Top Banner
MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN
17

MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

Oct 25, 2015

Download

Documents

Lory Alvaran

Mga gawain ng iba't-ibang ahensya o kagawaran sa Pilipinas
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

Page 2: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG EDUKASYON (DEPARTMENT

OF EDUCATION O DEPED)

Nangangalaga sa kalagayan ng edukasyon ng bansa

Page 3: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG KALUSUGAN (DEPARTMENT

OF HEALTH O DOH

Nangangalaga sa kalusugan at kalinisan ng mamamayan.

Page 4: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG PAGSASAKA (DEPARTMENT

OF AGRICULTURE O DA

Nagbibigay serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda para sa mas maunlad na produksiyon at sa tama, matipid at maingat na paggamit sa ating pinagkukunang yaman.

Page 5: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG PAGGAWA AT EMPLEO (DEPARTMENT

OF LABOR AND EMPLOYMENT O DOLE

Ipinapatupad ng ahensyang ito ang Kodigo sa Paggawa ng Pilipinas. Sinusuri at pinapatnubayan ang pamamalakad sa mga opisina o kompanya sa kanyang mga kawani.

Page 6: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG KALAKALAN AT INDUSTRIYA

(DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY O DTI)

Ang ahensyang nagtitiyak sa kaayusan at kaligtasan ng mga mamimili laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Page 7: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN

AT PAGPAPAUNLAD ( DEPARTMENT OF SOCIAL

WELFARE AND DEVELOPMENT O DSWD)

Nagkakalinga sa mga kapuspalad, biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan

Page 8: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG TANGGULANG PAMBANSA

(DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE O DND)

Naglalayong ipagtanggol ang bansa laban sa mga nanggugulo at dayuhang terorista.

Page 9: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG KAPALIGIRAN AT LIKAS NA YAMAN (DEPARTMENT OF

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES O

DENR)Nangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman nito

Page 10: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG GAWAING PANLOOB AT

PAMAHALAANG LOKAL (DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT O

DILG)Naglalayong pangalagaan ang katahimikan sa loob ng bansa

Page 11: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG HUSTISYA (DEPARTMENT OF JUSTICE O

DOJ)

Naglalayong ipatupad ang batas at ibigay ang hustisya sa dapat magkamit nito

Page 12: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG TURISMO (DEPARTMENT OF TOURISM

O DOT)

Nagtataguyod ng turismo ng bansa

Page 13: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG PAMBANSANG PAGGAWA AT LANSANGAN ( DEPARTMENT

OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAY O DPWH)

Nangangasiwa sa pagmimintina ng daan o kalsada, tulay at iba pang imprastraktura.

Page 14: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

KAGAWARAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

(DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY DOST)

may tungkulin sa koordinasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiya sa Pilipinas, magsagawa ng mga patakaran at mga proyekto sa mga larangan ng agham at teknolohiya bilang pagtataguyod ng kaunlarang pambansa.

Page 15: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

may tungkulin na mamahala sa pagpapabuti ng relasyon ng pilipinas sa iba't-ibang bansa. Ito rin ang nangangasiwa sa mga gawain ng mga embahador ng pilipinas sa ibat ibang bansa at sa mga pandaigdigang samahan. Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan ng mga pilipino sa ibang bansa.

KAGAWARAN NG UGNAYANG PANLABAS

(DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS O DFA)

Page 16: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

Anong ahensya ang kaugnay ng sumusunod?_______ 1. Nais mag-aplay sa pagmimina sa gubat._______ 2. Labis na sa tamang edad para sa ika-apat na baitang._______ 3. Malawakang pagkakaroon ng influenza o trangkaso._______ 4. Nagkakaroon ng malawakang pagkasira ng mga pananim dulot ng baha_______ 5. Pag-aklas ng mga manggagawa dahil sa hindi makatarungang pagsususpindi._______ 6. Paghingi ng resibo sa bawat biniling kalakal.

Page 17: MGA AHENSYA O KAGAWARAN NG PAMAHALAAN.pptx

_______ 7. Paglusob ng mga terorista na ikinabahala ng marami._______ 8. Hinostage ng isang lalaki ang mag-anak sa kanilang tahanan._______ 9. Pagtayo ng tulay upang maging maunlad ang isang lugar_______ 10. Pagpapakita ng magagandang tanawin ng bansa._______ 11. Nakahuli ng sawang buhay ang mga tao ng isang barangay._______ 12. Paagbigay ng serbisyo na maunlad na pagsasaka.