1 Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 Pagpapantig ng mga Salita, Pagsunod sa mga Salita mula sa Kaliwa patungo sa Kanan, Itaas tungo sa Ibaba at sa Bawat Pahina, Paghihinuha sa Nararamdaman at Katangian ng mga Tauhan at Pagpapahayag ng mga Pangunahing Pangangailangan, Pagtukoy sa mga Pangngalan, Pakikinig at Pagtugon sa Pakikipag-usap sa Iba, Pakikilahok nang Masigla sa Kuwento Unang Kuwarter - Modyul 6 Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Jonamie R. Iligan / Krissa Mae M. Manal / Ma. Rowena P. Candelaria Mga Manunulat Arvilita P. Rodin Tagasuri Dr. John Albert B. Colle Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
12
Embed
Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
Kagawaran ng Edukasyon
MTB-MLE 1 Pagpapantig ng mga Salita, Pagsunod sa mga Salita mula sa
Kaliwa patungo sa Kanan, Itaas tungo sa Ibaba at sa Bawat
Pahina, Paghihinuha sa Nararamdaman at Katangian ng mga
Tauhan at Pagpapahayag ng mga Pangunahing
Pangangailangan, Pagtukoy sa mga Pangngalan, Pakikinig at
Pagtugon sa Pakikipag-usap sa Iba, Pakikilahok nang Masigla
sa Kuwento
Unang Kuwarter - Modyul 6
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Jonamie R. Iligan / Krissa Mae M. Manal / Ma. Rowena P. Candelaria
Mga Manunulat
Arvilita P. Rodin
Tagasuri
Dr. John Albert B. Colle
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling
nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Napagsasama ang tiyak na letra sa pagbuo ng mga
pantig at mga salita;
• Nasusundan ang mga salita mula sa kaliwa patungo
sa kanan, itaas tungo sa ibaba at sa bawat pahina;
• Nakapagpagpahayag ng mga pangunahing
pangangailangan;
• Napapantig nang pasalita ang mga salitang binubuo
ng 2- 3 pantig; at
• Nahihinuha ang mga nararamdaman at mga
katangian ng mga tauhan sa kuwentong
napakinggan.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ilan ang pantig sa salitang bibingka?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
_____ 2. Bakit nagulat si Betina isang umaga pagkagising
niya?
A. Dahil nawawala ang bilao niya at si Lola Belen
B. Dahil maraming kakaning nakalagay sa bilao
C. A at B
D. Wala sa nabanggit.
3
_____3. Alin sa sumusunod ang pangunahing
pangangailangan?
A. alahas B. laruan C. pagkain D. telebisyon
_____4. Anong pantig ang kailangan upang
mabuo ang salita sa larawan? ____hay
A. ba B. ka C. ma D. sa
_____5. Ano ang pangalan ng nasa larawan?
A. babae B. baso C. bata D. bibe
Hanapin at bilugan sa bawat hanay ang salitang katunog
sa hulihan ng salitang nasa loob ng kahon.
mataas 1. mataba matalas matangkad
maputi 2. maitim makinis mabuti
pandak 3. malalim padyak mataas
baso 4. laso plato tasa
talon 5. labis balon pambura
4
Pagbasa ng Kuwento:
“Bibingka…Putobumbong…Bibingka...Putobumbong!”
malakas na sigaw ni Betina tuwing umaga habang
sunong-sunong ang bilao. Mahalaga ang bilaong ito sa
kaniyang buhay. Ito ang naging katuwang ni Lola Belen sa
pagpapalaki sa kaniya. Matanda na si Lola Belen kaya
hindi na siya nakapagtitinda. Ulila na si Betina. Silang
dalawa lamang ang magkasama sa bahay.
Isang umaga, nagulat si Betina. Nawawala ang bilao
niya. Wala rin si Lola Belen sa kaniyang higaan. Naglakad-
lakad si Betina sa kanilang baryo. Nakita niya si Lola Belen.
Sunong-sunong ang bilao. Nilapitan niya ito at kaniyang
niyakap. Sabay na silang nagtinda.
A. Sagutin ang mga tanong mula sa kuwento. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kuwento? ______________________
2. Sino ang may bilao? __________________________________