Ang Kasaysayan ngKOMISYON SA WIKANG
FILIPINO
Surian ng Wikang Pambansa
Batas Komonwelt Blg 184Enero 13, 1937
Pangulong Manuel Luis Quezon
JAIME C. DE VEYRA (1937‑1941)
Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa."
Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinag-aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng wikang pambansa.
Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940.
LOPE K. SANTOS (1941-1946)
Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko.
Pinasigla ang pagsusulat sa wikang pambansa.
Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang pambansa sa UP, PNU at iba pa.
Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay isinalin at ang opisyal na Gazette ay inilathala sa wikang pambansa.
JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947 -1948)
Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam
at inumpisahan ang paggawa ng Diksiyunaryong Tagalog.
CIRIO H. PANGANIBAN (1948‑1954)
Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang sinundan.
Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms, Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa.
Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng SWP.
CECILIO LOPEZ (1954‑1955)
Iskolar at linggwista. Binigyang‑diin ang linggwistika at
pinasigla ang maka bagong linggwistikong pag‑aaral sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.
JOSE VILLA PANGANIBAN (1955‑1970) (1946-1947)
Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpa paunlad ng wika.
Nagdaos ng mga pasanayan sa korespondensya opis yal sa buong bansa.
Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito ang paggamit ng wikang pam bansa sa mga
diploma, pasaporte, atb. Nailathala ang English‑Tagalog Dictionary na sinimulan
sa pana hon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang tala salitaan ng walong pangunahing wika sa Pilipinas.
Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Taga log ay tinawag na Pilipino.
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117Enero 1987
Pangulong Corazon Cojuangco Aquino
PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).
Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang
ibinunsod ng SWP sa kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipino (na unang inilunsad noong 1983 at naging batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986) at ang Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987.
Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan.
Komisyon sa Wikang Filipino
Batas Republika Blg. 7104Agosto 14, 1999
Pangulong Joseph Estrada
Misyon: Lalong paunlarin, palaganapin at patatagin ang Filipino bilang
wikang pambansa at ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Tungkulin ng KWF na magsagawa, mag-ugnay at sumuporta sa mga makabuluhang pananaliksik at pag-aaral na pangwika at pampanitikan na nasa wikang pambansa, panlokal, o pang-ibayong dagat.
Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang ito para sa kultura, edukasyon at iba pang layuning intelektuwal; pagkakakilanlan at etnisidad; pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; pag-unlad na pang-ekonomiya; at kaisahan at katatagang pampulitika.
Sa lalong pagyaman at paglakas ng Filipino, kasama sa pagyaman at paglakas na ito ang lahat ng wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
Bisyon:
• Ang pagiging ganap na institusyon ng mga wika at panitikan ng mga Pilipino.
NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)
Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga
proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang pang-estadong unibersidad o kolehiyo.
Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong traylinggwal.
RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan)
Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang katwiran nito ay ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging
multikultural ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking
bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika sa halip na isang disbentahe.
Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan sa daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika.
Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-araw-araw na gamit; ang wikang pambansa para sa pambansang kamalayan, pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang pang-ibayong dagat na tutugon sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of wider communication) at wika ng ugnayang pang-internasyonal.
Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto, tulad ng mga sumusunod: > pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; > programa sa balarila ng Pilipinas; > programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; > pambansang programa sa pagsasalin;> proyekto sa sa pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; > proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; > programa para sa endangered languages; > corpus ng mga wika sa Pilipinas.
> Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives of Philippine languages> napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; > nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; > pinapaganda ang website; > nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; > nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; > pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika.
Ebolusyon ng Wikang Pambansa
Tagalog (1937) Wikang Pambansang Pilipino (1946)Pilipino(1959) Filipino (1987)
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Alibata o BaybayinAlpabetong RomanoAbakadaPinagyamang AlpabetoPinasimpleng AlpabetoAlpabetong Filipino
Pangulong Manuel Luis Quezon
Ama ng Wikang Pambansa
*Komisyon sa Wikang Filipino Facebook