipas ng ilang araw,dumating ang anak ng dating amo ni Tom.Pumunta doon si George Shelby upang tubusin ang kalayaan ni Tom.Ngunit huli na siya.Inilibing na lamang niya si Tom.
Ang dalawang babaeng alipin na nakatakas sa bahay ni Legree,sina Cassy at Emmeline, ay nakasakay sa parehong barko na sinasakyan ni George Shelby.Isinalaysay ni Cassy ang kanyang kuwento sa kaniya,sa paniniwalang ang puso ni George ay malambot sa kalagayan ng tumakas na alipin. Isa pang babae sa barko sa lalong madaling panahon ay nagsalaysay ng kanyang kuwento kay George , at napagtanto na siya ay kapatid ni George Harris, nabili siya sa timog sa pang-aalipin maraming mga taon na ang nakalipas .
Isinalaysay ni George Shelby na si George Harris at ang kanyang asawang si Eliza ay parehong nakatakas sa Canada. Si Cassy pagkarinig ng kuwento,ay napagtanto na anak niya si Eliza.
Ang dalawang babae ay naglakbay patungo sa Canada na magkasama at napasamang muli sa kanilang mga pamilya. Kahit na ang buhay ni Tom ay natapos sa trahedya, maraming alipin ang nagtamo ng kaligayahan sa gitna ng mga alipin na mga nakaligtas at nakatakas sa mga pagsubok at hirap ng pang-aalipin, alinman sa pamamagitan ng palayain o sa pamamagitan ng pagtakas sa Canada.
Divina Comedia
Ang Divina Comedia na sinulat ni Dante Alighieri noong kalagitnaan ng 1308 at 1321,ito ang sinasabing pinakasentral na epiko ng panitikan ng Italya.Ito ay binubuo ng 14,233 linya.Ang mga linyang ito ay nahahati sa tatlong canticas-ang inferno,purgatorio at paraiso.Ang bawat isa ay naglalaman ng 33 cantos.Ang unang canto ay nagsisilbing panimula ng tula na dumagdag sa mga cantos kaya naging 100.
Ang tula ay nasa unang panauhan at nagsasaad ng paglalakbay ni Dante sa tatlong estado na patutunguhan ng mga patay.Si Virgil ay ang taong kasama niya sa impyerno ay purgatoryo at si Beatrice naman sa paraiso.Si Beatrice ay ang pinangarap na babae ni Dante.
Ang Divine Comedy ay isa sa mga pinakadakilang tula sa kasaysayan.Dito,napagsama-sama ni Dante ang temang relihiyoso,politikal at pilosopikal.Sa Italy,ang komedya ay isang simpleng kwento na tumatalakay sa malungkot na panimula at masayang katapusan.Ito ay may mas mababang kaanyuhan kaysa trahedya.Sa tulang ito,talagang lumabas ang galing ni Dante sa paglalarawan ng bawat canto.Ang pag-iisa sa iba’t-ibang uri ng tema at istilong gumawa sa komedya na walang pinipiling panahon na obra maestra.
Isang Libo’t Isang Gabi
Ang pinakapaksa ng kwentong ito ay ang isang hari at ang kanyang mapapangasawa.Ang hari na si Sharyar ay nagpapakasal at pagkatapos ay kanyang pinapatay ang kanyang asawa.Dumating ang pagkakataon na wala ng mahanap na maaaring mapangasawa ng hari ang vizier.Napagdesisyunan ng anak ng vizier na siya na lamang ang magpapakasal sa hari.Ngunit ayaw pumayag ng vizier.Sa sumunod na araw ay nagpakasal na nga ang hari at ang anak ng vizier.Ang babaeng ito ay nagngangalang Scheherazade.Gumawa ng paraan si Scheherazade upang hindi siya patayin ng hari.Tuwing gabi,nagkukwento siya sa hari ngunit hindi niya ito tinatapos.Napilitan tuloy ang hari na hindi siya patayin upang matapos ang kwento. Sa sumunod na gabi ay natapos na ang kwento kaya’t nagsalaysay na naman siya ng bagong kwento.Sa sumunod na gabi ay hindi pa rin mapatay ng hari ang kanyang asawa sa kagustuhang marinig ang buong kwento.Patuloy ang ganitong pangyayari hanggang abutin siya ng isang libo't isang gabi. . Mga tradisyonal ang mga kuwento at nagmula sa maraming bahagi ng Gitnang Silangan at Dulong Silangan. Nasa Arabe ang unang nakasulat na kopya na nagawa noong mga 1000 AD. Kabilang sa mga kuwento ang Sindbad ang Mandaragat atAladdin.
Ang Mahabharata ay ginawa sa pagitan ng 300 B.C at 300 A.D. Ito ang pinakamahabang epiko sa mundo ng panitikan.Binubuo ito ng 100,000 dalawang linyang taludtod.Maikukumpara ito sa walong beses na haba ng Iliad at Odyssey ni Homer at tatlong beses ng sa bibliya.Ayon sa bersyon ng Narasimhan,apat na libong linya lamang ang may kaugnay sa kwento.Sa madaling salita,Ang Mahabharata ay kaparehas ng mahabang paglalakbay na maraming daan.
Ang salitang Mahabharata ay nangangahulugang dakilang Bharata.Si Bharata ay ninuno nina Pandavas at Kuaravas na naglaban.Ang salitang Mahabharata ay tumutukoy rin sa mga Indian.Kaya minsan ay iniuugnay ang Mahabharata sa “ang Dakilang Istorya ng Indya”.Ang epikong ito ay nahahati sa 18 libro.
Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi nito.
Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto ng Hinduismo, mitolohiyang
Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag
naHarvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa labinwalong mga
bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan o mga parva - mga aklat -
ang mga bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:
Isang pangyayaring may pagsusuyuan saMahabharata, sa pagitan nina Ravi Varma-Shantanu at
Satyavati.
Parva (Aklat)
Pamagat Mga nilalaman
1 Adi-parvaPagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga prinsipe.
2 Sabha-parvaBuhay sa korte, ang larong betu-beto o dais [2] , at pagpapalayas sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at korte (ang sabha), at Indraprastha.
3Aranyaka-parva (o Vanaparva, Aranyaparva)
Labindalawang taong pagtigil (na hindi nakababalik pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya).
4 Virata-parvaIsang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil sa korte ng Virata.
5 Udyoga-parva Mga paghahanda para sa digmaan.
6 Bhishma-parvaAng unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na komandante ng mga Kaurava si Bhishma.
7 Drona-parva Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.
8 Karna-parva Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.
9 Shalya-parva Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante.
10 Sauptika-parvaNaglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng mga nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang natutulog (Sauptika).
11 Stri-parvaIpinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga kababaihan (mga stri) ang mga yumao.
12 Shanti-parvaAng pagpuputong ng korona kay Yudhisthira, at ang mga utos sa kaniya mula kay Bhishma
13 Anusasana-parva Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma.
14 Ashvamedhika-parvaAng maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa ni Yudhisthira.
15 Ashramavasika-parvaLumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.
16 Mausala-parvaAng panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na may gamit na mga pamalo[2] (mga mausala).
17 Mahaprasthanika-parvaUnang bahagi ng daan patungong kamatayan (mahaprasthana, "dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid niyang lalaki
18 Svargarohana-parvaNagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa (svarga).
19 Harivamsha Buhay ni Krishna.
Narito ang ilan sa mga tauhan ng Mahabharata:
Vyasa Tagapaglahad ng kwento at ama nina Pandu at Dhritarasha.
Gandhari Asawa ni Dhristarasha.
Dhristarasha Isang bulag na hari:ama nina Duryodhana at Kauravas.
Ang Aklat ng mga patay ay mas kilala sa tawag na Spells of Coming.Ito ay ang paglalarawan sa konsepto ng mga Ehipsyo sa buhay pagkatapos mamatay.Ang aklat na ito ay nakasulat sa papiro at nilalagay sa mga kabaong.
Ang titulong Aklat ng mga Patay ay ginawa ni Karl Richard Lepsius.Nang una itong madiskubre,napagkamalan itong bibliya ng mga Ehipsyo.Kaiba sa bibliya,ang librong ito ay walang rebelasyon at walang mga kaugnayan sa mga rebelasyon ng Diyos. Ang librong ito ay produkto ng mahabang proseso ng ebolusyon mula sa pyramid text ng Old Kingdom hanggang sa coffin text ng New Kingdom.Ang isang katlo ng mga kabanatabay hinango sa coffin texts. Ang Aklat ng mga Patay ay hinango sa The Book of Breathings ngunit ang librong ito ay nananatiling popular hanggang sa panahon ng mga Romano.
El Cid Campeador
Simula noong labindalawang siglo,ang alamat ni El Cid ay napalathala na.Ang librong ito ay naglalaman ng tungkol sa buhay ni El Cid at ng pagsakop niya sa Pransya.Ang totoong pangalan ni El Cid ay Rodrigo Diaz.Ipinanganak siya sa Vivar sa lumang Kristyanong kaharian ng Castilla. Naging tanyag siya sa kanyang mga taktika ng pamumuno.Mas kilala siya ng mga kaaway niya sa ngalang El Cid na nangangahulugang “aking panginoon”.
Ang kabataan ni El Cid at ang kanyanf pagmamahal sa babaeng si Jimena ang naging paksa ng Romanceros.Ang maikling tulang ito ay base sa El Cid Campeador.Ang librong El Cid Campeador ay tumutukoy sa naging buhay ni El Cid at ang naging karanasan niya sa pagsalakay sa Pransya.
Canterbury Tales
Ang Canterbury Tales ay koleksyon ng mga kwentong isinulat ni Geoffrey Chaucher noong ikalabing-apat na siglo.Ang mga kwento,na ang iba ay orihinal at ang iba ay hindi,ay ikinwento ng mga naglalakbay sa relihiyosong paglalakbay simula Southwark hanggang Canterbury para bisitahin ang dambana ni Saint Thomas Becket at ang Canterbury Cathedral.Sinasabi ng iba na hinango ito sa The Decameron na nabasa ni Chaucer noong una siyang bumisita sa Italya.
Noong Abril,isang grupo ng dalawampu’t siyam na manlalakbay ay nagkaroon ng relihiyosong paglalakbay mula London hanggang Canterbury upang magbigay respeto sa dambana ni Saint Thomas Becket at Canterbury Cathedral.Ang grupo ay binibuo ng mga taong may iba’t ibang disposisyon sa buhay.Kapag tumitigil ang mga manlalakbay tuwing gabi,magtatalaga ang kanilang pinuno ng magsasalaysay ng kwento kinabukasan sa paglalakbay.Ang manlalakbay na ito ay kinakailangang magsalaysay ng apat na kwento,dalawa papuntang Canterbury at dalawa ulit pabalik.Ang may pinakamagandang kwento na mapipili ng pinuno ay ililibre ng mga kasamahan ng hapunan.Ang bawat istorya ay maaaring maging repleksyon ng posisyon nila sa buhay at ang ilan naman ay gusto lamang magpatawa.Walang napili ang pinuno sa huli dahil kakaunting manlalakbay pa lamang ang nakapagsasalaysay nang mamatay si Chaucer. Nais sana ni Chaucer na makasulat ng 124 na kwento pero namatay siya na 22 lang ang kanyang nagawa.Dalawa pang kwento ang nasimulan ngunit hindi natapos.Narito ang iulan sa mga kwento:
The Knights Tale Ito ang pinakaunang kwento sa Canterbury TalesTungkol sa dalawang magpinsan na parehas umibig sa isang dalaga at sila ay naglaban para makuha ang pag-ibig ng dalaga.
The Miller’s Tale Tungkol sa isang mag-aaral na si Nicholas at si Alison.Nais ni Nicholas na makasamang matulog si Alison
The Reeve’s Tale Tungkol sa karahasan,kabastusan at panggagahasa sa anak at asawa ni Symkyn.Ito ang pang-insulto sa kwento ng maggigiling.
The Cook’s Tale Hindi ito natapos at binubuo lamang ng 58 na linya.Tungkol sa katulong na si Perkyn na mahilig mag-inom.
The Man of Law’s Tale Tungkol sa babaeng Kristyano na ipakakasal sa isang sultan kung ang sultan ay magigiong Kristyano.Hindi pumayag ang ina nito kaya’t binigyan nito ng mga pagsubok ang babae.
The Wife of Bath’s Tale Ito ang isa sa pinakamagandang kwento sa Canterbury Tales na nagbibigay halaga sa mga babae noong Middle Ages.
The Friar’s Tale Isinalaysay ni Hubert na nagsasaad ng tungkol sa pagsira sa isang opisyal sa korte na pinipilit ang mga taong pumunta doon.
The Summoner’s Tale Sumasalungat sa The Friar’s Tale.
The Clerk’s Tale Ito ay kaparehas ng The Story of Griselda.Tungkol sa katapatan ni Griselda sa asawa sa kabila ng mga pagsubok.
The Merchant’s Tale Sinasabing meron itong impluwensya ng The Decameron.Tungkol sa mag-asawang May at Januarie at Damyan.
The Squire’s Tale Ito ay isa rin sa mga kwentong hindi tapos.Romantikong epiko na kung natapos ay mas mahaba pa sa pinagsama-samang kwento.
The Franklin’s Tale Tungkol sa pag-iibigan ni Arveragus na isang kabalyero at Dorigen.
The Physician’s Tale Tungkol sa relasyon ng anak sa ama.The Romance of the Rose ang naging inspirasyon ni Chaucer sa pagsulat nito.
The Pardoner’s Tale Tungkol sa isang grupo ng lasinggero na nais patayin si Kamatayan na sinisisi dahil sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.
The Shipman’s Tale Tungkol sa mag-asawa at isang monghe
The Prioress’s Tale Sumunod ito sa The Shipman’s Tale.Ito ay istorya ng isang batang martir na pinatay ng mga Jews.
The Tale of Melibee Pangalawang kwentong isinalaysay ni Chaucer.Mahaba ito kaya’t sinasabing nakakabagot pakinggan.
The Monk’s Tale Koleksyon ito ng labinwalong maiikling kwento.Ang pinakapaksa nito ay trahedya.
The Nun’s Priest’s Tale Ito’y isang pabula na gumagamit ng iba’t ibang uri ng hayop na nagpapakita ng iba’t ibang ugali ng tao.
The Second Nun’s Tale Ito ay nagsasalaysay tungkol kay Saint Cecilia.
The Canon’s Yeoman’s Tale
The Manciple’s Tale Tumatalakay kay Phoebus na mahal na mahal ang asawa kaya’t nagawa nitong ikulong ito sa bahay.
The Parson’s Tale Ito ang pinakahuli sa lahat.Ito rin ang pinakamahaba sa lahat.Hindi maikukunsiderang isang tula o kwento dahil ito ay isang prosa.
ANG MGA AKDANG
PAMPANITIKANG
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIGInihanda ni: Radie R. Colendra IV-A Inihanda para kay: Gng.Violeta Huerto