Page 1
1
KABANATA I
PANIMULA
Ang yugto ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ang isa sa
pinakamakulay at madramang bahagi ng kasaysayang Filipino. Sa loob ng kulang sa
limang taong paghihirap sa ilalim ng kapangyarihang Hapon, kapansin-pansin
ang naging pambansang kaguluhan, pagkitil ng maraming buhay at pagkasira ng
mga ari-arian, agarang pagpapalit ng pamahalaan at ang pagtatangkang baguhin
ang pangkalinangan at pangkabuhayang pamumuhay ng mga Filipino sa ilalim ng
isinulong na dayuhang adhikain para sa isang sama-samang kasaganaan sa ilalim
ng pagkakandiling Hapones.1
Kinontrol ng mga mananakop na Hapon ng buong-buo at ganap ang buhay
ng mga Filipino mapa-siyudad at mapa-lalawigan. Sa pamamagitan ng sunod-
sunod na kautusan, proklamasyon at tagubilin, ang buong bansa ay isinailalim sa
pamamahala at kontrol ng pamahalaang militar. Nagkaroon ng paghihigpit pang-
1Resil B. Mojares, “The Historiography of the Japanese Occupation: Proceedings of the
Fifth National Conference on Local Histor Held in Iligan City, ed. Luis Q Lacar, Gabino Puno, and
Ricardo Jorge Caluen (Coordination Center for Research and Development, Iligan City, 1982), 1.
Page 2
2
ekonomiya, sinikap kontrolin ang pangkalahatang kaisipan ng mga tao sa
pamamagitan ng mapanupil na propaganda, buhay pananampalataya at pulitika
ng mga sinakop.2
Kabilang ang mga mamamayan ng lalawigan ng Kabite sa dumanas ng
kahalintulad na kalupitan sa ilalim ng pananakop ng Hapon. Sinalakay ng
puwersang militar ng mga mananakop ang Sangley Point sa siyudad ng Kabite
noong ika-10 ng Disyembre 1941. Ito ang naghudyat ng kanilang pagpasok at
panimulang pagsakop sa lalawigan tatlong araw makalipas ang pagsisimula ng
digmaan sa Pilipinas.3
Batayan ng Pag-aaral
Pangkaraniwan ng naging tema ng talakayan at sulatin sa kasaysayan ng
Pilipinas ang tungkol sa naging kabayanihan at magagandang nagawa ng mga lider
na kumalaban (gerilya) at maging ng mga nakiisa (kolaboreytor) sa mga dayuhang
mananakop sa panahon ng himagsikan ng alin man laban sa mga Kastila,
Amerikano o Hapon. Kaya nga’t kapag tinunghayan ang talaan ng mga itinanghal
na mga naging bayani ng bansa, kalimitan ay mga mukha at pangalan lamang ng
mga tanyag na Filipino ang mababasa. Maaari tuloy masabi na ang kasaysayan ng
2Claro M Recto, Three Years of Enemy Occupation: The Issue of Political Collaboration in
the Philippines (Manila: People’s Publishers, 1946), 10-14.
3A.V.H Hartendorp, The Japanese Occupation of the Philippines (Manila: Bookmark,
1967), 62-67.
Page 3
3
Pilipinas ay kasaysayan lamang ng mga ilustrado, ng mga naghaharing-uri at ng
mga matataas na tao sa lipunan. Kasaysayan na ang pangunahing diin at sentro ay
usaping pulitiko-militar. Patunay dito ang pangyayari na sa kalipunan ng katulad
na mga akda ay bibihira lamang mabanggit, kung mayroon mang mangilan-ngilan
na lumilitaw, ang may kinalaman sa buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan
ng alinman sa tatlong yugto ng kasaysayan ng bansa partikular sa panahon ng
pananakop ng Hapon.
Hindi naiiba sa pambansang sitwasyon ang historiograpiya ng lalawigan ng
Kabite. Ang papel na ginampanan ng probinsya at ng kanyang mga anak na naging
bayani simula sa taon ng Himagsikan ng 1896 hanggang sa pagbagsak ng Unang
Republika sa kamay ng mga Amerikano ang nananatiling dominanteng nilalaman
ng mga panitikan at literaturang pangkasaysayan nito.4
Kalimitan din sa mga ito
ay naka-sentro sa mga sundalo, gerilya at mangilan-ngilang sibilyan na
nagtangkang kumontra sa marahas na pamamalakad ng mananakop na militar.
Bihira lamang ang nakapokus sa mga sibilyan at mga pangkaraniwang
mamamayan o yaong nasa paligid ng sentro (periphery) kapag sumusulat ng
kasaysayan.5
Mga mamamayan na tinawag ni Ileto na “walang mukha”
4Alain Austria, “The Hardwood Patriarch: A History of the San Agustin Devotion of
Tanza, Cavite” (master’s thesis, DLSU-M, 2002), 1.
5Resil B. Mojares, “History from the Periphery: Local History in the Philippines,”
Journal of History vol. 1: 34-35.
Page 4
4
(faceless)6 o iyong binanggit ni Scott na mga “walang tinig” (inarticulate)
7 na
masa na kaparehong naapektuhan din ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang
pangaraw-araw na takbo ng buhay.
Sa puntong ito, naniniwala ang may akda na nararapat at sadyang
napapanahon na magkaroon ng isang panimulang sulatin na tatalakay naman sa
naging takbo ng pang-araw-araw na buhay ng mga Kabiteño noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Tinatayang isa ito sa pupuno sa pangkasalukuyang suliranin
sa kakulangan ng mga literaturang pangkasaysayan hindi lamang ng lokal na
historiograpiya at pampook na kasaysayan ng Kabite ngunit lalo’t higit sa
kasaysayang nasyunal.
Paglalahad ng Suliranin
Nakasentro sa naging takbo ng pangaraw-araw na buhay ng mga
pangkaraniwang mamamayan ng Kabite noong kasagsagan ng pananakop ng
Hapon mula taong 1941 hanggang 1945 ang ginawang panimulang sulatin kung
saan partikular na binigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang larawan ng pangaraw-araw na pamumuhay ng mga
pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa bisperas ng Ikalawang
6Reynaldo C. Ileto, Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-
1910. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1979),1-13.
7William Henry Scott, Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays on Philippine
History. (Quezon City: New Day Publishers, 1985), 6-9. .
Page 5
5
Digmaang Pandaigdig ayon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng pagkain, pananamit at tirahan (kasama sa konsepto
ng tirahan ang paglikas, pamumundok at alsa-balutan); partisipasyon sa
digmaan (hal. ay nagbibigay ng pagkain sa mga gerilya, espiya, naiwang
kamag-anak, kababaihan, bilang mga bata at iba pa); kalusugan; pag-
aaral/edukasyon; transportasyon, komunikasyon (radyo, at dyaryo) at
imprastraktura (kabilang ang kuryente); trabaho at hanapbuhay;
kasayahan at libangan; ligawan, pag-aasawa at kasalan; pagdiriwang ng
mga okasyong panrelihiyon tulad ng piyesta, libing at Pasko; pansariling
pananaw tungkol sa kapwa Filipino at mananakop na sundalo; “peace and
order” sa lokalidad; at sariling kuwento tungkol sa di-malilimutang
karanasan.
2. Paano binago ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang takbo ng pangaraw-
araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sang-ayon
sa kanilang kuwento? Paano nila tinugunan ang mga hamon na dala ng
mga pagbabagong ito sa kanilang pangaraw-araw na buhay?
3. Paano ginampanan ng mga taga-Kabite ang kanilang papel sa digmaan
bilang mga pangkaraniwang mamamayan o mga “non-combatants? Paano
naapektuhan ng papel na ito ang takbo ng kanilang pangaraw-araw na
pamumuhay?
Page 6
6
4. Paano tinangap ng mga Kabiteño ang mga kalupitang naranasan nila sa
mga dayuhang mananakop at sa sariling mga kababayan na rin sa isang
banda at ang magandang pakikitungo naman ng mga ito sa iba bilang mga
sibilyang mamamayan nang panahon ng giyera?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ayon sa mga sumusunod na kadahilanan ang ginawang
pananaliksik:
Una, sa kadahilanang isang pioneering work ang natapos na pag-aaral,
malaki ang maiaambag nito sa lokal na kasaysayan ng Kabite at sa pangkalahatan
ay sa pambansang historiograpiya partikular sa panglipunang kasaysayan para
mapunuan ang kakulangan sa mga pag-aaral tungkol sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Mahalaga ito upang lalo pang mapalawak at mapaunlad ang mga
paksa ng pambansang kasaysayan ng Pilipinas.
Sa dahilang bibigyang-diin nito ang naging pangaraw-araw na buhay ng
mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite noong panahon ng giyera, lalo pa
nitong mapapatingkad ang mahalagang papel na ginagampanan ng lalawigan sa
larangan ng kasaysayang pambansa.
Ikalawa, makapagbigay-suporta at makatulong para sa mas malalim na
pagkaunawa at apresasyon sa kahalagahan ng mga naunang pananaliksik na
isinagawa tungkol sa kahalintulad na tema ng pangaraw-araw na buhay ng mga
Page 7
7
pangkaraniwang mamamayan noong kasagsagan ng pananakop ng Hapon sa
Pilipinas.
Sa dahilang bago at kakaunti pa lamang ang mga pag-aaral na tumatalakay
sa konsepto ng pangkaraniwang mamamayan at pang-araw-araw na buhay sa
Pilipinas, mababaw pa ang pagkilala at pagpapahalagang iniuukol dito. Inaasahan
na ang katatapos na ginawang pananaliksik na tumalakay sa naging buhay ng
mga “di-kalaban” sa digmaan o mga sibilyan at ng mga ordinaryong mga Kabiteño
na direktang nakaranas at nakasaksi ng mga kaganapan sa panahon ng pananakop
ng mga Hapon ay makatutulong bilang suporta sa kinalabasan ng pag-aaral na
nauna nang inilathala para sa mas malalim na pagkaunawa at pagbibigay pahalaga
sa nabanggit na mga bagong konsepto at paksa ng historyograpiya sa Pilipinas.
At Ikatlo, sa pamamagitan ng ibang uri ng kaparaanan ng pananaliksik o
metodolohiya partikular ang “paglalarawan-pagsusuri” (descriptive-analytical) at
kasaysayan pasalita o “oral history”, mapupunuan nito ang suliranin sa kakulangan
ng datos o impormasyong pangkasaysayan na hindi lahat ay matatagpuan sa
umiiral na opisyal na tala ng nakasulat na batis o dokumento.
Sang-ayon kay Burke, “sa kadahilanang ang mga nakasulat na opisyal na
dokumento ay nagpapahayag lamang ng opisyal na pananaw na kalimitan ay tala
tungkol sa mga kilalang tao o yaong nabibilang sa naghaharing uri, kinakailangang
magkaroon ng alternatibong pagkukunan ng mga datos at impormasyon kung ang
papaksain naman ay ang “kabilang panig” ng opisyal na pahayag.” Dagdag pa niya,
Page 8
8
“sa ganitong paraan ay masisiguro na magiging patas ang magiging muling
pagtanaw sa nabanggit na bahagi ng kasaysayan sapagkat parehong lulutang ang
dalawang pananaw, ang pananaw mula sa “itaas” (naghaharing uri o mga “elite”)
at ang pananaw mula sa “ibaba” (masa)”.8
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
Sa ginawang pag-aaral inilarawan at sinuri ang mga bagay at kaganapan sa
buhay ng mga ordinaryong Kabiteño sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Ang lokasyong geograpikal ng lalawigan ang siyang naging pangunahing
basehan at pokus na pinagkuhanan ng mga panayam sa ginawang pananaliksik.
Inilapat din ito sa naging ugnayang pang-ekonomiya, kultura at pulitika ng mga
lugar na napili bago pa man sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas.
Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nagmula sa mga lunsod at bayang
sumasakop sa lalawigan ng Kabite kung saan nagkaroon ng tig-tatlong (3)
kinatawang lugar ang baybayin (coastal) at kapatagan (plain) o ang mababang
Kabite, at kataasang lugar ng probinsiya o mataas na Kabite (upland).
Ang Siyudad ng Kabite at mga bayan ng Kawit at Noveleta ang pinili ng
may-akda na pagkunan ng mga kapanayam para magrepresenta ng baybaying
8
Peter Burke, Overture. The New History: Its Past and its Future. New Perspective on
Historical Writing (University Park, PA: The Pennsylvania State University Press, 1992), 4-5.
Page 9
9
lugar ng lalawigan samantalang mga naninirahan naman sa bayan ng Imus,
Dasmariñas at Tanza ang piniling maging kalahok para kumatawan sa kapatagang
Kabite.
Mga mamamayan naman ng Indang, Silang at Naic ang kinapanayam para
sa kinatawang bilang para sa kataasang Kabite.
Piniling kumatawan para sa baybaying Kabite ang Lunsod ng Kabite dahil
mahalaga ang papel na ginampanan nito sa digmaang naganap bilang
panlalawigang kapitolyo nang panahong iyon.
Ayon sa opisyal na mga tala, ito ang unang lugar sa lalawigan na sinalakay
ng mga Hapon.9 Dito matatagpuan ang Cavite Naval Base na pinagkutaan ng
puwersang Amerikano (16th Naval Base), isa sa mga istratehikong base militar ng
Pilipinas para sa pagtatangol ng bansa. Inakupahan din ng mga Hapon ang
nabanggit na base militar bilang bahagi ng kanilang opensiba sa Kabite at kalapit
na mga probinsiya partikular ng mga lalawigan ng Laguna at Batangas.
Malapit lamang dito ang bayan ng Kawit at Noveleta. Binigyan ng mga
mananakop na Hapon ng sapat at espesyal na atensiyon ang pamamahala sa lugar
partikular sa mga ipinalabas na mga patakaran na nakaapekto ng malaki sa
pangaraw-araw na naging takbo ng buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan
ng lugar dahilan na rin sa estratehikong papel na ginampanan nito sa
9Teresita P. Unabia, Cavite’s Historical Calendar (Dasmariñas, Cavite: Institutional
Communication Office, De La Salle University-Dasmariñas, 1997), 84.
Page 10
10
pangkalahatang kaganapan ng digmaan at distansya nito sa dating kabisera ng
lalawigan. Patunay dito ay ang “garrison o general headqurter” ng sundalong
Hapon na itinayo sa nasabing lugar (Sunset Beach, Noveleta), kung saan
nakahimpil ang sandatahang panghimpapawid ng mga Hapones, at ang punong
himpilan ng mga kempeitai na ginamit na instrumento ng gobyernong Hapon sa
pagpapahirap at pagtatanim ng takot sa mga mamamayan nang panahong iyon.
Napili naman ang Imus, Dasmariñas at Tanza, para kumatawan sa
kapatagang Kabite. Sa mga paunang pagsasaliksik na ginawa ng may-akda ay
kinakitaan ng di-iilang pagbanggit ng mahahalagang kaganapan tungkol sa buhay
ng mga pangkaraniwang mamamayan sa kapatagang Kabite partikular sa “zoning”
ng mga lugar at “masaker ng mga sibilyan”, ang mga dokumento ng Historical
Data Papers at Japanese War Crime Records ang nabanggit na mga lugar.
Ipinatupad din ng malawakan sa mga nabanggit na mga bayan ang
pambansang patakaran sa pagtatanim ng “bulak” sa mga estratehikong
agrikultural na lugar na nakaapekto sa lokal at pambansang produksiyon ng palay
at tubo.10
Malaking bentaha ito para sa koroborasyon at pagpapatotoo sa iba pang
pangunahin at mga sekondaryang datos na nakalap habang ginagawa ang pag-
aaral patungkol sa mga kontrobersiyal na isyu ng pananakop ng mga Hapon.
10
History of Dasmariñas and Imus in Historical Data Paper of the Philippines (Cavite)
Microfilm Roll # 21. Pambansang Aklatan. Maynila.
Page 11
11
Mga bayan naman ng Indang, Silang at Naic ang pinili para kumatawan sa
Kataasang Kabite. Ang unang nabanggit na dalawang bayang kinatawan ang
dalawa sa mga pangunahin at sinaunang bayan na itinatag sa kataasang Kabite na
sa panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang Hapon at muling pagbabalik
ng mga Amerikano ay gumanap ng mahalagang papel at nagsilbing mahalagang
pansamantalang himpilan para sa mga mananakop.
Ayon din sa mga paunang di-pormal na pagtatanong na ginawa sa mga
mamamayan ng ilang kalapit bayan, ito ang dalawa sa mga pangunahing lugar na
naging destinasyon ng mga nagsilikas o nagsipamundok na mga mamamayan
mula sa kapatagan at baybaying Kabite at iba pang kalapit lugar partikular ang
Maynila para makaiwas sa kalupitan ng mga Hapon.
Ang kampus ng ngayon ay Cavite State University ay ginawang isang sentro
ng sanayan ng mga sundalong Hapon noon,11
samantalang lumabas sa iba pang
inisyal na mga pagtatanong na nagsilbi ang Silang bilang “food basket” ng
lalawigan nang kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Naging sentro naman ng sinaunang kalakalan ng mga taga-kataasang
Kabite ang bayan ng Naic matapos itong malipat mula Maragondon, partikular
11
Daniel M. Anciano, Unpublished book. Intermedia ng Indang-1904-1927: Ang
Paaralang Panlalawigan sa Mataas na Lupa ng Kabite, 2007. 16.
Page 12
12
bago sumiklab ang giyera12
kaya’t ito ay pinili ring pagkuhanan ng mga sampol ng
panayam.
Ganito ang ginawang pagpili sa mga kalahok para magkaroon ng
paghahambing at masilip kung mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga
naging karanasan ng mga mamamayan sa iba’t-ibang lugar na pinanggalingan ng
mga kalahok ayon sa kanilang lokasyong geograpikal.
Isinaalang-alang din ng mananaliksik ang naging maunlad na ugnayang
pang-ekonomiya ng mga lugar na napili na nagsimula pa noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila na lalo pang sumigla dala ng mga ipinatayong mga nag-
uugnay na mga tulay at kalsada at riles ng tren nang panahon ng pananakop ng
mga Amerikano.
Hangga’t maaari, may edad na hindi bababa sa sampung (10) taong gulang
na noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at hindi bababa sa
pitumpung (70) taong gulang na sa kasalukuyan ang naging mga kapanayam.
Ginawa itong limitasyon ng edad para magkaroon ng mas marami at malawak na
hanay ng pinagkuhanan ng respondents na ginawang kalahok sa pag-aaral dahilan
na rin sa pangyayari na hindi na ganun karami pa ang mga taong nananatiling
buhay sa kasalukuyan na nakaranas ng lupit ng digmaan noon.
12
Emmanuel Franco Calairo, Naic, Cavite: Kasaysayang Lokal Mula Panahon ng Kastila
Hanggang Panahon ng Hapon (Dasmariñas, Cavite: Cavite Historical Society, 2000), 220.
Page 13
13
Hindi naman naging sagabal ang pagkakaroon ng murang edad ng mga
kalahok sa pag-aaral sapagkat sang-ayon na rin sa mga inisyal na panayam at
pagtatanong marami ang nagpatotoo na sa edad na sampung gulang noon ay
mulat na ang kanilang mga kaisipan kaya’t marami na silang natandaan sa mga
naging kaganapan nang digmaan. Sa iba pang nalathalang mga kahalintulad na
pag-aaral kagaya ng kina Kintanar at mga kasama ay lumabas na halos katulad
ding edad ang kanilang ginawang mga kalahok.
Hindi rin naging suliranin ang usapin hinggil sa wastong pag-iisip at
“perfect memory” at senility ng mga kinapanayam na malimit na binabanggit
bilang isang malaking suliranin sa pagamit ng pasalitang kasaysayan (oral history)
bilang kaparaanan ng pangangalap ng datos. 13
Sa “on-line” na aklat na lumabas sa website ng google.book.com,
binigyang diin ng may-akda na sa mga naisagawa ng mga pananaliksik, ipinakikita
na pagkalipas ng dalawampu-apat na oras, marami na ang detalyeng maaaring
malimutan tungkol sa isang pangyayaring naranasan. Dagdag pa niya, mas
marami pa ang malilimutan sa susunod pang tatlo hanggang limang taon. Ngunit
pagkalipas nito, ang pagkatanda at memorya ng isang tao ay nanatili nang buo sa
13
Donald A. Mitchie, Doing Oral History: A Practical Guide, 2nd
ed. (United States:
Oxford University Press, 2003), http://books.google.com/books?id=6lmV7M5GlQC/. Accessed 10
September 2008.
Page 14
14
susunod na limampung taon o higit pa.”14
Sa isa pang “online” na aklat, binangit naman ang pangyayari na bagaman
at kalimitan ay nalilimutan ng mga tao ang detalye ng isang kaganapan at
maaaring maging malabo ang alaala nila tungkol dito, sa oras mismo ng panayam,
kalimitan ay buong-buo at nakapokus ang isip ng interviewee sa pangyayaring
dinodokumentuhan.15
Para sa lubusang pagpapaala-ala sa kanilang mga karanasan at mga
impormasyon na maari nilang malimutan sa isang pangkaraniwang usapan
lamang o isang pansariling pagbabalik- isip, isang maayos na balangkas ng mga
tanong ang nauna ng ipinadala sa mga respondents. Ito ay para na rin kanilang
mapag-aralan at mapaghandaan ang pangkalahatang magiging takbo ng panayam.
Nakatulong din ng malaki sa mga nakapanayam ang muling pagbanggit sa
mismong oras ng interbyu ng ilang mga detalye ng ginawang paunang kaligirang
(background research) pagsasaliksik tungkol sa paksa.
Minarapat itong gawin upang ang anumang maaring maisip na
kakulangan at agam-agam tungkol sa pagiging malilimutin o senility ng
kapanayam ay mapunan at masagot sa pamamagitan ng nabanggit na mahusay na
paunang pagtatanong o “background research” at maayos na pagkagawa ng
14
Robert Perks and Alistair Thomson, The Oral History Reader (U.K. Routledge, 1998),
http://books.google.com/books?id=7y2Km2IFN84C&dq. Accessed 10 September 2008.
15
Barbara W. Sommer and Mary Kay Quinlan, The Oral History Manual. (Walnut Creek,
CA: Rowman Altamira Press, 2002), http://books.google.com/books?id=6zeikAeTPHsC. Accessed
10 September 2008.
Page 15
15
balangkas o outline ng mga katanungan. Nagkaroon naman ng koroborasyon ang
resulta ng mga ginawang panayam sa iba pang panayam at sa mga nakatala at
arkibong dokumento tungkol sa pinag-uusapang pangyayari na nauna ng natipon
ng mananaliksik.
Sa mga panayam na isinagawa nagkaroon ng hindi bababa sa tig-limang (5)
kalahok sa bawat kasaling munisipyo o lunsod na siya mismong nagrepresenta sa
mga respondents na pangkaraniwang mamamayan.
Inilapat ang depenisyon ng salitang “pangkaraniwang mamamayan” sa
konsepto ng pananaliksik nina Kintanar at mga kasama na lumabas bilang isang
aklat noong 2006 na may pamagat na Kuwentong Bayan: Noong Panahon ng
Hapon, Everyday Life in a Time of War, at sa papel na sinulat ni Mactal na lumabas
sa pang-Enero- Disyembre 2005 isyu ng Journal of History na pinamagatang Ang
Buhay ng Pangkaraniwang Mamamayan sa Cavite sa Panahon ng Himagsikan,
1896-1898.
Sang-ayon sa depenisyon nina Kintanar at mga kasama, ang
“pangkaraniwang mamamayang (Filipino)” ay yaong “karamihang mga Filipino na
walang malaking papel na ginampanan sa digmaan ngunit parehong nakaranas
ng ibayong hirap at nagawang nakaligtas.”16
16
Thelma B.
Kintanar and others, Kuwentong Bayan: Noong Panahon ng Hapon
(Everyday Life in a Time of War) (Quezon City: The University of the Philippines Press, 2006), 2.
Page 16
16
Sa pakahulugan naman ni Mactal ang “pangkaraniwang mamamayan(g)
(Filipino) ay “yaong mga mamamayang hindi direktang kasangkot sa labanan o
iyong mga hindi nagsihawak ng armas (non-combatants) o yung tinatawag ding
mga sibilyan.”17
Kaya’t sa ginawang pananaliksik, mga babae at lalaking Kabiteño na
walang gasinong mahalagang papel na ginampanan sa giyera o iyong mga hindi
humawak ng armas at di-direktang kasangkot sa labanan ngunit nakaligtas sa
digmaan at nabuhay na may kuwentong ibabahagi tungkol sa dinanas nilang hirap
sa kamay ng mga Hapon ang pangunahing pagtutuunan ng pansin.
Nasakop ng ginawang pag-aaral ang unang bahagi ng ika-dalawampung
dantaon hanggang taong 1941 o ang panahon bago pa man dumating ang mga
Hapon sa Pilipinas partikular nang panahon ng Komonwelt at ang huling bahagi ng
panahon ng kanilang pananakop sa bansa mga dakong 1945 hanggang
pagkatapos ng liberasyon.
Ang unang bahagi ng ika-20 na dantaon hanggang sa panahong 1941 ay
mahalaga sa ginawang pananaliksik upang ipakita at magkaroon ng paghahambing
sa takbo ng naging buhay ng mga mamamayan sa unang bahagi ng pananakop ng
mga Amerikano hanggang noong bisperas ng pagsalakay ng mga Hapon
17
Ronaldo B. Mactal, “Ang Buhay ng Pangkaraniwang Mamamayan sa Kabite sa Panahon
ng Himagsikan.” Journal of History 51, no. 1-4 (Jan-Dec. 2005), 366.
Page 17
17
hanggang noong sumiklab na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig patuloy
hanggang sa panahon bago ang pistaym.
Sa ganitong paraan ay madaling natukoy ang mga pagbabagong
naganap sa buhay ng mga Kabiteño sa pagpasok ng pananakop ng mga Hapones at
ang naging epekto nito sa buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite
sa pagpapatuloy ng digmaan.
Naipakita rin dito ang naging saloobin ng mga tao tungkol sa naganap na
pananakop (patungkol sa kapwa Filipino at puwersang mananakop) at ang mga
paraan ng kanilang pagtugon sa hamon ng nasabing pananalakay ng mga Hapon
sa Kabite at ang mga pakikibagay na kanilang ginawa para makaligtas at di-
gasinong maramdaman ang epekto nito.
Isang pampook na kasaysayan ng Kabite na tatalakay sa mga kalakaran ng
buhay sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan bida ang kanyang
mga pangkaraniwang mamamayan ang ninanais ng may akda na mabuo, kung
kaya’t minarapat na hindi isinama sa pag-aaral ang may kinalaman sa magigiting at
tanyag niyang mga anak na sundalo o gerilya at lider-gerilya na lumaban sa mga
Hapon.
Hindi rin ito kasaysayang pulitikal ng lalawigan nang nabanggit na panahon.
Maging ang kuwento ng panunulisan kung saan naging bantog din ang
Kabite nang kaparehas na panahon ay pahapyaw lamang binanggit.
Page 18
18
Balangkas ng Teyoretikal
Isang paglihis sa tradisyunal na pagsulat ng kasaysayan kung saan
ang kalimitang pokus at sentro ay tungkol sa aspetong pulitikal at estado at
gumagamit ng nakasulat na dokumento bilang pangunahing daluyan ng batis ang
naging takbo ng isinagawang pananaliksik. Iniugnay ito sa konseptong New
History (New Historicism) o Bagong Kasaysayan na nauna nang nakilala sa
bansang Pransiya na isinulong ng mga mananalaysay na kabilang sa grupong Ecole
des Annales noong dekada 30.
Ilan sa mga pangunahing karakter ng modelo ng Bagong Kasasayan na
pinag-ugnayan ng ginawang pag-aaral ang sumusunod:
Una, ang konseptong “total history”---ibig sabihin lahat ng bagay ay
may Kasaysayan (everything has a history). Sa dahilang lahat ng bagay ay may
nakalipas na maaaring muling bigyang buhay at buuin at maaaring iugnay sa iba
pang bagay na lumipas na, lahat halos ng mga bagay na may kinalaman sa mga
gawain ng tao ay binibigyang kahalagahan.18
Kaya’t sa modelong ito ang pagsulat
ng kasaysayan ay hindi lamang limitadong nakapokus sa aspetong pulitikal kung
saan ang estado ang sentro kundi maging ang iba pang paksa tulad ng lokal na
kasaysayan, relihiyon, sining, siyensiya at iba pa at pangaraw-araw na buhay.
Binibigyang pagkilala dito ang mga pangkaraniwan, ang mga napabayaan at
18
Burke, 1992, 3-7.
Page 19
19
nalimutan, ang mga kapos at ang mga walang mukha o di-kilala 19
na siyang
pinaksa at bida sa sulating ito.
Ikalawa, “history from below” o tinig mula sa ibaba kung saan tinig galing
sa “ibaba” ang pinalulutang---ibig sabihin, gamit ang mga materyales at iba pang
dokumento galing sa “ibaba” o yaong mula sa mga “masa”,20
pananaw ng mga
pangkaraniwang tao at ang kanilang mga karanasan ang ibinabandila at
pinagtutuunan ng pansin sa ganitong uri ng kasaysayan sa halip na mga kahanga-
hangang gawain ng mga magigiting na mamamayan, mga lider ng bansa, heneral
ng militar at paminsan-minsan ay mga taong simbahan.21
at Ikatlo, kasaysayang pasalita o “oral history”. Sa pagluwal ng samahan ng
“kasaysayan galing sa ibaba” binigyang pansin nito ang mga limitasyon at
kakulangan ng mga akdang pangkasaysayang nakabase sa mga nakasulat na batis
kung saan ang mga ito ay kalimitang hinango lamang sa mga opisyal na tala na
iniingatan ng pamahalaan at tinitipon at iniingatan sa mga opisyal na sinupan. Para
sa kanila, sa kadahilanang ang nabanggit na nakasulat na opisyal na dokumento ay
nagpapahayag lamang ng opisyal na pananaw, kinakailangang magkaroon ng
19
Dionicio Badilles, Bohol During the Japanese Occupation, 1942-45. (master’s thesis,
Graduate School, DLSU-M, 2002), 6.
20
Ileto, 1979, 13.
21
Fr. R.S. Delagoza, “Exemplary Models (Great Men Theory ) in Philippine Encyclopedia
of the Social Sciences: History.ed. Bernardita Churchill, (Quezon City: Philippine National
Historical Society. Philippine Social Science Council, 1993). 101.
Page 20
20
alternatibong pagkukunan ng mga datos at impormasyon kung ang papaksain
naman ay ang “kabilang panig” ng opisyal na pahayag.
Dito pumasok ang pasalita at biswal na mga ebidensiya mula sa
kasaysayang pasalita.22
Malaking tulong ang pagluwal ng konsepto ng Bagong
Kasaysayan kung saan nabuksan ang daan para mapunuan ang pangkaraniwang
suliranin sa daluyan ng pangunahing datos na hindi kayang sustenahan ng mga
nakasulat at mga arkibong dokumento.
Sa ginawang pag-aaral tungkol sa naging pangaraw-araw na buhay ng mga
pangkaraniwang mamamayan ng Kabite noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
ibinatay ang depinisyon ng “pangaraw-araw na buhay ” sa konsepto ni Braudel ng
“pangaraw-araw na buhay” o “everyday life” sa isa sa tatlong konsepto ng
“dayalekto ng haba ng panahon” (dialectic of time-span) na tinawag niya na la
courte duree o short term/everyday occurrences23
na kanyang ipinakilala sa
kanyang dalawang tomo ng aklat na The Mediterranean and the Mediterranean
World in the Age of Philip II. Ang nasabing depinisyon ang gagamitin sapagkat
ang mga pangyayari sa loob nang tatlong taong pananakop ng Hapon sa Pilipinas
ay maituturing na unique o “kakaiba at di-pangkaraniwang kaganapan” at
limitado lamang ang haba ng pangyayari sa nabanggit na panahon at hindi
22
Burke, 1992, 7.
23
M.L.T. Camagay, “Annales School and “New History” in Philippine Encyclopedia of
the Social Sciences: History, ed. Bernardita Churchill, (Quezon City: Philippine National Historical
Society. Philippine Social Science Council, 1993), 99.
Page 21
21
nagkaroon ng pagpapatuloy sa mga sumunod pang mga taon, isa sa mga aspeto
ng la courte duree.
Sang-ayon pa rin kay Braudel, ang pang-araw-araw ay ang mga
“karaniwang gawain o kalakaran (routine), ang mga di-namamalayang ginagawa
sa araw-araw.”24
Sa sanaysay naman ni Gullestad, kanyang binigyang diin ang ibinigay na
pakahulugan ni Lefebre sa konseptong “everyday life” o pang-araw-araw na
buhay bilang “mga bagay o kaganapan na binubuo ng mga maliliit na karaniwang
gawain o kalakaran (routine) na paulit-ulit nagaganap araw-araw.”25
Sa papel na sinulat ni Mactal, kabilang sa aspeto ng pangaraw-araw na
buhay na kanyang tinalakay ang partisipasyon ng mga karaniwang Kabitenyo sa
himagsikan; paglikas, pamumundok at alsa-balutan; kabuhayan; panliligaw,
kasalan at binyagan; pagdiriwang ng mga okasyong panrelihiyon tulad ng piyesta
at Pasko; at kasayahan at libangan.
Sa aklat naman nina Kintanar kabilang sa kategorya ng kanilang
pakahulugan ng “pang-araw-araw na buhay” ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng pagkain, tirahan at pananamit;
24
Fernand Braudel, On History. Trans. Sarah Mathews. Chicago: U of Chicago: P. 1980.
____. Civilization and Capitalism, 15th
-18th
Century: The structures of Everyday Life: The Limits of
the Possible. 1967; rev. ed. 1979. Trans. Sien Reynolds. (Berkeley: U of California)
25
Mariane Gullestad, The Transformation of the Norwegian Notion of Everyday Life.
American Ethnologist, vol. 18, no. 3, Representations of Europe: Transforming State, Society, and
Identity. (Aug. 1991, 480-499), http://www.jstor.org/journals/anthro.html (accessed 11 September
2008).
Page 22
22
kalusugan; pag-aaral/edukasyon; transportasyon at komunikasyon (kabilang ang
kuryente, radyo at dyaryo); trabaho at hanapbuhay; libangan; at sariling
kuwento tungkol sa di-malilimutang karanasan.
Ang nabanggit na mga depinisyon ng pangaraw-araw na buhay sa itaas at
mga kategorya nito na tinalakay ng dalawang may-akda ang balangkas o daloy na
sinundan sa pag-aaral na ginawa. Binigyan lamang ng modipikasyon ng
mananaliksik ang orihinal na mga konsepto.
Metodolohiya
Ang pananaliksik-historikal na isinagawa ay ginamitan ng metodolohiyang
pangkasaysayan na “paglalarawan-pagsusuri” (descriptive-analytical method)
kung saan sa pamamagitan ng sariling salaysay at kuwento ng mga nakapanayam
ay binigyang paglalarawan at sinuri ang naging pangaraw-araw na buhay ng mga
pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa kainitan ng pananakop ng Hapon sa
Pilipinas.
Kinalap at tinipon ang mga nabanggit na datos at impormasyon sa
pamamagitan ng kasaysayang “pasalita o oral history”. Para mabigyang-bisa o
balidasyon ang mga panayam, tiniyak ng mga nag-interbyu na humigit-kumulang
ay dapat na hindi bababa sa “dalawang respondents” ang magbibigay patotoo
(corroborate) sa anumang impormasyon na maaring maibahagi habang ginagawa
ang panayam.
Page 23
23
Sang-ayon kay Foronda, ang kasaysayang pasalita ay ang pagtatala ng
buhay at karanasan (talaarawan o dayari) o talambuhay ng isang nakatatandang
mamamayan sa pamamagitan ng tape recorder o iba pang gamit (visual recorder).
Ito ay maaring binubuo ng mga kaalaman at karanasan hindi lamang ng indibidwal
o grupo ng mga mamamayan kundi maari ring tungkol sa isang mahalagang
proyekto o pamagat tungkol sa isang institusyon base sa iba’t-ibang pananaw ng
mga manunulat. 26
Sa depinisyon naman ni Gealogo, “ang kasaysayang pasalita ay ang paraan
ng pangangalap at pagdodokumento ng personal o pang-pangkat na alaala o
karanasan kung saan itatala ang mga pangyayari base sa kuwento ng
kinakapanayam na personal na nakasaksi o nakaranas sa pangyayaring pinapaksa.
Ang panayam ay base sa mga tanong na nauna ng ipinarating sa kapanayam bago
pa ang interbyu.”27
Ang unang bahagi ng pananaliksik ay ginugol sa pagbisita sa mga
pangunahing aklatan tulad ng Pambansang Aklatan at Aklatan ng De La Salle
University sa Maynila at Akltan ng Unibersidad ng Pilipinas para sa mga
pangunahin at pangalawang batis na nagsilbing pangunahing batayan para sa
ginawang balangkas o daloy ng paksa na siyang nagtakda ng limitasyon at lawak
26
Foronda Jr., 1991, 90.
27
Francis A. Gealogo, “The Writing of People’s History in the Philippines.” in Philippine
Encyclopedia of the Social Sciences: History, ed. Bernardita Churchill, (Quezon City: Philippine
National Historical Society. Philippine Social Science Council, 1993), 103-105.
Page 24
24
ng pag-aaral. Sinadya rin ang ang Aklatan ng Cavite State University sa Indang para
naman sa karagdagang mga datos tungkol sa sinaliksik na paksa.
Ang Philippine Historical Data Paper (Kabite) ang nagsilbing isa sa mga
pangunahing daluyan ng batis sa pag-aaral na ginawa at nagsilbing pangunahing
batayan ng unang hasik sa pagbuo ng balangkas para sa isinagawang pagsusuri.
Sinanguni din para sa iba pang datos tungkol sa pananakop ng Hapon sa
Kabite ang microfilm na kinapapalooban ng pahayagang The Tribune at ang opisyal
na dyornal ng Japanese Military Administration.
Sa pagsasaliksik sa Pambansang Sinupan ay tinunghayan naman ang
ilang pahina ng manuskrito ng Japanese War Crime Records na tumalakay naman
sa paglilitis sa mga opisyal at sundalong Hapon sa kanilang ginawang
pagpapahirap sa mga sundalo at sibilyang Kabiteño na napadamay sa digmaan.
Upang lalo pang mapalawak ang kaalaman tungkol sa naging buhay ng
mga sibilyan nang panahon ng giyera, sinilip din ang People’s Court Papers sa
sinupan ng pangunahing aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas. Tinalakay naman dito
ang paglilitis na isinagawa ng Komisyong Tañada sa mga Filipino na inakusahan ng
pamahalaang Komonwelt ng pagiging kolaboreytor sa pamahalaang Hapon noong
kainitan ng digmaan.
Sa pagpili ng mga kalahok unang isinaalang-alang ang edad ng mga naging
“respondents” sa panayam bago pumutok ang digmaan na nagmula sa mga bayan
at siyudad na nauna ng pinili base sa lokasyong geograpikal ng Kabite. Sa pagpili sa
Page 25
25
mga kalahok ay hiningan ng tulong ang iba’t-ibang pambayan o panlunsod na
komiteng pangkasaysayan ng Kabite sa ilalim ng Cavite Historical Society sa
pamumuno ng dating Punong Ministro Cezar Virata. Ang mga nabanggit na
pangkasaysayang komite ang siyang nagrekomenda at nagturo kung sino ang
maaaring posibleng kapanayamin sa kani-kanilang lugar. Kinatulong din ang ilang
kasamang guro sa Kagawaran ng Agham Panlipunan at Humanidades ng Cavite
State University at mga mag-aaral na naka-enrol sa Kursong Kasaysayan ( sa
Cavite State University) noong ikalawang semestre ng pang-akademikong taon
2008-2009, at una at ikalawang semestre ng pang-akademikong taon 2009-2010
para sa “profiling” ng iba pang maaring makapanayam sa kani-kanilang lugar at
pagsasagawa ng panayam sa mga napiling kalahok na isinama sa ginawang pag-
aaral.
Ilang araw bago ginawa ang panayam, personal na inihatid ng mananaliksik
at ng mga kinatulong na guro at mag-aaral ang isang primer na nagpabatid ng mga
layunin ng proyekto, ang inaasahang kalalabasan nito, at iba pang detalye tungkol
sa kaparaanan ng ginawang pakikipagpanayam sa mga napiling kalahok. Kalakip ng
primer ang listahan ng mga posibleng tanong na sasagutin sa oras ng interbyu na
inasahang masusing pinag-aaralan muna ng mga kalahok. Pagkatapos ng ibinigay
na sapat na paghahanda sa kakapanayamin, muli itong sinadya para sa pinal na
pag-uusap tungkol sa takdang araw ng gagawing interbyu.
Page 26
26
Minarapat na sundan ang ganitong pamamaraan para mabigyan ng sapat
na panahon ang kinapanayam para sa mas malawak at malinaw na rekoleksiyon
ng kanyang naging karanasan na ibabahagi sa nagsagawa ng panayam.
Ang mga tanong na nauna nang ipinadala ay mga “open-ended” at
“unstructured”, na ibig sabihin bagaman at giniyahan ng nag-interbyu ang kanyang
kinapanayam base sa nabuong mga tanong, ang mga kalahok ay malayang
nakapagpalawak ng kanilang sagot at di-pormal na nakapagbahagi ng mga
impormasyong nais niyang ikuwento sa mananaliksik base sa kanyang damdamin
at naging sariling karanasan sa digmaan.
Ang mga tanong ay sa wikang Pilipino nakasulat at kalimitan ay sinagot ng
mga kapanayam sa kaparehong wika. Hindi naman naiwasan na magkaminsan ay
sa wikang Ingles tumugon ang ibang kausap.
Sa takdang araw ng panayam, itinala ang mga pangyayari base sa kuwento
ng kapanayam na personal na nakasaksi o nakaranas sa pangyayaring pinapaksa.
Tumagal ang pakikipanayam sa loob ng isa hanggang dalawang oras. Nanghiram
rin ang mananaliksik ng iba pang dokumentong hawak at naitago ng kinapanayam
tulad ng mga lumang litrato, at iba pang nakasulat na materyales o iba pang
nakatalang (recorded) panayam bilang pansuportang impormasyon sa ginawang
interbyu. Ginamitan ng cassette at/o video tape recorder ang ginawang
pakikipanayam.
Page 27
27
Bago isinalin ang ginawang panayam, ginawan muna ito ng isa pang
malinaw na kopya kung saan ito ang ginamit sa pagsasalin para maiwasan ang
pagkasira ng orihinal na “cassette at/o video tape” na naglalaman ng panayam.
Verbatim o buong-buo ang ginawang pagsasalin ng teksto ng panayam. Ibig
sabihin, lahat ng ingay na narinig sa “cassette/video tape” ay kumpletong isinalin
at kinopya sa papel kasama ang lahat maging ang anumang ingay sa paligid
maging mga manerismo sa pagsasalita at ekspresyon ng mukha. Isinama rin sa
pagsasalin ang galaw ng katawan ng kinapanayam. Ginawa ito para mapanatili
ang orihinal na nilalaman ng isinagawang interbyu.
Pagkatapos ng pagsasalin, binigyan salin-sipi (transcript) ang kinapanayam
upang ito ay masuri para sa mga kamalian at iba pang puna.
Pagkatapos mabasa ng kinapanayam ang borador at makapagbigay ng
puna at mungkahi kung mayroon man, iginawa ito ng malinis na kopya. Isinunod
dito ang pagbibigay ng kopya ng pinal na salin at isa pang kopya ng naitalang
interbyu sa kalahok.
Hiningi naman ang pahintulot ng nakapanayam para sa akademikong
gamit at paglalathala ng interbyu sa hinaharap na panahon sa pamamagitan ng
nakasulat na “waiver” at awtorisasyon na pinalagdaan ng mananaliksik sa mga
kalahok sa panayam.
Kasama ng pinal na salin (na kinopya din sa CD), ang orihinal na tala ng
panayam sa “cassette/video tape” ay ilalagak sa Cavite Heritage Center ng Cavite
Page 28
28
State University at magiging parte ng koleksiyon nito at gagawing bukas
(accessible) para sa mga interesadong mananaliksik, mag-aaral at mga guro sa
hinaharap na panahon.
Pagbabalik Tanaw sa mga Kaugnay na Babasahin at Pag-aaral
Sa kasalukuyan ay maituturing pa rin na isang bagong larangan pa lamang
ang pag-aaral tungkol sa paksa ng pang-araw-araw na buhay ng pangkaraniwang
mamamayan sa panahon ng digmaan dito sa Pilipinas.28
Kaya nga’t sa mga
mananaliksik na nagnanais mag-aral at sumulat tungkol sa ganitong paksa, ang
suliranin sa kakulangan ng mga kaugnay na babasahin at literatura na magsisilbi
sanang pangunahing basehan at sanggunian para sa dokumentasyon, balangkas
ng teyoretikal at daloy ng paksa ng kanilang pag-aaral ang pangunahin nilang
kakaharapin.
Dahilan sa ang ginawang panimulang sulatin tungkol sa pangaraw-araw na
naging buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite noong panahon ng
pananakop ng Hapon ay maituturing na isang pioneering work, humarap din sa
kahalintulad na problema ang mananaliksik na ito. Gayun pa man, sa pag-aaral na
ginawa ay malaking tulong pa rin ang nakuha sa mga sumusunod na mga aklat at
28
Mojares, 1982, 4.
Page 29
29
lathalain partikular sa ginawang pagbuo ng konsepto at balangkas na nagsisilbing
sandigan ng natapos na pananaliksik.
Ang aklat ni Isagani Medina na Ang Kabite sa Gunita: Essays on Cavite and
the Philippine Revolution ay isang koleksiyon ng kanyang mga sinulat at piling
sanaysay na nakapokus sa sosyo-kultural na aspeto ng buhay ng mga Kabiteño at
tungkol sa naging partisipasyon nito sa Rebolusyon ng 1896. Sa isa sa mga
sanaysay dito, kanyang inilarawan ang mga karanasan at mga suliranin ng pagsulat
ng kasaysayang pampook at pasalita sa lalawigan ng Kabite. Dito rin ay kanyang
tinalakay at itinuro ang lugar kung saan makikita ang mga posibleng sanggunian sa
pagsulat nito partikular ang mga pangunahing batis (primary source) at kung
paano pa ito maaaring mapayaman sa pamamagitan ng paggamit ng kasaysayang
pasalita (oral history). Ito ang nagsilbing “unang hasik” kung saan nakakuha ang
mananaliksik ng paunang ideya para sa paunang daloy, limitasyon at lawak ng
sinaliksik na paksa.
Naging malaking tulong din sa ginawang panimulang sulatin bilang
sanggunian ang dalawang tomo ng aklat ni Teodoro Agoncillo na The Fateful
Years: Japan Adventures in the Philippines, 1941-45.
Partikular sa unang aklat, ang mga kabanata na tumalakay sa malupit na
pagpapasunod at pagtrato ng mga Hapon sa mga sinakop na mga mamamayan sa
pamamagitan ng pagpapalabas at pagpapatupad ng mahigpit na mga batas at
alituntunin; ang naganap na re-oryentasyon ng mga mamamayan may kinalaman
Page 30
30
sa kanilang edukasyon at pananampalataya sa ilalim ng pagkakandili ng mga
bagong mananakop; at ang kabanata tungkol sa naging tugon ng mga Filipino sa
mga batas na ipinatupad at pinalabas na propagandang ideyolohikal ng mga
Japanese, naging mas malawak ang basehan ng sakop ng aspeto ng pinag-aralang
pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Kabiteño nang nakaraang digmaan.
Pangunahin, tumalakay naman ang ikalawang aklat sa kondisyong
panlipunan, pangkultura at pang-ekonomiya ng mga Filipino ng nabanggit ding
panahon. Binigyang diin din dito ng may-akda ang naging kakulangan at
pagkakamali ng mga mananakop na lubusang maunawaan ang kaugalian at
sikolohiya ng mga sinakop na mamamayan na sang-ayon din sa kanya ay ilan sa
mahalagang salik na naging sanhi ng pagkabigo ng mga Hapon na lubusang
masakop ang mga Filipino partikular ang saloobin ng mga ito.
Sa kabuuan nagsilbi ang dalawang aklat bilang mahalagang bahagi ng
pangunang sangunian at kaligiran (background) ng mga pangyayari at kaganapan
sa naging pangaraw-araw na takbo ng buhay ng mga mamamayang Filipino
kabilang na ang mga Kabiteño noon.
Makasulat ng isang panimulang lokal na kasaysayan ng Kabite sang-ayon sa
pananaw ng “masa” o pangkaraniwang mamamayan nito at base sa mga batis na
galing mismo sa kanila ang pangunahing adhikain ng ginawang pag-aaral. Malaki
ang naging bahagi ng aklat ni Reynaldo Ileto na Pasyon and Revolution sa
pagkukumpleto ng ginawang pananaliksik.
Page 31
31
Binago ng aklat ni Ileto ang mga paliwanag at pananaw na nauna ng
ibinandila ng mga Filipinong mananalaysay na ang Rebolusyong 1896 ay produkto
ng ideya at karunungang ilustrado o ng mga mestizong elite na kanilang nakuha sa
panahon ng kanilang pag-aaral sa ibang bansa. Kaya nga’t ang may eksaherasyong
pagbanggit na “ang pag-aalsang pinasimulan ni Bonifacio ay bunga ng poot na
nadama ng mga mamamayan ng paslangin ang kanilang naging pambansang
bayani.” Malinaw na isang elitistang pagtanaw sa pangyayari.
Sa akda ni Ileto pinag-aralan niya ang mga pangyayari at kaganapan ng
Pambansang Rebolusyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong batis ng
impormasyon ng pag-aalsa na nagmula sa masa , gamit ang pananaw at pagtingin
ng mga nabanggit ding masa. Nagresulta ito sa pagkabuo ng uri ng kasaysayan na
tumalakay sa Pambansang Rebolusyon na nasulat lihis sa kinaugaliang mga
pananaliksik galing sa mga sulatin at naging partisipasyon ng mga ilustrado o
hanay ng mga elite tungo sa kasaysayan ayon sa pananaw, silip at partisipasyon
sa digmaan ng mga mamamayang nabibilang sa mababang uri ng lipunan. Kaya’t
kahit na nakapokus sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, ang panimulang
sulatin tungkol sa pangaraw-araw na naging buhay ng mga Kabiteño ay gumamit
din ng kahalintulad na istilo ng pagkalap ng mga datos at impormasyon na galing
din mismo sa mga kuwento ng mga nakapanayam na pangkaraniwang
mamamayan ng lalawigan.
Page 32
32
Bagaman at nakapokus sa kaganapan nang Himagsikan ng 1896-1898,
malaki rin ang naibahaging tulong sa ginawang pananaliksik ng papel na isinulat ni
Ronaldo Mactal na Ang Buhay ng Pangkaraniwang Mamamayan sa Cavite sa
Panahon ng Himagsikan, 1896-1898.
Sa nabanggit na lathalain kanyang inilarawan at sinuri ang naging
pamumuhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite o yaong mga non-
combatants simula sa pagsiklab ng digmaang Filipino-Kastila hanggang sa
pagsisimula ng tigil putukan nang lagdaan na ang Kasunduan sa Biyak- na- Bato.
Nakapaloob rin sa pagsusuri ang naging partisipasyon, reaksiyon, ang kanilang
naging pakikiangkop at paraan ng pagharap ng mga pangkaraniwang Kabiteño sa
mga problemang dulot ng himagsikan.
Isa sa binigyang-diin at tinalakay ng may-akda sa nasabing papel ang
aspeto ng paglikas, pamumundok at alsa-balutan bilang bahagi ng pamumuhay ng
pangkaraniwang Kabiteño nang panahon ng digmaan. Sa ginawang pag-aaral
nabigyan din ng sapat na atensiyon ang nasabing isyu.
Ang depenisyon naman ng pangkaraniwang mamamayan at mga aspeto ng
pang-araw-araw na buhay na kanyang inilahad sa papel ang isa sa nagsilbing
patnubay sa pagbuo ng paunang balangkas at teyoryang sinundan ng
mananaliksik.
Lumabas noong 2006, ang aklat na Kuwentong Bayan: Noong Panahon ng
Hapon-Everyday Life in a Time of War na sinulat nina Thelma Kintanar at mga
Page 33
33
kasama. Ito ay isang panlipunang kasaysayan na tumalakay sa pangaraw-araw na
pamumuhay ng mga pangkaraniwang mamamayan sa Pilipinas noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Naglalaman ito ng mga kuwento tungkol sa alaala ng mga
naging karanasan at mga tala kung paano at ano ang naging pangaraw-araw na
buhay ng mga pangkaraniwang Filipino sa ilalim ng kalupitan ng mga mananakop
na Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bagaman at hindi isinama sa pag-aaral nina Kintanar ang usaping may
kinalaman sa pag-aasawa at buhay pananampalataya noong panahon ng
pananakop ng mga Hapon (na sa pananaw ng mananaliksik ay dalawang salik na
mahalagang bigyang pansin), partikular ang kategorya ng pangaraw-araw na
buhay na binanggit sa paglalarawan at ang metodolohiya ng pasalitang kasaysayan
na ginamit sa proyekto, malaking tulong ito sa ginawang batayan sa pagbuo ng
mananaliksik ng isang sariling malinaw na balangkas at kaparaanan na ginamit sa
isinagawang pag-aaral .
Kagaya ng akda nina Kintanar at mga kasama, ang aklat na pinanatnugutan
ni Renato Constantino na Under Japanese Rule: Memories and Reflections ay
tumalakay din sa naging pamumuhay ng mga ordinaryong mga Filipino sa panahon
ng digmaan. Partikular sa bahagi na sinulat ni Bernard Karganilla, binanggit dito
ang iba’t-ibang kuwento ng sari-sariling karanasan ng mga kalahok sa panayam sa
kamay ng mga Hapon. Ginamit ang nabanggit na bahagi para sa koroborasyon ng
Page 34
34
mga datos at impormasyon para sa pagpapalalim sa konsepto ng pang-araw-araw
na buhay na nauna ng inilahad nina Kintanar at Mactal.
“Hindi lahat ay kalupitan ang dinanas ng mga Filipino sa kamay ng mga
Hapon”, ganito naman ang tema ng aklat ni Alfonso P. Santos na Philippine-Nippon
Tales: A Collection of Incidents Showing the Sunny Side of the Japanese Occupation
of the Philippines.
Ang aklat ay kalipunan ng mga tala na nagpakita naman ng magandang
mukha ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ipinakita dito base sa di-iilang insidente na hindi lahat ng mga
nanakop na Hapon ay malupit sa mga mamamayan na kanilang pinaghihinalaang
sumusuporta sa mga grupo na kumakalaban sa pamahalaan. Binuo ng mahigit sa
walumpung insidente na nagpapakita ng magandang pag-uugali ng mga
mananakop, ang nabanggit na aklat ay tinipon mula sa iba’t-ibang bahagi ng
Pilipinas kabilang na ang ilang pangyayari sa Silang at Lunsod ng Kabite.
Isang kahinaan ng nabanggit na aklat ay ang pangyayari na ang ibang mga
kuwento ay sang-ayon lamang sa salaysay ng mga taong nakakilala at hindi sa
direktang nakaranas ng insidente kaya’t hindi maiiwasang magkaroon ng ilang
pag-aalinlangan sa reyalidad at katotohanan ng kuwento. Ganun pa man, malaki
pa rin ang naiambag ng akda para sa paunang daluyan at kaligiran (background) ng
datos para sa talaan ng mga tanong na ginamit sa panayam. Ginamit din ito para
Page 35
35
sa koroborasyon at kritisismo sa mga datos na natipon mula sa mga isinagawang
panayam.
Malaking tulong din sa isinagawang pananaliksik ang mga aklat na inilathala
ng Cavite Studies Center sa Dasmariñas na tumalakay naman sa lokal na
kasaysayan ng mga bayan at lunsod na napiling pagkuhanan ng mga
kinapanayam.
Isang kasaysayang lokal ng Kabite ang aklat na Noveleta: Bayan ng
Magdiwang na sinulat ni Emmanuel Calairo ay tumalakay sa mahalagang
partisipasyon at kontribusyon ng bayan ng Noveleta sa himagsikan laban sa mga
Kastila hanggang sa pananakop ng mga Hapon. Dito ay binigyang diin ng may-akda
ang pampook na kasaysayan sa pamamagitan ng paggamit ng isang maliwanag na
peryodisasyon simula sa pagtatatag ng lugar bilang isang pueblo sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila hanggang sa panahon ng pagsalakay ng mga Hapon at
muling pagbabalik ng mga Amerikano.
Partikular ang Kabanata IV na tumalakay sa buhay pulitika, edukasyon,
relihiyon, kalusugan, ekonomiya at transportasyon, nakatulong ito sa pagbibigay
larawan sa buhay ng mga taga-Noveleta sa bisperas ng digmaan. Ang Kabanata V
naman ang tumalakay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ito sa panahon
ng pananakop at paglaya sa kamay ng mga Hapon.
Ang kasaysayan naman ng bayan ng Kawit ang nakapaloob sa aklat na
sinulat din ni Calairo na Cavite El Viejo, Kasaysayan, Lipunan at Kultura na inilabas
Page 36
36
noong 1998. Hinati sa dalawang bahagi, ang unang bahagi ng pangkalahatang
kasaysayan ng Kawit ay tumalakay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
hanggang sa panahon ng Amerikano at ang ikalawang bahagi ay tungkol sa mga
itinuturing na mga dakilang anak ng Kawit na nagpakita ng kabayanihan sa ilalim
ng iba’t-ibang yugto ng pananakop ng mga dayuhan.
Partikular ang unang bahagi, nagamit ang mga datos nito tungkol sa
pananakop ng mga Amerikano para mailarawan ang kaganapan sa buhay ng mga
taga- Kawit bago sumalakay ang mga Hapon bagaman at kapansinpansin na sa
kabuuan ang pampook na kasaysayan ng Kawit ay hindi pa rin nakakalaya sa
tradisyunal na historiograpiya ng lalawigan kung saan kalimitan ang pokus ng
sulatin at talakayan ay nakasentro pa rin sa giyera at pangyayaring pulitikal at mga
tanyag na mamamayan ng bayan.
Inilathala rin ng Cavite Studies Center, ang aklat ni Teresita Unabia ay
tumalakay naman sa pangkalahatang kasaysayan ng bayan ng Silang. Sinaklaw nito
ang geograpiya ng bayan, mga sinaunang mamamayan at populasyon, naging mga
pinuno, pananampalataya at tradisyon, digmaan, edukasyon, kalayaang pulitikal at
pagsulong pang-ekonomiya.
Mapapansin sa aklat ni Unabia ang kawalan ng balangkas ng teyoretikal na
pinagbatayan kayat binigyan na lamang ng obhektibong (objective) pagsusuri ang
mga datos na nakalap ayon sa pagkakasunod-sunod ng kaganapan. Ang panahon
lamang ng Kastila ang nabigyan ng mas malalim na diin. Ganunman, partikular
Page 37
37
ang mga datos tungkol sa edukasyon, ekonomiya at pananampalataya ng mga
Silangeño ay nakatulong ng malaki sa ginawang pananaliksik bilang patotoo at
basehan ng kritisismo na rin sa nakalap na mga datos sa panayam.
Si Calairo rin ang sumulat ng lokal na kasaysayan ng bayan ng Naic. Sa
kanyang aklat na Naic, Cavite: Kasaysayang Lokal Mula Panahon ng Kastila
Hanggang Panahon ng mga Hapon kanyang inilarawan ang malaking
pagbabagong naganap sa buhay ng mga taga-Naic sa pagsakop ng mga Amerikano
dito kumpara sa kinagisnang buhay ng panahon ng mga Kastila. Simula sa
reorganisasyon ng lokal na pamahalaan, edukasyon transportasyon at
komunikasyon at maging ang kabuhayan ng mga tao dito, kanyang binigyang diin
ang naging impluwensiya ng mga Kano sa lokal na populasyon hanggang sa
pumasok na sa larawan ang mga Hapon.
Tinalakay naman sa Kabanata IV ang mga pangyayari sa pagpasok ng mga
Hapon sa Naic. Partikular na binigyang diin dito ang naganap na sona sa bayan,
ang impluwensiya ng partido Ganap at ang pagpapalakas ng puwersang gerilya
para ito ay harapin. Hindi man malawakang tinalakay ang pangaraw-araw na
buhay ng mga taga- Naic sa bisperas at mismong panahon ng digmaan, ang mga
limitadong tala tungkol dito ay nagsilbing batayan ng larawan ng naging buhay ng
mga mamamayan sa panahon ng giyera.
Page 38
38
Mula naman sa mga dokumentong arkibo sa Pambansang Sinupan, isang
aklat ang nasulat ni Michael Francisco na Cavite en Siglo 19: Translation of
Selected 19th
Century Documents.
Mula sa orihinal na Espanyol, kanyang isinalin sa wikang Ingles ang
nilalaman ng mga dokumento tungkol sa kasaysayan ng Kabite hanggang sa taong
1891.
Partikular na nakalarawan dito ang geograpiya ng Kabite kabilang ang
kanyang mga hangganan, pier, mga ilog at kanal, klima, lupa, mga kalsadang nag-
uugnay sa iba’t-ibang lugar ng lalawigan, kabundukan at maging ang populasyon.
Binanggit din dito ang ilang mga tala tungkol sa Indang, Alfonso, Naic at
Malabon bilang mahalagang tagapagtanim at tagapag-ani ng kape at abaka,
dalawa sa mahahalagang produkto ng ekonomiya ng lalawigan mula sa kataasang
Kabite.
Inilahad din dito ang papel na ginampanan ng Naic bilang pangunahing
destinasyon at daungan para sa pagbibiyahe ng nabanggit na produkto. Mga datos
na napakinabangan sa paghubog ng isang geograpikal na iskets (geographical
sketch) ng lalawigan bago ang digmaan.
Talambuhay ng kanyang mga bayani na sinamahan ng maikling kasaysayan
ng bayan ng Indang ang nilalaman naman ng aklat na sinulat nina Natalia de las
Alas Panganiban at Silverio Sacluti Baltasar na pinamagatang Indang and Her
Revolutionary Heroes.
Page 39
39
Ito ang kauna-unahang aklat ng lokal na kasaysayan ng Indang na
inilathala noong 1999. Bagaman at isang pulitikal na kasaysayan din at walang
gasinong tala tungkol sa pananakop ng Amerikano, inilarawan sa unang bahagi
nito ang naging pangaraw-araw na buhay ng mga mamamayan ng Indang mula sa
kanyang pagkatatag bilang isang independyenteng bayan noong 1655 hanggang
sa pagpasok dito ng tropang Hapon noong pagsisimula ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Mahalaga ang nasabing dokumento para sa ginawang pag-aaral sa pagbuo
ng paunang larawan o ideya ng pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang
mamamayan ng Indang sa panahon ng pananakop ng mga Hapon at mga “alsa-
balutan” na nagsilikas dito sa kaiinitan ng giyera.
Sang-ayon na rin sa kuwento ng mga nakaranas at nakasaksi, isa sa mga
kaganapan na nag-iwan ng malalim na marka sa alaala at sa pangkalahatang
kamalayan ng mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang papel na
ginampanan ng mga kinatatakutang Kempeitai o mga pulis-militar na Hapon sa
pagmamalupit sa mga Pilipino.
Sa aklat ni Ma. Felisa A. Syjuco-Tan, The Kempetai in the Philippines, 1941-
1945 kanyang muling binigyang buhay ang kalupitang ipinadama ng mga ito sa
mga Filipino sa buong kapuluan ng kaigtingan ng kanilang pananakop sa Pilipinas.
Ang mga Kempeitai ang ginamit ng administrasyong militar ng mga Hapon
sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng
Page 40
40
paggamit ng puwersa at pananakot sa lokal na mamamayan. Sila rin ang ginamit
ng mga mananakop para mailayo ang damdamin at pagiging tapat ng mga Filipino
sa mga Amerikano sa paraang negatibo o positibo man. Kaya nga’t nang lumaon
ay naging kasing-kahulugan na ng sundalong Kempetai ang salitang “kalupitan”
para sa mga Filipino.
Bagaman at di-gasinong nabigyan pansin ng may-akda ang aspetong
panlipunan, pulitika at kultura nakapag-ambag pa din ng malaki ang nabanggit na
aklat sa ginawang pananaliksik para lubusang maunawaan ang papel na
ginampanan ng mga Kempetai sa paghahasik ng takot sa mga mamamayan ng
Kabite at kung ano ang naging saloobin nila dito. Ilan sa mga bagay na inilarawan
sa aklat ay ang aktibidades ng mga Kempeitai sa Lunsod ng Kabite at mga bayan ng
Imus at Dasmariñas, ilang lugar na napiling pagkuhanan ng mga kalahok sa
gagawing pananaliksik.
Maikling lokal na kasaysayan naman ng mga bayan at siyudad ng lalawigan
ng Kabite ang pangunahing matutunghayan sa aklat na The History and Cultural
Life of Cavite Province na inilathala ng lokal na pamahalaan ng Kabite noong 1981.
Kabilang dito ang siyudad ng Kabite, mga bayan ng Noveleta, Kawit, Dasmariñas,
Imus, Tanza, Indang, Naic at Silang, mga lugar na kalahok at pagkukunan ng
panayam sa gagawing pananaliksik. Binigyang diin din dito ang Amerikanisasyon
ng mga Kabiteño at ang malalim na atensiyong iniukol ng mga Amerikano sa
pagpapaunlad ng mga kalsada at riles ng tren at sistema ng transportasyon na
Page 41
41
lalong nagpasigla sa panloob at panlabas na kalakalan sa panahon ng kanilang
pananakop.
Sa ibang mga tala ay binigyang pansin naman ang maunlad na negosyo ng
buy and sell noong panahon mismo ng pananakop ng mga Hapon at ang matatag
na negosyo ng “surplus” na jeep at truck pagkatapos ng digmaan, mga
industriyang laganap pa rin sa Kabite sa kasalukuyan. Ang nabanggit na mga
impormasyong ay nagamit sa pagpapatibay ng naganap na ugnayang
pangkabuhayan ng mga kalahok na lugar sa ginawang pag-aaral.
Noong 1965, isang masteradong tesis naman na may pamagat na A
Historical Study of the Town of Imus ang iniharap ni Benjamin Bolivar sa mga guro
ng School of Graduate Studies ng Manuel L. Quezon University. Dito ay kanyang
tinalakay ang isang pangkalahatang kasaysayan ng bayan ng Imus simula sa
kanyang pagkatatag noong 1605 hanggang sa kanyang liberasyon sa kamay ng
mga Hapones. Sa Kabanata VIII nito ay inilarawan ni Bolivar ang pamumuhay ng
mga taga-Imus sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano samantalang sa
Kabanata IX naman ay ang kaganapan noong panahon ng pananakop ng Hapon.
Bagaman at tumalakay sa buhay ng mga mamamayan ng Imus noong
panahon ng pananakop ng mga Amerikano at ng kalaunan ay mga Hapon, ang
pangkaraniwang tema pa rin ng papel na ginampanan ng bayan sa panahon ng
rebolusyon ng 1896 at ang kanyang mga dakilang anak na lumaban sa mga
Page 42
42
dayuhan ang mas binigyang diin sa nasabing lathalain kabilang na ang panunulisan
sa Kabite. Ganunman nagamit ang akda ni Bolivar sa ginawang kaligirang
pangkasaysayan ng lalawigan.
Bohol During the Japanese Occupation, 1941-1945 naman ang titulo ng
masteradong tesis sa Kasaysayan na iniharap ni Dionicio Badilles sa kaguruan ng
Kolehiyo ng Malayang Sining ng Pamantasang De La Salle noong 2002.
Ang nabanggit na tesis ay tumalakay sa kundisyon ng buhay at naging
partisipasyon ng mga grupong gerilya sa Bohol nang kasagsagan ng giyera.
Bagaman at magkaibang lugar at tema ang dalawang pag-aaral, ang isa ay tungkol
sa kundisyon ng naging buhay ng mga Boholanon nang panahon ng Hapon at ng
mga gerilyang kumalaban sa mga Japanese, ang isa naman ay nakapokus sa
pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, ang
naunang pag-aaral na ginawa ni Badilles partikular ang may kinalaman sa
metodolohiya at kaparaanan ng isinagawang pananaliksik ay nagsilbing matibay na
pundasyon ng nahuling pag-aaral na ginamitan din ng kaparaanang
“paglalarawan at pagsusuri” (descriptive-analytical) at pinunuan ng pasalitang
kasaysayan (oral history).
Nakatala sa itaas ang mga naging batayan at dahilan kung bakit isinagawa
ang pag-aaral na ito tungkol sa pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang
mamamayan ng Kabite nang panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nakalahad din doon ang mga suliraning inaasahang matutugunan at masasagot
Page 43
43
ng katatapos na pananaliksik kabilang na ang kaparaanang ginamit ng may-akda sa
kanyang panimulang sulatin. Ang susunod na kabanata naman sa ibaba ay
tatalakay at maglalarawan ng mga kaganapan sa Kabite bago sumiklab ang
labanan kontra Hapon habang ang bansa ay nasa ilalim pa ng pananakop ng mga
Amerikano.