Plastic Bottles 1 Running head : EPEKTO NG MARAMIHANG PAGGAMIT NG PLASTIC BOTTLES Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles Astronomia, Cammhel Cansino, Ma. Arvina S. Garces, Lovely Crecel C. Martin, Irish Lee B. Ramirez, Jayson F. Unibersidad ng San Luis Gng. Amparo Cato (Instructor Filipino II) Sa kahingian ng asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) Ika-16 ng Pebrero, 2011
22
Embed
Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Plastic Bottles 1
Running head : EPEKTO NG MARAMIHANG PAGGAMIT NG PLASTIC BOTTLES
Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles
Astronomia, Cammhel
Cansino, Ma. Arvina S.
Garces, Lovely Crecel C.
Martin, Irish Lee B.
Ramirez, Jayson F.
Unibersidad ng San Luis
Gng. Amparo Cato
(Instructor Filipino II)
Sa kahingian ng asignaturang Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)
Ika-16 ng Pebrero, 2011
Plastic Bottles 2
Abstrak
Sa panahong milenyo, parte na ng ating buhay ang plastik. Isa sa pinakamadalas na ginagamit ay
ang plastic bottle na tulad ng C2, Sting, at iba pa. Sa kaalamang puwede itong i-recycle,
nakagawian na ng karamihan na gamitin ito ng paulit-ulit. Ang PET o Polyethylene terephthalate
na isang uri ng kemikal ay kadalasang sangkap sa paggawa ng mga plastic bottles lalung-lalo na
ng mga clear bottles. Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga hindi mabuting epekto sa ating
kalusugan ang paulit-ulit na paggamit ng mga plastic bottles dahil sa taglay nitong PET. Ngunit
maaari nating iwasan ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa impormasyon at
pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa nasusulat sa ilalim ng bote.
Keywords:
Polyethylene terephthalate
Phthalates o Phthalate Esters
Plastic Bottles 3
Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng mga
Plastic Bottles
Sa araw-araw na gawain, hindi maiiwasan na hindi tayo gumamit ng plastic. Magmula sa
mga parte ng sasakyan, hanggang sa kusina, sa palengke, at ang ga karaniwang ginagamit, ang
plastic bottle. Ang salitang “plastics” ay nagmula sa salitang Griyego na “plastikos” na
nangangahulugang “to form or fit for molding” ( Richardson, T., 1983 ). “Any one of a large and
varied group of materials consisting of carbon with oxygen, nitrogen, hydrogen, and other
organic or inorganic elements which, while solid in the finished state, at some stage in its
manufacture is made liquid, and thus capable of being formed into various shapes, most usually
through the application either singly or together, of heat and pressure” ( Society of the Plastic
Industry ). Base sa ibinigay na kahulugan ng Society of the Plastic Industry tungkol sa plastic, ito
ay may kakayahang mahulma sa anumang hugis o korte sa tulong ng init at presyur.
Ang plastic na karaniwang ginagamit ay gawa sa iba’t ibang polymers at resins. A
polymer is a substance that has large molecules made by joining many small molecules of one or
more several substances. Resins are gum-like solid or semi-solid substances used in making such
products as paints, varnishes, and plastics. A resin is not a plastics unless and until the resin has
become a “solid in the finished state” ( Richardson, T. 1983 ). Isa sa mga polymers na ginagamit
ay ang vinyl chloride na unang ginawa ni H.V. Regnault noong 1835 ngunit ang paggamit ng
plastic noon ay hindi pa tanggap sa lipunan. Pinaboran lamang ang paggamit ng plastic noong
1909 nang unang ilabas ang Bakelite plastic na mula sa phenolformaldehyde at ginawa ni Leo
Hendrik Baekeland kung saan ang nasabing material ay unang ginamit sa paggawa ng telephone
handset. Ang plastic bottle naman na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit ay nabuo noong
taong 1962 at ang material na ginamit para dito ay phenoxy.
Plastic Bottles 4
Ikonsidera natin ang paggamit ng plastic bilang container o lagayan ng inumin. Ang
walong galon ng juice ay maaaring ilagay sa 4.5 kilos ng plastic, 6.5 kilos ng aluminum at 27
pounds ng glass. “The strength of plastic allows less packaging to be used, decreasing
production, shipping, and energy costs. “Improvements in plastics themselves have resulted in
soda bottles and milk jugs that use less material today than used 20 years ago” ( Anastas, P.T.
et.al. ). Patunay ito na sa paggamit natin ng plastic o ng plastic bottle ay gumagaan ang ating
buhay. Sa tulong ng paggamit ng mga plastic bottles ng higit sa isang beses ay nababawasan ang
mga basura, at dahil dito, hindi maikakailang kailangan natin ang mga ito sa ating pamumuhay.
Ang pag-re-recycle ng plastic gaya ng paulit-ulit na paggamit dito bilang inumin ay
pangkaraniwan nang gawain ng mga Pilipino ngunit lingid sa ating kaalaman na mayroon itong
mga hindi mabuting epekto na nakakasama sa ating kalusugan.
Sa kasalukuyan, ang Polyethylene terephthalate ay ang uri ng polymer na kadalasang
ginagamitsa paggawa ng mga plastic bottles nabibili ng isang indibidwal kahit saan.
O
Ang simbolo ng Polyethylene terephthalate
Karaniwang nakikita ang simbolong ito sa ilalim ng mga clear plastic bottles na binibili tulad ng
C2, Absolute, Nature’s Spring at iba pang inuming nakalagay sa clear plastic bottles.
Karamihan sa mga gumagamit ng mga plastic bottle ay walang sapat na kaalaman sa
kung ilang beses lamang dapat gamitin ang mga ito bilang mga inuin. Kaakibat ng pag-aaral na
ito ay ang tatlong mga katanungang binuo upang maging pokus ng mga mananlilksik at upang