1 ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA PAGIGING EPEKTIBO NG TABLOID AT BROADSHEET SA MGA ORDINARYONG EMPLEYADO AT PROPERYUNAL, MGA MAG-AARAL NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN nina Alvarez, Princess Joy T. Baño, Ellaine Jewel G. Camilon, Ma. Katrina M. Sabillo, Alexander Nicole P. Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa ZFI 112 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina Pamantasan ng Silangan 105 Samson Road, Caloocan City Marso 2013 Prop. Enrico M. Pilongo, MD. Ed.
23
Embed
Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan.
Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil111, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan. Ay inihanda at ipinasa ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa ABCA-2B
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA PAGIGING EPEKTIBO NG
TABLOID AT BROADSHEET SA MGA ORDINARYONG EMPLEYADO
AT PROPERYUNAL, MGA MAG-AARAL NG PAMPUBLIKO AT
PRIBADONG PAARALAN
nina
Alvarez, Princess Joy T.
Baño, Ellaine Jewel G.
Camilon, Ma. Katrina M.
Sabillo, Alexander Nicole P.
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa ZFI 112
Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina
Pamantasan ng Silangan
105 Samson Road, Caloocan City
Marso 2013
Prop. Enrico M. Pilongo, MD. Ed.
2
Pahina ng Pagpapatibay
Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil111, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Isang komparatibong
pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong
empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan. Ay
inihanda at ipinasa ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa ABCA-2B na binubuo
nina:
Princess Joy T. Alvarez Jan Paulene F. Cacnio Ellaine Jewel G. Baño Ma. Katrina M. Camilon Alexander Nicole P. Sabillo
Ang pananaliksik na ito ay minarkahang _____ %
ng dalabgurong si
PROP. ENRICO M. PILONGO MD. Ed.
Kolehiyo ng Sining at Agham
3
Pasasalamat
Ang pananaliksik na ito ay naging matagumpay sa tulong ng mga
taong sumusuporta at gumabay sa paggawa ng pag-aaral na ito. Mga
taong bihasa sa kanilang mga propesyon na nagbigay ng kanilang opinyon,
suwestyon at puna sa aming ginawang pag-aaral.
Nais naming pasalamatan ang mga taong walang sawang sumuporta
sa aming ginawang pag-aaral. Una sa lahat, sa Diyos na lumikha. Ang
walang hanggang papuri’t pasasalamat ay nakalaan sa kanyang kapurihan.
Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible ng hindi dahil sa kanyang
pagmamahal at kapangyarihan. Ito ay alay sa kanyang kabutihan at
kaluwalhatian, ngayon at magpakailan pa man.
Sa aming mga magulang, sa kanilang walang sawang pagsuporta at
pagmamahal. Kung ano mang bagay, materyal o espiritwal ang mayroon
kami ngayon ay utang namin sa kanila. Sila ang nagsilbing inspirasyon, at
gumabay sa amin sa lahat ng pagkakataon. Sa mga magulang ni Princess
Alvarez, sa kanilang pagpayag na gamitin ang kanilang munting tahanan
upang mayroon kaming lugar sa aming paggawa ng pag-aaral na ito. Sa
aming mga magulang, dahil naiintindihan nila ang aming pag-uwi ng mas
huli kaysa sa aming tamang oras ng pag-uwi. At sa pang-unawa sa amin
dahil kung minsan ay hindi na namin nagagawa ang gawaing bahay na
nakaatas sa amin.
Sa aming guro sa ZFI 112, Propesor Enrico M. Pilongo. Maraming
salamat sa walang sawang pagtuturo at pagsuporta sa aming ginawang
pananaliksik. . Kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin magagawa ang pag-
aaral na ito ng wasto at tama. At salamat rin sa pagtuturo sa amin ng tunay
na kahulugan ng pagiging mananaliksik.
4
Sa aming mga kaibigan, sa kanilang pagsuporta at pagtitiwala na
magagawa namin ang pag-aaral na ito. Sa pagtulong sa mga oras na
kailangan namin ng tulong at pagsagot sa mga tanong namin. Ang kanilang
ginawang mga suwestyon at puna sa aming ginawang pag-aaral ay labis
na nakatulong sa aming ginawang pananaliksik. Sa mga taong sumagot sa
aming ginawang serbey, sa aming mga kaibigan na draybers. Sa aming
butihing kaibigan na si Bb. Mary Paulene Omae San Miguel, mag-aaral ng
Journalism sa unang taon ng Polytechnic University of the Philippines, na
tumulong sa amin na magsagawa ng serbey sa nasabing pamantasan. Sa
mga propesyunal na naglaan sa amin ng kanilang mahalagang oras upang
sagutan ang nasabing serbey. At sa aming mga kaklase sa pamantasang
ito. Maraming salamat, dahil kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin
magagawa ang pag-aaral na ito.
- Mga Mananaliksik
5
Abstrak
Pamagat: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng
“tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at
properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan.
Mananaliksik: Princess Joy T. Alvarez Jan Paulene F. Cacnio
Ellaine Jewel G. Baño Ma. Katrina M. Camilon
Alexander Nicole P. Sabillo
Paaralan: University of the East Caloocan
Taon: 2013
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang dalawang uri ng peryodiko, ang
“tabloid” at “broadsheet” upang malaman kung ano sa dalawang nabanggit ang mas
epektibo sa mga mambabasa.
Mga Natuklasan
1. Ang mga mag-aaral ng AB Communication Arts na nasa unang taon S.Y. 2012-
2013 ay nakakuha ng kaalaman ukol sa mas epektibong pahayagan sa tabloid at
broadsheet.
2. Ang mga kababayan nating jeepney drayber ay mas nagbabasa ng pahayagan
kumpara sa ating mga kababayanag bus at FX drayber.
3. Mas binabasa ng ating mga kababayang jeepney drayber ang tabloid dahil mas
naiintindihan nila ito at mas naaayon sa kanilang pamumuhay.
4. Ang mag kababayan nating mga propesyunal naman ay mas binabasa ang
broadsheet dahil ayon sa kanila mas kumpleto ang mga balitang nakukuha dito.
5. Lumabas din na ang mga mag-aasral ng CA sa pamantasan ng Silangan at ng
Journalism sa Poleteknikong Pamantasan ng Pilipinas na hindi na sila gaanong
sumasangguni sa pahayagan dahil sa modernong teknolohiya.
6
6. Ang ibang mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan at Poleteknikong Pamantasan
ng Pilipinas na sumasangguni pa sa pahayagan ay mas binabasa ang
broadsheet dahil ayon sa kanila ay mas kumpleto ang impormasyon at balitang
makukuha dito.
Mga Konklusyon
Mas madalas magbasa ng pahayagan ang ating mga kaibigang jeepney drayber
dahil na rin sa mas madali ang pagbili ng pahayagan sa kanila. Sa mga terminal
kasi ay medaling bumili.
Mas madaming dyipni draybers ang nagbabasa ng tabloid dahil sa mas madali
itong bilhin at mura sa presyo kung ikukumpara sa broadsheet.
Mas sapat ang nakukuhang impormasyon sa broadsheet kaysa sa tabloid dahil
mas kumpleto ito ng bahagi.
Mas madaming balita ang malalagay at mas makatotohanan ang mga nakalagay
sa broadsheet.
Mas epektibo din ang broadsheet sa pangangalap ng balita dahil buong-buo ang
impormasyon na mahahanap dito, hindi naka “summary” ang mga balita at
nakasaad dito ang bawat detalye ng pangyayari.
Mas nakukuha din ng mabilis ang impormasyong iyong nais malaman sa
broadsheet dahil na kaayos na ito batay sa katigorya.
Mas pinagkakatiwalaan ang balitang nasa broadsheet dahil mas makalidad ang
mga kinukuhang manunulat.
Mga Rekomendasyon
1. Iniririkumenda ng mga mananaliksik na tangkilikin ng mga mambabasa ang broadsheet sa kadahilanang mas kumpleto ang laman, impormasyon at balitang makukuha dito.
2. Tangkilikin natin ang mga pahayagan sa ating bansa upang hindi ito mawala sa ating sistema.
3. Basahin natin ang mga pahayagan lalo na ang broadsheet upang maibalik ang kagustuhan ng mga kabataan ngayon sa pagbabasa.
7
Talaan ng Nilalaman
Pahina ng Pamagat………………………………………………………….i
Pahina ng Pagpapatibay…………………………………………………….ii
Pagpapasalamat……………………………………………………………..iii
Kabanata 1: ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO Buod………………………………………………………………………….1
Panimula……………………………………………………………………...1-3
Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………3
Hinuha………………………………………………………………………..3
Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………...4
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………….4
Instrumentong Ginamit……………………………………………………….4
Kasaklawan at Limitasyon……………………………………………………4-5
Kabanata 2: MGA KAUGNAY NA PANITIKAN Kaugnay na Panitikan………………………………………………………..13