Elehiya para sa Pagkamatay ng Aking Lola PAMAMAALAM Ni: Kate Margarette B. Egamao Sa Hindi inaasahang pagkakataon, Kami’y iyong iniwan. Parang kailan lang nang tayong magkasama Ngunit ngayo’y wala kana, lola ko mis na kita. Parang isang magnanakaw na hindi inaasahan, Oh, bakit mo kami iniwan. Sa konting panahon na kapiling ka, Damangdama ko pa ang pagmamahal mo nong buhay ka pa, Sa bawat ngiti mo parang ako’y nasa langit na. Makita lang kitang masaya araw ko gumaganda Batid ko ang hirap na dinaranas mo Sakit mo’y di halos malunasan. Pabalik-balik sa lugar na pagamutan Ika’y paulit-ulit na tinutusok ng karayom ng kasarinlan Nang ika’y bantayan ko, parang puso koy tinusok rin at halos di ko maintindihan ang nadama kong ito. Kay bilis ng panahon, nang ika’y sinasamahan ko pa. Laking gulat kong mabalitaan kong ika’y sinugod ulit sa ospital, Napaisip ko, kailangan ba talagang paulit-ulit na lang? Sana’y maghilom na, sakit mong nakakakaba. Alalang- alala kami’y nang sa nagyari mo kanina.