-
Isang Paglalakbay sa Lucban, Quezon
(Pictorial Essay – By Tristan Jay B. Bayan)
Sa aking buhay bilang estudyante may mga pangarap akong nais
makamtan tulad nalang
ng makapagtapos ng pag-aaral, matulungan ang aking magulang at
ang makapaglakbay sa iba’t
ibang lugar dahil dito marami akong gustong mapuntahang lugar sa
aking buhay pero mas uunahin
ko ang lugar kung saan malapit ang aking bayan o probinsyang
sinilangan ito ay ang Quezon. Ang
Lucban, Quezon ang isa sa mga una kong napuntahang pasyalan.
Sinasalamin sa bayan na ito ang
simpleng pamumuhay ng bawat tao at pagpapahalaga sa kanilang
mayamang kultura at
kasaysayan. Dito mayroong mga tanyag na pasyalan na kanilang
pinakaiingat-ingatan bilang
kanilang atraksyon at sumasalamin sa kagandahan ng kanilang
bayan. Ang Lucban ay nasa Ika-
unang Distrito at matatagpuan sa paanan ng Bundok Banahaw. Ito
ay isang makabuluhang
paglalakbay patungo sa kagandahang mayroon ang Lucban, Quezon
kung kaya’t parini na sa
Lucban at saksihan ang ipinagmamalaki ng mga mamamayan.
Maagap pa lamang ay nagbiyahe na kami papunta sa Kamay ni Hesus
at ako ay namangha
sa magagandang tanawin. Ang kamay ni Hesus ang isa sa mga
pasyalan o atraksyon na dinadayo
ng mga tao at bawat turista na matatagpuan sa Lucban,
Quezon.
Ang simbahan sa Kamay ni Hesus o mas kilala sa tawag na Kamay ni
Hesus Healing
Church ang isa sa mga bahay dalanginan sa Lucban, Quezon ng mga
mananampalataya at ito ay
isang simabahaan na pinapamunuan ng mga pari partikular na si
Fr. Joey Faller isang healing
-
priest. Kami ay sumimba at nagdasal ng mataimtim gayundin ay
nagpasalamat sa mga biyaya na
pinagkakaloob ng Maykapal.
Ang Kamay ni Hesus ay isang lugar kung saan maaaring ang bawat
tao ay magnilay-nilay
o mamanata sa pamamagitan ng pag-akyat sa tuktok nito na may
mahigit tatlong daang baytang.
Sa pag-akyat ko sa Kamay ni Hesus, ito ay binubuo ng mga
istasyon. Sa larawan ng Last
Supper ay makikita dito ang pagtitipon ng mga apostol kasama si
Hesus.
Ang ikalabindalawang istasyon ay ang pagkamatay sa krus na
masaklap na nangyari kay
Hesus. Si Longinus ang sundalong tumusok sa tagiliran ni Hesus
gamit ang isang sibat.
-
Sa Lucban, Quezon din tanyag ang tinatawag na Pahiyas Festival.
Ito ay isang selebrasyon
sa pagpupugay sa kapistahan ng mahal na patron na si San Isidro
Labrador. Iba’t ibang mga
Matapos ang mahabang lakaran o pag-akyat ay narating na naming
ang estatwa ni Hesus
o ang Kamay ni Hesus sa tuktok. Mula dito makikita ang
magagandang mga tanawin at ang
bayan ng Lucban. Sa lugar na ito ay maaaring magdasal at
magpasalamat sa pagbibigay ng
tulong at gabay ni Hesukristo.
Ang Noah’s Ark ay isa sa mga atraksyon sa Kamay ni Hesus. Ito ay
isang bahay
pahingahan kung saan ay may kapilya sa loob ng gusali at
makikita ang iba’t ibang dekorasyon
at mga kasaysayan ng lugar.
-
nakapalamuti, makukulay na dekorasyon tulad ng mga gulay, mga
pangunahing produkto tulad ng
mga abaka, sambalilo na gawa sa buntal at iba pa ang mas lalong
nagpabuhay sa bawat kabahayan.
Matapos naming mamasyal at manood ng iba’t ibang makukulay na
kabahayan ay
dumiretso kami sa isa sa mga kilalang kainan sa Lucban, Quezon
ito ay ang Kamayan sa
Palaisdaan. Dito matitikman ang iba’t ibang mga pagkain
partikular ang mga ipinagmamalaking
pagkain ng mga taga Lucban tulad nalang ng pancit lucban,
langgonisang lucban, inihaw na mga
isda at iba pa.
Ang Air Summit naman ang pangalan ng isang eroplano at isa sa
mga atraksyon sa
Kamayan sapagkat sa loob nito ay maaari ditong kumain at
masaksihan kung ano ang
pakiramdam sa loob ng eroplano.
Kilala ang Floating Bamboo Raft sa Kamayan sa kakaibang disenyo
ng kanilang kainan
sapagkat ito ay nipa o kubo na nagmimistulang nakalutang sa
ibabaw ng tubig.