Top Banner
Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay ng malaki sa partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon. Maraming iminumungkahi ang ibang manunulat na diumano’y mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita. Sa pagtalakay na ito, nilimita lamang ang mga katangian ayon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa. 7/17/2017 6:26 AM 1 KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG AKADEMIKO
17

Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

Jan 23, 2018

Download

Education

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay ng malaki sa

partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang

pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.

Maraming iminumungkahi ang ibang manunulat na

diumano’y mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang

tagapagsalita. Sa pagtalakay na ito, nilimita lamang ang mga

katangian ayon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa.

7/17/2017 6:26 AM1KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 2: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

Upang maging isang epektibong tagapagsalita, kailangang may

sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay:

Una: Kailangang alam mo ang paksa sa isang usapan. Hindi magiging

kapani-paniwala kung mahahalata kang parang nangangapa sa iyong

pagsasalita sapagkat hindi mo alam o kulang ang iyong kaalaman sa

paksang tinatalakay.

Tandaan:* Hindi mo laging malilinlang ang iyong tagapakinig.

* Hindi madali ang magpanggap na may nalalaman sa isang

paksa nang hindi ka naghahagilap ng mga salita sa

sandaling nagsasalita ka na.

7/17/2017 6:26 AM2KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 3: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

Ikalawa: Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.

Hindi magiging epektibo ang paggamit mo ng salita at ang

pagpapahayag mo ng mga pangungusap kung ang pandiwa

mo ay laging nasa maling aspeto, halimbawa, o kung hindi

angkop ang mga panghalip na ginagamit mong panghalili sa

mga pangngalan, o kung laging bitin ang iyong mga

pangungusap o kung hindi mo maorganisa nang maayos ang

iyong mga pahayag.

Ikatlo: Kailangang may sapat ka ring kaalaman sa kultura ng

pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling

kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap. Ang wika ay

nakasandig sa kultura, hindi ga? Kung gayon, gayon din ang

komunikasyon. Kung kaya’t sa pagsasalita ay kailangang

maisaalangalang lagi ang mga nakaiimpluwensiyang kultura

upang maiwasan ang miskomunikasyon.

7/17/2017 6:26 AM3KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 4: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM4

Ang pagsasalita ay isa sa lima na makrong kasanayan. Kung

gayon, katulad ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon, ang

pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita na Dapat Linangin:

Una: Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng

mensahe sa pinakamaikling panahon. May mga sitwasyon kasing

nangangailangan ng presence of mind. Sa mga gayong sitwasyon,

kailangan ng bilis ng pag-iisip upang agad na masabi ng isang tao ang

kailangan niyang masabi.

Ikalawa: Kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng

mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas

at iba pang anyong di-berbal.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Ikatlo: Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa

iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at

pangangatuwiran.

Page 5: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM5KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon

ng tiwala sa sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong

walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi

palakibo. Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan,

inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig, garalgal na

boses, mabagal na pananalita, pautal-utal na pagbigkas o di

kaya’y ng kanyang panginginig, o paninigas, o pag-iwas ng

tingin, o labis na pagpapawis ang kakulangan niya o kawalan

ng tiwala sa sarili.

Page 6: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng

kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y sa

kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig

sa kanyang sinasabi. Makikita ito sa reaksyon ng kanyang

tagapakinig sa kanya.

7/17/2017 6:26 AM6KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 7: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM7

Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita.

Sa maraming pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging

mapanghikayat at nakakaakit pakinggan. May mga sitwasyong

nangangailangan ng malakas na tinig ngunit may pagkakataon

na mahinang tinig lamang ang kailangan. Katulad ng lakas,

kinakailangang iniaangkop din ang himig ng pagsasalita sa

sitwasyon at damdamin at maging sa kaisipan o mensaheng

ipinapahayag ng isang nagsasalita.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 8: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM8

Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang

nagsasalita. Kailangang maging malinaw ang pagbigkas niya

sa mga salita. Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring

magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo

pa’t ang wika natin ay napakaraming mga homonimo (mga

salitang pareho ang baybay, ngunit magkaiba ng paraan ng

pagbigkas at may magkaibang kahulugan). Kaugnay nito,

kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin (stress)

sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga

pangungusap at talata sapagkat nakatutulong din ito upang

maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 9: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM9

Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa

mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig.

Kinakailangang may tikas, ‘ika nga eh, mula ulo hanggang paa.

Hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung

siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin.

Sapagkat ang isang tagapagsalita ay kinakailangang maging

kalugod-lugod hindi lamang sa pandinig ng mga tagapakinig.

Kailangan din niyang maging kalugod-lugod sa kanilang

paningin upang siya’y maging higit na mapanghikayat.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 10: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM10

Ang kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita.

Kung wala nito, ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o

robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay kailangang maging

angkop sa diwa ng salita o mga salitang binabanggit.

Tandaan:

* Ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.

* Kailangang maging natural din ang kumpas.

* Iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.

* Kailangang nasa tama at hindi labis, hindi kulang o alanganing

kumpas ng kamay.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 11: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM11

Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari

ring gumalaw. Ang mga mata, balikat, paa at ulo -> ang

pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa

isang pagsasalita.

Halimbawa: Ang labis na paggalaw ng mga mata o ang kawalan ng

panuunan ng paningin sa kausap o sa madlang tagapakinig ay

malamang na magsilbing distraksyon sa halip na pantulong sa isang

tagapagsalita.

Ang mabisang pagpapanatili ng pakikipag-ugnayan sa

tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring

makatulong sa nagsasalita.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 12: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM12

Tinig

Bigkas

TindigKumpas

Kilos

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 13: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

“Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot,

kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.”

7/17/2017 6:26 AM13KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 14: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM14

Xenophobia o Stage Fright

- ito ay tawag sa takot sa pagsasalita sa harap ng madla.

- ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar,

maling bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatwang ideya o

anyong pisikal. Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga

ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili at di-pagkaalam kung

ano ang sasabihin at kung paano iyon sasabihin.

Ang Stage Fright ay may mga manipestasyon. Ilan sa mga

ito ay ang sumusunod: panginginig ng kamay, pangangatog ng

tuhod, kawalan ng ganang kumain, pananakit ng tiyan, di-

pagkatulog, pananakit ng ulo, pagkautal, pagkalimot ng

sasabihin, paninigas sa pagkatayo, kawalan ng panuunan ng

paningin, biglang pagbilis ng pulso at mataas na presyon ng

dugo.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 15: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM15

Iba’t Ibang Dahilan ng Stage Fright

1. Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.

2. Di-kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.

3. Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng

madla.

4. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal

tulad ng katabaan, kapayatan, di-kaaya-ayang mukha o kulay o di-

magandang postyur.

5. Kakulangan o kawalan ng kahandaan.

6. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 16: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM16

Mga Mungkahi Kung Paano Mamiminimays Ang Stage Fright

1. Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kaya mong magsalita sa harap ng

madla. Isipin ding hindi ka nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahansa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita.

2. Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya naibabahagi sa madla.

3. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong mga tagumpay at kabiguan, angiyong mga kalakasan at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan. Isiping maging ang mga taong may depekto ay maaaring magtagumpay.

4. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay natagapagsalita.

5. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ngkaranasan kung hindi mo susubukan.

6. Magpraktis ka nang magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit napangkat hanggang sa pagharap sa malalaking madla.

7. Isiping ang madlang tagapakinig ay ay palakaibigan at hindi mapanghusga.

8.Magbihis ng naayon sa okasyon.

9. Mag-imbak ng maraming kaalaman.

10. Dumating ng maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa tagapakinig.

11. Magdasal. Humingi ka ng lakas at dunong sa Panginoon Jesus.KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO

Page 17: Karlvinreportpresentationsafilipino 161108134808

7/17/2017 6:26 AM17

END!!!

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG

AKADEMIKO