KRITIKAL KALIGTASAN IMPORMASYON... Para sa iyo at sa iyong pamilya tungkol sa mga pipeline sa iyong komunidad May dalawang paraan para sumali sa aming survey. Alisin ang survey card na kamakailan lamang namin ipinadala sa iyon tahanan, sulatan ito at ihulog sa koreo. O, i-click sa ibaba at kumpletuhin ang survey online. Kailangan ang isang balidong survey code. May limitasyon na isa kada sambahayan. cascade.respondinfo.com
8
Embed
KRITIKAL KALIGTASAN IMPORMASYON - cngc.com · Ang natural na gas ay walang kulay at walang amoy. Gayunman, ang amoy ay idinadagdag sa gas kapag ito ay inililipat gamit ang Cascade
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
KRITIKAL KALIGTASAN IMPORMASYON...Para sa iyo at sa iyong pamilya tungkol
sa mga pipeline sa iyong komunidad
May dalawang paraan para sumali sa aming survey. Alisin ang survey card na kamakailan lamang namin ipinadala sa iyon tahanan, sulatan ito at ihulog sa koreo. O, i-click sa ibaba at kumpletuhin ang survey online. Kailangan ang isang balidong survey code.
May limitasyon na isa kada sambahayan.
cascade.respondinfo.com
www.cngc.com
Mahal na Kapitbahay:Natanggap mo ang brochure na ito dahil ikaw ay nakatira o nagtatrabaho sa isang natural na pipeline ng gas o right-of-way na pagmamay-ari o pinagtatrabahuhan ng Cascade Natural Gas Corporation. Ang brochure na ito ay naglalaman ng impormasyon na makakatulong sa iyong makilala ang mga pasilidad ng pipeline, iwasan ang mga pinsala sa mga pipeline,at makilala, tumugon at protektahan ang iyong sarili sa kaganapan ng isang emergency na may kinalaman sa pipeline.
Ang Cascade Natural Gas ay nagtatrabaho sa transportasyon at paghahatid ng natural na gas — na nagsisilbi sa Pacific Northwest sa loob na ng higit sa 50 taon Ang natural gas ay ang pinakapopular na enerhiya na ginagamit sa heating o pagpapainit ng mga tahanan at nagbibigay ng halos 24 porsiyento ng lahat ng enerhiyang ginagamit sa Estados Unidos. Ang Cascade
Natural Gas ay naglilingkod sa halos 270,000 mga residensyal, negosyo at industriyal na kustomer sa buong Oregon at Washington.
Milyon-milyong milya ng mga pipeline ang ginagamit para padaluyin ang mga pinagkukunan ng enerhiya araw-araw mula sa mga lugar ng produksyon patungo sa mga kustomer. Ang mga pipeline ay ang pinakamabisa, pinakamura, at ayon sa mga estatistika ng Department of Transportation, ang pinakaligtas na paraan ng paglilipat ng natural na gas para magpagana sa mga industriyal na planta, lumikha ng kuryente at mapainit ang mga tirahan, institusyon, ospital at negosyo sa ating lumalaking rehiyon.
Bilang isang kapit bahay, at isang consumer ng mga energy resources, makakatulong ka sa amin na matiyak ang kabuuan at kaligtasan ng pamamahala sa mga pipeline.
Kung ikaw ay may mga katanungan o ikinababahala hinggil sa impormasyong na natatagpuan sa brochure na ito, mangyari lamang makipag-ugnayan sa Natural Gas Public Awareness Program Administrator ng Cascade sa (509) 734-4576 o [email protected].
ito para sa impormasyon na nagbibigay ng instruksyon.
www.cngc.com
Mga Pasilidad ng Pipeline Iba’t ibang uri ng mga pasilidad ang nakakabit sa mga pipeline ng Cascade Natural Gas. Ang mga pasilidad ay tumutulong sa paggalaw at matuklas ang natural na gas sa buong sistema at makakatulong na ituon ang pansin sa pagkakaroon ng singaw kung maganap ito.
Gumagamit ng mga compressor para mapataas ang presyon ng natural na gas habang dumadaloy ito sa pipeline. Sa pamamagitan ng pagtataas ng presyon, ang mga compressor station ay tumutulong sa paglilipat ng natural na gas sa isang mas mabisang bilis, na tumutulong sa paghahatid nito sa sistema. Ang Cascade Natural Gas ay may isang compressor station na matatagpuan sa Skagit County, Washington na magagamit kung kinakailangan.
Ang natural na gas ay itinuturing na walang kulay at walang amoy. Upang makatulong na matuklasan kung may sumisingaw, ang Cascade Natural Gas ay nagdadagdag ng amoy sa natural gas na mga pipeline sa iyong komunidad. Sa prosesong ito, ang natural na gas ay iniiniksyunan ng isang additive o pampadagdag na tinatawag na marcaptan, na nagbibigay ng bukod-tanging amoy nito.
Ang pag-iniksyon na ito ay nagaganap sa mga odorizer station sa mga lugar na pinagdadaluyan na pipeline na naghahatid ng natural na gas sa distribution system. Ang amoy ay nakakatulong sa pagtutuklas ng anumang pagsingaw ng natural na gas mula sa sistema.
Pinsala sa Pipeline Kung nasira mo ang pipeline
habang naghuhukay, mangyari lamang na ipagbigay-alam sa Cascade Natural Gas kaagad
sa (888) 522-1130.Habang ang pinsala ay tila hindi
masyado malala, ang isang gasgas, nakayod o nayupi, o
nalukot ang tubo o nakapatong na pintura sa tubo ay maaaring
makasama sa kabuuan ng pipeline at maging sanhi ng pagkasira o pagsingaw sa
hinaharap.
Ang Cascade ay nagmamay-ari ng mga pipeline na mula sa laki na 5/8” hanggang 20” na diyamentro at gumagana mula 1/4 hanggang 720 libra per square inch (psi). Kung ihahambing, ang presyon para sa gulong ng isang kotse o
bisikleta ay mula 25 hanggang 90 psi.
www.cngc.com
Pag-aalaga sa Aming Mga PipelineAng Cascade Natural Gas ay may pananagutan sa isang patuloy at proactive na pag-aalaga sa mga pipeline na programa para matiyak ang kaligtasan ng sistema nito. Ang sistema na ito ay kinabibilanga ng mga transmission facility na matatagpuan sa apat na Mga County sa Washington at dalawang Mga County sa Oregon at lokal na distribution pipeline na matatagpuan sa labing pitong Washingtong County at walong Mga County sa Oregon. Maraming mga hakbang ang ginagawa ng Cascade Natural Gas para matiyak ang kaligtasan noong mga pumapalibot sa pipeline, sa kapaligiran at integridad ng mga sistema. Kabilang sa mga ito ang:s Dinisenyo ang mga pipeline para makatugon, kung hindi humigit sa mga
regulasyon ng pederal
s Bantayan ang mga right-of-way para sa dahan-dahan na pagpasok, paghahadlang, o anumang aktibidad ng paghuhukay
s Sanayin at gawing kuwalipikado ang mga tauhan na nagtatrabaho sa pipeline para matiyak ang kanilang kaalaman at mga kakayahan
s Protektahan ang bakal sa pamamagitan ng paggamit ng mga espesyal na pamahid dito at cathodic na proteksyon
s Gumamit ng mga programa para sa kabuuang pamamahala para matasa at matugunan ang mga panganib na nagbabanta sa mga sistema
s Subukan ang pipeline gamit ang may presyon na tubig o mga gas para matiyak ang kabuuan ng sistema
Plano sa Kabuuang PamamahalaAng Cascade Natural Gas ay may pinananatili rin na plano sa kabuuang pamamahala para parehong transmisyon at pati na rin ang lokal na distribution pipeline para matugunan ang mga pamamahala sa mga lugar na maaaring magbanta ng mas malaking panganib sa publiko, kapaligiran o sistema mismo. Para sa mas karagdagang impormasyon sa plano sa kabuuang pamamahala ng Cascade Natural Gas, mangyari lamang na bumisita sa Pipeline Engineer (509) 734-4550 o magpadala ng email sa [email protected].
Atmospheric CorrosionAng pamamahala ng mga pipeline sa Northwest ay maaaring makapagdulot ng mga bukod-tanging paghahamon. Ang isang halimbawa nito ay ang pagkasira ng atmospera Ang atmospheric corrosion ay nagaganap kapag may raw metal na nalantad sa mga elemento. Dahil ang atmospheric corrosion ay nakaka-apekto sa maraming mga industriya, ang mga produkto at pinakamainam na pamamalakad ay sumulong na upang malabanan ang problema. Ang mga ito ay sumasaklaw mula sa mga espesyal na pamahid (sa tubo), pollutant abatement, at pag-iwas sa tubig, ang ilan lamang sa mga ito.
Dahil alam ng Cascade Natural Gas na magaganap ang atmospheric corrosion, ang pinakamainam na paraan na matugunan ito ay sa pamamagitan ng sumusulong na programa sa pag-aalaga. Ito ay natatamo sa pamamagitan ng patuloy na pagbabantay at pagsusuri sa mga pipeline at sa paggamit ng mga pamahid sa tubo na hindi tinatablahan ng tubig at iba pang mga elemento sa bakal.
Maaari kang makatulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Cascade Natural Gas kung may makita o makilala kang bahagi ng pipeline na tila hindi protektado o kung saan may naganap na pagkasira sa aming mga pasilidad. Mangyari lamang tawagan kami sa (888) 522-1130 kung nais mo na may kinatawan ng Cascade Natural Gas na mag-inspeksyon sa isang pasilidad ng Cascade Natural Gas para sa kahit na anong dahilan.
NATURALGAS PIPELINE
CASCADE NATURAL GAS CORP.888-522-1130
FOR AN EMERGENCY CALLBEFORE DIGGING CALL 811
MAG-INGAT: Ang mga pangmarka ng pipeline ay hindi nagtatalaga ng eksaktong lokasyon, lalim o bilang ng mga pipeline sa lugar. Ang mga pangmarka ay may iba’t ibang mga hugis at laki, pero karaniwang kinabibilangan ng mga sumusunod:
Mga Pangmarka sa Pipeline Ang mga pipeline ay nakabaon sa mga lugar na tinatawag na rights-of-way o mga karapatan na gumamit ng lupain ng hindi pagmamay-ari. Ang mga pangmarka sa pipeline ay ginagamit upang magtalaga ng pangkalahatang ruta ng pipeline pero hindi natatagpuan na malapit sa bawat pipeline. Ang mga pangmarka ay matatagpuan rin kung saan may transimission pipeline na tumatawid sa kalye o riles ng tren, na nakalitaw sa lupa, o sa mga daanan ng tubig.
Kilalanin ang materyales na inililipat
Maibigay ang pangalan ng kompanya ng pipeline
Ipakita ng pagtantiya sa lokasyon ng pipeline
Magbigay ng numero na maaaring matawagan ang kompanya sa kaganapan
ng isang emerhensya
May nakasulat na mga salitang “WARNING,”
“DANGER,” o “CAUTION”
Isang kumpol ng ibang kulay na lupa o namatay na mga halaman o tanimPaghihip ng dumi o lupa sa hanginPagbula ng tubig o pag-spray sa hanginSunog opagsabog
Pagkikilala at Pagtutugon sa Pagsingaw ng Pipeline Dahil may mga malawakang hakbang na ginamit ng Cascade Natural Gas para maiwasan ang mga pangyayari, madalang ang mga aksidente. Ang pinakamadalas na sanhi ng pagpapalabas ng natural na gas ay ang paghuhukay ng ikatlong partido at pagkasira. Hindi hindi nakokontrol na pagpapalabas ng natural na gas ay maaaring magresulta sa sunog o pagsabog, na maaaaring maghantong sa kahirapan o hindi makahinga.
Bilang aming kapit-bahay, mahalaga na kaya ninyong makilala ang mga senyas ng isang posibleng aksidente sa pipeline at malaman kung paano makakatugon. Gamitin ang iyong mga pandama para makilala ang posibleng emerhensya sa pipeline.
Ang sumisingaw na natural na gas ay mapanganib. Maaari itong maging sanhi ng sunog o pagsabog.
KUMILOS Kung pinaghihinalaan mo na may sumisingaw na natural na gas:1. Iwanan ang anumang kagamitan na
kasalukuyang ginagamit o umaandar2. Iwasan ang lugar at iwanang bukas ang pinto3. Iwanan ang lugar kaagad sa pamamagitan ng
paglalakad o pagtakbo4. Kumilos nang salungat sa ihip ng hangin na
palayo sa pangyayari. Sa sandaling nasa isang ligtas na lugar na, tumawag sa 911 at sa Cascade Natural Gas sa (888) 522-1130.
5. Balaan ang iba na lumayo
KUMILOS KUNG MAY HINALA KANG MAY SUMISINGAW O NASIRANG PIPELINE:
HUWAG:s Lumikha ng anumang
mapagmumulan ng sindi, tulad ng mga init at dingas
s Isara ang anumang bagay na nakabukas o nakasara; kasama na ang mga bukasan ng pintuan sa garahe, mga kotse, o mga switch ng ilaw
s Magsindi ng sigarilyos Gumamit ng telepono o cellphones Hipuin ang sumisingaw na gass Subukan na patayin o makontrol ang apoy
WALANG BAYAD NA TOLL (888) 522-1130 emAiL [email protected] mGA ReSOURCe www.cngc.com www.pipelineawareness.org www.npms.phmsa.dot.gov www.cngc.e-smartonline.net
Di pangkaraniwang ingay o pag-sirit o pagdagundong ng tunog
Ang natural na gas ay walang kulay at walang amoy. Gayunman, ang amoy ay idinadagdag sa gas kapag ito ay inililipat gamit ang Cascade distribution system. Kung hindi mo alam ang amoy ng natural na gas, tumawag sa (509) 734-4576 o magpadala ng email sa [email protected] at malugod kaming magpapadala sa iyo ng isang scratch and sniff na kard.
Kung sakaling makaamoy ka bahagyang amoy na gas, tingnan kung bukas ang pilot light o kung ang burner valve ay bahagyang nakabukas. Kung hindi mo makita ang pinagmumulan, kung ang amoy ay nanggagaling sa labas o lubos na malakas, magpunta sa isang ligtas na lugar.
Isang kakaibang amoy na tulad ng bulok na itlog o kakasindi lamang na posporo
Man
gyar
i lam
ang
na p
uniti
n an
g pa
rte
na it
o sa
may
tul
dok
M
angy
ari l
aman
g na
pun
itin
ang
part
e na
ito
sa m
ay t
uldo
k
NAKITA mo ba?
NARINIG mo ba?
NAAMOY mo ba?
www.call811.com
www.cngc.com
Mahalaga para sa amin ang kapaligiranAng Cascade Natural
Gas Corporation ay may pananagutan sa kapaligiran na aming kabahagi sa iyo, ang aming mga kapitbahay. Ito ay isang lugar kung saan ang parehong mga energy
transporter at mga gumagamit ng enerhiya ay may tungkulin
na dapat gampanan. Pagtitipid sa enerhiya ay hindi lamang
tumutulong na protektahan ang kapaligiran, pero nakakatulong
din na makatipid kayo. Ang mga konsumer at negosyo
ay maaaring direktang makakabigay ng suporta sa kapaligiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga matipid sa eherniyang desisyon na
kinabibilangan ng mga matitipid na appliance, insulasyon, at
mga awtomatikong thermostat. Ang Cascade Natural Gas ay may pangako sa pagtulong sa aming mga kustomer na mabawasan ang gamit sa
enerhiya sa pamamagitan ng mga rebate para sa pagtitipid
ng enerhiya sa tahanan at negosyo para sa mga
kuwalipikadong kustomer. Sa Washington, makipag-ugnayan sa (866) 626-4479 at sa Oregon, makipag-ugnayan sa Energy Trust of Oregon (866) 368-7878. Kung
mayroong kang karagdagang mga katanungan, malayang
magpadala ng email sa Cascade Conservation
Department sa conserve@cngc.
Tumawag Bago Ka Maghukay!Kung nagtatanim ng mga bagong halaman, nagkakabit ng bakod o gumagawa ng bagong bodega o kahit na bahay pa, tandaan na parating makipag-ugnayan sa One Call sa pamamagitan ng pag-dial sa 811 bago maghukay o galawin ang lupa o kongkreto. Ang Cascade Natural Gas ay magpapadala ng isang kinatawan para markahan ang lokasyon ng natural gas na pipeline sa natalaga mong lugar. Ang tawag at serbisyong ito ay ipinapagakaloob ng walang dagdag na singil sa iyo at hinihiling sa ilalim ng batas.
APAT na Simpleng Hakbang sa Ligtas na Paghuhukay1. Makipag-ugnayan sa sentro ng One
Call ng iyong estado sa pamamagitan ng pag-dial sa 811 ng kahit man lamang 48 oras (pero hindi kasama ang weekends o mga piyesta opisyal) bago ka maghukay.
2. Hintayin ang kinatawan ng Cascade Natural Gas na markahan ang kanilang mga pasilidad na nasa ilalim ng lupa gamit ang pintura, mga bandera at/o baston.
3. Kumpirmahin na ang lahat ng mga pasilidad ay namarkahan. Kung alam mo o naniniwala ka na ang mga pasilidad ay hindi mainam na namarkahan, kailangan mong tumawag ulit sa sentro ng One Call bago simulan ang anumang iba pang paghuhukay.
4. Mag-ingat kapag naghuhukay malapit sa mga pasilidad na nakabaon sa ilalim ng lupa; sundin ang mga pamamalakad sa paghuhukay at mga batas ng estado.
PAANO MO KAMI MATUTULUNGAN: Maaari mo kaming tulungan na matiyak ang isang ligtas, maaasahan na transportasyon at paghahatid ng natural na gas sa ating rehiyon at sa iyong komunidad. s Gamitin ang mga mapagkukunan ng tulong at mga contact na nakalista sa brochure na ito para
makakuha ng dagdag na impormasyon kung interesado.s Parating tumawag sa 811 bago ka maghukay, kahit man lamang 48 oras bago ang paghuhukay.s I-ulat ang anumang nakakapanghinala o mapanganib na aktibidad na pumapalibot sa mga pipeline o sa
mga right-of-way sa Cascade Natural Gas kaagad sa pamamagitan ng pagtawag sa (888) 522-1130.s Kung napapansin mo ang anumang tanda ng pagkasira o pinsala sa mga pasilidad ng Cascade na
nasa ibabaw ng lupa, i-ulat ang mga ito sa Cascade Natural Gas.s Tulungan kami na protektahan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtitipid ng enerhiya. Maaaring
kuwalipikado ang mga kustomer para sa mga rebate; makipag-ugnayan sa iyong kaugnay na estado.s Galangin ang mga marka sa Pipeline dahil ipinapahiwatig ng mga ito ang tinatantiyang lokasyon, kung
kanino dapat makipag-ugnayan, ano ang inililipat at anong numero ang dapat tawagan sa kaganapan ng emerhensya.
s Gamitin ang iyong mga pandama para makilala ang pagsingaw at kumilos nang naaayon.
MAKIPAG-UGNAYAN SA CASCADE: Maaari mong i-ulat ang isang pagsingaw sa natural na gas, alarme ng carbon monoxide, pagsira ng linya, o anumang ib apang mga emerhensya sa serbisyo ng natural na gas, o para magtanong sa customer service, mangyari lamang makipag-ugnayan sa amin 24 oras na bukas sa (888) 522-1130.
ANG MGA SUMUSUNOD NA MAPA SA COUNTY AY NAGPAPAKITA KUNG SAAN GUMAGANA ANG MGA NATURAL NA GAS NA PIPELINE NG CASCADE NATURAL GAS
Transmission/Distribution lines
Distribution lines
Non-Cascade lines
Compressor Station
WASHINGTON
OREGON
NASA IBABA ANG MGA MAPA NG MGA COUNTY KUNG SAAN NAGLILINGKOD ANG CASCADE NATURAL GAS: