reading tree o B Isang Patnubay para sa mga Magulang at Tagapag-alaga Kasama sa maagang karunungan ang lahat ng nalalaman at natututuhan ng mga bata tungkol sa pagbasa at pagsulat bago sila tunay na magbasá at sumulat. Ang patnubay na ito ay nag-aalok ng impormasyon at mga aktibidad para sa inyo at inyong anak upang masiyahan at magdibelop ng maagang mga kasanayan sa karunungan nang kasama kayo. Ayon sa pananaliksik ipinapakita na ang mga bata ay nagsisimulang matuto o maging literate bago pa man sila matutong bumasa. Bilang mga magulang at tagapag-alaga, marami ka nang mga maagang aktibidad para sa karunungan na kabilang sa pang araw-araw na buhay ng inyong anak. Maaari niyong suportahan ang maagang pag-unlad ng karunungan ng inyong maliliit na anak ngayon pa lang sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pagkanta, paglalaro, pagsulat, at pagbabasa nang sama-sama. Tungkol sa Patnubay na ito Alam mo ba? Pagbasa Laging magbasá Gawing masaya, interactive, at espesyal na oras ang pagbabasá nang magkasama kayo. Hayaan ang inyong anak na pumili ng mga librong gusto nilang basahin ninyo nang magkasama. Basahin ang mga paboritong libro nang mahigit sa isang beses at magtanong habang binabasa niyo. Ituro at basahin ang mga naka-print na bagay sa paligid niyo tulad ng mga label ng pagkain, street signs, at listahan ng mga bibilhin. Ang pagbabasá ay isa sa mga pinakamabuting paraan upang tulungan ang mga bata na maging mahusay na mambabasa sa buong-buhay nila. Kapag nagbasá ka ng mga kamangha-mangha, nakakatawa, at mga kapana-panabik na kuwento sa inyong anak, ang mga ito’y mas malamang na nais matutong bumasa nang mag-isa kapag sila’y pumasok sa paaralan. Ang pagbabasá ay makakatulong din sa kanila na matutuhan ang mga bagong salita, mag-ugnay ng mga salita at mga larawan, at sundan ang isang kuwento mula sa umpisa hanggang katapusan. Ang mga tauhan ng library ay maaaring tumulong sa inyong buong pamilya na mag-sign up para sa libreng library card at maikonekta kayo sa ilang pinakamahusay na materyales at mga serbisyong magagamit niyo at ng inyong anak. Sa mga lokasyon sa buong Vancouver, ang library ay nag-aalok ng maraming resources upang suportahan kayo sa pakikipag-usap, pagkanta, paglalaro, pagsusulat, at pagbabasa nang kasama ang inyong anak, kabilang ang: Makakatulong ang Library! Ang mga bata, mga magulang, at tagapag- alaga ay maaaring manghiram ng picture books, mga rima o tugmaan, at mga kanta mula sa buong mundo sa iba’t ibang wika. Ang koleksyon ng library ay mayroon ding musika at videos na masasabayan sa pagkanta at pagsayaw sa inyong tahanan. Tingnan ang koleksyon: www.vpl.ca Mga libro, musika, videos, at marami pang iba Halina’t sama-samang magsayá sa iba’t ibang creative, pang-edukasyon, at masasayáng programa tulad ng storytimes, singalongs, at marami pang iba. Ang library ay nag-aalok din ng workshops para lamang sa mga magulang at tagapag-alaga upang makatulong na suportahan ang maagang karunungan sa tahanan. Tingnan ang calendar ng events: www.vpl.ca/events Storytimes, events para sa pamilya, at marami pa Bumisita at masiyahan sa paglalaro ng games, toys, at felt stories sa library na malapit sa inyo. Ang inyong lokal na library branch ay may mga lugar para sa inyong anak upang maglaro at gamitin ang kanilang imahinasyon. Maghanap ng isang branch: www.vpl.ca/branches Mga games, toys, at felt stories Kung may mga tanong? Bisitahin ang www.vpl.ca o kontakin kami sa [email protected] o 604.331.3603. Ang Vancouver Public Library ay nalulugod na mag- alok ng libreng picture book na ito para sa mga pamilyang taga Vancouver na may maliliit na anak. Ang pagbabasá nang malakas sa mga bata ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang suportahan ng mga nakatatanda ang pag-unlad ng wika at karunungang bumasa't sumulat sa mga unang taon ng bata, at ang library ay ipinagmamalaki na maging isang tagapagtaguyod ng tagumpay ng mga bata. Ito’y isang kamangha-mangha at mahalagang libro! Mula sa unang araw pa lang, ang isipan ng bata ay nagsisimula nang bumuo ng mga koneksyon sa mga bagay-bagay. Ang pagtataguyod ng maagang interes sa karunungan (literacy) ay lubos na mahalagang building block sa pag-unlad ng bata na may panghabang-buhay na epekto sa kalusugan at kagalingan (well-being). Ang librong ito ay isang masaya at interactive na paraan para sa mga magulang upang hikayatin ang kanilang anak sa mga unang pagtuklas sa mundo ng karunungan, may makatawag-pansing mga paglalarawan na tumutugmâ sa nakasulat na salita at marami pang iba. Sana ay masiyahan kayo katulad ko! Dr. Reka Gustafson, Medical Health Officer Tungkol sa The Reading Tree Mensahe mula sa Vancouver Coastal Health [Filipino] 02-2017