Setyembre 2018 67 MGA BATA Pangangalaga at Pagbabahagi PANINGNINGIN ANG IYONG LIWANAG PADALHAN KAMI NG BITUIN! Hiniling sa atin ni Jesus na “lumiwanag nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao” (Mateo 5:16). Paano mo pinaniningning ang iyong liwanag? I-email sa amin ang larawan ng iyong bituin lakip ang iyong kuwento, retrato, at pahintulot ng magulang sa [email protected]. PAANO KA MAGNININGNING? • Magdala ng pagkain sa isang taong nangangailangan nito. • Magbigay ng pagkain sa isang community food bank. • Magbigay ng damit sa mga walang tirahan. Mahilig sa Science Marami kaming magagandang halaman at hayop sa aming isla. Nasa ika-apat na klase ako sa Ocean of Light Primary School, at science ang paborito kong subject. 66 Liahona Isang Malaking Isla at Isang Malaking Pamilya Nakatira ako sa isang malaking isla sa Tonga. Mayroon akong anim na kapatid na babae at apat na kapatid na lalaki, at nakatira ako malapit sa Nuku’alofa Tonga Temple. Mga Pagpapala ng Pagtulong Binibigyan ako ng Ama sa Langit ng malalaking pagpa- pala kapag tumutulong ako sa iba—hindi pagpapalang pinansyal kundi pagpapala ng karunungan at kaalaman. Gusto ko palaging tumulong at magbahagi sa iba ng kung ano ang mayroon ako. Pagkakarga ng mga Bunot Gumagamit ng mga bunot ang mga balong binibisita namin para ipanggatong sa pagluluto. Kapag dinadalhan namin sila ng pagkain, palagi kong ipinapaalala sa mga magulang ko na magdala rin ng mga bunot. Tumutulong ako sa pagkakarga ng mga bunot sa sasakyan at pagdidiskarga nito pagdating namin sa bahay ng mga balo. Pagbabahagi ng Aming Pagkain Nagtatanim ang tatay ko, kaya marami kaming pagkain. Pero maraming balo (mga babaeng namatayan ng asawa) at iba pang pamilya ang walang sariling mga pananim. Kaya dinadalhan sila ng mga magulang ko ng ilan sa aming ani. Palagi akong sumasama para tumulong! Ako si Lui, at pinaniningning ko ang aking liwanag sa pagbabahagi sa iba ng kung ano ang mayroon ako. Malo e lelei! MGA LARAWANG KUHA NI MICHAEL RAMIREZ