Top Banner
MENSAHE NG DIYOS SA ATIN SA PAMAMAGITAN NI JEREMIAS
194

Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Feb 03, 2018

Download

Documents

nguyenliem
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ˇ Ano ang kaugnayan ng mgaisinulat ni Jeremias sa mgatao ngayon?

ˇ Anong mga aral ang matututu-han mo sa aklat ng Jeremias?

MENSAHE NG DIYOS SA ATINSA PAMAMAGITAN NI

JEREMIAS

Page 2: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ˇ Ano ang kaugnayan ng mgaisinulat ni Jeremias sa mgatao ngayon?

ˇ Anong mga aral ang matututu-han mo sa aklat ng Jeremias?

MENSAHE NG DIYOS SA ATINSA PAMAMAGITAN NI

JEREMIAS

Page 3: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ANG AKLAT NA ITO AY KAY

MENSAHE NG DIYOS SA ATINSA PAMAMAGITAN NI

JEREMIAS

Page 4: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

˘ 2010Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania

All Rights Reserved

Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

MGA TAGAPAGLATHALAWatchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

Brooklyn, New York, U.S.A.

Inilimbag Marso 2016

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ngpambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob

na mga donasyon.

Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

Photo Credits: ˇ Pages 54-55: Jucal seal and Gedaliah seal: Gabi Laron/Institute ofArchaeology/Hebrew University ˘ Eilat Mazar

God’s Word for Us Through JeremiahTagalog (jr-TG)

Made in JapanGawa sa Japan

Page 5: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Kabanata Pahina

1 “Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig” � � � � � � 4

2 Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” � � � � � � � 14

3 “Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito” � � � � � � � � � � � � � 32

4 Mag-ingat sa Mapandayang Puso � � � � � � � � � � � � � � � � � 43

5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? � � � � � � � � 54

6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang Tinig ni Jehova” � � � � � � � � � � 67

7 “Bibigyang-Kasiyahan Ko ang Kaluluwang Pagod” � � � � � � 81

8 Ikaw Ba’y “Mananatiling Buh´ay” Gaya ni Jeremias? � � � � 92

9 Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Parasa Iyong Sarili” � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 103

10 Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaansi Jehova?” � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 114

11 “Mga Pastol na Kaayon ng Aking Puso” � � � � � � � � � � � � 128

12 “Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilalasa Akin?” � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 140

13 “Ginawa ni Jehova Kung Ano ang NasaKaniyang Isip” � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 154

14 Makikinabang Ka sa Bagong Tipan � � � � � � � � � � � � � � � 168

15 Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias � � � � � � � � � � 182

MGA NILALAMAN

Page 6: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“MAY kaibigang mas malap´ıt pa kaysa sa isang kapatid.”

(Kaw. 18:24) May ganiyan ka bang kaibigan? Makapagtiti-wala ka sa sinasabi ng isang tunay na kaibigan. Kapag maymaganda siyang sinasabi o kaya’y ipinapaliwanag ang ga-gawin niya, pinaniniwalaan mo iyon. Kapag pinayuhanka niya, malamang na makinig ka kasi alam mong gus-to niyang mapabuti ka. At siyempre, iyon din ang gagawinmo alang-alang sa kaniya para magtagal ang pagkakaibi-gan ninyo.

2 Ganiyang-ganiyan din ang mga lalaking ginamit ngDiyos para isulat ang mga aklat ng Bibliya. Mapagtitiwa-laan mo ang sinasabi nila. Alam mong para sa ikabubutimo iyon. Ganiyan sana ang nadama ng mga Israelitanoon sa ‘mga tao na nagsalita mula sa Diyos habang gi-nagabayan ng banal na espiritu.’ (2 Ped. 1:20, 21) Sa mgapropetang inatasan ng Diyos na sumulat ng aklat ng Bi-bliya, si Jeremias ang sumulat ng pinakamahabang aklat.Siya rin ang sumulat ng Mga Panaghoy at dalawa pangaklat.

3 Gayunman, maaaring may mga nagbabasa ng Bibliyana nagsasabing ‘hindi para sa kanila’ ang mga isinulat niJeremias. Baka iniisip nila na ang Jeremias at Mga Panag-

1, 2. Bakit mapagtitiwalaan ang mababasa mo sa Bibliya?3, 4. Ano ang tingin ng ilang tao sa aklat ng Jeremias at Mga Panag-hoy? Bakit maling isipin iyon? Ilarawan.

KABANATA 1

“INILAGAY KO ANG AKINGMGA SALITA SA IYONG BIBIG”

4

Page 7: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

hoy ay puro lang nakakatakot na babala at malalagim naprediksiyon.� Pero ganoon nga kaya?

4 Oo, prangka nga ang mga isinulat ni Jeremias, perohindi ba ganiyan din minsan ang tunay na kaibigan?Ganiyan si Jesus sa kaniyang mga kaibigang apostol. Pi-nagsabihan niya sila sa maling saloobin nila. (Mar. 9:33-37) Ngunit sa kabuuan, positibo ang mensahe ni Je-sus. Itinuro niya kung paano tayo mapapalap

´ıt sa Diyos at

magiging maligaya sa hinaharap. (Mat. 5:3-10, 43-45) Ga-niyan din ang mensahe ni Jeremias, na bahagi ng “lahatng Kasulatan” na kapaki-pakinabang sa “pagtutuwid ngmga bagay-bagay.” (2 Tim. 3:16) Walang-takot na inihayagni Jeremias ang pananaw ng Diyos sa mga nag-aangkinglingkod Niya, na karapat-dapat sa masaklap na bungang kanilang kasamaan. Gayunman, nagbibigay ng pag-asa ang aklat ng Jeremias at Mga Panaghoy. Sinasabi nitokung paano tayo pagpapalain sa hinaharap. Humula rin siJeremias tungkol sa gagawin ng Diyos para matupad angKaniyang layunin, at sangkot tayo sa mga katuparan nito.Mapapatibay ka rin sa positibong mensahe ng dalawangaklat na ito.—Basahin ang Jeremias 31:13, 33; 33:10, 11; Pa-naghoy 3:22, 23.

5 Tutulong sa atin ang isinulat ni Jeremias na ma-ging maligaya ngayon at sa hinaharap kasama ngbayan ng Diyos. Halimbawa, makakatulong ito paralalo tayong magkaisa bilang magkakapatid at maikapitang payo ni apostol Pablo: “Mga kapatid, patuloy ka-yong magsaya, maibalik sa ayos, maaliw, mag-isip nang

� May mga wika na gumagamit ng salitang jeremiad na nangangahu-lugang “mapanuligsang reklamo” o “mariing pagbatikos.” Isang doku-mentaryo tungkol sa pagbabago sa klima at kapaligiran ang kinomentu-han ng The Washington Post at binansagang “inconvenient jeremiad.”

5. Paano tayo makikinabang sa mga isinulat ni Jeremias?

“Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig” 5

Page 8: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

magkakasuwato, mamuhay nang mapayapa; at angDiyos ng pag-ibig at ng kapayapaan ay sasainyo.” (2 Cor.13:11) Isa pa, malaki ang kaugnayan ng mga isinulat niJeremias sa mensaheng ipinangangaral natin. Bagamannangangaral tayo tungkol sa mga huling araw at nagba-babala sa nalalapit na wakas ng sistemang ito, positibopa rin ang ating mensahe dahil nagbibigay ito ng pag-asa. Praktikal din sa pang-araw-araw na buhay ang mgaisinulat ni Jeremias. Karamihan sa naranasan niya at ni-lalaman ng kaniyang mensahe ay katulad ng kalagayanng buhay natin ngayon. Para maunawaan ito, pag-isipanang kalagayan at atas ng huwarang propetang si Jere-mias. Sinabi sa kaniya ng Diyos: “Narito, inilagay ko angaking mga salita sa iyong bibig.”—Jer. 1:9.

6 Pinag-iisipan ng mag-asawang malapit nang magkaa-nak ang kinabukasan ng kanilang sanggol. Magiging anokaya siya paglaki niya? Anokaya ang mga hilig niya,pangarap, at mararating sabuhay? Malamang na inisipdin iyan ng mga magulangmo. At siguradong ganiyandin ang mga magulang niJeremias. Pero di-pangkara-niwan ang kaso niya. Bakit?Ang mismong Maylalangng uniberso ang interesa-do sa magiging buhay atgawain ni Jeremias.—Basa-hin ang Jeremias 1:5.

6, 7. Bakit natin masasabi na in-teresado ang Diyos kay Jeremias?Ano ang kalagayan noong isilang siJeremias?

6 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 9: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

7 Oo, bago pa isilang si Jeremias, nakita na ni Jehovana magagampanan nito ang gawain ng isang propeta. In-teresado Siya sa paglaki ng batang ito na magmumula saangkan ng mga saserdote sa hilaga ng Jerusalem. Mga ka-lagitnaan ng ikapitong siglo B.C.E. noon; hindi magandaang kalagayan sa Juda dahil sa masamang pamamaha-la ni Haring Manases. (Tingnan ang pahina 19.) Halossa buong 55-ta

´ong paghahari ni Manases, ginawa niya ang

masama sa paningin ni Jehova. At ganoon din ang pama-mahala ng anak niyang si Amon. (2 Hari 21:1-9, 19-26)Pero malaki ang nagbago nang maghari si Josias. Hina-nap niya si Jehova. Sa ika-18 taon ng kaniyang paghahari,nalinis na ni Josias ang bansa mula sa idolatriya. Sigura-dong ikinatuwa ito ng mga magulang ni Jeremias. Noongmga panahong iyon inatasan ng Diyos ang kanilang anak.—2 Cro. 34:3-8.

PUMILI ANG DIYOS NG TAGAPAGSALITA8 Hindi natin alam kung ilang taon si Jeremias nang sa-

bihin sa kaniya ng Diyos: “Ginawa kitang propeta sa mgabansa.” Malamang na mga 25 anyos siya noon, ang edadna puwede nang magsimulang maglingkod ang isang sa-serdote. (Bil. 8:24) Pero sinabi niya: “Ay, O SoberanongPanginoong Jehova! Narito, hindi nga ako marunongmagsalita, sapagkat ako ay isang bata lamang.” (Jer.1:6) Si-guro iniisip niyang napakabata pa niya o hindi niya kayaang ganoon kalaking responsibilidad, pati na ang magsali-ta sa publiko bilang isang propeta.

8. Anong atas ang ibinigay kay Jeremias? Ano ang naging reaksiyonniya?

Bakit kapaki-pakinabang na pag-aralan ang aklat ng Jeremiasat Mga Panaghoy?

“Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig” 7

Page 10: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

9 Inatasan si Jeremias noong panahong nililinis ni Ha-ring Josias ang bansa mula sa idolatriya at itinataguyodang tunay na pagsamba. Hindi natin alam kung gaano ka-dalas nagkausap o nagkasama sina Jeremias at Josias, peroang sitwasyon noon ay malinaw na pabor sa isang tunayna propeta. Naglingkod din sa Juda sina Zefanias at Na-hum noong mga unang taon ng paghahari ni Josias.� Angpropetisa namang si Hulda ay humula na magkakaroonng malagim na pangyayari sa bansa, at naranasan ni Jere-mias ang katuparan ng mga iyon. (2 Hari 22:14) May mgapagkakataon ngang kinailangan siyang iligtas ng mga kai-bigan niyang sina Ebed-melec at Baruc mula sa kamay ngnagngingitngit na mga kaaway.

10 Ano kaya ang magiging reaksiyon mo kung ata-san ka ng Diyos na maghatid ng mabigat na mensahe?(Basahin ang Jeremias 1:10.) Kumuha lang tayo ngisa sa matitinding mensaheng inihayag ni Jeremias. No-ong 609 B.C.E., umaabante na ang puwersa ng Babilonyapatungong Jerusalem. Umaasa si Haring Zedekias ng ma-gandang mensahe mula sa Diyos sa pamamagitan niJeremias. Pero kabaligtaran ang mensahe ng Diyos para sahari.—Basahin ang Jeremias 21:4-7, 10.

ISANG TAO RIN GAYA NATIN11 Ano ang gagawin mo kung atasan kang maghatid

ng mabibigat na hatol laban sa masasamang hari, mgatiwaling saserdote, at bulaang propeta? Ginawa iyan ni Je-

� Kasabayan din ni Jeremias ang mga propetang sina Habakuk, Oba-dias, Daniel, at Ezekiel. Mga 40 taon nang naglilingkod si Jeremias nangmawasak ang Jerusalem noong 607 B.C.E., at nabuhay pa siya nang ma-higit 20 taon pagkatapos noon.

9, 10. Ano ang sitwasyon nang atasan si Jeremias bilang propeta? Bakitnaging mahirap ang atas na ito nang maglaon?11. Bakit malamang na nahirapan si Jeremias sa kaniyang atas? Paanosiya pinatibay ng Diyos?

8 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 11: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

remias. Tinulungan siya ng Diyos, at tutulungan Niya rintayo. (Jer. 1:7-9) Buo ang tiwala ni Jehova sa kabataang siJeremias at pinatibay niya ito: “Ginawa kitang isang naku-kutaang lunsod at isang haliging bakal at mga pader natanso laban sa buong lupain, sa mga hari ng Juda, sa kani-yang mga prinsipe, sa kaniyang mga saserdote at sa bayanng lupain. At tiyak na makikipaglaban sila sa iyo, ngunithindi sila mananaig laban sa iyo, sapagkat ‘Ako ay sumasa-iyo,’ ang sabi ni Jehova, ‘upang iligtas ka.’”—Jer. 1:18, 19.

12 Hindi naman superman si Jeremias. Ordinaryong taorin siya gaya natin. At kahit noon pa siya nabuhay, angmga naranasan niya ay katulad din ng nararanasan na-tin ngayon. Iba’t ibang uri ng tao ang nakakaharap natinaraw-araw, maging sa kongregasyon. Ganiyan din noon siJeremias. Marami tayong matututuhan kay Jeremias tung-kol sa mga ito. Gaya ni propeta Elias, siya rin ay “isangtaong may damdaming tulad ng sa atin.” (Sant. 5:17) Pag-isipan ang ilang aral na makukuha natin mula sa buhay niJeremias.

13 Sa buhay, hindi maiiwasan ang problema, hindi ba?Pinagdaanan din iyan ni Jeremias. Minsan, sinaktan siyang prominenteng saserdote na si Pasur at inilagay sapangawan. Ilang oras na nakabaluktot ang katawan ni Je-remias dahil nakaipit ang mga paa’t kamay niya, pati naang leeg niya, sa pangawan. Hindi lang sakit ng katawanang inabot niya. Nakatikim pa siya ng masasakit na salitamula sa mga mananalansang. Kung ikaw iyon, kakayaninmo kaya?—Jer. 20:1-4.

14 Kaya maiintindihan natin kung bakit nasabi ni Jere-mias: “Sumpain ang araw ng aking kapanganakan! . . .Bakit pa ako lumabas mula sa bahay-bata upang makakita

12. Bakit natin masasabi na may pagkakatulad tayo kay Jeremias?13, 14. Bakit maiintindihan ng mga Kristiyano ang nadama ni Jeremiasnoong pahirapan siya ni Pasur, gaya ng makikita sa pahina 10?

“Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig” 9

Page 12: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ng pagpapagal at pamimighati at ang aking mga araw aymagwakas lamang sa kahihiyan?” (Jer. 20:14-18) Talagangnanlumo siya. Ikaw, minsan ba pakiramdam mo’y walakang halaga, wala kang pakinabang, o na wala nang da-hilan para magpatuloy ka sa paglilingkod? Kung ganoon,mapapatibay ka kapag nalaman mo ang mga naranasan niJeremias at kung paano niya ito nalampasan.

15 Matapos magsalita ang propeta tungkol sa pag-awitat pagpuri kay Jehova, pamimighati na ang binabanggitniya sa Jeremias 20:14-18. (Basahin ang Jeremias 20:12,13.) Ikaw, mabilis din bang magbago kung minsan angdamdamin mo? Napakasaya mo tapos bigla kang pang-

15. Bakit tayo makikinabang kung pag-aaralan natin ang naging dam-damin ni Jeremias?

Anong aral ang matututuhan mo mula sa pag-aatas ni Jehovakay Jeremias? May pagkakapareho kaya kayo ni Jeremias?

10

Page 13: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

hihinaan ng loob? Makikinabang tayo kung pag-aaralannatin ang karanasan ni Jeremias. Kitang-kita na ang na-dama niya noon ay gaya rin ng nadarama natin ngayon.Kaya may matututuhan tayo sa naging damdamin at pag-kilos ng lalaking ito na lubusang ginamit ng Maylalangbilang kaniyang tagapagsalita.—2 Cro. 36:12, 21, 22; Ezra1:1.

16 May isa pang bagay na maaaring pareho kayo ni Je-remias. Ano iyon? Binigyan siya ng Diyos ng kakaiba atdi-birong utos: Huwag mag-asawa. (Basahin ang Jeremias16:2.) Bakit hindi siya pinag-asawa ni Jehova, at ano angnaging reaksiyon niya? Ano ang matututuhan dito ngmga kapatid na walang asawa, pinili man nila ito o hindi?May matututuhan ba ang mga mag-asawang Saksi mula sasinabi ng Diyos kay Jeremias? At paano naman ang mgamag-asawang walang anak? Paano makakatulong sa iyoang ulat na ito?

17 May pagkakataon na namanhik si Jeremias sa naka-luklok na hari sa Juda: “Sundin mo, pakisuyo, ang tinigni Jehova sa bagay na sinasalita ko sa iyo, at mapapabu-ti ka, at ang iyong kaluluwa ay mananatiling buh

´ay.” (Jer.

38:20) Napakagandang halimbawa nito may kinalaman sapakikitungo sa iba, maging sa mga hindi pa kumikilalakay Jehova na maaari nating tulungan. Maganda ring tula-ran natin ang pakikitungo ni Jeremias sa mga masunurinsa Diyos. Oo, marami tayong matututuhan kay Jeremias.

ANO ANG MAAASAHAN SA AKLAT NA ITO?18 Matutulungan ka ng aklat na ito na masuri at makina-

bang sa mga aklat ng Bibliya na Jeremias at Mga Panaghoy.

16. Sinu-sino ang makakakuha ng aral sa hindi pag-aasawa ni Jeremias?17. Ano ang matututuhan natin sa sinabi ng propeta sa Jeremias 38:20?18, 19. Sa anu-anong paraan mapag-aaralan ang aklat ng Jeremias atMga Panaghoy?

“Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig” 11

Page 14: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Paano? Sumulat si apostol Pablo: “Ang lahat ng Kasulatanay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo,sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdi-disiplina sa katuwiran.” (2 Tim. 3:16) Kasama sa mga itoang Jeremias at Mga Panaghoy.

19 Siyempre, maraming paraan para pag-aralan angaklat ng Jeremias at Mga Panaghoy. Halimbawa, puwedenatin itong suriin nang talata-por-talata, na inaalam angdetalye o kahulugan ng bawat talata. Maaari din na-mang tingnan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mgatao at mga pangyayari noong panahon ni Jeremias sa mgatao at kaganapan sa ngayon. (Ihambing ang Jeremias 24:6, 7; 1 Corinto 3:6.) Ang isa pang paraan ay pag-aralan angkasaysayan at mga pangyayaring inilalahad sa dalawangaklat na ito. (Jer. 39:1-9) Sa katunayan, kailangan natin

12 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 15: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ang ilan sa mga impormasyong iyon para maging ka-paki-pakinabang ang pagsusuri natin sa Jeremias at MgaPanaghoy. Kaya ang Kabanata 2, “Naglilingkod sa ‘HulingBahagi ng mga Araw,’” ay tutulong sa atin na makita angmga kalagayan noong panahon ni Jeremias at kung paanominaniobra ng Diyos ang mga bagay-bagay.

20 Pero ang pangunahing layunin ng aklat na ito ay tu-lungan tayong pahalagahan ang aklat ng Jeremias at MgaPanaghoy bilang kaloob mula sa Diyos na makakatu-long sa mga Kristiyano sa ngayon. (Tito 2:12) Mula samga aklat na ito, makikita natin ang iba pang imporma-syon na “kapaki-pakinabang sa pagtuturo.” Nagbibigayito ng praktikal na mga payo at halimbawa na tutulongsa atin na mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay—ikaw man ay may asawa o wala, elder, payunir, nagha-hanapbuhay, maybahay, o estudyante. Sa pamamagitanng dalawang aklat na ito ng Bibliya, tutulungan tayo ngDiyos na ‘masangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.’—2 Tim. 3:17.

21 Habang pinag-aaralan mo ang bawat kabanata ngaklat na ito, suriin ang mga punto na mapapakinaba-ngan mo. Tiyak na makikita sa aklat ng Jeremias at MgaPanaghoy ang puntong isinulat ni Pablo: “Ang lahat ngbagay na isinulat noong una ay isinulat sa ating ikatu-tuto, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sapamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magka-roon tayo ng pag-asa.”—Roma 15:4.

20. Paano tayo matutulungan ng aklat na ito na pahalagahan ang Jere-mias at Mga Panaghoy?21. Bakit ka mananabik na pag-aralan ang aklat na ito?

Ano ang maaari mong matutuhan sa aklat ng Jeremiasat Mga Panaghoy kung tungkol sa iyong pang-araw-arawna buhay?

“Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig” 13

Page 16: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“ANO ang nakikita mo?” ang tanong ng Diyos sa bagong-atas na propeta. “Isang palayok na maluwang ang bibigna hinihipan ang nakikita ko,” ang sagot ng kabataang siJeremias, “at ang bibig nito ay palayo sa hilaga.” Ipina-hihiwatig ng pangitaing iyan kung anong uri ng mensaheang ihahatid ni Jeremias. (Basahin ang Jeremias 1:13-16.)Ang makasagisag na palayok ay hinihipan, hindi para pala-

1, 2. (a) Anong pangitain ni Jeremias ang nagpapahiwatig ng mensa-heng ihahatid niya? (b) Bakit ka dapat maging interesado sa mensahe niJeremias?

KABANATA 2

NAGLILINGKOD SA “HULINGBAHAGI NG MGA ARAW”

Page 17: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

migin, kundi upang pagningasin pa ang apoy sa ilalim nito.Oo, inihuhula ni Jehova na may kapahamakan, tulad ngnakakapasong likido, na ibubuhos sa lupain ng Juda dahilsa kanilang kataksilan. Bakit kaya nakatagilid patimog angbunganga ng palayok? Dahil ang kapahamakan ay mangga-galing sa hilaga—doon magmumula ang Babilonya nasasalakay sa kanila. At gayon nga ang nangyari. Nasaksihanni propeta Jeremias ang sunud-sunod na pagbubuhos ngkapahamakan mula sa kumukulong palayok, na human-tong sa pagkawasak ng Jerusalem.

2 Oo, wala na ang Babilonya, pero napakahalagangmaging interesado ka sa makahulang mga mensahe ni Jere-mias. Bakit? Dahil nabubuhay ka sa “huling bahagi ng mgaaraw” kung kailan marami ang nag-aangking Kristiyano;pero sila at ang kani-kanilang relihiyon ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. (Jer. 23:20) Subalit gaya ni Jeremias, ikawat ang mga kapuwa mo Saksi ay nangangaral hindi lamangng mensahe ng paghatol kundi ng pag-asa.

3 Malamang na noong mga huling taon ng pagliling-kod ni Jeremias, idinikta niya ang kaniyang ulat sa isangkalihim, imbes na isulat ang mga kaganapan habangnangyayari ang mga ito. (Jer. 25:1-3; 36:1, 4, 32) Hindi kro-nolohikal ang ulat dahil isinulat ito ni Jeremias ayon sapaksa. Kaya mas mainam na may alam ka sa mga pang-yayaring saklaw ng ulat ng Jeremias at Mga Panaghoy, patina ang pagkakasunud-sunod ng mga ito. Tingnan ang chartsa pahina 19. Kung alam mo kung sino ang hari sa Judasa isang partikular na panahon at, sa ilang kaso, magingang mga kaganapan sa loob at labas ng Juda, mas mai-intindihan mo kung bakit ganoon ang sinabi o ginawa niJeremias. At mas makikinabang ka sa mensahe ng Diyos saKaniyang bayan sa pamamagitan ni Jeremias.

3. (a) Ano ang pagkakaayos ng mga ulat sa aklat ng Jeremias? (b) Anoang isasaalang-alang sa Kabanata 2 ng aklat na ito?

Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” 15

Page 18: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MGA KALAGAYAN NOONG PANAHON NI JEREMIAS4 Maligalig ang panahon noong naglilingkod si Jeremias

bilang propeta. Nag-aagawan noon sa kapangyarihan angAsirya, Babilonya, at Ehipto. Mga 93 taon bago magingpropeta si Jeremias, tinalo ng Asirya ang sampung-tribongkaharian ng Israel sa hilaga at ipinatapon ang marami samga mamamayan nito. Ipinagtanggol noon ni Jehova angJerusalem at ang tapat na hari nitong si Hezekias mula samga Asiryano. Malamang na pamilyar ka sa makahimalangpagpuksa ng Diyos sa 185,000 kalabang sundalo. (2 Hari19:32-36) Isa sa mga anak ni Hezekias ay si Manases.Malamang na sa panahon ng 55-taong paghahari ni Mana-ses isinilang si Jeremias. Hawak noon ng Asirya ang Juda.—2 Cro. 33:10, 11.

5 Isinulat ni Jeremias ang mga aklat ng 1 at 2 Hari, at bi-nanggit dito na muling itinayo ni Manases ang matataasna dakong ibinagsak ng kaniyang ama. Nagtayo si Mana-ses ng mga altar para kay Baal at sa mga hukbo ng langit,maging sa mismong templo ni Jehova. Nagbubo si Mana-ses ng maraming dugong walang sala. Ultimong anak niyaay inihandog niya sa diyus-diyosan bilang haing sinusu-nog! “Ginawa niya nang lansakan ang masama sa paninginni Jehova.” Dahil sa talamak na kasamaan, itinakda ngDiyos ang Jerusalem at Juda sa kapahamakan, gaya ng sina-pit ng Samaria at Israel. (2 Hari 21:1-6, 12-16) Pagkamatayni Manases, ang anak naman niyang si Amon ang nagingpromotor ng idolatriya. Pero mag-iiba ang hihip ng hangin.Pagkaraan ng dalawang taon, pinaslang si Amon. Pumalitsa trono ang kaniyang walong-taong-gulang na anak na siJosias noong 659 B.C.E.

6 Naghari si Josias sa loob ng 31 taon, at sa loob ng pana-hong iyon, nauungusan na ng Babilonya ang Asirya. Nakita

4-6. Ano ang kalagayan ng bayan ng Diyos noong mga dekada bago ma-ging propeta si Jeremias?

16 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 19: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ni Josias na ito ang pagkakataon para makalaya ang Juda sapaniniil ng mga banyaga. Di-tulad ng kaniyang ama at lolo,naging tapat si Josias kay Jehova at gumawa ng malalakingreporma sa pagsamba. (2 Hari 21:19–22:2) Noong ika-12taon ng paghahari ni Josias, giniba niya ang matataas nadako, sagradong poste, at imahen ng mga diyus-diyosan sabuong kaharian, at sa kalaunan, iniutos niyang kumpuni-hin ang templo ni Jehova. (Basahin ang 2 Cronica 34:1-8.)Noong ika-13 taon ng paghahari ni Josias (647 B.C.E.) ina-tasan si Jeremias bilang propeta ng Diyos.

7 Habang kinukumpuni ang templo noong ika-18 taonng paghahari ng mabuting haring si Josias, natagpuan ngmataas na saserdote ang “mismong aklat ng kautusan.” Ini-utos ng hari sa kaniyang kalihim na basahin ito. Natanto niJosias ang kamalian ng kaniyang bayan. Sumangguni siyakay Jehova sa pamamagitan ni propetisa Hulda, at hini-mok ang kaniyang mga sakop na sundin ang mga utos ngDiyos. Sinabi ni Hulda kay Josias na magpapasapit si Jeho-va ng “kapahamakan” sa mga taga-Juda dahil sa kanilangkawalang-katapatan. Pero dahil sa sigasig ni Josias sa tunayna pagsamba, hindi mangyayari ang kapahamakang iyonsa panahon niya.—2 Hari 22:8, 14-20.

8 Ipinagpatuloy ni Josias ang kaniyang kampanya parailigpit ang idolatriya. Sinuyod niya maging ang mga da-ting teritoryo ng kaharian ng Israel sa hilaga, at ibinagsakang mataas na dako at altar sa Bethel. Nagsaayos din siyang napakalaking pagdiriwang ng Paskuwa. (2 Hari 23:4-25)

7, 8. (a) Ano ang pagkakaiba ng paghahari ni Josias sa pamamahalanina Manases at Amon? (b) Anong uri ng tao si Josias? (Tingnan ang ka-hon sa pahina 20.)

Kung isa kang propeta noong panahon ni Jeremias, ano kayaang madarama mo?

Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” 17

Page 20: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Siguradong ikinatuwa ito ni Jeremias! Pero mahirap bagu-hin ang mga tao. Sinanay sila ni Manases at Amon sakarima-rimarim na idolatriya, kaya napakahina ng kani-lang espirituwalidad. Bagaman may mga reporma si Josias,inutusan ng Diyos si Jeremias na ipamukha sa mga Judio naang mga diyus-diyosan nila ay kasindami ng kanilang mgalunsod. Ang mga kababayan ni Jeremias ay parang isangtaksil na asawa—iniwan nila si Jehova at nagpatutot, osumamba, sa ibang mga diyos. Inihayag ni Jeremias: “Nag-lagay kayo ng mga altar na kasindami ng mga lansangan saJerusalem para sa kahiya-hiyang bagay, mga altar na pagha-handugan ng haing usok para kay Baal.”—Basahin angJeremias 11:1-3, 13.

9 Walang epekto sa mga Judio ang mensahe ni Jeremias,at wala ring tigil ang mga nakapalibot na bansa sa pag-aagawan ng kapangyarihan. Noong 632 B.C.E., sinakop ngmagkaalyadong puwersa ng mga Babilonyo at Medo angNineve, ang kabisera ng Asirya. Pagkalipas ng tatlong taon,sumaklolo ang hukbo ni Paraon Neco ng Ehipto sa mgaAsiryano. Bagaman hindi binabanggit ng Bibliya kung ba-kit sinikap ni Josias na itaboy pabalik sa Megido ang hukbong mga Ehipsiyo, dito siya malubhang nasugatan na ikina-matay niya. (2 Cro. 35:20-24) Ano kaya ang magigingepekto ng trahedyang ito sa pulitika at relihiyon sa Juda?At anong mga bagong hamon ang naghihintay kay Jere-mias?

MGA PAGBABAGO SA JUDA10 Alam mo bang napakalungkot ni Jeremias nang ma-

matay si Josias? Napighati siya nang husto anupat

9. Ano ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa noong mga hulingtaon ng paghahari ni Josias?10. (a) Ano ang pagkakatulad ng panahon natin ngayon sa panahonpagkamatay ni Josias? (b) Bakit ka makikinabang kung pag-aaralan moang halimbawa ni Jeremias?

18 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 21: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

nanambitan para sa hari.(2 Cro. 35:25) Talaga namangkritikal ang panahong iyon.Namemeligro ang Juda da-hil sa pag-aagawan ng Ehipto,Asirya, at Babilonya sa kapang-yarihan. At pagkamatay niJosias, muling nasadlak angJuda sa idolatriya. Mula noon,naging mahirap na ang sit-wasyon para kay Jeremias.Sa ngayon, marami rin ta-yong nararanasang pagbabago—malaya tayo ngayon, bukas-makalawa pinag-uusig na tayoat ipinagbabawal ang gawain.Hindi natin alam kung sinosa atin ang malalagay sa gano-ong sitwasyon. Ano kaya anggagawin natin? Paano kayatayo makapananatiling tapat?Makakatulong sa atin angpagtalakay sa mga hamong na-pagtagumpayan ni Jeremias.

11 Iniluklok ng mamamayanng Juda ang anak ni Josias nasi Jehoahaz, na kilala rin bi-lang Salum. Tatlong buwanlang siyang namahala dahilpinatalsik siya ni Paraon Necopagkatapos nitong makipagla-ban sa mga Babilonyo, at dinala

11. Ano ang nangyari sa Juda pagka-matay ni Josias?

Paglilingkod ni Jeremias

660B.C.E.

650

640

630

620

610

600

590

580

Manases

Amon 661

Josias 659

Inatasan siJeremias

c. 647

Winasakang Nineve

632

Jehoahaz 628(tatlong buwan)

Jehoiakim 628

Jehoiakin 618(tatlong buwan)

Zedekias 617

Winasak angJerusalem

607

Page 22: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Pagkamatay ng ama ni-yang si Amon, naging haring Juda si Josias sa edadna walo. Sa edad na 15, pi-nasimulan niyang hanapinsi Jehova at “lumakad siyasa lahat ng daan ni Davidna kaniyang ninuno.” Saedad na 19, sinimulan ni-yang linisin ang Juda atIsrael mula sa huwad napagsamba at pinagdudu-rog ang mga idolo. Saedad na 25, ipinakumpu-

ni niya ang templo ni Jehova.—2 Hari 21:19–22:2; 2 Cro.34:2-8.

Habang kinukumpuni ang templo, natagpuan angaklat ng Kautusan, malamang na ang mismong isinulatni Moises, at binasa ito kay Josias. Nagpakumbaba siya,hinapak ang kaniyang kasuutan, at tumangis. Ipinaba-sa ni Josias ang aklat sa harap ng mga saserdote, Levita,at sa buong nasasakupan niya, ang malalaki at malili-it. Ayon sa ulat, nakipagtipan ang hari “upang lumakadsa pagsunod kay Jehova at upang tuparin ang kaniyangmga utos . . . nang kaniyang buong puso at nang ka-niyang buong kaluluwa.” Pagkatapos, pinag-ibayo pani Josias ang kampanya para alisin ang huwad na pag-samba. Nagdaos din siya ng isang napakalaking Pas-kuwa para kay Jehova, na walang katulad mula noongmga araw ni Samuel.—2 Cro. 34:14–35:19.

JOSIAS—HULINGMABUTING HARI

NG JUDA

Page 23: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

siya sa Ehipto. Inihayag ni Jeremias na ‘hindi na babalik’ang hari. (Jer. 22:10-12; 2 Cro. 36:1-4) Pinaupo ni Neco satrono si Jehoiakim, anak din ni Josias. Malayung-malayo siJehoiakim sa kaniyang ama. Sa halip na ipagpatuloy ang re-porma ni Josias, ibinalik niya ang idolatriya.—Basahin ang2 Hari 23:36, 37.

12 Nang maghari si Jehoiakim, pinapunta ni Jehova si Je-remias sa templo para hayagang kondenahin ang Juda dahilsa kanilang kasamaan. Palibhasa’y naroon ang templo niJehova, iniisip ng mga Judio na walang masamang mangya-yari sa kanila. Pero kung hindi sila titigil sa “pagnanakaw,pagpaslang at pangangalunya at pagsumpa nang may kabu-laanan at paggawa ng haing usok para kay Baal at pagsunodsa ibang mga diyos,” iiwan ni Jehova ang kaniyang templo.Itatakwil niya ang mapagpaimbabaw na mga sumasambaroon, gaya ng pagtatakwil niya sa tabernakulo sa Shilo no-ong panahon ng mataas na saserdoteng si Eli. Ang lupainng Juda ay “magiging isang wasak na dako.” (Jer. 7:1-15, 34;26:1-6)� Isip-isipin ang lakas ng loob na kailangan ni Jere-mias para ihayag ang mensaheng iyan! Malamang na mgaprominente at maiimpluwensiyang tao ang nakabangganiya. Kailangan din ng mga kapatid natin ngayon ng lakasng loob para makapagpatotoo sa lansangan o makipag-usapsa mayayaman at importanteng tao. Pero ito ang tandaannatin: Siguradong tutulungan tayo ni Jehova, kung paa-nong tinulungan niya si Jeremias.—Heb. 10:39; 13:6.

13 Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga lider ngrelihiyon sa Juda sa mensahe ni Jeremias? Ayon sa ulat mis-mo ng propeta, “sinunggaban [ako] ng mga saserdote at

� Iniisip ng ilan na iisa ang tinutukoy na pangyayari sa Jeremias 7:1-15at 26:1-6 dahil sa pagkakatulad ng nilalaman nito.

12, 13. (a) Ano ang lagay ng espirituwalidad ng Juda noong pasimulang paghahari ni Jehoiakim? (b) Paano tinrato ng mga Judiong lider ngrelihiyon si Jeremias?

Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” 21

Page 24: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: ‘Ikaw aytiyak na mamamatay.’” Nanggagalaiti sila. “Nararapat sa la-laking ito ang hatol na kamatayan.” (Basahin ang Jeremias26:8-11.) Pero hindi nanaig ang mga kaaway ni Jeremias. SiJehova ay nasa likod ng propeta. Hindi nagpasindak si Jere-mias sa mga kaaway, kahit marami pa sila. At magagawa morin iyan.

Ano ang pagkakaiba ng mga kalagayan noong panahon ngpaghahari nina Manases, Amon, at Josias? Anong aral angmatututuhan mo sa pagharap ni Jeremias sa kaniyangmabigat na atas?

22 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 25: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“ISULAT MO . . . ANG LAHAT NG MGA SALITA”14 Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim, si-

nabi ni Jehova kay Jeremias na isulat ang lahat ng salitana sinalita ni Jehova sa kaniya mula noong panahon ni Jo-sias. Kaya idinikta ni Jeremias sa kalihim niyang si Barucang lahat ng sinabi sa kaniya ng Diyos sa nakalipas na 23taon. Sangkot sa kaniyang mensahe ng paghatol ang mga20 hari at kaharian. Inutusan ni Jeremias si Baruc na basa-hin nang malakas ang balumbong ito sa bahay ni Jehova.Bakit? “Marahil yaong mga nasa sambahayan ni Juda aymakikinig sa lahat ng kapahamakan na iniisip kong gawinsa kanila,” ang sabi ni Jehova, “upang sila ay manumbalik,bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, at sa gayon aymapatawad ko nga ang kanilang kamalian at ang kanilangkasalanan.”—Jer. 25:1-3; 36:1-3.

15 Nang basahin ng isang opisyal ng korte ang balumbonkay Jehoiakim, sinira at sinunog iyon ng hari. Pagkatapos,iniutos niyang kunin sina Jeremias at Baruc. “Ngunit ini-ngatan silang nakakubli ni Jehova.” (Basahin ang Jeremias36:21-26.) Sa sobrang sama ni Jehoiakim, inihayag ni Je-hova sa pamamagitan ng kaniyang propeta na ang hari ayililibing gaya ng “paglilibing sa asnong lalaki.” Siya ay ‘ka-kaladkarin at itatapon sa labas ng mga pintuang-daan ngJerusalem.’ (Jer. 22:13-19) Sa tingin mo, hindi kaya sobranaman ang pagkakalarawan ni Jeremias sa hulang ito?

16 Hindi naman puro mensahe ng kapahamakan angdala ni Jeremias. May mensahe rin siya ng pag-asa. Ililig-tas at ibabalik ni Jehova ang isang nalabi ng Israel sakanilang sariling lupain upang manirahan doon nang ti-wasay. Makikipagtipan sa kanila ang Diyos ng isang tipan

14, 15. (a) Anong gawain ang pinasimulan ni Jeremias at ng kalihimniyang si Baruc noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim?(b) Anong uri ng tao si Jehoiakim? (Tingnan ang kahon sa pahina 25.)16. Anong magandang mensahe ang inihayag ni Jeremias?

Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” 23

Page 26: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

na “bago” at “namamalagi nang walang takda.” Isusulatniya ang kaniyang kautusan sa kanilang puso. Patatawarinniya sila at hindi na uungkatin ang kanilang mga kasa-lanan. Bukod diyan, isang inapo ni David ang ‘maglalapatng katarungan at katuwiran sa lupain.’ (Jer. 31:7-9; 32:37-41; 33:15) Matutupad ang mga hulang ito pagkaraan ngmga dekada at mga siglo, at apektado tayo nito pati na angating walang-hanggang kinabukasan. Pero noong pana-hon ni Jeremias, patuloy ang paglalabanan ng mga kaawayng Juda.—Basahin ang Jeremias 31:31, 33, 34; Hebreo 8:7-9;10:14-18.

ANG PAGBANGON NG BABILONYA17 Noong 625 B.C.E., nagsagupaan ang mga Babilonyo

at Ehipsiyo sa Carkemis, malapit sa Ilog Eufrates, mga600 kilometro sa hilaga ng Jerusalem. Tinalo ni Haring Na-bucodonosor ang puwersa ni Paraon Neco. Noon nagwakasang kapangyarihan ng Ehipto sa rehiyon. (Jer. 46:2) Nangmakontrol na ni Nabucodonosor ang Juda, ginawa ni-yang alipin si Jehoiakim. Pero pagkaraan ng tatlong taonng pagiging basalyo ni Jehoiakim, nagrebelde ito. (2 Hari24:1, 2) Noong 618 B.C.E., nilusob ni Nabucodonosor atng kaniyang hukbo ang Juda at pinalibutan ang Jerusalem.Isip-isipin kung gaano kahirap ang panahong iyon, magingpara sa propeta ng Diyos na si Jeremias. Lumilitaw na nama-tay si Jehoiakim habang kinukubkob ang Jerusalem.� Ang

� Sinasabi ng Daniel 1:1, 2 na ibinigay si Jehoiakim sa kamay ni Na-bucodonosor noong ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim, lumili-taw na ikatlong taon ng pagiging basalyo nito. Kaya maaaring namatayang hari noong panahon ng pagkubkob na tumapos sa rebelyon. Iniu-lat ni Josephus na pinatay ni Nabucodonosor si Jehoiakim at basta nalang ipinahagis ang bangkay nito sa labas ng pader ng Jerusalem. Perohindi iniulat ng Bibliya kung paano natupad ang hula tungkol sa kama-tayan ni Jehoiakim.—Jer. 22:18, 19; 36:30.

17, 18. Ano ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa noong mgahuling taon ng paghahari ni Jehoiakim at noong maghari si Zedekias?

24 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 27: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Si Jehoiakim ay 25 anyosnang maluklok sa trono, atmga 11 taon siyang nag-hari sa Juda. Sa 2 Croni-ca 36:5-8, iniulat na hindilang masama ang ginawaniya, kundi “mga kari-ma-rimarim na bagay.”Binale-wala ni Jehoiakimang mga babala ni Jere-mias, at naging talamak

ang kawalang-katarungan, pangingikil, at pagpaslang.Nang ihayag ng propetang si Urias ang mensaheng tu-lad ng sinalita ni Jeremias, pinatay ni Jehoiakim si Urias.Lumilitaw na namatay ang hari noong kinukubkob ngBabilonya ang Jerusalem.—Jer. 22:17-19; 26:20-23.

JEHOIAKIM—HARING PUMATAY

NG PROPETANI JEHOVA

anak niyang si Jehoiakin ay sumuko sa mga Babilonyo ma-tapos ang tatlong buwan lamang na paghahari. Sinimot niNabucodonosor ang yaman ng Jerusalem at dinalang bihagsi Jehoiakin, ang mga pamilya ng hari at ng mga taong ma-hal ng Juda, ang mga mandirigma ng bansa, at ang mgabihasang manggagawa. Kabilang sina Daniel, Hananias,Misael, at Azarias sa mga binihag.—2 Hari 24:10-16; Dan. 1:1-7.

18 Iniluklok ngayon ni Nabucodonosor ang isa pang anakni Josias, si Zedekias, bilang hari ng Juda. Siya ang magiging

Page 28: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

huling makalupang hari mula sa angkan ni David. Nagwa-kas ang kaniyang paghahari nang mawasak ang Jerusalemat ang templo nito noong 607 B.C.E. (2 Hari 24:17)Pero sa loob ng 11-taong paghahari ni Zedekias, punong kaligaligan at tensiyon ang Juda. Talagang walang ibangmasasandalan si Jeremias kundi ang Isa na nag-atas sa kani-ya bilang propeta.

19 Isipin mong ikaw si Jeremias. Nasaksihan niya ang kali-galigan sa Juda at ang paghina ng espirituwalidad nito mulapa noong panahon ni Josias. Pero alam niyang lalala paito. Sinabi sa kaniya ng mga kababayan niya: “Huwag kangmanghula sa pangalan ni Jehova, upang hindi ka mama-tay sa aming kamay.” (Jer. 11:21) Bagaman nagkatotoo angmga hula ni Jeremias, sinabi ng mga Judio: “Kung tungkolsa salita na sinalita mo sa amin sa pangalan ni Jehova, hindikami makikinig sa iyo.” (Jer. 44:16) Pero buhay ang nakata-ya, at ganiyan din ngayon. Ang mensaheng ipinangangaralmo ay galing din kay Jehova. Magiging mas masigasig kakapag pinag-aralan mo kung paano pinrotektahan ni Jeho-va ang kaniyang propeta noong malapit nang bumagsakang Jerusalem.

19. Ano ang reaksiyon ng mga kababayan ni Jeremias sa kaniyang men-sahe? Bakit ka dapat maging interesado dito?

MGA HULING ARAW NG ISANG DINASTIYA20 Marahil ang pinakamahirap para kay Jeremias ay ang

panahon ng paghahari ni Zedekias. Katulad ng kaniyang

20. Bakit nahirapan si Jeremias noong si Zedekias ang hari? (Tingnanang kahon sa pahina 29.)

Ano ang matututuhan natin sa saloobin ni Jeremias noongnaghahari si Jehoiakim? Anong mahalagang hula na inihayagni Jeremias ang may katuparan hanggang sa ating panahon?

26 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 29: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga sinundan, si Zedekias ay ‘patuloy na gumawa ng masa-ma sa paningin ni Jehova.’ (Jer. 52:1, 2) Kontrolado siya ngBabilonya, at obligado siyang magpasakop sa hari ng Babi-lonya dahil pinasumpa siya ni Nabucodonosor sa pangalanni Jehova. Pero nang maglaon, nagrebelde si Zedekias. Atpinilit si Jeremias ng mga sumasalansang sa kaniya na su-portahan ang rebelyon.—2 Cro. 36:13; Ezek. 17:12, 13.

21 Lumilitaw na noong pasimula ng paghahari ni Zede-kias, nagpadala ng mga mensahero ang mga hari ngEdom, Moab, Ammon, Tiro, at Sidon sa Jerusalem. Mara-hil, gusto nilang isama si Zedekias sa isang koalisyon labankay Nabucodonosor. Pero hinimok ni Jeremias si Zedekiasna magpasakop sa Babilonya. At para ipakita sa mga men-saherong iyon na dapat ding magpasakop sa Babilonya angkani-kanilang bansa, binigyan sila ni Jeremias ng mga pa-matok. (Jer. 27:1-3, 14)� Pinag-initan ng mga tao si Jeremiasdahil sa mensahe niya, at ginatungan pa ito ng bulaang pro-petang si Hananias. Ayon kay Hananias, sinabi ng Diyos nahindi magtatagumpay ang Babilonya. Pero sinabi ni Jehovakay Jeremias na sa loob ng isang taon, mamamatay ang im-postor na si Hananias. At iyon nga ang nangyari.—Jer. 28:1-3, 16, 17.

22 Hati ngayon ang Juda—may mga gustong magpasa-kop sa Babilonya at may mga gustong magrebelde. Noong609 B.C.E., humingi si Zedekias ng suporta sa Ehipto parasa kaniyang pagrerebelde. Nakikipagmatigasan kay Jere-mias ang mga taong naghihimagsik at nag-aalab angpagkamakabayan. (Jer. 52:3; Ezek. 17:15) Bumalik sa Juda si

� Ang pagbanggit kay Jehoiakim sa Jeremias 27:1 ay maaaring pagka-kamali ng isang tagakopya, dahil si Zedekias ang binabanggit sa talata 3at 12.

21-23. (a) Anong magkaibang paksiyon ang makikita sa Juda noongpaghahari ni Zedekias? (b) Ano ang naging trato kay Jeremias dahil sakaniyang paninindigan? Bakit ka dapat maging interesado dito?

Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” 27

Page 30: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Nabucodonosor at ang kaniyang puwersa para sugpuin angpaghihimagsik. Nilupig niya ang lahat ng lunsod ng Judaat muling kinubkob ang Jerusalem. Sa kritikal na panahongito, inihayag ni Jeremias kay Zedekias at sa mga sakop nitona babagsak ang Jerusalem sa kamay ng mga Babilonyo.Kamatayan ang naghihintay sa mga mananatili sa lunsod.Mananatili namang buhay ang mga susuko sa mga Caldeo.—Basahin ang Jeremias 21:8-10; 52:4.

23 Sinasabi ng mga prinsipe ng Juda na traydor si Jere-mias dahil kampi siya sa Babilonya. Nang itanggi niya ito,sinaktan siya ng mga prinsipe at ikinulong. (Jer. 37:13-15)Pero walang plano si Jeremias na pagaanin ang mensa-he ni Jehova. Kaya hinikayat ng mga prinsipe si Zedekiasna ipapatay si Jeremias. Itinapon nila si Jeremias sa isangimbakang-tubig na puno ng lusak para doon na siya ma-matay. Pero sinaklolohan siya ni Ebed-melec, isang Etiopena naglilingkod sa bahay ng hari. (Jer. 38:4-13) Sa ngayon,madalas malagay sa peligro ang buhay ng mga lingkod niJehova dahil hindi nila maatim na masangkot sa puliti-ka. Talagang mapapatibay ka ng karanasan ni Jeremias namapagtagumpayan ang mga pagsubok sa iyong pananam-palataya.

24 Sa wakas, noong 607 B.C.E., napasok ng mga Ba-bilonyo ang Jerusalem, at bumagsak ang lunsod. Sinunogng hukbo ni Nabucodonosor ang templo ni Jehova, gini-ba ang mga pader ng lunsod, at pinatay ang mga maharlikang Juda. Sinubukan ni Zedekias na tumakas, pero nahulisiya at dinala kay Nabucodonosor. Pinatay sa harap niZedekias ang mga anak niya, saka siya binulag ni Nabu-codonosor, iginapos, at dinala sa Babilonya. (Jer. 39:1-7)Oo, nagkatotoo ang mga sinabi ni Jeremias tungkol sa Judaat Jerusalem. Pero sa halip na magsaya, tumangis ang pro-peta ng Diyos sa sinapit ng kaniyang bayan. Mababasa

24. Ilarawan ang mga pangyayari noong 607 B.C.E.

28 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 31: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Si Zedekias ay isang ha-ring duwag at sunud-sunuran sa kaniyang mgaprinsipe. Noong hulingpagsalakay ng Babilonyasa Jerusalem, sumanggu-ni si Zedekias kay Jeremiaspara malaman ang mensa-he ng Diyos. Pero hindi su-munod ang hari nang sa-bihan siya ng propeta nasumuko. Hindi nagustu-han ni Zedekias ang sina-

bi ni Jeremias kaya ipinakulong niya ito. (Jer. 21:1-9; 32:1-5) Pero sumasangguni pa rin ang hari kay Jeremias. Pa-lihim niya itong ginagawa para hindi magalit ang mgaprinsipe ng Juda. At nang hikayatin ng mga prinsipe anghari na ipapatay si Jeremias, walang-tutol na sumagot siZedekias: “Siya ay nasa inyong mga kamay. Sapagkat saanumang bagay ay hindi makapananaig ang hari labansa inyo.” Noong mailigtas si Jeremias sa panganib, mu-ling sumangguni ang hari sa kaniya at inamin na natata-kot siyang sundin ang Diyos dahil baka gawan siya ngmasama ng mga tao.—Jer. 37:15-17; 38:4, 5, 14-19, 24-26.

Pero si Zedekias ay “hindi [pa rin] nagpakumbaba saharap ni Jeremias . . . at patuloy niyang pinatigas ang ka-niyang leeg at pinagmatigas ang kaniyang puso upanghindi manumbalik kay Jehova.”—2 Cro. 36:12, 13; Ezek.21:25.

ZEDEKIAS—HULINGMAKALUPANGHARI NG JUDA

Page 32: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

natin sa aklat ng Mga Panaghoy ang kaniyang damdamin.Dapat tayong maantig habang binabasa natin ang aklat naito.

KALAGAYAN NG MGA NAIWAN SA JUDA25 Nasaan si Jeremias habang nangyayari ang mga ito?

Ipinakulong siya ng mga prinsipe ng Jerusalem, pero na-ging mabait sa kaniya ang manlulupig na mga Babilonyoat pinalaya siya. Pagkaraan, napasama si Jeremias sa ilangmga Judio na dinalang bihag, at muli, napalaya siya. Mara-mi pa siyang atas na gagampanan; kailangan ng mganakaligtas ang tulong niya. Inatasan ni Nabucodonosor siGedalias bilang gobernador sa nasakop na lupain. Nanga-ko ang hari ng Babilonya na magiging mapayapa angbuhay ng mga naiwang Judio hangga’t nagpapasakop silasa hari. Pero pinatay ng mga reklamador na Judio si Geda-lias. (Jer. 39:13, 14; 40:1-7; 41:2) Hinimok ni Jeremias angmga naiwang Judio na manatili sa lupain at huwag matakotsa hari ng Babilonya. Pero sinabi ng kanilang mga pinunona sinungaling si Jeremias. Tumakas ang mga ito patu-ngong Ehipto at sapilitang isinama sina Jeremias at Baruc.Gayunman, inihula ni Jeremias na lulusubin at lulupigindin ni Nabucodonosor ang Ehipto at mapapahamak angmga Judio na nanganlong doon.—Jer. 42:9-11; 43:1-11; 44:11-13.

26 Hindi na naman nakinig ang mga kababayan ni Jere-mias sa tunay na propeta ng Diyos. Bakit? Nangatuwiransila: “Mula nang panahong maglubay kami sa paggawa nghaing usok para sa ‘reyna ng langit’ at sa pagbubuhos ngmga handog na inumin para sa kaniya ay kinulang na kamisa lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng tabak at ng taggu-

25, 26. (a) Ano ang mga kaganapan pagkatapos bumagsak ang Jerusa-lem? (b) Ano ang naging reaksiyon ng mga kababayan ni Jeremias sakaniyang mensahe matapos bumagsak ang Jerusalem?

30 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 33: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

tom ay dumating kami sa aming katapusan.” (Jer. 44:16, 18)Talagang napakahina ng espirituwalidad ng mga kababa-yan ni Jeremias! Sa kabilang dako, nakapagpapatibay namalaman na makapananatiling tapat kay Jehova ang isangdi-sakdal na tao kahit pa napapaligiran siya ng mga walangpananampalataya.

27 Ang huling pangyayari na iniulat ni Jeremias—angpaglaya ni Jehoiakin mula sa kamay ng kahalili ni Nabuco-donosor na si Evil-merodac—ay naganap noong 580 B.C.E.(Jer. 52:31-34) Mga 90 taon na noon si Jeremias. Walangmalinaw na ulat tungkol sa kamatayan niya. Malamang nananirahan siya noon sa Ehipto at namatay nang tapat ma-tapos ang mga 67 taon ng pantanging paglilingkod kayJehova. Naglingkod siya noong panahong itinataguyod angtunay na pagsamba at noong maging laganap ang aposta-sya. Nakinig sa kaniya ang mga may-takot sa Diyos. Peromas marami ang tumanggi sa kaniyang mensahe, at nagingmarahas pa nga sa kaniya. Bigo ba si Jeremias? Hinding-hindi! Sa simula pa lang, sinabi na sa kaniya ni Jehova:“Tiyak na makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi sila ma-nanaig laban sa iyo, sapagkat ‘Ako ay sumasaiyo.’” (Jer.1:19) Ang ating atas bilang mga Saksi ni Jehova ngayon aygaya ng kay Jeremias. Kaya aasahan natin na gayon din angmagiging reaksiyon ng mga tao sa ating mensahe. (Basahinang Mateo 10:16-22.) Kung gayon, anong aral ang matutu-tuhan natin mula kay Jeremias, at ano ang dapat na magingsaloobin natin sa ating ministeryo? Talakayin natin angmga ito.

27. Ano ang alam natin tungkol sa mga huling bahagi ng buhay ni pro-peta Jeremias?

Ano ang nangyari kay Zedekias at sa kaniyang mga sakopna hindi nakinig sa mensahe ni Jeremias? Ano ang masasabimo tungkol kay Jeremias?

Naglilingkod sa “Huling Bahagi ng mga Araw” 31

Page 34: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

SI Jesu-Kristo ang pinakamagandang halimbawa sa panga-ngaral ng mabuting balita. Pero kapansin-pansin na noongunang siglo, napagkakamalan siyang si Jeremias kung min-san. (Mat. 16:13, 14) Gaya ni Jesus, inatasan ng Diyos siJeremias na mangaral. Halimbawa, minsan ay sinabi sa ka-niya ng Diyos: “Sabihin mo sa kanila ang salitang ito, ‘Itoang sinabi ni Jehova.’” (Jer. 13:12, 13; Juan 12:49) At saministeryo, may mga katangian si Jeremias na pareho kayJesus.

2 Pero baka sabihin ng ilang kapatid: ‘Iba naman ang pa-ngangaral natin sa pangangaral ni Jeremias. Isang bansangnakaalay sa Diyos ang teritoryo ni Jeremias; samantalangtayo, nangangaral sa mga taong hindi kilala si Jehova.’Totoo naman iyan. Pero noong panahon ni Jeremias, ka-ramihan sa mga Judio ay naging “di-marunong” at iniwannila ang tunay na Diyos. (Basahin ang Jeremias 5:20-22.) Ka-ilangan nilang magbago para tanggapin ni Jehova angkanilang pagsamba. Sa ngayon, kailangan din ng mga tao—sinasabi man nilang Kristiyano sila o hindi—na kumilalakay Jehova at sumamba sa paraang sinasang-ayunan niya.Talakayin natin kung paano tayo makapaglilingkod sa tu-nay na Diyos at makakatulong sa mga tao sa pamamagitanng pagtulad kay Jeremias.

1. (a) Ano ang pagkakatulad nina Jesus at Jeremias? (b) Bakit dapat na-ting tularan si Jeremias sa ating ministeryo?2. Ano ang kailangang gawin ng mga tao ngayon na dapat ay ginawa ngmga Judio noon?

KABANATA 3

“SABIHIN MO SA KANILAANG SALITANG ITO”

32

Page 35: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

‘HINIPO NI JEHOVA ANG AKING BIBIG’3 Tandaan na sa pasimula ng atas ni Jeremias, narinig

niya ang mga salitang ito: “Sa lahat niyaong pagsusugu-an ko sa iyo ay paroroon ka; at ang lahat ng iuutos ko saiyo ay sasalitain mo. Huwag kang matakot dahil sa kani-lang mga mukha, sapagkat ‘Ako ay sumasaiyo upang iligtaska,’ ang sabi ni Jehova.” (Jer. 1:7, 8) Pagkaraan, may gina-wa ang Diyos na hindi inaasahan ni Jeremias. Sinabi niya:“Iniunat ni Jehova ang kaniyang kamay at hinipo nito angaking bibig. Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: ‘Nari-to, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. Tingnanmo, inaatasan kita sa araw na ito.’” (Jer. 1:9, 10) Mula noon,naunawaan ni Jeremias na magiging tagapagsalita siya ngDiyos na Makapangyarihan-sa-lahat.� Sa tulong ni Jehova,

� Tulad sa kasong ito, madalas magsugo si Jehova ng mga anghelupang maghatid ng mensahe na para bang Siya mismo ang nagsasalita.—Huk. 13:15, 22; Gal. 3:19.

3. Noong pasimula ng gawain ni Jeremias, ano ang ginawa sa kaniya ngDiyos? Ano ang nadama ni Jeremias?

Page 36: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

nagningas ang sigasig ni Jeremiassa sagradong paglilingkod.—Isa. 6:5-8.

4 Hindi naman aktuwal na hini-hipo ni Jehova ang mga lingkodniya ngayon. Pero sa tulong ng ka-niyang espiritu, inuudyukan niyasilang magkaroon ng matindingpagnanais na ipangaral ang ma-buting balita. Di-matatawaranang sigasig ng marami sa kanila.Isang halimbawa nito si Marujana taga-Espanya. Mahigit 40 taonnang paralisado ang mga braso atbinti niya. Hirap siyang magba-hay-bahay kaya gumawa siya ngibang paraan para maging akti-bo sa ministeryo. Isa na rito angpagpapatotoo sa pamamagitan ngliham. Idinidikta ni Maruja sa ka-niyang anak na babae ang gustoniyang sabihin. Sa loob ng isangbuwan, nakapagpadala si Marujaat ang kaniyang “sekretarya” ngmahigit 150 liham na nilakipanng tract. Dahil sa kanilang pag-sisikap, napaabutan ng mabutingbalita ang karamihan ng tao sa ka-lapit na nayon. Sinabi ni Marujasa kaniyang anak, “Kung isang ta-pat-puso ang makakatanggap ngliham natin, pagpapalain tayo ni

4. Maglahad ng magagandang karanasantungkol sa masigasig na pangangaral.

Page 37: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jehova ng Bible study.” Sumulat ang elder nila, “Nagpa-pasalamat ako kay Jehova at may mga sister na gaya niMaruja, na nagtuturo sa iba na pahalagahan kung ano ta-laga ang importante.”

5 Noong panahon ni Jeremias, ‘hindi kinalulugdan’ ngkaramihan sa Jerusalem ang salita ni Jehova. Ayaw na bangmangaral ni Jeremias dahil marami ang walang interes? Abahindi! Sinabi niya: “Napuno ako ng pagngangalit ni Jeho-va. Nanghimagod ako sa kapipigil.” (Jer. 6:10,11) Paano momatutularan ang gayong sigasig? Isipin mo na kinatawanka ng tunay na Diyos, at napakalaking pribilehiyo niyan!Alam mong tinutuya ng mga prominenteng tao sa daig-dig ang pangalan ng tunay na Diyos. Nakikita mo rin kungpaano dinadaya ng mga lider ng relihiyon ang mga tao sainyong teritoryo, gaya ng ginawa ng mga saserdote noongpanahon ni Jeremias. (Basahin ang Jeremias 2:8, 26, 27.)Pero ang mabuting balita ng Kaharian na ipinangangaralmo ay kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.(Panag. 3:31, 32) Oo, pakaisipin mo ang mga bagay na itopara manatili kang masigasig sa paghahayag ng mabutingbalita at sa pagtulong sa mga tulad-tupa.

6 Marahil, sasang-ayon ka na hindi laging madali na ma-panatili ang gayong sigasig sa ministeryo. Nagkaroon dinsi Jeremias ng mabibigat na problema, isa na rito ang mgabulaang propeta. Isang halimbawa nito ang nasa Jeremiaskabanata 28. Hindi nakinig ang karamihan sa mensaheniya, kaya minsan, pakiramdam niya ay nag-iisa siya. (Jer.6:16, 17; 15:17) At may mga nagbanta rin sa buhay niya.—Jer. 26:11.

5. (a) Paano napanatili ni Jeremias ang sigasig niya kahit walang interesang mga tao? (b) Paano mo mapananatili ang sigasig mo sa pangangaral?6. Anong mabibigat na hamon ang pinagdaanan ni Jeremias?

Bakit ka makapagtitiwalang tutulungan ka ni Jehova naharapin ang mga hamon sa pangangaral?

“Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito” 35

Page 38: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“NILINLANG MO AKO, O JEHOVA”7 Nang araw-arawin si Jeremias ng pang-iinsulto at panu-

nuya, inihinga niya sa Diyos ang kaniyang sentimyento. Satingin mo, paano masasabing “nilinlang” ni Jehova ang ta-pat niyang propeta, gaya ng nakaulat sa Jeremias 20:7, 8?—Basahin.

8 Hindi naman talaga dinaya ni Jehova si Jeremias. Sahalip, “nilinlang” ng Diyos ang propeta, hindi sa pama-magitan ng di-tapat o tusong pakana, kundi sa positibongparaan para matulungan ito. Pakiramdam kasi ni Jeremiasay hindi niya kakayanin ang pagsalansang, at hindi na niyakayang gampanan ang ipinagagawa ng Diyos. Pero nagam-panan niya iyon, sa tulong ng Makapangyarihan-sa-lahat.Pinatunayan ni Jehova na mas malakas Siya kaysa kay Je-remias at sa mga saloobin nito. Noong parang gusto nangsumuko ni Jeremias, ginamit ni Jehova ang kaniyang ka-pangyarihan para maudyukan si Jeremias na magpatuloy;sa diwa, “nalinlang” siya ni Jehova. Pinatunayan ng Diyosna mas malakas siya kaysa sa mga kahinaan ng propeta.Kaya kahit na ang mga tao ay walang interes, tumatanggi,at mararahas, nakapangaral pa rin si Jeremias.

9 Si Jehova ay naging tulad ng “isang kahila-hilakbotna makapangyarihan” na kasama ni Jeremias at umaala-lay rito. (Jer. 20:11) Mapapalakas ka rin ng Diyos paramakapanatili kang masigasig sa tunay na pagsamba at ma-lampasan ang mga problema. Gaya ng pagkakasabi sa isangsalin, isipin mong si Jehova ay “isang makapangyarihangmandirigma” na nasa tabi mo.—Ang Biblia—Bagong Salin saPilipino.

10 Iyan din ang punto ni Pablo noong pinapatibay niyaang mga Kristiyanong sinasalansang. Sumulat siya: “Gu-

7, 8. Sa anong diwa “nilinlang” ng Diyos si Jeremias?9. Bakit ka mapapalakas ng Jeremias 20:11?10. Ano ang determinado mong gawin sa harap ng pagsalansang?

36 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 39: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mawi kayo sa paraang karapat-dapat sa mabuting balitatungkol sa Kristo, upang . . . marinig ko . . . na kayo ay naka-tayong matatag sa isang espiritu, na may isang kaluluwa atnagpupunyaging magkakaagapay para sa pananampalatayasa mabuting balita, at sa anumang paraan ay hindi nagaga-wang takutin ng inyong mga kalaban.” (Fil. 1:27, 28) Gayani Jeremias at ng mga Kristiyano noong unang siglo, masa-sandalan mo, at talaga namang dapat mong sandalan, angDiyos na Makapangyarihan-sa-lahat para magampanan moang iyong ministeryo. Kung may tumutuya o sumasalan-sang sa iyo, tandaan na kasama mo si Jehova, at palalakasinka niya. Pinalakas niya si Jeremias at ang marami sa atingmga kapatid; tiyak na gagawin din niya iyan sa iyo. Mag-sumamo ka sa kaniya at magtiwalang pakikinggan ka niya.Habang pinalalakas ka ng Diyos na harapin ang mgapagsubok, baka masabi mo rin na “nalinlang” ka dahil bu-ong-tapang mong napagtagumpayan ang mga ito at hindika natakot. Oo, makakaya mong gawin ang mga bagay naakala mo ay hindi mo kakayanin.—Basahin ang Gawa 4:29-31.

11 Ang mga ulat tungkol sa paglilingkod ni Jeremias aymakatutulong nang malaki para maging mas epektibo tayosa ministeryo. Mahigit 20 taon nang propeta si Jeremias no-ong sabihin niya: “Patuloy akong nagsasalita sa inyo, nabumabangon nang maaga at nagsasalita, ngunit hindikayo nakinig.” (Jer. 25:3) Oo, maaga pa lang nagsisimulana siya, at hindi siya tinatanghali. Ano ang matututuhannatin dito? Maraming mamamahayag ang maagang buma-bangon para makipag-usap sa mga tao sa istasyon ng bus attren. Sa mga probinsiya, maraming kapatid ang madaling-araw pa lang ay nakikipag-usap na sa mga magsasaka at iba

11, 12. (a) Ano ang mga puwede mong gawin para makapangaral samas maraming tao? (b) Batay sa larawan sa pahina 39, ano pa ang mgapuwede mong gawin sa inyong teritoryo?

“Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito” 37

Page 40: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

pa na nagtatrabaho na sa oras na iyon. May naiisip ka bangiba pang paraan na matutularan mo ang kasigasigan ni Jere-mias? Kaya mo bang gumising nang mas maaga para hindimahuli sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan?

12 Mabunga rin ang pagbabahay-bahay sa hapon o ban-dang gabi. Nangangaral ang ilang mamamahayag sa mgagasolinahan, restawran, at iba pang establisimyento na bu-kas 24 oras. Puwede mo bang i-adjust ang iyong iskedyulpara makapangaral sa panahon na mas malamang na maa-butan mo ang mga tao sa bahay o sa ibang lugar?

13 Minsan, pinatayo ni Jehova si Jeremias sa mga pin-tuang-daan ng templo o ng Jerusalem para ipahayag angmensahe Niya. (Jer. 7:2; 17:19, 20) Marami ang nakarinigsa salita ni Jehova dahil daanan iyon ng mga tao, kabi-lang na ang mga prominente sa lunsod at mga negosyante.At malamang na nakakausap uli ni Jeremias ang ilan paraipaliwanag ang mga nasabi na niya sa kanila. Ano angmatututuhan natin dito tungkol sa pagdalaw-muli sa mgainteresado?

14 Alam ni Jeremias na buhay ang nakataya sa gawainniya bilang propeta ng Diyos. Nang minsang hindi siya po-sibleng makapangaral sa mga tao, ang kaibigan niyang siBaruc ang pinapunta niya. (Basahin ang Jeremias 36:5-8.)Paano natin matutularan si Jeremias? Kapag sinabi natin samay-bahay na babalik tayo, bumabalik nga ba tayo? Kunghindi natin posibleng mabalikan ang interesado o ang Biblestudy natin, may pinapupunta ba tayong iba? Sinabi ni Je-

13, 14. (a) Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Jeremias tung-kol sa pagdalaw-muli? (b) Ano ang nagpapakita na mahalagang tuparinang pangako mong babalik ka?

Bakit ka makapagtitiwala na tutulungan ka ni Jehova sapaghahayag ng kaniyang mensahe?

38 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 41: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sus: ‘Ang inyong salitang Oo ay mangahulugang Oo.’ (Mat.5:37) Mahalaga na mayroon tayong isang salita dahil kina-tawan tayo ng Diyos ng katotohanan at kaayusan.—1 Cor.14:33, 40.

15 Pinatibay ni Jeremias ang mga Judio sa Babilonya sapamamagitan ng liham hinggil sa “mabuting salita” ni Je-hova tungkol sa pagsasauli. (Jer. 29:1-4, 10) Sa ngayon, ang“mabuting salita” tungkol sa gagawin ni Jehova ay mapa-lalaganap din sa pamamagitan ng liham at telepono. Bakithindi subukan ang pamamaraang ito para makapagpatotoosa mga kamag-anak o sa iba na nasa malayo o mahirap ma-kontak?

15, 16. (a) Bilang pagtulad kay Jeremias, paano pinalawak ng maramiang kanilang ministeryo? (b) Anong aral ang mapupulot mo sa karana-san sa Chile, na ipinapakita ng larawan sa pahina 40?

Gumawa ka na ba ng mga pagbabago sa iyong iskedyul atparaan ng pangangaral para makapagpatotoo

sa mas maraming tao?

“Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito” 39

Page 42: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

16 Tulad ng ministeryo ni Jeremias, mabunga rin angpuspusang pangangaral ng mga mamamahayag sa ngayon.Isang sister sa Chile ang lumapit sa isang babaing palabasng istasyon ng tren sa subwey. Nagustuhan nito ang men-sahe ng Bibliya at nais magpa-study sa bahay. Pero hindinaisulat ng sister ang adres ng babae. Alam ng sister namahalagang mapuntahan niya ang babae kaya nanalanginsiya kay Jehova. Kinabukasan, bumalik siya sa subwey nangganoon ding oras. Nakita niya uli ang babae. Isinulat naniya ang adres nito at pinuntahan sa bahay para ma-studyito. Malapit nang wakasan ng Diyos ang sanlibutan niSatanas. Pero may pag-asa pa para sa mga nagsisisi at nana-nampalataya sa mabuting balita. (Basahin ang Panaghoy 3:31-33.) Kaya tandaan natin ito at maging masipag sa panga-ngaral.

Sinisikap mo bang balikanang mga interesadong natagpuan mo?

40 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 43: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“MARAHIL AY MAKIKINIG SILA AT MANUNUMBALIK,BAWAT ISA”

17 Ayaw ni Jehova na mapuksa ang mga tao. Mga sam-pung taon bago mawasak ang Jerusalem, ginamit niya siJeremias para sabihin ang pag-asa ng mga tapon sa Babilo-nya. Mababasa natin: “Itititig ko sa kanila ang aking matasa ikabubuti, at tiyak na pababalikin ko sila sa lupaing ito.At itatayo ko sila, at hindi ko gigibain; at itatanim ko sila,at hindi ko bubunutin.” Ganito pa ang sinabi ni Jeremiastungkol sa mga tapong iyon: “May pag-asa ang iyong ki-nabukasan.” (Jer. 24:6; 26:3; 31:17) Tinularan ni Jeremiasang pangmalas ng Diyos sa mga tao. May malasakit siyasa mga tao anupat hinimok silang pakinggan ang mga pa-kiusap ni Jehova: “Manumbalik kayo, pakisuyo, bawat isamula sa kaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo anginyong mga pakikitungo.” (Jer. 35:15) May naiisip ka bangiba pang paraan para magpakita ng personal na interes saiba?

18 Hindi lumamig ang pag-ibig ni Jeremias sa mga tao.Nang mawasak ang Jerusalem, naroon pa rin ang awa niyasa kanila. (Basahin ang Panaghoy 2:11.) Ang mga Judionaman talaga ang dapat sisihin sa sinapit nila. Pero hin-di sinabi ni Jeremias na, ‘Sabi ko na sa inyo eh!’ Sa halip,nalungkot siya sa nangyari. Sa katulad na paraan, ang pag-lilingkod natin ay dapat na bukal sa loob, hindi napipilitan.Sinisikap nating magpatotoo dahil mahal natin ang Diyosat ang mga tao na nilalang ayon sa kaniyang larawan.

19 Hindi mapapantayan ng anumang bagay sa sanlibu-tang ito ang pribilehiyong magpatotoo tungkol sa tunay naDiyos. Ganiyan ang nadama ni Jeremias. Sinabi niya: “Angiyong mga salita ay nasumpungan, at kinain ko ang mga

17. Paano mo matutularan ang saloobin ni Jeremias kapag nangangaralsa inyong teritoryo?18, 19. (a) Anong kaisipan ang dapat nating iwasan sa ating panganga-ral? (b) Anong saloobin ni Jeremias ang dapat nating tularan?

“Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito” 41

Page 44: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

iyon; at sa akin ang iyong salita ay naging pagbubunyi atpagsasaya ng aking puso; sapagkat ang iyong pangalan ayitinatawag sa akin, O Jehova.” (Jer. 15:16) Sa ating panga-ngaral, marami ang mabibigyan ng pagkakataong makilalaat ibigin ang Isa na pinagkakautangan nila ng kanilang bu-hay. Gaya ni Jeremias, maglingkod tayo nang may sigasig atpag-ibig bilang pagsuporta sa gawaing iyan.

Bilang pagtulad kay Jeremias, anong iba pang paraan ngpangangaral ng “mabuting salita” ni Jehova ang puwedemong gawin?

Ipinapakita mo ba sa mga taona may malasakit ka sa kanila?

42 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 45: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ISANG umaga, habang nasa higaan ka pa, nagsikip ang dib-dib mo. Nahihirapan kang huminga. Naisip mo, ‘Inaatakeyata ako!’ Hindi mo puwedeng bale-walain ito. Baka magpa-dala ka agad sa ospital para matingnan ng doktor. Susuriinka niya at malamang na ipa-ECG (electrocardiogram). Angagarang pagpapa-check-up at pagpapagamot ay maaaringmagligtas ng iyong buhay.

2 Kumusta naman ang ating makasagisag na puso? Hindimadaling tiyakin ang totoong kondisyon nito. Bakit? Ma-babasa sa Bibliya: “Ang puso ay higit na mapandaya kaysaanupamang bagay at mapanganib. Sino ang makakakilalanito?” (Jer. 17:9) Maaari tayong dayain ng ating puso at pa-paniwalaing wala tayong problema sa espirituwal, kahit maynapapansin na sa atin ang iba. Bakit tayo nadadaya? Puwe-de kasi tayong madaig ng mga kahinaan natin, at binubulagtayo ni Satanas at ng sanlibutan sa tunay na kondisyon ngating puso. Para masuri ang ating puso, makakatulong saatin ang karanasan ni Jeremias at ng mga taga-Juda noon.

3 May diperensiya ang makasagisag na puso ng karami-han sa mga taga-Juda. Ipinagpalit nila si Jehova sa mgadiyus-diyosan ng Canaan, at ni hindi man lang sila nabaga-bag. Hinamon sila ni Jehova: “Nasaan ang iyong mga diyosna ginawa mo para sa iyong sarili? Bumangon sila kung mai-liligtas ka nila sa panahon ng iyong kapahamakan. Sapagkat

1, 2. Bakit mahirap malaman ang tunay na kondisyon ng ating maka-sagisag na puso?3. Anu-ano ang dinidiyos ng mga tao?

KABANATA 4

MAG-INGATSA MAPANDAYANG PUSO

43

Page 46: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ayon sa bilang ng iyong mga lunsod ay naging gayon angiyong mga diyos.” (Jer. 2:28) Kumusta naman tayo? Tiyakna walang sinuman sa atin ang magsasabing sumasam-ba tayo sa mga idolo. Pero ganito ang kahulugan ng salitang“diyos” sa isang diksyunaryo: “Isang persona o bagay nanapakahalaga.” Inuuna ng maraming tao sa kanilang buhayang propesyon, kalusugan, pamilya, at maging mga alaganghayop. Para sa iba naman, pangunahin ang mga celebri-ty, sports, teknolohiya, pagbabakasyon, o mga tradisyon.Ipinagpapalit ng marami ang Diyos para lang sa mga ito. Pu-wede rin kayang magkaganito ang mga tunay na Kristiyano,gaya ng mga taga-Juda noong panahon ni Jeremias?

MANDARAYA ANG MAPANDAYANG PUSO4 Malamang na gusto mong malaman kung bakit sinabi

ni Jeremias na mapanganib ang puso. Narinig niyang sina-sabi ng mga tao: “Nasaan ang salita ni Jehova? Paratinginmo iyon, pakisuyo.” (Jer. 17:15) Pero totoo ba iyon sa pusonila? Ganito ang simula ng kabanatang ito ng Jeremias:“Ang kasalanan ng Juda ay nakasulat sa pamamagitan ngpanulat na bakal. Sa pamamagitan ng tulis na diamante aynakalilok iyon sa tapyas ng kanilang puso.” Ang problemasa mga Judiong iyon, ‘naglalagak sila ng tiwala sa maka-lupang tao at laman ang ginagawa nilang kanilang bisig,at may puso silang tumatalikod kay Jehova.’ Pero kabalig-taran niyan ang naging pagtugon ng ilan. Nagtiwala silasa Diyos at umasa sa kaniyang patnubay at pagpapala.—Jer.17:1, 5, 7.

5 Lumitaw ang tunay na kondisyon ng puso ng karami-han sa naging reaksiyon nila sa sinabi ng Diyos. (Basahinang Jeremias 17:21, 22.) Halimbawa, ang Sabbath ay arawng pamamahinga at pakikibahagi sa espirituwal na gawain.

4. Gaano katotoo sa mga Judio ang pagsasabi nilang “Nasaan ang salitani Jehova? Paratingin mo iyon”?5. Paano tumugon ang mga kababayan ni Jeremias sa utos ng Diyos?

44 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 47: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Hindi dapat magnegosyo o gumawa ng kahit ano ang mgaJudio kapag araw ng Sabbath. Pero “hindi sila nakinig o nag-kiling ng kanilang pandinig, at pinatigas nila ang kanilangleeg upang hindi makarinig at upang huwag tumanggap ngdisiplina.” Kahit alam nila ang batas ng Diyos, sila pa rinang nasunod—tuloy pa rin sila sa gusto nilang gawin kahitaraw ng Sabbath.—Jer. 17:23; Isa. 58:13.

6 Hindi na tayo nangingilin ng Sabbath. Pero may matu-tutuhan tayo sa naging pagtugon ng mga Judio noon. (Col.2:16) Para magawa ang kalooban ng Diyos, isinasaisantabinatin ang ating mga pangarap o ambisyon. Alam natin namalabong mapaluguran ang Diyos kung ang inuuna natinay sarili nating kagustuhan. At nakikita natin kung gaanokaligaya ang mga lingkod ng Diyos na inuuna sa kanilangbuhay ang paggawa ng kalooban ni Jehova. Kaya paano tayopuwedeng madaya?

7 Baka sabihin ng isang Kristiyano na hindi siya madada-ya ng kaniyang puso, gaya ng nangyari sa marami noongpanahon ni Jeremias. Halimbawa, baka ikatuwiran ng isa,‘Kailangan kong magtrabaho para mapakain ang pamil-ya ko,’ at tama naman iyon. Pero paano kung isipin dinniya, ‘Kailangan ko ng karagdagang edukasyon para maka-kuha ng magandang trabaho’? Waring tama din iyon. Perobandang huli baka sabihin na niya, ‘Iba na ngayon. Paramakaraos ka at hindi mawalan ng trabaho, dapat taposka ng kolehiyo.’ Oo, napakadaling maliitin ang matalino attimbang na payo ng tapat at maingat na alipin hing-gil sa karagdagang edukasyon at mag-umpisang umabsentsa mga pulong! Ang ilan ay unti-unting nahuhubog, o nai-impluwensiyahan, ng pangangatuwiran ng sanlibutan. (Efe.2:2, 3) Tamang-tama ang babala ng Bibliya: “Huwag na

6, 7. (a) Sa kabila ng payo ng tapat at maingat na alipin, ano ang ma-aaring ikatuwiran ng isang Kristiyano? (b) Ano ang puwedeng magingepekto nito sa pagdalo natin sa pulong?

Mag-ingat sa Mapandayang Puso 45

Page 48: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kayong magpahubog ayon sa sistemang ito ng mga bagay.”—Roma 12:2.�

8 Totoo, may ilang Kristiyano noong unang siglo na ma-yaman o marahil ay medyo prominente. Ganiyan din angilang Kristiyano ngayon. Ano ang dapat na maging saloobinnila sa kanilang estado sa buhay, at ano naman ang dapatna maging pananaw natin sa kanila? Ibinigay ni Jehova angsagot sa pamamagitan ni Jeremias. (Basahin ang Jeremias 9:23, 24.) Sa halip na ipagmalaki ang kayamanan at estado sabuhay, dapat matanto ng isa na ang pinakamahalaga sa la-

� Mababasa sa NET Bible (2005): “Huwag maging kaayon ng sanlibu-tang ito.” Ayon sa talababa nito: “Ang pagiging ‘kaayon’ ng sanlibutangito ay sinasabing nangyayari nang hindi namamalayan. Sa kabilang ban-da, . . . puwede ring namamalayan ito. Pero mas malamang na kombina-syon ito ng dalawang nabanggit.”

8. (a) Ano ang maaaring ipinagmamalaki ng ilang Kristiyano? (b) Bakithindi sapat na alam lang natin ang katotohanan tungkol sa Diyos at angmga ginawa niya sa kaniyang bayan?

Nadadaya ka ba ng iyongpuso na umabsent samga pulong?

46 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 49: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

hat ay ang makilala ang Soberano ng Sansinukob. (1 Cor.1:31) Pero ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng kauna-waan at kaalaman tungkol kay Jehova? Alam ng mga taonoong panahon ni Jeremias ang pangalan ng Diyos. Alamdin nila ang pagliligtas Niya sa kanilang mga ninuno saDagat na Pula, sa pagpasok sa Lupang Pangako, noong pa-nahon ng mga Hukom, at noong panahon ng tapat namga hari. Gayunman, hindi nila talaga kilala si Jehova ninanampalataya man sila sa kaniya. Pero sinabi nila: ‘Ako aynananatiling walang-sala. Tiyak na ang galit ng Diyos ay na-pawi na mula sa akin.’—Jer. 2:35.

KUNG PAANO TAYO HINUHUBOG NI JEHOVA9 Ang mga Judio na dinalhan ni Jeremias ng mensahe ng

Diyos ay kailangang magbago. Magagawa naman nila iyondahil sinabi ng Diyos sa mga magbabalik na tapon: “Bibig-yan ko sila ng isang puso upang makilala ako, na ako ay siJehova; at sila ang magiging aking bayan, at ako ang magi-ging kanilang Diyos, sapagkat manunumbalik sila sa akin.”(Jer. 24:7) Posible rin ito ngayon. At mapapabuti pa ng ma-rami sa atin ang kondisyon ng ating makasagisag na puso.Tatlong bagay ang kailangan: seryosong pag-aaral ng Sali-ta ng Diyos, pagbubulay-bulay upang lubos na maunawaanang mga ginagawa ng Diyos para sa atin, at pagkakapit ngmga natututuhan natin tungkol sa kaniya. Di-tulad ng mgakababayan ni Jeremias, dapat na naisin nating suriin tayong Dakilang Tagasuri ng puso. At masusuri natin ang atingpuso sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa Bibliya at sa

9. Bakit tayo makakatiyak na posible tayong magbago? Paano natin itomagagawa?

Bakit mahalagang aminin na mapandaya ang ating puso?Paano natin masusuri ang ating puso at sa gayo’y malamankung ano ang tingin sa atin ng Dakilang Tagasuri ng puso?

Mag-ingat sa Mapandayang Puso 47

Page 50: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga ginawa ni Jehova alang-alang sa atin. (Awit 17:3)Iyan ang magandang gawinnatin!

10 Hinuhubog ni Satanassa iisang hulmahan anglahat ng tao. Pero hindiganiyan si Jehova. Isinasa-alang-alang niya ang bawatindibiduwal na hinuhubog

niya. Makikita natin ito sa karanasan ni Jeremias. Isangaraw, inutusan siya ng Diyos na pumunta sa isang mag-papalayok. Kasalukuyang may hinuhubog na sisidlanang magpapalayok. Pero nang masira ito, ginawa niyangibang sisidlan ang malambot pang luwad. (Basahin ang Je-remias 18:1-4.) Bakit inutusan si Jeremias na panoorin ito,at ano ang matututuhan natin dito?

11 Gustong ipakita ni Jehova kay Jeremias at sa Israel naSiya ang may awtoridad na hubugin ang mga tao at ang mgabansa ayon sa nais Niya. Paano hinuhubog ng Diyos ang lu-wad? Di-gaya ng magpapalayok na tao, hindi nagkakamalisi Jehova; hindi niya itinatapon na lang ang mga ginagawaniya. Hinuhubog ni Jehova ang mga tao at nakadepende sapagtugon nila kung saan sila gagamitin ni Jehova.—Basahinang Jeremias 18:6-10.

12 Paano hinuhubog ni Jehova ang mga indibiduwal? Pa-ngunahin niyang ginagamit ngayon ang Bibliya. Habang

10, 11. (a) Bakit pumunta si Jeremias sa isang magpapalayok? (b) Anoang batayan ni Jehova sa paghubog sa mga tao?12. (a) Paano tumugon si Jehoiakim sa pagsisikap ng Diyos na hubuginsiya? (b) Anong aral ang mapupulot natin tungkol kay Jehoiakim?

Nagpapahubog ka bakay Jehova?

Page 51: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

binabasa ng isa ang Salita ng Diyos at sinusunod ito, naipa-pakita niya kung anong uri siya ng tao, at huhubugin siyang Diyos. Tingnan natin ang ginawa ni Haring Jehoiakimpara malaman natin kung paano maaaring nahubog angmga tao noong panahon ni Jeremias. Iniutos ng Diyos: “Hu-wag mong dadayain ang isang upahang trabahador.” Peroiyon mismo ang ginawa ng hari. Nang magpatayo siya ng“isang maluwang na bahay,” pinagtrabaho niya ang kani-yang mga kapuwa Israelita, pero hindi niya sila binayaran.(Deut. 24:14; Jer. 22:13, 14, 17) Sinikap ng Diyos na hubuginsi Jehoiakim sa pamamagitan ng Kaniyang salita na inihatidng mga propeta. Pero sinunod ng hari ang dikta ng kani-yang mapandayang puso. Sinabi niya, “Hindi ako susunod,”at hindi talaga siya nagbago. Kaya sinabi ng Diyos: “Ililibing[si Jehoiakim] gaya ng paglilibing sa asnong lalaki, na kina-kaladkad at itinatapon.” (Jer. 22:19, 21) Maling-mali nga nasabihin natin: ‘Ganito na talaga ako eh’! Hindi na nagsusu-go ngayon ang Diyos ng mga propetang gaya ni Jeremias,pero naglalaan Siya ng patnubay. Tinutulungan tayo ng ta-pat at maingat na alipin na maunawaan at maikapit angmga simulain ng Bibliya. Puwedeng may kinalaman ito saating pang-araw-araw na buhay, gaya ng pananamit at pag-aayos o ng musika at sayaw sa mga kasalan o iba pangokasyon. Magpapahubog ba tayo sa Salita ng Diyos?

13 May isa pang halimbawa. Iniluklok ng mga Babilonyosi Zedekias sa trono ng Juda bilang basalyong hari. Nangmaglaon, nagrebelde si Zedekias sa Babilonya, kahit na la-bag ito sa sinabi ng Diyos. (Jer. 27:8, 12) Kaya nilusob ngBabilonya ang Jerusalem. Inisip ngayon ng hari at ng mgaprinsipe na suyuin ang Diyos. Alam ni Zedekias na ayon saKautusan, ang mga aliping Hebreo ay dapat palayain sa ika-pitong taon. Kaya gumawa siya ng tipan para palayain ang

13, 14. (a) Bakit pumayag ang mga nasa Jerusalem na palayain ang ka-nilang mga aliping Hebreo? (b) Paano lumitaw ang tunay na kondisyonng kanilang puso?

Mag-ingat sa Mapandayang Puso 49

Page 52: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga ito. (Ex. 21:2; Jer. 34:14) Oo, ngayong napapalibutan nasila ng mga kalaban, saka nila napag-isip-isip na tama ngangpalayain ang mga alipin!—Basahin ang Jeremias 34:8-10.

14 Di-nagtagal, sumaklolo ang mga Ehipsiyo, at umu-rong ang mga Babilonyo. (Jer. 37:5) Ano kaya ang gagawinng mga nagpalaya ng kanilang alipin? Sapilitan nilang pi-nabalik ang mga ito. (Jer. 34:11) Pansinin na kapag nasapanganib ang mga Judio, waring masunurin sila sa Diyos,na para bang mapagtatakpan nito ang kanilang kasalanan.Pero noong mawala na ang panganib, balik na naman sila sadating gaw

ˆı. Sa kabila ng kanilang pagkukunwari, lumitaw

rin ang tunay na kulay nila—talagang ayaw nilang sumunodat magpahubog sa Salita ng Diyos.

MAGPAHUBOG KAY JEHOVA15 Sa tulong ng organisasyon ni Jehova, natututuhan

natin ang mga simulain ng Bibliya tungkol sa mga espesipi-kong bagay. Halimbawa, maaaring alam natin kung ano angtamang gawin kapag may nakasakit sa atin. (Efe. 4:32) Ma-aaring tanggap naman natin na tama ang payo ng Bibliya.Pero anong uri kaya tayo ng luwad? Talaga kayang mag-papahubog tayo kay Jehova? Kung madaling hubugin angating puso, magbabago tayo; huhubugin tayo ng DakilangMagpapalayok at gagawing isang sisidlan na aangkop sa ka-niyang layunin. (Basahin ang Roma 9:20, 21; 2 Timoteo 2:20, 21.) Sa halip na gayahin si Jehoiakim o ang mga Judiongmay alipin noong panahon ni Zedekias, dapat tayong mag-pahubog kay Jehova ukol sa marangal na layunin.

15. Hanggang sa anong punto handa kang magpahubog kay Jehova?Magbigay ng halimbawa.

Anong aral ang mapupulot mo mula sa isinulat ni Jeremiastungkol sa magpapalayok? Paano tayo hinuhubog ni Jehovasa ngayon?

50 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 53: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

16 Hinubog din ni Jehova si Jeremias. Ano ang naging sa-loobin ng propeta? Inamin nito: “Hindi sa taong lumalakadang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” Pagka-tapos, nagsumamo si Jeremias: “Ituwid mo ako, O Jehova.”(Jer. 10:23, 24) Mga kabataan, tutularan ba ninyo si Jere-mias? Marami kayong gagawing desisyon sa buhay. Gustong ilang kabataan na masunod ang ‘sarili nilang hakbang.’Susundin mo ba ang patnubay ng Diyos kapag nagdedesi-syon? Gaya ni Jeremias, mapagpakumbaba mo bangaaminin na hindi kayang ituwid ng tao ang kaniyang hak-bang? Tandaan: Kung susundin mo ang mga utos ng Diyos,huhubugin ka niya.

17 Para magampanan ni Jeremias ang kaniyang atas, ka-ilangan niyang sumunod sa utos ng Diyos. Kung ikaw siJeremias, susundin mo ba ang anumang iutos ng Diyos?Minsan, inutusan ni Jehova si Jeremias na kumuha ngisang sinturong lino at isuot ito. Pagkatapos, pinapun-ta siya ng Diyos sa Eufrates. Makikita sa mapa na mga500-kilometrong paglalakbay ito. Pagdating doon, itatago niJeremias ang sinturon sa bit

´ak ng isang bato at saka mag-

lalakbay pabalik ng Jerusalem. Tapos, pinabalik siya uling Diyos para kunin ang sinturon. (Basahin ang Jeremias 13:1-9.) Sa kabuuan, naglakbay si Jeremias nang kulang-kulang2,000 kilometro. Hindi matanggap ng mga kritiko na mag-lalakad si Jeremias nang ganoon kalayo, nang ilang buwan.�

� Iniisip ng ilan na malapit lang ang pinuntahan ni Jeremias at hindisa Eufrates. Bakit? Sinabi ng isang iskolar: “Hindi nila matanggap na mag-lalakbay ang propeta nang dalawang beses, balikan mula Jerusalem hang-gang Eufrates, dahil mapapagod siya at hindi sila makapaniwalang ipapa-gawa iyon sa kaniya.”

16. Anong mahalagang bagay ang inamin ni Jeremias?17-19. (a) Bakit naglakbay si Jeremias nang napakalayo patungong Eu-frates? (b) Paano nasubok ang pagiging masunurin ni Jeremias? (c) Anoang naisakatuparan ng pagsunod ni Jeremias sa utos may kinalaman sasinturon?

Mag-ingat sa Mapandayang Puso 51

Page 54: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

(Ezra 7:9) Pero iyon ang utos ng Diyos at iyon ang ginawa niJeremias.

18 Isip-isipin ang propeta na binabagtas ang kabundukanng Judea at, depende sa kaniyang ruta, patungo sa disyer-to hanggang sa Eufrates, para lang itago ang sinturong lino!Siguradong takang-taka ang mga kababayan niya kung ba-kit ang tagal niyang nawala. Pagbalik, hindi na niya suotang sinturong lino. Pagkaraan, pinaglakbay uli siya ng Diyospara kunin ang sinturon, na ngayon ay sira na at ‘hindi namapakikinabangan.’ Kung tutuusin madali sanang sabihinna: ‘Tama na, ayoko na! Ano ba’ng silbi nito?’ Pero dahilnagpapahubog siya sa Diyos, imbes na magreklamo, sumu-nod siya!

19 Pagbalik niya mula sa ikalawang paglalakbay, saka la-mang ipinaliwanag ng Diyos ang kahulugan nito. Isangmabigat na mensahe ang handa na ngayong ihatid niJeremias: “Ang masamang bayang ito na tumatanggingsumunod sa aking mga salita, na lumalakad ayon sa pag-kasutil ng kanilang puso at patuloy na sumusunod saibang mga diyos upang maglingkod sa kanila at yumukodsa kanila, ay magiging gaya rin ng sinturong ito na hindimapakikinabangan sa anumang bagay.” (Jer. 13:10) Tala-gang nakakaantig ang paraan ng pagtuturo ni Jehova sakaniyang bayan! Napakahalaga ng buong-pusong pagsu-nod ni Jeremias sa tila walang katuturang bagay na iyonpara maantig ni Jehova ang puso ng Kaniyang bayan.—Jer.13:11.

20 Hindi naman pinaglalakad ng Diyos nang daan-daangkilometro ang mga Kristiyano ngayon para turuan sila. Perohindi ka kaya pagtakhan o pintasan ng mga kaibigan o ka-pitbahay mo dahil sa mga pasiyang ginagawa mo bilangisang Kristiyano? Maaaring kasama diyan ang iyong pana-

20. Bakit maaaring pagtakhan ng iba ang iyong pagsunod, pero ano angmatitiyak mo?

52 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 55: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

namit at pag-aayos, edukasyon, propesyon, at maging angpananaw mo sa alak. Magiging determinado ka bang sundinang tagubilin ng Diyos gaya ni Jeremias? Dahil hinahayaanmong hubugin ng Diyos ang iyong puso, ang mga pasiyangginagawa mo ay maaaring maging isang mainam na pa-totoo. At isang bagay ang tiyak: Ang pagsunod mo sa mgautos ni Jehova na nasa Bibliya at sa kaniyang mga tagubilinsa pamamagitan ng uring tapat na alipin ay para sa iyongikabubuti. Sa halip na padaya sa mapandaya mong puso,matutularan mo si Jeremias. Kaya maging determinado namagpahubog sa Diyos; hayaan mong hubugin ka niya atmaging isang sisidlan para sa marangal na layunin magpa-kailanman.

Bakit mahalagang labanan ang mga panggigipit ni Satanas,ng ating di-sakdal na puso, at ng sanlibutan?

Bakit dapat nating sundin ang iniuutos ni Jehovakahit na hindi natin ito gaanong naiintindihan?

Page 56: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ANO ang gagawin mo kung imbitahan ka ng mga katra-baho, kapitbahay, o kaklase mo sa isang Christmas party?Paano kung utusan ka ng iyong boss na magsinunga-ling o gumawa ng ilegal? O paano kung obligahin kang gobyerno na sumuporta sa mga gawaing makokom-promiso ka? Malamang na sabihin ng iyong budhi nahuwag mong gawin ang mga ito, kahit pa tuyain o pag-initan ka.

2 Gaya ng makikita natin, madalas malagay si Jere-mias sa ganiyang mga sitwasyon. Tiyak na may makukuhakang aral sa pagsasaalang-alang sa ilang indibiduwal atgrupo na nakasalamuha ni Jeremias. Tinangka ng ilan nahadlangan siya sa kaniyang atas. Bagaman kailangan niJeremias na makipag-ugnayan sa mga ta-ong ito, hindi siya nakipagkaibigan sakanila. Makikinabang ka sa pagbibigay-pansin sa uri ng mga kaibigan na pinilini Jeremias, na nagpatibay sa kaniyangpaninindigang maging tapat. Oo, maymatututuhan tayo sa halimbawa ni Jere-mias pagdating sa pakikipagkaibigan atpakikitungo sa mga tao.

1, 2. (a) Sa anu-anong hamon napapaharap angmga Kristiyano pagdating sa pakikisama? (b) Ba-kit dapat tayong maging interesado sa pagpili niJeremias ng mga kaibigan?

KABANATA 5

ANONG URI NG MGA KAIBIGANANG PINIPILI MO?

54

Page 57: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

SINO ANG PINIPILI MONG KAIBIGAN?3 Ilang ulit na sumangguni si Haring Zedekias kay Jere-

mias bago mawasak ang Jerusalem. Bakit? Gusto nitongmakarinig ng balitang pabor sa kaniyang kaharian. Gustoniyang sabihin ni Jeremias na ililigtas ng Diyos ang Juda.

3. Ano ang gustong marinig ni Zedekias kay Jeremias? Paano tumugonsi Jeremias?

Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 55

Kapag nababasa mo ang tungkol kina Jeremias at Ebed-melec, kumbinsido ka ba na talagang umiral sila? Kailan lang,dalawang bagay ang natuklasan sa sinaunang Lunsod ni Da-vid na lalong nagpatunay sa mga ulat ng Jeremias 38 na bu-manggit sa kanila.

Nag-ulat ang arkeologong si Eilat Mazar tungkol sa nahu-kay na maliit na selyong luwad, o bulla. (kaliwa) Nahukay itong mga arkeologo noong 2005, sa suson ng lupa ng Jerusalemnang mawasak ito noong 607 B.C.E. Nakabakat dito ang sina-unang Hebreong pangalan na “Yehuchal ben Shelemyahu,” osa Tagalog ay “Jucal na anak ni Selemias.”

Pagkatapos, isa pang bulla ang natagpuan ilang metro langmula roon. (kanan) May pangalan itong “Gedalyahu ben

Pashhur,” o “Gedalias na anak ni Pasur.”

Basahin mo ngayon ang Jeremias38:1 at makikita mo roon ang pangalanng dalawang prinsipe na humimok kayZedekias na ipapatay si Jeremias, isangplanong nahadlangan ni Ebed-melec.Oo, ang mga pangalang binanggit saJeremias 38 ay mga totoong tao.

Page 58: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Nagpadala si Zedekias ng mga sugo at nakiusap kay Jere-mias: “Pakisuyong mag-usisa ka kay Jehova para sa amin,sapagkat si Nabucodorosor na hari ng Babilonya ay naki-kipagdigma laban sa amin. Marahil ay gagawin ni Jehovasa amin ang ayon sa lahat ng kaniyang mga kamang-ha-manghang gawa, anupat uurong [si Nabucodorosor]mula sa amin.” (Jer. 21:2) Ayaw sundin ng hari ang utosng Diyos na sumuko sa Babilonya. Ayon sa isang iskolar,si Zedekias ay parang “isang pasyenteng pabalik-balik sadoktor at gustong gumaling pero ayaw namang uminomng gamot.” Ano naman ang ginawa ni Jeremias? Puwedesanang bumango ang pangalan niya kung sasabihin niyakay Zedekias ang gusto nitong marinig. Kaya bakit hindina lang binago ni Jeremias ang mensahe niya para hindina siya nahirapan? Dahil ang utos ng Diyos sa kaniya ayihayag na babagsak ang Jerusalem.—Basahin ang Jeremias32:1-5.

4 Hindi naiiba ang sitwasyon mo kay Jeremias. Siyem-pre mayroon kang mga kapitbahay, katrabaho, o kaklasena nakakasalamuha mo araw-araw. Pero makikipagkaibi-gan ka ba sa kanila kahit ayaw nilang makinig o sumunodsa utos ng Diyos? Hindi naman lubusang maiiwasan ni Je-remias si Zedekias; ito pa rin ang hari kahit sinusuway nitoang Diyos. Pero hindi obligadong maging sunud-sunuransi Jeremias sa gusto ng hari. Totoo, kung sumang-ayon langsana si Jeremias kay Zedekias, abot-abot siguro ang biya-ya sa kaniya. Pero kahit na anong panggigipit o panunuyoang gawin ni Zedekias, wala itong epekto kay Jeremias.Bakit? Kasi walang plano si Jeremias na baguhin ang men-saheng ipinapahatid ni Jehova. Dapat tayong maudyukanng halimbawa ni Jeremias na pag-isipan kung ang pini-

4. Ano ang dapat nating pakatandaan pagdating sa pakikipagkaibigan,halimbawa sa mga katrabaho?

56 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 59: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

pili ba nating mga kaibigan ay yaong tutulong sa atinna manatiling tapat sa Diyos. Hindi mo maiiwasang ma-kasalamuha ang mga taong hindi lingkod ng Diyos—mgakatrabaho, kaklase, o kapitbahay. (1 Cor. 5:9, 10) Pero alammo na kapag nakipagkaibigan ka sa kanila, baka makom-promiso ang kaugnayan mo sa Diyos.

MAKIKIPAGKAIBIGAN KA BA SA MGAWALANG PANANAMPALATAYA?

5 Hindi lang si Zedekias ang nagtangkang sumira ngloob ni Jeremias. “Sinaktan” siya ng saserdoteng si Pasur.Marahil ay nakatikim siya ng 39 na hagupit. (Jer. 20:2;Deut. 25:3) Sinaktan din siya ng ilang prinsipe ng Juda, atipinakulong sa “bahay-pangawan.” Kaawa-awa ang prope-ta nang ikulong nila siya nang maraming araw; akala nganiya, doon na siya mamamatay. (Basahin ang Jeremias 37:

5, 6. Ano ang ginawa ng ilan para mapatahimik si Jeremias?

Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 57

Page 60: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

3, 15, 16.) At pagkatapos siyang pansamantalang palaya-in, sinulsulan ng iba pang prinsipe si Zedekias na ipapataysi Jeremias. Sa tingin kasi nila ay pinahihina ni Jeremiasang loob ng mga mandirigma ng Juda. Kaya bandanghuli, ipinatapon ang propeta sa isang imbakang-tubig napuno ng lusak at pinabayaan para mamatay. (Jer. 38:1-4)Oo, alam nating nakaligtas si Jeremias sa tiyak na kama-tayang iyon. Pero ipinapakita ng mga pangyayaring ito nakung sino pa ang dapat tumanggap sa propeta ng Diyos,sila pa itong nagduda sa mensahe niya at lumapastangansa kaniya.

6 Hindi lang mga nasa awtoridad ang nakalaban niJeremias. May pagkakataong pinagbantaan siya ng mgataga-Anatot, mga kababayan niya mismo. Papatayin dawnila siya kung hindi siya mananahimik. Hindi kasi nilagusto ang mensahe niya. (Jer. 11:21) Pero magalit man sila,ang mahalaga kay Jeremias, si Jehova ang kaibigan niya.Bukod sa pagbabantang iyan, may mas matindi pa. Nanggumamit siya ng pamatok para ilarawan sa mga Judio na

58 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 61: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kailangan nilang magpasakop sa hari ng Babilonya paramaligtas, tinanggal ito ni Hananias sa leeg ni Jeremias atbinali iyon. Ayon sa impostor na propeta, sinabi diumanoni Jehova: “Babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilo-nya.” Pero namatay si Hananias nang taon ding iyon, atsiyempre alam mo na kung sinong propeta ang nagsasabing totoo. (Jer. 28:1-11, 17) Matapos mawasak ang Jerusa-lem gaya ng inihula ni Jeremias, sinuway ni Johanan atng ilang pinuno ng hukbo ang utos ng Diyos na manatilisa Juda. Sinabi nila kay Jeremias: “Kabulaanan ang iyongsinasalita. Hindi ka isinugo ni Jehova na aming Diyos, nasinasabi, ‘Huwag kayong pumasok sa Ehipto upang ma-nirahan doon.’” Sa tigas ng ulo nila, sapilitan pa nilangisinama sa Ehipto sina Jeremias at Baruc.—Jer. 42:1–43:7.

7 Sa loob ng maraming taon, mga mananalansang atwalang pananampalataya ang nasa palibot ni Jeremias. Isi-pin ang sitwasyon niya. Puwedeng nakisama na lang siJeremias sa mga taong walang paggalang sa Diyos o sa Ka-niyang Salita, kasi araw-araw niya silang nakakasalamuha.Kumusta ka naman? Malamang na nakakasama mo rinang ganoong klase ng mga tao. Makikipagkaibigan ka basa mga taong sumasalansang sa iyo at sa iyong Diyos? Osa mga taong mabait naman pero ayaw makinig? Tama ka-yang makisama sa mga taong binabale-wala ang mga hulang Bibliya? Kung si Jeremias ang nasa kalagayan mo, maki-kipagkaibigan kaya siya sa mga tao na mas nagtitiwala sa

7. Anong hamon ang puwedeng sumubok sa iyong katapatan kay Je-hova?

Anong klase ng mga tao ang kinailangang pakitunguhanni Jeremias? Ano ang matututuhan mo sa halimbawani Jeremias?

Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 59

Page 62: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

tao kaysa sa Diyos o sa mga taong ang pamumuhay aymalayung-malayo sa pamantayan ng Bibliya? (2 Cro. 19:2)Sinabi ni Jehova kay Jeremias ang kahihinatnan ng pagtiti-wala sa mga tao sa halip na sa Diyos. (Basahin ang Jeremias17:5, 6.) Ano ang masasabi mo dito?

8 Iniisip ng ilang Kristiyano na aasenso ang kanilangnegosyo o propesyon kung makikisama sila sa mga kliyen-teng hindi Saksi. Pero hindi kaya ito ang maghantad sa isasa masasamang kasama, maruruming kuwentuhan o inu-man, at iba pang panganib? Kaya hindi kataka-taka kungbakit isinasakripisyo ng maraming Kristiyano ang kani-lang kikitain o iaasenso huwag lang maimpluwensiyahanng masasamang kasama. Isa pa, baka okey lang sa iyongamo o mga katrabaho na mandaya ng mga kostumer. Angmga tunay na Kristiyano ay hindi nagpapadala sa gayongimpluwensiya. Kung minsan, baka hindi madaling magde-sisyon pagdating sa ganoong mga bagay. Mabuti na langat may mga huwarang gaya ni Jeremias, na nanindiganat nakapag-ingat ng malinis na budhi, at higit sa lahat, ngmalapıt na kaugnayan sa Diyos.

9 Dahil sa paninindigan ni Jeremias, tinuya siya ng mgaJudio. (Jer. 18:18) Pero handa pa rin siyang mapaiba samga kababayan niya na sumusunod sa “landasin ng kara-mihan.” (Jer. 8:5, 6) Mas gusto pa nga minsan ni Jeremiasna ‘maupong mag-isa.’ Mas pinili pa niyang magsolo kaysamakiumpok sa mga hindi magiging mabuting impluwen-siya. (Basahin ang Jeremias 9:4, 5; 15:17.) Ganiyan ka rinba? Sa ngayon, gaya noong panahon ni Jeremias, wala rinsa bokabularyo ng mga tao ang katapatan sa Diyos.Noon pa man, kailangan nang maging maingat ng mgalingkod ni Jehova sa pagpili ng mga kaibigan. Pero hindi

8. Bumanggit ng mga hamong napapaharap sa mga Kristiyano sa in-yong lugar.9. Bakit mapanganib na maging sunud-sunuran sa gusto ng karamihan?

60 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 63: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

naman ibig sabihin nito na walang naging kaibigan si Jere-mias. May mga nagtanggol at sumuporta sa kaniya. Sinoang mga ito? Magandang makilala mo kung sinu-sino sila.

ANONG URI NG MGA KAIBIGANANG PINILI NI JEREMIAS?

10 Kanino nakipagkaibigan si Jeremias? Ilang ulit siyanginutusan ni Jehova na kondenahin ang masasama, marara-has, mga mapandaya, di-makatarungan, walang malasakit,at imoral—mga lumihis sa tunay na pagsamba at mas pi-nili pa ang idolatriya, anupat nagkasala ng espirituwal naprostitusyon. Hinimok niya ang kaniyang mga kababayan:“Tumalikod kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyangmasamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga la-kad at ang inyong mga pakikitungo.” (Jer. 18:11) Kahitnang mawasak ang Jerusalem, patuloy na itinanghal niJeremias ang “mga gawa ng maibiging-kabaitan,” “kaawa-an,” at “katapatan” ng Diyos. (Panag. 3:22-24) Mga tapatna lingkod ni Jehova lang ang gustong kaibiganin ni Jere-mias.—Basahin ang Jeremias 17:7.

11 Maaari nating makilala ang naging mga kaibigan okasamahan ni Jeremias. Ilan sa kanila ay talagang nagingkasangga niya—sina Ebed-melec, Baruc, Seraias, at angmga anak ni Sapan. Baka itanong natin: ‘Sino ang mga la-laking ito? Ano ang naging kaugnayan nila kay Jeremias?Bakit masasabing mabubuti silang kaibigan? At paano nilanatulungan si Jeremias na makapanatiling tapat?’ Tingnannatin kung paano natin sila matutularan.

12 Lumilitaw na ang pinakamalapıt na kaibigan niJeremias ay si Baruc na anak ni Nerias. Hindi siya nag-

10, 11. (a) Ano ang pamantayan ni Jeremias sa pagpili ng mga kaibi-gan? (b) Sino ang mga kaibigan ni Jeremias? Anu-anong tanong angbumabangon tungkol sa kanila?12. (a) Sina Jeremias at Baruc, nasa larawan sa pahina 58, ay may anongpagkakatulad? (b) Sino si Seraias? Ano ang alam natin tungkol sa kaniya?

Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 61

Page 64: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

alinlangan na ipagkatiwala kay Baruc ang ilang gawain.Idinikta at ipinasulat niya rito ang mga kapahayagan ni Je-hova, at ipinabasa ito sa harap ng publiko, at pagkatapos,sa mga prinsipe ng Juda. (Jer. 36:4-8, 14, 15) Gaya ni Jere-mias, nanampalataya at nanalig si Baruc sa mga inihula ngDiyos. Pareho nilang nasaksihan ang huling 18 maliligaligna taon ng Juda. Madalas silang magkasama sa pagganapng iniatas ni Jehova. Pareho silang napaharap sa mahihi-rap na kalagayan at kinailangang magtago. At parehosilang pinatibay ni Jehova. Malamang na galing si Barucsa prominenteng pamilya ng mga eskriba sa Juda. Tinata-wag siya sa Bibliya na “kalihim,” at ang kapatid niyang siSeraias ay isa namang mataas na opisyal. Gaya ni Baruc, ti-nulungan din ni Seraias si Jeremias sa paghahatid ng mgakapahayagan ni Jehova. (Jer. 36:32; 51:59-64) Ang pagiginghanda ng dalawang anak na ito ni Nerias na makipagtulu-ngan kay Jeremias noong mahihirap na panahong iyon aytiyak na nagpatibay sa propeta. Mapapatibay at mapapala-kas ka rin ng mga kasama mong tapat na naglilingkod kayJehova.

13 Isa rin si Ebed-melec sa maaasahang kaibigan ni Jere-mias. Nang itapon ng nagngingitngit na mga prinsipe siJeremias sa imbakang-tubig na puno ng lusak, isang ban-yaga ang naglakas-loob na saklolohan siya, ang Etiopengsi Ebed-melec. Isa siyang bating, o opisyal, sa palasyo nghari. Lumapit siya kay Zedekias habang nakaupo ito sa Pin-tuang-daan ng Benjamin. Hindi siya natakot na makiusap

13. Gaya ng ipinapakita sa pahina 63, paano naging mabuting kaibigansi Ebed-melec kay Jeremias?

Ano ang matututuhan natin sa pagpili ni Jeremias ngmga kaibigan?

62 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 65: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sa hari na payagan siyang iahon si Jeremias. Nagsama siyang 30 lalaki, dahil baka iniisip niyang mapapalaban sila.(Jer. 38:7-13) Hindi natin alam kung gaano kadalas nagka-sama sina Ebed-melec at Jeremias. Pero dahil parehosilang kaibigan ni Jehova, makatuwirang isipin na mala-pıt silang magkaibigan. Alam ni Ebed-melec na propeta ngDiyos si Jeremias. Alam din niyang “masama” ang ginawang mga prinsipe, at handa siyang matanggal sa posisyonmagawa lang niya ang tama. Oo, mabuting tao si Ebed-melec. Sa katunayan, tiniyak sa kaniya ni Jehova: “Ililigtaskita [sa araw ng kapahamakan ng Jerusalem] . . . sapagkatnagtiwala ka sa akin.” (Basahin ang Jeremias 39:15-18.) Na-pakagandang komendasyon nga mula kay Jehova! Hindiba ganiyang klase ng kaibigan ang hahanapin mo?

14 Naging kaibigan din ni Jeremias ang tatlong anak atisang apo ni Sapan. May katungkulan ang pamilya nila;

14. Ano ang alam natin tungkol sa pamilya ni Sapan at sa pakikipag-ugnayan nila kay Jeremias?

Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 63

Page 66: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

naging kalihim ni Haring Josias si Sapan. Nang unangpagtangkaan ang buhay ng propeta, “ang kamay ngani Ahikam na anak ni Sapan ang sumasa kay Jeremias,upang huwag siyang maibigay sa kamay ng bayan.” (Jer.26:24) Isa pa sa mga anak ni Sapan si Gemarias. Nangbasahin ni Baruc sa madla ang mga kahatulan ng Diyos,narinig ito ng anak ni Gemarias na si Micaias at ipinaa-lam niya ito sa kaniyang ama at sa mga prinsipe. Dahilnangangamba sila sa magiging reaksiyon ni Jehoiakim,pinayuhan nila sina Jeremias at Baruc na magtago. Atnang hindi tanggapin ng hari ang mensahe ni Jehova, isasi Gemarias sa nakiusap sa hari na huwag sunugin angbalumbon. (Jer. 36:9-25) Si Elasa, anak din ni Sapan, aypinagtiwalaan ni Jeremias na magdala ng liham sa mgaJudiong tapon sa Babilonya. (Jer. 29:1-3) Sila ang tat-long anak at apo ni Sapan na sumuporta sa propeta ngDiyos. Tiyak na ang laking pasasalamat ni Jeremias sa ka-nila! Naging kaibigan sila ni Jeremias hindi dahil parehosila ng paboritong pagkain, libangan, o hilig. Mas mala-lim diyan ang kanilang pagkakaibigan.

64 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 67: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MAG-INGAT SA PAGPILI NG IYONG MGA KAIBIGAN15 May matututuhan ka sa pakikitungo ni Jeremias sa

mga nakasalamuha niya, mabuti man sila o masama. Gi-nipit siya ng hari, ng mga prinsipe, bulaang propeta, atpinuno ng hukbo na baguhin ang kaniyang mensahe. Perohindi nakipagkompromiso si Jeremias. Dahil sa kaniyangpaninindigan, kinainisan siya ng mga taong iyon. Perohindi sila kawalan kay Jeremias at hindi sila ang klase ngmga kaibigang hanap niya. Simula’t sapol naman, si Je-hova na ang matalik niyang kaibigan. Mamatamisin pa niJeremias na pagmalupitan siya, huwag lang niyang maiwa-la ang katapatan niya sa Diyos. (Basahin ang Panaghoy 3:52-59.) Pero gaya ng nakita natin, hindi nag-iisa si Jeremiassa determinasyon niyang maglingkod kay Jehova.

16 Naging mabuting kaibigan si Ebed-melec dahil sa ka-niyang pananampalataya at pagtitiwala kay Jehova. Hindisiya naduwag na saklolohan si Jeremias. Nagsakripisyo siBaruc ng kaniyang panahon kasama ni Jeremias at tinulu-ngan niya ito sa paghahatid ng mga mensahe ni Jehova.May ganiyan ding mabubuting kaibigan sa kongregasyonngayon. Isang regular pioneer ang 20-anyos na si Came-ron, at naging malaking tulong sa kaniya si Kara, isaring regular pioneer. Sinabi ni Cameron: “Napatibay akoni Kara na unahin si Jehova sa buhay ko, at kitang-kitako iyon sa mga sinasabi at ginagawa niya.” Magkalayo silapero regular na tumatawag o sumusulat si Kara kay Came-ron para mangumusta at makipagpatibayan. “Alam niyalahat ang pinagdaanan ng pamilya namin,” ang sabi ni Ca-meron. “Alam niya ang nangyari sa ate ko at kung gaano

15. Ano ang magandang halimbawa ni Jeremias sa pagpili ng mga kai-bigan?16, 17. (a) Anong tulong ang maaasahan ng isang lingkod ni Jehovamula sa isang mabuting kaibigan? (b) Nasaan ka mang bansa, saan kamakakahanap ng pinakamabubuting kaibigan?

Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 65

Page 68: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kasakit sa akin nang magrebelde ito at iwan ang katotoha-nan. Hindi ako pinabayaan ni Kara, at ewan ko kung anoang nangyari sa akin kung hindi dahil sa kaniya. Nagingmabuti siyang impluwensiya sa akin.”

17 Makakakita ka ng mabubuting kaibigan sa Kristi-yanong kongregasyon, na mas matanda, mas bata, o ka-edaran mo. Iisa kayo ng pananampalataya, pamantayan,pag-asa, at pag-ibig kay Jehova. Baka pareho din kayo ngpinagdadaanang pagsubok. Kabalikat mo sila sa minister-yo. Kapag may problema, mapapatibay ka nila, at mapa-patibay mo rin sila. Makikigalak sila sa iyo sa paglilingkodkay Jehova. Bukod diyan, ang inyong pagkakaibigan aymaaaring tumagal nang walang hanggan.—Kaw. 17:17;18:24; 27:9.

18 Maliwanag ang aral na natutuhan natin mula sa pag-pili ni Jeremias ng mga kaibigan. Hindi natin matututulanang katotohanang ito: Imposibleng makapanindigan ka satunay na pagsamba kung ang mga kaibigan mo ay mgataong hindi sumusunod sa pamantayan ng Bibliya. Gayanoong panahon ni Jeremias, mahalagang sundin ang paa-laalang ito sa ngayon. Para lubusang matupad ang atas atpagpalain ni Jehova, handang mapaiba si Jeremias sa kani-yang mga kababayan. Ganiyan ka rin, hindi ba? Pinili niJeremias ang mga kaibigang may pananampalatayang tu-lad ng sa kaniya at handang sumuporta sa kaniyang atas.Oo, may matututuhan ang bawat tapat na Kristiyano sangayon sa matalinong pagpili ni Jeremias ng mga kaibi-gan!—Kaw. 13:20; 22:17.

18. Ano ang natutuhan mo sa pagpili ni Jeremias ng mga kaibigan?

Paano mo matutularan ang halimbawa ni Jeremiaspagdating sa pagpili ng kakaibiganin athindi dapat kaibiganin?

66 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 69: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

PARA sa sanlibutan, hindi na uso ang pagiging masunurin.Ang mentalidad ng marami ngayon ay hindi na ‘Gawin mokung ano ang tama,’ kundi ‘Gawin mo kung ano ang gustomo’ o ‘Kung kaya mong lusutan, sige gawin mo.’ Nariyanang mga drayber na lumalabag sa batas-trapiko, mga nego-syanteng hindi sumusunod sa regulasyon, at matataas naopisyal na walang galang sa batas na baka sila pa mismo angnagpanukala. Ang pagsunod sa “landasin ng karamihan,”kahit mali at mapanganib, ay karaniwan din noong pana-hon ni Jeremias.—Jer. 8:6.

2 Alam mo na upang makamit ang pagsang-ayon ngDiyos na Makapangyarihan-sa-lahat, hindi ka dapat sumu-nod sa “landasin ng karamihan.” Ipinakita ni Jeremias angpagkakaiba ng mga taong ‘hindi sumusunod sa tinig ni Je-hova’ at ng mga talagang gustong sumunod sa Kaniya. (Jer.3:25; 7:28; 26:13; 38:20; 43:4, 7) Dapat pag-isipan ng bawatisa sa atin ang bagay na ito. Bakit? Puntirya kasi ni Sa-tanas ang mga tapat na mananamba ng Diyos. Para siyangahas na may nakamamatay na kamandag; tahimik na nag-aabang ng mabibiktima at bigla na lang manunuklaw. Angdeterminasyon nating sundin ang tinig ni Jehova ay popro-tekta sa atin para hindi tayo matuklaw ng ahas na iyon. Peropaano natin mapapatatag ang determinasyong iyan? Maka-katulong sa atin ang mga isinulat ni Jeremias.

1, 2. Ano ang mentalidad ng mga sumusunod sa “landasin ng karami-han”? Bakit hindi ka dapat tumulad sa kanila?

KABANATA 6

“SUNDIN MO, PAKISUYO,ANG TINIG NI JEHOVA”

67

Page 70: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ANG ISA NA DAPAT SUNDIN3 Bakit dapat lang na sundin nang lubusan si Jeho-

va? Ayon kay Jeremias, si Jehova “ang Maylikha ng lupa sapamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ang Isa na ma-tibay na nagtatatag ng mabungang lupain sa pamamagitanng kaniyang karunungan.” (Jer. 10:12) Si Jehova ang Sobera-no ng uniberso. Mas dapat siyang katakutan kaysa sa lahatng iba pang tagapamahala. Siya lamang ang may karapatanghumiling sa atin na sundin ang kaniyang matuwid na mgakautusan, na kung tutuusin ay sa atin din namang walang-hanggang ikabubuti.—Jer. 10:6, 7.

4 Bukod sa pagiging Tagapamahala ng Uniberso, si Jeho-va rin ang Tagatustos ng buhay—ng ating buhay. Makikitaito sa karanasan ng mga Judio noong panahon ni Jere-mias. Di-gaya ng lupain ng Ehipto na umaasa sa tubig ngIlog Nilo, ang bayan ng Diyos sa Lupang Pangako ay naka-depende sa pana-panahong ulan. Iniipon nila ito sa mgaimbakang-tubig. (Deut. 11:13-17) Si Jehova lang ang ma-kapagpapaulan para madiligan ang lupa at mamunga ito.Pero puwede rin niyang ipagkait ang ulan. Noong pana-hon ni Jeremias, nakaranas ng sunud-sunod na tagtuyotang masuwaying mga Judio. Hindi nila napakinabanganang kanilang mga bukid at ubasan, at ang kanilang mga ba-lon at imbakang-tubig ay natuyo.—Jer. 3:3; 5:24; 12:4; 14:1-4, 22; 23:10.

5 Kung anong pagpapahalaga ng mga Judio sa literal natubig, siya namang pagbale-wala nila sa “tubig na buhay”na saganang inilalaan ni Jehova. Sinadya nilang suwayinang batas ng Diyos at nagtiwala sa mga kaalyadong ban-sa. Para silang mga taong nag-iipon ng tubig sa panahon

3. Bakit dapat nating sundin si Jehova?4, 5. (a) Ano ang napagtanto ng mga Judio noong mga panahon ng tag-tuyot? (b) Bakit masasabing inaksaya ng mga Judio ang “tubig na buhay”mula kay Jehova? (c) Paano ka makikinabang sa “tubig na buhay” mulasa Diyos?

68 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 71: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ng tagtuyot, pero inilalagaynaman ito sa mga sirang im-bakang-tubig. (Basahin angJeremias 2:13; 17:13.) Tiyakna ayaw nating matulad sakanila at mapahamak. Saga-na tayo sa patnubay mulakay Jehova sa pamamagitanng kaniyang Salita. Siyem-pre makikinabang lamang tayo sa “tubig na buhay” kungregular natin itong pinag-aaralan at namumuhay tayo ayondito.

6 Habang papalapit ang paghatol ng Diyos sa Juda, lalonang mahalaga na maging masunurin. Kung gusto ng isangJudio na protektahan siya ni Jehova, kailangan niyang mag-sisi at sumunod sa Diyos. Iyan ang naging hamon kayHaring Zedekias. Wala siyang paninindigan sa kung anoang tama. Nang sabihin ng mga prinsipe na gusto nilangpatayin si Jeremias, hindi man lang siya nakatutol. Gaya ngbinanggit sa Kabanata 5, nakaligtas ang propeta sa tulongni Ebed-melec. Pagkaraan, hinimok ni Jeremias si Zedekias:“Sundin mo, pakisuyo, ang tinig ni Jehova.” (Basahin ang Je-remias 38:4-6, 20.) Maliwanag, kung gustong mapabuti nghari, kailangan niyang magpasiya: Susundin ba niya angDiyos?

6. (a) Ipaliwanag ang naging saloobin ni Zedekias hinggil sa pagsunodkay Jehova. (b) Sa tingin mo, bakit masasabing hindi matalino ang hari?

Bakit tama lang na paulit-ulit na himukin ni Jeremias angmga Judio na sumunod sa Diyos?

Ang pag-inom ng “tubig nabuh

´ay” mula kay Jehova ay

magpapatibay sa iyo namaging masunurin

Page 72: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MAHALAGANG SUNDIN AGAD ANG DIYOS NA JEHOVA7 Mahalaga pa rin ngayon ang pagiging masunurin. Gaa-

no ka kadeterminadong sumunod kay Jehova? Paano kungbigla na lang ay may lumitaw na pornograpikong Web site,tititigan mo ba ito, o lalabanan mo ang tukso at isasara angsite na iyon? Paano kung yayain ka ng katrabaho o kaklasemong di-Saksi na mag-date? Makakatanggi ka ba? Mag-uusyoso ka ba sa mga literatura o Web site ng mga apostata,o kasusuklaman mo ito? Kapag nalagay ka sa ganitong mgasitwasyon, tandaan mo ang Jeremias 38:20.

8 Madalas isugo ni Jehova si Jeremias sa kaniyang ba-yan para payuhan ang mga ito. Sinasabi niya: “Tumalikodkayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang la-kad, at pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyongmga pakikitungo.” (Jer. 7:3; 18:11; 25:5; basahin ang Jeremias35:15.) Ginagawa din ng mga Kristiyanong elder sa ngayonang buong makakaya nila para tulungan ang mga kapana-

7. Sa anong mga sitwasyon puwedeng masubok ang iyong pagkamasu-nurin?8, 9. (a) Bakit dapat kang makinig sa mga elder kapag pinapayuhan kanila? (b) Ano ang dapat na maging saloobin mo sa paulit-ulit na payo ngmga elder?

Kapag pinapayuhan ka ng mga elder, makinig ka

70 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 73: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

nampalatayang nanganganib sa espirituwal. Kung sakalingpayuhan ka ng mga elder dahil sa kuwestiyunable o mapa-nganib na hakbang na ginagawa mo, makinig ka sa kanila.Gaya ni Jeremias, gusto nilang mapabuti ka.

9 Baka ipaalala sa iyo ng mga elder ang maka-Kasulatangsimulain na dati na nilang ipinayo sa iyo. Tandaan na hin-di madaling magpayo nang paulit-ulit, lalo na kung angsaloobin ng pinapayuhan ay gaya ng sa mga Judio noong pa-nahon ni Jeremias. Ang isipin mo mahal ka ni Jehova kayapaulit-ulit kang pinapayuhan ng mga elder. Kung tutuusin,hindi na sana kailangan ni Jeremias na ulit-ulitin ang mgababala niya kung nakinig lang agad ang mga Judio. Kaya parahindi ka paulit-ulit na mapayuhan, sumunod ka na agad.

NAGPAPATAWAD SI JEHOVA,PERO HINDI AWTOMATIKO

10 Habang nabubuhay sa sistemang ito, magkakamali’tmagkakamali tayo anumang sikap natin. Kaya nagpapasala-mat tayo dahil handang magpatawad ang Diyos. Pero hindiito awtomatiko. Bakit hindi? Dahil kasuklam-suklam kay Je-hova ang kasalanan. (Isa. 59:2) Kaya gusto niyang matiyakna karapat-dapat tayo sa kaniyang kapatawaran.

11 Gaya ng nakita natin, maraming Judio noong panahonni Jeremias ang namihasa sa pagsuway sa Diyos. Sinuboknila ang pasensiya at awa ni Jehova. Puwede rin bang mag-kaganoon ang isang lingkod ng Diyos sa ngayon? Oo,kung nagbibingi-bingihan siya sa mga paalaala ni Jehova atnagsisimula nang sumuway. Sa ilang kaso, kitang-kita angsaloobing ito sa mga pumapasok sa mapangalunyang pag-aasawa. Sa ibang kaso naman, ang ilan ay may doblengpamumuhay at nag-iisip na walang makakabisto sa kani-lang kasalanan. Pero delikado ang ganitong kaisipan. Kahitinaakala ng isa na maitatago niya sa iba ang kaniyang kasa-lanan, nakikita ng Diyos ang laman ng isip at puso; nakikita

10. Bakit hindi awtomatikong nagpapatawad si Jehova?11. Bakit walang kasalanang maililihim?

“Sundin Mo, Pakisuyo, ang Tinig ni Jehova” 71

Page 74: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

niya ang anumang ginagawa sa lihim. (Basahin ang Jere-mias 32:19.) Ano ang dapat gawin kung talagang sumuway saDiyos ang isa?

12 Binale-wala ng maraming Judio ang tulong na paulit-ulit na ibinibigay ni Jehova sa pamamagitan ni Jeremias. Sangayon, may mga nakagawa ng malubhang kasalanan naayaw magsisi at tumanggap ng tulong ng mga elder. Sa ga-nitong kalagayan, dapat sundin ng mga elder ang tagubilinng Kasulatan na ingatan ang kongregasyon sa pamamagitanng pagtitiwalag sa nagkasala. (1 Cor. 5:11-13; tingnan ang ka-hong “Pamumuhay Nang Walang Kautusan,” sa pahina 73.)Pero ibig bang sabihin ay wala na siyang pag-asa, na hin-di na siya puwedeng bumalik kay Jehova? Hindi. Mahabangpanahong naging mapaghimagsik ang mga Israelita; pero hi-nimok pa rin sila ng Diyos: “Manumbalik kayo, kayong mgaanak na suwail. Pagagalingin ko ang inyong pagkasuwail.”(Jer. 3:22)� Hinihimok ni Jehova ang mga nagkasala na ma-numbalik. Sa katunayan, inuutusan niya silang gawin ito.

� Kausap dito ni Jehova ang hilagang kaharian ng Israel. Mga 100taon nang tapon ang sampung-tribong kaharian na iyon nang ihayagni Jeremias ang mensaheng ito. Ipinakita niya na hanggang sa pana-hong iyon, hindi pa rin sila nagsisisi. (2 Hari 17:16-18, 24, 34, 35) Perobilang mga indibiduwal, makababalik sila kay Jehova at sa kanilanglupain.

12. Kung minsan, ano ang dapat gawin ng mga elder para maingatan angkongregasyon?

SUNDIN SI JEHOVA AT MANUMBALIK SA KANIYA

13 Para makabalik sa Diyos, gaya ng ipinahiwatig ni Jere-

13. Kung gusto ng isa na manumbalik kay Jehova, anu-ano ang kailanganniyang aminin?

Bakit isang katalinuhan na humingi ng tawad sa Diyoskapag nagkasala?

72 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 75: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“Sundin Mo, Pakisuyo, ang Tinig ni Jehova” 73

Kumusta ang mga Judio pagkawasak ng Jerusa-lem? May bahagyang paglalarawan si Jeremias sa Pa-naghoy 2:9. Bagsak ang mga pader, marahil pati angpintuang-daan na dating nagsasanggalang sa lunsod.At ang mas mabigat pa diyan, “walang kautusan.”Ang ibig bang sabihin ni Jeremias ay nagkakaguloang mga nakaligtas? Malamang na ang tinutukoyniya ay ang pagkawala ng espirituwal na kapanata-gan ng mga Judio, noong tinuturuan pa sila ng tapatna mga saserdote at mga propeta tungkol sa Kautu-san ng Diyos. Ang mga bulaang propeta na pinaki-kinggan nila ngayon ay walang maibigay na tunay na‘pangitain,’ o patnubay, mula kay Jehova; walang ka-buluhan ang kanilang ‘pangitain.’—Panag. 2:14.

Ganiyan ang maaaring madama ng isa na natiwa-lag mula sa kongregasyong Kristiyano. Wala na angdating mainit na pakikipagkaibigan sa kaniya ng mgakapatid, gayundin ang maibiging pangangalaga ngmga elder. Wala na rin ang napakahalagang espi-rituwal na pagtuturo na dating natatanggap niya. Sasanlibutan, kung saan “walang kautusan” mula kayJehova, baka pakiramdam niya’y wala siyang mata-takbuhan. Gayunman, puwede siyang bumalik atmuling tanggapin at pagpalain ni Jehova. (2 Cor. 2:6-10) Tiyak na sasang-ayon ka na ang pagsunod kayJehova ay di-hamak na mas mabuti kaysa sa pamu-muhay nang walang kautusan.

PAMUMUHAY NANG WALANG KAUTUSAN

Page 76: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mias, dapat tanungin ng isa ang kaniyang sarili, ‘Ano baitong nagawa ko?’ Pagkatapos, batay sa pamantayan ng Bibli-ya, dapat niyang aminin ang kaniyang pagkakamali. Hinditinanong ng di-nagsisising mga Judio ang kanilang sarili.Ayaw nilang aminin kung gaano kalubha ang kanilang kasa-lanan kaya hindi sila pinatawad ni Jehova, ni may dahilanman siya para patawarin sila. (Basahin ang Jeremias 8:6.) Sakabaligtaran naman, batid ng isang nagsisising makasalananna nakapagdulot siya ng upasala sa pangalan ng Diyos at ngkongregasyon. Ang isa na talagang nagsisisi ay labis ding na-lulungkot sa pinsalang maaaring naidulot niya sa iba. Dapatna malinaw sa kaniya na magiging matimbang lamang kayJehova ang paghingi niya ng tawad kung aaminin niya angnagawa niyang kasalanan at ang lahat ng epekto nito. Perohigit pa riyan ang kailangan.

14 Susuriin ng isang tunay na nagsisisi ang kaniyang

14. Paano ‘manunumbalik kay Jehova’ ang isa? (Tingnan ang kahong“Ano ang Pagsisisi?”)

74 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Sa Bibliya, ang mga salitang Hebreo at Griego nanauugnay sa pagsisisi ay may kinalaman sa saloobinng isang tao; binabago niya ang kaniyang kaisipantungkol sa kasalanang nagawa niya o sa isang malinghakbang na muntik na niyang magawa. Inilalarawandin ng mga salitang iyon ang damdamin ng gayongtao, gaya ng kalungkutan at kaaliwan. (2 Sam. 13:39;Job 42:6) Malinaw na ipinapakita ng Bibliya na ang tu-nay na pagsisisi ay isang matindi at taimtim na dam-damin. Ito ang uri ng pagsisising hinahanap ni Jehovasa lahat ng nagsasabing nagsisisi sila.—Jer. 31:18, 19.

ANO ANG PAGSISISI?

Page 77: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga motibo, hangarin, at paggawi. (Basahin ang Panag-hoy 3:40, 41.) Susuriin din niya kung saan siya maykahinaan, halimbawa, sa pakikipagkaibigan sa di-kasek-so, pag-inom o paninigarilyo, paggamit ng Internet, o sapagnenegosyo. Kung paanong nililinis ng isang maybahaymaging ang kasuluk-sulukan ng kaniyang kusina, dapatding linisin ng nagsisising indibiduwal maging ang ka-suluk-sulukan ng kaniyang pag-iisip at paggawi. Dapatsiyang ‘manumbalik kay Jehova’ sa pamamagitan ng pag-sunod sa mga kahilingan at pamantayan ng Diyos. “Maykabulaanan” ang panunumbalik kay Jehova ng ilang Ju-dio noong panahon ni Jeremias. Nagsisi sila kunwari perohindi nagbago ang kanilang puso at paggawi. (Jer. 3:10) Di-gaya nila, hindi lilinlangin ng isang tunay na nagsisisi angDiyos o ang kongregasyon. Hindi siya nagbabalik-loob paralang maprotektahan ang kaniyang reputasyon o maiba-lik ang kaniyang kaugnayan sa pamilya at sa mga kapatid.Sa halip, gusto niyang lubusang talikuran ang kaniyang ka-salanan para mapatawad siya at muling tanggapin ngDiyos.

‘Bakit hindi ako nakinig?’

Page 78: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

15 Napakahalaga ng panalangin sa pagsisisi. Noon, kara-niwan nang itinataas ng mga tao ang kanilang mga kamaykapag nananalangin. Sa ngayon, kapag nananalangin angisang tunay na nagsisisi, para bang ‘itinataas niya ang kani-yang puso pati ang kaniyang mga palad sa Diyos,’ gaya ngpagkakalarawan ni Jeremias. (Panag. 3:41, 42) Dahil sa ka-lungkutang nadarama niya, nauudyukan ang isang nagsisisina magbago kasabay ng paghingi niya ng tawad. Taimtimang kaniyang mga panalangin, mula sa kaibuturan ng kani-yang puso.

16 Alam mo na kailangang lunukin ng isang tunay nanagsisisi ang kaniyang pride. Pero ito ang tandaan mo:Gusto ni Jehova na bumalik sa kaniya ang mga nagkasala.Kapag nakita ng Diyos ang tunay na pagsisisi sa puso ngisang tao, nababagbag ang Kaniyang puso. Ang kaniyang“mga bituka ay nagkakaingay,” wika nga, dahil sa pagkaan-tig at pagnanais na mapatawad ang lahat ng nagsisisi, gayang ginawa niya sa mga Israelitang nagbalik mula sa pag-katapon. (Jer. 31:20) Hindi ba’t nakagiginhawang isipin nanaglalaan ang Diyos ng pag-asa at kapayapaan sa mga na-nunumbalik at sumusunod sa kaniya? (Jer. 29:11-14) Maypagkakataon silang mapabilang muli sa mga tapat na ling-kod ng Diyos.

PROTEKSIYON SA IYO ANG PAGSUNOD KAY JEHOVA17 Proteksiyon sa iyo ang lubusang pagsunod kay Jehova.

Makikita natin ito sa halimbawa ng mga Recabita no-ong panahon ni Jeremias. Mahigit dalawang siglo bago nito,si Jehonadab, ang ninuno nilang Kenita na pumanig kayJehu, ay nagbigay ng ilang mahihigpit na utos. Isa rito angpagbabawal sa pag-inom ng alak. Matagal nang patay si Jeho-nadab, pero sinusunod pa rin ng mga Recabita ang utos niya.

15. Ilarawan ang panalangin ng isang tunay na nagsisisi.16. Bakit makatuwiran na manumbalik sa Diyos?17, 18. (a) Sino ang mga Recabita? (b) Gaya ng makikita sa pahina 77,sa ano sila kilala?

76 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 79: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Para subukin sila, dinala sila ni Jeremias sa isang silid-kainansa templo at inalok ng alak. Sinabi nila: “Hindi kami iinomng alak.”—Jer. 35:1-10.

18 Para sa mga Recabita, mahalagang sundin ang utosng kanilang ninuno kahit matagal na itong patay. Pero di-hamak na mas mahalagang maging masunurin sa mga utosng buhay na Diyos ang mga tunay na mananamba. Ki-tang-kita ni Jehova ang pagkamasunurin ng mga Recabita.Kabaligtaran ito ng katigasan ng ulo ng mga Judio. Na-ngako ang Diyos sa mga Recabita na poprotektahan niya silasa paparating na kapahamakan. Kaya hindi ba makatuwi-rang asahan na ililigtas ni Jehova sa panahon ng malakingkapighatian ang mga sumusunod sa kaniya nang lubusan?—Basahin ang Jeremias 35:19.

Bakit mahalagang bahagi ng pagsunod ang pagsisisi samalubhang kasalanan? Paano ka matutulungan ng pagigingmasunurin na huwag nang umabot pa sa punto na maykailangan kang pagsisihan?

77

Page 80: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

HINDI KA NAG-IISA SA PAGSUNOD KAY JEHOVA19 Hindi lang mga sinaunang lingkod ng Diyos ang pina-

ngangalagaan niya. Iniingatan pa rin ni Jehova ngayon ang

19. Kung masunurin ka kay Jehova, anong proteksiyon ang ilalaan niyasa iyo?

78 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Naging proteksiyon sa isang kabataang Saksi sa Es-panya ang pagsunod kay Jehova. Sumulat siya: “Gus-to ng kaklase ko na mag-date kami. Ang ganda niya,pero alam kong mapapahamak ako kapag nakipag-date ako sa isa na hindi mahal si Jehova.

“Pilit din akong niyayaya ng mga kaklase ko sa partypara sa pagtatapos ng school year. Nang sabihin konghindi ako pupunta dahil sa mga simulain ng Bibliya,kung anu-ano na ang bansag nila sa akin. Pakiram-dam ko, para akong taga-ibang planeta. Lumapit akosa elder namin. Tinanong niya ako, ‘Tunay na kaibigankaya ang mga hindi rumerespeto sa iyong desisyon atpamantayang moral?’ Iyon ang nagpalakas sa akin nalabanan ang panggigipit ng mga kaklase ko.

“Buti na lang talaga. Kasi sa party na iyon, isang ba-bae ang ginahasa. At tatlong kaklase ko ang malub-hang nasugatan nang maaksidente sila sa sasakyandahil nakainom ang nagmaneho. Kung pumunta akosa party, baka kasama akong naaksidente. Nagpapasa-lamat ako kay Jehova at pinalakas niya akong magingmasunurin sa kaniya at malabanan ang panggigipit saeskuwela.”

PROTEKSIYONANG PAGSUNOD KAY JEHOVA

Page 81: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga masunurin sa kaniya. Gaya ng matataas na pader nanagsasanggalang sa mga lunsod noon, naipagsasanggalangng batas ng Diyos ang mga nag-aaral nito at nagsisikap nasumunod dito. Mananatili ka ba sa loob ng pader ni Jehovaat susunod sa kaniyang mga pamantayang moral? Tiyak namapapabuti ka kung gagawin mo iyan. (Jer. 7:23) Pinatutu-nayan iyan ng maraming karanasan.—Tingnan ang kahong“Proteksiyon ang Pagsunod kay Jehova.”

20 May mga sasalansang sa iyo habang naglilingkod ka saDiyos—mga kapamilya, katrabaho, kaeskuwela, o mga nasaawtoridad. Pero kung magiging masunurin ka kay Jeho-va sa lahat ng bagay, tutulungan ka niya, gaano man kahirapang sitwasyon. Pakatandaan: Nangako ang Diyos na aalalayanniya si Jeremias sa gitna ng matinding pagsalansang, at tinu-pad niya iyon. (Basahin ang Jeremias 1:17-19.) Kitang-kita niJeremias ang suportang ito noong panahon ni Haring Jehoia-kim.

21 Sa mga naging tagapamahala ng Israel, si Jehoiakimang sumalansang nang pinakamatindi sa mga mensaherong Diyos. Isa si propeta Urias, kasabayan ni Jeremias, sapinagmalupitan niya. Ipinatugis siya ng masamang haring siJehoiakim hanggang sa labas ng bansa. Nang madakip si Uriasat dalhin sa hari, pinatay siya nito. (Jer. 26:20-23) Sa ikaapatna taon ng paghahari ni Jehoiakim, inutusan ni Jehova si Jere-mias na isulat ang lahat ng salitang sinabi Niya sa propeta atbasahin iyon nang malakas sa templo. Nakuha ni Jehoiakimang balumbon ni Jeremias at ipinabasa ito sa kaniyang opi-syal. Pagkarinig dito, pinagpipilas ito ng hari at inihagis saapoy, sa kabila ng pagpigil ng ilang prinsipe. Pagkatapos, ipi-nahanap niya sina Jeremias at Baruc para arestuhin. Ano angnangyari? “Iningatan silang nakakubli ni Jehova.” (Jer. 36:1-6; basahin ang Jeremias 36:21-26.) Hindi hinayaan ni Jehovana saktan ni Jehoiakim ang dalawang tapat na lingkod Niya.

20, 21. (a) Ano ang maaasahan mo kay Jehova habang naglilingkod kasa kaniya? (b) Ano ang naging reaksiyon ni Haring Jehoiakim sa mensa-he ng Diyos sa pamamagitan ni Jeremias?

“Sundin Mo, Pakisuyo, ang Tinig ni Jehova” 79

Page 82: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

22 Kung ayon sa kalooban ni Jehova, maaari din niyang iku-bli sa kapahamakan ang mga lingkod niya sa ngayon.Pero kadalasan, binibigyan niya sila ng lakas ng loob atkarunungan na sundin siya at patuloy na mangaral. Isangnagsosolong ina, na tatawagin nating Gulistan, ang may apatna anak. Inalalayan siya ni Jehova. Siya lang ang Saksi noonsa isang malaking bahagi ng gitnang Asia kung saan may pag-salansang sa gawain. Ang pinakamalapit na kongregasyon aymahigit 400 kilometro, kaya bihirang makasama ni Gulistanang mga may-gulang na Kristiyano. Sa kabila ng pagsalansangat mga problema, nagbabahay-bahay siya at marami siyangnatatagpuang interesado. Ayon sa isang ulat kamakailan, mga20 katao ang bina-Bible study niya at tinutulungan ang isangmasulong na grupo ng mga tupa ni Jehova.

23 Kung paanong inalalayan ni Jehova si Jeremias at angmga Saksing gaya ni Gulistan, aalalayan ka rin ng Diyos atang iba pang masunuring lingkod niya. Kaya maging deter-minado na sundin siya bilang Tagapamahala sa halip na angmga tao. Kung gayon, walang pagsalansang at problemangmakahahadlang sa iyo sa hayagang pagpuri sa tanging tunayna Diyos.—Jer. 15:20, 21.

24 Ang tunay na kaligayahan at kasiyahan ay hindi natinmakakamit kung namumuhay tayo nang hiwalay sa Maylik-ha. (Jer. 10:23) Matapos pag-aralan ang isinulat ni Jeremiastungkol sa pagiging masunurin, nakikita mo ba kung paa-no ka higit pang magpapaakay kay Jehova? Tanging ang mgautos niya ang aakay sa atin sa isang matagumpay at maliga-yang buhay. “Sundin ninyo ang aking tinig,” ang paghimokni Jehova, “upang mapabuti kayo.”—Jer. 7:23.

22, 23. Ano ang matututuhan mo sa karanasan ng isang Saksi sa gitnangAsia hinggil sa pag-alalay ng Diyos?24. Ngayon pa lang, paano ka nakikinabang sa pagiging masunurin?

Paano mo maikakapit sa iyong kaugnayan sa Diyos ang mganatutuhan mo sa aklat ng Jeremias tungkol sa pagsunod?

80 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 83: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

KAPAG sinabing “bagong sanlibutan,” anong mga pangakosa Bibliya ang naiisip mo? Siguro, sakdal na kalusu-gan, saganang masustansiyang pagkain, maaamong hayop,o sariling bahay. Malamang na alam mo kung saan sa Bi-bliya mababasa ang mga ito. Pero mayroon pang hindimo dapat kaligtaan—mabuting espirituwal at emosyonal nakalusugan. Kung wala ito, unti-unti ring maglalaho ang ka-galakan mo.

2 Nang ihula ni Jeremias ang pagbalik ng mga Judio mulasa Babilonya, sinabi ng Diyos kung ano ang madaramanila: “Gagayakan mo pa ng iyong mga tamburin ang iyongsarili at hahayo ka nga sa sayaw niyaong mga tumatawa.”(Basahin ang Jeremias 30:18, 19; 31:4, 12-14.) Nakaaantigang sumunod na sinabi ng Diyos: “Bibigyang-kasiyahan koang kaluluwang pagod, at ang bawat kaluluwang nanlalataay bubusugin ko.”—Jer. 31:25.

3 Isa ngang napakagandang kinabukasan! Sinabi ni Je-hova na talagang bibigyang-kasiyahan niya ang mgapagod at nanlulupaypay. At kapag nangako ang Diyos, ti-nutupad niya ito. Ipinapakita ng isinulat ni Jeremias natayo rin ay makaaasa ng kaginhawahan. Bukod diyan, ma-kikita rin natin sa mga isinulat niya kung paano tayo

1. Anong partikular na pagpapala sa bagong sanlibutan ang pinanana-bikan mo?

2, 3. Anong espesyal na pagpapala ang iniulat ni Jeremias?

KABANATA 7

“BIBIGYANG-KASIYAHAN KOANG KALULUWANG PAGOD”

81

Page 84: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mapapatibay at magiging positibo kahit ngayon. At ipina-pakita rin nito kung paano natin mapapatibay ang iba,mapaginhawa ang kaluluwang pagod, wika nga.

4 Nakaaliw kay Jeremias ang pangakong iyan, at makaka-aliw rin iyan sa atin. Bakit? Natatandaan mo ba ang sinabisa Kabanata 1 ng aklat na ito? Si Jeremias ay “isang taongmay damdaming tulad ng sa atin,” gaya rin ni Elias. (Sant.5:17) May naiisip ka bang ilang dahilan kung bakit minsanay malamang na pinanghinaan ng loob o medyo nanlu-mo si Jeremias? Ano kaya ang madarama mo kung ikawang nasa ganoong sitwasyon? Bakit maaaring panghinaanka rin ng loob?—Roma 15:4.

5 Maaaring isa sa mga nagpahina ng loob ni Jeremias angmga kababayan niya. Lumaki siya sa Anatot, isang lunsodng mga Levita mga ilang kilometro sa hilagang-silangan ngJerusalem. May mga kakilala at marahil mga kamag-anakdoon ang propeta. Sinabi ni Jesus na ang isang propeta aywalang karangalan sa sarili niyang bayan, at totoo ito kayJeremias. (Juan 4:44) Hindi lang basta walang pakialam owalang respeto sa kaniya ang mga kababayan niya. Sa ka-tunayan, sinabi ng Diyos na ang “mga lalaki ng Anatot” ay“naghahanap sa . . . kaluluwa” ni Jeremias. Galıt na galıt silasa kaniya. Sinabi nila: “Huwag kang manghula sa panga-lan ni Jehova, upang hindi ka mamatay sa aming kamay.”Napakabigat ng banta ng kaniyang mga kababayan, mara-hil pati ng mga kamag-anak niya, na dapat sana’y kakampiniya!—Jer. 1:1; 11:21.

6 Kung ginigipit ka ng mga kakilala, kaklase, katrabaho,o ilang kamag-anak, isipin mo kung paano tinulungan ni

4. Bakit maiintindihan natin si Jeremias sa nadama niya?5. Ano ang maaaring nagpahina ng loob ni Jeremias?6. Kung sinasalansang ka ng mga katrabaho o ng iba pa, paano maka-katulong sa iyo ang naranasan ni Jeremias sa “mga lalaki ng Anatot”?

82 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 85: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jehova si Jeremias. Sinabi noon ng Diyos na ‘ibabalingniya ang kaniyang pansin’ sa mga taga-Anatot na suma-salansang sa propeta. (Basahin ang Jeremias 11:22, 23.)Tiyak na nakatulong kay Jeremias ang pampatibay naiyon. Ibabaling ng Diyos ang kaniyang pansin at mag-papasapit ng “kapahamakan sa mga lalaki ng Anatot.” Atgayon nga ang nangyari. Makatitiyak ka rin na alam niJehova ang nangyayari sa iyo. (Awit 11:4; 66:7) Ang ‘pa-nanatili’ mo sa mga turo ng Bibliya at paggawa ng tamaay baka makatulong sa mga mananalansang na magbagoat maiwasan ang kapahamakang sasapit sa kanila.—1 Tim.4:16.

Sa aklat ng Jeremias, ano ang nagpapakitang interesadoang Diyos sa damdamin ng mga tao? Paano ito nakatulongsa propeta?

“Bibigyang-Kasiyahan Ko ang Kaluluwang Pagod” 83

Page 86: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MGA BAGAY NANAKAPANGHIHINA

NG LOOB7 Hindi lang pananakot at

pagbabanta ng mga kababa-yan ang inabot ni Jeremias.Isang kilalang lalaki angnanakit sa kaniya, ang sa-serdoteng si Pasur.�Mataposipahayag ni Jeremias angisang hula mula sa Diyos,“sinaktan ni Pasur si Jere-mias na propeta at inilagaysiya sa mga pangawan.” (Jer.20:1, 2) Malamang na hindilang iyon basta sampal. Sina-sabi ng ilan na ipinahagupitni Pasur si Jeremias nanghanggang 40 beses. (Deut.25:3) Habang kumikirot angmga latay ni Jeremias, malamang na pinagtatawanan at nila-lait siya ng mga tao, baka nga dinuduraan pa siya. At hindilang iyan. Inilagay siya ni Pasur sa “pangawan” nang magda-mag. Ang salitang Hebreo na ginamit ay nagpapahiwatig nanakabaluktot ang katawan niya. Oo, buong-gabi siyang nag-hirap sa pagkakaipit sa pangawan.

8 Paano iyon nakaapekto kay Jeremias? Sinabi niya saDiyos: “Ako ay naging katatawanan sa buong araw.” (Jer.20:3-7) Sumagi rin sa isip ni Jeremias na tumigil na bi-lang propeta ng Diyos. Pero alam mong hindi niya kayang

� Noong paghahari ni Zedekias, may isa pang Pasur, isang prinsi-pe na humikayat sa hari na ipapatay si Jeremias.—Jer. 38:1-5.

7, 8. Anong kalupitan ang naranasan ni Jeremias? Ano ang epekto nitosa kaniya?

84

Page 87: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

gawin iyon, at hindi nga niya ginawa iyon. Sa halip, gani-to ang sinabi niya tungkol sa mensaheng ipinahahatid sakaniya: “Naging gaya iyon ng nagniningas na apoy na na-kukulong sa aking mga buto.” Talagang kailangan niyangmagsalita bilang propeta ni Jehova.—Basahin ang Jeremias20:8, 9.

9 Makakatulong sa atin ang ulat na ito kapag tinutuyatayo ng mga kakilala natin, sila man ay kamag-anak, kapit-bahay, katrabaho, o kaeskuwela. Hindi natin maiaalis kungminsan na manghina dahil sa pagsalansang, halimbawa,kapag may nanakit sa atin dahil sa ating pananampalataya.Naapektuhan ng gayong mga bagay ang di-sakdal na si Jere-mias. Hindi ba’t mga tao lang din tayo na gaya niya? Perotandaan na sa tulong ng Diyos, nanumbalik ang kagalakanat tibay ng loob ni Jeremias. Pansamantala lang siyang na-siraan ng loob, at sana ganoon din tayo.—2 Cor. 4:16-18.

9. Bakit makakatulong sa atin na bulay-bulayin ang naranasan ni Jere-mias?

85

Page 88: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

10 May mga pagkakataong biglang nagbabago ang pa-kiramdam ni Jeremias. Nangyayari din ba iyan sa iyo—kaysaya-saya mo, tapos mayamaya malungkot ka na? Pan-sinin ang ulat sa Jeremias 20:12, 13. (Basahin.) Matapospagmalupitan ni Pasur, nagsaya si Jeremias dahil naginggaya siya ng isang ‘dukhang iniligtas mula sa kamay ngmga manggagawa ng kasamaan.’ Siguro minsan, gustung-gusto mong purihin si Jehova, o umawit pa nga sa kaniya,dahil may nalampasan kang problema o may magandangnangyari sa buhay mo o sa ministeryo. Ang sarap ng paki-ramdam, ’di ba?—Gawa 16:25, 26.

11 Pero dahil hindi tayo sakdal, may mga pagkakata-on din na nagbabago ang pakiramdam natin, gaya niJeremias. Pagkatapos niyang sabihing “umawit kayo kay Je-hova,” nanlumo siya, baka napaiyak pa nga. (Basahinang Jeremias 20:14-16.) Lumung-lumo siya at naisip nahindi na lang sana siya ipinanganak! Nasabi pa nga

niya na kasumpa-sumpanggaya ng Sodoma at Gomor-ra ang taong nagbalita noonna ipinanganak siya. Peroito ang punto: Nagmukmokna lang ba si Jeremias? Tu-luyan na ba siyang sumuko?

10. Ano ang mauunawaan natinsa ulat ng Bibliya tungkol sapagbabago ng pakiramdam ni Je-remias?11. Kung may pagkakataong nag-babago ang pakiramdam natin,ano ang dapat nating tandaantungkol kay Jeremias?

Paano maaaring makaapektosa ating damdamin angpagsalansang o panunuya?

86 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 89: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Hindi. Sa halip, pinaglabanan niya ang panghihina ngloob, at nagtagumpay siya. Pansinin ang kasunod na sina-sabi ng aklat ng Jeremias. Pinuntahan ni Pasur, na prinsipe,si Jeremias dahil may ipinapatanong si Haring Zedekiastungkol sa pagkubkob ng mga Babilonyo sa Jerusalem.Nang pagkakataong iyon, buong-tapang na inihayag sakaniya ni Jeremias ang kahatulan ni Jehova at ang kahihi-natnan nito. (Jer. 21:1-7) Kitang-kita na sa kabila ng lahat,masigasig pa rin si Jeremias!

12 May ilang lingkod ng Diyos sa ngayon na dumaranasng pabagu-bagong emosyon. Maaaring may kaugnayan itosa kalusugan—marahil dahil sa hormonal o biochemicalimbalance. Puwedeng makatulong ang doktor sa ganitongmga kondisyon. (Luc. 5:31) Pero para sa marami sa atin,kung maging napakasaya man o napakalungkot natin,hindi ibig sabihin nito na may problema tayo sa kalusu-gan. Kadalasan nang karamihan sa negatibong damdaminay bahagi ng di-kasakdalan ng tao. Baka dahil iyon sa pa-god o pangungulila sa isang namatay na mahal sa buhay.Kung nagbabago ang pakiramdam mo dahil sa mga sitwa-syong ito, tandaan na pinagdaanan din iyan ni Jeremias,pero hindi siya pinabayaan ng Diyos. Baka kailangangmag-adjust tayo ng rutin para mas makapagpahinga, omagpalipas ng panahon para maka-recover matapos angisang trahedya. Pero napakahalaga rin ng regular na pagda-lo sa pulong at pakikibahagi sa iba pang teokratikonggawain. Makakatulong ang mga ito para manatiling tim-bang at maligaya sa paglilingkod sa Diyos.—Mat. 5:3; Roma12:10-12.

13 Ang panlulumo mo man ay minsan lang o pasum-pung-sumpong, makakatulong sa iyo ang karanasan niJeremias. Gaya ng nabanggit na, may panahong pinanghi-

12, 13. Ano ang puwede nating gawin kung dumaranas tayo ng paba-gu-bagong emosyon?

“Bibigyang-Kasiyahan Ko ang Kaluluwang Pagod” 87

Page 90: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

hinaan siya ng loob. Pero hindi niya hinayaang magingdahilan ito para mapalayo sa Diyos na iniibig niya at tapatna pinaglilingkuran. Nang gantihan ng masama ang ka-niyang kabutihan, kay Jehova siya bumaling at nagtiwala.(Jer. 18:19, 20, 23) Maging determinadong tularan si Jere-mias.—Panag. 3:55-57.

MAPAGIGINHAWA MO BAANG MGA KALULUWANG PAGOD?

14 Magandang pansinin kung paano pinatibay si Jere-mias at kung paano niya pinatibay ang mga “kaluluwangpagod.” (Jer. 31:25) Si Jehova mismo ang nagpatibay kay Je-remias. Tiyak na mapapatibay ka rin kung sabihin sa iyo niJehova: “Sa ganang akin, narito, ngayon ay ginawa kitangisang nakukutaang lunsod . . . Tiyak na makikipaglaban silasa iyo, ngunit hindi sila mananaig laban sa iyo, sapagkat‘Ako ay sumasaiyo,’ ang sabi ni Jehova, ‘upang iligtas ka.’”(Jer.1:18,19) Hindi nakapagtatakang sabihin ni Jeremias nasi Jehova ang kaniyang ‘lakas at moog, at dakong matataka-san sa araw ng kabagabagan.’—Jer. 16:19.

15 Pansinin ang sinabi ni Jehova kay Jeremias: “Ako ay su-masaiyo.” Nagkaideya ka ba kung paano mo mapapatibayang isang nanghihina? Maganda naman kapag naiisip na-tin ang isang kapatid o kamag-anak na nanghihina, peromas maganda kung kikilos tayo para tulungan sila. Kadala-san nang pinakamagandang tularan ang ginawa ng Diyoskay Jeremias—iparamdam mo sa isa na nanghihina na nan-diyan ka para sa kaniya. Pagkatapos, baka puwede kang

14. Paano pinatibay ni Jehova si Jeremias?15, 16. Anong mga paraan ng pagpapatibay ni Jehova kay Jeremias angpuwede mong tularan?

Kapag nanlulumo ka o pinanghihinaan ng loob, paano momaikakapit ang natutuhan mo sa aklat ng Jeremias?

88 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 91: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

magsabi ng mga salitang pampatibay, pero huwag namangsobra. Malamang na kahit kaunti lang ang sabihin mo, bas-ta’t nakapagpapatibay, makakatulong iyon. Hindi mokailangang maging mahusay sa pagsasalita. Kahit simplelang ang sasabihin mo, ang mahalaga ay maramdaman angmalasakit at Kristiyanong pag-ibig mo. Malaki ang magaga-wa nito.—Basahin ang Kawikaan 25:11.

16 Hiniling ni Jeremias: “O Jehova, alalahanin mo ako atibaling mo sa akin ang iyong pansin.” Ano ang nangyari?Sinabi ng propeta: “Ang iyong mga salita ay nasumpungan,at kinain ko ang mga iyon; at sa akin ang iyong salita aynaging pagbubunyi at pagsasaya ng aking puso.” (Jer. 15:15, 16) Baka ganiyan ding pagmamalasakit ang kailanganng tinutulungan mo. Siyempre, hindi natin mapapantayanang mga pananalita ni Jehova. Pero puwede mo ring gami-tin ang ilan sa mga salitang sinabi ng Diyos. Ang gayongtaimtim at taos-pusong mga pananalita mula sa Bibliya aytalagang makapagpapagalak sa puso.—Basahin ang Jeremias17:7, 8.

17 Pansinin na nang mapatibay ng Diyos si Jeremias, pi-natibay naman ni Jeremias ang iba. Paano? Minsan, inaminni Haring Zedekias kay Jeremias na natatakot siya sa mgaJudiong kumampi sa mga Babilonyo. Pinatibay ng pro-peta ang hari at hinimok na sundin si Jehova para huwagitong mapahamak. (Jer. 38:19, 20) Matapos bumagsak angJerusalem, may ilang Judio na nanatili roon. Balak ng pinu-no ng militar, si Johanan, na dalhin ang bayan sa Ehipto.Pero sumangguni muna ito kay Jeremias. Pinakinggan ngpropeta si Johanan, at saka nanalangin kay Jehova. Pagka-tapos, sinabi niya rito ang magandang sagot ni Jehova, namapapabuti sila kung susundin nila ang utos ng Diyos namanatili sa lupain. (Jer. 42:1-12) Sa dalawang pagkakataong

17. Anong mahalagang aral ang mapupulot natin sa pakikitungo ni Je-remias kina Zedekias at Johanan?

“Bibigyang-Kasiyahan Ko ang Kaluluwang Pagod” 89

Page 92: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

iyon, nakinig muna si Jeremias bago nagsalita. Mahalagaang pakikinig para mapatibay ang iba. Hayaan mo silangmagsabi ng kanilang mga hinaing at pangamba. Paking-gan mo sila. Kung angkop, magsabi ka ng mga pampatibay.Hindi naman aktuwal na manggagaling sa langit ang sa-sabihin mo, pero makakakuha ka ng magagandang puntosa Bibliya, mga mensaheng nagbibigay ng pag-asa.—Jer. 31:7-14.

18 Parehong hindi nakinig sina Zedekias at Johanan samagandang payo ni Jeremias. Sa ngayon, baka hindi ka rinpinakikinggan ng ilang pinapatibay mo. Huwag kang masi-raan ng loob. May mga nakinig din naman kay Jeremias, atmalamang na may makinig din sa iyo. Isipin ang mga Re-cabita, mga Kenitang matagal nang kaibigan ng mga Judio.Inutusan sila ng kanilang ninunong si Jehonadab na, bi-lang mga dayuhan, hindi sila dapat uminom ng alak. Nangsumasalakay ang mga Babilonyo, dinala ni Jeremias angmga Recabita sa silid-kainan sa templo. Inutusan ng Diyossi Jeremias na bigyan sila ng alak. Di-gaya ng masuwayingmga Israelita, iginagalang ng mga Recabita ang kanilang ni-nuno, at sinunod nila ang utos nito na huwag uminom ngalak. (Jer. 35:3-10) Sinabi ni Jeremias ang komendasyon sakanila ni Jehova at ang pangako Niya para sa kanila. (Basa-hin ang Jeremias 35:14, 17-19.) Magandang tularan mo iyansa pagpapatibay sa iba: Magbigay ng taimtim na komenda-syon kung may pagkakataon.

19 Ginawa rin iyan ni Jeremias sa Etiopeng si Ebed-melec,isang opisyal sa korte ni Haring Zedekias. Walang-awangitinapon ng mga prinsipe ng Juda si Jeremias sa isang ma-lusak na imbakang-tubig para doon mamatay. Nakiusap siEbed-melec kay Haring Zedekias, at pumayag naman ito na

18, 19. Anong halimbawa ng pagpapatibay sa iba ang makikita sa ulattungkol sa mga Recabita at kay Ebed-melec?

90 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 93: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sagipin niya ang propeta.Ginawa ito ni Ebed-meleckahit alam niyang mapa-nganib ito. (Jer. 38:7-13)Dahil malamang na ikina-galit ng mga prinsipe ngJuda ang ginawa ni Ebed-melec, baka nag-aalala siyasa magiging kinabukasanniya. Hindi binale-wala niJeremias ang pangamba niEbed-melec at inisip namalalampasan din namaniyon ni Ebed-melec. Pinati-bay niya ito at sinabi angmga pagpapalang ibibigaysa kaniya ng Diyos.—Jer.39:15-18.

20 Habang pinag-aaralannatin ang aklat ng Jeremias,makakakita tayo ng mgahalimbawa kung paanonatin masusunod ang tagu-bilin ni apostol Pablo sa

mga kapatid natin sa Tesalonica: “Patuloy ninyong aliwinang isa’t isa at patibayin ang isa’t isa . . . Sumainyo nawa angdi-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo.”—1 Tes. 5:11, 28.

20. Ano ang dapat nating gawin para sa ating mga kapatid, bata mansila o matanda?

Anong mga aral mula sa aklat ng Jeremias ang gustomong ikapit habang sinisikap mong patibayin ang mgakaluluwang pagod?

“Bibigyang-Kasiyahan Ko ang Kaluluwang Pagod” 91

Page 94: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MATAPOS papiliin ni Josue ang mga Israelita kung sino angkanilang paglilingkuran, sinabi niya: “Kung para sa akin atsa aking sambahayan, maglilingkod kami kay Jehova.” (Jos.24:15) Determinado si Josue na maging tapat sa Diyos, at si-gurado siyang magiging tapat din ang kaniyang pamilya.Habang papalapit naman ang pagkawasak ng Jerusalem, sina-bi ni Jeremias kay Haring Zedekias: “Ikaw at ang iyongsambahayan ay tiyak na mananatiling buh

´ay,” kung susuko si

Zedekias sa mga Babilonyo. (Jer. 38:17) Dahil sa maling pasi-ya ng hari, napahamak siya, ang kaniyang mga asawa, at mgaanak. Pinatay sa harap niya ang kaniyang mga anak; saka siyabinulag at dinalang bihag sa Babilonya.—Jer. 38:18-23; 39:6, 7.

2 Sa dalawang nakaitalikong parirala, isang tao ang di-rektang nasasangkot. Pero binanggit din ang pamilya niya.Bakit? Kasi bagaman bawat adulto ay mananagot sa Diyos, ka-ramihan sa mga Israelita ay may asawa’t pamilya. Para sa mgaKristiyano, mahalaga rin ang pamilya. Nababasa natin iyan saBibliya at naririnig sa mga pulong Kristiyano kapag tinatala-kay ang pag-aasawa, pagpapalaki sa mga anak, at pagrespetosa mga miyembro ng pamilya.—1 Cor. 7:36-39; 1 Tim. 5:8.

DI-PANGKARANIWANG UTOS3 Isa si Jeremias sa mga ‘nanatiling buhay’ noong pa-

1, 2. Bakit makatuwirang bigyang-pansin ang iyong sarili, pati angiyong pamilya?3, 4. Bakit naiiba si Jeremias sa karamihan? Bakit ito naging kapaki-pakinabang sa kaniya?

KABANATA 8

IKAW BA’Y “MANANATILINGBUH

´AY” GAYA NI JEREMIAS?

92

Page 95: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

nahon niya. Nakaligtas siya sa pagkawasak ng Jerusalem.Gayunman, iba ang kalagayan niya kung ikukumpara samarami. (Jer. 21:9; 40:1-4) Sinabihan siya ng Diyos na hu-wag mag-asawa o mag-anak o mamuhay na gaya ng mgaJudio noong panahon niya.—Basahin ang Jeremias 16:1-4.

4 Noong panahon ni Jeremias, normal lang ang mag-asawa at mag-anak. Nag-aasawa ang mga lalaking Judiopara manatili sa kanilang angkan ang minana nilang lupa.�(Deut. 7:14) Pero bakit hindi nag-asawa si Jeremias? Dahil sanakatakdang mangyari, sinabihan siya ng Diyos na huwagmakibahagi sa karaniwang pagdiriwang o pagdadalamhating mga tao. Hindi siya dapat makiramay sa mga namatayano makisalo sa mga ito matapos ang isang libing; ni maki-saya man sa mga kasalang Judio. Ang gayong mga okasyonat pagsasaya ay nakatakda nang maglaho. (Jer. 7:33; 16:5-9)Ang gagawing ito ni Jeremias ay tutulong sa mga tao na ma-kitang totoo ang mensahe niya at hindi biru-biro ang hatolna darating sa kanila. At dumating nga ang kapahamakangiyon. Ano kaya ang nadama ng mga Israelita na napilitangkainin ang mga kapamilya nila o makitang inaagnas angmga mahal nila sa buhay? (Basahin ang Jeremias 14:16; Pa-nag. 2:20.) Kaya hindi kaawa-awa si Jeremias. Sa loob ng18-buwang pagkubkob at pagpaslang, maraming pamilyaang nasawi. Pero hindi dinanas ni Jeremias ang sakit ng ma-matayan ng asawa o anak.

5 Pero kapit ba sa atin ang Jeremias 16:5-9? Hindi. Hi-nihimok ang mga Kristiyano na ‘aliwin yaong mga nasaanumang uri ng kapighatian’ at “makipagsaya sa mgataong nagsasaya.” (2 Cor. 1:4; Roma 12:15) Dumalo ng ka-salan si Jesus at naghimala pa nga para maging masaya ang

� Sa orihinal na Hebreong Kasulatan, walang salita para sa “lalakingnanatiling walang asawa.”

5. Ano ang matututuhan ng mga Kristiyano sa tagubilin na nasa Jere-mias 16:5-9?

Ikaw Ba’y “Mananatiling Buh´

ay” Gaya ni Jeremias? 93

Page 96: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

okasyon. Gayunman, ang mangyayari sa masamang siste-mang ito ay seryosong bagay. Maaari pa ngang mapaharapsa mahihirap na sitwasyon ang mga Kristiyano at magsakri-pisyo ng ilang bagay na mahalaga sa kanila. Idiniin ni Jesusang pangangailangang maging handa para makapagbata atmanatiling tapat, gaya ng mga kapatid natin sa Judea na tu-makas noong unang siglo. Kaya dapat nating pag-isipangmabuti kung tayo ba ay mag-aasawa, mag-aanak, o mana-natiling walang asawa.—Basahin ang Mateo 24:17, 18.

6 Ano ang matututuhan natin sa utos ng Diyos kay Je-remias na huwag mag-asawa o mag-anak? Sa ngayon, mayilang tapat na Kristiyano na walang asawa o mga anak.Anong aral ang makukuha nila sa naging buhay ni Jere-mias? At bakit kailangang pag-isipan ito maging ng mgaKristiyanong may asawa at mga anak?

7 Isaalang-alang muna natin ang utos kay Jeremias na hu-wag mag-anak. Hindi iniutos ni Jesus sa mga alagad niyana huwag silang mag-anak. Pero inihula niya na “aba,” o

6. Sinu-sino ang makikinabang sa pagbubulay-bulay sa utos ng Diyoskay Jeremias?7. Bakit makabubuting isaalang-alang ang hindi pagkakaroon ni Jere-mias ng anak?

Page 97: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kaawa-awa, ang mga nagdadalang-tao o may mga pasusu-hing anak kapag dumating ang kapighatian sa Jerusalem.Nangyari nga ito noong 66-70 C.E., at naging napakahirapnito para sa kanila. (Mat. 24:19) Napapaharap tayo sa masmalaking kapighatian. Dapat din itong isaalang-alang ngmga mag-asawang Kristiyano na nag-iisip kung mag-aanakba sila o hindi. Hindi ba’t pahirap na nang pahirap angsitwasyon ngayon? At aminado ang ilang mag-asawa nanapakahirap magpalaki ng mga anak na “mananatiling bu-hay” hanggang sa wakas ng sistemang ito. Bagaman angmag-asawa ang magpapasiya kung mag-aanak sila, maka-bubuting isaalang-alang ang karanasan ni Jeremias. Perobakit pati ang pag-aasawa ay ipinagbawal kay Jeremias?

MATUTO SA PANANATILING WALANG ASAWANI JEREMIAS

8 Ang utos ng Diyos kay Jeremias na huwag mag-asawa ayhindi naman para sa lahat ng lingkod niya. Wala namangmasama sa pag-aasawa. Nilayon ito ni Jehova para punuinang lupa at maging maligaya ang tao. (Kaw. 5:18) Perohindi lahat noong panahon ni Jeremias ay may asawa. Ma-aaring may ilan na bating.� At siguradong may mga balo.Kaya hindi lang si Jeremias ang tapat na mananamba na

� Humula si Isaias patungkol sa mga literal na bating, na mayroonlamang limitadong bahagi sa pagsamba ng Israel. Inihula niya nakung magiging masunurin ang mga bating, magtatamo sila ng “isangbagay na mas mabuti kaysa sa mga anak na lalaki at mga anak na ba-bae.” Bibigyan sila ng “isang pangalan hanggang sa panahong walangtakda” sa bahay ng Diyos.—Isa. 56:4, 5.

8. Bakit masasabing hindi kahilingan ang pag-aasawa upang mapalu-guran ang Diyos?

Anong di-pangkaraniwang utos ang ibinigay kay Jeremias,at ano ang dapat nating isaalang-alang?

Ikaw Ba’y “Mananatiling Buh´

ay” Gaya ni Jeremias? 95

Page 98: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

walang asawa. Siyempre, may dahilan kung bakit hindi siyanag-asawa at ganoon din ang ilang Kristiyano sa ngayon.

9 Maraming Kristiyano ang nag-aasawa, pero hindi la-hat. Alam mong hindi nag-asawa si Jesus, at sinabi niyangang ilang alagad ay “makapaglalaan ng dako” sa ka-nilang puso at isip na hindi mag-asawa. Hinimok niyaang mga makagagawa nito na gayon ang gawin. (Basahinang Mateo 19:11, 12.) Kaya sa halip na tuksuhin, tamalang na bigyan ng komendasyon ang mga hindi nag-aasawana gustong makapaglingkod nang higit sa Diyos. Sabihinpa, may ilang Kristiyano na hindi muna nag-asawa dahil sailang kalagayan. Halimbawa, baka hindi pa sila nakakakitang Kristiyanong mapapangasawa at determinado silang sun-din ang Diyos na mag-asawa “tangi lamang sa Panginoon.”(1 Cor. 7:39) At siyempre, mga balo ang ilang lingkod ngDiyos, kaya wala silang asawa.� Dapat nilang tandaan nanoon pa ma’y nagmamalasakit na ang Diyos (at si Jesus) samga walang asawa.—Jer. 22:3; basahin ang 1 Corinto 7:8, 9.

10 Umasa sa tulong ng Diyos ang binatang si Jeremias. Pa-ano? Tandaan na ibinuhos ni Jeremias ang kaniyang pansinsa salita ng Diyos. Tiyak na ito ang nagpatibay at nagpalakassa kaniya habang naglilingkod sa Diyos sa loob ng mara-ming dekada. At iniwasan niya ang mga maaaring manuyasa kaniya dahil sa pananatili niyang binata. Mas gusto ni-yang ‘umupong mag-isa’ kaysa makisama sa gayong mgatao.—Basahin ang Jeremias 15:17.

� Maaaring nag-iisa ang iba dahil hiniwalayan sila o diniborsiyo ngkanilang asawa, na marahil ay di-kapananampalataya.

9. Anong maka-Kasulatang payo sa pag-aasawa ang dapat nating ser-yosohin?

10, 11. (a) Ano ang nakatulong kay Jeremias na manatiling maligayakahit walang asawa? (b) Paano pinapatunayan ng mga karanasan sangayon na puwedeng maging makabuluhan ang buhay ng mga nana-natiling walang asawa?

96 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 99: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

11 Maraming Kristiyanongwalang asawa—lalaki at ba-bae, kabataan o may-edad—ang tumutulad sa magan-dang halimbawa ni Jeremias.Ipinapakita ng mga kara-nasan na malaking tulongang maging abala sa mi-nisteryo at maging aktibosa mga teokratikong gawa-in. Halimbawa, isang sistersa kongregasyong gumaga-

mit ng wikang Tsino ang nagsabi: “Malaking tulong sa akinang pagpapayunir. Kahit wala akong asawa, hindi ako nalu-lungkot kasi busy ako sa gawain. Pagkatapos ng maghapon,kontento ako at napakasaya dahil nakakatulong ako sa mgatao.” Sinabi naman ng isang 38-anyos na payunir: “Sa ti-ngin ko ang sekreto para maging maligaya ay masiyahan samga positibong bagay anuman ang sitwasyon.” Inamin ngisang kapatid na walang asawa mula sa timugang Europa:“Hindi man nangyari ang gusto kong mangyari sa buhayko, masaya ako at patuloy akong magiging masaya.”

12 Dumating kaya si Jeremias sa puntong nag-isipsiyang parang hindi nangyari ang mga plano niya sa bu-hay? Pero malamang na nakita niyang hindi rin namannatutupad ang lahat ng plano ng maraming nag-aasawaat nag-aanak. Ganito ang sinabi ng isang payunir sa Es-panya: “May kilala akong mga mag-asawa na masaya atmayroon ding hindi masaya. Na-realize ko na hindi naka-depende sa pag-aasawa ang kaligayahan ko.” Isa lamangang karanasan ni Jeremias sa libu-libo na nagpapatunay

12, 13. (a) Ano ang makatotohanang pananaw sa pag-aasawa at pagi-ging walang asawa? (b) Anong punto ang idiniriin ng buhay at payoni Pablo hinggil sa pagiging walang asawa?

97

Page 100: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

na puwedeng maging makabuluhan at maligaya ang bu-hay ng mga walang asawa. At tinitiyak sa atin ni apostolPablo: “Sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga baba-ing balo, mabuti para sa kanila na manatili silang gaya korin naman.” (1 Cor. 7:8) Maaaring biyudo si Pablo. Peroanuman ang kalagayan, wala siyang asawa noong aba-lang-abala siya sa pagmimisyonero. (1 Cor. 9:5) Kayahindi ba makatuwirang isipin na naging kapaki-pakina-bang ang kaniyang pagiging walang asawa? Naiukol niPablo ang sarili sa “palagiang paglilingkod sa Panginoonnang walang abala,” at maganda ang naging resulta.—1 Cor. 7:35.

13 Kinasihan pa si Pablo na idagdag: “Magkakaroon ngkapighatian sa kanilang laman” ang mga nag-aasawa. Ipi-nasulat ng Diyos kay Pablo ang katotohanang ito: “Kungang sinuman ay nakatayong panatag sa kaniyang puso. . . na ingatan ang kaniyang sariling pagkabirhen, siyaay mapapabuti. Dahil dito siya rin na nagbibigay ng ka-niyang pagkabirhen sa pag-aasawa ay napapabuti, ngunitsiya na hindi nagbibigay nito sa pag-aasawa ay mas ma-papabuti.” (1 Cor. 7:28, 37, 38) Hindi nabasa ni Jeremiasang mga salitang iyan, pero pinapatunayan ng kaniyangpaglilingkod sa loob ng maraming taon na puwedeng ma-

Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Jeremias sapananatiling walang asawa sa loob ng maraming dekada?

98 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

“Ang pinakagusto ko kapag mag-isa lang ako, na-kakausap ko si Jehova sa panalangin. Nakapagbubu-lay-bulay ako at nakapag-aaral nang hindi naaabala.. . . Masaya ako sa pagiging single.”—Babette.

Page 101: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ging maligaya ang isa kahit walang asawa. Sa katunayan,malaki ang maitutulong nito sa pagkakaroon ng makabu-luhang buhay na nakapokus sa tunay na pagsamba. Angmay-asawang si Zedekias ay hindi sumunod sa payo ni Je-remias at hindi siya ‘nanatiling buh

´ay’; samantalang ang

walang-asawang propeta ay naging masunurin at ‘nanati-ling buh

´ay.’

PAGINHAWAHIN ANG ISA’T ISA14 Gaya ng binanggit na, marami noong panahon ni Jere-

mias ang nag-aasawa at may pamilya. Ganoon din noongpanahon ni Pablo. Tiyak na karamihan sa mga Kristiya-nong may pamilya ang wala sa kalagayan na maglingkodsa ibang lugar gaya ni Pablo, pero marami silang magaga-wa sa kanilang lugar. Kasama na riyan ang pagmamalasakitsa mga kapatid na walang asawa. Nang dumating si Pablosa Corinto, pinatuloy siya nina Aquila at Priscila sa bahaynila at magkakasama silang naghanapbuhay. Pero hindilang iyan. Tiyak na napatibay si Pablo sa pakikipagkaibigansa pamilya ni Aquila. Isipin ang masasaya nilang kainan atkuwentuhan. Nakisama rin ba si Jeremias sa iba? Ginugolniya ang pagiging walang asawa sa paglilingkod sa Diyos,pero hindi natin dapat isipin na ayaw niyang makisamasa ibang tao. Malamang na naging malapıt siya sa mgapamilyang tapat na naglilingkod sa Diyos, gaya ng pamil-ya ni Baruc, Ebed-melec, at iba pa.—Roma 16:3; basahin angGawa 18:1-3.

15 Ang mga Kristiyanong walang asawa sa ngayon ay ma-kikinabang din sa mainit na samahan, gaya ni Pablo sapamilya ni Aquila. Kung may pamilya ka, sinisikap ba nin-yong makasama ang mga walang asawa? Ganito angtapatang sinabi ng isang sister: “Tinalikuran ko na ang

14. Ano ang ipinapakita ng samahan ni Pablo at ng pamilya ni Aquila?15. Paano makakatulong ang mga pamilyang Kristiyano sa mga kapa-tid na walang asawa?

Ikaw Ba’y “Mananatiling Buh´

ay” Gaya ni Jeremias? 99

Page 102: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sanlibutan at ayoko nang balikan iyon. Pero kailangan kopa rin ng kalinga at pagmamahal. Ipinapanalangin ko kayJehova na maglaan siya ng higit pang espirituwal na pag-kain at pampatibay para sa mga gaya kong walang asawa.Hindi naman lahat sa amin ay gustong mag-asawa, kaya ka-ilangan namin ng suporta. Minsan, parang nakakalimutanna kami. Alam kong laging nariyan si Jehova para sa amin,pero kapag kailangan namin ng kakausap sa amin, maaa-sahan ba namin ang mga kapatid?” Oo ang sagot dito nglibu-libong kapatid na walang asawa. Gustung-gusto silangkasama ng mga kapatid sa kongregasyon—mga kaedarannila, mga may-edad, at mga kabataan.

16 Mapapatibay mo ang mga kapatid na walang asawa

16. Anong mga simpleng bagay ang maaari mong gawin para mapa-ginhawa ang mga walang asawa sa inyong kongregasyon?

100 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 103: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kung paplanuhin mong isama sila minsan sa iskedyul nginyong pamilya, gaya ng Pampamilyang Pagsamba. Mala-king bagay rin ang makasalo ng pamilya ang mga kapatidna walang asawa. Puwede mo ba silang samahan sa minis-teryo? O yayain sa pagmamantini ng Kingdom Hall ominsan, sa pamimili? Isinasama naman ng ilang pamilya sakombensiyon o sa bakasyon ang mga balo o mga payunirna walang asawa. Ang ganitong mga samahan ay totoongnakapagpapatibay sa isa’t isa.

17 Ang isa pang puntong dapat isaalang-alang hing-gil sa mga kapatid na walang asawa ay may kinalaman sapag-aalaga sa may-edad nang mga magulang. Noong pana-hon ni Jesus, tinatakasan ng mga prominenteng Judio angresponsibilidad nila sa kanilang mga magulang. Isinasang-kalan nila ang kanilang obligasyon sa templo paramakaiwas sa utos ng Diyos na pangalagaan ang kanilangmga magulang. (Mar. 7:9-13) Hindi dapat ganito ang mgapamilyang Kristiyano.—1 Tim. 5:3-8.

18 Pero paano kung ang may-edad nang mga magulangay maraming anak na Kristiyano? Kung walang asawa angisa sa mga anak, awtomatiko na bang siya ang pangunahingmag-aasikaso sa magulang? Sumulat ang isang sister nataga-Japan: “Kahit na gusto ko, hindi ako makapag-asawadahil sa responsibilidad ko sa mga magulang ko. Alam kongnaiintindihan ni Jehova ang hirap na pinagdadaanan ngmga walang asawa at nag-aalaga pa ng magulang.” Hindikaya basta na lang ipinasiya ng mga kapatid niyang mayasawa na siya ang dapat mag-alaga ng kanilang mga ma-gulang, nang hindi man lang siya tinatanong? Sa ganitongmga kalagayan, isipin na hindi rin naging maganda ang

17-19. (a) Bakit kailangang maging timbang at makonsiderasyon angmga anak sa pagdedesisyon may kinalaman sa pag-aalaga sa may-edado may-sakit na mga magulang? (b) Anong aral ang mapupulot natinkay Jesus tungkol sa pangangalaga sa kaniyang ina?

Ikaw Ba’y “Mananatiling Buh´

ay” Gaya ni Jeremias? 101

Page 104: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

pakikitungo ng mga kapatid ni Jeremias sa kaniya.—Basa-hin ang Jeremias 12:6.

19 Naiintindihan ni Jehova ang nadarama ng mga walangasawa at ng mga nasa mahirap na sitwasyon. (Awit 103:11-14) Ang mga nagkakaedad o nagkakasakit na magulang aydapat pangalagaan ng lahat ng kanilang anak, may asawaman o wala. Kahit may sarili nang pamilya ang isang anak,dapat pa rin nilang mahalin ang kanilang magulang, atdapat pa rin nilang gampanan ang kanilang Kristiyanongpananagutan na pangalagaan sila. Alam natin na kahit nanoong malapit nang mamatay si Jesus sa pahirapang tu-los, inintindi pa rin niya ang pananagutan niya sa kaniyangina. (Juan 19:25-27) Walang detalyadong tagubilin sa Bibli-ya kung paano magtutulungan ang mga anak sa pag-aalagasa mga magulang na may-edad o may sakit; ni iminumung-kahi man nito na ang mga anak na walang asawa angawtomatikong may higit na responsibilidad sa pag-aalagasa mga magulang. Sa napakaseryosong bagay na ito, kaila-ngang maging makatuwiran at makonsiderasyon ang mgamiyembro ng pamilya sa pagdedesisyon, na tinutularanang halimbawa ni Jesus sa pangangalaga sa kaniyang ina.

20 Inihula ni Jeremias na magkakaroon ng malapıt na sa-mahan at kapatiran sa loob ng bayan ni Jehova. (Jer. 31:34)Sa ngayon, napakaganda ng nararanasan nating samahansa loob ng kongregasyon, kapiling ang ating mga kapatidna walang asawa. Talagang gusto nating mapaginhawa angisa’t isa at makitang ‘nananatiling buhay’ ang mga walangasawa.

20. Ano ang pananaw mo sa pakikisama sa mga walang asawa sa in-yong kongregasyon?

Anong iba pang hakbang ang puwede monggawin para paginhawahin ang, at mapaginhawa ng,mga walang asawa?

102 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 105: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

NANGHIHIMAGOD si Baruc, ang tapat na eskriba ni Je-remias. Ikaapat na taon noon ng paghahari ng balakyotna si Haring Jehoiakim, mga 625 B.C.E. Sinabihan ni Jere-mias ang eskriba na isulat sa isang balumbon ang lahat ngsinalita ni Jehova tungkol sa Jerusalem at Juda, mga kapa-hayagang tinanggap ng propeta sa loob ng mahigit 23 taonna. (Jer. 25:1-3; 36:1, 2) Hindi pa binabasa noon ni Baruc samga Judio ang nilalaman ng balumbon. Sa susunod pangtaon niya gagawin iyon. (Jer. 36:9, 10) Pero ano ang buma-bagabag kay Baruc?

2 “Sa aba ko ngayon,” ang buntunghininga ni Ba-ruc, “sapagkat dinagdagan ni Jehova ng pamimighatiang aking kirot! Nanghimagod ako dahil sa aking pagbu-buntunghininga.” Minsan nanghihimagod ka rin siguro,naibubulalas mo man ito o nasa puso mo lang. Paano manito naipahayag ni Baruc, narinig iyon ni Jehova. Alam ngTagasuri ng puso kung ano ang bumabagabag kay Baruc,at sa pamamagitan ni Jeremias, may-kabaitan siyang iti-nuwid ng Diyos. (Basahin ang Jeremias 45:1-5.) Pero bakamaitanong mo, Bakit nga ba nanghihimagod si Baruc?Ang atas ba niya ang problema o ang sitwasyon sa paligid?Hindi. Puso niya ang problema. Kasi “humahanap ng mgadakilang bagay” si Baruc. Anu-ano iyon? Ano ang sinabi ni

1, 2. (a) Sa ikaapat na taon ni Jehoiakim, ano ang naging problema niBaruc? (b) Paano tinulungan ni Jehova si Baruc?

KABANATA 9

HUWAG HUMANAPNG “MGA DAKILANG BAGAY

PARA SA IYONG SARILI”

103

Page 106: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jehova na maaasahan niya kung susunod siya sa payo attagubilin ng Diyos? At ano ang matututuhan natin sa kara-nasan ni Baruc?

ANU-ANO ANG “DAKILANG BAGAY” NA IYON?3 Tiyak na alam ni Baruc kung ano ang “mga daki-

lang bagay” na iyon. Alam ng eskriba na ang “mga mata[ng Diyos] ay nasa mga lakad ng tao, at ang lahat ng hak-bang nito ay nakikita niya.” (Job 34:21) Nasabi ni Baruc na“wala akong nasumpungang pahingahang-dako” hindi da-hil sa atas niya, kundi dahil sa pananaw niya sa kung anoang dakila—na siyang laman ng kaniyang puso. Dahil na-katuon sa paghanap ng “mga dakilang bagay,” nakaligtaanni Baruc ang mas mahahalagang bagay, mga bagay na maykinalaman sa paggawa ng kalooban ng Diyos. (Fil. 1:10) Na-palitaw ng Bagong Sanlibutang Salin ang diwa ng orihinalna salitang ginamit at isinalin itong “patuloy [na] humaha-nap.” Kaya hindi lang iyon basta sumagi sa isip ni Baruc.Naghahanap na talaga siya ng “mga dakilang bagay” nangbabalaan siya ni Jehova. Bagaman gumagawa ng kaloobanng Diyos ang tapat na kalihim ni Jeremias, naghahangad itong “mga dakilang bagay” para sa kaniyang sarili.

4 Isa sa posibleng hinahangad ni Baruc ay may kinala-man sa katanyagan at karangalan. Bagaman si Baruc aynagsilbing tagasulat ni Jeremias, malamang na hindi langsiya basta personal na sekretaryo ni Jeremias. Ipinahihiwa-tig sa Jeremias 36:32 na si Baruc ay may opisyal naposisyon bilang “kalihim.”Ayon sa nahukay ng mga arkeo-logo, lumilitaw na si Baruc ay may mataas na posisyon sakorte ng hari. Sa katunayan, gayunding titulo ang ginamitsa isa sa mga prinsipe ng Juda, si “Elisama na kalihim.” Ipi-

3. Ano ang ugat ng problema ni Baruc sa espirituwal?4, 5. Bakit maaaring may kinalaman sa katanyagan at karangalan ang“mga dakilang bagay” na nasa isip ni Baruc? Bakit tama lang na babala-an siya ni Jehova?

104 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 107: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

napakita nito na nakakapasok din si Baruc “sa silid-kainanng kalihim” sa “bahay ng hari” bilang isa sa mga kasama-han ni Elisama. (Jer. 36:11,12,14) Kaya malamang na isangedukadong opisyal si Baruc. Ang kapatid niyang si Seraiasay pinunong tagapangasiwa ni Haring Zedekias at kasamang hari sa isang mahalagang misyon sa Babilonya. (Basa-hin ang Jeremias 51:59.) Bilang pinunong tagapangasiwa,malamang na si Seraias ang nag-aasikaso sa pangangaila-ngan at tuluyan ng hari kapag naglalakbay ito—isa ngangmataas na posisyon.

5 Hindi ka siguro magtataka kung manlambot man angnasa gayong mataas na posisyon kapag sunud-sunod namabibigat na hatol laban sa Juda ang ipinasulat sa kani-ya. Baka nameligro pa nga ang posisyon at propesyon niBaruc dahil sa pagtulong niya sa propeta ng Diyos. At paa-no pa kapag giniba na ni Jehova ang itinayo niya, gaya ngmababasa sa Jeremias 45:4. Ang “mga dakilang bagay” nanasa isip ni Baruc—karagdagang karangalan man o mater-yal na kayamanan—ay maaaring mawalan ng saysay. Kungnaghahangad man si Baruc ng magandang posisyon sa Ju-diong sistema na noo’y bilang na ang mga araw, tama langna ituwid siya ng Diyos.

6 Puwede rin namang ang hinahangad ni Baruc na “mgadakilang bagay” ay materyal na kayamanan. Ang mgabansa sa palibot ng Juda ay panatag na panatag dahil sa ka-nilang kayamanan. Nagtiwala ang Moab sa ‘mga gawa atkayamanan’ nito. Ganoon din ang Ammon. At kinasihanni Jehova si Jeremias na ilarawang ang Babilonya ay “saga-na sa mga kayamanan.” (Jer. 48:1, 7; 49:1, 4; 51:1, 13) Peroang totoo, sentensiyado na ng Diyos ang mga bansang ito.

7 Kung mga ari-arian at kayamanan nga ang hinahanapni Baruc, maiintindihan mo kung bakit binalaan siya ni

6, 7. Kung ang “mga dakilang bagay” para kay Baruc ay materyal na ka-yamanan, kaninong impluwensiya ang nakaapekto sa kaniya?

Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Para sa Iyong Sarili” 105

Page 108: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jehova. Nang ‘iunat ni Jehova ang kaniyang kamay labansa’ mga Judio, ang kanilang mga bahay at bukirin ay ki-nuha ng mga kaaway. (Jer. 6:12; 20:5) Kunwari ay nabuhayka sa Jerusalem noong panahon ni Baruc. Karamihan saiyong mga kababayan—kasama na ang mga prinsipe, saser-dote, at ang hari mismo—ay nag-iisip na dapat labanan angpananakop ng Babilonya. Tapos, ito ang maririnig mo kayJeremias: “Maglingkod kayo sa hari ng Babilonya at patu-loy na mabuhay.” (Jer. 27:12, 17) Magiging madali kaya saiyo na sumunod sa utos ng Diyos kung marami kang ari-arian? Matutulungan ka kaya ng mga pag-aaring iyon nasundin ang babala ni Jeremias o iyon pa ang magtulak saiyo na sumunod sa karamihan? Ang totoo, lahat ng kaya-manan ng Juda at Jerusalem, pati na ang mga nasa templo,ay dinambong at dinala sa Babilonya. Kaya walang kabulu-han ang pagkakamal nila ng materyal na kayamanan. (Jer.27:21, 22) May matututuhan ba tayo rito?

“IBIBIGAY KO SA IYO ANG IYONG KALULUWABILANG SAMSAM”

8 Ngayon isipin mo: Ano kaya ang tatanggapin ni Baruckung susundin niya ang Diyos? Aba, ang kaluluwa niya!Garantisado nang magiging “samsam” niya ito. (Basahinang Jeremias 45:5.) Kung tutuusin, kakaunti lang ang na-kaligtas noon. Sinu-sino? Yaong mga sumunod sa utos ngDiyos na kumampi, samakatuwid nga, sumuko sa mga Cal-deo. (Jer. 21:9; 38:2) Baka may magsabi, ‘Sumunod sila,tapos iyon lang ang ibinigay sa kanila?’

8, 9. Bakit masasabi mong sulit nang makuha ni Baruc ang kaniyangkaluluwa bilang samsam?

Paano may-kabaitang itinuwid ni Jehova ang paghahangadni Baruc ng “mga dakilang bagay”? Sa palagay mo, bakitisang katalinuhang tanggapin ang pagtutuwid ng Diyos?

106 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 109: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

9 Kumusta ba ang Jerusalem noong kinukubkob ito ngBabilonya? Unti-unting namamatay sa hirap ang mga taodoon; di-tulad ng Sodoma na napuksa sa isang bagsakanlang, wika nga. Waring mas magaan pa ang sinapit ngSodoma. (Panag. 4:6) Isinulat ni Baruc ang hula na mama-matay ang mga taga-Jerusalem sa tabak, gutom, o salot. Attiyak na nasaksihan niya iyon. Nasaid ang suplay ng pagka-in sa Jerusalem. Nakapangingilabot ngang makita ang mgaina, na likas na “mahabagin,” habang pinakukuluan at kina-kain ang sarili nilang mga anak! (Panag. 2:20; 4:10; Jer. 19:9)Pero nakasalba si Baruc. Oo, sa gitna ng malagim na pangya-yaring iyon, maipagpapasalamat mo nang buh

´ay ka; iyon na

ang samsam mo! Maliwanag na sinunod ni Baruc ang payong Diyos na huwag nang humanap ng “mga dakilang ba-gay.” At dahil doon, iniligtas siya ni Jehova.—Jer. 43:5-7.

Page 110: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MAGHAHANAP KA BA NG “MGA DAKILANG BAGAY”?10 Bagaman abala si Baruc sa paggawa ng kalooban ng

Diyos, naging hamon pa rin sa kaniya ang paghahangadng “mga dakilang bagay.” Binalaan siya ni Jehova, at naka-ligtas siya sa espirituwal at literal na kamatayan. Tayo kaya,tulad ni Baruc, ay puwedeng matukso at madaig pa nga ngmga pagnanasang nakaugat sa ating puso, kahit pa aktibotayong naglilingkod kay Jehova?

11 Baka natutukso si Baruc na gumawa ng pangalan salipunan. Marahil iniisip niya: ‘Paano na lang ang pro-pesyon ko bilang “kalihim”? Tataas pa kaya ang puwestoko?’ Ngayon, tanungin naman ang iyong sarili, ‘Maymga “ambisyon” ba akong umasenso sa buhay, na bakapinakatatagu-tago ko lang?’ Maaaring pag-isipan ng ilangkabataang Kristiyano ang tanong na, ‘Kung kukuha akong mataas na edukasyon para balang-araw ay sumikat atyumaman, hindi kaya ito ang makasilo sa akin para huma-nap ng “mga dakilang bagay”?’

12 Isang brother na naglilingkod ngayon sa punongtanggapan ang inalukan ng scholarship sa isang unibersi-dad noong 15 anyos siya. Dismayado ang titser niya dahilimbes na tanggapin ito, pinili niyang magpayunir. Perohindi naman ibig sabihin na wala na siyang interes sapag-aaral. Naging misyonero siya sa isang malayong isla.Doon, kailangan niyang matuto ng wikang sinasalita la-mang ng mahigit 10,000 katao. Walang diksyunaryo sawikang iyon kaya gumawa siya ng sarili niyang talasa-litaan. Di-nagtagal, naging bihasa siya sa wikang iyon atinatasang magsalin ng ilan sa ating publikasyon. Nangmaglaon, ang kaniyang talasalitaan mismo ang naging

10, 11. Ano ang pagkakatulad ng sitwasyon ni Baruc sa panahon nga-yon, at sa iyo mismo?12. Paano naghanap ng mga dakilang bagay para kay Jehova ang isangbrother? Ano ang masasabi mo sa naging desisyon niya?

108 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 111: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

basehan ng kauna-unahang diksyunaryo sa wikang iyon.Sa isang kombensiyon, sinabi niya: “Kung tinanggap koang scholarship na iyon, sa akin mapupunta ang kara-ngalan sa anumang nagawa ko. Pero hindi ako nagtaposat wala akong diploma. Kaya kung may dapat mang pa-purihan sa nagawa ko, walang iba iyon kundi si Jehova.”(Kaw. 25:27) Ano ang masasabi mo sa desisyon ng broth-er na ito noong 15 anyos siya? Aba, marami na siyangnatanggap na pribilehiyo sa organisasyon. Ikaw, saan mogustong gamitin ang talento mo? Gagamitin mo ba iyonsa pagpuri kay Jehova, imbes na sa pansarili mong ambi-syon?

13 May isa pang panganib: paghahanap ng “mga da-kilang bagay” para sa mga mahal natin sa buhay o sapamamagitan nila at ng iba na maaari nating maimplu-wensiyahan. Siguro may nakikita kang mga magulangna di-Saksi na minamaniobra ang mga bagay-bagay paramay marating ang mga anak nila o may maipagmalakisila. Baka narinig mo na ang ganitong mga linya: “Ayo-kong danasin ng anak ko ang hirap na pinagdaanan ko”o “Gusto kong makapagtapos ang anak ko para umasensosiya sa buhay.” Baka naiisip din iyan ng ilang magulangna Kristiyano. Oo, maaaring sinasabi nila, ‘Hindi namanako naghahanap ng mga dakilang bagay para sa sarili ko.’Pero hindi kaya idinadaan nila ito sa iba, halimbawa, samga anak nila? Kung paanong maaaring natukso si Barucna gamitin ang kaniyang posisyon o propesyon para ma-ging sikat, baka ginagamit din, o iniimpluwensiyahan,ng isang magulang ang anak niya para maabot ang sa-riling ambisyon. Pero hindi ba ito makikita ng “tagasuring mga puso,” gaya ng ginawa Niya kay Baruc? (Kaw.

13. Bakit dapat pag-isipan ng mga magulang ang naging hamon kay Ba-ruc?

Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Para sa Iyong Sarili” 109

Page 112: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

17:3) Hindi ba dapat nating tularan si David at hilinginsa Diyos na suriin Niya ang ating saloobin? (Basahin angAwit 26:2; Jeremias 17:9, 10.) Maaaring gumamit si Jehovang iba’t ibang paraan, gaya ng pagtalakay na ito tungkolkay Baruc, para babalaan tayo sa panganib ng paghaha-nap ng “mga dakilang bagay.”

ANG SILO NG “MAHAHALAGANG PAG-AARI”14 Isipin kung materyal na kayamanan ang “mga daki-

lang bagay” ni Baruc. Gaya ng nabanggit na, kung ganoonna lang ang kapit ni Baruc sa mga ari-arian niya sa Juda,baka nahirapan siyang sumunod sa utos ng Diyos na su-muko sa mga Caldeo. Siguro napapansin mo kung gaanoang tiwala ng isang taong mayaman sa kaniyang “maha-halagang pag-aari.” Pero tinitiyak ng Bibliya na angproteksiyong ibibigay nito sa kaniya ay “sa kaniyang gu-niguni” lamang. (Kaw. 18:11) Makikinabang ang lahat nglingkod ni Jehova kung ipapaalala nila sa kanilang sariliang timbang na pananaw ng Bibliya sa materyal na mgabagay. (Basahin ang Kawikaan 11:4.) Pero baka may ma-ngatuwiran pa rin, ‘Bakit hindi muna natin i-enjoy nangkaunti ang mga bagay sa sanlibutan?’

15 Kapag napamahal sa isang Kristiyano ang kaniyangmga pag-aari, baka ito ang magtulak sa kaniya na magha-ngad pa ng mga bagay na bahagi ng sanlibutang lumilipas.Naiwasan nina Jeremias at Baruc na mahulog sa bitagna iyan. Nagbigay ng babala si Jesus para sa mga taongmabubuhay sa panahon “kapag ang Anak ng tao ay isini-walat.” Sinabi niya: “Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot.”

14, 15. Paano maaaring maging “dakilang bagay” sa atin ang kayama-nan?

Ano ang isa sa “mga dakilang bagay” na maaaringhinahanap ni Baruc? Anong aral ang nakuha mo rito?

110 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 113: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Kung gayon, makatuwiran ding himukin ang mga Kristi-yano: ‘Alalahanin ninyo sina Jeremias at Baruc.’ (Luc. 17:30-33) Kung hindi natin maiwan-iwan ang ating kayama-nan, baka mahirapan tayong ikapit ang payo ni Jesus. Perotandaan—sinunod ni Baruc ang babala ng Diyos kaya na-kaligtas siya.

16 Isaalang-alang ang kalagayan ng mga Saksi sa Roma-nia noong panahon ng Komunismo. Nire-raid ang bahaynila at kung minsan, pati personal na mga gamit ay kinu-kumpiska, lalo na ang mga puwedeng ibenta. (Panag. 5:2)Handa ang maraming kapatid doon na mawalan ng mgapag-aari. Kinailangang iwan ng ilan ang kanilang ari-ariannang ilipat sila sa ibang lugar; pero nanatili silang tapatkay Jehova. Kung sa iyo dumating ang gayong pagsubok,ikokompromiso mo ba ang katapatan mo sa Diyos dahil samateryal na kayamanang hindi mo maiwan?—2 Tim. 3:11.

17 Nakapagpatibay rin kina Jeremias at Baruc ang ilan samga kasabayan nila. Isang propeta si Zefanias noong pa-nahon ni Haring Josias, kasabay ni Jeremias. Ano kaya angepekto kay Jeremias ng mga salitang nasa Zefanias 1:18?(Basahin.) Malamang na sinabi rin ito ni Jeremias kayBaruc, hindi ba? Isa pang kasabayan niya si Ezekiel, na

16. Maglahad ng isang halimbawa na nagpapakitang nanatiling tim-bang sa materyal na mga bagay ang mga lingkod ng Diyos.17. Paano maaaring nakapagpatibay kina Jeremias at Baruc ang ilan samga kasabayan nila?

Page 114: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

dinalang bihag sa Babilonya noong 617 B.C.E. Ang ilan samga gawain at mensahe ni Ezekiel ay patungkol mismo samga Judiong naiwan sa kanilang lupain, kaya malamangna nagkaalaman sina Jeremias at Ezekiel sa mensahe ngisa’t isa. Kabilang na rito ang nakaulat sa Ezekiel 7:19. (Ba-sahin.) Kung paanong nakinabang sina Jeremias at Barucsa mga kinasihang salitang iyon, makikinabang din tayo.Hihingi ng tulong ang mga tao sa kanilang mga diyos saaraw ni Jehova. Gayunman, hindi sila maililigtas ng kani-lang mga diyos ni ng kanilang mga kayamanan.—Jer. 2:28.

MAKUKUHA MO KAYAANG “IYONG KALULUWA BILANG SAMSAM”?

18 Tandaan natin na ang ipinangako ni Jehova na “sam-sam” ay ang ating “kaluluwa.” Sa panahon ng “malakingkapighatian,” kapag binalingan ng makasagisag na maba-ngis na hayop ang relihiyon, maaaring mamatay ang ilanglingkod ng Diyos dahil sa pag-uusig. Pero hindi ibig sa-bihin nito na natalo sila. Tiyak na bubuhaying muli angkanilang “kaluluwa” at tatamasahin ang “tunay na buhay”sa bagong sanlibutan. (Apoc. 7:14, 15; 1 Tim. 6:19) Makaa-asa naman tayo na karamihan sa mga lingkod ng Diyos namananatiling tapat sa panahong iyon ay makakatawid samalaking kapighatian. Makakatiyak ka na kapag pinasapitng Diyos ang kapahamakan sa mga bansa, walang tapat namapapasama sa “mapapatay ni Jehova.”—Jer. 25:32, 33.

19 Baka madismaya ang ilan na “kaluluwa” lang nilaang magiging samsam nila. Pero ang totoo hindi iyon da-pat maliitin. Tandaan na habang nagkakamatay sa gutomang mga tao sa Jerusalem, iniligtas ni Jehova si Jeremias.

18. Kaninong “kaluluwa” ang gusto nating maging samsam? At ano angdapat nating gawin?19. Sa pagsasaalang-alang ng halimbawa nina Jeremias at Baruc, paanonapatibay ang iyong determinasyon na huwag humanap ng “mga daki-lang bagay” para sa iyong sarili?

112 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 115: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Paano? Inilagay ni Haring Zedekias si Jeremias sa Loobanng Bantay at pinabigyan ng “isang bilog na tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga magtitinapay, hanggangsa maubos ang lahat ng tinapay sa lunsod.” (Jer. 37:21)At nakasalba si Jeremias! Puwedeng gumamit si Jehova ngkahit anong paraan para paglaanan ang kaniyang bayan.Talagang paglalaanan niya sila dahil garantisado ang pag-asa nilang buhay na walang hanggan. Nakaligtas si Barucsa pagkawasak ng Jerusalem dahil sumunod siya sa utos nahuwag nang ‘humanap ng mga dakilang bagay.’ Tayo rinnaman ay puwedeng maligtas sa Armagedon at makuhangsamsam ang ating “kaluluwa” upang purihin si Jehovamagpakailanman.

Bakit tama lang na huwag maghanap ngayon ng “mgadakilang bagay,” kundi magsikap na makuha ang ating“kaluluwa” bilang samsam?

Piliin ang talagang mahalaga (Ihambing ang pahina 46.)

Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Para sa Iyong Sarili” 113

Page 116: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

UMIIYAK si Jeremias. Nababagabag siya sa kalagayan ngkaniyang mga kababayan at sa inihula niyang sasapitinnila. Inisip niya na ang kaniyang ulo sana ay bukal ng tu-big at ang kaniyang mga mata ay bukal ng mga luha paramakaiyak siya nang husto. May dahilan naman siyang ma-mighati. (Jer. 9:1-3; basahin ang Jeremias 8:20, 21.) Ayaw parin kasing sumunod ng mga Judio sa kautusan at tagubilinni Jehova, kaya kapahamakan ang naghihintay sa kanila.—Jer. 6:19; 9:13.

2 Walang pakialam ang mga taga-Juda sa tingin ni Jeho-va sa kanila. Kontento na sila sa paboritong linya ng kani-lang mga lider ng relihiyon, ‘Walang problema.’ (Jer. 5:31;6:14) Para silang mga naghahanap ng doktor na nambobo-la ng pasyente pero binabale-wala ang mga sintomas ng sa-kit. Kung malubha ang lagay mo, hindi ba ang gusto mo ayma-diagnose ka nang tama para maagapan ka? Kung tung-kol sa mga Judio noong panahon ni Jeremias, dapat sana’yinalam nila ang kanilang tunay na kalagayan sa espiritu-wal. Nagtanong sana sila: “Nasaan si Jehova?”—Jer. 2:6, 8.

3 Ang pagtatanong ng “Nasaan si Jehova?” ay nanganga-hulugan ng paghingi ng patnubay ng Diyos, sa malalakio maliliit mang pagpapasiya. Hindi ito ginawa ng mga Ju-

1, 2. (a) Ano ang espirituwal na kalagayan ng mga Judio noong pana-hon ni Jeremias? (b) Ano sana ang dapat na ginawa nila?3. (a) Ano ang ibig sabihin ng pagtatanong sana ng mga Judio ng “Na-saan si Jehova?” (b) Ano ang isang paraan para mahanap ng mga Judio siJehova?

KABANATA 10

ARAW-ARAW MO BANGITINATANONG, “NASAAN SI JEHOVA?”

114

Page 117: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

dio. Gayunpaman, pagkatapos mawasak ang Jerusalem atmakabalik ang mga Judio mula sa Babilonya, puwede parin nilang ‘hanapin si Jehova’ at ‘saliksikin siya’ para ma-sumpungan nila siya at malaman ang kaniyang mga daan.(Basahin ang Jeremias 29:13, 14.) Paano nila gagawin iyon?Ang isang paraan ay taimtim na pananalangin sa Diyosupang hingin ang kaniyang patnubay. Ganiyan si Ha-ring David. Hiniling niya sa Diyos: “Ipaalam mo sa akinang iyong mga daan, O Jehova; ituro mo sa akin ang iyongmga landas.” (Awit 25:4) Noong ikasampung taon ng pag-hahari ni Zedekias, inihatid ni Jeremias ang paanyaya ngDumirinig ng panalangin. “Tumawag ka sa akin, at ako aysasagot sa iyo at agad na magsasabi sa iyo ng dakila at di-malirip na mga bagay na hindi mo pa nalalaman.” (Jer.33:3) Kung ang hari at ang suwail na bansa ay tatawag saDiyos, ipaaalam Niya sa kanila ang “di-malirip” na mgabagay—ang pagkawasak ng Jerusalem at muling pagtatayonito pagkaraan ng 70 taon.

4 Hinanap din sana ng mga Judio si Jehova sa pamamagi-tan ng pag-alam sa kasaysayan ng kanilang bansa at kungpaano nakitungo sa kanila si Jehova. Disin sana’y naalalanila kung ano ang kinalulugdan ng Diyos at kung ano angkinasusuklaman niya. Nasa kanila ang mga isinulat ni Moi-ses at ang ilang kinasihang ulat tungkol sa kanilang kasay-sayan, pati ang mga rekord ng mga hari ng Israel at Juda.Kung bubulay-bulayin ng mga Judio ang mga iyon at maki-kinig sila sa mga tunay na propeta ng Diyos, maiintindihannila ang ibig sabihin ng tanong na “Nasaan si Jehova?”

5 Ang ikatlong paraan kung paano sana hinanap ng mgaJudio si Jehova ay sa pamamagitan ng pagkatuto sa mgapagkakamali nila at ng iba. Hindi naman ibig sabihin nitona kailangan nilang magkamali para matuto. Sa halip,puwede silang makinabang sa pagsasaalang-alang sa mga

4, 5. Sa anong iba pang paraan hinanap sana ng mga Judio si Jehova?

Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaan si Jehova?” 115

Page 118: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ikinilos nila noon at kung ano ang naging pananaw ni Je-hova doon. Kung hindi sana sila nagbulag-bulagan, maiin-tindihan nila kung ano ang tingin ng Diyos sa mga ginaga-wa nila.—Kaw. 17:10.

6 Kumusta naman tayo ngayon? Kapag nagdedesisyonka, lagi mo bang itinatanong, “Nasaan si Jehova?” Ma-aaring aminado ang ilan na hindi nila ito laging nagaga-wa. Kung ganiyan ang nadarama mo, huwag kang masira-an ng loob. Pansinin ang nangyari sa tapat na si Job. Nangmag-abot ang problema at panggigipit sa kaniya, masyadosiyang napokus sa sarili. Kinailangan siyang paalalahananni Elihu tungkol sa karaniwang tendensiya ng tao: “Wa-lang sinumang nagsasabi,‘Nasaan ang Diyos na akingDakilang Maylikha?’” (Job35:10) Hinimok ni Elihu siJob: “Magbigay-pansin ka samga kamangha-manghanggawa ng Diyos.” (Job 37:14)Kailangang pagmasdan niJob ang mga lalang ng ma-kapangyarihang kamay niJehova at kung paano Niyapinangangalagaan at pina-patnubayan ang mga tao.Mula sa kaniyang karana-san, naunawaan ni Job angmga daan ni Jehova. Nangmalampasan niya ang ma-tinding pagsubok at maipa-unawa sa kaniya ng Diyosang mga bagay-bagay, sina-

6. Paano ka mapapatibay ng ha-limbawa ni Job?

116 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 119: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

bi ni Job: “Nagsalita ako, ngunit hindi ko nauunawaan angmga bagay na lubhang kamangha-mangha para sa akin,na hindi ko nalalaman. Sa sabi-sabi ay nakarinig ako ngtungkol sa iyo, ngunit ngayon ay nakikita ka nga ng akingmata.”—Job 42:3, 5.

7 Kung tungkol kay Jeremias, patuloy na hinanap ngpropeta si Jehova at nasumpungan niya Siya. Di-tulad ngkaniyang mga kababayan, sa mahabang panahon ng tapatniyang paglilingkod, lagi siyang nagtatanong, “Nasaan siJehova?” Sa kabanatang ito, makikita natin sa halimbawani Jeremias kung paano natin hahanapin si Jehova at kungpaano makakatulong ang panalangin, pag-aaral, at perso-nal na mga karanasan.—1 Cro. 28:9.

7. Gaya ng inilalarawan sa pahina 116, ano ang tatalakayin natin sa su-sunod?

NANALANGIN SI JEREMIAS KAY JEHOVA8 Habang naglilingkod bilang propeta ng Diyos sa ban-

sang Juda, hinanap ni Jeremias si Jehova sa pamamagitanng marubdob na panalangin. Humingi siya ng tulong saDiyos noong kailangan niyang maghatid ng matitindingmensahe, noong parang hindi na niya kaya, at noong maymga katanungan siya sa mga nangyayari. Sinagot siya ngDiyos at binigyan ng mga tagubilin. Tingnan natin angilang halimbawa.

9 Minsan, nang utusan si Jeremias na ipahayag ang isang

8. Kailan nananalangin si Jeremias sa Diyos?9. (a) Ano ang panalangin ni Jeremias sa Jeremias 15:15, 16? Paano tu-mugon si Jehova? (b) Sa tingin mo, bakit mahalagang ipanalangin angnadarama mo?

Ano ang ibig sabihin ng pagtatanong ng “Nasaan siJehova?” Sa anu-anong paraan naitanong sana ito ngmga Judio noong panahon ni Jeremias?

Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaan si Jehova?” 117

Page 120: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mensahe ng paghatol, pakiramdam niya’y isinusumpa siyang lahat ng tao. Kaya humingi siya ng tulong sa Diyos. Pan-sinin ang panalangin niya sa Jeremias 15:15, 16. Sinabi niyaroon ang nadarama niya hinggil sa tugon ng Diyos. (Basa-hin.) Sa panalanging iyon, idinaing niya ang kaniyang pag-kabagabag. Pero nang masumpungan niya ang salita ngDiyos at kainin iyon, wika nga, nagalak siya! Tinulungansiya ng Diyos na pahalagahan ang pribilehiyo na dalhinang banal na pangalan ni Jehova at ihayag ang Kaniyangmensahe. Naging malinaw kay Jeremias kung ano ang kalo-oban ni Jehova. Ano ang makukuha nating aral dito?

10 Sa isa pang pagkakataon, matapos siyang saktan ng sa-serdoteng si Pasur na anak ni Imer, sinabi ni Jeremias sa pa-nalangin na hindi na siya magsasalita pa sa ngalan ni Jeho-va. Paano sinagot ng Diyos ang panalangin niya? (Basahinang Jeremias 20:8, 9.) Hindi sinasabi sa atin ng Bibliya namula sa langit ay kinausap ng Diyos si Jeremias. Pero angsalita ng Diyos ay naging gaya ng nagniningas na apoy saloob ng kaniyang mga buto, at hindi niya mapigilang ipa-hayag iyon. Oo, dahil tapatang sinabi ni Jeremias kay Je-hova ang kaniyang niloloob at kumilos siya ayon sa alamniya tungkol sa kalooban ng Diyos, naudyukan siyangipagpatuloy ang gusto ng Diyos na gawin niya.

11 Nang makita ni Jeremias na nagtatagumpay ang ma-sasama, nagtanong siya sa Diyos. (Basahin ang Jeremias 12:1, 3.) Hindi naman sa kinukuwestiyon niya ang pagi-ging matuwid ni Jehova. Hindi lang kasi maubos-maisipni Jeremias kung bakit nagtatagumpay ang maraming Ju-dio samantalang ang sasama nila. Gaya ng isang batana hindi nag-aalangang magtanong sa kaniyang ama, hin-di nag-alangan si Jeremias na magtanong sa Diyos tungkol

10. Paano tumugon si Jehova nang sabihin ng propeta na hindi na siyamagsasalita pa sa ngalan ng Diyos?11, 12. Paano sinagot ni Jehova ang tanong ni Jeremias tungkol sa pana-nagumpay ng masasama?

118 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 121: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sa kaniyang “karaingan.” Ipinapakita nito na malapıt siyakay Jehova. Nakuha ba ni Jeremias ang sagot na hinaha-nap niya? Sinigurado sa kaniya ni Jehova na “bubunutin”Niya ang masasama. (Jer. 12:14) Habang nakikita ni Jere-mias ang ginagawa ng Diyos may kinalaman sa itinanongniya, lalo siyang nagtiwala sa katarungan ni Jehova. Bilangresulta, tiyak na naging mas madalas manalangin si Jere-mias, na inihihinga ang niloloob niya sa kaniyang Ama.

12 Noong magtatapos na ang pamamahala ni Zedekias atkinukubkob na ng Babilonya ang Jerusalem, sa panalanginay tinukoy ni Jeremias si Jehova bilang isa na ang “mgamata ay nakadilat sa lahat ng lakad ng mga anak ng mgatao, upang ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga la-kad at ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo.” (Jer.32:19) Naging malinaw kay Jeremias ang pagiging makata-rungan ng Diyos, na talagang nakamasid ang Diyos sa gi-nagawa ng bawat isa at nakikinig siya sa taimtim na pana-langin ng kaniyang mga lingkod. At para naman sa mgalingkod niya, makikita nila ang higit pang pruweba na ibi-nibigay ni Jehova “sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mgalakad at ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo.”

13 Maaaring hindi naman natin pinagdududahan angpagiging makatarungan ng Diyos at kung paano niya ti-nutupad o tutuparin ang kaniyang kalooban. Pero maka-katulong kung bubulay-bulayin natin ang naranasan ni Je-remias at kung sasabihin natin sa panalangin ang atingniloloob. Mapapatibay nito ang ating pagtitiwala kay Je-hova, na tiyak na tutuparin niya ang kaniyang kaloo-ban. Kahit hindi pa natin lubusang naiintindihan kung ba-kit nangyayari ang mga bagay-bagay, o kung bakit parangang tagal matupad ng kalooban ng Diyos, masasabi natinsa panalangin na nagtitiwala tayong kontrolado ng Diyosang mga bagay-bagay. Magaganap ang kalooban ng Diyos

13. Bakit ka makapagtitiwala na matutupad ang kalooban ng Diyos?

Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaan si Jehova?” 119

Page 122: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sa paraan at panahong alam niyang pinakamainam. Ga-rantisado ito; walang dahilan para magduda. Patuloy sananating itanong, “Nasaan si Jehova?” sa diwa na ipinapana-langin nating maunawaan sana natin ang kaniyang kaloo-ban at ang katibayan ng katuparan nito.—Job 36:5-7, 26.

PINUNˆ

O NI JEREMIAS NG KAALAMANANG KANIYANG PUSO

14 Alam ni Jeremias na para masagot ang tanong na “Na-saan si Jehova?” kailangan niya ng ‘kaalaman tungkol kayJehova.’ (Jer. 9:24) Tiyak na pinag-aralan niya ang kasaysa-yan ng bayan ni Jehova habang isinusulat niya ang mgaaklat ng 1 at 2 Hari. Partikular niyang binanggit ang “ak-lat ng mga pangyayari kay Solomon”; “aklat ng mga pang-yayari nang mga araw ng mga hari ng Israel”; at “aklatng mga pangyayari nang mga araw ng mga hari sa Juda.”(1 Hari 11:41; 14:19; 15:7) Kaya naunawaan niya kung paa-no nakikitungo si Jehova sa kaniyang bayan sa iba’t ibangsitwasyon. Nakita ni Jeremias kung ano ang makapagpa-palugod kay Jehova at kung ano ang epekto sa Kaniya ngpasiya ng bayan Niya. Maaaring nabasa rin niya ang mgakinasihang ulat, gaya ng isinulat nina Moises, Josue, Sa-muel, David, at Solomon. Tiyak na may alam siya tung-kol sa mga naunang propeta at sa kaniyang mga kasaba-yan. Paano nakinabang si Jeremias sa kaniyang personalna pag-aaral?

15 Isinulat ni Jeremias ang ulat tungkol kay Jezebel, ang

14. Paano natin nalaman na nagsaliksik si Jeremias sa kasaysayan ng ba-yan ng Diyos?15. Paano nakatulong kay Jeremias ang pagsasaliksik sa mga hula niElias?

Anong kasiguruhan ang nakita mo sa naranasan niJeremias sa paghanap kay Jehova?

120 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 123: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

masamang asawa ni Haring Ahab ng Samaria. Kasama saulat ni Jeremias ang hula ni Elias na kakainin ng mga asosi Jezebel sa isang lote sa Jezreel. (1 Hari 21:23) At kasuwa-to ng iniulat ni Jeremias, alam mo na makalipas ang mga18 na taon, inihulog si Jezebel mula sa bintana, niyurakanng kabayo ni Jehu, at kinain ng mga aso. (2 Hari 9:31-37)Ang pagsasaliksik ni Jeremias sa mga hula ni Elias at sa ka-tuparan ng mga ito, maging sa mga detalye nito, ay tiyakna nagpatibay sa pananampalataya niya sa salita ng Diyos.Kitang-kita na nakapagbata si Jeremias dahil sa pananam-palatayang pinatibay ng pag-aaral tungkol sa mga pagkilosni Jehova.

16 Heto pa ang isang halimbawa. Ano sa tingin mo angnakatulong kay Jeremias na patuloy na babalaan ang ma-sasamang haring gaya nina Jehoiakim at Zedekias, kahit nainuusig pa siya? Pangunahin na, ginawa ni Jehova si Jere-mias na “isang nakukutaang lunsod at isang haliging ba-kal at mga pader na tanso” sa harap ng mga hari ng Juda.(Jer. 1:18, 19) Pero tandaan na masusi ring nagsaliksik siJeremias tungkol sa mga naunang hari ng Juda at Israel.Isinama niya sa kaniyang ulat ang paggawa ni Manases ng“mga altar para sa buong hukbo ng langit sa dalawang lo-oban ng bahay ni Jehova,” ang paghahandog nito ng ka-niyang anak sa apoy, at lansakang pagbububo ng dugongwalang sala. (2 Hari 21:1-7, 16; basahin ang Jeremias 15:4.)Pero tiyak na alam din ni Jeremias na nang magsisi si Ma-nases at magsumamo kay Jehova, “hinayaan Niya na siyaay mapamanhikan nito,” at isinauli ito ni Jehova sa pagha-hari.—Basahin ang 2 Cronica 33:12, 13.

17 Sa mga isinulat ni Jeremias, wala siyang binanggittungkol sa ipinakitang awa ni Jehova kay Manases. Pero na-matay si Manases mga 15 taon lang bago naging propeta si

16, 17. Sa tingin mo, bakit nakapagpatuloy si Jeremias sa pagbababala samasasamang hari noong panahon niya?

Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaan si Jehova?” 121

Page 124: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jeremias. Kaya malamang na nalaman din ng propeta angtungkol sa pagsisisi ng hari. Ang pagsasaliksik sa teriblengkasamaan ni Manases at sa kinahinatnan nito ay tiyak nanakatulong kay Jeremias na makita ang kahalagahan ngpaghimok sa mga hari, gaya ni Zedekias, na magsuma-mo ukol sa kaawaan at maibiging-kabaitan ni Jehova. Ka-hit ang isang hari na kilala sa pagiging idolatroso at mama-matay-tao ay maaaring magsisi at mapatawad. Kung ikawsi Jeremias, mapapatibay ka kaya ng nangyari kay Mana-ses at magiging masigasig pa rin kahit masamang hari angmamahala?

PAGKATUTO SA KARANASAN18 Habang naglilingkod bilang propeta, natuto si Jere-

mias sa naging pagkilos ng kaniyang mga kasabayan. Isasa mga ito si propeta Urias na humula laban sa Jerusalemat Juda noong panahon ni Jehoiakim. Pero dahil sa takotsa hari, tumakas si Urias patungong Ehipto. Ipinatugis siyang hari, at nang maibalik ay pinatay siya. (Jer. 26:20-23) Sapalagay mo, may natutuhan kaya si Jeremias sa sinapit niUrias? Aba oo. Patuloy na nagbabala si Jeremias sa mga Ju-dio, kahit sa palibot ng templo, tungkol sa kapahamakangdarating sa kanila. Nanatiling masigasig si Jeremias, at hin-di siya pinabayaan ni Jehova. Malamang na pinakilos ngDiyos si Ahikam, anak ni Sapan, para protektahan ang wa-lang-takot na propeta.—Jer. 26:24.

19 Natuto rin si Jeremias sa sarili niyang karanasan ha-bang binababalaan ang bayan ni Jehova. Noong ikaapat nataon ng paghahari ni Jehoiakim, inutusan ni Jehova si Je-remias na isulat ang lahat ng sinabi Niya mula noong pa-nahon ni Josias. Bakit? Para himukin ang mga tao na tali-kuran ang kanilang kasamaan at mapatawad. (Basahin ang

18. Ano ang natutuhan ni Jeremias sa sinapit ni Urias? Bakit mo nasabi?19. Anong katangian ni Jehova ang nakita ni Jeremias sa patuloy na pag-susugo Niya ng mga propeta?

122 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 125: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jeremias 36:1-3.) Maagang bumabangon si Jeremias paramagbabala sa mga tao. Nakiusap pa nga siya sa kanila naitigil na ang kanilang karima-rimarim na mga gawain. (Jer.44:4) Hindi ba’t malinaw na nakita ni Jeremias mula sa sa-rili niyang karanasan na talagang maawain ang Diyos kayaSiya nagsusugo ng mga propeta? At hindi kaya ito rin angnagturo kay Jeremias na maging maawain? (2 Cro. 36:15)Kung gayon, maiintindihan mo kung bakit matapos ma-ligtas sa pagkawasak ng Jerusalem ay nasabi ni Jeremias:“Dahil sa mga gawa ng maibiging-kabaitan ni Jehova kungkaya hindi pa tayo nalilipol, sapagkat ang kaniyang kaawa-an ay tiyak na hindi magwawakas. Ang mga iyon ay bagosa bawat umaga.”—Panag. 3:22, 23.

Paano nakatulong kay Jeremias ang pagsasaliksik sapakikitungo ng Diyos sa mga tao at ang pagbubulay-bulaysa mga naranasan niya at ng iba? Ano ang matututuhannatin dito?

Page 126: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ARAW-ARAW MO BANG ITINATANONG,“NASAAN SI JEHOVA?”

20 Kapag nagpapasiya ka sa araw-araw, lagi mo bang isi-nasaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at itinatanong,“Nasaan si Jehova?” (Jer. 2:6-8) Di-tulad ng mga Judio no-ong panahon niya, laging humihingi ng tulong si Jeremiassa Makapangyarihan-sa-lahat kapag nagpapasiya. Matutu-laran natin si Jeremias kung araw-araw nating inaalam angpananaw ni Jehova; ito ang matalinong gawin kapag nag-papasiya.

21 Ang paghanap kay Jehova ay hindi lang kapag gumaga-wa ng malalaking pasiya. Halimbawa, iskedyul mo ng pag-labas sa larangan. Kaso paggising mo, nakita mong ma-kulimlim at parang uulan. At madalas namang gawin angteritoryo sa araw na iyon. Isa pa, naisip mong lagi namangnagdadahilan ang mga tao doon o nanghihiya pa nga. Sapagkakataong iyon, mananalangin ka ba at magtatanong,“Nasaan si Jehova?” Makakatulong ito sa iyo na pakaisipinang kahalagahan ng mensaheng ihahatid mo at lalo pangmadama na kalooban ng Diyos na ihatid mo ang mensa-heng iyon. Pagkatapos, gaya ni Jeremias, maaaring maud-yukan ka ng salita ni Jehova na magalak at magbunyi. (Jer.15:16, 20) Pero paano kung nasa larangan ka na at may na-kausap kang napakasungit o naninindak, mananalangin kaba uli para sabihin kay Jehova ang nadarama mo? Huwagmong kalilimutan na puwede siyang maglaan ng banal naespiritu para tulungan kang kumilos nang tama, at mapag-tagumpayan ang anumang negatibong damdamin na pu-wedeng humadlang sa iyong pangangaral.—Luc. 12:11, 12.

22 Gayunman, may mga panalangin na nahaharangan.(Basahin ang Panaghoy 3:44.) Hindi pinakinggan ni Jeho-

20. Paano mo matutularan si Jeremias sa paghanap kay Jehova?21. Ano ang maaari mong ipanalangin may kinalaman sa iyong minis-teryo? Paano ito makakatulong sa iyo kung masungit ang makausap mo?22. Bakit maaaring maharangan ang ilang panalangin?

124 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 127: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

va ang panalangin ng mga rebelyosong Judio dahil ‘inilayonila ang kanilang tainga sa kaniya’ at patuloy silang guma-gawa ng masama. (Kaw. 28:9) Ito ang aral na natutuhan niJeremias, na dapat din nating matutuhan: Kapag salungatsa panalangin ng isa ang ikinikilos niya, hindi iyon maka-lulugod sa Diyos at maaaring hindi na pakinggan ng Diyosang mga panalangin niya. Tiyak na iiwasan nating mang-yari ito sa atin.

23 Bukod sa taimtim na pananalangin ukol sa patnubay,kailangan tayong magpatuloy sa personal na pag-aaral,isang mahalagang paraan para mahanap si Jehova. Kum-pleto na ngayon ang Bibliya, di-gaya noong panahon ni Je-remias. Tulad ni Jeremias na nagsaliksik para maitala angkaniyang makasaysayang ulat, puwede mong pag-aralanang Bibliya para malaman ang tagubilin ng Diyos, anupat

23, 24. (a) Ano ang kailangan para malaman natin ang kalooban niJehova? (b) Paano magiging mas makabuluhan ang iyong personal napag-aaral?

Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaan si Jehova?” 125

Page 128: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

itinatanong, “Nasaan si Jehova?” Ang pagsisikap na mala-man ang kaniyang kalooban ay katibayan na nagtitiwalaka sa kaniya. Kung gayon, ikaw ay “tiyak na magiging gayang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng tubig, na nag-papayaon ng mga ugat nito sa mismong tabi ng daanang-tubig.”—Basahin ang Jeremias 17:5-8.

24 Habang binabasa mo at binubulay-bulay ang Banal naKasulatan, sikaping alamin ang kalooban ni Jehova sa anu-mang gagawin mo. Pag-aralan ang mga simulain na gus-to mong tandaan at ikapit sa iyong buhay. Isipin mo kungpaano makakatulong sa iyong pagpapasiya araw-araw angmga kasaysayan, utos, simulain, at mga kawikaan sa Bibli-ya. Bilang sagot sa tanong mong “Nasaan si Jehova?” tutu-lungan ka niya sa pamamagitan ng Kasulatan na malamanang maaari mong gawin kahit sa napakahirap na sitwa-syon. Aba, sa tulong ng Bibliya magiging maliwanag sa iyoang “di-malirip na mga bagay na hindi mo pa nalalaman”o naiintindihan!—Jer. 33:3.

25 Bukod diyan, maaari mong isaalang-alang ang mgakaranasan mo mismo at ng iba. Halimbawa, may alam kasigurong mga tumigil na sa pagtitiwala kay Jehova, gaya niUrias. (2 Tim. 4:10) Maaari kang matuto sa kanilang kara-nasan at maiwasan ang sinapit nila. Lagi mong alalahaninang maibiging-kabaitan ng Diyos sa iyo. Tularan ang pag-papahalaga ni Jeremias sa awa at habag ni Jehova. Gaanu-man kahirap ang sitwasyon mo, huwag mong iisipin na pi-nababayaan ka ng Kataas-taasan. Nagmamalasakit siya saiyo, gaya noon kay Jeremias.

26 Habang binubulay-bulay mo kung paano tinutulu-ngan ni Jehova ang mga indibiduwal ngayon, makikita mona may iba’t ibang paraan siya para gabayan tayo araw-araw. Isang kabataang sister sa Japan na nagngangalangAki ang nagsabing hindi siya karapat-dapat tawaging Kris-

25, 26. Bakit tayo makikinabang sa karanasan natin mismo at ng iba?

126 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 129: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

tiyano. Isang araw, habang nasa ministeryo kasama ng asa-wa ng tagapangasiwa ng sirkito, nasabi ni Aki: “Siguro ma-lapit na ’kong isuka ni Jehova, pero pinagtitiyagaan niyalang ako at binibigyan ng kaunti pang panahon.” Tining-nan siya ng sister sa mata at sinabi: “Kahit kailan, hindi konaisip na malahininga kang Kristiyano!” Pinag-isipan niAki ang nakapagpapatibay na komentong iyon. Ang totoo,wala naman talagang dahilan para madama niyang gano-on ang tingin ni Jehova sa kaniya. Pagkatapos nito, nana-langin si Aki kay Jehova: “Isugo n’yo po ako kahit saan. Ga-gawin ko ang anumang loobin n’yo para sa akin.” Noongmga panahong iyon, nagpunta siya sa ibang bansa kungsaan may maliit na Japanese group na nangangailangan ngvolunteer sa kanilang teritoryo. Nagkataon namang doonipinanganak si Aki, kaya hindi naging mahirap sa kaniyana lumipat doon at tumulong. Pero saan siya titira? Saktonamang lumipat ang anak ng isang sister at inialok sa ka-niya ang bakanteng kuwarto. “Wala akong naging proble-ma. Inayos ni Jehova ang lahat para makapaglingkod ako,”ang sabi ni Aki.

27 Maikukuwento sa iyo ng maraming kapatid kung pa-ano sila ginabayan ni Jehova, marahil nang may mabasasila o mapag-aralan sa Bibliya. Marahil ay naranasan mona rin iyon. Makakatulong ang mga ito na maging higit namalapıt kay Jehova at maging mas madalas at marubdobang iyong mga panalangin sa kaniya. Makaaasa ka na itu-turo sa atin ni Jehova ang kaniyang daan kung araw-arawnating itatanong, “Nasaan si Jehova?”—Isa. 30:21.

27. Bakit kapaki-pakinabang sa iyo ang pagtatanong ng “Nasaan si Jeho-va?”

Para sa iyo ano ang kahulugan ng pagtatanong ng“Nasaan si Jehova?” Anu-ano ang maaari mong gawinpara mahanap ang kaniyang patnubay?

Araw-araw Mo Bang Itinatanong, “Nasaan si Jehova?” 127

Page 130: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ANG batang si Hiroyasu sa Japan ay ibinili ng nanay niyang isang pares ng tupa. Inalagaan niya ito. Bawat taon, na-nganganak ang inahin ng dalawang tupa. Noong 12 anyosna siya, mayroon na siyang mga 12 o 13 tupa. “Isang uma-ga habang nakahiga pa ako,” ang sabi ni Hiroyasu, “nari-nig ko silang umiiyak. Pero hindi ako agad lumabas. Nangpuntahan ko sila, nagtatakbuhan na ang mga aso. Nilapa ngmga aso ang mga tupa. Nataranta ako. Hinanap ko ang ina-hin, at nakita ko itong duguan at naghihingalo na. Ang ba-rako lang ang nakaligtas. Sising-sisi ako. Dapat pinuntahanko sila agad nang marinig ko silang umiiyak. Wala silang ka-laban-laban sa mga aso.”

2 Noong panahon ng Bibliya, halos lahat ay pamilyar sagawain ng isang pastol. Trabaho niyang pastulan ang ka-wan at tiyaking nakakakain silang mabuti. Pinoprotektahanniya rin sila mula sa mababangis na hayop, at kapag maynawala, hinahanap niya ito. (1 Sam. 17:34-36) Nakabantaysiya habang nagpapahinga ang kawan. Pinapaanak niya angmga tupa at inaalagaan ang mga ito. Maraming manunu-lat ng Bibliya, kabilang na si Jeremias, ang gumamit ng sali-tang “pastol” para ilarawan ang isa na may pananagutan sapangangalaga sa mga tao, bilang pinuno o tagapangasiwa sakongregasyon.

1, 2. (a) Ano ang puwedeng mangyari kapag hindi naprotektahan angisang kawan ng mga tupa? (b) Ano ang trabaho ng isang pastol noong pa-nahon ng Bibliya?

KABANATA 11

“MGA PASTOL NA KAAYONNG AKING PUSO”

128

Page 131: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

3 Baka iniisip ng ilan sa kongregasyon na ang mga elderay nagiging mga pastol lamang kapag dumadalaw ang mgaelder para mag-shepherding. Pero batay sa pagkakagamit niJeremias sa mga salitang “pastol” at “nagpapastol,” makiki-ta natin na ikinapit niya ito sa lahat ng gawain ng mga na-ngunguna sa Juda at nangangalaga sa bayan ng Diyos. Ma-dalas kondenahin ni Jehova ang mga prinsipe, propeta, atmga saserdote sa Juda dahil mga pabaya silang pastol. (Jer.2:8) Minaltrato, iniligaw, at pinabayaan nila ang kanilangmga “tupa,” at inuna ang sarili nilang kapakanan. Nagingkalunus-lunos ang espirituwalidad ng bayan ng Diyos. Sina-bi ni Jehova na mananagot ang mga bulaang pastol na iyon.At nangako siya sa kaniyang bayan na bibigyan niya sila ngmapagmalasakit na mga pastol na talagang magsasangga-lang sa kawan.—Basahin ang Jeremias 3:15; 23:1-4.

4 Natupad ang pangako ng Diyos, pangunahin na kay Je-sus bilang ang Punong Pastol, na siyang naging Ulo ng kon-gregasyong Kristiyano. Tinawag ni Jesus ang kaniyang sarilina “mabuting pastol.” Nagpakita siya ng tunay na habag samga tupa ni Jehova. (Juan 10:11-15) Para maalagaan ang ka-niyang kawan sa lupa ngayon, gumagamit si Jehova ng mgakatulong na pastol—mga elder mula sa uring tapat at mai-ngat na alipin at mula sa “malaking pulutong.” (Apoc. 7:9)Sinisikap ng mga pastol na ito na tularan ang mapagsakri-pisyong saloobin ni Jesus. Gusto nilang pakainin at alagaanang kongregasyon, gaya ng ginawa ni Kristo. Kaabahan ngapara sa sinumang nagpapabaya o namamanginoon sa ka-wan o may mabagsik o mapagmataas na saloobin sa kanila!(Mat. 20:25-27; 1 Ped. 5:2, 3) Ano ang inaasahan ni Jehova samga Kristiyanong pastol ngayon? Ano ang matututuhan na-tin sa mga isinulat ni Jeremias hinggil sa dapat na maging

3. Ano ang tinutukoy ni Jeremias sa paggamit niya ng mga salitang “pas-tol” at “nagpapastol”?4. Sino ang nangangalaga sa kawan ng Diyos ngayon? Ano ang saloobinnila?

“Mga Pastol na Kaayon ng Aking Puso” 129

Page 132: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

saloobin at motibo ng mga elder? Tingnan natin ang papelnila bilang mga tagapangalaga ng kawan, mga guro sa loobat labas ng kongregasyon, at mga hukom.

PANGANGALAGA SA KAWAN5 Tinukoy ni apostol Pedro si Jehova bilang “pastol at taga-

pangasiwa ng [ating] mga kaluluwa.” (1 Ped. 2:25) Ano angsaloobin ng Diyos sa kaniyang “mga tupa”? Makikita natinang sagot kung babalik tayo sa panahon ni Jeremias. Mata-pos kondenahin ang pabayang mga pastol na nagpangalatsa kawan, sinabi ni Jehova na “titipunin” niya ang kaniyangmga tupa at ibabalik sa pastulan. Nangako siya na mag-aatassiya ng mabubuting pastol, “na talagang magpapastol sa ka-nila” at poprotekta sa kanila laban sa ganid na mga kaaway.(Jer. 23:3, 4) Oo, napakahalaga kay Jehova ng mga tupa niyanoon. At ganiyan din ang tingin niya sa mga tupa niya nga-yon. Napakamahal ng ibinayad niya para sa kanilang wa-lang-hanggang kinabukasan.—1 Ped. 1:18, 19.

5-7. (a) Anong paraan ng pangangalaga sa kaniyang mga tupa ang inaasa-han ni Jehova, at bakit? (b) Paano makapagpapakita ng tunay na pag-ibigang mga elder sa kanilang mga kapatid, pati na sa mga napawalay?

130 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 133: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

6 Gaya ng literal na mga pastol, ang mga Kristiyanong ta-gapangasiwa ay hindi dapat magpabaya sa kongregasyon.Kung isa kang elder, nagiging alisto ka ba sa anumang pala-tandaan na may problema ang iyong mga kapatid, at han-da ka bang tumulong agad? Sumulat ang matalinong si Ha-ring Solomon: “Dapat mo ngang alamin ang kaanyuan ngiyong kawan. Ituon mo ang iyong puso sa iyong mga ka-wan.” (Kaw. 27:23) Sa tekstong ito, itinatampok ang kasi-pagan ng isang literal na pastol; pero maikakapit din ito sapangangalaga ng espirituwal na mga pastol. Kung isa kangelder, iniiwasan mo bang maging dominante? Nang banggi-tin ni Pedro ang tungkol sa mga “namamanginoon sa mgamana ng Diyos,” ipinapakita nito na talagang may posibi-lidad na magawa ito ng isang elder. Ano ang maitutulongmo para matupad ang inilalarawan sa Jeremias 33:12? (Basa-hin.) Ang mga nagsosolong magulang, balo, pamilya sa mu-ling pag-aasawa, may-edad na, at kabataan ay maaaring na-ngangailangan ng lingap at pag-alalay.

7 Tulad ng ginagawa ng pastol sa literal na mga tupa, kai-langan minsan ng isang pastol sa kongregasyon na hanapinat tulungan ang mga indibiduwal na sa ilang kadahilananay napawalay sa kawan. Kailangan ng elder na magsakripi-syo at magpakumbaba. Matiisin siyang naglalaan ng pana-hon para maasikaso ang mga ipinagkatiwala sa kaniyang pa-ngangasiwa. Makakabuti kung tapatang tatanungin ng mgaelder ang kanilang sarili: ‘Sinisikap ko bang magpasigla atmagpatibay sa halip na humatol o mamintas? Gusto ko batalagang sumulong pa sa bagay na ito?’ Baka kailangang pa-ulit-ulit na paalalahanan ang isang kapatid para makita niyaang pananaw ng Diyos sa mga bagay-bagay. Kapag ayawtanggapin ng isang mamamahayag ang isang maka-Kasu-latang payo (hindi lang basta sariling opinyon), isipin angPinakadakilang Pastol at Tagapangasiwa, si Jehova. Matii-sin siya at ‘patuloy na nagsalita.’ Sinikap niyang tulunganang kaniyang suwail na bayan. (Jer. 25:3-6) Hindi naman

“Mga Pastol na Kaayon ng Aking Puso” 131

Page 134: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

gumagawa ng masama ang marami sa bayan ng Diyosngayon, pero kapag kailangang magpayo, dapat tularan ngisang elder si Jehova sa pagbibigay nito.

8 Hindi tumigil si Jeremias sa pananalangin dahil may na-kikita siyang pag-asa na magbabalik-loob pa ang kaniyangmga kababayan. Sinabi niya sa Diyos: “Alalahanin mo angaking pagtayo sa harap mo upang magsalita ng mabuti maykinalaman pa nga sa kanila, upang pawiin ang iyong pag-ngangalit mula sa kanila.” (Jer. 18:20) Makikita mo rito namabubuting katangian pa rin ng kaniyang mga kapatid angtinitingnan ni Jeremias, hindi ang kanilang pagkakamali.Sa ngayon, dapat tularan ng mga Kristiyanong tagapanga-siwa ang saloobin ni Jeremias, maliban na lang kung ta-lagang ayaw nang magsisi ng isa. Bigyan ng komendasyonang mga kapatid sa mabubuting bagay na nagagawa nilaat manalangin para sa kanila at manalanging kasama nila.—Mat. 25:21.

8. Paano matutularan ng espirituwal na mga pastol ang halimbawa ni Je-remias?

“TIYAK NA PAKAKAININ NILA KAYO”9 Kaayon ng mababasa sa Jeremias 3:15, ang mga Kris-

tiyanong pastol ay ‘magpapakain ng kaalaman at kaunawa-an,’ ibig sabihin, magsisilbi silang mga guro. (1 Tim. 3:2;5:17) Nangako si Jehova sa kaniyang bayan na gagawin iyanng mabubuting pastol. At hinimok niya ang mga Judio natanggapin ang pagtutuwid at pagtuturo ng propeta niyang si

9, 10. Bakit kailangang maging guro ang isang mabuting pastol (elder sakongregasyon)?

Sa pamamagitan ni Jeremias, ano ang ipinangako ngDiyos may kinalaman sa espirituwal na mga pastol? Paanomapapangalagaan ng mga Kristiyanong tagapangasiwaang kongregasyon?

132 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 135: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jeremias. (Basahin ang Jeremias 6:8.) Para maging malusogang mga tupa, kailangan nila ng pagkain. Para manatilingmalusog sa espirituwal ang bayan ng Diyos, kailangan nilang maka-Kasulatang turo at tagubilin.

10 May dalawang aspekto ang papel ng mga elder bilangmga guro—magturo sa kongregasyon at magturo sa mgahindi pa tunay na Kristiyano. Tungkol sa huling nabang-git, tandaan ito: Ang isang pangunahing dahilan kung ba-kit may Kristiyanong kongregasyon ay upang ipangaral angmabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Kaya ang mga el-der ay dapat na maging masisigasig na mangangaral. (Jer. 1:7-10) Sa gayon, magagampanan nila ang pananagutan nilasa Diyos at magiging mabuting halimbawa sa mga kapatid.Kung isa kang elder at regular kang nangangaral kasama ngiba’t ibang kapatid, hindi ba’t isang pagkakataon iyon paramatulungan mo silang mapahusay ang kanilang paraan ngpagtuturo, pati na ang sa iyo? Ang masipag mong pangu-nguna sa pangangaral ay magpapatibay sa mga kapatid atmakakatulong para sumulong ang buong kongregasyon.

11 Magiging kapaki-pakinabang sa kongregasyon ang iti-nuturo ng mga elder kung ito ay nakasalig sa Bibliya. Kayapara maging epektibong mga guro ang mga pastol ng kon-gregasyon, dapat silang maging masisipag na estudyante ngSalita ng Diyos. Hindi ito nagawa ng mga tagapanguna sabayan ng Diyos noon, kaya nasabi ni Jeremias tungkol sa ka-nila: “Ang mga pastol ay gumawi nang di-makatuwiran, athindi nila hinanap si Jehova. Kaya naman hindi sila kumilosnang may kaunawaan, at ang lahat ng kanilang mga hayopna nanginginain ay nangalat.” (Jer.10:21) Ang mga dapat sa-nang maging guro ay hindi sumunod sa mga simulain ngKasulatan; hindi nila hinanap ang Diyos kaya wala silang tu-nay na karunungan. Mas mabigat na hatol ang inihayag ni

11, 12. Ano ang dapat bigyang-pansin ng isang elder kung gusto niyangmaging mabuting pastol?

“Mga Pastol na Kaayon ng Aking Puso” 133

Page 136: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Jeremias para sa mga bulaang propetang ito.—Basahin angJeremias 14:14, 15.

12 Di-tulad ng mga pabayang pastol, pinag-aaralan at ti-nutularan ng mga Kristiyanong tagapangasiwa ang halimba-wa ni Jesus. Kaya makapagpapastol sila sa kawan nang maykarunungan. Maaaring mahirap mag-iskedyul ng regular napag-aaral dahil sa dami ng kanilang pananagutan. Pero kungisa kang elder, talaga bang kumbinsido ka na kung iaayonmo sa Salita ng Diyos at tagubilin ng tapat at maingat na ali-pin ang iyong pagtuturo, saka lamang ito magiging wasto atkapaki-pakinabang, anupat makapagbibigay ng kaalaman atkaunawaan? Kung sa tingin mo ay hindi ka na nakakapag-personal study gaya ng dati, ano ang gagawin mo para hindika matulad sa mga pabayang pastol noong panahon ni Jere-mias?

13 Ang isang dahilan kung bakit epektibong guro si Jere-mias ay ang paggamit niya ng mga ilustrasyon. Sabihin pa,tinuruan siya ni Jehova. Hindi mo siguro basta malilimu-tan kung nakita mo ang paghahagis niya ng palayok sa lupapara ipakita at ihayag ang sasapitin ng Jerusalem at ng ma-mamayan nito. (Jer. 19:1, 10, 11) Gumawa rin si Jeremias ngkahoy na pamatok at pinasan ito para ipakita sa mga kaba-bayan niya na aalipinin sila ng Babilonya. (Jer., kab. 27-28)Hindi ipinapagawa ng Diyos sa mga elder ninyo ang gaya ngmga ginawang iyon ni Jeremias para magdiin ng mga pun-to. Pero hindi ka ba nagpapasalamat na gumagamit sila ngangkop na mga ilustrasyon at karanasan kapag sila ay nagtu-turo? Talaga namang mabisa at nakapagpapasigla ang mgailustrasyon na angkop at pinag-isipang mabuti.

14 Laking pasasalamat natin sa pagtuturo ng mga Kristi-yanong pastol! Noong panahon ni Jeremias, nakita niya na

13. Ano ang isang dahilan kung bakit epektibong guro si Jeremias? Anoang matututuhan dito ng mga Kristiyanong pastol ngayon?14. (a) Bakit angkop ang pagtukoy ni Jeremias sa “balsamo sa Gilead”?(b) Paano mapangangalagaan ng mga Kristiyanong elder ang espirituwalna kalusugan ng kanilang mga kapatid?

134 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 137: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kailangan ng kaniyang ba-yan ng espirituwal na pag-papagaling. Nagtanong siya:“Wala bang balsamo sa Gile-ad? O wala bang tagapag-pagaling doon?” (Jer. 8:22)May literal na balsamo saGilead, isang lupain sa Isra-el sa silangan ng Ilog Jor-dan. Nakapagpapaginhawaat nakapagpapagaling ng su-gat ang mabangong langisna ito mula sa halaman.Gayunman, walang espiritu-wal na pagpapagaling. Ba-kit? Sinabi ni Jeremias: “Angmga propeta ay nanghuhu-

la nang may kabulaanan; at kung tungkol sa mga saserdo-te, sila ay nanunupil ayon sa kanilang mga kapangyarihan.At gayon ang inibig ng aking sariling bayan.” (Jer. 5:31) Ku-musta naman ngayon? Hindi ba’t talagang may “balsamo saGilead,” sa inyo mismong kongregasyon? Gaya ng nakagi-ginhawang balsamo, pinagiginhawa ng maibiging mga Kris-tiyanong pastol ang kawan. Inaakay nila ang mga kapatidsa mga simulain ng Bibliya, pinapatibay sila, at ipinapanala-ngin sila at nananalangin kasama nila.—Sant. 5:14, 15.

“ITO ANG SINABI NI JEHOVA”15 Tuwang-tuwa ang isang pastol kapag malusog ang

15, 16. Bakit parehong nangangailangan ng pangangalaga ang literal atespirituwal na kawan?

Ano ang pinahahalagahan mo sa pagtuturo ng mgaelder sa inyong kongregasyon? Bakit epektibo angkanilang pagtuturo?

135

Page 138: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

bagong-silang na mga tupa. Sulit ang hirap at pagod niya!Pero alam niyang kailangang alagaan at pakaining mabutiang mga ito para mabuhay. Gusto rin ng pastol na lagingmalinis at malusog ang mga alaga niya. At dahil mahaha-ba ang buntot ng mga bagong-silang na tupa, maaari itongsumayad sa dumi at putik kaya pinuputulan niya ang bun-tot ng mga ito. Maingat siya para hindi sila masyadong ma-saktan. Ganiyan din ang mga espirituwal na pastol. Maibi-gin nilang inaalagaan ang mga tupa, ang mga miyembro ngkongregasyon. (Juan 21:16, 17) Masayang-masaya din angmga elder kapag kumikilos ang mga interesado para magingtunay na Kristiyano. Gusto nila na maging malusog at napa-pakaing mabuti ang lahat ng tupa, bata’t matanda, kaya hin-di sila tumitigil sa pagbibigay ng atensiyon sa kawan, at na-mamagitan sila kapag kailangan. Kasama sa gawaing ito angpagpapaalala sa kanilang mga kapatid kung ano “ang sinabini Jehova,” samakatuwid, ang itinuturo ng Bibliya.—Jer. 2:2, 5; 7:5-7; 10:2; Tito 1:9.

16 Kailangan ni Jeremias na maging matapang para mai-hayag ang mensahe ng Diyos. Gayundin ang mga elder,lalo na kapag kailangan nilang magsalita para maingatanang kanilang mga kapatid. Halimbawa, maaaring gumawang hakbang ang isang espirituwal na pastol para hindi ma-dumhan ng sanlibutan ni Satanas ang isang ‘bagong-silangna tupa’ o kahit ang adultong “tupa.” Oo, baka hindi namanhumihingi ng payo ang tupa na nasa panganib. Pero maaa-tim ba ng isang mabuting pastol na manood na lang habangsumusuong sa kapahamakan ang isang miyembro ng kani-yang kawan? Hinding-hindi! Ni mamaliitin man niya angsitwasyon at iisiping wala namang problema, gayong kitang-kita nang nanganganib ang kaugnayan kay Jehova ng isangkapatid.—Jer. 8:11.

17 Kung may tupang mapahiwalay, kikilos agad ang isang

17. Kailan at paano maaaring magbigay ng pantanging atensiyon angisang pastol sa indibiduwal na tupa?

136 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 139: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

alistong pastol para akayin ito pabalik sa kawan. (Basahinang Jeremias 50:6, 7.) Sa katulad na paraan, kailangan min-san ng isang tagapangasiwa na makipagkatuwiranan sa isana nasa alanganing sitwasyon, sa matatag pero maibigingparaan. Halimbawa, baka isang magkasintahang malapitnang ikasal ang napapansin niyang walang tsaperon sa mgalugar kung saan puwede silang matuksong gumawa ng hin-di dapat. Ang isang mabait at maunawaing elder ay makaka-tulong sa kanila na umiwas sa gayong delikadong sitwasyon.Maaari niyang itawag-pansin sa kanila ang mga sitwasyongposibleng mauwi sa gawaing kinapopootan ni Jehova. Ga-yunman, iiwasan niyang mag-akusa. Gaya ni Jeremias, hin-di kinukunsinti ng tapat na mga elder ang mga bagay nahinahatulan ng Diyos. Tinutularan nila si Jehova, na hindinaging mabagsik kundi nakiusap sa kaniyang bayan sa pa-mamagitan ng kaniyang propeta: “Pakisuyo, huwag ninyonggawin ang ganitong uri ng karima-rimarim na bagay na ki-napopootan ko.” (Jer. 5:7; 25:4, 5; 35:15; 44:4) Talaga bangpinahahalagahan mo ang malasakit ng maibiging mga pas-tol?

18 Sabihin pa, hindi lahat ng pinayuhan ni Jeremias ay na-kinig. Pero may nakinig. Halimbawa, nang si Baruc, ang ka-sama at sekretaryo ni Jeremias, ay kinailangang ituwid, hin-di nag-atubili si Jeremias na payuhan siya. (Jer. 45:5) Anoang resulta? Naging kalugud-lugod si Baruc sa Diyos at na-kaligtas sa pagkawasak ng Jerusalem. Sa ngayon, ang posi-tibong resulta ng pagtulong sa mga kapatid ay nagpapasig-la sa mga elder na patuloy na “magsikap” sa ‘pagpapayo atpagtuturo’ na nakapagliligtas-buhay.—1 Tim. 4:13, 16.

DISIPLINA SA “WASTONG ANTAS”19 Ang mga tagapangasiwa ngayon ay espirituwal na

18. Ano ang nagiging resulta ng pagsisikap ng mga espirituwal na pastol?19, 20. Ano ang pananagutan ng mga elder may kinalaman sa mga gu-magawa ng kamalian?

“Mga Pastol na Kaayon ng Aking Puso” 137

Page 140: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga hukom din. Minsan, kailangang asikasuhin ng mgaelder ang mga kusang nagkasala; nais nilang akayin sapagsisisi ang mga ito. May-kabaitan ngunit tuwirang hini-mok ni Jehova ang mga gumagawa ng kasamaan na tali-kuran ang masamang lan-das. (Jer. 4:14) Pero kunghindi titigil ang isang mi-yembro ng kongregasyonsa ginagawa niyang kasala-nan, dapat umaksiyon angmga tagapangasiwa paramaprotektahan ang kawansa posibleng masamangimpluwensiya. Gaya ngtagubilin ng Kasulatan,baka kailangang itiwalagang isang iyon. Inaasa-han ni Jehova na itata-guyod ng mga elder angbanal na katarungan sa ga-yong mga sitwasyon. Ma-gandang halimbawa ritoang mabuting haring si Jo-sias. “Ipinagtanggol niyaang pag-aangkin sa batasng napipighati at ng duk-ha.” Tinularan niya angpagiging makatarungan ngDiyos. Kaya may kinala-man sa ginawa ni Josias, itinanong ni Jehova: “Hindi baiyon isang halimbawa ng pagkilala sa akin?” Dahil na-ging makatarungan at makatuwiran si Josias, “napabutisiya.” Hindi ba’t mas panatag ka kapag sinisikap ng inyongmga elder na tularan ang halimbawa ni Josias?—Jer. 22:11,15, 16.

138 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 141: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

20 Magtiwala ka na dinidisiplina ni Jehova “sa wastong an-tas” ang mga nagkakasala. (Jer. 46:28) Sa katulad na paraan,depende sa kalagayan at saloobing ipinapakita ng isang nag-kasala, maaari siyang payuhan, himukin, o sawayin ng mgaelder. At kung hindi nagsisisi ang isa, baka kailangan siyangitiwalag. Sa gayong kaso, ang mga itiniwalag na tuloy pa rinsa paggawa ng kasalanan ay hindi isinasama ng mga elder sapangmadlang panalangin; walang saysay na gawin pa iyon.�(Jer. 7:9, 16) Gayunman, tutularan nila ang Diyos sa pama-magitan ng pagsasabi sa itiniwalag kung paano siya maka-panunumbalik. (Basahin ang Jeremias 33:6-8.) Bagaman ma-sakit ang pagtitiwalag, makakatiyak tayo na makatuwiran atmakatarungan ang mga pamantayan ng Diyos, at para iyonsa ikabubuti ng lahat.—Panag. 1:18.

21 Kapag pinag-aaralan at ikinakapit ng mga pastol sakongregasyon ang mga pamantayan ng Diyos, ang kawanay mapapakain, mananatiling malusog, at maipagsasang-galang. (Awit 23:1-6) Ang mga itinawag-pansin ni Jeremiastungkol sa mga saloobin at motibo, mga angkop at di-angkop, ay makakatulong sa mga Kristiyanong tagapanga-siwa sa pagganap nila sa kanilang seryosong pananagutangpangalagaan ang kawan ng Diyos. Kaya maaaring itanongng bawat isa sa atin, ‘Patuloy ko bang pahahalagahan angkaayusan ni Jehova sa pagtuturo, pag-akay, at pangangalagasa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mgapastol na ‘talagang nagpapastol’ sa kawan nang may “kaala-man at kaunawaan”?’—Jer. 3:15; 23:4.

� Tingnan Ang Bantayan ng Disyembre 1, 2001, pahina 30-31.

21. Ano ang dapat na kondisyon ng kawan ng Diyos? Paano ka makaka-tulong sa bagay na ito?

Sa anong mga kalagayan dapat kumilos nang maykatapangan ang mga tagapangasiwa? Ano ang inaasahanni Jehova sa mga Kristiyanong elder bilang mga hukom?

“Mga Pastol na Kaayon ng Aking Puso” 139

Page 142: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

NAGPAPATAYO ng malaking bahay si Haring Jehoiakim.Dalawang palapag ito at malalaki ang kuwarto. Malalakirin ang bintana para makapasok ang liwanag at sariwanghangin; magiging komportable ang hari at ang kaniyangpamilya. Didingdingan ito ng mabangong sedro mula saLebanon. Ang loob nito ay pipintahan ng matingkad napulang bermilyon, na mula pa sa ibang lupain at gustung-gusto ng mayayaman at maharlika.—Jer. 22:13, 14.

2 Malaking gastos ang proyekto. Nasasaid na noon angkaban ng bayan dahil sa gastusin sa depensa ng bansa atpagbubuwis sa Ehipto. (2 Hari 23:33-35) Pero may para-an si Jehoiakim para maitayo ang bago niyang palasyo. Pi-nagtrabaho niya ang kaniyang mga kababayan, pero hindiniya sila sinuwelduhan! Inalipin sila ni Jehoiakim; pawis atdugo nila ang pinuhunan niya sa kaniyang kapritso.

3 Sa pamamagitan ni Jeremias, hinatulan ng Diyos si Je-hoiakim sa kaniyang kasakiman.� Ipinaalala ng Diyos sahari na ang ama nitong si Haring Josias ay nagpakita ngpambihirang kabaitan at pagkabukas-palad sa mga mang-gagawa at mahihirap. Tinulungan pa nga ni Josias angmga ito sa kanilang mga usapin sa korte. Matapos idiin niJehova ang kabaitan ni Josias, tinanong niya si Jehoiakim:

� Tungkol sa kalunus-lunos na kamatayan ni Jehoiakim, tingnan angKabanata 4, parapo 12 ng aklat na ito.

1, 2. Bakit hindi makatuwirang magpatayo si Jehoiakim ng palasyo?3. Ano ang pagkakaiba ni Jehoiakim at ng kaniyang ama, at bakit?

KABANATA 12

“HINDI BA IYON ISANG HALIMBAWANG PAGKILALA SA AKIN?”

140

Page 143: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“Hindi ba iyon isang halimbawa ng pagkilala sa akin?”—Basahin ang Jeremias 22:15, 16.

4 Habang lumalala ang kalagayan sa sanlibutan ni Sata-nas, kailangan natin ang tulong at proteksiyong ibinibigayni Jehova sa mga lubos na nakakakilala sa kaniya. Kaya da-pat tayong maging mas malapıt sa Diyos. Dapat ding ma-kita sa atin ang mabubuting katangian niya para magingmabunga ang ating pangangaral ng mabuting balita. Perobaka maitanong mo, ‘Paano kaya makikilala ng isang Kris-tiyano si Jehova gaya ng pagkakilala ni Haring Josias?’

KUNG ANO ANG KAHULUGANNG PAGKILALA KAY JEHOVA

5 Pansinin kung paano nakaiimpluwensiya ang isangmabuting ama sa kaniyang mga anak. Halimbawa, kapagnakikita nila siyang nagbibigay sa mga nangangailangan,malamang na gusto rin nilang maging bukas-palad. Kapagnakikita nila ang pagmamahal at pagrespeto ng kanilangama sa kanilang ina, natututo rin silang rumespeto sa di-kasekso. Alam nilang tapat at hindi nandadaya ang kani-lang ama pagdating sa pera, kaya gayon din sila. Oo, ha-bang nakikita nila ang ugali at mga katangian ng kanilangama, nauudyukan ang mga anak na tularan ang ginagawang kanilang ama.

6 Kaya ang isang Kristiyano na nakakakilala kay Jeho-va gaya ni Josias ay hindi lamang basta kumikilala saKaniya bilang Soberano ng Sansinukob. Dahil sa pagbaba-sa niya ng Bibliya, nakikita ng isang Kristiyano kung pa-ano makitungo ang Diyos sa iba, kaya gusto niyang tula-ran ang kaniyang makalangit na Ama. Sa araw-araw, lalongtumitindi ang pag-ibig niya kay Jehova habang ginagawa

4. Bakit mahalagang makilala mo si Jehova?5, 6. (a) Paano naiimpluwensiyahan ng isang mabuting ama ang ka-niyang mga anak? (b) Di-tulad ni Jehoiakim, ano ang dapat na magingepekto sa atin ng pagkaalam sa mga daan ni Jehova?

“Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilala sa Akin?” 141

Page 144: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

niya ang gusto ng Diyos at iniiwasan ang ayaw Niya. Sa ka-baligtaran, ang isa na nagbibingi-bingihan sa mga kautu-san at paalaala ng tunay na Diyos ay tumatanggi sa Kani-yang patnubay at hindi nakakakilala sa Kaniya. Kagaya siyani Jehoiakim; inihagis nito sa apoy ang balumbon na nag-lalaman ng mensahe ni Jehova.—Basahin ang Jeremias 36:21-24.

7 Ang tagumpay ng ating sagradong paglilingkod at angating kinabukasan sa bagong sanlibutan ay nakasalalay salubusang pagkakilala kay Jehova. (Jer. 9:24) Tingnan natinang ilan sa mga katangian ng Diyos na makikita sa mga isi-nulat ni Jeremias, at umisip ka ng mga paraan kung paanomo makikilala at matutularan ang Diyos gaya ng ginawa niHaring Josias.

7. Bakit mo nanaising makilala si Jehova gaya ng ginawa ni Haring Jo-sias?

“HANGGANG SA PANAHONG WALANG TAKDAANG KANIYANG MAIBIGING-KABAITAN!”

8 Ang katangian ng Diyos na maibiging-kabaitan, omatapat na pag-ibig, ay walang katumbas na eksaktongsalita sa maraming wika. Ayon sa isang diksyunaryo saBibliya, ang salitang ito sa wikang Hebreo ay katumbasng tatlong pinagsama-samang katangian—katatagan, ka-tapatan, at pag-ibig. Idinagdag pa nito: “Anumang katu-turan para sa salitang ito na hindi sumasaklaw sa tatlongkatangiang ito ay hindi nagbibigay ng buong kahulugannito.” Kaya ang nagpapakita ng maibiging-kabaitan ayhindi lang basta mabait. Dahil sa pagmamalasakit, gina-

8. Ano ang maibiging-kabaitan?

Bakit natin masasabing kilalang-kilala ni Josias si Jehova?Paano natin makikilala si Jehova gaya ng ginawa ni Josias?

142 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 145: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

gawa niya ang buong makakaya niya para maibigay angpangangailangan ng iba, lalo na pagdating sa espiritu-wal. Hindi siya naghihintay ng kapalit; ginagawa niya itoupang mapaluguran ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.

9 Para talagang maunawaan ang buong kahulugan ngsalitang “maibiging-kabaitan” sa Bibliya, kailangan natingpag-aralan ang pakikitungo ng Diyos sa kaniyang mga tu-nay na mananamba mula pa noon. Pinrotektahan at pi-nakain ni Jehova ang mga Israelita sa ilang sa loob ng 40taon. Sa Lupang Pangako, naglaan ang Diyos ng mga hu-kom para iligtas sila mula sa mga kaaway at isauli sila sa tu-nay na pagsamba. Sa hirap at ginhawa, hindi sila iniwanni Jehova sa loob ng daan-daang taon, kaya naman masa-sabi niya sa kanila: “Inibig [kita] ng pag-ibig na hanggang

9. Ano ang ipinapakita ng pakikitungo ni Jehova sa mga Israelita?

Sina Josias at Jehoiakim—magkaiba ang pagtugon sa mga salita ng Diyos

Page 146: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sa panahong walang takda. Kaya naman inilapit kita taglayang maibiging-kabaitan.”—Jer. 31:3.�

10 Hanggang ngayon, tuwirang nakikinabang ang mgatunay na mananamba sa maibiging-kabaitan ng Diyos.Isang halimbawa ang panalangin. Pinakikinggan ni Jehovaang lahat ng taimtim na panalangin, pero binibigyan niyang pantanging pansin ang panalangin ng kaniyang mganakaalay na lingkod. Kahit na kaytagal na nating ipinapa-nalangin ang iyon at iyon ding problema, hindi siya nauu-busan ng pasensiya sa atin; ni nagsasawa man siyang maki-nig. Minsan, nagpadala si Jehova ng mensahe kay Jeremiaspara sa isang grupo ng mga Judiong bihag sa Babilonya.Mga 800 kilometro ang layo nila sa templo, hiwalay sa pa-

� Ganito ang salin sa Magandang Balita Biblia: “Sa simula pa’y inibigko na sila at patuloy kong ipinagmamalasakit.”

10. Gaya ng makikita sa karanasan ng mga Judio sa Babilonya, bakitisang maibiging-kabaitan ni Jehova ang pakikinig niya sa mga pana-langin?

144

Page 147: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

milya at mga kaibigan sa Juda. Pero kahit malayo sila, pina-kinggan ni Jehova ang kanilang pagsusumamo at pagpuri.Isipin ang kaaliwang nadama ng mga Judio nang marinignila ang mga salita ng Diyos, gaya ng nakaulat sa Jeremias29:10-12. (Basahin.) Makapagtitiwala kang pakikinggan dinng Diyos ang iyong taimtim na mga panalangin.

11 Makikita rin natin ang maibiging-kabaitan ni Jehovasa pagiging positibo niya. Noong malapit nang bumagsakang Jerusalem, tuloy pa rin sa paghihimagsik ang mga ma-mamayan nito. Sa katunayan, paghihimagsik iyon sa Diyos.Ano ang naghihintay sa kanila? Alinman sa mamatay silasa gutom o sa tabak ng mga Babilonyo. Pinakamagaan nakung maging tapon sila nang maraming taon at saka ma-matay sa banyagang lupain. Pero may “mabuting salita” siJehova para sa mga nagsisi at nagbagong-buhay. Nangakosiya na ‘ibabaling niya ang kaniyang pansin’ sa kanila. Iba-balik niya sila sa “dakong ito,” sa kanilang lupain, mula samalayong Babilonya. (Jer. 27:22) Magbubunyi sila na sina-sabi: “Pumuri kayo kay Jehova ng mga hukbo, sapagkat siJehova ay mabuti; sapagkat hanggang sa panahong walangtakda ang kaniyang maibiging-kabaitan!”—Jer. 33:10, 11.

12 Dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan, si Jehova ayBukal ng pampatibay para sa mga indibiduwal na ang aka-la’y wala na silang pag-asa. May ilan na nilapatan ng maka-tuwirang disiplina at hindi na miyembro ngayon ng kon-gregasyong Kristiyano. Baka nahihiya na silang bumaliksa organisasyon dahil sa matinding panunumbat ng bud-hi. Baka iniisip nilang hindi na sila mapapatawad atmatatanggap ni Jehova. Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay may “mabuting salita” para sa kanila. Maaari si-lang tumanggap ng maibiging tulong para makagawa silang kinakailangang pagbabago. At ang mga nabasa natin sa

11, 12. (a) Ano ang pangako ni Jehova sa mamamayan ng Jerusalem?(b) Anong tulong ang maaasahan ng isa na kinailangang disiplinahin?

“Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilala sa Akin?” 145

Page 148: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sinundang parapo ay kapit din sa kanila—sila ay ‘isasauli niJehova sa kanilang dako,’ sa kaniyang maligayang bayan.—Jer. 31:18-20.

13 Bilang Diyos ng maibiging-kabaitan, tapat si Jehova samga tapat sa kaniya. Sa mga huling araw ng sanlibutan ni Sa-tanas, makaaasa tayo sa tulong at proteksiyon ni Jehova parasa lahat ng umuuna sa kaniyang Kaharian. Tandaan na no-ong mga huling araw ng Jerusalem, kay Jehova umasa si Jere-mias ng pagkain at proteksiyon. Hindi kailanman pinabaya-an ng Diyos ang propeta. (Jer.15:15; basahin ang Panaghoy 3:55-57.) Kapag waring pinagsakluban ka ng langit at lupa, tan-daan na hindi nalilimutan ni Jehova ang katapatan mo sa ka-niya. Dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan, gusto niyang tu-lungan ka para ‘hindi ka malipol.’—Panag. 3:22.

13. Bakit makapagpapatibay sa iyo ang pag-alalay ni Jehova kay Jere-mias?

Anong aspekto ng maibiging-kabaitan ni Jehova anggustung-gusto mo? Bakit mo nasabi?

146 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 149: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“BUH´

AY SI JEHOVA . . . SA KATARUNGAN!”14 May mga taong nabubulok sa bilangguan dahil sa kri-

men na hindi nila ginawa. May mga kaso pa nga na naha-tulan ng kamatayan ang isa, at kung kailan nabitay, sakalamang lumutang ang ebidensiya na wala pala siyang ka-salanan. May mga magulang sa ilang bansa na nasisikmu-rang ibenta ang kanilang anak para lang may makain angpamilya. Ano ang nadarama mo kapag nababalitaan moang ganitong kawalang-katarungan? Ano sa tingin mo angnadarama ni Jehova? Malinaw na sinasabi ng Bibliya nagusto ng Diyos na alisin ang lahat ng sanhi ng pagdurusa.Siya lamang ang makakagawa nito. Kaya hindi dapat ma-walan ng pag-asa ang mga dukha at walang-sala. Si Jehova,ang Diyos ng katarungan, ay gumagawa ng mga hakbangpara hanguin sila sa kanilang pagdurusa.—Jer. 23:5, 6.

15 Hindi lingid sa ilang Israelita noon ang walang-kapan-tay na katarungan ng Diyos. Sa katunayan, sinabi niJeremias na kung sakaling magsisisi ang mga ito at magba-bago, tiyak na sasabihin nila: “Buhay si Jehova sa katoto-hanan, sa katarungan at sa katuwiran!” (Jer. 4:1, 2) Totooiyon dahil walang dako sa layunin ni Jehova ang kawalang-katarungan. Pero may iba pang katibayan na si Jehova aymaibigin sa katarungan.

16 Si Jehova ay may isang salita at hindi mapagpaimba-baw. Tinutupad niya ang kaniyang mga pangako, di-gayang mga tao na kapag nangako ay napapako. Ang mga batasng kalikasan na itinatag niya ay hindi matitinag at para saating kapakanan. (Jer. 31:35, 36) Mapananaligan din angkaniyang mga pangako at hudisyal na pasiya, dahil iyon aylaging mabuti.—Basahin ang Panaghoy 3:37, 38.

14. Anong kawalang-katarungan ang nakikita mo ngayon?15, 16. (a) Anong katotohanan tungkol kay Jehova ang idiniin niJeremias? (b) Bakit ka makapagtitiwala sa mga batas at pangako ni Je-hova?

“Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilala sa Akin?” 147

Page 150: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

17 Kapag humahatol, hindi mababaw ang basehan ni Je-hova. Inaalam niya ang lahat ng detalye, pati ang moti-bo ng mga nasasangkot. Para makita ng mga doktor nga-yon ang kondisyon ng puso ng isang pasyente, gumagamitsila ng makabagong mga aparato at teknik. Nasusuri dinnila ang bato na sumasala sa dugo. Pero higit pa riyan angkayang gawin ni Jehova. Sinusuri niya ang makasagisag napuso at inaalam ang motibo ng isang tao, gayundin angmakasagisag na bato para makita ang tunay na damdaminng isa. Kaya talagang natutukoy ni Jehova kung bakit naga-wa ng isang indibiduwal ang isang bagay at kung ano angnadarama nito sa nagawa niya. At ang Makapangyarihan-

17. (a) Ano ang ginagawa ni Jehova bago humatol? (b) Bakit kamakapagtitiwala sa paghawak ng mga elder sa mga problema sa kon-gregasyon? (Tingnan ang kahong “Humahatol Sila Para kay Jehova.”)

148 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Sinasanay ni Jehova ang mga elder sa kaniyang para-an ng paghatol sa pamamagitan ng kaniyang nasusulatna Salita at ng kongregasyong Kristiyano. Inatasan niyasilang maging kinatawan niya sa pag-aasikaso ng mgaproblema sa kongregasyon. Hindi sila sakdal, at hindi silanakakabasa ng puso, gaya ng nagagawa ni Jehova. Perogusto nilang tularan ang halimbawa ng Diyos na Ma-kapangyarihan-sa-lahat sa pakikitungo sa kaniyang mgamananamba. Humihingi sila ng patnubay sa Diyos at si-nisikap nilang gamitin ang naangkop na mga simulain saBibliya, para ‘makahatol taglay ang katuwiran,’ gaya niJehova. (Jer. 11:20) Kaya makapagtitiwala ka sa mga el-der, “sapagkat patuloy silang nagbabantay sa inyongmga kaluluwa na gaya niyaong mga magsusulit.”—Heb.13:17.

HUMAHATOL SILA PARA KAY JEHOVA

Page 151: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sa-lahat ay hindi nalilito kahit napakarami pa niyang naki-kitang detalye. Di-hamak na mas mahusay si Jehova kaysasa pinakamatalinong hukom na tao dahil ginagamit Niyasa tama at timbang na paraan ang lahat ng detalyeng naki-kita Niya, bilang basehan ng ihahatol niya sa atin.—Basa-hin ang Jeremias 12:1a; 20:12.

18 Kaya may matibay kang dahilan para magtiwala kayJehova, kahit pa kung minsa’y sinusumbatan ka ng bud-hi mo dahil sa dating mong mga kasalanan. Tandaan na siJehova ay hindi isang tagausig na idinidiin ang nasasakdalpara maparusahan ito. Isa siyang mahabaging Hukom nagustong tumulong. Kung may dalahin ka pa rin sa dibdibdahil may nagawa kang mali o may problema ka sa isangindibiduwal, hilingin mo kay Jehova na tulungan ka saiyong “mga pakikipaglaban,” o bigat ng kalooban, para ma-lampasan mo na iyon.� Sa tulong ni Jehova, makikita mokung gaano niya pinahahalagahan ang patuloy na pagli-lingkod mo sa kaniya.—Basahin ang Panaghoy 3:58, 59.

19 Gusto ni Jehova, ang Diyos ng sakdal na katarungan,na maging makatarungan din ang mga nagnanais ng pag-sang-ayon niya, at makatuwiran naman iyon. (Jer. 7:5-7;22:3) Mahalaga ang pangangaral nang walang pagtatangipara matularan natin ang katarungan ng Diyos. Kapag si-neseryoso mo ang pagdalaw-muli at pagba-Bible study, na-kikita sa iyo ang mataas na pamantayan ng Diyos sakatarungan, at nagiging kapaki-pakinabang ito. Bakit? Da-hil gusto ng Diyos na makilala siya ng lahat ng uri ngtao at maligtas ang mga ito. (Panag. 3:25, 26) Isang pribi-lehiyo nga na maging kamanggagawa ng Diyos sa

� Kung ang isang kapatid ay may nagawang labag sa batas ng Diyos,dapat itong ipagtapat sa mga elder sa kongregasyon para makagawa silang angkop na hakbang at makapagbigay ng maka-Kasulatang tulong.—Sant. 5:13-15.

18, 19. Paano maaaring makaapekto sa atin ang pagkaunawa sa kata-rungan ng Diyos?

“Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilala sa Akin?” 149

Page 152: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

nagliligtas-buhay na gawaing iyan, na isang kapahayaganng kaniyang katarungan!

“HINDI AKO MANANATILING MAY HINANAKITHANGGANG SA PANAHONG WALANG TAKDA”

20 Para sa marami, ang Jeremias at Mga Panaghoy ay pa-nay pagtuligsa sa kasamaan. Nababale-wala nila ang pag-aalok ni Jehova ng kapatawaran sa kaniyang bayan na ma-babasa sa mga aklat na ito. Hinimok ni Jehova ang mgaJudio: “Tumalikod kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kani-yang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mgalakad at ang inyong mga pakikitungo.” Nagpayo rin si Jere-mias: “Pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang in-yong mga pakikitungo, at sundin ninyo ang tinig ni Jehovana inyong Diyos, at ikalulungkot ni Jehova ang kapahama-kan na sinalita niya laban sa inyo.” (Jer. 18:11; 26:13) Pi-napatawad pa rin ni Jehova ngayon ang lahat ng tunay nanagsisisi at tumatalikod sa kanilang kasalanan.

21 Pero hindi lang sa salita ang pagpapatawad ni Je-hova. Talagang ginagawa niya ito. Inutusan niya siJeremias na sabihin: “Manumbalik ka, O suwail na Israel. . . Hindi ko na ititingin sa inyo ang aking muk-ha nang may galit . . . Hindi ako mananatiling may hi-nanakit hanggang sa panahong walang takda.” (Jer. 3:12)Ang Diyos ay hindi nagtatanim ng galit o nagkikimkim

20. (a) Ano ang itinampok ni Jeremias tungkol sa pakikitungo ngDiyos sa kaniyang bayan? (b) Sa anong diwa ‘nalulungkot’ si Jehovakapag nagpapatawad siya? (Tingnan ang kahong “Sa Anong Diwa ‘Na-lulungkot’ si Jehova?”)

21. Ano ang hangad ni Jehova kapag nagpapatawad siya?

Paano ka napapaginhawa ng katarungan ni Jehova? Paanomo mapapaginhawa ang iba sa pamamagitan ng pagtuladsa katarungan ng Diyos?

150 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 153: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilala sa Akin?” 151

Makikita ang kadakilaan ng pagiging mapagpata-wad ng Diyos sa pakikitungo niya sa mga nagkasalapero pagkaraa’y nagsisi. Kapag nakita niya na nagba-gong-buhay sila at sumunod sa kaniya, ‘nalulungkot’siya. (Jer. 18:8; 26:3) Sa anong diwa?

Sakdal ang Diyos at hindi siya kailanman nagkakama-li sa paghatol, kaya hindi ito tulad ng pagkalungkot ngisang tao na nagkamali sa paghatol. Sa halip, nalulung-kot si Jehova sa diwa na binabago niya ang kaniyangpakikitungo sa nagkasala dahil sa nakita niyang pagsisi-si nito.

Hindi ito basta pagbawi ng sentensiya. Naaantig siJehova kapag nagsisisi ang isang makasalanan. Ayon sailang iskolar, ang pinagmulan ng pandiwang Hebreona isinaling “ikalulungkot” sa mga nabanggit na tekstoay ipinapalagay na tumutukoy sa ideya ng “paghinganang malalim,” o paghinga nang maluwag. Maaaringipinapahiwatig nito na kapag nakita ni Jehova na ta-lagang nagsisisi ang isang tao, nakakahinga siya nangmaluwag, wika nga. Ipapadama ng Diyos sa nagsisi-sing indibiduwal ang pagmamahal at atensiyong ipina-pakita Niya sa Kaniyang mga kinalulugdan. Maaaringpagdaanan pa rin ng nagkasala ang resulta ng mga gi-nawa niya, pero nalulugod ang Diyos sa pagsisisi niya.Pinagagaan ng Diyos “ang kapahamakan,” o disiplina,na dapat sana’y ilalapat sa kaniya. (Jer. 26:13) Sinonghukom na tao ang makakakita ng tunay na pagsisisi saganitong paraan? Nalulugod ang Diyos na Jehova nagawin ito.—Jer. 9:24.

SA ANONG DIWA‘NALULUNGKOT’ SI JEHOVA?

Page 154: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ng sama ng loob sa sinu-mang pinatawad na niya.Magkasala man ang isa,gusto ni Jehova na manum-balik siya. Anuman ang ka-salanan niya, kung talagangnagsisisi siya at humihinging tawad sa Diyos, ‘ibabaliksiya’ ni Jehova sa Kaniyanglingap at pagpapala. (Jer.15:19) Sinumang napawa-lay ay dapat mapakilos ngkatiyakang ito na manum-balik sa tunay na Diyos.Hindi ba’t mas mapapalapıtka kay Jehova sa pagigingmapagpatawad niya?—Ba-sahin ang Panaghoy 5:21.

22 Kapag nasaktan ka ngiba dahil sa di-pinag-isipang salita o paggawi, tutularan moba si Jehova? Sinabi ni Jehova sa mga Judio noon na “da-dalisayin” niya yaong mga pinatawad niya. (Basahin angJeremias 33:8.) Magagawa niyang dalisayin, o linisin, angisa na nagsisisi, sa diwa na ibabaon na niya sa limot angpagkakasala nito at bibigyan ito ng bagong simula sa pagli-lingkod. Hindi naman ibig sabihin na kapag pinatawad nang Diyos ang isa ay nagiging sakdal na siya. Pero may ma-tututuhan tayo sa sinabi ng Diyos tungkol sa pagdadalisaysa mga tao. Kung pagsisikapan, magagawa nating kalimu-tan ang kamalian, o kasalanan, ng iba. Sa paggawa nito, di-nadalisay natin, wika nga, ang iniisip at nadarama natin sataong iyon. Paano?

22, 23. Sa pagtulad sa pagiging mapagpatawad ni Jehova, ano ang da-pat mong maging tunguhin?

Page 155: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

23 Ipagpalagay nang pinamanahan ka ng alahas. Kapagnawala ang kinang nito, basta mo na lang ba ito itatapon?Siguro hindi. Baka linisin mo itong mabuti para maalis anganumang duming kumapit dito at maibalik ang dating ki-nang at ganda nito. Sa katulad na paraan, maaari mongpagsikapang alisin ang anumang pagkainis o sama ng loobsa isang kapatid na nakasakit sa iyo. Kalimutan mo na angmasasakit na sinabi o ginawa niya. Habang sinisikap monggawin ito, nadadalisay mo ang iyong pangmalas at damda-min sa isa na pinatawad mo na. At sa sandaling maalis moang anumang negatibong saloobin mo sa kaniya, mabu-buksan mo na ang iyong puso para tanggapin siyang muliat maibalik ang dati ninyong pagkakaibigan.

24 Ilan lamang sa mga katangian at pakikitungo ni Jeho-va ang nasuri natin. Mas tumitindi ang pagnanais natingsambahin si Jehova sa tamang paraan habang lalo natinsiyang nakikilala. Kung lubos nating makikilala si Jehovagaya ng ginawa ni Haring Josias, lalo tayong magiging ma-ligaya—na isa ring katangian ng Diyos.

25 Ang mas malalim na pagkakilala kay Jehova ay tutu-long sa atin na mapabuti pa ang ating kaugnayan sa iba.Habang sinisikap nating tularan ang maibiging-kabaitan,katarungan, at pagpapatawad ni Jehova, magiging masmalapıt at matibay ang pakikipagkaibigan natin sa mga ka-patid. At magiging mas epektibo tayo sa pagtuturo sa atingmga dinadalaw-muli at bina-Bible study. Mas mapapakilossila na iayon ang kanilang buhay sa pamantayang Kristiya-no na nakikita nila sa atin. Kaya mas matutulungan natinsilang sambahin si Jehova sa tamang paraan at tahakin ang“mabuting daan.”—Jer. 6:16.

24, 25. Anong mga kapakinabangan ang makukuha mo kung kikila-lanin mo si Jehova gaya ng ginawa ni Haring Josias?

Anong mensahe ang itinatawid sa iyo ng Panaghoy 5:21?

“Hindi ba Iyon Isang Halimbawa ng Pagkilala sa Akin?” 153

Page 156: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

BAGSAK na ang Jerusalem. Sinunog ito ng mga Babilonyo,at makapal pa rin ang usok. Sariwa pa sa isip ni Jeremiasang nakakakilabot na hiyaw ng mga pinapatay. Sinabi sakaniya ng Diyos kung ano ang mangyayari, at iyon ngaang eksaktong nangyari. “Ginawa ni Jehova kung ano angnasa kaniyang isip,” ang buntunghininga ng propeta. Na-pakalagim ng sinapit ng Jerusalem!—Basahin ang Panag-hoy 2:17.

2 Oo, nakita ni Jeremias ang katuparan ng maraminghulang inihayag sa bayan ng Diyos, pati na ang mga si-naunang hula. Daan-daang taon bago nito, sinabi ni Moi-

1. Nang mawasak ang Jerusalem, ano ang sinabi ni Jeremias tungkolsa mga hula ni Jehova?2. Anong hula na inihayag daan-daang taon na ang nakita ni Jeremiasna natupad?

KABANATA 13

“GINAWA NI JEHOVA KUNG ANOANG NASA KANIYANG ISIP”

Page 157: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ses sa Israel ang kahihinatnan ng pagsunod o pagsuwaysa Diyos—alinman sa “pagpapala” o “sumpa.” Gusto ni Je-hova ang pinakamabuti para sa kaniyang bayan, ang pag-papala. Pero matinding sumpa ang daranasin nila kapagsumuway sila. Nagbabala si Moises—at inulit ito ni Jere-mias—na aabot sa punto na ‘kakainin’ ng mga hindi naki-kinig at sumusuway kay Jehova ang “laman ng kanilangmga anak na lalaki at ang laman ng kanilang mga anakna babae.” (Deut. 30:19, 20; Jer. 19:9; Lev. 26:29) Bakamay magtanong, ‘Grabe, nangyari nga kaya talaga iyon?’Aba, noong kinukubkob ang Jerusalem at wala nang ma-kain ang mga tao, talagang nangyari iyon! “Pinakuluanng mismong mga kamay ng mga babaing mahabagin angkanilang sariling mga anak,” ang sabi ni Jeremias. “Sa isaay naging gaya sila ng tinapay ng kaaliwan sa panahon ngpagkasira ng anak na babae ng aking bayan.” (Panag. 4:10)Napakasaklap nga!

3 Sabihin pa, hindi naman para maghayag lang ng kapa-hamakan kaya nagsusugo si Jehova ng mga propeta. Gus-to ng Diyos na manumbalik ang katapatan sa kaniya ngbayan. Gusto niyang magsisi ang mga makasalanan. Sina-bi ni Ezra: “Si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno aypatuloy na nagsugo laban sa kanila sa pamamagitan ng ka-niyang mga mensahero, na nagsusugo nang paulit-ulit, sa-pagkat siya ay nahabag sa kaniyang bayan at sa kaniyangtahanan.”—2 Cro. 36:15; basahin ang Jeremias 26:3, 12, 13.

4 Tulad ni Jehova, nahabag si Jeremias sa mga kababa-yan niya. Makikita mo iyan sa sinabi niya bago bumag-sak ang Jerusalem. Masyado siyang nabalisa sa nakatak-dang kapahamakan. Maiiwasan sana iyon kung nakiniglang ang bayan at sumunod sa mensahe ni Jeremias! Isip-isipin ang nadama ni Jeremias habang inihahatid niya ang

3. Bakit nagsusugo si Jehova ng mga propeta sa kaniyang bayan?4. Ano ang nadama ni Jeremias sa mensaheng inihatid niya?

“Ginawa ni Jehova Kung Ano ang Nasa Kaniyang Isip” 155

Page 158: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mensahe ng Diyos. Sinabi niya: “O ang bituka ko, ang bi-tuka ko! Ako ay dumaranas ng matitinding kirot sa mgadingding ng aking puso. Ang aking puso ay kumakabog saloob ko. Hindi ako matahimik, sapagkat tunog ng tambu-li ang narinig ng aking kaluluwa, ang babalang hudyat ngdigmaan.” (Jer. 4:19) Talagang hindi niya kayang manahi-mik lang tungkol sa paparating na kapahamakan.

SIGURADO BA SIYA?5 Bakit sigurado si Jeremias na mangyayari ang mga ini-

hula niya? (Jer. 1:17; 7:30; 9:22) Buo ang pananampalata-ya niya, napag-aralan niya ang Kasulatan, at alam niyangsi Jehova ay Diyos na tumutupad ng hula. Pinatutunayanng kasaysayan na kayang ihula ni Jehova ang mga pangya-yaring parang imposible sa tingin ng tao, gaya ng pagla-ya ng Israel mula sa Ehipto. Pamilyar si Jeremias sa ulat naito at sa salaysay ni Josue na nakasaksi nito. Ipinaalaala niJosue sa mga Israelita: “Nalalaman ninyong lubos ng in-yong buong puso at ng inyong buong kaluluwa na walangisa mang salita sa lahat ng mabubuting salita na sinalita sainyo ni Jehova na inyong Diyos ang nabigo. Ang mga iyonay nagkatotoong lahat para sa inyo. Walang isa mang sali-ta sa mga iyon ang nabigo.”—Jos. 23:14.

6 Bakit dapat kang patuloy na magbigay-pansin sa mgahula ni Jeremias? Una, nagtiwala si Jeremias na talagangmatutupad ang mga salita ni Jehova. Ikalawa, ang ilan samga hula ng Diyos sa pamamagitan ni Jeremias ay natu-tupad ngayon, at makikita mo pa ang katuparan ng ibanghula. Ikatlo, namumukod-tanging lingkod ng Diyos si Je-remias dahil sa dami ng kapahayagan na ipinahatid sa ka-niya ng Diyos at sa sigasig niya sa paghahayag nito. Sabi

5. Bakit sigurado si Jeremias sa mensaheng ipinangangaral niya?6, 7. (a) Bakit ka dapat maging interesado sa mga hulang inihayag niJeremias? (b) Ano ang makakatulong sa iyo na maging kumbinsido samensaheng ipinangangaral mo?

156 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 159: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

nga ng isang iskolar: “Sa lahat ng propeta, angat si Jere-mias.” Pagdating sa kasaysayan ng bayan ng Diyos, tala-gang tumatak sa isip ng mga tao si Jeremias. Napagkama-lan nga ng ilan si Jesus bilang si Jeremias.—Mat. 16:13, 14.

7 Gaya ni Jeremias, nabubuhay tayo sa panahong natu-tupad ang mahahalagang hula sa Bibliya. At kailangan moring mapanatili ang iyong pananalig sa mga pangako ngDiyos. (2 Ped. 3:9-14) Paano mo ito magagawa? Patuloymong patibayin ang iyong pagtitiwala na talagang matu-tupad ang lahat ng hula sa Bibliya. Kaya repasuhin natinang ilan sa mga hulang inihatid ni Jeremias at nakita ni-yang natupad. Gayundin ang ilan na natupad nang mag-laon. Talakayin din natin ang mga hulang may kaugnayansa iyo ngayon at sa iyong kinabukasan. Nawa ang pagrepa-song ito ay lalong magpatibay ng iyong pagtitiwala sa mgahula ni Jehova at maging higit kang kumbinsido na ‘gaga-win niya kung ano ang nasa kaniyang isip.’—Panag. 2:17.

MGA HULA NI JEREMIASNA NAKITA NIYANG NATUPAD

8 Marami ang sumusubok na hulaan ang kinabukasan—mga ekonomista, pulitiko, espiritista, at mga tagataya nglagay ng panahon. Mahirap gumawa ng eksaktong predik-siyon kahit sa simpleng mga pangyayari sa susunod namga araw o linggo, hindi ba? Pero diyan lam

´ang ang Bi-

bliya—talagang natutupad ang mga hula nito. (Isa. 41:26;42:9) Lahat ng hula ni Jeremias, tungkol man ito sa mala-pit o sa malayong hinaharap, ay tumpak. Marami sa mga

8, 9. Ano ang isang dahilan kung bakit natatanging aklat ang Bibliya?

Bakit nagsugo si Jehova ng mga propeta? Bakitka nagtitiwala sa mga hula tungkol sa daratingna kapahamakan?

“Ginawa ni Jehova Kung Ano ang Nasa Kaniyang Isip” 157

Page 160: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ito ay may kinalaman sa mga indibiduwal at mga bansa.Tingnan natin ang ilan sa mga hulang natupad noong pa-nahon ni Jeremias.

9 Sino ang makapagsasabi ng magiging sitwasyon sa da-igdig isa o dalawang taon mula ngayon? Halimbawa,sinong analista ang eksaktong makapagsasabi kung mag-kakaroon ba ng pagbabago sa liderato sa daigdig? Gayun-man, inihula ni Jeremias, sa tulong ng espiritu ng Diyos,na mamamayagpag ang Babilonya. Sinabi niyang ang Ba-bilonya ang “ginintuang kopa” na naglalaman ng galit niJehova, na ibubuhos sa Juda at mga kalapit na lunsod atbayan. Aalipinin sila ng Babilonya. (Jer. 51:7) Ito mismoang nasaksihan ni Jeremias at ng mga kababayan niya.—Ihambing ang Jeremias 25:15-29; 27:3-6; 46:13.

10 Inihula din ni Jehova sa pamamagitan ni Jeremiaskung ano ang mangyayari sa apat na hari ng Juda. Tungkolsa anak ni Haring Josias na si Jehoahaz, o Salum, inihulang Diyos na siya ay magiging tapon at hindi na makakaba-lik pa sa Juda. (Jer. 22:11, 12) Nangyari iyon. (2 Hari 23:31-34) Inihula ng Diyos na ang kapalit ni Jehoahaz na si Je-hoiakim ay ililibing gaya ng “paglilibing sa asnong lalaki.”(Jer. 22:18, 19; 36:30) Hindi sinasabi ng Bibliya kung paa-no siya namatay o kung ano ang ginawa sa bangkay niya,pero sinasabi nito na ang anak niyang si Jehoiakin ang hu-malili sa kaniya noong panahon ng pagkubkob. Inihuladin ni Jeremias na si Jehoiakin (kilala ring Conias at Jeco-nias) ay magiging tapon sa Babilonya at doon mamama-tay. (Jer. 22:24-27; 24:1) Natupad iyon. Ano naman angnangyari sa huling haring si Zedekias? Inihula ni Jeremiasna ibibigay si Zedekias sa kamay ng mga kaaway, at hin-di kahahabagan. (Jer. 21:1-10) Ano ang nangyari? Nadakipsiya ng mga kaaway. Pinatay sa harap niya ang kaniyangmga anak, binulag siya, at dinala sa Babilonya, kung saan

10. Ano ang inihula ni Jehova tungkol sa apat na hari ng Juda?

158 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 161: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

siya namatay. (Jer. 52:8-11) Oo, lahat ng hulang ito ay nag-katotoo.

11 Mababasa natin sa Jeremias kabanata 28 na noong siZedekias ang hari, kinontra ng bulaang propetang si Ha-nanias ang kapahayagan ni Jehova, na lulupigin ng Babi-lonya ang Jerusalem. Sinabi ni Hananias na mababaliang pamatok ng pang-aalipin ni Nabucodonosor sa Judaat sa iba pang bansa. Pero inutusan ng Diyos si Jeremiasna ibunyag ang kasinungalingan ni Hananias. Inulit ni Je-remias ang hulang aalipinin ng Babilonya ang maramingbansa. Sinabi rin niyang mamamatay ang bulaang prope-ta sa taon ding iyon. At gayon nga ang nangyari.—Basahinang Jeremias 28:10-17.

12 Gayunman, ang hula ni Jeremias ay nakasentro sapagbagsak ng Jerusalem. Paulit-ulit na nagbabala si Jere-mias na babagsak ang lunsod kung hindi tatalikuran ngmga Judio ang idolatriya, kawalang-katarungan, at kara-hasan. (Jer. 4:1; 16:18; 19:3-5, 15) Akala ng marami, hindiiyon magagawa ni Jehova. Nasa Jerusalem ang templo ngDiyos. Papayag ba siyang mawasak ang banal na dakongito? Sa tingin nila, imposibleng mangyari iyon. Pero alammong hindi nagsisinungaling si Jehova. Ginawa niya angnasa isip niya.—Jer. 52:12-14.

13 Ang sitwasyon ng bayan ng Diyos ngayon ay katuladng kalagayan ng mga tapat kay Jehova noong panahon niJeremias. Alam nating malapit nang puksain ng Diyos anglahat ng ayaw makinig sa kaniyang babala. Pero makakaa-sa tayo sa kaniyang mga pangako, gaya ng mga Judio noonna nananatiling tapat sa Diyos. Dahil sa pagkamasunurin

11. Sino si Hananias? Ano ang inihula ni Jehova tungkol sa kaniya?12. Ano ang reaksiyon ng marami sa pangunahing mensahe ni Jere-mias?13. (a) Ano ang pagkakatulad ng panahon natin ngayon sa panahonni Jeremias? (b) Bakit ka dapat maging interesado sa mga ipinangakong Diyos sa ilang indibiduwal noong panahon ni Jeremias?

“Ginawa ni Jehova Kung Ano ang Nasa Kaniyang Isip” 159

Page 162: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ng mga Recabita kay Jehova at sa mga utos ng kanilang ni-nuno, sinabi ng Diyos na makaliligtas sila sa pagbagsak ngJerusalem. At nakaligtas nga sila. Isang katibayan nito angpagbanggit kay “Malkias na anak ni Recab” na tumulongsa pagkukumpuni sa Jerusalem noong si Nehemias ang go-bernador. (Neh. 3:14; Jer. 35:18, 19) Tiniyak ni Jehova kayEbed-melec na makaliligtas din siya dahil sa pagtitiwalaniya sa Diyos at pagtulong kay Jeremias. (Jer. 38:11-13; 39:15-18) At nangako rin ang Diyos kay Baruc na tatanggapinnito ang kaniyang “kaluluwa bilang samsam.” (Jer. 45:1, 5)Ano ang masasabi mo yamang natupad ang lahat ng hu-lang ito? Sa palagay mo, paano ka kaya pakikitunguhan niJehova kung tapat ka?—Basahin ang 2 Pedro 2:9.

Paano nakaapekto kay Ebed-melec, Baruc, at sa mgaRecabita ang pagtupad ng Diyos sa Kaniyang mga hula?Ano ang epekto nito sa iyo?

Mga magulang: Gamitin ang halimbawa ng mga Recabita,ni Ebed-melec, at ni Baruc para patibayin ang

pananampalataya ng inyong mga anak

160 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 163: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

MGA HULANG NATUPAD NANG MAGLAON14 Inihula ng Diyos na bukod sa Juda, sasakupin din ni

Nabucodonosor ang Ehipto. (Jer. 25:17-19) Parang impo-sibleng mangyari iyon dahil napakalakas ng Ehipto; ha-wak nito ang Juda. (2 Hari 23:29-35) Matapos bumagsakang Jerusalem, binalak ng mga natirang Judio na mangan-long sa Ehipto. Sa kabila ng pangako ni Jehova na pag-papalain niya sila kung mananatili sila sa Juda, gusto parin nilang gawin ang binabalak nila. Pero kung tatakas silatungo sa Ehipto, aabutan pa rin sila doon ng tabak na ki-natatakutan nila. (Jer. 42:10-16; 44:30) Hindi iniulat ni Je-remias kung nasaksihan ba niya ang paglupig ng Babilo-nya sa Ehipto. Pero sigurado tayong natupad ang hula niJehova hinggil sa mga Israelitang tumakas tungo sa Ehiptonang pabagsakin ito ng Babilonya noong ikaanim na sig-lo B.C.E.—Jer. 43:8-13.

15 Inihula rin ni Jeremias ang magiging wakas ng tu-malo sa Ehipto, ang Babilonya. Isang siglo patiuna, de-talyadong inihula ni Jeremias na biglang babagsak ang Ba-bilonya. Paano? Ayon sa propeta, ang tubig na depensanito ay ‘matutuyo,’ at hindi man lang siya maipagta-tanggol ng kaniyang makapangyarihang mga lalaki. (Jer.50:38; 51:30) Natupad nang eksakto ang hulang ito. Inili-his ng mga Medo at Persiano ang Ilog Eufrates. Nilusongnila ito, pinasok ang lunsod, at binulaga ang mga Babilo-nyo. Alam mo rin siguro ang hulang hindi na paninirahanang lunsod ng Babilonya; magiging tiwangwang ito. (Jer.50:39; 51:26) Pinapatunayan ng mga guho ng dating ma-kapangyarihang Babilonya na talagang tumpak ang mgahula ng Diyos.

16 Sa pamamagitan ni Jeremias, sinabi ni Jehova na ang

14. Bakit pambihira ang hula ng Diyos tungkol sa Babilonya?15, 16. Paano natupad ang hula ng Diyos tungkol sa paglaya ng ka-niyang bayan?

“Ginawa ni Jehova Kung Ano ang Nasa Kaniyang Isip” 161

Page 164: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

mga Judio ay magiging alipin ng Babilonya sa loob ng70 taon. Pagkatapos nito, ibabalik ng Diyos ang kaniyangbayan sa kanilang lupain. (Basahin ang Jeremias 25:8-11;29:10.) Sigurado si Daniel na matutupad ang hulang ito,at ginamit niya itong basehan para malaman kung hang-gang kailan mananatiling ‘was

´ak ang Jerusalem.’ (Dan.

9:2) Sinabi naman ni Ezra na “upang maganap ang salitani Jehova mula sa bibig ni Jeremias, . . . pinukaw ni Jeho-va ang espiritu ni Ciro na hari ng Persia,” na nagpabagsaksa Babilonya, para isauli ang mga Judio sa kanilang lupain.(Ezra 1:1-4) Magiging panatag ang mga babalik sa Jerusa-lem at maipagpapatuloy nila roon ang tunay na pagsam-ba, gaya ng inihula ni Jeremias.—Jer. 30:8-10; 31:3, 11, 12;32:37.

17 Nag-ulat din si Jeremias ng mga hulang nagkaroon ngiba pang katuparan nang maglaon. Sinabi niya: “Ito angsinabi ni Jehova, ‘Sa Rama ay naririnig ang isang tinig,pagtaghoy at mapait na pagtangis; si Raquel ay tumatangisdahil sa kaniyang mga anak. Siya ay tumangging maaliwdahil sa kaniyang mga anak, sapagkat sila ay wala na.’”(Jer. 31:15) Lumilitaw na matapos bumagsak ang Jerusa-lem noong 607 B.C.E., ang mga Judiong bihag ay tiniponsa lunsod ng Rama, mga walong kilometro sa hilaga ngJerusalem. Maaaring ang ilan sa mga bihag ay pinatay saRama. Ito marahil ang unang katuparan ng hula, na parabang si Raquel ay tumatangis dahil sa pagkamatay ng ka-niyang “mga anak.” Pagkaraan naman ng mahigit animna siglo, ipinapatay ni Haring Herodes ang mga sanggol saBetlehem. Sinabi ng manunulat ng Ebanghelyo na si Ma-teo na natupad ang hula ni Jeremias tungkol sa magigingpagtangis sa masaker na iyon.—Mat. 2:16-18.

17. Ipaliwanag kung bakit maaaring tumukoy sa dalawang bukod napangyayari ang “pagtangis” sa Rama.

162 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 165: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

18 Isa pang hula ang natupad noong unang siglo C.E. Si-nabi ng Diyos na isa ang Edom sa mga bansang ibabag-sak ng Babilonya. (Jer. 25:15-17, 21; 27:1-7) Pero hindi langiyan ang inihulang sasapitin ng Edom. Matutulad ito saSodoma at Gomorra. Alam mo kung ano ang ibig sabihinnito—hindi na ito paninirahan, hindi na ito iiral. (Jer. 49:7-10,17,18) Iyan nga ang nangyari. Saan mo makikita nga-yon ang mga pangalang Edom at Edomita? Sa mga mapangayon? Wala na. Malamang na makikita mo na lang itosa mga aklat tungkol sa sinaunang kasaysayan at ensayklo-pidiya sa Bibliya o sa mga sinaunang mapa. Iniulat ni Fla-vius Josephus na napilitan ang mga Edomita na tanggapinang Judaismo noong ikalawang siglo B.C.E. Matapos ma-wasak ang Jerusalem noong 70 C.E., hindi na umiral angEdom bilang isang bansa.

19 Gaya ng nakita mo, bawat kabanata ng Jeremias aysiksik sa hula tungkol sa mga indibiduwal at bansa.

18. Paano natupad ang hula ng Diyos tungkol sa Edom?19. Ano ang itinuturo ng aklat ng Jeremias tungkol sa kakayahan ngDiyos na tumupad ng mga hula?

Nasaan na ngayon ang mga Edomita?

Page 166: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Karamihan sa mga hulang ito ay natupad na. Ito pa lang ayisang dahilan na para pag-aralan mo ang aklat ng Jeremiasdahil may pinapatunayan ito sa iyo tungkol sa iyong daki-lang Diyos. Ginawa ni Jehova kung ano ang nasa isip niya,at marami pa siyang gagawin. (Basahin ang Isaias 46:9-11.)Mapapatibay nito ang pagtitiwala mo sa mga hula ng Bi-bliya. Sa katunayan, ang ilan sa mga natupad na hula ni Je-remias ay may kaugnayan sa iyo at sa iyong kinabukasan.Tingnan natin ang ilan sa mga ito.

MGA HULANG MAKAKAAPEKTO SA IYO20 May mga hula sa Bibliya na maaaring hindi lang isa

ang katuparan. Isang halimbawa nito ang sinabi ni Je-sus sa kaniyang mga alagad tungkol sa tanda ng kaniyang“pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay.”(Mat. 24:3) Nagkaroon ito ng katuparan noong 66 hang-gang 70 C.E. Pero malinaw na may katuparan pa ang hu-lang iyan sa panahon ng “malaking kapighatian” na sa-sapit sa masamang sistemang ito. Iyon ay magiging isangkapighatian “gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasi-mula ng sanlibutan hanggang sa ngayon, hindi, ni mang-yayari pang muli.” (Mat. 24:21) Ganiyan din ang ilan samga hula ni Jeremias. Ang ilan dito ay unang natupad no-ong 607 B.C.E. at natupad muli makalipas ang ilang siglo,gaya ng hula may kinalaman sa ‘pagtangis ni Raquel dahilsa kaniyang mga anak.’ (Jer. 31:15) Sa katunayan, ang ilansa mga inihula ni Jeremias ay may katuparan sa panahongkinabubuhayan mo, at makakaapekto ito sa iyo.

20-22. Bakit masasabing hindi lang isa ang katuparan ng mga hula saBibliya, pati na ang ilan na nasa aklat ng Jeremias? Magbigay ng ha-limbawa.

Ano ang ilan sa mga hulang natupad pagkamatay niJeremias? Bakit mahalaga ito sa iyo?

164 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 167: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

21 Halimbawa, sa aklat ng Apocalipsis, kinasihan si apos-tol Juan na bumanggit ng mga hulang kaugnay ng inihu-la ni Jeremias hinggil sa pagbagsak ng Babilonya noong539 B.C.E. Ipinapakita ng Apocalipsis na isang mas mala-king katuparan nito ang magaganap. Natupad sa makaba-gong panahon ang hula ni Jeremias tungkol sa pagbagsakng isang malaking imperyo—ang pandaigdig na imperyong huwad na relihiyon, ang “Babilonyang Dakila.” (Apoc.14:8; 17:1, 2, 5; Jer. 50:2; 51:8) Ang bayan ng Diyos ay kai-langang ‘lumabas sa kaniya’ para hindi sila madamay sakaniyang pagkapuksa. (Apoc. 18:2, 4; Jer. 51:6) Ang tubigng lunsod, sumasagisag sa kaniyang mga mamamayan, otagasuporta, ay ‘matutuyo.’—Jer. 51:36; Apoc. 16:12.

22 Sa hinaharap, matutupad naman ang pangako ngDiyos na maghihiganti siya sa huwad na relihiyon dahil sapang-aapi nito sa kaniyang bayan. Gagantihan siya ni Je-hova “ayon sa . . . lahat ng ginawa niya.” (Jer. 50:29; 51:9;Apoc. 18:6) At magiging tiwangwang ang makasagisag namga lupain ng huwad na relihiyon.—Jer. 50:39, 40.

23 Gaya ng alam mo na, ang mga hulang inihatid ni Je-remias ay nagbibigay rin ng pag-asa. Sa katunayan, humu-la siya tungkol sa pagsasauli ng tunay na pagsamba sa lupasa modernong panahon. Ang paglaya ng mga Judiong bi-hag sa sinaunang Babilonya ay kahalintulad ng paglaya ngmakabagong-panahong bayan ng Diyos sa BabilonyangDakila. Naganap ito matapos maitatag ang Kaharian sa la-ngit. Sa espirituwal na diwa, isinauli ni Jehova ang kani-yang bayan sa dalisay na pagsamba, at nag-umapaw angpasasalamat at kagalakan. Pinagpala niya ang pagsisikapnilang tulungan ang iba na sumamba sa kaniya, gayundinang pagsisikap nilang kumuha ng saganang espirituwal

23. Anong hula ni Jeremias hinggil sa espirituwal na pagsasauli angnatupad sa ika-20 siglo?

“Ginawa ni Jehova Kung Ano ang Nasa Kaniyang Isip” 165

Page 168: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

na pagkain. (Basahin ang Jeremias 30:18, 19.) Nakikita morin mismo na tinupad ni Jehova sa makabagong panahonang kaniyang pangako na maglalaan siya sa kaniyang ba-yan ng mga pastol—mga lalaking maygulang sa espiritu-wal na talagang nagmamalasakit at nagsasanggalang sa ka-wan.—Jer. 3:15; 23:3, 4.

24 Ang mensahe ni Jeremias sa bayan ng Diyos ay maypangako ng magandang kinabukasan para sa mga tapatsa Diyos, pero babala naman ng pagkapuksa para sa mgahindi mananatiling tapat. Ganiyan din ngayon. Kitang-kita natin na hindi dapat ipagwalang-bahala ang babalangiyon, dahil inihayag ni Jeremias: “Ang mga mapapatay niJehova sa araw na iyon ay tiyak na mula sa isang dulo nglupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa. Hindi sila haha-

24. Anong mabigat na mensahe ni Jeremias ang malapit nang matu-pad?

Huwag ‘nakawin ang mga salita ni Jehova’ sapamamagitan ng hindi pagsasabi sa mga tao ng

nakatakdang mangyari

Page 169: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

gulhulan, ni pipisanin man sila o ililibing. Magiging gayasila ng dumi sa ibabaw ng lupa.”—Jer. 25:33.

25 Oo, gaya ni Jeremias, nabubuhay tayo sa kritikal napanahon. Tulad noon, ang pagtugon ng mga tao ay maaa-ring mangahulugan ng buhay o kamatayan. Ang mga ling-kod ng Diyos ngayon ay hindi mga propeta. Hindi tayo ki-nasihang magdagdag pa sa walang-mintis na mga hula niJehova sa Bibliya. Pero inatasan tayong ipangaral ang ma-buting balita ng Kaharian sa lahat ng araw hanggang sadumating ang wakas ng sistemang ito ng mga bagay. (Mat.28:19, 20) Tiyak na ayaw nating ‘nakawin ang mga salitani Jehova’ sa pamamagitan ng hindi pagsasabi sa mga taong nakatakdang mangyari. (Basahin ang Jeremias 23:30.)Ayaw nating pahinain ang puwersa ng mga salita ni Jeho-va at mawalang-saysay ito. Marami sa mga hula ng Diyosna inihayag ni Jeremias ang natupad na. Garantiya ito naang mga hindi pa natutupad ay tiyak na matutupad. Da-pat nating sabihin sa mga tao na siguradong gagawin ngDiyos ‘kung ano ang nasa isip niya at ipinag-utos niyamula pa noong mga araw ng sinaunang panahon.’—Pa-nag. 2:17.

26 Hindi makukumpleto ang pag-aaral sa aklat ng Jere-mias kung hindi isasaalang-alang ang mga dakilang pa-ngako ni Jehova hinggil sa “isang bagong tipan,” na angmga kautusan nito ay isusulat niya sa puso ng kaniyangbayan. (Jer. 31:31-33) Ano ang “bagong tipan” at paano itomatutupad? Ano ang kaugnayan nito sa iyo? Talakayin na-tin sa susunod na kabanata.

25. Ano ang pananagutan ng bayan ng Diyos ngayon?26. Ano pang hula ang tatalakayin natin?

Anong mga hula sa aklat ng Jeremias ang natupad nasa modernong panahon? Ano ang masasabi mo tungkolsa mga hulang hindi pa natutupad?

“Ginawa ni Jehova Kung Ano ang Nasa Kaniyang Isip” 167

Page 170: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

BINIGYAN ni Jehova si Jeremias ng atas na may dalawangbahagi. Ang una ay “bumunot at magbagsak at magwa-sak at maggiba.” Ang ikalawa ay “magtayo at magtanim.”Sa una, inilantad ng propeta ang kasamaan ng mapagma-laking mga Judio at inihayag ang hatol ng Diyos sa kanilapati na sa Babilonya. Pero may kasamang pag-asa ang mgahula ni Jeremias. Ayon sa layunin ng Diyos, may itatayo atmay itatanim. Halimbawa, inihayag ni Jeremias ang pagsa-sauli sa mga Judio sa kanilang lupain, bilang ikalawang ba-hagi ng kaniyang atas.—Jer. 1:10; 30:17, 18.

2 Ang hula tungkol sa pagsasauli ay hindi nangangahu-lugang kunsintidor si Jehova o na ikokompromiso Niyaang Kaniyang pamantayan ng katarungan. Lalapatan niyang hatol ang suwail na mga Judio. (Basahin ang Jere-mias 16:17, 18.) Noong panahon ni Jeremias, iilan lang saJerusalem ang “nagsasagawa ng katarungan” o “humaha-nap ng katapatan.” Ubos na ang pasensiya ni Jehova, si-nabi niya: “Nagsawa na ako sa panghihinayang.” (Jer. 5:1;15:6, 7) “Bumalik [ang mga Judio] sa mga kamalian ng ka-nilang mga ninuno, ang mga nauna, na tumangging su-munod” sa salita ni Jehova. Bukod diyan, ginalit nila angDiyos dahil nagtaksil sila at sumamba sa mga diyus-diyo-san. (Jer. 11:10; 34:18) Itutuwid ni Jehova ang kaniyang ba-yan; parurusahan niya sila “sa wastong antas.” Dahil dito,

1. Anong atas na may dalawang bahagi ang ginampanan ni Jeremias?2. Bakit naglapat ng hatol si Jehova sa kaniyang bayan, at sa anong antas?

KABANATA 14

MAKIKINABANG KASA BAGONG TIPAN

168

Page 171: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

may ilan na matatauhan at manunumbalik sa kaniya.—Jer.30:11; 46:28.

3 Ginamit ni Jehova si Jeremias para maghayag ng isangbagay na may mas malawak at pangmatagalang kapakina-bangan—isang bagong tipan. Marami tayong dahilan paramagtuon ng pansin sa positibong bahaging ito ng mensa-he ni Jeremias: ang bagong tipan. Papalit ito sa tipang gi-nawa ng Diyos sa Israel matapos silang umalis sa Ehipto,kung saan si Moises ang tagapamagitan. (Basahin ang Jere-mias 31:31, 32.) Nang pasimulan ni Jesu-Kristo ang Hapu-nan ng Panginoon, binanggit niya ang tungkol sa bagongtipan, kaya talagang dapat tayong maging interesado rito.(Luc. 22:20) Binanggit din ito ni apostol Pablo nang sumu-lat siya sa mga Hebreo. Sinipi niya ang hula ni Jeremiasat idiniin ang kahalagahan ng bagong tipan. (Heb. 8:7-9)Pero ano ba talaga ang bagong tipan? Bakit ito kailangan?Sino ang kabilang dito, at paano ka makikinabang? Ting-nan natin.

BAKIT KAILANGAN ANG BAGONG TIPAN?4 Para maunawaan ang bagong tipan, kailangan muna

nating maintindihan ang layunin ng pinalitan nito, angtipang Kautusan. Maraming isasakatuparan iyon para sabansang naghihintay sa ipinangakong Binhi, na siyangmagiging instrumento para pagpalain ang marami. (Gen.22:17, 18) Nang tanggapin ng mga Israelita ang tipang Ka-utusan, sila ay naging “pantanging pag-aari” ng Diyos.Sa ilalim ng tipang iyan, sa tribo ni Levi magmumulaang mga saserdote para sa bansa. Nang makipagtipan siJehova sa bansang Israel sa Bundok Sinai, sinabi niya nasila ay magiging “isang kaharian ng mga saserdote [at]isang banal na bansa.” Pero hindi niya sinabi kung kai-lan at kung paano ito mangyayari. (Ex. 19:5-8) Samantala,

3. Bakit dapat kang maging interesado sa bagong tipan?4. Ano ang naisakatuparan ng tipang Kautusan?

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 169

Page 172: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

dahil sa tipang iyan naging malinaw na hindi kayang sun-din ng mga Israelita ang lahat ng utos sa Kautusan. Na-ging hayag ang kanilang mga kasalanan. Kaya sa ilalim ngKautusan, ang mga Israelita ay regular na naghahandogpara matakpan ang kanilang mga kasalanan. Pero malinawna higit pa ang kailangan—isang sakdal na hain na hindina kailangang ulit-ulitin. Oo, kailangan talaga ng walang-hanggang kapatawaran ng kasalanan.—Gal. 3:19-22.

5 Kaya makikita natin na kahit may bisa pa ang tipangKautusan, kinasihan na si Jeremias na ihula ang tungkol saisa pang tipan, ang bagong tipan. Dahil sa pag-ibig at ka-baitan ni Jehova, nais niyang maglaan ng permanentengtulong hindi lamang para sa isang bansa. Sinabi ng Diyostungkol sa mga kabilang sa tipang ito sa hinaharap: “Pata-tawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasala-nan ay hindi ko na aalalahanin pa.” (Jer. 31:34) Bagamannoong panahon ni Jeremias inihayag ang pangakong iyan,ang makikinabang sa pag-asang ito ay ang buong sangka-tauhan. Paano?

6 Hindi pa rin tayo sakdal at nagigising tayo sa katotoha-nang iyan kapag nakakagawa tayo ng kasalanan. Iyan angnaranasan ng isang brother na nakikipagpunyagi sa isangkahinaan. Sinabi niya: “Nang madaig uli ako ng kahina-an ko, lumung-lumo ako. Pakiramdam ko parang hindi naako makakabangon pa. Nahihirapan akong manalangin.Minsan sasabihin ko, ‘Diyos na Jehova, hindi ko po alamkung pakikinggan ninyo ang panalangin ko, pero . . . ’” Pa-kiramdam ng ilang nagkasala o muling nadaig ng kahina-an ay nahaharangan ng ‘ulap’ ang panalangin nila. (Panag.3:44) Ang ilan ay waring binabangungot pa rin ng alaalang nagawa nilang kasalanan kahit maraming taon na angnakalipas. Maging ang mga huwarang Kristiyano ay na-

5. Bakit inihula ng Diyos ang bagong tipan?6, 7. (a) Ano ang nadarama ng ilan sa pagiging makasalanan nila?(b) Bakit ka mapapatibay kung pag-aaralan mo ang bagong tipan?

170 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 173: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

kapagbibitiw ng mga salitang pinagsisisihan nila.—Sant. 3:5-10.

7 Walang sinuman sa atin ang makapagsasabing hinditayo magkakasala. (1 Cor. 10:12) Kahit si Pablo ay uma-ming nagkakasala siya. (Basahin ang Roma 7:21-25.) Kunggayon, dapat nating isipin ang bagong tipan. Nangako angDiyos, salig sa bagong tipan, na hindi na niya aalalaha-nin pa ang mga kasalanan. Walang kapantay na pagpapa-la nga! Tiyak na naantig si Jeremias nang ihula niya iyan.At ganiyan din tayo habang nadaragdagan ang alam natintungkol sa bagong tipan at sa pakinabang na idudulot nito.

ANO ANG BAGONG TIPAN?8 Habang higit mong nakikilala si Jehova, lalo mong

makikita ang kaniyang kabaitan at awa sa mga taong di-sakdal. (Awit 103:13, 14) Nang ihula ang bagong tipan, idi-niin ni Jeremias na ‘patatawarin ni Jehova ang kanilangkamalian’ at hindi na ito aalalahanin pa. (Jer. 31:34) Na-kikini-kinita mo siguro si Jeremias na nagtataka kung paa-no isasagawa ng Diyos ang gayong kapatawaran. Pero angnaintindihan niya tungkol sa bagong tipan ay gagawa angDiyos ng kasunduan, o kontrata, sa pagitan Niya at ng mgatao. Sa paanuman, gagamitin ni Jehova ang tipang iyanpara isakatuparan ang ipinasulat niya kay Jeremias, kasa-ma na ang pagpapatawad. Sa takdang panahon pa sasabi-hin ng Diyos ang iba pang detalye tungkol sa layunin niya,pati ang tungkol sa gagawin ng Mesiyas.

9 May alam ka sigurong mga magulang na pinapalakingspoiled ang mga anak nila. Sa tingin mo ba, ganoon si Je-hova? Aba hindi! Isaalang-alang kung paano ipinatupad

8, 9. Ano ang isinakripisyo ni Jehova para maging posible ang kapata-waran ng kasalanan?

Bakit gumawa ang Diyos ng isang bagong tipan?

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 171

Page 174: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ang bagong tipan. Sa halip na basta kanselahin ang kasala-nan, buong-katapatang sinunod ng Diyos ang sarili niyangpamantayan ng katarungan sa pamamagitan ng paglala-an ng legal na basehan para magpatawad—kahit manga-hulugan pa ito ng napakalaking sakripisyo sa kaniya. Paramaunawaan mo ito, tingnan natin ang isinulat ni Pa-blo. (Basahin ang Hebreo 9:15, 22, 28.) Binanggit ni Pabloang ‘pagpapalaya sa pamamagitan ng pantubos’ at sina-bing “malibang magbuhos ng dugo ay walang kapatawa-rang magaganap.” Pero hindi ito paghahain ng dugo ngmga toro at kambing gaya noon. Ang bagong tipan ay sa-lig sa dugo ni Jesus. Dahil sa sakdal na haing iyan, ang ‘ka-malian at kasalanan’ ay permanenteng mapapatawad ni Je-hova. (Gawa 2:38; 3:19) Pero sino ang kabilang sa tipangito na tatanggap ng kapatawaran? Hindi ang bansang Ju-dio. Sinabi ni Jesus na itatakwil ng Diyos ang mga Judio—ang mga naghandog ng hayop sa ilalim ng Kautusan. Ba-baling Siya sa ibang bansa. (Mat. 21:43; Gawa 3:13-15) Iyonay ang “Israel ng Diyos,” na binubuo ng mga Kristiyanongpinahiran ng banal na espiritu. Sa madaling salita, ang ti-pang Kautusan ay sa pagitan ni Jehova at ng likas na Isra-el, samantalang ang bagong tipan ay sa pagitan ni Jehova

172 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 175: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

at ng espirituwal na Israel, at si Jesus ang Tagapamagitan.—Gal. 6:16; Roma 9:6.

10 Inilarawan ni Jeremias ang ipinangakong Isa, ang Me-siyas, bilang “sibol” para kay David. Angkop naman iyon.Noong propeta si Jeremias, naputol na parang punungka-hoy ang pamamahala ng angkan ni David. Pero buhay paang tuod nito. Nang maglaon, isinilang si Jesus, inapo niHaring David. Tinawag siyang “Si Jehova ang Ating Katu-wiran,” na katibayang mahalaga sa Diyos ang katuwiran.(Basahin ang Jeremias 23:5, 6.) Pumayag si Jehova na mag-dusa at mamatay dito sa lupa ang kaniyang bugtong naAnak. At kaayon ng katarungan, ang halaga ng haing pan-tubos ng “sibol” ay gagamitin ngayon ng Diyos bilang sa-ligan ng pagpapatawad. (Jer. 33:15) Naging daan ito upangang ilang tao ay maipahayag na “matuwid para sa buhay,”mapahiran ng banal na espiritu, at mapabilang sa bagongtipan. Pero may iba pang makikinabang sa bagong tipankahit hindi sila tuwirang kabilang dito, gaya ng makikitanatin.—Roma 5:18.

11 Gusto mo bang malaman ang iba pang katangian ngbagong tipan? Isa sa malaking pinagkaiba nito sa Kautu-sang Mosaiko ay kung saan ito isinulat. (Basahin ang Je-remias 31:33.) Ang Sampung Utos ng tipang Kautusanay nakasulat sa mga tapyas na bato, na wala na nga-yon. Samantala, inihula ni Jeremias na ang kautusan ngbagong tipan ay isusulat sa puso ng mga tao, at mama-malagi ito. Ang mga kabilang sa bagong tipan, ang pina-hirang mga Kristiyano, ay talagang nagpapahalaga sa ka-utusang ito. Kumusta naman ang mga hindi kabilangsa bagong tipan, ang “ibang mga tupa,” na umaasang ma-buhay sa lupa magpakailanman? (Juan 10:16) Nagpapa-

10. (a) Sino ang “sibol” para kay David? (b) Paano makikinabang sa “si-bol” ang mga tao?11. (a) Saan nakasulat ang kautusan ng bagong tipan? (b) Bakit intere-sado sa kautusan ng bagong tipan ang “ibang mga tupa”?

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 173

Page 176: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

halaga rin sila sa kautu-san ng Diyos. Sa diwa, mai-tutulad sila sa mga nani-nirahang dayuhan sa Israelna tumanggap at nakina-bang sa Kautusang Mosai-ko.—Lev. 24:22; Bil. 15:15.

12 Ano ang isasagot mo satanong na, ‘Ano ang kau-tusan na nakasulat sa pusong mga pinahirang Kristiya-no?’ Ito ang kautusan na ti-natawag ding “kautusan ngKristo.” Una itong ibinigaysa espirituwal na mga Israe-

lita, mga kabilang sa bagong tipan. (Gal. 6:2; Roma 2:28, 29) Maibubuod ang “kautusan ng Kristo” sa isang sa-lita: pag-ibig. (Mat. 22:36-39) Paano naisusulat sa puso ngmga pinahiran ang kautusang ito? Pangunahin na, sa pa-mamagitan ng pag-aaral nila ng Salita ng Diyos at panana-langin kay Jehova. Sa katunayan, ang mga aspektong itong tunay na pagsamba ay dapat na bahagi ng araw-arawna buhay ng lahat ng tunay na Kristiyano, maging ng mgahindi kabilang sa bagong tipan na gustong makinabangdito.

13 Ang “kautusan ng Kristo” ay tinukoy bilang “sak-dal na kautusan na nauukol sa kalayaan” at “kautusan

12, 13. (a) Ano ang kautusan ng bagong tipan? (b) Sa ilalim ng “kautu-san ng Kristo,” bakit hindi mo madaramang sapilitan kang pinaglilingkodsa Diyos?

Ang “kautusan ng Kristo”ay nag-uudyok sa atin namaglingkod kay Jehovanang bukal sa loob

Page 177: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ng isang malayang bayan.” (Sant. 1:25; 2:12) Marami angipinanganak sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, pero wa-lang ipinanganak sa ilalim ng bagong tipan o ng ka-utusan ng Kristo. Ang mga masunurin sa kautusan ngKristo ay hindi sapilitang pinaglilingkod sa Diyos. Nalu-lugod silang malaman na puwedeng maisulat sa kanilangpuso ang kautusan ng Diyos at may walang-hanggang ka-pakinabangan ang mga tao sa tipan na inihula ni Jere-mias.

ANG MGA MAKIKINABANG SA BAGONG TIPAN14 Iniisip ng ilan na ang 144,000 lamang ang makikina-

bang sa bagong tipan. Siguro naiisip nila iyon dahil angmga pinahiran lang ang nakikibahagi sa emblema sa Me-moryal ng kamatayan ni Kristo, kung saan inilalarawan ngalak ang “dugo ng tipan.” (Mar.14:24) Pero tandaan na angmga kabilang sa bagong tipan ay makakasama ni Jesus bi-lang “binhi” ni Abraham, na sa pamamagitan niya ay pag-papalain ang lahat ng bansa. (Gal. 3:8, 9, 29; Gen. 12:3) Sapaanuman, gagamitin ni Jehova ang bagong tipan para tu-parin ang pangakong iyan.

15 Si Jesu-Kristo, na pangunahing bahagi ng binhi niAbraham, ang Mataas na Saserdote. Inilaan niya ang sakdalna hain para sa kapatawaran ng kasalanan. (Basahin angHebreo 2:17, 18.) Pero inihula noon ng Diyos na magkaka-roon ng “isang kaharian ng mga saserdote [at] isang banalna bansa.” (Ex. 19:6) Sa likas na Israel, ang mga saserdote

14. Sino talaga ang mga makikinabang sa bagong tipan?15. Ano ang inihulang gagampanan ng mga pinahiran?

Sa ilalim ng bagong tipan, paano ginawang posibleng Diyos ang kapatawaran? Paano mo malalaman angtungkol sa kautusan na nakasulat sa mga puso?

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 175

Page 178: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

at ang mga hari ay nagmumula sa magkaibang tribo. Kayapaano magkakaroon ng isang bansa ng mga haring-saser-dote? Ang unang liham ni apostol Pedro ay para sa mga pi-nabanal ng espiritu. (1 Ped. 1:1, 2) Tinukoy niya sila bilang“isang maharlikang pagkasaserdote, isang banal na ban-sa, isang bayang ukol sa pantanging pag-aari.” (1 Ped. 2:9)Kaya ang mga pinahirang Kristiyano na kasama sa bagongtipan ay maglilingkod bilang mga katulong na saserdote.Isipin mo ang ibig sabihin niyan! Araw-araw tayong naki-kipagpunyagi sa kasalanan, na hanggang ngayo’y “nama-mahala bilang hari.” Nararanasan din iyan ng magigingmga katulong na saserdote. (Roma 5:21) Alam nila kungano ang pakiramdam ng isang nagkakasala at sinusumba-tan ng budhi. Kaya kasama ni Kristo, madadamayan nilatayo habang nakikipagbuno tayo sa ating makasalananghilig.

16 Ayon sa Apocalipsis 7:9, 14, ang “malaking pulutong”ay “nadaramtan ng mahahabang damit na puti,” na lu-malarawan sa kanilang malinis na katayuan sa harap ngDiyos. Para mapabilang sa makaliligtas sa “malaking ka-pighatian,” inihahanda na ngayon ang malaking pulu-tong. Kaya ngayon pa lang, mayroon na silang matuwid nakatayuan sa harap ng Diyos. Ipinapahayag silang matuwidbilang mga kaibigan ni Jehova. (Roma 4:2, 3; Sant. 2:23)Kaylaking pagpapala nga! Kung bahagi ka ng malaking pu-lutong, makakatiyak kang tutulungan ka ng Diyos na ma-natiling malinis sa kaniyang paningin.

17 Ano ang nangyayari sa kasalanan ng mga sinasang-ayunan ng Diyos? Gaya ng binanggit na, sa pamamagitanni Jeremias ay sinabi ng Diyos: “Patatawarin ko ang kani-

16. Paano mapapatibay ang “malaking pulutong” sa sinasabi ng Apoca-lipsis 7:9, 14?17. Sa anong diwa hindi na “aalalahanin pa” ni Jehova ang mga kasala-nan?

176 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 179: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

lang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko naaalalahanin pa.” (Jer. 31:34) Salig sa hain ni Jesus, pinapa-tawad ng Diyos ang mga pinahiran. At salig din sa “dugong tipan” na iyan, pinapatawad ng Diyos ang mga kasala-nan ng malaking pulutong. Nang sabihin ni Jeremias nahindi na “aalalahanin” ng Diyos ang mga kasalanan, hin-di naman ibig sabihin ay parang magkakaroon ng amnesiasi Jehova at basta na lang makakalimutan ang mga ka-salanan. Sa halip, ipinapakita nito na kapag dinisiplina atpinatawad na ni Jehova ang isang nagsisising makasala-nan, inihahagis na ng Diyos sa likuran Niya ang kasala-nang iyon. Halimbawa, isipin ang nagawa ni Haring Davidmay kinalaman kay Bat-sheba at Uria. Dinisiplina si Da-vid at naranasan niya ang epekto ng kaniyang mga kasa-lanan. (2 Sam. 11:4, 15, 27; 12:9-14; Isa. 38:17) Pero hindinaman habambuhay na pinagbayad ng Diyos si David samga kasalanan nito. (Basahin ang 2 Cronica 7:17,18.) Sa ila-lim ng bagong tipan, kapag pinatawad na ni Jehova saligsa hain ni Jesus ang mga kasalanan, kinakalimutan na niyaang mga iyon.—Ezek. 18:21, 22.

18 Kaya batay sa bagong tipan, nakita natin ang napaka-gandang pakikitungo ni Jehova sa makasalanang mga tao,kapuwa sa mga pinahiran na kabilang sa tipan, at sa mgamay makalupang pag-asa. Makakaasa ka na minsang pina-tawad ni Jehova ang iyong mga kasalanan, hindi na niyaiyon aalalahanin pa. May matututuhan tayo sa pangakongito ng Diyos. Tanungin ang sarili, ‘Inuungkat ko pa ba angkasalanan sa akin ng iba na sinabi kong pinatawad ko na, otinutularan ko si Jehova?’ (Mat. 6:14, 15) Kapit ito sa mali-liit at malalaking pagkakasala, gaya ng pangangalunya. Ka-pag pinatawad na ng pinagkasalahan ang nagsisising na-ngalunya, hindi ba tama lang na ‘huwag nang alalahanin

18, 19. Anong aral tungkol sa pagpapatawad ang itinuturo ng bagong ti-pan?

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 177

Page 180: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

pa ang kasalanan’ na iyon? Ang totoo, hindi madaling iha-gis sa likod natin ang kasalanang ginawa sa atin, pero pag-tulad ito kay Jehova.�

19 Kapit din ang aral na ito sa mga natiwalag na nagsisiat nakabalik. Paano kung ang taong iyon ay may nagawasa iyo o siniraan ka niya? Ngayon ay tinanggap na siyangmuli sa kongregasyon. Ano kaya ang maiisip at madaramanatin sa sinasabi ng Jeremias 31:34? Patatawarin ba natinsiya at hindi na babanggitin pa ang kasalanan niya? (2 Cor.2:6-8) Isang bagay iyan na dapat ikapit sa araw-araw ng la-hat ng nagpapahalaga sa bagong tipan.

� Inilalarawan ng pakikitungo ni Oseas kay Gomer ang pagigingmapagpatawad ng Diyos. Tingnan ang komento hinggil sa Oseas 2:14-16 sa aklat na Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova, pahi-na 128-130.

MGA PAGPAPALA NG BAGONG TIPAN—NGAYON AT SA HINAHARAP

20 Noong panahon ni Jeremias, maraming Judio ang sadiwa ay nagsasabi, “Si Jehova ay hindi gagawa ng mabu-ti, at hindi siya gagawa ng masama.” (Zef. 1:12) Bagamanmay alam sila tungkol kay Jehova, inakala nilang walasiyang gagawin; na walang problema sa Diyos kung anoman ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Pero ikaw aynaniniwalang nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay. Maytakot ka sa kaniya at talagang iniiwasan mong gumawa ngmasama. (Jer. 16:17) At alam mo rin na si Jehova ay isangnapakabait na Ama. Nakikita niya ang mabubuting naga-gawa natin, hindi man ito nakikita ng iba.—2 Cro. 16:9.

20. Paano naiiba ang saloobin mo sa marami noong panahon ni Jere-mias?

Paano mo maikakapit ang aral tungkol sa pagpapatawadna itinuturo ng bagong tipan?

178 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 181: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

21 May isa pang katangian ang bagong tipan. Sinabi niJehova: “Ilalagay ko sa loob nila ang aking kautusan, atsa kanilang puso ay isusulat ko iyon. At ako ang magi-ging kanilang Diyos, . . . At hindi na sila magtuturo pa, ba-wat isa ay sa kaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyangkapatid, na sinasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jehova!’ sapagkat

21, 22. Bakit hindi ka na kailangang sabihan: ‘Kilalanin mo si Jehova’?

Ang mga naglingkod nang tapat kay Jehovaay pagpapalain sa hinaharap

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 179

Page 182: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

silang lahat ay makakakilala sa akin.” (Jer. 31:33, 34) Pina-tunayan ng mga nalalabing pinahiran na ang kautusan ngDiyos ay nasa puso nila. Mahal nila ang katotohanan mulasa Diyos, at hindi sila nananalig sa mga turo ng tao. Na-gagalak silang ibahagi sa malaking pulutong ang mga ka-alaman mula sa Bibliya. Kaya ang mga may makalupangpag-asang ito ay natutong kumilala at umibig kay Jehova.Sumusunod sila sa patnubay niya at nagtitiwala sa kani-yang mga pangako. Marahil isa ka sa kanila. Kilala mo si Je-hova bilang isang Persona at may personal na kaugnayanka sa kaniya. Anong laking kapakinabangan nga!

22 Paano mo pinatitibay ang kaugnayan mo kay Jehova?Siguradong may natatandaan kang pagkakataon na nadamamong sinagot niya ang mga panalangin mo. Dahil doon,lalong lumalalim ang pagpapahalaga mo sa mga katangi-an ng Diyos. Naramdaman mo siguro ang tulong niya nangmay maalala kang teksto na tamang-tama sa iyong proble-ma. Pahalagahan ang gayong mga karanasan. Habang pi-nag-aaralan mo ang Bibliya, madaragdagan ang kaalamanmo tungkol sa kaniya—isang tuluy-tuloy na pakinabang.

23 Pero may isa pang pagpapalang dulot ang bagong ti-pan. Nakakalaya tayo sa patuloy na panunumbat ng budhidahil alam nating nagpapatawad si Jehova salig sa tipangiyan. Halimbawa, ang ilan na nagpalaglag bago malamanang pamantayan ng Diyos ay maaaring nababagabag atnanlulumo dahil pinatay nila ang nasa sinapupunan nila.Nadarama din iyan ng iba na sumabak sa digmaan at na-kapatay. Ang haing pantubos ni Jesus—na mahalaga sa ba-gong tipan—ay naglalaan ng kapatawaran sa mga tunay nanagsisisi. Kung gayon, hindi ba dapat na maging kumbin-sido tayo na kapag nagpatawad si Jehova, tapos na iyon, sa-rado na, wika nga? Dapat na nating ibaon sa limot ang ka-salanang lubos nang pinatawad ni Jehova.

23. Paano makakatulong ang pagkakilala kay Jehova upang makalaya kasa panunumbat ng budhi?

180 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 183: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

24 Kitang-kita natin ang pagiging mapagpatawad ngDiyos sa Jeremias 31:20. (Basahin.) Mga ilang dekada bagoang panahon ni Jeremias, ang sampung-tribong hilagangkaharian ng Israel (kinakatawanan ng Efraim, ang promi-nenteng tribo) ay pinarusahan ng Diyos dahil sa idolatriya.Naging tapon sila. Pero mahal pa rin ng Diyos ang bayanniya at pinagmalasakitan sila. Itinuring pa rin niya silang“isang batang kinagigiliwan.” Kapag naiisip niya sila, angkaniyang mga bituka ay “nagkakaingay,” ibig sabihin, na-babagbag ang kalooban niya. Maiuugnay natin ang ulat naito sa bagong tipan at ipinapakita nito kung gaano kalakiang pag-ibig ni Jehova sa mga nagsisisi sa kanilang kasala-nan.

25 Ang pangako ni Jehova na papawiin niya ang kasala-nan salig sa bagong tipan ay lubusang matutupad sa pagta-tapos ng Milenyong Paghahari ni Kristo. Sa panahongiyon, kasama ng 144,000 katulong na saserdote, naisaulina ni Jesu-Kristo ang tapat na mga tao sa kasakdalan. Pag-katapos ng huling pagsubok, ang sangkatauhan ay magi-ging ganap na miyembro ng pansansinukob na pamilyani Jehova. (Basahin ang Roma 8:19-22.) Ang sangkatauhanna nilalang ng Diyos, na daan-daang taon nang alipin ngkasalanan, ay magtatamo ng “maluwalhating kalayaan ngmga anak ng Diyos”—kalayaan mula sa kasalanan at kama-tayan. Kaya umasa ka na makikinabang ka nang sagana sapamamagitan ng bagong tipan, na maibiging kaayusan ngDiyos. Makikinabang ka ngayon at magpakailanman sa pa-mamagitan ng “sibol” para kay David at mararanasan moang “katuwiran sa lupain.”—Jer. 33:15.

24. Bakit ka mapapatibay ng ulat sa Jeremias 31:20?25. Bakit dapat kang magpasalamat kay Jehova dahil sa bagong tipan?

Paano ka makikinabang sa bagong tipan ngayonat sa hinaharap?

Makikinabang Ka sa Bagong Tipan 181

Page 184: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

“DINGGIN mo ang salita ni Jehova.” Umaalingawngawang mga salitang iyan sa mga lansangan at liwasan ng Je-rusalem pasimula noong 647 B.C.E. At hindi tumigil angpropeta. Kahit na nang mawasak ang lunsod, 40 taon pag-karaan, iyan pa rin ang inihahayag niya. (Jer. 2:4; 42:15)Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay nagsugo ngmga propeta para tiyaking maririnig ng mga Judio ang Ka-niyang mensahe at magsisi sila. Gaya ng natalakay na, na-mumukod-tangi si Jeremias sa mga propeta ng Diyos.Nang atasan siya, sinabi ng Diyos: “Bumangon ka at sali-tain mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwagkang mangilabot.” (Jer. 1:17) Mabigat ang atas na iyon. Sa-kit ng katawan at hirap ng damdamin ang inabot ni Jere-mias, pero ginampanan pa rin niya ang atas. Oo, hindi ma-gawang manahimik ni Jeremias.—Jer. 4:19.

2 Ang pagtupad ni Jeremias sa kaniyang atas ay isang ha-limbawa para sa mga susunod na lingkod ni Jehova. (Sant.5:10) Di-nagtagal pagkaraan ng Pentecostes 33 C.E., ina-resto ng mga Judiong opisyal sina apostol Pedro at Juan,at pinagbawalang mangaral. Alam mo ang kanilang sagot.“Hindi namin magagawang tumigil sa pagsasalita tungkolsa mga bagay na aming nakita at narinig.” (Gawa 4:19, 20)

1. Bakit hindi magawang manahimik ni Jeremias at ng ibang propetani Jehova?2, 3. (a) Paano tinularan ng mga alagad ni Jesus si Jeremias? (b) Bakitdapat mong tularan si Jeremias?

KABANATA 15

HINDI MAGAWANGMANAHIMIK NI JEREMIAS

182

Page 185: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Matapos pagbantaan, pinalaya sina Pedro at Juan. Alammo ang resulta. Hindi magawang tumigil sa pangangaralng mga tapat na lalaking iyon, at hindi talaga sila tumigil.

3 Nakikita mo ba mula sa mga salita nina Pedro at Juansa Gawa 4:20 ang sigasig ni Jeremias? Bilang lingkod ni Je-hova sa kritikal na mga huling araw na ito, hindi ba’t de-terminado ka ring hindi manahimik? Tingnan natin kungpaano natin mapapanatili ang sigasig na gaya ng kay Jere-mias at magpatuloy sa pangangaral ng mabuting balita sagitna ng lumalalang mga kalagayan.

MANGARAL KAHIT AYAW MAKINIG NG MGA TAO4 Kumbinsido ka ba na ang pangako ng Diyos na magan-

dang kinabukasan sa ilalim ng pamamahala ng kaniyangAnak ang pinakamabuting balitang puwedeng marinig ngmga tao? Gayunman, marami ngayon ang gaya ng mga Ju-dio noon na nagsabi kay Jeremias: “Kung tungkol sa salitana sinalita mo sa amin sa pangalan ni Jehova, hindi kamimakikinig sa iyo.” (Jer. 29:19; 44:16) Madalas marinig iyanni Jeremias, at iyan din ang naririnig ng mga lingkod ni Je-hova ngayon, “Hindi ako interesado.” Maaaring manghi-magod ang mga mamamahayag ng Kaharian kapag ayawmakinig ng mga tao. Kung ganiyan ang mga tao sa inyongteritoryo, at dahil diyan ay nababawasan ang sigasig moo ng ilan sa inyong kongregasyon, ano ang puwedeng ga-win?

5 Tingnan ang naging saloobin ni Jeremias sa kawalang-interes ng mga tao sa Juda. Sa pasimula ng kaniyang atas,ipinakita ni Jehova sa kaniya ang tungkol sa paparating napaghatol. (Basahin ang Jeremias 4:23-26.) Natanto ng pro-peta na ang kaligtasan ng libu-libong tao ay nakadepende

4. Ano ang saloobin ng mga tao noon sa Jerusalem?5. (a) Ano ang naging saloobin ni Jeremias sa kawalang-interes ng mgatao? (b) Bakit nanganganib ang buhay ng mga taong ayaw makinig samabuting balita?

Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias 183

Page 186: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

184 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Sinabi ng isang babae sa New Zealand na hindi siyanakikipag-usap noon sa mga Saksi ni Jehova, pero nga-yon, interesado na siya. Noong linggong iyon, pumun-ta siya sa libing ng isang Saksi, na asawa ng katrabahong mister niya. Napansin niya na marami sa mga naro-on ang personal na lumapit sa namatayan para patibayinito. Sinabi rin niya na nakumbinsi siya sa malinaw na pa-liwanag natin sa Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli.

Ikinuwento ng babae na nagsasanay siya ng mganurse na nag-aalaga ng mga pasyenteng may taning naang buhay. Matapos siyang pumunta sa libing na iyon,sinabihan niya ang kaniyang mga estudyante na du-malo sa pahayag sa libing na ginagawa ng mga Saksini Jehova. Bakit? Ikinuwento niya sa mga Saksing nagba-hay-bahay sa kaniya na sinabi niya sa kaniyang mga es-tudyante na ipinapaliwanag ng mga Saksi ang totoongkalagayan ng mga patay at ang magandang pag-asa sahinaharap. Inisip niya na magagamit ng mga nurse angmga puntong iyon para aliwin ang kanilang mga pa-syente.

Maliwanag, kahit walang interes ang isang tao, hindiibig sabihin nito na hindi na siya maaaring ‘bigyan ni Je-hova ng isang puso upang makilala siya.’ (Jer. 24:7) Angmga walang interes sa mensahe ng Bibliya ay posible paring maging interesado.

DATING WALANG INTERES,INTERESADO NA NGAYON

Page 187: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

sa pagtugon at pagkilos nila sa ihahatid niyang mensahe.Ganiyan din ang kalagayan ng mga tao ngayon, pati naang mga nasa teritoryo ninyo. Tungkol sa “araw na iyon”ng paghatol ng Diyos sa masamang sanlibutang ito, sina-bi ni Jesus: “Darating ito sa lahat ng mga nananahanan saibabaw ng buong lupa. Manatiling gising, kung gayon, nanagsusumamo sa lahat ng panahon na magtagumpay kayosa pagtakas mula sa lahat ng mga bagay na ito na nakata-lagang maganap, at sa pagtayo sa harap ng Anak ng tao.”(Luc. 21:34-36) Makikita mo sa mga sinabi ni Jesus na na-nganganib ang buhay ng mga ayaw makinig sa mabutingbalita.

6 Pero ang mga makikinig at tutugon sa mensahe ni Je-hova na dala natin ay tatanggap ng walang-katulad namga pagpapala. Binibigyan tayo ng Diyos ng pagkakata-ong makaligtas at makapasok sa kaniyang bagong sanlibu-tan. May pagkakatulad ito sa ministeryo ni Jeremias. Maa-aring makaligtas ang mga taga-Juda. (Basahin ang Jeremias26:2, 3.) Maraming taon ang ginugol ni Jeremias para hi-mukin ang mga tao na ‘makinig at manumbalik’ sa tunayna Diyos. Hindi natin alam kung ilan ang nagsisi at nag-bago dahil sa pagpapatotoo ng propeta. Pero mayroon, atmarami ang nakikinig din ngayon. Habang patuloy tayongnangangaral, madalas tayong makabalita ng mga kuwentotungkol sa mga dating ayaw makinig pero tumanggap din.(Tingnan ang kahong “Dating Walang Interes, InteresadoNa Ngayon,” sa pahina 184.) Hindi ba’t isa pang dahilaniyan para manatiling aktibo sa ministeryong nakapaglilig-tas-buhay?

6. Bakit dapat kang patuloy na mangaral, maging sa mga di-gaanonginteresado?

Bakit determinado kang ipangaral ang mabuting balitakahit ayaw makinig ng mga tao?

Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias 185

Page 188: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

WALANG MAGAGAWANG PERMANENTENG PINSALAANG MGA MANANALANSANG

7 Kapansin-pansin sa ministeryo ni Jeremias ang daming pagkakataong sinikap ng mga mananalansang na ipa-hamak siya at hadlangan ang kaniyang gawain. Harapansiyang kinontra ng mga bulaang propeta. (Jer. 14:13-16)Habang naglalakad sa mga lansangan ng Jerusalem, iniin-sulto siya at tinutuya ng mga tao. (Jer. 15:10) Siniraan panga siya ng mga kaaway niya. (Jer. 18:18) May mga nagka-lat ng tsismis laban sa kaniya para hindi makinig angmga tapat-puso sa mensahe niya. (Panag. 3:61, 62) Sumu-ko ba si Jeremias? Hindi. Patuloy siyang nangaral. Paanosiya nakapagpatuloy?

8 Pagtitiwala kay Jehova ang panlaban ni Jeremias sapagsalansang. Sa pasimula ng kaniyang atas, sinabi ngDiyos na tutulungan at poprotektahan Niya siya. (Basahinang Jeremias 1:18, 19.) Nagtiwala si Jeremias sa pangakongiyan, at hindi siya pinabayaan ni Jehova. Miyentras pinahi-hirapan at sinasalansang, lalo naman siyang nagiging ma-tapang, masigasig, at determinado. Paano nakatulong sakaniya ang mga katangiang ito?

9 Minsan, dinala siya ng mga rebelyosong saserdote atpropeta sa mga prinsipe ng Juda para maipapatay. Nasin-dak ba nila si Jeremias? Hindi. Pinatunayan niyang maliang mga bintang ng mga apostatang iyon, kaya nakaligtassiya.—Basahin ang Jeremias 26:11-16; Luc. 21:12-15.

10 Maaalala mong matapos marinig ng saserdoteng si Pa-sur ang mabigat na mensahe ng propeta, inilagay nito sapangawan si Jeremias. Inisip siguro ni Pasur na madada-la ang propeta at mananahimik na. Kinabukasan, pinala-

7. Ano ang ginawa ng mga kaaway ni Jeremias para hadlangan siya?8. Habang tumitindi ang pagsalansang, paano tumugon si Jeremias?9, 10. Anong pangyayari sa buhay ni Jeremias ang makakatulong sa iyona maging matapang?

186 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 189: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ya niya si Jeremias. Pero kahit masakit pa ang katawan, si-nabi ni Jeremias kay Pasur ang hatol dito ni Jehova. Oo,kahit ang pagpapahirap ay hindi nakapagpatahimik kay Je-remias! (Jer. 20:1-6) Bakit? Sinabi mismo ni Jeremias: “SiJehova ay sumasaakin gaya ng isang kahila-hilakbot namakapangyarihan. Kaya naman ang mismong mga umu-usig sa akin ay matitisod at hindi mananaig.” (Jer. 20:11)Hindi naduwag si Jeremias kahit sa malulupit na manana-lansang. Matibay ang pagtitiwala niya kay Jehova, at matu-tularan mo siya.

11 Tandaan na si Jeremias ay hindi panatikong su-god nang sugod. Naging matalino siya sa pagpapasiya saharap ng mga mananalansang. Alam niya kung kailansiya dapat dumistansiya. Halimbawa, pansinin ang ginawaniya nang makaengkuwentro niya si Hananias. Nang kon-trahin ng bulaang propetang ito sa harap ng mga tao anghula ni Jehova, itinuwid siya ni Jeremias at ipinaliwanagkung paano makikilala ang isang tunay na propeta. Nagalit

11, 12. (a) Anong matalinong pasiya ang gi-nawa ni Jeremias nang salansangin siya niHananias? (b) Bakit mabuting ‘magpigil tayo sailalim ng kasamaan’?

Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias 187

Page 190: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

si Hananias at kinuha kay Jeremias ang pasan nitong pa-matok na lumalarawan sa pang-aalipin ng Babilonya. Ta-pos binali niya iyon. Hindi malayong uminit pa ang sitwa-syon. Kaya ano ang ginawa ni Jeremias? Mababasa natin:“[Ang] propeta ay yumaon sa kaniyang lakad.” Oo, umalissi Jeremias. Di-nagtagal, pinabalik siya ni Jehova para sabi-hin kay Hananias ang hatol ng Diyos—ang mga Judio ayaalipinin ng hari ng Babilonya at mamamatay si Hananias.—Jer. 28:1-17.

12 Natutuhan natin dito na sa pangangaral, bukod sa ka-tapangan, kailangan din ng matalinong pagpapasiya. Kungayaw tanggapin ng may-bahay ang sinasabi ng Bibliya atnagalit ito, at mukhang mananakit pa nga, magalang nalang tayong magpaalam at pumunta sa susunod na ba-hay. Hindi natin kailangang makipagtalo tungkol sa ma-buting balita ng Kaharian. Kung “nagpipigil [tayo] sa ila-lim ng kasamaan,” iniiwan nating bukas ang pagkakataonpara mabalikan ang may-bahay sa mas kaayaayang pana-hon.—Basahin ang 2 Timoteo 2:23-25; Kaw. 17:14.

“HUWAG KANG MATAKOT”13 Bago mawasak ang Jerusalem noong 607 B.C.E., ang

mga tunay na mananamba ay apektado ng kakila-kilabotna kalagayan ng lunsod. Kaya maiintindihan mo kung ba-kit sinabi ng Diyos kay Jeremias: “Huwag kang matakot.”(Jer. 1:8; Panag. 3:57) At inutusan siya ni Jehova na sabi-hin din ang pampatibay na ito sa kaniyang bayan. (Basa-hin ang Jeremias 46:27.) Ano ang matututuhan natin dito?

13. Bakit sinabihan ni Jehova si Jeremias na huwag matakot? Bakit da-pat nating isaalang-alang ito?

Bakit mahalagang magtiwala kay Jehova habangnangangaral ng mabuting balita? Bakit parehongkailangan ang katapangan at matalinong pagpapasiya?

188 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 191: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

Sa mapanganib na panahong ito ng kawakasan, maaaringmakadama rin tayo ng takot kung minsan. Kapag nangyariiyan, makikinig ba tayo kay Jehova na sa diwa ay nagsasabisa atin: “Huwag kang matakot”? Sa aklat na ito, nakita na-tin na tinulungan ni Jehova si Jeremias noong kritikal namga panahong iyon. Repasuhin natin sa maikli ang nang-yari at matuto ng aral.

14 Habang humihigpit ang hawak ng Babilonya sa Jeru-salem, nagkakagutom ang mga tao. Di-nagtagal, wala nangmakain ang marami. (Jer. 37:21) May taggutom na nga,inilagay pa si Jeremias sa isang lugar na baka maging libi-ngan na niya. Gusto ng mga prinsipe ng Juda na ipapataysi Jeremias, at napapayag nila ang duwag na si Haring Ze-dekias. Kaya itinapon si Jeremias sa isang malalim na im-bakang-tubig na puro putik. Habang lumulubog si Jere-mias sa putik, wala na siyang maisip na paraan. Kung ikawang nandoon, hindi ka ba matatakot?—Jer. 38:4-6.

15 Ordinaryong tao lang din si Jeremias gaya natin. Peronagtiwala siya sa pangako ni Jehova na hindi siya pababaya-an. (Basahin ang Jeremias 15:20, 21.) Sinuklian ba ni Jeho-va ang tiwalang iyon? Alam natin na ganoon nga. Pinakilosng Diyos si Ebed-melec na kontrahin ang mga prinsipe atiligtas si Jeremias. Sa pahintulot ng hari, iniahon ni Ebed-melec ang propeta mula sa malalim na imbakang-tubig atiniligtas ito sa tiyak na kamatayan.—Jer. 38:7-13.

16 Kahit naiahon na si Jeremias, hindi pa rin siya lig-tas. Noong nasa imbakang-tubig pa ang propeta, nakiusapsi Ebed-melec sa hari: “Mamamatay siya sa kinaroroonanniya dahil sa taggutom. Sapagkat wala nang tinapay sa lun-sod.” (Jer. 38:9) Halos simot na ang pagkain sa Jerusalemat naging kanibal na ang mga tao. Pero muli, sinaklolohan

14, 15. (a) Sa anong delikadong sitwasyon nasuong si Jeremias? (b) Pa-ano tinupad ni Jehova ang pangako niyang poprotektahan si Jeremias?16. Sa anong mga panganib inililigtas ni Jehova ang kaniyang matapatna mga lingkod?

Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias 189

Page 192: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

ni Jehova ang kaniyang propeta. At sinabi naman ni Jere-mias kay Ebed-melec na siya rin ay tiyak na ililigtas ni Je-hova. (Jer. 39:16-18) Hindi nalimutan ni Jeremias ang pa-ngako ng Diyos: “Ako ay sumasaiyo upang iligtas ka.” (Jer.1:8) Binantayan ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahatang dalawang tapat na lalaking ito kaya hindi sila namataysa kamay ng tao, ni sa taggutom man. Natakasan nila angkamatayan sa sentensiyadong lunsod na iyon. Kaya anoang punto? Kapag nangako si Jehova na iingatan ka niya,talagang iingatan ka niya.—Jer. 40:1-4.

17 Patungo na sa kasukdulan ang katuparan ng inihula niJesus tungkol sa katapusan ng sistema ng mga bagay at wa-lang makakapigil dito. Hindi na magtatagal, magkakaroonng “mga tanda sa araw at buwan at mga bituin, at sa lupaay panggigipuspos ng mga bansa, na hindi malaman anggagawin . . . samantalang ang mga tao ay nanlulupaypaydahil sa takot at sa paghihintay sa mga bagay na dumara-ting sa tinatahanang lupa.” (Luc. 21:25, 26) Hintayin na-tin kung paano matutupad ang hulang iyan at kung paanoito magdudulot ng takot sa marami. Anuman ang mangya-ri, huwag na huwag kang mag-aalinlangan sa kakayahan

17. Bakit dapat kang manalig sa pangako ni Jehova na poprotektahanniya ang kaniyang mga lingkod?

190 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Page 193: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

at pagnanais ni Jehova na iligtas ang kaniyang bayan. Perokung tungkol sa mga hinatulan niya, ibang-iba ang sasa-pitin nila. (Basahin ang Jeremias 8:20; 14:9.) Kahit pa ma-lagay ang mga lingkod niya sa tila walang pag-asang ka-lagayan, gaya ng maputik at malalim na imbakang-tubig,maililigtas niya sila! Magiging totoo rin sa kanila ang pa-ngako ng Diyos kay Ebed-melec: “ ‘Walang pagsalang mag-lalaan ako sa iyo ng pagtakas, at hindi ka mabubuwal sa pa-mamagitan ng tabak; at tiyak na mapapasaiyo ang iyongkaluluwa bilang samsam, sapagkat nagtiwala ka sa akin,’ang sabi ni Jehova.”—Jer. 39:18.

MGA SALITANG ISINULAT PARA SA IYO18 “Sa lahat niyaong pagsusuguan ko sa iyo ay paroroon

ka; at ang lahat ng iuutos ko sa iyo ay sasalitain mo.” (Jer.1:7) Nang marinig ni Jeremias ang utos na iyan ng Diyos,nagbago na ang buhay niya. Mula noon, ginugol niya angkaniyang buhay sa paghahayag ng “salita ni Jehova.” Pa-ulit-ulit na lumitaw ang mga salitang iyan sa aklat ng Je-remias. Sa huling kabanata nito, inilahad ni Jeremias angpaglupig sa Jerusalem at pagpapatapon sa huling hari nito,si Zedekias. Nagpatuloy si Jeremias sa pagtuturo at paghi-mok sa Juda na sumunod kay Jehova hanggang sa magingmalinaw na tapos na ang atas niya.

19 Maraming pagkakatulad ang atas ni Jeremias at angministeryo ng mga Saksi ni Jehova ngayon. Gaya niya,naglilingkod ka sa tunay na Diyos sa panahon ng paghatol.Marami kang pananagutan; pero ang pangangaral ng ma-buting balita ang pinakamahalagang gawaing magagawamo sa sistemang ito ng mga bagay. Sa pamamagitan nito,

18. (a) Anong mga salita ang bumago sa buhay ni Jeremias? (b) Anoang kahulugan sa iyo ng utos ng Diyos sa Jeremias 1:7?19, 20. (a) Bakit magandang tularan mo ang paglilingkod ni Jeremias?(b) Ano ang kaugnayan ng gawaing pangangaral at pagkadama ng ka-galakan at kasiyahan? (c) Ano ngayon ang determinado mong gawinmatapos pag-aralan ang aklat ng Jeremias at Mga Panaghoy?

Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias 191

Page 194: Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremiasdownload.jw.org/files/media_books/bb/jr_TG.pdf · 5 Anong Uri ng mga Kaibigan ang Pinipili Mo? 54 6 “Sundin Mo, Pakisuyo, ang

naluluwalhati mo ang dakilang pangalan ng Diyos at nai-papakita mong nagpapasakop ka sa kaniyang karapatan atawtoridad bilang Soberano ng Uniberso. (Basahin ang Pa-naghoy 5:19.) Naipapakita mo rin ang masidhing pag-ibigsa iyong kapuwa dahil natutulungan mo silang makilalaang tunay na Diyos at malaman ang kaniyang mga paman-tayan.—Jer. 25:3-6.

20 Tungkol sa atas ni Jehova sa kaniya, sinabi ni Jeremias:“Ang iyong salita ay naging pagbubunyi at pagsasaya ngaking puso; sapagkat ang iyong pangalan ay itinatawag saakin, O Jehova na Diyos ng mga hukbo.” (Jer. 15:16) Angkagalakan at kasiyahang iyan ang nadarama sa ngayon nglahat ng handang magsalita para sa tunay na Diyos. Kayamay dahilan ka para patuloy na ihayag ang mensahe ni Je-hova, gaya ng ginawa ni Jeremias.

Paano ka matutulungan ng halimbawa nina Jeremias atEbed-melec na maging matapang? Anong katangian niJeremias ang gusto mong tularan sa iyong pangangaral?

192 Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon?Maaari kang makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa www.jw.org/tl.