14 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito 1. Bakit itinuturing na isang agham ang ekonomiks? 2. Anu-ano ang mga pamamaraang siyentipiko na ginagamit sa pag-aaral ng agham-panlipunan? 3. Paano nauugnay ang ekonomiks sa ibang agham-panlipunan? Ang Ekonomiks at Iba pang Agham-panlipunan Aralin 1 1. agham – isang pag-aaral gamit ang pamamaraang sistematiko upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka o katanungang kinakailangang tugunan 2. causation – isang pangyayari na siyang sanhi o dahilan ng isa pang pangyayari 3. controlled variable – alinmang tukoy na bagay na may iba’t ibang tiyak na halaga at nakokontrol; umaasa ito sa independent variable 4. correlation – pagkakaugnay ng mga pangyayaring hindi magkatulad 5. independent variable – alinmang tukoy na bagay na may halaga at malayang kumikilos 6. normatibong ekonomiks – pananaw na tumutugon sa tanong na “Ano ang dapat mangyari?” 7. pamamaraang siyentipiko – organisadong hakbang sa paglutas ng suliranin o pagtukoy sa katotohanan ng isang bagay, pangyayari, o penomena 8. positibong ekonomiks – pananaw na tumutugon sa tanong na “Ano ang nangyayari?” 9. teorya – isang palagay o sistema ng mga ideyang nagpapaliwanag sa ilang bagay, lalo na at nakabatay ito sa pangkalahatang prinsipyo at hindi nakasalig sa mga partikular na bagay Kapag naririnig mo ang salitang “agham o siyensya,” ano kaagad ang pumapasok sa iyong isipan? Ang agham o siyensya ay isang pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis) o katanungang kinakailangang matugunan. May iba’t ibang uri ng agham na pinag-aaralan ang tao. KABANATA 1 Mga Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
14 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
1. Bakit itinuturing na isang agham ang ekonomiks?
2. Anu-ano ang mga pamamaraang siyentipiko na ginagamit sa pag-aaral ng agham-panlipunan?
3. Paano nauugnay ang ekonomiks sa ibang agham-panlipunan?
Ang Ekonomiks at Iba pang Agham-panlipunanAralin 1
1. agham – isang pag-aaral gamit ang
pamamaraang sistematiko upang subukin
ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka o
katanungang kinakailangang tugunan
2. causation – isang pangyayari na siyang sanhi o
dahilan ng isa pang pangyayari
3. controlled variable – alinmang tukoy na bagay na
may iba’t ibang tiyak na halaga at nakokontrol;
umaasa ito sa independent variable
4. correlation – pagkakaugnay ng mga pangyayaring
hindi magkatulad
5. independent variable – alinmang tukoy na bagay
na may halaga at malayang kumikilos
6. normatibong ekonomiks – pananaw na
tumutugon sa tanong na “Ano ang dapat
mangyari?”
7. pamamaraang siyentipiko – organisadong
hakbang sa paglutas ng suliranin o pagtukoy
sa katotohanan ng isang bagay, pangyayari, o
penomena
8. positibong ekonomiks – pananaw na
tumutugon sa tanong na “Ano ang
nangyayari?”
9. teorya – isang palagay o sistema ng mga
ideyang nagpapaliwanag sa ilang bagay, lalo na
at nakabatay ito sa pangkalahatang prinsipyo
at hindi nakasalig sa mga partikular na bagay
Kapag naririnig mo ang salitang “agham o
siyensya,” ano kaagad ang pumapasok sa iyong
isipan?
Ang agham o siyensya ay isang pag-aaral gamit
ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang
katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis)
o katanungang kinakailangang matugunan. May
iba’t ibang uri ng agham na pinag-aaralan ang tao.
KABANATA 1 Mga Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 15
Kabilang na rito ang natural sciences na tumutukoy
sa sistematikong paraan ng pag-aaral sa kalikasan
tulad ng biology, chemistry, at physics. Mayroon ding
tinatawag na exact science na tumutukoy naman sa
tugma at eksaktong pagtugon sa mga abstraktong
tanong, lalo na kung ang katanungan ay may
kinalaman sa pagbilang at pagtutuos.
Ang agham na nauukol sa pag-aaral ng tao
at lipunan ay tinatawag na agham-panlipunan.
Sa naunang dalawang uri ng agham (natural at
exact sciences), ang mga pagsubok ay ginagamitan
ng controlled at independent variables sa pag-e-
eksperimento upang makabuo ng mga batayang
kaisipan at makamit ang katotohanan. Sa agham-
panlipunan, hindi kailangan ng laboratoryo o
eksperimento upang makuha ang sagot sa bawat
tanong tungkol sa tao at lipunan. Sa halip,
nangangailangan ito ng siyentipikong pamamaraan
upang masusing masiyasat at masuri ang isang
teorya bago makabuo ng mahusay na paliwanag sa
mga pangyayari.
Ang Ekonomiks bilang Isang Agham
Kailangan ang pamamaraang siyentipiko
upang maunawaan ang pag-aaral ng ekonomiks.
Una, inaalam muna kung ano ang suliranin.
Pangalawa, isasagawa ang pagmamasid at
pananaliksik tungkol sa suliranin. Pangatlo, bubuo
ng mga pansamantalang haka-haka o hypothesis.
Pang-apat, magkakaroon ng mga masusing
pananaliksik, pagsisiyasat, pakikipanayam sa mga
eksperto, at iba pang katulad na gawain upang
makapangalap ng mga impormasyon na susubok
sa katotohanan ng binuong mga haka-haka.
Panlima, kapag nailahad na ang mga nakalap
na impormasyon, masusi itong pag-aaralan
upang makabuo naman ng mga kongklusyon at
pansamantalang kaisipan, konsepto, o teorya. Ang
mga teoryang pang-ekonomiko, na kaugnay sa mga
batas, prinsipyo, at modelo, ay isang paglalahat na
batayan para sa mga pag-uugaling pangkabuhayan
ng indibidwal o ng institusyon.
Kawawa naman yung mga bata. Bakit sila hinahayaan ng kanilang mga magulang na mamalimos? Halos lahat ng nakikita ko sa mga lansangan ay mga batang nagpapalimos. Talaga bang naghihirap na ang nakararaming Pilipino?
Sa tingin ko, ilan lamang silang mahihirap sa ating bansa. Upang malaman ang tinatayang dami ng mahihirap sa bansa, kailangan ang masusing pag-aaral, pananaliksik, at paggawa ng estadistika.
KABANATA 1 Mga Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
16 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
Sa pag-aaral ng ekonomiks, hindi tinatanggap
ang mga sagot na walang matibay na batayan at
estadistika. Kailangang malinaw ring nailalahad
ang pagbubuo ng mga patakarang pangkabuhayan
para sa bansa. Kaugnay nito, may dalawang uri
ng pagtingin sa mga pangyayari sa ekonomiks na
isinasaalang-alang—ang positibong ekonomiks
at normatibong ekonomiks. May obhetibong
pananaw ang positibong ekonomiks samantalang
subhetibo naman ang normatibong ekonomiks.
Balikan ang usapan nina Kassy at Eko. Batay
sa mga nabanggit, mas siyentipiko ang pananaw
ni Eko dahil hindi niya nilalahat ang katayuan
ng bansa sa kung ano lamang ang nasaksihan o
namasid sa paligid niya. Bagkus ay naghahanap
pa siya ng sapat na katibayan at batayan upang
masabing nasa lugmok ng kahirapan ang bansa.
Ang mga sinambit ni Kassy ay mga halimbawa
naman ng pansariling opinyon o pananaw.
Sa isang banda, may mga hindi inaasahang
pasubali (pitfalls) sa kung paano tinitingnan ng
isang ekonomista o estudyante ng ekonomiks ang
mga pangyayaring pangkabuhayan upang maging
obhetibo ang kanilang kaisipan sa pagtugon sa mga
suliraning pang-ekonomiko. Isa sa mga pasubaling
ito ay maaaring nagmumula sa impormasyong
nabasa sa mga pahayagan o napakinggan sa ilang
personalidad. Maaaring ang kanilang sinabi
ay “ang pagpapataw ng dagdag na buwis ng
pamahalaan sa kita ng mga mamamayan ay pabigat
sa kabuhayan.” Dahil sa impormasyong nalaman
tungkol sa pangyayari, hindi nauunawaan ng mga
mamamayan na ang dagdag na buwis ay gagamitin
ng pamahalaan sa paglalaan ng pambansang
badyet para sa mga pangunahing programang
pangkabuhayan sa bansa.
Isa pa rin sa mga pasubali na nakaaapekto
sa pagtingin ng mga tao sa ekonomiks ay ang
pag-iisip na ang katotohanan tungkol sa isang
partikular na pangyayari lamang ay itinuturing
bilang pangkalahatang katotohanan o sa madaling
sabi, “Kung ano ang naranasan ng isang tao na
pinaniwalaan niyang totoo ay itinuturing agad
bilang katotohanang nararanasan na rin ng lahat.”
Hindi wasto ang kaisipang ito dahil hindi naman
ganap na nangyayari sa isang tao ang nangyayari sa
iba o sa isang pangkat sa kabuuan. Halimbawa, si
Juan ay nagtitinda ng fishball sa kanilang pamayanan
at malakas ang kanyang kita mula rito. Dahil dito,
nagtinda rin ang kanyang kapitbahay ng fishball sa
parehong lugar. Mula sa ibinigay na halimbawa,
masasabing inisip ng kapitbahay ni Juan na siya
ay kikita rin nang malaki mula sa pagtitinda ng
fishball dahil sa nakikita niyang nangyayari sa
pagtitinda ni Juan. Ngunit sa katotohanan, may
kompetisyon nang namamagitan sa dalawang
tindero ng fishball na nakaapekto sa kita nilang
dalawa. Ibig sabihin, maaaring hindi kumita nang
malaki ang kapitbahay ni Juan o maging si Juan ay
nabawasan na rin ng kita dahil dalawa silang nag-
aagawan ng mga mamimili.
Mayroon ding tinatawag na correlation at
causation na pananaw pang-ekonomiko. Ang
correlation ay ang pagkakaugnay ng mga pangyayari
na hindi magkakatulad, samantalang ang causation
ay ang pagpapakita ng dahilan o pinagmulan ng
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 17
isang pangyayari. Ang halimbawa ng correlation ay
kung umangat sa pamumuhay si Manggagawa A,
hindi nangangahulugang aangat din ang buhay
ni Manggagawa B. Hindi rin maaaring sabihin
na kaya umangat si Manggagawa B ay dahil
kay Manggagawa A. Ang halimbawa naman ng
causation ay kapag tumaas ang presyo ng langis sa
pandaigdigang merkado, ang mga produkto nito
tulad ng liquefied petroleum gas (LPG) at gasolina ay
magkakaroon din ng tiyak na pagtaas. Sa puntong
ito, mahalagang mapag-aralan ang ekonomiks
bilang isang agham upang maunawaan at malaman
ang correlation o causation ng mga pangyayari bago
bumuo ng isang matibay na batayang kaisipan.
Ang Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba pang Agham-Panlipunan
Ang ekonomiks ay nauugnay sa iba pang agham-
panlipunan. Ilan sa mga ito ay ang kasaysayan,
heograpiya, agham-pampulitika, sosyolohiya, at
etika at pilosopiya.
Bilang isang agham ng pag-aaral tungkol sa mga
pangyayari sa nakalipas, nauugnay ang ekonomiks
sa kasaysayan dahil pinag-aaralan din dito ang mga
gawaing pangkabuhayan ng tao simula pa noong
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Sa heograpiya, pinag-aaralan ang kalagayan at
estruktura ng ibabaw ng daigdig at ang epekto nito
sa tao at kapaligiran. Sa ekonomiks, natatalakay
ang ilang batayang konsepto ng heograpiya dahil
binibigyang-pansin dito ang pinagmumulan ng
mga likas na yaman.
Sa pag-aaral ng ekonomiya at heograpiya, pinahahalagahan ang pinagmumulan ng mga produkto o likas na yaman. Tulad ng mga magsasaka sa larawan na buhat ang mga ikakalakal na produkto.
Samantala, mahalaga naman ang kaalaman
sa agham-pampulitika upang malaman kung
paano pinangangasiwaan ng pamahalaan ang
mga pinagkukunang-yaman nang sa gayon ay
matugunan nang maayos ang mga pangangailangan
ng mga mamamayan. Maaaring sa pag-aaral ng
agham-pampulitika, papasok ang mga batayang
kaisipang pang-ekonomiko tulad ng kakapusan at
populasyon.
Kaugnay rin ng ekonomiks ang sosyolohiya
na tungkol sa pag-aaral kung paano kumikilos
ang mga tao sa kanilang lipunan kaugnay ng
kanilang kinagisnang kultura. Pinag-aaralan din
dito ang ugnayan ng tao, institusyon, at estruktura
ng lipunang ginagalawan. Nakapaloob din dito
ang pag-aaral sa pag-uugali ng mga mamimili at
negosyante kung kaya ang agham ng sikolohiya ay
natatalakay rin sa pag-aaral ng ekonomiks.
18 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
May mga usaping pang-etika
at pampilosopiya rin na lumilitaw
sa pag-aaral ng ekonomiks kaugnay
sa nararapat na kalutasan sa mga
suliraning pangkabuhayan. Sa
bahaging ito ay nagiging mahalaga
ang mga kaisipan at paninindigang
pang-etika at pampilosopiya sa mga
isyung nakaaapekto sa kabuhayan.
Halimbawa ay ang isyu ng paglaki
ng populasyon na sinasabing may
malaking epekto sa kakulangan
ng pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang mga pangangailangan
ng mga tao. Sa isyung ito,
pinagtatalunan sa paggamit ng mga
kontraseptibo laban sa isinusulong
na natural method ng Simbahan upang mapigilan
ang lumalaking bilang ng populasyon. Isa pa ring
solusyon upang matugunan ang pangangailangan
sa pagpapalaki ng produksyon sa pagkain ay
ang cloning kung saan maaaring magamit ang
teknolohiyang ito upang maparami ang mga
hayop at mapabuti ang mga binhi ng halaman.
Gayunman, ang cloning ay mahigpit na tinututulan
ng simbahan dahil ito ay pagtutulad na ng tao
sa kakayahan ng Poong Maylikha. Sa mga isyung
tulad ng kontraseptibo at cloning ay pumapasok
ang mga kaisipang pang-etika.
Bukod sa mga nauugnay sa agham-
panlipunan na nabanggit, maaari ring isama sa
pag-aaral ng ekonomiks ang natural sciences at
exact sciences tulad ng matematika at estadistika.
Ito ay dahil sa kailangan ng isang nag-aaral ng
ekonomiks ang kaalaman ukol sa pananaliksik,
pamamaraang siyentipiko, at maging sa pagtutuos
o aritmetika upang madali niyang maunawaan ang
pagkuha ng correlation ng mahahalagang datos o
impormasyon.
1. Bakit itinuturing na isang agham ang
ekonomiks?
2. Ipaliwanag ang ekonomiks bilang isang agham-
panlipunan.
3. Ano ang kaugnayan ng ekonomiks sa iba pang
agham?
4. Ilahad ang mga usaping pang-etika at
pampilosopiya na binanggit sa aralin.
Si Dolly ang unang hayop na nilikha sa tulong ng cloning, kasama ang maliit nitong tupa na si Bonnie.
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 19
1. Magpangkat-pangkat. Pumili ng isa sa dalawang
paksa sa ibaba. Magsaliksik ang bawat pangkat
tungkol sa napiling paksa. Gamiting gabay ang
mga natutuhang pamamaraang siyentipiko.
Pagkatapos, iulat ang ginawang pananaliksik
sa klase.
a. Lumalaking bilang ng Populasyon:
Implikasyon sa Pag-unlad ng Bansa
b. Mabuti at Di-mabuting Dulot sa Tao
ng mga Pagkaing may GMO (genetically
modified organism)
2. Magsagawa ng isang paglalarawan sa pag-
aaral ng ekonomiks kaugnay sa iba pang
agham-panlipunan sa pamamagitan ng concept
mapping. Gawin ito sa malinis na papel at
lagyan ng paliwanag. Pagkatapos, ibahagi sa
klase ang ginawang concept map.
3. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paggamit
ng kontraseptibo ng mga tao. Sa iyong palagay,
dapat na bang hayaan ang mga tao, lalo na
ang kababaihan, na gumamit ng iba’t ibang
kontraseptibo? Pangatwiranan ang sagot sa
gagawing sanaysay. Gawin ito sa malinis na
papel at ibahagi sa klase pagkatapos.
Ang Ekonomiyang Pampulitika
Alam mo bang ang unang pag-aaral ng ekonomiks ay tinawag na ekonomiyang
pampulitika? Noong 1615 sa France, unang ginamit ang terminolohiyang ekonomiyang
pampulitika bilang isang pag-aaral ng ekonomiks sa aklat ni Antoine de Montchrétien na
Traité de l’economie politique. Pormal naman na pinasimulan ang pag-aaral ng ekonomiyang
pampulitika noong ika-18 siglo bilang isang pilosopiyang moral tungkol sa ekonomiya ng
mga estadong bansa. Sa panahong iyon, nagpahayag ng mga kaisipang pangkabuhayan
ang mga ekonomistang sina Francois Quesnay, Adam Smith, David Ricardo, at Karl Marx
upang bigyang-linaw at ipaliwanag ang kalagayang pangkabuhayan ng mga estadong
bansa.
20 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
Samantala, nang maitatag ang University
of Vienna sa Austria noong 1763, dito unang
itinuro ang pag-aaral ng ekonomiyang
pampulitika. Si Joseph von Sonnenfels
ang itinuring naman na unang propesor ng
disiplinang ito.
Noong 1784, ginawang batayang aklat
ang akda ni Adam Smith na Wealth of Nations
na tumalakay sa ekonomiyang pampulitika
at ito ay ginamit sa College of William and
Mary sa America. Itinuro rin ang pag-aaral
ng ekonomiyang pampulitika sa Glasgow
University kung saan nagtuturo si Smith. Ang
kanilang departamento ng Logic and Moral
Philosophy ay napalitan ng Department of
Political Economy hanggang sa ito ay naging
Department of Economics.
Taong 1805 naman nang unang ituro ni Thomas Malthus ang pag-aaral ng ekonomiyang
pampulitika sa England.
Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, ang ekonomiyang pampulitika ay naging Ekonomiks
(Economics) na may kinalaman sa pag-aaral ng mga estruktura ng bansa, produksyon,
pagkonsumo ng mga tao, at mga batayang kaisipan na may kaugnayan sa agham at
matematika.
Joseph von Sonnenfels
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 21
Mahalagang Konsepto sa EkonomiksAralin 2
1. alokasyon – ang paraan ng pangangasiwa at
pamamahagi ng mga produkto at serbisyo
upang makamit ang kasiyahan sa limitadong
pinagkukunang-yaman
2. kagustuhan – ang kailangan ng tao na
maituturing na luho at maaaring ipagpaliban
3. konsyumer – mamimili o kumukonsumo ng
mga produkto at serbisyo
4. makroekonomiks – isang sangay ng ekonomiks
na tumutukoy sa galaw ng kabuuang
ekonomiya at mga kaugnay na pangkalahatang
gawain, pag-uugaling pang-ekonomiko ng
sambahayan, at pag-aaral ng panlipunang
pagpapasya
5. maykroekonomiks – isang sangay ng
ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng maliliit
na bahagi o yunit ng kabuhayan at may
kaugnayan sa pag-aaral ng indibidwal na
pagpili
1. Anu-ano ang mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks?
2. Bakit kailangang maunawaan ang mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks?
3. Paano nailalapat ang mahahalagang konsepto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga tao?
6. pangangailangan – mga bagay o serbisyo na
kailangan ng tao upang mabuhay
7. sistemang pangkabuhayan – pamamaraan ng
pagtugon ng pamahalaan sa tatlong batayang
katanungan: (1) Ano ang gagawin? (2) Paano
isasagawa? at (3) Para kanino ang gagawing
produkto at serbisyo?
Bawat tao ay nahaharap sa mga suliraning
pang-ekonomiko na nangangailangan ng
matalinong pagpapasya. Isang suliranin ng
pangunahing batayan nang walang hanggang
pangangailangan ng tao ay ang kakapusan nito
sa mga limitadong pinagkukunang-yaman. Hindi
lamang salapi at mga materyal na pangangailangan
ang naglilimita sa tao upang matugunan ang
kanyang pangangailangan, kundi kasama na ang
panahon. Halimbawa, sa mga paghahanda sa isang
mahabang pagsusulit ay hindi maaaring pagsabayin
ang matematika at physics sa isang pag-aaral lamang.
Isabay rin dito ang pagsusumite ng mga proyektong
itinakda sa isang araw. Ang mga gawaing nabanggit
ay maaaring magdulot ng kakapusan sa panahon.
Kung kaya nararapat na magkaroon ng masusing
pagtitimbang ng mga gawain o bagay ayon sa
halaga ng pag-aaral.
22 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
Upang makamit nang maayos ang isang
bagay na hinahangad, kailangang marunong ang
tao ng wastong pagbabadyet ng kanyang salapi at
panahon. Dapat na naisasaalang-alang nang mabuti
kung alin ang prayoridad o uunahing gawain.
May ilang bagay rin na dapat ipinagpapaliban o
isinasakripisyo upang mapunuan ang kagustuhan.
May dalawang mahalagang konsepto sa
pag-aaral ng ekonomiks. Ang mga ito ay (1) ang
walang hanggang pangangailangang materyal ng
tao, lipunan, at institusyon at (2) limitado o may
hangganan ang pinagkukunang-yaman. Kailangang
maunawaan nang mabuti ang dalawang konseptong
ito, tuwiran man o hindi, dahil nakasalalay sa mga
ito ang pag-unawa sa mga susunod na pag-aaral ng
ekonomiks.
Walang Hanggang Pangangailangang Materyal ng Tao at Lipunan
Hindi tumitigil sa pagkakamit ng
pangangailangang materyal ang tao sapagkat
patuloy siyang nabubuhay sa mundo. Mula
pa noong unang panahong natuto ang tao na
maglakad, wala na siyang ibang hinangad kundi
ang matugunan ang kanyang mga pangangailangan
para mabuhay. Sa paglipas ng panahon, ang bawat
pagtugon sa mga pangangailangan ay naging
masalimuot dahil lumilikha muli ang tao ng
panibagong pangangailangan.
May dalawang uri ng pangangailangan
ang tao upang mabuhay—ang pangunahin at
sekundaryang pangangailangan. Kabilang sa mga
Eko, mayroon kaming panonooring concert sa Huwebes ng gabi. Ang tiket sa concert ay nagkakahalaga ng P50. Mayroon lamang akong natitirang P60 sa aking allowance para sa pagpasok ko sa Biyernes. Ano ang dapat kong gawin?
Alin ba ang higit na mahalaga para sa iyo, ang manood ng concert o ang pagpasok sa paaralan?
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 23
pangunahing pangangailangan ng tao ay ang
pagkain, tirahan, at damit. Kabilang naman sa
mga sekundaryang pangangailangan ng tao ay ang
mga lumitaw na kaugnay ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng mabuting kalusugan,
edukasyon, at seguridad sa pamumuhay.
Samantala, may mga kailangan naman ang
tao na maituturing na kagustuhan tulad ng mga
alahas o palamuti sa katawan, computer, at compact
disc player. Subalit, maaari ring sabihin na ang mga
kagustuhan ng tao ay maituturing naman ng iba na
pangangailangan. Maaari ring ang mga kagustuhan
noon ay mga pangangailangan na ngayon.
Halimbawa, ang paggamit ng cellphone at Internet
ay mga kagustuhan lamang ng tao sa simula nang
mauso ang mga ito subalit ang mga ito ngayon ay
itinuturing na ring mga pangangailangan.
May mga paglilingkod din na tumutugon
sa tuwirang pangangailangan ng tao tulad ng
pagpapagupit ng buhok, paglilinis ng mga kuko,
pagkonsulta sa doktor, paghingi ng legal na payo sa
abogado, pagsakay sa mga pampublikong sasakyan,
at panonood ng mga concert at pelikula. Samantala,
ang ibang paglilingkod naman ay maituturing
na luho tulad ng pagpunta sa mga spa, pagpapa-
cosmetic surgery, at pagkuha ng personal trainor sa
pag-eehersisyo.
May mga pangangailangang materyal din ang
mga institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan,
paaralan, at simbahan. Ang paglilinang ng mga
pasilidad at mga programang pang-akademiko
sa mga paaralan, tulad ng mga audio-visual room,
laboratoryo, silid-aklatan, at e-learning facilities,
at maging ang faculty development program para sa
mga guro ay sumasalamin sa mga pangangailangan
ng mga estudyante. Samantala, ang pagpapatayo
at pagmimintina ng mga estruktura sa lipunan
ay nangangailangan ng maayos na pagtugon sa
paglilingkod.
Samantala, maaaring ang walang hanggang
pangangailangan ng tao at lipunan, sa maikling
panahon, ay nagkakaiba dahil nga sa patuloy ang tao
sa paghahangad ng mga dagdag na pangangailangan.
Ang halimbawa nito ay ang paghahangad ng tao
ng mga makabagong teknolohiya dulot ng mga
mapang-akit na promosyon at patalastas ng mga
prodyuser. Kabilang dito ang mga bagay na MP3
o MP4 player, cellphone, e-pad o e-notebook, at mga
makabagong paraan ng panggagamot tulad ng
interactive image-guided surgeries kung saan kita ng
mga siruhano ang malinaw na 3D image ng iba’t
ibang bahagi ng katawan ng pasyente.
Kung mapapansin, tila walang katapusan
ang paglitaw at pagdami ng mga kagustuhan ng
tao na maaaring maging pangangailangan na sa
hinaharap. Kaya naman ang lahat ng gawaing
pang-ekonomiko ay umiikot sa pagtugon sa mga
walang hanggang pangangailangang materyal ng
tao at lipunan.
Ang Kakapusan at ang KakulanganNang dahil sa lumalaking bilang ng
populasyon at tumataas na bilang ng demand
sa mga pinagkukunang-yaman, nagkakaroon ng
kakapusan sa mga yaman. Ang kakapusan ay
24 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
isang kalagayan at suliraning
dulot ng walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan
ng tao sa kabila ng limitadong
p i n a g k u k u n a n g - y a m a n .
Nagdudulot ang kakapusan ng
kahirapan, lalo na ng kagutuman
kung hindi matugunan.
Mahalaga ang wastong
pangangasiwa sa mga
pinagkukunang-yaman sa bansa
upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao.
Subalit maaaring magkaroon
ng kakapusan sa yaman dahil
sa laki at dami ng demand
ng mga tao sa kanilang mga
pangangailangan. Maaaring ituring na bahagi
ng kakulangan ang kakapusan sapagkat ang
huli’y nauuwi sa pagkaubos. Samantala, ang
kakulangan ay isang kalagayan naman na maaari
pang mapunan. Halimbawa, sa mga lupaing may
kakulangan sa mga pinagkukunang-yaman tulad
ng Japan at Saudi Arabia, ang mga pamahalaan
nila ay gumagawa ng mga paraan upang
matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang
bansa. Isinasagawa nila ito sa pamamagitan
ng pakikipagkalakalan o sa paglikha ng mga
teknolohiya na makatutulong sa paglinang ng
mga kinakailangang produkto o serbisyo. Ang
kakulangan naman sa suplay ng bigas dulot ng
kalamidad, halimbawa, ay maaaring solosyunan
sa pamamagitan ng pag-aangkat mula sa ibang
lupain o bansa.
Dahil limitado lamang ang mga
pinagkukunang-yaman, kinakailangan ng
isang bansa na gumawa ng mga pagpapasya na
makatutugon sa dumaraming pangangailangan
ng mga mamamayan nito. Ang natutuhang
mahahalagang konsepto o kaisipan sa ekonomikong
pagpili at halaga kapalit ng ginawang pagpili ay
tumutukoy rin sa ekonomikong pagpapasya ng
isang pamahalaan. Kaya kailangan ng pamahalaan
ng pagpaprayoridad at pagsasakripisyo upang
matugunan ang pangangailangan ng nakararami
sa lipunan.
Alokasyon ng mga Pinagkukunang-yaman
Tinatawag na alokasyon ang wastong
pangangasiwa at pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga
Sa Jubail Desalination Plant ng Saudi Arabia, ang tubig-dagat ay idinadaan sa prosesong desalinasyon o pagtanggal ng alat. Kasabay ng desalinasyon ang paglikha ng enerhiyang pang-elektrisidad para sa malalapit na pamayanan.
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 25
pangangailangan ng tao at lipunan. Dahil limitado
lamang ang pinagkukunang-yaman, mahalagang
malinang nang husto ang anumang limitadong
mapagkukunan nito nang sa gayon ay makamit
ang lubos na kasiyahan o utilidad mula rito.
May dalawang uri ng pagpili sa lipunan upang
higit na maunawaan ang konsepto ng alokasyon.
Ito ay ang indibidwal na pagpili at ang panlipunang
pagpili.
Sa indibidwal na pagpili, nakatutulong
ang kaalaman sa maykroekonomiks upang
makapaglapat ng wastong alokasyon ang tao sa
panahon at pananalapi sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ibig sabihin, ang indibidwal na
pagpili sa maykroekonomiks ay tumutukoy sa
pagsusuri ng ginagawang pagpapasya ng indibidwal
o isang tao at kumpanya o industriya. Kung mataas
ang halaga ng mga produkto, kailangang magpasya
ang tao ng kanyang bibilhin. Ikokonsidera niya
kung ito’y pangangailangan o kagustuhan lamang.
Kung limitado naman ang kanyang salapi,
kailangan niyang magbadyet upang maiwasan
ang kakapusan. At kung mataas naman ang halaga
ng produksyon, ang isang industriya o kumpanya
ay kailangang magpasya sa kung ano ang
kailangan at hindi kailangan upang makatugon sa
pangangailangan ng panahon.
Samantala, ang panlipunang pagpili naman ay
ang pagpapasyang tumutugon sa pangangailangan
ng lipunan. Sa bahaging ito, nakatutulong ang
pag-aaral ng makroekonomiks. Ang halimbawa
nito ay kung paano tutugunan ng pamahalaan
ang mga suliranin ng bansa tulad ng implasyon,
kawalan ng trabaho, at pagkukunan ng pondo.
Samakatuwid, kailangang suriin at pag-aralan
nang mabuti ng pamahalaan ang gagawing pagpili
batay sa alokasyon sa pinagkukunang-yaman bago
magsagawa ng isang pasya.
Upang maging episyente at epektibo sa
pangangasiwa ng alokasyon sa pinagkukunang-
yaman, narito ang mga sumusunod na gabay na
tanong:
1. Ano ang gagawin o lilikhaing produkto at
serbisyo?
2. Paano isasagawa ang produkto at serbisyo?
3. Para kanino ang gagawing produkto at
serbisyo?
Upang matugunan ang tatlong nabanggit
na katanungan, kailangan ang pagpapasyang
nagmumula sa indibidwal at panlipunang pagpili.
Dapat na tumugon dito ang mga salik ng sistemang
pangkabuhayan: tradisyunal na ekonomiya,
ekonomiyang pampamilihan, pinag-uutos na
ekonomiya, at pinaghalong ekonomiya.
Ang katugunan sa tatlong katanungan sa
isang tradisyunal na ekonomiya ay nakasalalay
sa kaugalian ng mamamayan at pamahalaan. Sa
ekonomiyang pampamilihan, ang pagtugon sa
tatlong katanungan ay kalimitang nakabatay sa
pagpapasyang indibidwal. Samantala, sa pinag-
uutos na ekonomiya, ang pagpapasya ay nakasalalay
lamang sa pamahalaan. Ang pinaghalong
ekonomiya ay kombinasyon ng ekonomiyang
pampamilihan na may pagpapasyang nagmumula
sa pamahalaan. (Tingnan ang talahanayan sa
susunod na pahina.)
26 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
Sa unang tanong, kailangan ng pamahalaan
na magpasya kung alin ang higit na bibigyang-
pansin o prayoridad sa mga pangangailangan ng
mga tao at lipunan. Kung limitado naman ang
pinansyal na pinagkukunang-yaman, dapat na
may isakripisyong pangangailangan ng mga tao
at lipunan. Upang matustusan ng pamahalaan
ang kabuuang kailangan ng tao at lipunan,
dapat na maingat na paghandaan ang ilalabas na
pambansang badyet.
Sa ikalawang tanong, makatutulong ang
lakas paggawa dahil sila ang lumilinang ng mga
pinagkukunang-yaman ng bansa. Makatutulong
din ang paggamit ng teknolohiya sa paglinang at
pagpaparami ng produksyon.
Sa ikatlong tanong, ang paglikha ng mga
produkto at kailangang serbisyo ay ilalaan para sa
pag-angat ng kabuhayan ng mga mamamayan at
lipunan. Kung kaya mahalaga ang pagtutulungan
ng pamahalaan at mamamayan upang magkaroon
ng katuparan ang mabuting pagpili sa kalagayang
pang-ekonomiko ng bansa. Sa bawat pagpili,
kailangang suriin ng pamahalaan ang opportunity
cost at opportunity benefit sa gagawing pagpili.
1. Bakit walang hanggan ang pangangailangang
materyal ng tao at lipunan?
2. Bakit nagkakaroon ng kakapusan o limitasyon
sa mga pinagkukunang-yaman ang tao at
lipunan?
Talahanayan 1 Mga Batayang Katanungan at Sistemang Pangkabuhayan
Mga TanongTradisyunal
na Ekonomiya
Ekonomiyang Pampamilihan
Pinag-uutos na
Ekonomiya
Pinaghalong Ekonomiya
1. Ano ang gagawin o lilikhaing produkto at serbisyo?
2. Paano isasagawa ang produkto at serbisyo?
3. Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo?
kaugalian pagpapasyang indibidwal
pamahalaan ang nagpapasya
kombinasyon ng ekonomiyang pampamilihan na may pagpapasyang nagmumula sa pamahalaan
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 27
Bala o Buhay
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, nagkaroon ng Cold War sa pagitan
ng America at Soviet Union dulot ng magkaibang
ideolohiyang ipinaglalaban. Ang America ay
kumakatawan at namumuno sa mga bansang
demokratiko, samantalang ang Soviet Union
naman ay sa mga bansang komunista.
Sinikap na pag-ibayuhin ng America ang
paggawa ng mga makabagong armas. Tinapatan
naman ito ng Soviet Union sa pamamagitan ng
3. Paano natutugunan ng tao ang kanyang mga
pangangailangan kung may kakapusan o
limitasyon sa pagkukunang-yaman nito?
4. Paano natutugunan ng pamahalaan ang
pangangailangan ng lipunan kung may
kakapusan o limitasyon sa pinagkukunang-
yaman ng bansa?
1. Bumuo ng tatlong pangkat. Sasagutin ng
bawat pangkat ang nakaatas na tanong sa
ibaba. Magbibigay ang bawat pangkat ng mga
halimbawa at maaaring lagyan ng nararapat
na larawan o representasyon. Pagkatapos,
maghanda ng pag-uulat sa klase.
Pangkat 1 — Ano ang gagawing produkto at
serbisyo?
Pangkat 2 — Paano gagawin ang produkto at
serbisyo?
Pangkat 3 — Para kanino ang gagawing
produkto at serbisyo?
2. Humanap ng kapareha. Magtulungan sa
paghahanap ng limang mahalagang kaisipan
o konsepto mula sa tinalakay na aralin. Isulat
ang mga nahanap na kaisipan sa cartolina na
may pagpapakahulugan. Pagkatapos, ipaskil sa
harap ng klase at talakayin.
3. Gumawa ng sariling konsepto ng tungkol sa
walang hanggang pangangailangang materyal
ng tao at lipunan sa pamamagitan ng poster.
Gawin ang poster sa Oslo paper. Pagkatapos,
ipakita ito sa klase sa isang mini eksibit.
Ang mga makabagong armas ang naging pangunahing bentahe sa Cold War.
28 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
pananaliksik at pagsasagawa
ng mga makabagong armas.
Bunsod nito, nagkaroon ng
paligsahan ukol sa pagpaparami
at pagpapalakas ng kanilang mga
armas. Ang naging kapalit nito ay
ang kalagayang pangkabuhayan
ng bawat bansa.
Nang ianunsyo ng
pangasiwaan ni Ronald Reagan
ng America noong 1980 ang
paglikha nila ng Star Wars,
isang programang progresibo
at masalimuot na sistemang
pandepensa, pinag-ibayo naman
ng Soviet Union ang pagsasagawa
ng mga kagamitang militar sa halip na paglikha ng mga kalakal na kailangan ng mga tao sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil dito, unti-unting bumaba ang bilang ng mga kalakal
at serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng mga Sobyet. Dahil sa pagbaba ng antas ng
pamumuhay sa Soviet Union, nagsagawa ng mga protesta ang mga mamamayan nito upang
alisin at baguhin ang kanilang pamahalaang komunista at ang sistemang pang-ekonomiya
ng kanilang bansa.
Pinalakas ng America ang paggawa ng mga makabagongarmas nito.
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 29
1. basalyo – isang taong naninilbihan sa
panginoong maylupa
2. datu – pinuno ng isang tribu o barangay
3. sistemang encomienda – pinangangasiwaan
ng mga encomendero ang mga lupain;
nangongolekta ng buwis sa pamamagitan ng
tributo mula sa mga sakop; ipinatutupad ang
mga patakarang nagmumula sa hari ng Spain
4. sistemang hacienda – pangangasiwa sa mga
lupain na ang layunin ay ang pagtatanim ng
mga produktong panluwas lamang
5. maharlika – nabibilang sa mataas na angkan
6. pyudalismo – sistemang nakabatay sa ugnayan
ng panginoong maylupa at kasama
7. reduccion – pinag-iisa ang magkakahiwalay
at magkakalayong pamayanan upang
makapagtatag ng isang bayan (pueblo) at
pamamahalaan ng mga Espanyol, samantalang
pinaghihiwalay naman ang mga magkakamag-
anak sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga
ito sa ibang lupain
8. timawa – pangkaraniwang mamamayan na
malaya at maaaring magmay-ari ng lupa
9. Torrens Title – isang sistema ng pagtititulo
ng lupa na naggagarantiya ng pagmamay-
ari nito; unang lumitaw ang sistemang ito
sa Timog Australia noong 1858 at isinagawa
ni Sir Robert Torrens na nang lumaon ay
lumaganap sa buong mundo
Tulad ng ibang kasaysayan, dumanas ang
Pilipinas ng maraming pagsubok ngunit makulay
na kalagayang pangkabuhayan sa iba’t ibang
panahon. Tunghayan ang mga pagbabagong
naganap sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa
mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Sinaunang LipunanAng ating mga ninuno ay nabubuhay noon
sa pamamagitan ng pangangalap ng mga butil
at bungangkahoy sa gubat. Kalaunan, natuto
ang ating mga ninuno na mangaso at mangisda.
Natutuhan din nilang magtanim ng mga halamang
namumunga at mag-alaga ng mga hayop sa kanilang
kapaligiran. Sa mga bagay na ito nila kinukuha
ang kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Dito sinimulan ng ating
1. Ano ang kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t ibang panahon?
2. Paano nakaaapekto ang kalagayang pisikal ng bansa sa kalagayang pang-ekonomiya nito?
3. Bakit nananatiling agrikultural ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa?
Kalagayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas sa Iba’t Ibang PanahonAralin 3
30 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
Alam mo ba, Eko, na dumaan sa iba’t ibang panahon ang ating ekonomiya?
mga ninuno ang pagbuo ng mga pamayanan sa
kapuluan.
Lipunang BarangayAng pamayanang binuo ng ating mga ninuno
na dumating sa kapuluan lulan ng balangay ay
tinatawag na lipunang barangay. Binubuo ito ng
30 hanggang 100 katao at pinamumunuan ng
isang datu. Nagtayo rin sila ng mga pamayanan sa
tabi ng mga ilog o dagat.
Noong ika-15 siglo, dumating sa kapuluan
ang mga Kanluranin at namasid ng mga ito
ang lipunang barangay. Inihalintulad ng mga
Kanluranin ang lipunang barangay sa sistemang
pyudal na kanilang naranasan sa Europe. Sa
sistemang pyudal, nakabatay ang estruktura ng
lipunan sa ugnayan ng panginoong maylupa at ng
kanyang basalyo.
Sa paglalarawan ng mga Kanluranin sa
lipunang barangay, ang datu ang may hawak ng
pinakamataas na kapangyarihan, sinusundan
ito ng maharlika, at timawa. Ang datu ay hindi
lamang pinaniniwalaang nagmamay-ari ng
kanilang sakop na lupain, kundi isang pinunong
pinagkakatiwalaan ng barangay. Ang datu rin ang
nangangasiwa sa kanilang kabuhayan.
Ang pinakamababang antas naman sa
lipunang barangay noon ay ang mga alipin. Ang
mga alipin ay mauuri sa dalawa—ang aliping
namamahay at aliping saguiguilid. Naglilingkod
ang mga aliping namamahay sa nakatataas sa
lipunan ngunit maaari silang magkaroon ng sariling
tirahan. Samantala, ang mga aliping saguiguilid
naman ay naglilingkod sa kanilang panginoong
maylupa ngunit wala silang karapatang magkaroon
ng sariling tirahan. Ang pagbibigay ng kalayaan sa
kanila ay nakabatay sa kagustuhan ng kanilang
panginoong maylupa. Ang mga nagiging alipin ay
yaong mga taong natalo o nabihag sa digmaan ng
mga tribu. Maaari ring ipinanganak na silang alipin
dahil sa pagiging alipin ng kanilang magulang.
Maaari ring maging alipin ang isang tao kung siya
ay naparusahan dahil sa nagawang krimen o hindi
pagbayad ng utang.
Sa paglipas ng panahon, lumawak ang mga
pamayanan dahil sa paglaki ng populasyon kaya
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 31
kinailangang kumilala ng makapangyarihang
pinuno na gagabay sa bawat barangay. Magkakalayo
ang mga barangay noon dulot ng kalagayang
pisikal ng kapaligiran subalit nakapag-uugnayan
pa rin ang mga katutubo. May iba’t ibang tawag
sa mga barangay noon tulad ng Sa-Ilud (malapit
sa bukana ng mga ilog) at Sa-raya o Ilaya (nasa
gawing itaas ng bundok at looban ng ilog o look).
Samantala, barter naman ang sistema o paraan ng
pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno sa bawat
barangay.
Nakipagkalakalan din ang ating mga ninuno
sa mga dayuhang Asyano na dumating sa kapuluan
tulad ng mga Arabe, Tsino, at Hapones. Ang
pakikipagkalakalan ay kadalasang nangyayari sa
mga pamayanang malapit sa bukana ng ilog o
look.
Panahon ng mga PananakopPanahon ng mga Espanyol (1570–1898)
Nang dumating ang mga mananakop na
Espanyol sa Pilipinas, sinikap nilang alisin ang
katapatan ng ating mga ninuno sa kanilang pinuno
sa pamamagitan ng patakarang divide and conquer.
Umiral sa panahong ito ang sistemang reduccion
kung saan pinaghihiwalay ng mga Espanyol ang
magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagpapadala
sa mga ito sa ibang lupain. Lumaganap din sa
panahong ito ang taggutom at pangangamkam ng
mga Espanyol sa lupain ng mga katutubo.
Isinailalim ng pamahalaan ng Spain sa
sistemang encomienda ang mga nasakop na lupain
ng ating mga ninuno. Ang mga lupaing ito ay
pinangasiwaan ng mga encomendero. Sa panahong
ito, sapilitang pinagtrabaho ang mga ninuno. Ang
mga nakukuhang produkto o kalakal ay dinadala
sa Spain. Sapilitan ding pinagbabayad ang ating
mga ninuno ng buwis o tributo.
Napalitan ang encomienda ng sistemang
hacienda dahil sa mga pang-aabusong ginawa ng
mga encomendero sa mga katutubo. Nalipat sa
mga lalawigan ang pangangasiwa ng mga lupaing
agrikultural kung saan ipinatupad ang sistemang
ito. Layon dito ng Spain na makabawi sa paghina
ng kanilang kabuhayan.
Sa sistemang hacienda, naabuso rin ang
kalagayan ng ating mga ninuno. Hindi sila
nakakain nang maayos at kalupitan din lamang
ang kanilang naranasan sa mga Espanyol. Sa
halip na palay ang itinatanim sa mga lupaing
agrikultural ng mga katutubo, mga produktong
tulad ng tabako, niyog, at tubo ang ipinalit ng mga
Espanyol. Ang mga produktong ito ay gagamitin
ng mga Espanyol para sa pandaigdigang kalakalan
upang sila ay kumita. Bawat sakop na lalawigan
ay tinakdaan sa kung anong uri ng produktong
panluwas ang kailangang itanim.
Samantala, nagkaroon ng Kalakalang Galyon
sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico. Ang
kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol
na naging daan upang magkaroon ang kanilang
bansa ng dagdag na yaman. Subalit, nalugi ang
kalakalang ito dulot ng mga digmaang nilahukan
ng mga Espanyol na naging sanhi rin ng paghina
ng kanilang bansa.
32 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
Panahon ng mga Amerikano (1898–1946)
Bago pa man sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas, may mga kumpanya na silang naitatag sa
bansa. Ito ay upang pangasiwaan ng mga Amerikano
ang iba’t ibang kabuhayan ng mga katutubong
Pilipino. Sa pamamagitan ng Homestead Act ng
1924, naging lehitimo ang pagkamkam ng mga
Amerikano sa mga lupain ng mga katutubong
Pilipino. Ang batas ding ito ang nagbigay-daan
upang mapadali ang transaksyon ng paglilipat ng
pangalan ng mga Espanyol sa mga titulo ng lupa
na pag-aari ng mga katutubo. Tinawag ang paraang
ito na Torrens Title. Dahil dito, hindi naibalik sa
mga katutubo ang mga nakamkam na lupain sa
kanila.
Isang halimbawa ng Torrens Title
Naging malaya rin ang mga Amerikano sa
pagpapasok ng kanilang mga kalakal o produkto
sa bansa. Dahil dito, tumindi ang pagkiling
ng mga Pilipino sa mga produktong imported
kaya hindi nila napaunlad ang mga lokal na
produkto. Lumawig pa ang ganitong pangyayari
nang maisabatas ang Payne-Aldrich Act ng 1909.
Dahil nais ng mga Amerikano na pangasiwaan
ang mga pinagkukunang-yaman ng mga Pilipino,
ipinagtibay ang parity rights. Sa pamamagitan nito,
nagkaroon noon ng pantay na karapatan ang mga
Pilipino at Amerikano sa paglinang at pagmamay-
ari ng mga likas na yaman ng bansa.
Bagama’t sa panahong ito ay nalinang
ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa at
nagkaroon ng mga pagbabagong pangkabuhayan
na mababakas sa mga naipatayong imprastruktura,
telekomunikasyon, at transportasyon, ang lahat ng
Isang galyon na ginamit ng mga Espanyol sa kalakalan
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 33
ito ay naisakatuparan hindi para sa kapakanan ng
mga Pilipino, kundi sa kapakinabangan lamang ng
mga Amerikano.
Panahon ng mga Hapones (1941–1945)
Sa maikling panahon ng pananakop ng
mga Hapones sa Pilipinas, dulot ng naganap na
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may dalawang
magkatunggaling pananaw ang lumitaw kaugnay
sa pangangasiwa ng kabuhayan sa bansa. Una,
pinaigting ng mga Hapones ang pagiging
makabayan ng mga Pilipino. Ang lahat ng may
kinalaman sa Amerikano ay inalis at pinatindi
ang pagtangkilik sa mga produktong lokal ng
mga Pilipino. Pangalawa, higit na pinagtuunan ng
panahon ng mga Hapones ang paggawa ng mga
armas para sa kanilang pakikidigma, sa halip na
isipin ang pagpapalaki ng produksyon ng pagkain.
Panahon ng Paglaya (1946–kasalukuyan)
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, tuluyang nahumaling ang mga Pilipino
sa mga produktong gawa sa America. Higit na
tinangkilik ang mga produktong stateside kaysa sa
mga lokal na produkto. Noong 1953, dumanas ang
Pilipinas ng malaking kakulangan sa balanse ng
mga bayarin. Ang kakulangang ito ay kailangang
mapunan upang makabawi sa kalagayang
pangkabuhayan ng bansa. Kaya ang pamahalaan ay
nanghiram ng salapi sa pandaigdigang institusyong
pinansyal tulad ng International Monetary Fund
(IMF) ng halagang $10 milyon. Ang pagkakautang
na ito ay isinailalim sa programang Structural
Adjustment Program (SAP). Sa pamamagitan ng SAP,
may mga kondisyon ang IMF na dapat sundin ng
pamahalaang Pilipinas upang maipagpatuloy ang
pangungutang nito.
Mula sa pangasiwaan ni
Manuel Roxas hanggang sa
kasalukuyang pamahalaan, sinisikap
nilang maiangat ang kalagayang
pangkabuhayan ng bansa sa
pamamagitan ng mga programang
pangkabuhayan lalo na sa larangan
ng repormang agraryo. Ninais din
ng ilang nagdaang pamahalaan ng
Pilipinas na gawing industriyalisado
ang bansa, subalit may kakapusan at
kakulangan sa mga kinakailangang
teknolohiya at pondong gugugulin
para maisakatuparan ito. Nakikinig ang mga mamamayan habang nagtatalumpati si Jose Laurel sa isang pagtitipon noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
34 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito
1. Ilarawan ang kalagayang pang-ekonomiya o pangkabuhayan ng mga Pilipino batay sa mga sumusunod
na panahon:
a. Sinaunang Lipunan
b. Panahon ng Pananakop
c. Panahon ng Paglaya
2. Paano naaapektuhan ang kalagayang pisikal ng bansa sa uri ng kabuhayang lumitaw sa bawat
panahon?
3. Anong programang pangkabuhayan ang isinusulong ng lahat ng naging pangulo ng Pilipinas? Bakit
hindi ito ganap na maisakatuparan?
1. Gumawa ng matrix tulad ng sa ibaba na naglalaman ng mga sumusunod na batayan:
BatayanSinaunang Lipunan
Panahon ng mga
Espanyol
Panahon ng mga
Amerikano
Panahon ng mga
Hapones
Panahon ng Paglaya
a. Kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa paglipas ng panahon
b. Mga positibo o mahalagang ambag sa ekonomiya
c. Mga negatibong patakarang nagpabagal sa ekonomiya ng bansa
d. Prediksyon sa hinaharap
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 35
Amerikanisasyon at Haponisasyon sa Pilipinas: Reloaded
Marahil batid mo na ang karamihan sa mga restawran at iba pang tindahan sa mga mall
o iba pang establisyimento sa ating bansa ay mga pag-aari ng mga dayuhang kumpanya na
nakabase sa mga bansang tulad ng America at Japan. Kabilang dito ang McDonalds, Coca-