Top Banner
The Title of Your Book 1 Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon
43

Manwal-1-2011

Oct 16, 2015

Download

Documents

Red Phoenix

Manwal
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
  • The Title of Your Book

    1

    Manwal ng MANA sa

    Makabagong Pamamaraan sa

    Pagpili at Pagkundisyon

  • www.obooko.com

    2

    RB Sugbo GT: Isang Sulyap

    Sa magandang mukha ng sabong

    Isang makapagpatunay sa kabutihan na maaring

    maidulot ng sabong ay si kamanang Rey Bajenting, isang

    masang nagmamanok. Isang masang nagmamanok na

    nakakita sa magandang mukha ng sabong.

    Ang may akda, Kamana Rey Bajenting

    Ipinanganak, October 15, 1954, si kamanang Rey ay

    nagsimulang nagmanok noong 1965, sa murang edad na sampung

    taon. Ang kanyang ama, Clod Bajenting, isang tanyag na

    peryodista sa Cebu at ng Manila Chronicle at inang si Manuela

    Kintanar ay parehong Cebuano.

    Sa loob ng mahigit apat na dekada sa sabong, si

    kamanang Rey ay nagsimula bilang handler at conditioner, Sa

    dekada 70 at 80 siyay kabilang sa mga pinakatanyag na handler-

  • The Title of Your Book

    3

    conditioner sa Cebu. Ang kinita niya dito ang kanyang

    pinagsimula ng pamilya.

    Sa kabutihang palad at dahil na rin sa kanyang tagumpay

    sa pagmamanok lahat ng kanyang limang anak ay nakapagtapos

    sa kolehiyo. Si Duke (pinangalan kay Duke Hulsey, ang sikat na

    Amerikanong breeder), ang panganay, nakapagtapos na summa

    cum laude sa kursong Business Administration with Accountancy

    sa University of the Philippines, Diliman; naging editor-in-chief

    ng Philippine Collegian, at nag no. 1 sa CPA board examination

    noong taon 2003. Si Duke rin ang kaunaunahang Pilipino na

    nakasungkit ng 1st place sa buong mundo sa taunang pasulit ng

    Certified Internal Auditors (CIA) na ginanap sa Chicago, USA.

    Siya ngayon ay nagtratrabaho sa isang malaking multi-national

    consultancy firm.

    Si Ace (pinangalan sa ace cock o manok na alas), ang

    pangalawa, ay nakapagtapos sa kursong Computer Engineering

    sa University of San Carlos bilang scholar ng DOTC. Siya

    ngayon ay konektado sa isang malaking Japanese IT company.

    Ang tatlong anak na babae, Si Contessa ay graduate sa

    education sa Normal State University; si Reyna sa Economics sa

    UP, Diliman; at si Queenie sa Journalism sa University of San

    Jose Recoletos. Lahat sila ay may kanyakanyang magandang

    hanapbuhay.

    Ang maybahay ni Kamanang Rey, si Elizabeth Maglinte

    ng Lawaan, Eastern Samar ay may masters degree in Public

    Administration at kasalukuyang empleyado ng kapitolyo ng

    Cebu.

    Mula 1985 hanggang 1999 pansamantalang iniwan ni

    kamanang Rey ang aktibong pagsasabong. Sa loob ng panahong

    iyon, kahit hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon, siyay naging mamahayag at editor ng ilang peryodiko sa Cebu; public

    information officer ng Mandaue City; legislative staff chief sa

    Congress; consultant to the Governor of Cebu; at executive

    assistant sa Malakanyang.

  • www.obooko.com

    4

    Taong 2000 nang siyay bumalik full-time sa pagmamanok

    bilang isang breeder at manunulat sa Pit Games at Llamado

    magazine, at ngayon, pati na rin sa pahayagang Tumbok, na

    pinagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.

    Ang pagsulat niya sa Pit Games at Llammado ang

    tinuturing niyang hagdan upang magawa niya ang gusto niyang

    gawin alangalang sa sabong. Dito malaki ang kanyang

    pagsasalalamat kay Manny Berbano.

    Taon 2002, binuo niya ang RB Sugbo Gamefowl

    Technology, na ang pangunahing layunin ay ang tumulong sa

    mga ordinaryong sabungero. Itoy bilang ganti sa mga biyayang naibigay ng sabong sa kanya.

    Kabilang sa mga serbisyo nito ay ang pagkukundisyon ng

    manok. technology transfer sa mga client farms, at marketing

    assistance. Nagpapalahi rin at ipinagbibili ng RB Sugbo ang mga

    palahi sa mga common sabungero sa abot-kayang halaga. May

    dalawang linyadang nabuo ang RB Sugbo, ang ponkan at ang

    blakliz na pinangalan niya hango sa pangalan ng asawang si Liz.

    Ang production farm ng RB Sugbo ay nasa Lawaan, Eastern

    Samar. Itoy pinamamahalaan ng mga bayaw niya na sina Jose, Gerardo Jr, Ruben at Patrocinio Maglinte.

    Bukod sa mga ito, ang RB Sugbo ay patuloy na nag

    sisiyasat, nagsusubok, at nagtutuklas ng mga epektibong

    pamamaraan sa pagmamanok, upang ipamahagi naman sa mga

    masang sabungero pamamagitan ng pagsusulat at pagpaseminar.

    Dalawang beses dinala ng RB Sugbo ang TJT Cocking

    Academy sa Cebu. Una noong May 2006. Inulit noong May

    2007.

    Ang RB Sugbo aktibo rin sa pag-promote ng sabong.

    Noong taong 2005, ginanap ng RB Sugbo sa Cebu ang

    kaunaunahang short knife derby dito sa bansa. One-inch lang ang

    haba ng tari. May mga sumaling taga ibang bansa. May 2

    Amerikano, may Puerto Rican, at may entry na nanggaling sa

    Malaysia.

  • The Title of Your Book

    5

    Sa 2006, nakipagugnayan ang RB Sugbo sa Cyberfriends,

    samahan ng mga sabungero na nakabase sa ibat-ibang bansa, na

    pinamumunuan ng kaibigang si Raul Ebeo, sa pagtanghal ng

    Cyber Cup global derby. Halos isang daan entries galing sa Cebu,

    Mindanao, Luzon at maging sa labas ng bansa ang sumali.

    Sa paligsahang iyon, sa 20 ka manok na kinundisyon at

    linaban ng RB Sugbo, 15 ang nanalo, 2 ang tabla at 3 lang ang

    talo. Isang entry ng RB Sugbo, ang kabilang sa mga nagkampeon

    (manok ni Lito Garcia ng Manila na kinundisyon ng RB Sugbo).

    Masasabi na rin na sa maikling panahon mula nang ito ay

    matatag, may kasaysayan na ang RB Sugbo hindi lang sa

    paglalaban, pati na rin sa pagtaguyod sa sabong at kapakanan ng

    mga sabungero.

    Si kamanang Rey ay dati na ring namahagi ng kaalaman

    at nagpabatid ng mga balita sa pagmamanok pamamagitan ng

    kanyang pitak at mga artikulo sa Pit Games at Llammado

    magazine. At ngayon pati na sa pahayagang Tumbok. Dahil

    arawaraw ang pitak niya sa Tumbok, at ang Tumbok ay

    tinatangkilik ng daandaang libo, siya ngayon ay binabasa na ng

    napakaraming masang sabungero. Itoy katuparan ng kanyang layunin na makatulong, at, tinatanaw nyang malaking utang na

    loob sa Tumbok.

    Ngayon ay maglalabas ang RB Sugbo ng serye ng mga

    manwal sa ibat-ibang aspeto sa pagmamanok, mga modernong

    pamamaraan na makatulong sa inyong pagaaral ng larong sabong.

    Ito ang una, ang Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan

    ng Pagpili at Pagkundisyon. Kasama ni kamanang Rey sa pagsulat ng mga babasahin

    na ilalabas, si Steve del Mar, ang research, information and

    technology director ng RB Sugbo.

    Dating editor ng Kaunlaran magazine ng San Miguel

    Corp, si kamanang Steve ay co-author ni kamanang Rey sa

    darating na libro na pinamagatan The Edge: Secrets Learned from

    the Masters, na ilalathala ng Llamado Publications.

  • www.obooko.com

    6

    Si kanamang Arturo Mosqueda ang operations manager

    ng RB Sugbo. At si kamanang Teddy Bajenting ang namamahala

    sa gamefowl dispersal program.

    Samantalang si kamanang Marlon Mabingnay naman ang

    namamahala sa partner farm ng RB Sugbo, ang JT Northern Star

    ng Tuguegarao, na may katulad ding layunin ang makatulong sa

    kapwa sabungero.

    Salamat sa Diyos sa mga magagandang bagay na naibigay ng sabong sa akin, hindi pinansyal na yaman, kung di sa

    mas mahalagang uri ng yaman, Wika ni kamanang Rey. Kaya gusto niyang makabayad pamamagitan ng pakikipaglaban para sa

    sabong at makatulong sa pangangalaga ng kapakanan ng masang

    sabungero.

    Kamana Arturo Mosqueda, operations manager and chief breeder ng RB Sugbo GT

  • The Title of Your Book

    7

    Nilalaman

    Inside cover: RB Sugbo GT: Isang Sulyap

    sa Magandang Mukha ng Sabong

    P.5 Nilalaman

    P7-Pambungad: Una ang Huli, Huli ang Una

    P9-Paglinaw: Inihaw Lang

    P11.Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya

    Dami at Pagkaaisa

    Sandaang Libong Kamana

    Mga Benepisyo ng mga Kamana

    Pangalawang Bahagi: Pagpili at Pagkundisyon

    Kabanata 1. Pagpipili Susi sa Tagumpay,

    Ano ang Susi sa Pagpili?

    Kabanata 2. Abot-Kayang Nutrisyon

    ng Kampeon

    Kabanata 3. Pagsasanay na Tugma

    sa Pilipino Knife

    Kabanata 4. Mga Pasilidad

    Kabanata 5. Pagpatuktok: Stress Management

    Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan

    ng RB Sugbo sa Pagkundisyon

    Kabanata 7. Conditioning Pyramid

    Kabanata 8. Paghanda sa ulutan

    Madaliang Pagsangguni

    Pangwakas: Dapat sa Ating Pagsasabong

    Pambungad: Una ang Huli,

  • www.obooko.com

    8

    Huli ang Una

    Ang Manwal na ito ay nagtatalakay sa mga makabagong

    pamamaraan sa pagpili at pagkundisyon ng manok pansabong.

    Dahil ang RB Sugbo gamefowl technology ay naniniwala na ang

    pagsasabong ay dapat matutunan paatras. Hindi dapat magsimula

    sa umpisa, ang pagpapahalahi. Dapat ang huling yugto sa buhay

    ng manok ang una nating pagaralan, ang paglalaban.

    Pamamagitan lamang sa paglalaban tayo magiging

    dalubhasa sa pagkilala sa manok na magaling. Pamamagitan ng

    ating panay na pagpunta sa sabungan, pagalaga at paglaban ng

    sariling mga tinale, tayoy masasanay at maging bihasa sa pagtingin at pagkilala sa magaling na manok. At ito ang

    magbibgay ideya sa atin kung anong uri ng manok ang ipalalabas

    sakaling pasukin na natin ang pagpapalahi.

    Kung magpapalahi tayo habang mangmang pa tayo kung

    anong uri ng manok ang nagpapanalo sa sabungan, wala tayong

    ideya kung anong uri ng manok ang ating ipalabas sa ating

    pagpapalahi.

    Unahin ang paglalaban. Pag dalubhasa na tayo dito, saka

    natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.

    Nararapat lang na ang manwal sa pagpili at paglalaban

    ang unang handog ng RB Sugbo sa masang sabungero dahil

    karamihan sa kanila ay sila mismo ang nagaalaga at naghahanda

    ng kanilang mga manok. At saka, mas marami sa atin ang

    naglalaban lang, kaysa nagpapalahi.

    Dito sa Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan

    ng Pagpili at Pagkundisyon ay matutuklasan ninyo:

    Kung paano nabuo ang MANA pamamagitan ng Tumbok

    Ang layunin ng MANA na ipaglaban ang sabong at pangalagaan ang kapakanan ng mga ordinaryong

    sabungero

    Ano ang susi patungong matagumpay na pagmamanok

  • The Title of Your Book

    9

    Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo, at ang negative selection

    Ang abot-kayang nutrisyon ng mga kampeon

    Ano ang tugmang mga ehersisyo para sa Pilipino knife

    Ang conditioning pyramid: hagdanan patungong tuktok

    Paano maging kasiyasiya ang sabong.

    Ang Quick energy: Creatine, glucose at ribose

    Ang bagong tuklas:Hindi na kailangan ang carbo loading.

    At, marami pang ibang bago ngunit subok na pamamaraan na maaring ngayon lang ninyo mabasa o marinig.

  • www.obooko.com

    10

    Paglinaw: Inihaw lang Upang mapanatiling buo ang integridad ng nilalaman ng

    Manwal na ito, ang RB Sugbo ay hindi humingi ng kahit ano

    mang tulong na kaugnay sa paglalabas nito, galing sa mga

    kumpaniya na gumagawa ng mga produktong pangmanok. Oo,

    kahit doon sa kanila na may produktong kabilang sa mga

    nabanggit natin at inirekomenda.

    Ang ating pagtukoy dito sa naturang mga produkto ay

    dahil totoong nasubukan natin ang mga ito at nagustuhan, hindi

    dahil sponsor o advertiser natin ang gumawa.

    Hindi rin na dahil tinukoy natin ang mga ito, ibig sabihin,

    ito na nga ang mga pinakamainam. Maaring ang ilan sa mga ito

    ay dahil lang na sa pagbigay payo natin sa ating mga kamana

    palaging may isang konsiderasyon tayong pinahalagahan- ang

    magtipid.

    Pagtitipid din ang dahilan kung bakit ang Manwal na ito

    ay payak at hindi mapagkunwari. Walang makukulay na mga

    pahina. Walang magagarang mga litrato.Dahil gusto nating

    makapagtipid nang kayoy makapagtipid din. At, isa pang dahilan bakit hindi nating makaya na maging

    magara ang Manwal na ito, ay dahil nga, hindi tayo kumuha ng

    advertisement at sponsorship na sanay makatulong sa gastusin at

    makadagdag sa dami ng pahina.

    Datapwat kaunti ang mga pahina, puno naman ng

    kaalamang praktikal, kaalaman na magagamit at makakatulong.

    Ang nilalaman ng bawat kabanata ay bunga ng masugid na

    pagsiyasat, at pananaliksik, matinding pagsubok at mahabang

    karanasan ng RB Sugbo Gamefowl Technology.

    Kung sa pagkain pa, ang Manwal na itoyy inihaw na baboy. Walang maraming rekados, ngunit nandiyan ang laman at

    sarap.

    Sinadya natin na maging payak, simple at manipis ang

    Manwal na ito upang makapagtipid tayo at makapamahagi ng

  • The Title of Your Book

    11

    kaalaman sa halagang abot-kaya ng masang nagmamanok, na

    siyang tunay na gulugod ng industriya, at kaninong kapakanan ay

    dapat pangalagaan.

    Ano man ang pagkukulang ng Manwal na ito ay

    mapupunan ng pagmamahal ng RB Sugbo sa masang sabungero.

    Para sa ano mang katanungan, paglilinaw o simpleng mensahe

    ukol sa nilalaman ng Manwal na ito, huwag mag atubiling mag

    text o tumawag sa numerong esklusibo lang sa inyo (0927-995-

    4876).

    Ito ay hindi pangkaraniwang manwal, kung hindi isang

    handog ng RB Sugbo sa masang nagmamanok at sagisag ng

    aming pakikiisa sa adhikain ng MANA.

  • www.obooko.com

    12

    Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya

  • The Title of Your Book

    13

    MANA: Dami at Pagkakaisa Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong

    mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay

    isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit

    na mapagkakitaan.

    Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong.

    Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol

    sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan.

    Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang

    manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang

    sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

    Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang

    manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang

    naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby,

    ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking

    sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa

    kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang

    masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng

    kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng

    sabong.

    Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok),

    isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero.

    Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

    1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga

    naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa

    darating na panahon, ang mga handlers,

    mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm

    hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad

    ng insurance, pension at iba pa.

    2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At,

    silay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon

  • www.obooko.com

    14

    ng angkop na materyales sa pagpapalahi at

    paglalaban.

    3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari

    kamakailan lang sa Estados Unidos, at

    ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay,

    industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na

    mana.

    4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng

    sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

    Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga

    layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

    Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni

    kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa

    pitak na Llamado Tayo, na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lumalabas sa

    pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer

    group of publications.

    Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa

    pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di

    nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

    Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa

    ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga

    kumpaniya tulad ng Sagupaan, Secret Weapon, Excellence

    Poultry & Livestock Specialist, at Thunderbird.

  • The Title of Your Book

    15

    Ikalawang Bahagi: Papili at Pagkundisyon

    Midnight grey, isa sa mga sariling linyadang binuo ng RB Sugbo GT.

  • www.obooko.com

    16

    Pagpili: Susi sa Tagumpay

    Ano ang Susi sa Pagpili? Ang susi sa matagumpay na pagsasabong ay ang wastong

    pagpili. Kaya sa manwal na ito ay binbigyan natin ng

    kahalagahan ang aspeto ng pagpili. Ang magaling na

    nagmamanok ay magaling sa pagpili. Ano mang pamamaraan sa

    pagkundisyon, pagsanay at pagpakain ay walang magagawa

    upang mapagaling ang manok na kulang sa likas na kagalingan.

    Ang magaling na nagmamanok ay bihasa sa pagpili ng

    magaling na manok. At, alam niya kung paano pananatiliing

    magaling ang magaling na manok pamamagitan ng wastong

    pagalaga at pagkundisyon.

    Ngunit iba-iba ang pamantayan ng mga sabungero sa

    pagpili. At ang pamamaraan at batayan sa pagpili ay nag iiba rin

    kasabay sa paglipas ng panahon at pagpalit ng konsepto at pag-

    iba ng dimensiyon ng sabong na bunsod ng paglabasan ng mga

    bagong lahi ng manok at sistema sa pagmamanok.

    Dahil nga ang pagpili ay ang susi sa tagumpay sa

    pagsasabong, sa sumusunod na mga talataan ng kabanatang ito,

    ay subukan nating tuklasin ang susi sa pagpili

    Unahin mga konkretong katangian

    Kung noong araw ang mas binibigyan ng kahalagahan sa

    pagpili ng manok panlaban ay ang kagalingan sa bitaw, ngayon,

    kung kailan napakahigpit na ng kumpetisyon, ang payo natin ay

    ang unahin ang mga konkretong katangian tulad ng uri o kalidad,

    hugis ng katawan at balanse, tamang tangkad, at kisig.

    Magkaganoon paman, dapat mahigpit din ang ating

    pamantayan sa pagpili ng manok pansabong batay sa kagalingan

    sa bitaw. May mga epektibong pamantayan na makakatulong sa

    pagpili batay sa kagalingan sa bitaw.

  • The Title of Your Book

    17

    Cutting ability

    Killing is the name of the game. Kaya ang

    pinakamahalagang katangian ng manok sa pakikipaglaban ay ang

    kakayahan nitong pumatay.

    Kagalingan sa pagpaa. Cutting ability sa Inglis.

    Ang kagalingan sa pagpaa ay matitiyak lang sa panahon

    ng tunay na laban sa sabungan. Kahit ang mga dalubhasa ay hindi

    makapagsalita ng tapos kung sa bitaw lang ibatay ang

    pagpahalaga sa kagalingan sa kating.

    Tapang, tibay at lakas

    Tapang, tibay at lakas. Ang mga itoy kinakailangan ng

    manok upang manatili sa laban hanggang sa kahulihulihang

    sandali. Tapang ay kailangan upang magpatuloy ang manok sa

    pakipaglaban kahit malubha nang sugatan. Tibay ay upang

    makatayo, makalapit pa sa kalaban at makapalo kahit malubha na

    ang tama. At, lakas para maari pang makapalo ng may sapat na

    lakas na makapatay sa kalaban.

    Kailangan magkasama ang tatlong kakayahang ito.

    Aanhin ang tibay at lakas kung aayaw na ang manok. Aanhin

    naman ang tapang at lakas kung walang tibay at lugmok o

    lupaypay kaagad ang manok sa unang tama pa lang. Bale wala

    naman ang tapang at tibay kung walang sapat na lakas ang palo

    ng manok upang makapatay o makasugat man lang ng malubha

    sa kalaban.

    Kailangan magkasama ang tatlong ito, upang ang manok

    ay may kakayahang manatili sa laban hanggang sa

    kahulihulihang sandali, at maaring pang makabalik kahit malubha

    na ang tama.

    Utak, liksi at bilis

    Kung ang manok ay matalino, malalaman nito ang dapat

    gawing sa bawat sitwasyon. Alam nito kung bagay bang pumalo,

    o mag-abang muna. Dapat bang umangat o umilag. O kayay umatras o umabante.

  • www.obooko.com

    18

    Ang liksi ang magbibigay paraan upang magawa ng

    manok ang nararapat at ninanais nitong gawin. Iutos man ng utak

    na dapat umangat o pumalo, hindi ito magagawa ng manok kung

    itoy walang sapat na liksi. Halimbawa dahil matalino ang manok

    ay alam nito na sa partikular na sitwasyon kailangan niyang

    umangat. Ngunit kung kulang ito sa liksi upang gawin ang pag

    angat, hindi ito makakaangat.

    Bilis ang kinakailangan upang magawa ng manok ang

    dapat gawin bago ito maunahan ng kalaban. Gustuhin man ng

    utak ang umangat, may sapat naman sanang liksi ang manok na

    gawin ito, ngunit kung kulang sa bilis maaring patamaan na ito

    ng kalaban bago makaangat.

    Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo Ang wastong pagpili ng manok pang sabong ay ang

    pinakasusi sa tagumpay. Kaya sa ating pitak na Llamado Tayo,

    na lumalabas arawaraw sa pahayagang Tumbok, marami sa mga

    katanungang natatanggap natin ay hinggil sa pagpili.

    Oo, mga katanungang tulad ng alin ang pinakamahusayng

    laro ng manok? Ang abang at angat? Ang agresibo at mabilis? O,

    ang mailag at nagaantay lang sa ibaba?

    Ang mga itoy istilo sa pakipaglaban, at tayoy may kanya-kanyang hilig na istilo. Malamang tayoy naimpluensyahan ng ating mga malimit na kasama at kabarkada

    sa sabong. Maari ring sa ating panay na pagpunta sa sabungan at

    pag panuod ng laban ay nakabuo tayo ng sariling pamantayan sa

    pagpili.

    Halimbawa, marami sa mga baguhan ay mahilig sa manok

    na agresibo, yong palo ng palo. Samantalang ang mga matagal-

    tagal na sa pagmamanok ang gusto naman ay ang abang at angat.

    Kung istilo ang paguusapan, mahirap masabi alin talaga

    ang pinakamaige. At saka mahirap kung istilo ang ating gawing

    batayan sa pagpili dahil, halimbawa, may abang na magaling,

    may abang din na mahina. Ganoon din sa mga agresibo, at iba

  • The Title of Your Book

    19

    pang mga istilo. Kaya tayo sa RB Sugbo mas binibigyan natin ng

    kahalagahan ang mga katangian kaysa istilo. Halimbawa bangitin

    natin dito na ang manok na sugod ng sugod ay malimit matalo sa

    manok na nag-aabang. Totoo. Pero hindi ang pagiging agresibo

    ang nagpatalo sa manok na sulong ng sulong kung di ang

    pagiging bobo nito. Sumusulong kahit hindi dapat. May manok

    na agresibo ngunit matalino. Sulong ng sulong nga pero panay

    naman ang patama sa kalaban.

    Cutting ability; tapang, tibay at lakas; at utak, liksi at bilis.

    Ang mga ito ang mga kanaisnais na katangian na gusto nating

    taglay ng manok sa kanyang pakikipaglaban.

    Hindi ang istilo sa pakikipaglaban, kung di ang mga

    katangian ang mas maigeng gamiting batayan sa pagpili ng

    manok base sa kagalingan sa bitaw. May mga nagmamanok ng

    binabatay ang kanilang pagpili sa istilo na nakakahiligan nila.

    May mga sabungero na ang gusto ay manok na angat sarado. Ang

    iba naman ay yong agresibo at palo ng palo ang hilig. Delikado

    ito. Dahil kalimitan nabubulagan sila sa mga kahinaan na taglay

    ng manok kung ang istilo nitoy angkop sa kanilang gusto. Mas mahalaga na taglay ng manok ang mga kanaisnais na mga

    katangian, na nabanggit natin, maging ano pa man ang istilo nito

    sa pakipaglaban. Ang istilo, tulad ng angat, ay maapektuhan ng

    istilo ng kabilang manok, halimbawa, kung ang kalaban ay hindi

    rin papasok. Samantalang ang mautak na manok ay mananatiling

    mautak kabila ng pagiging mautak din ng kalaban. Ganoon din

    ang manok na matapang, malakas, mabilis at maliksi. Mananatili

    itong taglay ang katangian ano paman ang istilo ng kalaban o ano

    pa man ang kakayahan nito.

    Hindi ang pagiging angat o pagiging shuffler ang dahilan

    bakit manalo ang isang manok, kung hindi ang cutting ability,

    tapang, tibay at lakas, at utak, liksi at bilis. Sa pagpili ng manok

    panlaban, katangian at hindi istilo ang mas bigyan halaga.

    Negative selection

  • www.obooko.com

    20

    Kabilang din sa mga makabagong pamamaraan sa pagpili

    ang pagbantay sa mga negative traits. Hindi dahil ang manok ay

    may cutting ability, may tapang, tibay at lakas, may utak, liksi at

    bilis, itoy isa nang alas. Ang isang malaking pagkakamali ng

    marami ay ang kamangmangan pagdating sa mga negative traits.

    Maraming sabungero ang sanay na tumingin ng mga kanaisnais

    na katangian ng manok sa pakipaglaban, ngunit wala silang ideya

    na naipag-sawalang bahala pala nila ang nga negatibong

    kaugalian.

    Makikita ang kamaliang ito kahit sa mga malalaking

    derby tulad ng world slasher Cup at ibang international derby.

    Marami ito sa mga labanan ng stag tulad ng Bakbakan at Heritage

    Cup. Hindi kasi ito madaling mapansin, lalo na kung ang manok

    ay nagtataglay ng mga kanaisnais na katangian. Ang bilis,

    halimbawa, ay makakapagtago sa ilan sa mga kapintasan, dahil

    mabubulagan tayo sa bilis at hindi na natin mapansin ang

    negative traits ng manok.

    Anu-ano ang mga negatibong katangian?

    . (Kung nais nyo ng buong kaalaman, mag oder ng

    kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery to your

    address. To order text 0927-995-4876)

  • The Title of Your Book

    21

    Abot Kayang Nutrisyon ng Kampeon

    Ang katawan ay nangangailangan ng sustansya upang

    gumana. Ito ay ang carbohydrate, protein, fats, at vitamins and

    minerals. At saka, tubig. Ibigay sa manok ang lahat ng mga ito sa

    tamang proporsyon.

    Ngayon mabibili na sa merkado ang mga pakain na taglay

    ang mga nutrisyong ito, at sa tamang proporsyon para sa manok

    panabong. Hindi katulad noong araw na tayo pa ang gumagawa

    ng sariling halo na sa palagay natin ay angkop. Noong araw

    napakaraming pang food suplement ang pinaghalohalo natin tulad

    ng dog food, carrots, kamatis, ibat-ibang grains, mga juice at pati na milk, na hindi pala dapat ipakain sa manok. Ngayon

    impraktikal na ang ganito. Maliban sa nakakapagod, hindi pa

    tiyak kung tama ba ang proporsyon ng sustansya. Makabibili na

    tayo sa merkado kumpletong pakain sa tamang proporsyon pang

    manok. Ang hangganan lang ay ang ating kakayahang pinansyal.

    Tuwi-tuwinay kailangan pa rin natin magsuplemento, pero hindi na marami at ibat-iba.

    Sa mga pakain na mabibili sa merkado ay may mamahalin

    yong pangkundisyon. May medyo mura naman, yong pang pre-

    con at maintenance. Kung magtitipid tayo pwede nang

    pangkundisyon kahit yong mga pang maintenance na sinasabi.

    Kung hindi naman tayo sa big time maglalaban, at hindi naman

    kalakihan ang ipupusta natin, bakit pa tayo gagastos ng malaki?

    May mga conditioning pellets, tulad ng Sagupaan

    Winning Line, Thunderbird Platinum, at iba pa. Matataas ang

    crude protein (CP) content ng mga ito, nasa 22%. Ngunit may

    kamahalan din. May mga ordinaryong pellets naman tulad ng

    PDP (Pullet developer pellets) pigeon pellets, at mga

    maintenance pellets. Nasa 16-18% lang ang CP ng mga ito. Kung

  • www.obooko.com

    22

    ang mga ito ang gagamitin natin at ang nais natin ay taasan ang

    protina sa ating pakain pwede tayong magsuplemento ng atay ng

    baka o kayay itlog. Pwede rin na haluhan natin ng BSC (Broiler starter crumbles) dahil 22% ang protina nito. O kayay haluan ng kaunting protein expander pellets. Mas makatipid pa rin tayo

    kaysa puro hi-protein pellets ang gamit natin.

    Talagang angat sa kalidad ang mga mamahalin na pakain

    ngunit hindi ibig sabihin na hindi uubra ang mga pangkaraniwang

    pakain.

    Suplemento Kung tayoy magsusuplemento, iwasan nalang siguro

    nating ang mga hormone, steroid, stimulant at iba pang uri ng

    mga druga.Mahirap maperpekto ang paggamit sa mga ito. Iba-

    ibang indibidwal ay may ibat-ibang pagtanggap at reaksyon sa druga. Maaring ang dami o dosis na maganda ang epekto sa isang

    manok ay makakasama naman sa ibang manok. Kahit ngayon, sa

    panahon ng makabagong pamamaraan, hindi pa sapat ang

    pagpananaliksik upang maging tiyak ang magandang epekto ng

    druga sa manok pansabong.

    Multi vitamins, minerals at mga natural na nutrisyon lang

    ang idagdag natin. Halimbawa ang atay ng baka at itlog ng

    manok ay mga maiigeng protein supplement. Para sa bitamina at

    mineral may mga MVEs tulad ng Electrogen D Plus at Selectrogen. Hindi mahal ang mga ito at napakamadaling ibigay

    dahil ihalo lang sa tubig.

    Walang sekretong at mapaghimalang gamot na mag-isang

    magiging sanhi ng pagpanalo. Bitamina man ito o mineral, o B

    complex, B15 o ano man. May kanya-kanyang gamit at kailangan

    magtulungan ang mga ito upang umubra ng husto ang katawan.

    Lalo nang walang magic na druga, maging hormone,

    steroid, stimulant man o ano pa, na makakatiyak ng panalo.

    Blood conditioning

    Ang dugo ang nagdadala ng sustansya, enerhiya at oxygen

    sa kalamnan at ibat-ibang parte ng katawan kaya

  • The Title of Your Book

    23

    napakamahalaga na itoy nasa tamang kundisyon. Ang mga bitamina B complex, partikular ang B12, at mineral na iron ay

    maiigeng blood conditioner. Pinaparami ng mga ito ang

    hemoglobin sa dugo. Ang hemoglobin ang nagdadala ng oxygen

    sa ibat-ibang parte ng katawan, pati na ang utak. Ang kakulangan ng oxygen sa utak ay isa sa mga sanhi kung bakit ang

    manok ay mag pass out.

    Ang B15 o pangamic acid ay makakatulong bilang

    vasodilator. Pinaluluwang nito ang mga blood vessels at tissues at

    maging mas marami at malakas ang daloy ng dugo.At dahil

    maluwang ang blood vessels mas marami ding body heat ang

    maipalabas ng manok at makakatulong sa thermal regulation o

    ang pagkontrola sa init sa katawan.

    Energy boosting Sa pag-ehersisyo, sa aktwal na laban, at sa ano mang

    gawain na gumagamit ng enerhiya, ang katawan ay umaasa sa

    tatlong magkaibang proseso. Ang mga itoy ang ATP-CP pathway, ang glycolysis, at ang electron transport chain.

    Ang pagaaral ng RB Sugbo sa mga ito ay kabilang sa mga

    sanhi ng pagdagdag natin ng ilang makabagong dimensiyon sa

    pagkundisyon. Subalit masyado nang teknikal kung tatalakayin

    natin ang mga ito ng husto. Mahalaga lang na malaman natin na

    sa tatlo ang ATP-CP pathway ang mas kinakailangan ng manok

    sa uri ng laban natin dito sa Pilipinas na ang ginagamit na sandata

    ay ang slasher o long knife.

    Sabihin na lang natin na ang ATP (Adenosine

    Triphosphate) ang panggatong sa apoy ng enerhiya sa katawan.

    Sa unang mga saglit ng labanan ang ginagamit ng katawan ay ang

    ATP na laman na ng muscles sa panahong iyon. Kapag nagamit

    na ang ATP, itoy magiging ADP (Adenosine Diphosphate) Dalawang phosphate molecules na lang sa halip na tatlo sa ATP.

    Sa kabutihang palad, maaring maagapan ito ng creatine

    phosphate (CP) pamamagitan ng pagbigay ng phospate molecule

    nito sa ADP. Ngayon, ang ADP ay balik sa pagiging ATP at

  • www.obooko.com

    24

    maari na namang gamiting panggatong upang makagawa ng

    enerhiya ang kalamnan.

    Ang kinakailangan naman upang maging mas mabilis ang

    prosesong ito ay ang ribose. Kung mapabilis ang proseso sa pag

    recycle ng ATP hindi agad maubusan ng ATP ang kalamnan.

    Kapag naubusan ng ATP sa muscles, ang katawan ay

    aasa na sa dalawang iba pang proseso ang glycolysis at electron

    transport chain. Medyo mabagal ang mga prosesong ito kaya

    lalabas na pagod ang manok habang naghihintay sa panggatong

    sa paggawa ng enerhiya.

    Kaya mas maige na paigtingin natin ang ATP-CP energy

    pathway pamamagitan ng pagbigay ng creatine at ribose. May

    mga nagkukundisyon na ang ginagamit ay ang creatine na pang

    tao. Sa katunayan mabibili na ang mga creatine na pang tao sa

    mga agrivet outlets. Muli, babanggitin natin na delikado gumamit

    ng pang tao at baka, tulad ng paggamit ng druga, hindi natin

    makuha ang dosis na tama pang manok.

    Tayo sa RB Sugbo, ang binibigay natin ay ang

    produktong pang manok na Voltplex KQ. May taglay itong

    creatine, coQ10, at L carnethine na nagpapalakas pa sa muscles

    ng puso. Para sa ribose naman, ang ginagamit natin ay ang

    Reload Plus. Produktong pang manok din ito. B50/2 Forte,

    Respigen 15, Voltplex KQ at Reload Plus ang ating mga

    suplemento kung malapit na ang laban, at sa araw mismo ng

    laban.

    Halimbawa ng pakain

    Ngayon na may ideya na tayo sa mga sustansya na

    kailangan ng manok, maari na trayong makapagpasya kung

    anong pakain ang ibibigay sa ating mga panabong.

    Tiyak, para sa ating mga masang sabungero, ang dapat ay

    yong di gaanong mahal, at madaling ihanda dahil tayo lang ang

    nagaalaga sa ating mga manok, kasi hindi natin kayang

    magsuweldo pa ng tagapagalaga. Kailangan simple at madali lang

  • The Title of Your Book

    25

    ihanda para hindi magiging sagabal sa iba pa nating gawain tulad

    ng paghanapbuhay. Mahalaga na may sapat itong sustansya

    upang hindi na kailangan bumili pa tayo ng maraming

    suplemento, na dagdag gastusin na naman.

    Ang sumusunod ay isang halimbawa ng naturang pakain:

    Apat na parte ng Thunderbird GMP na grower

    maintenance pellets o kayay special pigeon pellets; tatlong parte Power Bullet Asintado; at tatlong parte Thunderbird Platinum ok

    kayay Derby Ace Power Conditioner pellets. Ito ang gawing pellet mix. Makatitipid tayo sa mix na ito dahil isa lang sa tatlo

    ang conditioner pellets. Ang GMP at Asintado ay mga

    maintenance pellets lang.

    Para sa ating grain mix ang gamitin ay ang Thunderbird

    multi grain concentrate o ano mang magandang concentrate na

    available sa inyong lugar. Concentrate lang at hindi grain

    conditioner ang gamitin, mahal ang mga ito.

    Ang halo ay 60-70% pellet at 30-40% grains. Sapat ang

    crude protein nito nasa 17-18%. Ang halaga naman nito ay nasa

    kulangkulang P30 ang kilo.

    Gumagamit tayo ng GMP dahil ayos naman ito at abot-

    kaya ang halaga; ng Asintado dahil may taglay itong mga blood

    conditioner; Platinum o Derby Ace conditioner pellets dahil sa

    taglay na creatine. Medyo kumpleto na ang diet na ito. Hindi na

    kailangan ang marami pang suplemento.

    Napakadali rin nitong ihanda. Hugasan lang ang grains,

    ihalo sa pellet mix at ibigay sa manok.

    Regular lang tayong maghalo ng electrogen D Plus sa

    inuming tubig sa umaga. May bitamina, mineral at glucose ito

    para enerhiya. Saka na tayo magbigay ng karagdagang

    suplemento sa peaking at pointing periods, isang linggo bago ang

    laban (basahin sa kabanata hinggil sa conditioning pyramid).

  • www.obooko.com

    26

    Pagsasanay na Angkop sa Pilipino Knife Dekada 60 nang magsimulang nagsidatingan sa bansa ang

    mga manok Amerikano. Malaki ang lamang ng mga Texas sa

    abilidad, tapang at lakas kung ihambing sa mga native tinale kaya

    nagpapanalo ang mga ito. Hindi naman nagpahuli ang iba pang

    may kayang sabungero kayo dumami ng dumami ang mga

    imported na manok.

    Bunsod ng pagdami ng mga manok Amerikano, ay

    nainpluwensiyahan din ang ating pagpapakain at pagaalaga ng

    manok tinale. Sinunod ng mga sabungerong Pilipino ang

    natutunan nila sa mga Amerikano nagmamanok. Ngunit hindi

    pala dapat. Napakalaki ng kaibahan sa uri ng laban sa Amerika sa

    ating nakasanayan dito. Doon magtatagal ang labanan dahil gaff

    o kayay short knife ang kinakabit sa manok. Dito ginagamit natin ay ang Pilipino slasher knife. Napakadali matapos ang

    labanan dito sa atin.

    Kaya iba ang nararapat na ehersisyo sa manok para sa

    Pilipino knife sa manok na para sa gaff o kayay short knife. Para sa atin ang mga maiinam na ehersisyo ay ang kahig, sampi,

    handspar, bitaw, at ang rotation o paglipatlipat sa manok sa ibat-ibang kinalalagyan ilang beses sa bawat araw.

    . (Kung nais nyo ng buong kaalaman sa ibat-ibang

    pagsasanay na angkop sa long knife, mag oder ng kopya ng

    Manwal na ito P300 lang including delivery to your address.

    To order text 0927-995-4876)

  • The Title of Your Book

    27

    Ang Ibat Ibang Pasilidad Sa pagkundisyon ng manok ay may ibat-ibang pasilidad

    at gamit na kinakailangan. Sa sistema natin ng rotation exercises

    kinakailangan natin, maliban sa cord, ang ibat-ibang mga uri ng conditioning pens. Ang conditioning pens ay yong mga ginagamit

    sa pagkundisyon. Mayroon din kasing mga breeding pens ang

    ginagamit sa pagpapalahi; at may mga growing pens, ang

    kinakailangan sa brooding at pagpalaki ng mga sisiw sa hindi pa

    pawalan sa pagalaan.

    Ang ating mga conditioning pens ay hinati natin sa

    dalawang uriang exercise pens at ang rest pens. Ang exercise pens ay para sa pag-ehersisyo ng manok. Ang rest pens ay para sa

    pagpapahinga ng manok.

    Ang ating mga exercise pens ay: ang big pen, fly pen,

    scratch pen, running pen, at scratch box. Ang mga rest pens

    naman ay ang multipurpose pen, pointing pen, limber pen, at ang

    stall o kulungan.

    (Kung nais nyo ng buong kaalaman sa ibat-ibang

    pasilidad para pagsasanay na angkop sa long knife, mag oder

    ng kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery to

    your address. To order text 0927-995-4876)

  • www.obooko.com

    28

    Pagpatuktok: Stress Management Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon ng RB Sugbo

    Gamefowl Technology upang isalin sa Pilipino ang salitang

    Inglis na pointing. Ang ibig kasing sabihin ng mga Amerikano sa

    paggamit ng salitang pointing kung ang manok ang pagusapan ay

    peaking. Ang pagdala sa manok sa peak ng kakayahan. Ito ang hangad natin sa pagpatuktok, ang marating ng manok ang tugatog

    o tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa mismo oras ng laban.

    Ang pagpatuktok, ay isa sa mga aspeto ng pagkundisyon na

    pinagaralan natin ng husto. Ito ang huling yugto, kung magkamali

    tayo dito, maaring maging pinal na ito. Maaring wala nang

    panahon upang ituwid ano man ang pagkakamaling iyon.

    Ayon sa nakasanayang katuturan o depinesyon, ang

    pagpatuktok ay ang pagpapahinga, pagkontrola ng tubig sa

    katawan ng manok at timbang, at carboloading. Sa atin, sa RB

    Sugbo Gamefowl Technology ang ating makabagong palagay ay

    na ang pagpatuktok ay simpleng stress management lang.

    Sa ating conditioning pyramid, ang pagpatuktok ay sa

    araw ng laban lang. Ngunit ang proseso ng stress management at

    energy priming any nagsimula ilang araw bago ang araw ng

    laban, na sakop sa tinatawag natin na peaking period.

    Stress management

    Ang makabagong konseptong ito ng RB Sugbo ay

    nakasalalay sa prinsipyo na ang stress ay mitsa ng pag bugso ng

    adrenaline o ang tinatawag na adrenaline rush. Ang adrenaline ay

    isang hormone sa katawan. Ang pagbugso nito ay bahagi ng

    natural defense mechanism ng katawan sa gitna ng panganib.

  • The Title of Your Book

    29

    Sa panahon na gumagana ang adrenaline, ang tao o hayop

    ay mas matapang, malakas at mabilis kaysa pangkaraniwan. Tayo

    sa panahon na may sunog, halimbawa, ay mabubuhat natin ang

    mabigat na bagay. Kapag hinahabol tayo ng itak, ang tulin natin

    tumakbo. Ang mga sundalo pag nakarinig ng putok ay

    makararama ng nakaiibang katapangan.

    Paglipas naman ng adrenaline rush, ang pagkahapo ang

    papalit. Ito ang sanhi ng pagiging off ng manok. Kaya ang layunin sa pag pamamahala natin sa stress, ay hindi ang pagiwas

    nito, dahil sa sabungan, sa dami ng tao, ingay at nakakaaibang

    kapaligiran, hindi maiiwasan na makakaranas ng stress ang

    manok. Ang gusto natin ay ang itaon ang stress at pagbugso ng

    adrenaline sa panahon ng paglalaban.

    Hindi natin maiiwasan ang stress. Gamitin nalang natin.

    Quick energy loading, hindi basta carboloading

    Sa panahon ng adrenaline rush, ang katawan ay

    mangangailangan ng sapat na enerhiya upang suportahan ang

    pangangailangan na maging malakas at mabilis. At, dahil biglaan

    ang pagbugso ng adrenaline kailangan ang instant energy. Kaya

    tulad ng nasabi natin sa naunang kabanata, ATP-CP quick energy

    pathway ang ating pagtuunan ng pansin. Ang kailangan ng

    manok ay pakain na may mataas na antas ng glycemic index.

    Kailangan din ang suplemento ng creatine, glucose at ribose.

    Isang bagay na mapait siguro lunukin ng maraming

    nagmamanok at mga nagtuturo ng pointing sa mga cocking

    schools, academy, magazine at telebisyon ay ang katotohanan na

    ang carboloading o glycogen loading ay hindi kinakailangan sa

    uri ng sabong natin dito sa Pilipinas. Ang nangangailangan ng

    carboloading ay ang mga atleta na sa endurance na kumpetisyon

    lumalaban tulad ng triathon, marathon at long distance cycling.

    Sa sabong , saglit lang tapos ang laban.

    Ang kailangan ng manok ay hindi ang maraming

    glycogen sa atay kung hindi ang glucose sa dugo na agad agad

  • www.obooko.com

    30

    magagamit. Dapat, mga pakain na mataas ang glycemic index

    (GI). Ibig sabihin,mga pagkain na madaling magpatataas ng sugar

    level sa dugo, kahit na madali rin ang pagbaba nito dahil, yon na

    nga, madali lang matapos ang labanan ng manok. Halimbawa

    may mga uri ng bigas na mataas ang GI tulad ng sticky rice at

    parboiled rice. Sa mga prutas naman ang patatas, kamote,

    watermelon at kalabasa. Mataas rin ang GI ng mga cornflakes,

    popped corn, at rice krispies. Kung gagamit ng mais ang fine corn

    ang pinakamaige. Katuwang sa pagbigay ng mga high glycemic

    na pakain ay ang pag suplemento ng creatine at ribose, dahil sa

    mga katwiran na natalakay na natin sa naunang kabanata.

    May mga pagkain na mayaman man sa enerhiya ay hindi

    mataas ang glycemic index. Karamihan ay yong mataas ang fiber

    content tulad ng whole corn at ibang grains na may balat pa, at

    mga prutas tulad ng saging at mansanans. Matagal tagal bago

    mapataas ng mga pagkaing ito ang sugar level sa dugo. ngunit

    mas mahabahabang panahon naman ang lilipas bago bababa ulit

    ang sugar sa dugo. Sa matagalan na kumpetisyon magagamit ito

    ng husto kasi magsisilbeng time-released energy ito.Ang mga ito

    ang ginagamit sa pag-carboload, na para sa atin ay hindi naman

    kinakailangan ng manok.

    Ang tinutukoy natin ay ang nakasanayang pamamaraan ng

    pag-carboloading na tinuturo ng iba. Ang pamamaraan na

    magbibigay ng mas mataas na bahagdan ng carbohydrate simula

    tatlo o dalawang araw pa bago ang laban. Sa pagaaral natin hindi

    na kailangan ito, lalo nat kung ang sistema ay tulad din ng tinuturo ng iba na umpisahan ang keeping o pagpahinga sa

    manok sa loob ng kulungan dalawang araw bago ang laban. Sa

    ganitong sistema sa pagpapahinga, hindi na gaanong gumagamit

    ng enerhiya ang manok kaya hindi na ito magkakailangan ng

    naraming carbohydrate.

    Tayo nga, hindi na tayo nagka-carboload, kahit na ang

    sistema ng ating pagpapahinga ay ang tinatawag nating active rest. Hindi natin pinapasok ng matagal ang manok sa kulungan,

  • The Title of Your Book

    31

    maliban lang sa araw ng laban. Kung paminsanminsan ay

    pinapasok natin sa kulungan ito ay upang ang manok ay masanay

    at di manibago pagdating sa araw ng laban.

    Ang RB Sugbo ay dati ring nagka-carboload. Ginawa din

    natin ito, at hindi naman kasamaan ang naging resulta. Ngunit sa

    ating pagpapatuloy na pagsisiyasat at pag esperimento ay natukoy

    natin ano ang talagang dapat. Hindi naman nakakasama ang

    carboloading, ang sinasabi lang natin ay hindi na kailangan. Ang

    kailangan ay ang pagtiyak lang na may sapat na glucose sa dugo

    at creatine at ribose sa kalamnan sa araw ng laban.

  • www.obooko.com

    32

    Makabagong Pamamaraan

    Ng RB Sugbo sa Pagkundisyon

    Ang pamamaraan ng RB Sugbo sa pagkundisyon ng

    manok panabong ay medyo naiiba sa nakasanayan ng maraming

    sabungero. Ang sa atin ay hindi 14, 21 o 28-day keep tulad ng sa

    marami. Sa iba ay may kalendaryo kung saan nakalagay anu-ano

    ang mga gawain sa bawat araw mula day 1 hanggang araw ng

    laban.

    Ang ganitong pamamaraan ay magandang tingnan sa

    programa ngunit sa praktikal magkakaproblema dahil sa kawalan

    ng flexibility. Hindi lahat ng manok ay magkatulad ng reaksyon.

    Maaring ang iba ay mapaaga ang pag-peak, samantalang ang iba

    naman ay wala pa sa tuktok pagdating ng araw ng laban.

    Ang sa atin ay parang hagdanan. Ang lahat ng manok ay

    dadaan sa unang baitang, ang foundation stage kung kailan inaayos natin ang mga kakulangan ng manok sa pisikal, mental at

    nutrisyunal na aspeto. Inaayos muna natin ang pangangatawan,

    ang kundisyon ng mga kalamnan at ang pokus ng manok sa

    pakikipaglaban. Sa puntong ito pinaiiral natin ang tibay at lakas

    ng manok.

    Walang takdang bilang ng araw sa pagpananatili ng

    manok sa stage na ito. Kung sa ibang pamamaraan, kalendaryo

    ang nagdidikta, sa atin, ang aktwal na kundisyon ng manok ang

    makapagsasabi kung ang manok ay kailangan pang manatili sa

    baitang na ito o aakyat na sa susunod.

    Ang pangalawang baitang ay ang battle-ready stage. Dito ang pakain at pagsasanay ay nakatuon sa pagpairal ng bilis,

    liksi, at ang kakayahang makahugot ng quick energy na

  • The Title of Your Book

    33

    kakailanganin sa laban. Dito ang mga manok ay para nang boy

    scout na laging handa. Kung may nalalapit na laban, pagpipilian

    natin ang mga boy scout kung alinalin ang mga pinakahanda.

    Ang mga ito ang iakyat sa susunod na baitang, ang peaking period.

    Ang peaking phase ay ang huling isang linggo bago ang

    laban. Kasunod nito ay ang pangapat na stage, angpagpatuktok o pointing. Ito ay sa araw ng laban.

    Sa sistemang ito ang kundisyon ng manok ang

    masusunod hindi ang bilang ng araw. Ang sistema nating ito ay

    tinatawag natin na conditioning pyramid.

    (Kung nais nyo ng buong kaalaman hinggil sa RB

    Sugbo conditioning pyramid, mag oder ng kopya ng Manwal

    na ito P300 lang including delivery to your address. To order

    text 0927-995-4876)

    )

    Paghahanda sa Ulutan

    Ang paghahanda ng manok ay halos katulad lang kung sa

    derby o sa hackfight ito ilaban. May kaunting kaibahan lang

  • www.obooko.com

    34

    pagdating sa pagpatutok o pointing. Ang pagkakaibang ito ay

    mangyayari lang sa araw ng laban.

    Ang mga ito ang tandaan:

    1. Sa hackfight dahil inuulot ang manok, hindi ito mapapahinga tulad ng sa derby kung saan

    naghihintay lang tayo na tawagin ang laban.

    Kaya mahalaga na bihasa sa pag hawak ang

    handler upang hindi ito masyadong mahapo.

    2. Hindi dapat pagaanin o patuyuin ang katawan ng manok kung sa hackfight ilalaban. Dahil

    mainit sa ulutan at ang kamay ng handler na

    palaging may hawak ng manok ay may init din.

    3. Ang pagpakain ay dapat untiunti dahil hindi natin alam kung kailan ito mailaban. Basta ang

    tandaan huwag ilaban ng busog. Huwag din

    sobrang gutumin.

    4. Sa hackfight mas mahalaga ang mga quick acting energy aid tulad ng mga pakain na

    mataas ang glycemic index, at mga suplemento

    tulad ng glucose at Reload at Voltplex. Dahil

    wala ngang pahinga ang manok,

    nangangailangan ng enerhiya na pangpalit sa

    nagamit habang ito ay inuulot. Kailangan nito

    ang glucose, ribose at creatine.

    5. Huwag ilagay sa madilim na kulungan. Ang biglang liwanag galing sa dilim at ang

    panibagong kapaligiran sa ulutan ay maaring

    maging sanhi ng di napapanahong adrenaline

    rush at maagang pagtuktok. Kahit sa hakpayt,

    gamitin pa rin ang prinsipyo ng stress

    management.

  • The Title of Your Book

    35

    Dapat sa Ating Pagsasabong Ang pagunawa ay ang pundasyon ng kaalaman.

    Pagaralan natin, at higit sa lahat, unawain ang mga gawain na

    ugnay sa ating pagmamanok. Hindi sapat na alam natin ang mga

    gagawin. Kailangan alam natin bakit ang mga itoy gagawin. Hindi basta lang na alam natin kung anu-ano ang

    gagawin, at paano ang pag-gawa. Dapat maunawaan natin bakit

    ginagawa. Ito ang dapat sa pagmamanok, ganoon man sa tunay

    na buhay.

    It is not the what or the how that is important, but the why.

    Learn cockfighting a step at a time, backwards. Ang

    unang dapat pagaralan ay ang pagpili ng magaling na manok at

    ang paghanda nito. Pagpili at paglaban ang unang pagaralan hindi

    ang pagpapalahi at pagpapalaki ng sisiw. Hindi tayo

    magtatagumpay sa pagpapalahi kung hindi natin alam kung

    anong uri ng manok ang ating ipapalabas.

    Know what to seek and you will find.

    Dont leave luck to chance. Oo, naniniwala tayo sa

    buwenas at malas, ngunit huwag natin ito basta ipaubaya sa pa-

    suwerte lang. Tayoy mag-aral, magsikap, at magtiyaga. Ating gawin ang dapat gawin upang mapalapit sa atin ang

    suwerte. Kalimitan ang masuwerteng sabungero ay ang magaling

    na sabungero.

    Huwag na basta lang hintayin na mahulog ang mansanas.

    Sungkitin natin ito nang di tayo maunahan ng iba.

  • www.obooko.com

    36

    Hindi dapat na pabigat. Ang sabong ay isang magandang

    libangan at maaring mapagkakitaan. Ngunit makakasama ito

    kung maging pabigat sa bulsa.

    Kung matalo na tayo ng halagang higit sa nararapat; kung

    pati pera na dapat ilaan sa pamilya at ibang mas mahalagang

    bagay, ay naipatalo natin, ang sabong ay magiging isang

    masamang bisyo.

    Ganoon din kung sobra-sobra na ang gastos natin sa ating

    pagmamanok. Kaya magingat tayo at magtipid upang patuloy na

    kasiyasiya ang ating pagsasabong.

    Magsumikap na manalo ngunit maging handa sa

    pagkatalo. Walang tiyak sa sabong. Kaya hanggang ngayon ay

    wala pang natanghal na haring kampeon. Mahigpit ang labanan

    lalo na sa pinaka mataas na kumpetisyon tulad ng World Slasher

    Cup, Bakbakan, Heritage Cup at ibang mga bigtime derbies.

    Makitid lang ang agwat ng isang magaling na

    nagmamanok sa ibang magagaling na nagmamanok. At, nandiyan

    pa ang element of luck. Kaya dapat, kahit sino ka man, sa sabong

    maging handang tumanggap ng pagkatalo.

    Ang tatlong malalaking kasalanan sa ating pagsasabong

    ay: sobrang sugal, sobrang gastos, at sobrang espektasyon sa

    manok o sobrang bilib sa sarili..

  • The Title of Your Book

    37

    Piramide sa Pagkundisyon

    (Conditioning pyramid)

    (Kung nais nyo ng buong kaalaman hinggil sa

    Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon, mag

    oder ng kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery

    to your address. To order text 0927-995-4876)

    Pointing: Day of the fight

    *Stress management

    *Energy boosting

    Peaking Stage: 7 days before the fight

    *Slowdown on workouts * Blood conditioning

    * B Complex, B15, iron supplement * Build up creatine,

    glucose and ribose reserves

    Battle-ready stage: * Intense, quick exercises to develop capability for

    quick burst of energy * Hi-carbohydrate diet

    Foundation Stage: * To correct any physical, nutritional deficiency

    * Build up body and muscles * Develop strenght and stamina. *Hi-protein diet

  • www.obooko.com

    38

    About RB Sugbo

    Gamefowl Technology

    (Visit rbscal.webs.com)

    Measured against the eternity, our time on earth is just a blink

    of an eye. But the consequence of it will last forever. The deeds

    of this life are destiny of the next --- Rick Warren in his book

    the Purpose Driven Life.

    The above quotation is in dedication to a friend who

    passed away a few years ago. Ernesto ErningPanuncillo. To us, who had known him well, he was more than just a dedicated

    sabungero. Ever helpful to anybody who needed his expertise; he

    was extremely honest; and selfless, almost to a fault, he was

    indeed an epitome of a Filipino cocker.

    We called each other Sanga(partner in Cebuano).We were more than just cocking buddies. We were

    life-long friends like brothers indeed.

    He was always helping me in my cocking ventures.

    When I decided to go full blast with breeding some years back,

    he helped me sourced out top breeding materials.

    It was because of him that I was able to acquire the

    patriarch of all the RB Sugbo ponkan lines -- my favorite brood

    cock Ponkan, an EDL/Excellence sweater, who at the time was

  • The Title of Your Book

    39

    otherwise,definitely not for sale in the hands of his brother

    Arthur, proprietor of the cockers and agrivet product distribution

    chain,Pacific Barato.

    Most of all, he was the one who first mentioned my

    name to publisher Manny Berbano. It led to my writing for Pit

    Games and Llammado magazines, an opportunity I cherished

    most.

    Because of my knowing Manny I was able to acquire

    more top-quality imported and local materials; and, met in

    person, distinguished breeders, and legends of our time. And,

    because of Pit Games and Llammado, I gained new friends and

    customers from as far as the Ilocos regions in the north, and

    Basilan in the south, not to mention the many others outside the

    country. These things, I owed to Sanga.

    Erning was also instrumental to the mission-vision of

    RB Sugbo chicken venture. Sanga had repeatedly told me:

    Breed for the common sabungeros, the ordinary cockers and

    small time breeders who have neither the access nor the means to

    acquire expensive fowl. And, dont just sell them chickens, also

    afford them technology.

    His idea was that we will not just breed and sell fowl

    but also take active part in technology transfer, thus the name RB

    Sugbo Gamefowl Technology.

    On our part, with right technology, we could produce

    more good chickens at much lower cost. Therefore,we could

    priced our fowl at a level affordable to the common sabungeros.

    Now, RB Sugbo Gamefowl Technology is committed

    to helping the common sabungeros.

  • www.obooko.com

    40

    RB Sugbo breeds quality fowl affordable to the

    common sabungero. It is also engaged in the transfer of

    gamefowl technology, for as economically as possible. RB Sugbo

    GT has been doing this since 2003 . RB Sugbo is constantly into

    research on the different aspects of cockfighting such as

    selection, handling, conditioning, pointing, and effective knife

    designs.

    The Blakliz, one of the bloodlines created by RB Sugbo

    Gamefowl Technology. Named after wife Liz, the blakliz also

    carries the blood of Ponkan, the sweater broodcock from Doc Ayong Lorenzo, the patriarch of ponkan the bloodline and

    other RB Sugbo lines.

  • The Title of Your Book

    41

    Since 2007, RB Sugbo GT has been totally committed to

    helping Masang Nagmamanok (MANA) Inc., a nationwide

    movement championing the cause of the common sabungeros.

    Sugbo bloodlines such as the Ponkans and Sugbo Lemons,

    priced well within the reach of the common sabungero,are

    holding their own against respectable opposition.

    RB Sugbo publications are also well circulated among the

    common sabungeros, mainly through MANA. It also conducts

    seminars, trainings and at-farm-hands -on and/or on-line

    technology transfer.

    RB Sugbo GT is also technical and marketing consultant to

    a number of upstart breeders in the Philippines. Founder Rey

    Bajenting is also founder of MANA, writer in Pit Games and

    LLammado Magazines, Editor of Dyaryo Larga and founding

    director of Central Visayas Breeders Association (CVBA).

  • www.obooko.com

    42

    The Blueface of RB Sugbo. This bloodline is a very good

    blender with most other bloodlines. The RBS blueface came

    from good friend Jason Garces, who in turn got this valuable

    bloodline from Gov. Arthur Chongkee Uy of Davao.This

    particular cock in the photo has also been loaned to another

    friend Ben Dimaano. This cock is the patriarch

    \ of the sugbo blueface.

  • The Title of Your Book

    43

    Manwal ng Mana Sa makabagong

    pamamaraan ng pagpili at

    pagkundisyon (2008)

    Published worldwide by RB Sugbo GT Visit rbscal.webs.com

    Free Edition

    Copyright 2011 RB Sugbo GT

    This edition is available free of charge as service to the sabungero public by Masang Nagmamanok (MANA) Inc. and RB Sugbo Gamefowl technology; it may be amended and updated at any time by the author so please visit rbscal.webs.com to ensure you have the latest edition. Although free of charge, this work remains protected by Copyright and must not be sold in digital or printed form. Free circulation of this edition is, however, encouraged. You may forward this copy to friends.