Top Banner
DEPARTAMENTO NG FILIPINO Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia
34

Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

Feb 25, 2023

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Maikling Pagsusuri sa Sakit na

Schizophrenia

Page 2: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

2

Ipinasa ni: Ipinasa kay:

Noemi Mejia G. Vivencio

Talegon

1AMIE Setyembre 29, 2014

MGA NILALAMAN

1. Ano ang schizophrenia?

1.1 Kasaysayan........................................

.....................................................

..............................4

1.2 Iba’t ibang uri ng schizophrenia

Paranoid......................................

..............................................

...................4

Disorganized..................................

..............................................

.................5

Catatonic5

Undifferentiated 6

Residual 6

2. Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng ganitong sakit? 6

Page 3: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

3

3. Sanhi

3.1 Pagkakaroon ng kamag-anak o kapamilyang mayroon

schizophrenia 7

3.2 Depekto sa utak 7

3.3 Panlabas na salik o environmental factors 8

4. Sintomas

4.1 Positive 8

4.2 Negative 9

5. Gamot

5.1 Medikasyon 10

5.2 Psychotherapy 11

6. Epekto ng schizophrenia11

7. Pag-iwas / Prebensyon 12

8. Halimbawa ng mga taong mayroong schizophrenia

8.1 John Nash12

8.2 Eduard Einstein 13

8.3 Lionel Aldridge 13

8.4 Jim Gordon 14

9. Konklusyon 14

Mga Tala 16

Apendiks 19

Bibliograpi 20

Page 4: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

4

Page 5: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

5

1. Ang Schizophrenia

1.1 Kasaysayan

Hindi hihigit sa isandaang taon ang tanda ng salitang

“schizophrenia”, ngunit ayon sa mga dokumento, mayroon nang

konsepto ukol sa sakit na ito sa sinaunang Ehipto. Noong

1887 lamang ito natuklasan ni Dr. Emile Kraepelin1 na siya

ring naghiwa-hiwalay ng mga sakit sa pag-iisip sa iba’t

ibang kategorya, dahil itinuturing lamang noon na pare-

parehong abnormal ang mga taong mayroong sakit sa pag-iisip

at mayroong kapansanan. Dahil itinuring niya itong isang uri

ng sakit na dementia, tinawag itong “dementia praecox” ni

Kraepelin. Nangangahulugan ang “dementia praecox” na

maaaring magkaroon ng sakit na ito kahit ang mga kabataan,

marahil dahil puro mga kabataan ang naging sentro ng pag-

aaral ni Kraepelin.

Si Eugen Bleuler2 naman ang nagbigay ng pangalang

“schizophrenia” noong 1911. Tinawag niya itong schizophrenia

dahil ayon sa kanya, hindi naman ito uri ng dementia at

maaaring magkaroon ng schizophrenia kahit ang mga matatanda.

Nagmula ang salitang schizophrenia sa mga salitang

Griyegong “schizo” na nangangahulugang “hiwalay” at “phrene”

na tumutukoy sa “pag-iisip”, dahil may kinalaman ang sakit

na ito sa kahirapan sa pag-alam ng realidad sa hindi. Ngunit

Page 6: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

6

iba ang sakit na schizophrenia sa Dissociative Identity

Disorder o Multiple Personality Disorder3.

Ano nga ba ang schizophrenia? Isa itong sakit na

nakaaapekto sa pag-iisip ng isang tao na nagiging sanhi

upang mahirapan ang isang taong gumawa ng mga desisyon,

magkontrol ng emosyon, alamin kung ano ang totoo sa hindi,

at makibagay sa iba.

1.2 Iba’t ibang uri ng schizophrenia

May iba’t ibang uri ng schizophrenia na depende sa mga

sintomas na nararanasan ng pasyente.

Paranoid

Pinakakaraniwang uri ng schizophrenia ang paranoid

subtype. Ang pagkakaroon ng mga boses na naririnig at mga

delusyong laban sa sarili ang pinakakapansin-pansin na

katangian ng taong mayroong sakit na ganito. Madalas siyang

naghihinala na may pinaplano ang iba laban sa kanya. Subalit

mas kapaki-pakinabang ang taong mayroong paranoid subtype

kaysa sa taong may ibang uri ng schizophrenia dahil hindi pa

napapansin ang mga sintomas ng schizophrenia hanggang sa

kalaunan. Kaya pang ikontrol ng mga taong ito ang kanilang

emosyon at delusyon kaya upang matukoy ang sakit na ito,

kailangan nilang maging bukas sa pagsasabi ng kanilang mga

nararamdaman sa isang espesyalista. Dahil nga paranoid

Page 7: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

7

schizophrenia ito, nangangahulugang hindi madaling magtiwala

ang mga taong may ganitong sakit. Pagpapatiwakal ang nasa

isip ng ibang may ganitong uri ng schizophrenia kaya

kailangan ang suporta ng mga kapamilya at malalapit na

kaibigan.

Disorganized

Dating tinatawag na hebephrenic schizophrenia ang

disorganized subtype. Sa subtype na ito, hindi organisado

ang pag-iisip at mga ideya ng taong may ganitong sakit.

Hindi nila makontrol ang kanilang emosyon, o maaaring hindi

angkop ang kanilang emosyon sa kaukulang sitwasyon. Maaari

ring hindi sila magbigay ng kahit na anong reaksyon o

emosyon, na tinatawag na flat effect.

Hindi epektibo ang komunikasyon sa taong mayroong

disorganized schizophrenia. Paiba-iba sila ng paksa sa

pakikipag-usap at madalas na iba ang sagot sa tinatanong. Sa

ibang kaso, hindi sunud-sunod ang mga salita sa pangungusap

na lalong hindi maiintindihan ng nakikinig. Dahil sa mga

sintomas na ito, naaapektuhan ang pang-araw-araw nilang mga

gawain tulad ng pagbibihis, paliligo, atbp.

Catatonic

Maaaring dalawa ang ipakitang sintomas ng taong

mayroong catatonic schizophrenia. Maaaring mabawasan o hindi

Page 8: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

8

talaga magpakita ng senyales ng paggalaw, o maaaring gumalaw

nang gumalaw. Posibleng maging paulit-ulit ang mga kilos, at

maaari ring manggaya sila ng sinasabi (tinatawag na

echolalia) o ng ginagawa (echophraxia) ng iba. Madalas sa

mga taong mayroong catatonic schizophrenia ang pagkakaroon

ng kakaibang posisyon ng katawan o ekspresyon ng mukha na

hindi komportable o natural para sa mga taong walang

schizophrenia.

Madalas napagkakamalang tardive dyskinesia4 ang

catatonic schizophrenia dahil maraming pagkakapareho sa

kanilang mga sintomas. Ngunit kaunti na lang din ang

nagkakaroon ng ganitong uri ng schizophrenia dahil madali na

itong nagagamot.

Undifferentiated

Kapag nakita ang mga sintomas ng iba’t ibang uri ng

schizophrenia sa isang tao, tinatawag itong undifferentiated

schizophrenia. Ibig ring sabihin nito na hindi sapat ang mga

sintomas ng isang tao upang ituring na isang uri ng

schizophrenia. Maaari namang paiba-iba ang pinapakitang

sintomas kaya mahirap na tukuyin ito sa iisang subtype

lamang.

Residual

Page 9: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

9

Itinuturing na residual subtype ang schizophrenia kapag

nandoon pa rin ang mga sintomas tulad ng hallucination at

delusyon ngunit hindi na ganoon kalala. Gayunpaman, nandoon

pa rin sa pasyente ang mga negative na sintomas tulad ng

kakulangan sa kagustuhang makisalamuha o makipag-usap sa iba

o kahirapan sa pagpapakita ng emosyon.

2. Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng schizophrenia?

Walang pinipili ang sakit na schizophrenia. Maaaring

magkaroon ng ganitong sakit ang kahit sino at wala itong

pakundangan sa nasyonalidad, edad, kasarian, relihiyon, o

kultura, ngunit mas malaki ang tsansa ng ibang taong

magkaroon ng schizophrenia depende sa sitwasyon.

Makikita sa tsart5 ang iba’t ibang tsansa ng isang

taong magkaroon ng ganitong sakit. Sa kabuuang populasyon,

1% lamang ang tsansa magkaroon ng sakit na ito. Kung

mayroong schizophrenia ang isa sa mga magulang ng isang

bata, mayroong 10% hanggang 15% tsansa na mamana ito ng

bata. Kung mayroong schizophrenia naman ang isa sa mga

kapatid, 7% hanggang 9% ang tsansang mayroon din ang kanyang

kapatid. (Gottesman, 1991)

Madalas na nagsisimula ang schizophrenia sa pagitan ng

edad na 15 at 25. Mas maagang nakikitaan ng sintomas ng

schizophrenia ang mga lalaki kumpara sa mga babae dahil sa

Page 10: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

10

pagitan ng mga edad 16 at 25 nagkakaroon ng ganitong sakit

ang mga lalaki. Sa kababaihan naman, mas tumataas ang

insidente ng schizophrenia sa mga mayroong edad 30 pataas.

Makikita sa larawan6 ang pagkukumpara sa edad ng

pagsisimula ng schizophrenia at kung ilan ang mayroong

ganitong insidente. Mapapansin sa tsart na kadalasang

nagsisimula ang schizophrenia sa edad ng 18 sa mga lalaki at

25 sa mga babae. Kaunti lamang ang insidente kung saan

nagsisimula ang schizophrenia sa mga taong edad 10 pababa at

edad 70 pataas. (Sham, Maclean, Kendler, 1994)

3. Sanhi

Noong unang panahon, madalas na iniisip na dahil sa

pagsapi ng demonyo o masamang espirito ang mga sakit sa pag-

iisip tulad ng schizophrenia. Nang umunlad ang teknolohiya

at nagkaroon ng mga pagsasaliksik ukol sa sakit na ito,

inihalintulad ang schizophrenia sa mga sakit na tulad ng

cancer at sakit sa puso na walang iisang sanhi. Maaaring

dulot ito ng pagkakaroon ng kamag-anak o kapamilya na

mayroong schizophrenia o pagkakaroon ng depekto sa utak.

Posible ring sanhi ang mga panlabas na salik.

3.1 Pagkakaroon ng kamag-anak o kapamilyang mayroong

schizophrenia

Page 11: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

11

Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang tsansa ng pagkakaroon

ng schizophrenia kung mayroong kapamilyang may ganitong

sakit. Malaki rin ang posibilidad na magka-schizophrenia

kung nagkaroon ng komplikasyon habang ipinagbubuntis ang

isang bata. Subalit hindi lamang nakasalalay dito ang

pagkakaroon ng schizophrenia. Nakaaapekto rin ang iba pang

salik upang matrigger ang ganitong sakit.

3.2 Depekto sa utak

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na may kinalaman sa

schizophrenia ang depekto sa mga neurotransmitter7 sa utak,

tulad ng dopamine, na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon

ng ganitong sakit.

Dagdag pa rito, nakita rin ng mga eksperto na mayroong

pagkakaiba sa istruktura ng utak ng isang taong mayroong

schizophrenia at isang taong wala nito. Halimbawa, mas

malaki ang ventricles, o ang sentro ng utak, ng mga taong

mayroong schizophrenia kaysa sa mga taong wala. Ngunit hindi

pa sigurado ang mga pagkakaibang ito dahil hindi lamang

limitado ang mga pagkakaibang ito sa mga mayroong

schizophrenia. Maaaring dulot ng iba pang sakit ang

pagkakaiba ng hugis ng ventricles. (Harrison, 1998)

3.3 Panlabas na salik o environmental factors

Page 12: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

12

Marami ang naniniwalang nakaaapekto rin sa pagkakaroon

ng schizophrenia ang stress at trauma. Dahil sa stress,

maraming tao ang nagiging magagalitin o hindi mapakali, at

ang stress na ito ang nagdudulot ng sakit. Subalit mahirap

alamin kung ang stress ba ang dahilan o ang epekto ng

schizophrenia.

Sinasabi ring lalong nagtitrigger ng schizophrenia ang

paggamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng Cannabis8, LSD9,

steroids10, at stimulants11.

4. Sintomas

Mula kay Eugen Bleuler ang pangalang schizophrenia.

Siya rin ang nagbigay ng dalawang kategorya sa mga sintomas

ng sakit na ito. Tinawag niya ang kategoryang itong positive

at negative.

4.1 Positive

Tinuturing na positive ang sintomas kung tanging ang

mga taong mayroong schizophrenia lamang ang mayroon nito.

Kadalasan sa mga positive na sintomas ang pagiging hirap sa

pag-alam ng totoo sa hindi. Maaaring bumalik at mawala ang

mga sintomas na ito, at kadalasang hindi napapansin.

Nagkakaroon ng hallucination ang mga taong mayroong

schizophrenia. Nakaririnig, nakakikita, nakaaamoy,

nakalalasa, o nakararamdam siya ng mga bagay na hindi

Page 13: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

13

napapansin ng iba. Ang pagkakaroon ng mga naririnig na boses

ang pinakakaraniwang hallucination.

Isa pang positive na sintomas ang pagkakaroon ng mga

delusyon. Nagkakaroon ng mga maling paniniwala o mga

kakaibang ideya ang isang taong mayroong schizophrenia.

Madalas sa mga delusyon ang pag-iisip na may masamang

binabalak ang ibang tao laban sa kanya. Maaari rin niyang

isipin na isa siyang sikat o kilalang personalidad.

Maaari ring magkaroon ng thought disorder, o kakaibang

paraan ng pag-iisip. Maaaring hindi organisado ang mga

sinasabi ng taong mayroong schizophrenia, at paiba-iba ng

paksang sinasabi. Posible ring titigil siya sa kalagitnaan

ng pagsasalita o mag-iimbento ng sarili niyang mga salita.

Kasama rin sa mga positive na sintomas ang mga movement

disorder o kahirapan sa paggalaw. Maaaring hindi mapakali,

paulit-ulit ng galaw, o hindi gumalaw nang tuluyan ang isang

taong mayroong schizophrenia. Tinatawag na catatonia ang

estado ng isang taong hindi gumagalaw at hindi rumeresponde

sa iba.

4.2 Negative

Negative naman ang sintomas kung ito ang mga elementong

nawala sa isang tao mula nang magkaroon siya ng ganitong

sakit. Mas mahirap tukuyin ang mga sintomas na negative

Page 14: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

14

kumpara sa positive na sintomas. Maaari kasing mapagkamalang

sintomas ito ng depresyon12 at hindi schizophrenia.

Isa sa mga negative na sintomas ang kakulangan sa

ekspresyon: walang tono ang boses habang nagsasalita, hindi

makatingin nang direkta sa mata ng kausap, at kakulangan ng

ekspresyon sa mukha. Madalas sa mga taong mayroong

schizophrenia ang kawalan ng interes o pakialam sa kanilang

paligid. Hindi na rin sila masyadong aktibo sa pakikipag-

usap, o hindi na interesado sa mga kumbersasyon ng iba.

5. Gamot

Noong unang panahon, inaakalang sanhi ng pagsapi ng

demonyo o masamang espiritu ang mga sakit sa pag-iisip. Para

maalis ang mga demonyong ito, kung anu-anong paraan ang

ginawa ng mga sinaunang tao, mula sa pakikinig ng iba’t

ibang uri ng tugtog o kanta hanggang sa nakamamatay na

paraan tulad ng pagbutas sa ulo ng maysakit. Ngunit dahil sa

mga pag-aaral ng mga eksperto at sa pag-unlad ng

teknolohiya, marami nang natutuklasang gamot upang malunasan

ang schizophrenia.

Ayon sa Yale University Medical School, kapag mas

maagang naagapan at nagamot ang schizophrenia, mas madali

itong malulunasan at mas malaki ang tsansang gumaling ang

pasyente mula rito.

Page 15: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

15

5.1 Medikasyon

May iba’t ibang hakbang bago ilabas sa merkado ang mga

gamot. Kailangang masiguro na hindi lamang ito mabisa, kundi

ligtas ding gamitin. Sa unang hakbang o phase I, nasa 20

hanggang 80 katao ang sumubok ng gamot na ito. Sa kabuuan,

tinitignan lamang kung ligtas itong gamitin at walang

masamang epekto sa kalusugan. Nagtatagal lamang ang mga pag-

aaral dito ng ilang buwan.

Dinadala ang mga gamot na pumasa sa unang hakbang

papunta sa ikalawang hakbang o phase II. Mula sa 20 hanggang

80 na taong sumusubok, tumaas na sa 100 hanggang 300 ang mga

taong susubok ng gamot. Dahil naaprubahan na ang kaligtasan

ng gamot sa phase I, sa phase II naman tinitignan ang

pagiging mabisa ng gamot laban sa sakit na paglalaanan nito.

Tumatagal ang mga pag-aaral dito mula ilang buwan hanggang

dalawang taon.

Sa phase III o huling hakbang sa pag-aaral ng isang

gamot, mayroong 1000 hanggang 3000 taong sumusubok ng gamot.

Dito sinisiguro ang kaligtasan at pagiging mabisa ng gamot.

Inaalam din kung gaano karaming gamot ang kailangan ng isang

taong mayroong sakit. Kinukumpara rin ang gamot sa iba upang

Page 16: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

16

makita kung mayroon itong ibang epekto. Tumatagal ang phase

III ng mula 1 hanggang 4 na taon.

Dahil isa sa mga sanhi ng schizophrenia ang imbalanse

sa kemikal na serotonin at dopamine sa utak, mabisa ang

asenapine, bifeprunox, iloperidone, clozapine, at

paliperidone ER bilang gamot. Nasa phase III pa lamang ang

mga gamot na ito, ngunit kapansin-pansin nang mabisa ang mga

ito laban sa positive at negative na sintomas ng

schizophrenia.

Kahit na aprubado na ng FDA o Food and Drug

Administration ang lamictal bilang gamot laban sa Bipolar

Disorder13, nasa phase III pa rin ito bilang gamot sa mga

positive na sintomas ng schizophrenia.

Bukod sa pagbabalanse ng mga kemikal sa utak,

nalulunasan din ang mga hallucination at delusyon ng mga

pasyente dahil sa gamot. Gayunpaman, isa sa mga suliraning

kinakaharap ng mga doktor ang hindi pag-inom ng gamot ng mga

taong mayroong schizophrenia. Marahil dahil ito sa hindi

nila kaya ang epekto o hindi nila nakikita ang kagalingang

dulot ng gamot. Ngunit kapag tinigil ng mga pasyente ang

tuluy-tuloy na gamutan, maaaring lumala ang schizophrenia.

Mahalagang sumangguni muna sa doktor o espesyalista bago

tumigil sa pag-inom ng gamot.

Page 17: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

17

5.2 Psychotherapy

Hindi sapat ang medikasyon lamang para sa 1/5 hanggang

1/3 ng lahat ng pasyenteng mayroong schizophrenia kung

kaya’t kinakailangan ng psychotherapy. Para sa positive at

negative na sintomas din ang psychotherapy na pinalalakas

ang abilidad ng isang taong mayroong schizophrenia na mag-

isip para sa kanyang sarili upang matuto silang mamuhay nang

mag-isa. Tinuturuan silang tumukoy kung ano ang totoo at

hindi, lalo na’t kabilang ang mga hallucination at delusyon

sa mga sintomas ng schizophrenia. Sa tulong ng isang

espesyalista o therapist, nasasabi ng isang taong maysakit

ang kanyang saloobin, mga problema, mga nararamdaman, atbp.

Maaari ring makatulong sa maysakit ang rehabilitasyon upang

mapaunlad ang pakikisalamuha sa iba.

Bukod sa tulong ng mga espesyalista, kailangan din ang

tulong at suporta ng mga kaibigan at kaanak. Napag-alaman

mula sa mga pag-aaral na mas gumagaling at nalalabanan ang

mga sintomas ng schizophrenia ng mga taong mayroong suporta

mula sa pamilya kumpara sa mga taong mag-isang kinakaharap

ang kanyang karamdaman.

6. Epekto ng schizophrenia

Tulad ng iba pang karamdaman, maraming epekto ang sakit

na schizophrenia hindi lamang sa taong mayroon nito kundi

Page 18: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

18

pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Karaniwan sa

mga taong mayroong schizophrenia na ihiwalay ang sarili sa

ibang tao o hindi magtiwala sa kanyang mga kaibigan at

kaanak kung kaya’t nasisira ang relasyon niya sa iba.

Maaari rin namang maging bayolente sa ibang tao o sa

kanyang sarili ang isang taong mayroong schizophrenia.

Malaki ang posibilidad ng pagpapatiwakal ng taong may

ganitong karamdaman. Importanteng seryosohin kung makipag-

usap man siya tungkol sa pagpapakamatay o pananakit sa

kanyang sarili. Madalas niyang maiisip ito sa mga panahong

nagkakaroon siya ng mga delusyon o kapag nakararamdam siya

ng depresyon.

7. Pag-iwas o prebensyon

Hindi man nakahahawang sakit ang schizophrenia,

mahalaga pa ring maiwasan at hindi matrigger ang ganitong

uri ng karamdaman. Maaaring paghiwa-hiwalayin sa apat na

bahagi ang prebensyon sa schizophrenia: ang universal,

selective, at indicated na teknik, at ang maagang pag-agap

sa sakit na ito. Para sa kabuuan ng populasyon ang universal

na teknik ng pag-iwas sa schizophrenia. Mahalagang malaman

ng lahat ang tungkol sa karamdamang ito upang magkaroon ng

kamalayan. Para naman sa mga taong malaki ang tsansang

Page 19: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

19

magkaroon ng schizophrenia ang selective na teknik. At para

sa mga taong mayroong sintomas na ng sakit sa pag-iisip at

hindi lang basta schizophrenia, ginagamit ang indicated na

teknik. Ginagamit ang maagang pag-agap sa schizophrenia para

sa mga taong mayroon nang schizophrenia upang hindi na

lumala ang sakit at mabigyan kaagad ng lunas ang pasyente.

Para magkaroon ng mabisang pag-iwas sa sakit na ito,

mahalagang maintindihan nang mabuti kung ano ang sanhi ng

schizophrenia, kung kaya naman maraming eksperto ang

nagbibigay-atensyon sa kalusugan ng mga ina habang

ipinagbubuntis ang kanilang mga anak. Dagdag pa, isinusulong

ng marami ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay na

nangangahulugang pag-iwas sa bisyo tulad ng pag-inom ng alak

at paninigarilyo o paggamit ng bawal na gamot dahil hindi

lamang ito maaaring maging sanhi ng schizophrenia kundi

maging sanhi rin ng iba pang mas malalang karamdaman.

8. Halimbawa ng taong mayroong schizophrenia

8.1 John Nash

Nasa edad 30 si John Forbes Nash Jr. noong nagsimulang

lumabas ang mga sintomas ng schizophrenia. Naging malala ang

kanyang paranoia, kung saan sinasabi niyang nakatatanggap

siya ng mga mensahe mula sa kalawakan at mula sa gobyerno ng

ibang mga bansa. Sinabi ni Nash na para sa kanya lamang ang

mga mensahe at siya lang ang makaiintindi. Pinaniwalaan din

Page 20: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

20

ni Nash na siya ang kaliwang paa ng Diyos, at mga

komunistang mayroong balak laban sa kanya ang mga lalaking

nakasuot ng pulang kurbata. Dahil sa mga kinikilos niyang

ito, ang asawa mismo ni Nash na si Alicia Lopez-Harrison de

Larde ang nagdala sa kanya sa ospital noong 1959, kung saan

napag-alamang mayroon siyang paranoid schizophrenia.

Sa kabila ng kanyang karamdaman, maraming nakamit si

Nash. Natanggap niya ang John von Neumann Theory Prize14

para sa pagkakadiskubre niya ng non cooperative equilibria,

o tinatawang ngayong Nash equilibria15. Mayroon din siyang

kontribusyon sa larangan ng algebraic geometry16 dahil sa

kanyang Nash embedding theorem17.

8.2 Eduard Einstein

Pangalawang anak ni Albert Einstein at ng kanyang unang

asawang si Mileva Maric si Eduard Einstein. Sensitibo at

sakiting bata si Eduard, na lalo pang lumala noong

naghiwalay ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, isa sa

pinakamagagaling na mag-aaral si Eduard, na nagnais mag-aral

ng medisina upang maging psychiatrist, isang manggagamot ng

mga sakit sa pag-iisip. Pagsapit niya ng edad 20, napag-

alamang mayroon siyang schizophrenia at dinala siya sa

Burgholzli, isang pagamutan sa Zurich, Germany. Sinasabi pa

ng maraming nasobrahan siya sa mga gamot na mayroon noong

Page 21: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

21

mga panahong iyon, lalo na ang paggamot gamit ang

pagkuryente. Kahit mayroong sakit, ipinagpatuloy pa rin ni

Eduard ang kanyang hilig sa musika at mga tula.

Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, nanatili lamang si

Eduard sa Burgholzli ng 9 na taon at nagpalipat-lipat sa mga

pamilya matapos noon. Noong namatay ang ina ng kanyang

napuntahang pamilya, bumalik siya sa pagamutan at doon siya

binawian ng buhay dahil sa stroke18 sa edad na 55.

8.3 Lionel Aldridge

Isang manlalaro ng football si Lionel Aldridge sa

koponan ng Green Bay Packers, at dahil nanalo pa ang kanyang

koponan nang dalawang beses sa Super Bowl19, napabilang siya

sa Green Bay Packer Hall of Fame. Matapos noon, nagtrabaho

rin siya bilang brodkaster para sa NBC20.

Pagsapit niya ng edad 33, doon niya naramdaman ang mga

sintomas ng paranoid schizophrenia. Nagkaroon siya ng

malalang paranoia at naging iritable, kung kaya’t unti-unti

siyang nahirapang magtrabaho at makibagay sa iba. Naghiwalay

sila ng kanyang asawa at nagpalipat-lipat ng tirahan

hanggang sa iminungkahi ng kanyang mga kaibigang humanap na

siya ng lunas sa kanyang sakit. Simula noon, natanggap na

niya ang kanyang karamdaman at sinimulan na niya ang

gamutan. Noong natapos na ang gamutan, ipinagpatuloy pa rin

Page 22: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

22

niya ito upang tuluyan niyang malabanan ang sakit at upang

hindi na ito bumalik pa.

8.4 Jim Gordon

Isang sikat na drummer sa bandang Derek and Dominos si

James Beck Gordon, o mas kilala bilang Jim Gordon. Bukod sa

pagtugtog ng drums, kaya rin niyang tumugtog ng piano, kung

kaya’t marami siyang nagawang mga kanta. Dahil sa kanyang

talento, isa siya sa mga in-demand na musikero ng kanyang

panahon. Hindi na kakaiba para kay Gordon ang pumunta sa

tatlong studio sa isang araw para tumugtog. Minsan na siyang

nagpabalik-balik mula Las Vegas papuntang Los Angeles araw-

araw para lamang tumugtog. Tumugtog na siya para sa ilang

sikat na musikero tulad ng The Beach Boys, The Carpenters,

John Travolta, John Lennon, Barbra Streisand, at iba pa.

Noong 1970, napansin ng kanyang mga katrabahong nag-iba

ang mga kinikilos ni Gordon. Minsan pa nga siyang tumigil sa

kalagitnaan ng pagtugtog para kay Paul Anka at umalis ng

entablado sa Las Vegas. Maraming beses siyang pumunta sa

pagamutan sa pagitan ng mga taong 1977 at 1983, ngunit

sinasabi lamang na nalulong siya sa bawal na gamot, na

karaniwan sa mga musikerong tulad niya noon, at labis ang

kanyang pag-inom ng alak.

Page 23: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

23

Pagsapit ng taong 1980, hindi na siya nakatutugtog ng

drums. Mayroon siyang mga boses na naririnig at mga

delusyon, at ang kanyang ina ang naapektuhan ng kanyang

karamdaman. Noong 1983, pumunta siya sa bahay ng kanyang ina

sa Burbank at hinampas niya ito ng martilyo hanggang sa

mamatay ito. Sa korte lamang napag-alamang mayroon siyang

acute paranoid schizophrenia at nahatulan siya ng 16 na

taong pagkakulong sa State Medical Correctional Facility.

9. Konklusyon

Isang sakit sa pag-iisip ang schizophrenia na mayroong

limang uri: paranoid, disorganized, catatonic,

undifferentiated, at residual. Hindi ito nakahahawang sakit

ngunit maaaring mamana ito mula sa mga magulang o ibang

kaanak na mayroong schizophrenia. Maaari ring makuha ito sa

labis na stress o trauma, at kahit maging sa mga bawal na

gamot tulad ng Cannabis, steroids, atbp.

Malalaman kung mayroon schizophrenia ang isang tao

dahil sa mga sintomas na mayroong dalawang uri: ang positive

at negative. Positive ang tawag sa mga sintomas na mayroon

sa mga taong mayroong schizophrenia at wala sa mga taong

walang sakit samantalang negative na sintomas naman ang mga

kakayahang nawawala o nagkukulang sa taong mayroong

schizophrenia.

Page 24: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

24

Mahalagang malaman agad kung mayroong schizophrenia ang

isang tao upang maaga itong malunasan at mas malaki ang

tsansa ng paggaling. Mayroong dalawang uri ng paggamot laban

sa schizophrenia: ang medikasyon at psychotherapy. Dahil

minsang hindi gumagana ang pag-inom ng gamot, kailangang

sabayan din ito ng psychotherapy kung saan ginagamit ang

tulong ng espesyalista, ng kapamilya at mga kaibigan dahil

maraming epekto ang schizophrenia lalo na sa pakikipagkapwa-

tao ng pasyente. Malaki rin ang tsansa na manakit o

magpatiwakal sila kaya malaking tulong ang suporta ng

pamilya sa ganitong sitwasyon.

Hindi man maiiwasan kung namana ang schizophrenia,

maaari namang iwasan ang mga makapagtitrigger dito tulad ng

mga bawal na gamot, stress, paninigarilyo, atbp.

Page 25: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

25

MGA TALA

1. Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Emile

Kraepelin, pumunta sa:

http://www.britannica.com/EBchecked/topic/323108/Emil

-Kraepelin

2. Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Eugen

Bleuler, pumunta sa:

http://www.britannica.com/EBchecked/topic/69329/Eugen

-Bleuler

3. Dissociative Identity Disorder o Multiple Personality

Disorder – isang kondisyon kung saan mayroong iba-

ibang katauhan ang isang tao. Madalas na nakokontrol

ng katauhan ang taong kinabibilangan niya. Mayroong

kanya-kanyang pangalan, kasarian, edad, at

personalidad ang bawat katauhan na iba sa tunay na

katauhan ng taong iyon. Para sa karagdagang

impormasyon, pumunta sa: http://www.webmd.com/mental-

health/dissociative-identity-disorder-multiple-

personality-disorder at

http://www.psychologytoday.com/conditions/dissociativ

e-identity-disorder-multiple-personality-disorder

Page 26: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

26

4. Tardive Dyskinesia – isang karamdaman kung saan hindi

makontrol ng tao ang kanyang kilos o galaw. Isa

itong epekto ng pag-inom ng mga neuroleptics o mga

antipsychotics na gamot laban sa mga hallucination at

delusyon. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta

sa: http://www.tardivedyskinesia.com

5. Tignan sa Apendiks A1 ang tsart tungkol sa iba’t

ibang tsansa ng isang taong magkaroon ng

schizophrenia.

6. Tignan sa Apendiks A2 ang tsart ng pagkukumpara sa

edad ng pagsisimula ng schizophrenia.

7. Neurotransmitter – kemikal sa utak na naghahatid ng

impormasyon mula sa utak papunta sa iba’t ibang

bahagi ng katawan. Para sa karagdagang impormasyon,

pumunta sa:

https://www.neurogistics.com/TheScience/WhatareNeurot

ransmi09CE.asp

8. Cannabis – halaman na maaaring maging gamot.

Tinatawag din itong marijuana. Para sa karagdagang

impormasyon, pumunta sa:

http://en.wikipedia.org/wiki/Cannabis

9. LSD – nangangahulugang Lysergic Acid Diethylamide.

Droga itong mayroon epekto sa pag-iisip ng tao kung

saan maaaring magkaroon ng mga delusyon. Para sa

Page 27: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

27

karagdagang impormasyon, pumunta sa:

http://en.wikipedia.org/wiki/Lysergic_acid_diethylami

de

10. Steroids – Mayroon dalawang uri ng steroids.

Nakasasama ang anabolic steroids sa kalusugan habang

ang corticosteroids naman ang panlaban sa stress na

dala ng mga sakit. Para sa karagdagang impormasyon,

pumunta sa:

http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/steroids.html

11. Stimulants – nakadadagdag sa enerhiya at pagiging

alerto ng isang tao. Nagpapabilis ito ng tibok ng

puso at nagpapabilis din sa daloy ng dugo. Dahil sa

pag-abuso sa stimulants, kaunti na lamang ang

gumagamit nito bilang gamot. Para sa karagdagang

impormasyon, pumunta sa:

http://www.drugabuse.gov/publications/research-

reports/prescription-drugs/stimulants/what-are-

stimulants

12. Depression – pakiramdam ng kalungkutan na

tumatagal ng higit sa 2 linggo at nakasasagabal sa

mga araw-araw na gawain. Hindi ito senyales ng

kahinaan ng tao. Para sa karagdagang impormasyon,

pumunta sa:

Page 28: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

28

http://www.webmd.com/depression/ss/slideshow-

depression-overview

13. Bipolar Disorder – kilala rin bilang Manic-

Depressive Illness. Sa karamdamang ito, pabagu-bago

ang mood at enerhiya ng isang tao. Nakaaapekto ito sa

pag-aaral, pagtatrabaho, o pakikisalamuha sa iba.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa:

http://www.nimh.nih.gov/health/topics/bipolar-

disorder/

14. John von Neumann Theory Prize – mula kay John Von

Neumann, ibinibigay ang parangal na ito taun-taon ng

Rajk Laszlo College for Advanced Studies sa mga taong

maimpluwensya at mayroon mga kontribusyon para sa

ikauunlad ng intelekto ng mga mag-aaral ng nasabing

institusyon. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta

sa:

http://en.wikipedia.org/wiki/John_von_Neumann_Award

15. Non Cooperative Equilibria – isang konseptong

nadiskubre ni John Nash at 2 pang iba. Tungkol ito sa

ideyang walang isang manlalarong makikinabang sa

pagbabago niya ng kanyang galaw. Tinatawag din itong

Nash equilibrium. Para sa karagdagang impormasyon,

pumunta sa:

Page 29: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

29

http://www.ewp.rpi.edu/hartford/~stoddj/BE/IntroGameT

.htm

16. Algebraic Geometry – pag-aaral ng mga solusyon sa

mga algebraic equation. Para sa karagdagang

impormasyon, pumunta sa:

http://www.math.purdue.edu/~dvb/algeom.html

17. Nash Embedding Theorem – isinasaad ng kaisipang

ito na maaaring mai-embed sa Euclidean space ang

bawat Riemannian manifold. Para sa karagdagang

impormasyon, pumunta sa:

http://en.wikipedia.org/wiki/Nash_embedding_theorem

18. Stroke – nagaganap kapag nagkukulang ang suplay ng

dugo at hangin sa utak. Para sa karagdagang

impormasyon, pumunta sa:

http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/stroke/

basics/definition/con-20042884

19. Super Bowl – taunang laro ng football sa Estados

Unidos. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa:

http://www.superbowl.com

20. NBC – National Broadcasting Company ; istasyon ng

radyo at telebisyon sa Estados Unidos. Para sa

karagdagang impormasyon, pumunta sa:

http://www.nbc.com

Page 30: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

30

APENDIKS

Apendiks A1

Apendiks A2

Page 31: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

31

BIBLIOGRAPI

1. American Accreditation HealthCare Commission (2013)

Mula sa:

http://www.nytimes.com/health/guides/disease/schizophre

nia/psychotherapy.html

2. Bengston, M. (2006). An Introduction to Schizophrenia. Psych

Central. Mula sa http://psychcentral.com/lib/an-

introduction-to-schizophrenia/000703

3. Clark, Steve. Lost and Found – Ex-Packer Aldridge Winning Life’s

Battle. Beloit Daily News. Mula sa:

http://schizophrenia.com/stories/aldridge.htm

4. Dela Mancha, Riplee (2012) Overcoming Paranoid Schizophrenia:

The Inspiring Case of John Forbes Nash Jr. Mula sa:

http://ripleeforensicpsych.umwblogs.org/2012/08/02/over

Page 32: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

32

coming-paranoid-schizophrenia-the-inspiring-case-of-

john-forbes-nash-jr/

5. Department of Psychological Medicine, Institute of

Psychiatry, London, United Kingdom (1994). A typological

model of schizophrenia based on age at onset, sex and familial morbidity.

Acta Psychiatr Scand. 1994 Feb;89(2):135-41. Mula sa

http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/8178665?

dopt=Abstract#

6. Flaherty AW. Movement disorders. In: Stern TA, Rosenbaum

JF, Fava M, et al., eds. Massachusetts General Hospital

Comprehensive Clinical Psychiatry. 1st ed.

Philadelphia, PA: Elsevier Mosby; 2008:chap 80.

7. Freudenreich O, Weiss AP, Goff DC. Psychosis and

schizophrenia. In: Stern TA, Rosenbaum JF, Fava M, et al.,

eds. Massachusetts General Hospital Comprehensive

Clinical Psychiatry. 1st ed. Philadelphia, PA: Elsevier

Mosby; 2008:chap 28.

8. Fromm-Reichmann, Freida M.D. (1954) The American Journal of

Psychiatry

9. Harrison, P. (1998) The neuropathology of schizophrenia. University Department of Psychiatry, Warneford Hospital, Oxford, UK. Mula sa: http://brain.oxfordjournals.org/content/122/4/593.full

10. http://en.wikipedia.org/wiki/Eduard_Einstein

11. http://en.wikipedia.org/wiki/John_Forbes_Nash,_Jr.

Page 33: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

33

12. http://en.wikipedia.org/wiki/

List_of_people_with_schizophrenia

13. http://schizophrenia.com/history.htm

14. http://schizophrenia.com/szfacts.htm

15. http://schizophrenia.stanford.edu/

16. http://umm.edu/Health/Medical/Ency/Articles/

Schizophrenia

17. http://www.helpguide.org/mental/

schizophrenia_symptom.htm

18. http://www.mayroonoclinic.org/diseases-

conditions/schizophrenia/basics/symptoms/con-20021077

19. http://www.medicalnewstoday.com/articles/

192263.php

20. http://www.medicalnewstoday.com/articles/36942.php

21. http://www.medscape.com/viewarticle/821154

22. http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/18092241

23. http://www.nimh.nih.gov/health/topics/

schizophrenia/index.shtml

24. http://www.pbs.org/wgbh/aso/databank/entries/

dh52dr.html

25. http://www.schizophrenia.com/newmeds2004.html

26. https://www.imhro.org/education/about-

schizophrenia/cures-schizophrenia

Page 34: Maikling Pagsusuri sa Sakit na Schizophrenia

34

27. Huttunen, M. (1995) The evolution of the serotonin-dopamine

antagonist concept. J Clin Psychopharmacol. 1995 Feb;15(1

Suppl 1):4S-10S. Mula sa:

http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/7730499?

dopt=Abstract

28. Kompoliti K, Horn SS, eds. Drug-induced and iatrogenic

neurological disorders. In: Goetz CG, ed. Textbook of

Clinical Neurology. 3rd ed. Philadelphia, PA: Saunders

Elsevier; 2007:chap 55.

29. Kulczyk, David (2014) Jim Gordon – The Different Drummer.

Mula sa http://www.dkulczyk.com/2014/05/

30. Lyness JM. Psychiatric disorders in medical practice. In:

Goldman L, Schafer AI, eds. Goldman's Cecil Medicine.

24th ed. Philadelphia, PA: Elsevier Saunders; 2011:chap

404.

31. Nasar, Sylvia (1998) A Beautiful Mind: A Biography of John

Forbes Nash Jr. Simon and Schuster Paperbacks, New York

32. Osborne, Martin J. (1998) Review of a Beautiful Mind by

Sylvia Nasar, Mula sa:

https://www.economics.utoronto.ca/osborne/misc/NASAR.HT

M