1 Indus Valley Civilization Isa sa pinakamagandang bagay na maipagmamalaki sa sibilisasyong ito ay ang mahusay na pagpaplano ng mga siyudad na hindi gaanong nakita sa iba pang sumibol na kabihasnan. Sa aspetong iyon, makikita ang mataas na antas ng karunungan ng mga sinaunang tao kabilang sa Kasaysayan ng Timog Asya Pagkatapos ng Panahong Neolitiko hanggang Dinastiyang Mughal Timeline ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng subkontinenteng India. Lokasyon ng kabihasnan Mohenjodaro at Harappa- mahahalagang lungsod sa kabihasnang Indus Mga Drabidyano ang pinaniniwalaang luminang ng kabihasnang ito. Maayos na pagpaplano ng imprastraktura at lungsod. Epektibo ang pamahalaan. Maraming naipatayong paaralan, templo, imbakan ng pagkain at iba pang pampublikong istarktura. Kalinangan sa matematika at surveying. Politeistiko. Sumasamba sa mga banal na hayop tulad ng baka, atbp. Paggamit ng selyo at maraming simbulo sa pagsusulat. Mga teorya ng pagbagsak ng kabihasnang Indus: (1) Suliraning ekolohikal/sa kalikasan (2) Pagputok ng bulkan/lindol/baha (3) Pananakop ng mga Aryan. I. Matandang Vediko Nagsimula ito sa pagpasok ng mga Aryan, Indo- Europeong pangkat, sa Timog Asya. Naging dahilan ito ng paglipat ng mga Drabidyano sa bahaging timog ng India. Paglaganap ng politeistikong relihiyong Vedismo na nakabatay sa mga nakasulat sa Veda (karunungan). Kabihasnang Indus, 3000-1500 BC Kalinangang Hinduismo, 1500-550 BC
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
Indus Valley Civilization
Isa sa pinakamagandang bagay na
maipagmamalaki sa sibilisasyong ito ay ang
mahusay na pagpaplano ng mga siyudad na hindi
gaanong nakita sa iba pang sumibol na kabihasnan.
Sa aspetong iyon, makikita ang mataas na antas ng
karunungan ng mga sinaunang tao kabilang sa
Kasaysayan ng Timog Asya
Pagkatapos ng Panahong Neolitiko hanggang Dinastiyang Mughal
Timeline ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng subkontinenteng India.
Lokasyon ng kabihasnan
� Mohenjodaro at Harappa- mahahalagang
lungsod sa kabihasnang Indus
� Mga Drabidyano ang pinaniniwalaang luminang
ng kabihasnang ito.
� Maayos na pagpaplano ng imprastraktura at
lungsod. Epektibo ang pamahalaan.
� Maraming naipatayong paaralan, templo,
imbakan ng pagkain at iba pang pampublikong
istarktura.
� Kalinangan sa matematika at surveying.
� Politeistiko. Sumasamba sa mga banal na hayop
tulad ng baka, atbp.
� Paggamit ng selyo at maraming simbulo sa
pagsusulat.
� Mga teorya ng pagbagsak ng kabihasnang Indus:
(1) Suliraning ekolohikal/sa kalikasan
(2) Pagputok ng bulkan/lindol/baha
(3) Pananakop ng mga Aryan.
I. Matandang Vediko
� Nagsimula ito sa pagpasok ng mga Aryan, Indo-
Europeong pangkat, sa Timog Asya.
� Naging dahilan ito ng paglipat ng mga
Drabidyano sa bahaging timog ng India.
� Paglaganap ng politeistikong relihiyong Vedismo
na nakabatay sa mga nakasulat sa Veda
(karunungan).
Kabihasnang Indus, 3000-1500 BC
Kalinangang Hinduismo, 1500-550 BC
2
Veda
Nakasulat sa Sanskrit, may apat na koleksyon ng
Veda: ang Rig Veda, Sama Veda, Yahur Veda at
Atharva Veda. Pangunahing laman ng Rig Veda ay
ang mga papuri sa mga diyos tulad nila Indra, Agni,
Soma, Varunas at marami pang iba. Kasama ito sa
batayang kasulatan ng Hinduismo.
Trimurti
Banal na sangkatlo ng Hinduismo.
Brahma: Tagapalikha
Vishnu: Tagapagpanatili
Shiva: Tagasira
� Nahati ang lipunan sa mga varna (class) batay sa
sistemang kasta (Caste system).
(1) Brahmin-mga pari
(2) Kshatriya-mga mandirigma
(3) Vaishyas-mangangalakal at magsasaka
(4) Shudra-mga alipin
� Nagkaron ng ganitong sistema dahil sa
paniniwalang Aryano, at takot ng
kontaminasyon.
� Mga paniniwalang at tradisyong Aryano:
(1) Apat na yugto ng buhay: pag-
aaral/pagdidisiplina, pag-aasawa,
pagtatrabaho/paglilingkod, pagtigil sa
makamundong pagnanasa.
(2) Tradisyong patrilineal
(3) Paniniwala sa kauluwa, mataas na porma ng
dasal at ang konspeto ng dualismo.
II. Bagong Vediko
� Umusbong ang iba pang Veda maliban sa Rig
Veda.
� Pagsibol ng mga ritwal ng pagsasakripisyo,
salamangka at panggagayuma.
� Ang pagkakasulat ng Upanishads na nagtataglay
ng 6 na batayan ng pilosopiyang Hindu
� Ang pag-usbong ng epikong patula na
Mahabharata (tungkol sa paligsahan ng
dalawang angkan) at Ramayana (tungkol sa isang
prinsipe, Rama).
� Paniniwalang nilinaw sa panahong ito: karma,
reinkarnasyon, samsara (siklo ng walang
katapusang buhay), moksha (pagtakas sa
samsara), dharma, artha at kama (tatlong
tunguhin ng tao).
Katulad ng Hinduismo, tinaggap ng mga sumusunod na
relihiyon ang konsepto tulad ng samsara at karma. Kasama
sa mga layunin nito ay ang tanggalin ang kasta sa lipunan
at ang pagsamba sa maraming diyos sa pamamagitan ng
maranyang ritwal.
Jainismo
� Sentro ng paniniwalang ito ang konsepto ng kaluluwa
-- paggalang at pagkakapantay-pantay ng mga
kaluluwa.
� Pinakilala ito ni Vardhamana Mahavira
Buddhismo
� Nakaugat sa mga meditasyon tungkol sa kahirapan sa
buhay.
� Pagtingin sa malalim na kahulugan ng buhay.
� Pinakilala ni Siddharta Gautama
*kasama sa iba pang naipakilalang relihiyon sa panahong
ito ay ang Saivismo at Vaisnavismo.
� Nakapasok sa India ang imperyong Persyano – ang
imperyong Achaemenid.
� Pati na ri ang Imperyo ni Alexander the Great, sinakop
nito ang kolonya sa lambak ng Indus at sya naman
itong nilisan na nagbigay daan sa pagtatatag ng
Imperyong Maurya.
Pagpasok ng mga Bagong Relihiyon, 550-184 BC
Sistemang Imperyal sa India, 312 BC-550 AD
3
Imperyong Maurya
Napasailalim sa panahong ito ang
pinakamalawak na saklaw ng lupain na
umabot halos sa buong subkontinenetng
India. Pinakamalawak sa lahat ng naging
imperyo sa makalumang panahon.
Matematika
Sa imperyong ito nagkaroon ng maraming
rebolusyon sa matematika tulad ng
pagpapakilala sa konsepto ng zero, infinity,
trigonometry, at ang pinakmahalaga sa lahat
ay ang Arabic Numerals (0-9).
Imperyong Maurya
� Chandragupta Maurya: ang nagtatag ng imperyong
Maurya
� Naging epekitbo ang pamamahala na naglunsad sa
maraming imprastraktura at kaayusan sa imperyo.
� Asoka: apo ni Chandragupta Maurya na syang
pinakadakilang pinuno ng imperyo.
� Matapos ang isang labanan na nagdulot ng maraming
kamatayan, niyakap nito ang Buddhismo at
nagpatupad ng iwas-karahasang mga programa.
� Nagpadala ng mga misyonerong Buddhista sa karatig
lugar ng India.
� Humina ang imperyong Maurya sa pagkamatay ni
Asoka.
� Napalitan ang imperyong ito ng mga maliliit na
imperyo tulad ng dinastiyang Sunga at Shaka.
Kaguluhang Pulitikal sa India
� Dulot ito ng mga pangunahing salik:
(1)walang sentralisadong pamahalaan.
(2) pag-usbong ng kaharian sa Timog India.
(3) pamumulaklak ng panitikang Drabidyano
*kasabay nito ang paglakas ng Buddhismo – ang
paglaganap nito sa mga karatig na lugar ng India.
Dinastiyang Gupta
� Pinag-isa ang karamihan sa lugar sa hilagang India
� Tinaguriang Ginintuang Panahon ng India dahil sa
pag-usbong sa mga larangan ng agham, sining at
pilosopiya.
� Pinaniniwalaang nagmula ang mga Gupta sa Bengal
� Mahigpit na sistema ng pagbubuwis at sentralisado
ang pamahalaan.
� Namulaklak ang panitikang Sanskrit.
� Mga namahala sa imperyo:
(1) Chandra Gupta
(2) Samudragupta
(3) Chandra Gupta II
(4) Kumaragupta II
(5) Skandagupta
Unang Pagtatangka
� Kalagayang heograpikal ang nagging dahilan
kung bait nahirapan ang mga Muslim noong
una na lusubin ang India.
� Nagkaroon ng jihad (banal na digmaan) sa
pamumuno ni Mahmud ng Ghaznivlaban sa
mga Hindu ang Kalipatong Abassid
� Labanan ng Elepante (Hindu) at Kabayo
(Muslim) na naging dahilan ng pagpasok ng
Muslim sa India.
Sultanato ng Delhi
� Itinatag ni Qutubuddin Aybak noong 1206
� Mga dinastiya ng namuno sa India sa
panahong ito:
(1) Slave/Mamluk – naging sentro ng
sultanato ang Delhi.
(2) Khilji – pinalawak ang sakop ng
sultanato hanggang Timog India at
Bengal.
(3) Tughlaq- Naglipat ng kabisera sa Dacca
(Bangladesh)
(4) Sayyid- naniwala sa “descendants of
the prophets”
Islamisasyon sa India, 712-1526 AD
4
Delhi Sultanate
Ilan sa mga namuno sa sultanatong ito ay
mga babae. Ang pinakamahalagang nai-
ambag nito sa subkontinente ay ang pag-
tanggol nito sa mga pananakop ng mga
Mongol mula sa Gitnang Asya.
Mughal Empire
Sa imperyong ito umusbong ang maraming
bagay na kinikilala ngayon sa buong mundo
tulad ng relihiyong Sikhismo, ang Taj Mahal,
ang konsepto ng religious tolerance at ang
pagkakapantay pantay ng lahat sa harap ng
batas.
Ang kabihasnan na nalinang sa India noong
pagkatapos ng panahong Neolitiko ay
nagbigay sa mundo ng dalawa sa
pinakadakilang relihiyon sa mundo. Ang
Hinduismo ay naging, hindi lamang isang
pananampalatayang Indian, kundi, pati na
rin paraan ng buhay, ang nagdidikta ng
kinakaiin, at sa pag-aasawa, halimbawa.
Ang Buddhismo naman, sa kabilang banda
ang sumalungat sa ilan sa paniniwala ng
Hinduismo. Nilalayon sa Buddhismo ang
pagkakaroon ng dispilinadong pamumuhay
upang makamit ang kapayapaan pati na rin
ang pag-angat sa kahirapan ng buhay. Ang
paniniwala sa hindi marahas na gawi ng
buhay ay syang nag-impluwensya sa mga
pinuno n gating panahon para sa
kapayapaan at karapatan ng bawat tao.
Ang pananampalataya ding ito ang
nagbigay ng inspirasyon sa pag-usbong nang
mataas na uri ng sining at arkitektura.
Naging lunduyan din ang Timog Asya sa
paglinang ng iba’t ibang uri ng disiplina
tulad ng matematika, agham at pilosopiya.
(5) Lodhis- pinakahuling dinatiya.
Dinastiyang Mughal
� Itinatag ni Babur, inapo ni Genghis Khan matapos ang
Labanan sa Panipat. Nagtapos ang Delhi Sultanate.
� Sinundan ito ng anak niyang si Humayun na
nahirapang magapi ang mga pananalakay ng ibang
maliliit na imperyo.
� Sumunod na namuno si Akbar the Great, na
nagpalawak ng imperyo sa hilaga ng India.
� Ilan sa mga nagawa ni Akbar ay ang mga sumusunod:
(1) Pagkakapantay pantay ng lahat
(2) Pagbaba ng buwis
(3) Religious tolerance
(4) Pakikipag-ugnayan sa mga Rajput (mga Hindu sa
hilagang kanlurang India)
(5) Uganayan ng Hindu at Islam (pag-usbong ng
Sikhismo)
� Shah Jahan- napatayo n maraming imprastraktura at
ilan na dito ay ang Taj Mahal at ang Pearl Mosque.