Top Banner
METODO Modyul 8
14

Metodo

Feb 21, 2017

Download

Education

Kedamien Riley
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Metodo

METODOModyul 8

Page 2: Metodo

Kabanata 3: Metodolohiya ng

Pananaliksik

Page 3: Metodo

Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano isinagawa ang pag-aaral tulad ng paglalarawan sa disenyong ginamit sa pananaliksik, mga kalahok, lugar na pinagdausan ng pananaliksik, instrumentong ginamit at kung paano ito ginamitan ng istatistikal na paglalapat.

Page 4: Metodo

Disenyo ng Pananaliksik

nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

Page 5: Metodo

Mga Pangunahing Disenyo ng

Pananaliksik1. Palarawang pananaliksik o deskritiboAng mga kaganapan sa pag-aaral na ginagamitan ng palarawang pananaliksik ay kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing. Layunin ng ganitong disenyo na sisitematikong mailarawan ang sitwasyon at kundisyon nang makatotohanan at buong katiyakan. Ito ay binubuo ng obserbasyon, pagsasagawa ng sarbey, panayam, standardized tests at case studies.

Page 6: Metodo

Mga Pangunahing Disenyo ng

Pananaliksik2. Pangkasaysayang Pananaliksik o historikal

Ang pokus sa ganitong disenyo ay sa pag-aaral sa mga nakaraang pangyayari na iniuugnay sa pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon. Layunin nitong maitama o maiayos ang mga pangyayari mula sa nakaraan patungo sa kasalukuya at sa hinaharap.

Page 7: Metodo

Mga Pangunahing Disenyo ng

Pananaliksik3. Pananaliksik Eksperimental

Ang disenyong ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng sanhi at bunga ng isang baryabol.

Page 8: Metodo

RespondenteTinutukoy kung ilan, paano at bakit sila napili sa serbey

Page 9: Metodo

Paraan ng Pagpili ng Kalahok

1. Random Sampling – pagkakapatay-pantay ng oportunidad upang gumawa ng mga sample.

2. Cluster Sampling- hahatiin ang populasyon sa cluster at mamimili ang mananaliksik kung ilang cluster ang kukunin batay sa research

3. Statefied Sampling- hinahati ng mananaliksik ang populasyon sa mga subgroups (isang grupo na binubuo ng mga miyembro magkakatango sa lipunan)

4. Multi-stage Sampling-binabatay ang sampling na nahahati sa ilang yugto.

Page 10: Metodo

Instrumento ng Pananaliksik

• Inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. • Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

Page 11: Metodo

Pamamaraan ng pangongolekta ng

datosMay limang pangunahing pamamaraan ng paglikom ng

mga datos; ang pagpapasya sa kung anong pamamaraan ang gagamitin o pipiliin ay nararapat na ibatay sa

suliranin at sa pagnanais ng mananaliksik na maging katiwa-tiwala at balido ang mga datos.

Page 12: Metodo

1.Pagmamasid o Obserbasyonang mga mananaliksik ay nagmamasid sa lugar ng kanyang pananaliksik. Ang pamamaraang ito ay maaaring gamitin sa mga imbestigasyong palarawan o eksperimental, ngunit hindi sa pag-aaral na pangkasaysayan.2.Pakikipanayam o Interbyukawili-wili at kapanapanabik na gawain ng pagkuha ng mga impormasyon sa tulong pagtatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa ginagawang pananaliksik.3.Silid-aklatan o laybrariMula sa mga aklatan, ang lahat ng mga kabatirang kailangan sa mga aklat, babasahin, peryodiko, magasin at iba pang sanggunian ay matatagpuan dito ng mananaliksik.

Page 13: Metodo

4. InternetPinakamalaki at pinakamalawak na gamitin ng kompyuter network; pinag-uugnay nito ang milyung-milyong mga kompyuter sa buong mundo.Ilang paraan ng pagkuha ng impormasyon mula sa internet.

Email-pagpapalitan ng sulat na hindi na ngangailangan ng selyo at hindi na kailangan pang maghintay ng ilang lingo para sa kasagutan nito.

Riserts at Balita- mga website o search engines sa pagkuha ng mga impormasyon o datos.lipon ng mga naksaulat na tanong ukol sa isang paksa, inihanda at ipinasagot sa layuning makakuha ng mga sagot at opinion mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik. Napakahalagang instrument sa pangangalap ng impormasyon.

Ang bawat talatanungan ay kinakailangang may kalakip na sulat, na magalang na humihingi ng kooperasyon mula sa respondent na magbigay ng tamang impormasyon ikatatagumpay ng pananaliksik.

Page 14: Metodo

Dalawang uri: 1. Bukas na talatanungan

binubuo lamang ng mga tiyak na katanungan.2. Saradong talatanungan

kadalasang ginagamit dahil ang bawat tanong na nakasulat dito ay may kalakip na mga sagot na pagpipilian ng mga kalahok.

Ang isang talatanungan ay kinakailangang:a. Maikli hangga’t maaarib. Malinis at presentablec. Naglalaman ng mahalagang paksad. Simple, at hindi maligoy at abot sa pang-unawa ng respondent e. Tama ang pagkakabuo ng mga pangungusap