Top Banner
Polytechnic University of the Philippines College of Communication Department of Broadcast Communication Sta. Mesa, Manila FILI 1033 RETORIKA CHERRY MAE P. GONZALES KIMBERLY JANE L. MANLAPAZ AYRA C. ALARCON SI INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO
23
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: INTOY SYOKOY

Polytechnic University of the PhilippinesCollege of Communication

Department of Broadcast CommunicationSta. Mesa, Manila

FILI 1033 RETORIKA

CHERRY MAE P. GONZALES

KIMBERLY JANE L. MANLAPAZ

AYRA C. ALARCON

ONIEL S. DE LEON

PATRICK ROBERT VELASCO

SI INTOY SYOKOY NG

KALYE MARINO

Page 2: INTOY SYOKOY

PAGSUSURI SA ISANG MAIKLING KWENTO

I. PAMAGAT:

“Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino”

KAHULUGAN NG PAMAGAT:

Sa pamagat ng kwento mahihinuha na ang istorya ay tungkol kay Intoy na

nakatira sa Kalye Marino. Si Intoyang pinakabihasa sa lahat ng magtatahong

sa kanilang lugar. Kaya “Syokoy” ang tinatawag ng mga tao sa kaniya ay

dahil para nga raw itong isang syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat.

Parang may hasang ito na tulad ng isang isda. Ang Kalye Marino naman ay

hindi na Kalyeng Marino kung wala ang mga magtatahong na tulad ni Intoy.

Sinasabi ng matatanda na tinawag ang lugar na iyon na Kalye Marino

simulang gawing Bae Militar ng mga Amerikano ang dulo ng kanilang lugar.

Marines o marino ang kadalasang sundalong dinadala roon.

MAY-AKDA:

Eros S. Atalia

(2006, First Prize Don Carlos

Palanca Memorial Awards for

Literature)

TALAMBUHAY NG MANUNULAT:

Page 3: INTOY SYOKOY

Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa

kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng

Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996.

Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa

Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa

Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The

Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-

1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng

Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di

Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon

ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na

may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang

Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng

Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at

naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na

monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in

Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at

nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo

Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing

and Studies. Nagwagi din siya ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca

Memorial Awards for Literature noong 2006 sa maikling kwento na ‘Si Intoy

Syokoy ng Kalye Marino’.

(PINAGKUNAN:http://www.goodreads.com/author/show/3337068.

Eros_S_Atalia)

IBA PANG IMPORMASYON SA MAIKLING KWENTO:

Page 4: INTOY SYOKOY

Ang kwentong ito na gawa ni Eros S.

Atalia ay isa nang pelikula at isang kalahok

sa New Breed Full Length Feature Category

2012 CINEMALAYA INDEPENDENT FILM

FESTIVAL AND COMPETITION. Ang pelikula

ay pinagbibidahan ni JM De Guzman

kasama na sina LJ Reyes at Joross

Gamboa. Ito ay mula sa direksyon ni

Lemuel C. Lorca.

II. BUOD NG KWENTO:

Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong sa Kalye Marino sa

lungsod ng Cavite. Tinatawag siyang “Intoy Syokoy” ng mga tao dahil para

nga raw itong isang syokoy na nakakataglal sa Ilalim ng dagat na parang

may hasang ito tulad sa isda. At kahit bagong ligo pa siya ng tabang na tubig

, huwag lang pagpawisan ng kaunti ay amoy dagat agad siya.

Pinaglilingkuran niya ang kaniyang amo na si Mang Amor.

Isang araw ay tinamaan ng mga alig ang mga tahungan ng mga tao

sa kanilang lugar. Bilang magaling na manininisid at bihasang magtatahong,

si Intoy ang inaasahan ng mga taong maglilinis at magsasalba sa kanilang

tanging kabuhayan mula sa pesteng alig na dumadalas na ang dalaw bitong

mga nakaraang taon.

Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak bukas

at hanggat sa mga susunod na araw ay maraming may tahungang

magpapalinis sa kaniya. Kikita siya ng malaki. Ngunit malungkot siya, dahil

Page 5: INTOY SYOKOY

bukas o sa mga susunod na araw pa siya kikita…ngayon niya kailangan ng

pera! At ngayon sana niya aanihin ang sarili niyang tanim na tahong na

pasikreto niyang ginawa. Matatapos nasana ang kaniyang paghihintay at

magkakaayosnasana sila ni Doray. Kursunada ni Intoy si Doray kahit noong

mga bata pa lamang sila kahit alam niya at ng buong Kalye Marino ang

trabahong paglalako ng ‘tilapya’ o katawan ni Doray sa mga parukyano at

maging sa mga mangingisda. Nagustuhan niya ito dahil mabait si Doray sa

kaniya dahil maliban kay Berto ay ito lang ang nagtitiyagang makinig sa

kaniyang mga kwento at pantasya.

Kaya siya namomroblema ngayon kung saan kukuha ng pera ay dahil may

usapan sila ni Doray. Gusto niyang dalihin ang ‘tilapya’ ni Doray. Hindi niya

alam kung gusto ba niyang mahalin o anuhin lang ang babae. O baka naman

mahalin at aanuhin din pagkatapos. Isang gabi ay nakita niya si Doray na

nilalako ang kaniyang ‘tilapya’ sa mga parukyano. Gustong sumabay ni

Doray sa kaniyang pag-uwi at pinagbigyan naman niya ito.

Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay nasabi na ni Berto dito ang

tungkol sa kaniyang balak kay Doray. Hindi niya alam kung matutuwa siya o

magagalit sa kaibigang washer. Hindi rin niya alam kung nakikipag-syota na

ba sa kaniya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang siya ng ‘tilapiya’

nito.Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang sabihin ni Doray na

pupuntahan siya nito sa bahay niya. Marami sana siyang balak. Bibili sana

siya ng makakain at aayusin ang sarili upang sa ganoon ay hindi nakakahiya

kay Doray. Ngunit ngayon ay pinatay nag mga alig ang sagot sa mahabang

pag-hihintay na iyon ni Intoy. Wala siyang pera. Wala siyang ibabayad kay

Doray. Ngunit paano kung gusto pala siya ng babae at hindi ito

nagpapabayad?

Gabi, salamat sa paunang bayad na isangdaang piso sa kaniya ng amo,

nakabili siya ng pandesal at mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hindi

pa siya naliligo dahil sa mag-hapon na paglilinis sa tahungan. Nakaupo siya

Page 6: INTOY SYOKOY

at makikita ang mahapding sugat sa kamay. Naramdaman niya bigla ang

langitngit ng tulay na kawayan. Nakita ni Intoy si Doray na iniluwa ng dilim

na bagong paligo. Naikwento niya dito ang nangyari sa tahungan at ang

pesteng mga alig. Nagulat na lamang siya at hinawakan ni Dorayang

kaniyang kamay at sinuri ang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya

paloob sa bahay.

III. PAGSUSURI

A. ISTILO NG PAGLALAHAD

Sa istoryang “Intoy Syokoy ng Kalye Marino” ni Eros Atalia, naging

malinaw naman ang paglalahad ng kwento at naging maayos ang

pagkakalarawan sa mga transisyon ng mga pangyayari. Gumamit ang

manunulat ng ilang salitang bernakular sa mga taong nabibilang sa

mababang uri ng lipunan. Ipinahayag niya ang mga karaniwang eksena sa

Kalye Marino, bilang isang lugar na pinaninirahan ng mga karaniwang taong

may iba’t-ibang persepsyon sa buhay, pag-uugali, pangarap at iba’t-ibang

estilo at pamamaraan para malampasan ang kalam ng sikmura.

Ang ideyang lumitaw sa istoryang ito ay pinanghugutan mismo mula sa

karanasan ng ng manunulat na si Eros Atalia dahil siya mismo ay nagmula sa

Kalye Marino. Masasabing naging mapangahasang istoryang ito sa paggamit

ng mga salitang hindi angkop at katanggap-tanggap para sa ibang tao lalo

na kung isasapubliko. Ganun pa man, ang mga salitang ito gaya ng mga

direktang pagmumura at mga terminong sensitibo ay isa sa naging daan

para maipahayag at maipakita sa mga mambabasa ang mundiong iniikutan

ng istorya.

Page 7: INTOY SYOKOY

Inilarawan rin ng manunulat ng maayos ang mga pisikal na anyo ng paligid

ng bawat eksena sa kwento. Naktulong rin para sa komprehensyon ng mga

mambabasa ang detalyadong paglalarawan niya sa mga tauhan.

B. TAYUTAY NA GINAMIT

Si Intoy ay parang isang buhay na posteng kongkreto. (SIMILE O

PAGTUTULAD)

o Dito pinaghambing si Intoy sa isang posteng konkreto. Ginamit

ang salitang ‘parang’ upang paghambingin ang ang tao sa isang

bagay. Dito sinasabi na ang katawan ni Intoy ay parang isang

bato.

Kitang kita na animo’y natapong hugas-bigas sa dagat. (SIMILE O

PAGTUTULAD)

o Dito pinaghambing ang tubig sa dagat na tila ay hugas-bigas.

Ang tubig ay malabo o hindi malinaw. Tulad ng isang tubig na

pinanlilinis sa bigas, nagiging malabo ito at kulay puti

pagkatapos. Ginamit ang salitang ‘animo’y’ upang paghambingin

ang dalawang bagay.

Kulay kalawang ang buhok. (METAPHOR O PAGWAWANGIS)

o Dito tiyakang pinaghambing ang kulay ng buhok ni Intoy sa

kalawang. Hindi ginagamit ang mga salitang pariralang

ginagamit sa pagtutulad.

Page 8: INTOY SYOKOY

Si Doray Langaw ay laging nakadapo sa tumpukan ng mga tao.

(PATALINGHAGA)

o Pinayahag ito na hindi tumutukoy sa literal na kahulugan ng

salita. Ang ibig ipagkahulugan ay si Doray ay palakaibigan at

maraming kakilala saan man siya pumunta.

C. SARILING REAKSYON

1. PANSIN AT PUNA

a. TAUHAN

Intoy - siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Sa aming

palagay, si Intoy ay imahe ng isang binatang puno ng pangarap,

handang harapin ang anumang hirap at may malasakit sa kapwa. Ang

kanyang pisikal na kaanyuan ay sumasalamin lamang sa matitinding

hirap na naranasan niya sa pagtatrabaho sa Kalye Marino. Batid

rinnaming ang kanyang tapat na pagmamahal sa kababatang si Doray.

Doray - si Doray ay isang babaeng representasyon lamang ng milyun-

milyong kababaihan sa Pilipinas na handang ikalakal ang dangal at puri

para lamang malamnan ang kumakalam na sikmura at may

maipangtustos sa pamilya. Hindi namin siya masisisi dahil sa

kinalakihan niyang lugar, tila katanggap-tanggap na propesyona ng

pagbebenta ng laman. At isa pa, lumaki si Doray na walang magulang

kaya’t hindi rin kataka-takang ito ang kanyang sinapit na trabaho.

Mang Amor – siya ang amo ni Intoy. Sa aming pananaw siya ang uri

ng taong nagpapahalaga ng husto sa kanyang pinagkakakitaan.

Page 9: INTOY SYOKOY

Ipinahihiwatig rin ng deskripsyon sa kanyang kaanyuan, kilos at galaw

na tulad ni Intoy at Doray ay laki siya sa hirap.

Bertong Baka – siya ang kaibigan ni Intoy. Sa kanyang estilo ng

pananalita at mga impormasyong lumalabas mula sa kanya,kitang-kita

ang kawalan niya ng pinag-aralan. At dahil sa mga kwento niya ukol sa

pandadali niya sa iba’t-ibang babae sa kanilang lugar, nabatid naming

siya ang uri ng lalaking hindi rumirespeto sa kababaihan at tinitingnan

lang ang mga ito bilang parausan. Sa tingin naming ay naging

masamang impluwensya siya kay intoy.

Iba pang kaibigan: Yeyeng/Boyet- tulad ng mga naunang tauhan, di

maikakailang sila ay lumaking hindi rin nakapag-aral at kulang sa

gabay ng magulang.

b. GALAW NG PANGYAYARI

Bilang mambabasa, malinaw naman naming naunawaan ang galaw ng mga

pangyayari. Medyo nakulangan lang dahil tila kulang ng ilang elemento ang

istorya tulad ng rising action at climax. Parang naging bitin din ang istorya sa

bandang huli. Ganun pa man, nagtagumpay ang manunulat na iparamdam

at ipakita sa mga mambabasa ang aktuwal na buhay sa Kalye Marino.

IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

a. KALAGAYANG SOSYAL NG TAUHAN

Page 10: INTOY SYOKOY

Naipakita sa akdang ito kung paano nakakaapekto ang estado ng buhay sa

nagiging karakter ng isang tao. Katulad na lamang ng mga gawaing patuloy

na ginagawa ng mga tauhan sa kwentong ito na sa kung tutuusin ay normal

na rin na gawain ng ating kapwa mamamayan na hikahos sa buhay.

Mapapansin rin na sa paraan ng panananalita ng ng isang tao mahihinuha

kung ano ang kalagayan nito sa buhay.Nasasalamin ng mga tauhan ang

paraan ng pagsasalita : pabalbal man o minsan ay maseselan na pananalita ,

mga pag-uugali at mga gawain ng mga taong walang pinag-aralan at mga

taong hikahos sa buhay.

Sa kwentong nabasa, mahirap lamang si Intoy at ang iba pang mga tauhan

sa Kalye Marino. Dahil sa kawalan ng trabaho at iba pang oportunidad na

kumita ng malaki, ang iba nga ay ‘kumakapit na sa patalim’ gaya ng

pagbebenta ng katawan upang makaraos lamang. Dito masasalamin ang

totoong nangyayari sa lipunan. Ang kalye Marino sa kwento ay isang

simbolismo ng ating bansa. Ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang

representasyon sa ating lipunan. Ngunit iisa lang ang nagtutulak sa mga ito

upang mamuhay ng ganoon. At ito ay ang matinding kahirapan.Ang bagay

na ito’y madarama mo sa tahanan ng bawat ordinaryong Juan dela Cruz

kung saan karamiha’y nagsisikap itawid ng gutom ang pamilya, na wag

sasala sa pagkain ng tatlong beses isang araw. Ito’y makikita mo sa bilang

ng mga bata na nasa lansangan at ito’y mapapansin mo sa dumaraming

squatters at side-walk vendors gaya ng Kalye Marino.

b. KULTURANG PILIPINO

Base sa mismong depinisyon ng salitang kultura na tumatalakay s : wika ,

kaugalian at kasuotan ng isang tao malalaman natin na ang akdang ito ay

nagpapakita at naglalahad ng iilang kulturang Pilipino.

Page 11: INTOY SYOKOY

Makikita rito ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na Pakikisama sa

kapwa. Ito ay pakiki-ayon o pakikibagay sa mga kasamahan. Maganda ang

pakikisama dahil nagdudulot ito ng magandang samahan at

pagkakaisa.Isang halimbawa nito ay nang humingi ng tulong ang mga ibang

magtatahong kay Intoy na linisin din ang kanilang lugar, agad na sumang-

ayon si Intoy kahit na hindi pa siya tapos sa pinapagawa ng kaniyang amo.

Ito ay upang ipakita sa mga tao na mahusay siyang makisama at makibagay.

Naipamalas rin ni Into yang kaugalian ng pagiging isang

Matulungin ng isang Pilipino. Nagagawa rin niyang tumulong sa mga taong

nasa paligid niya at maging kay Doray.

Dahil na rin sa kalgayan niya sa buhay, naipakita ng bidang si

Intoyang pagiging Masipag at Matiyagana likas at kilala na sa ating mga

Pilipino. Halimbawa lamang nito ay ang pagtatayo ni Intoy ng kaniyang

sariling baklad o lugar para sa mga tahong upang kahit papaano ay

magkaroon siy ng kita. Pinakita rin niya ang pagiging Maparaan kung saan

sa mga pira-pirasong bagay na maaring mapakinabangan niya ay kunuha at

ginamit niya para sa kaniyang tinatayong baklad.

Ngunit mayroon namang mga nakaugalian nang kultura ng mga

Pilipino na nilabag ng mga tauhan sa kwento. Isa na rito ang Amor Propioo

pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. Ang ibang tauhan

sakwento, lalo na si Doray ay isinugal na pati ang kaniyang katawan upang

kumita lamang ng pera. Isang halimbawa ito ng hindi pagpapahalaga sa

dignidad ng isang tao.

c. PILOSOPIYANG PILIPINO

Page 12: INTOY SYOKOY

Para sa aming palagay, may mga parte sa istoryang ito ang nagpapakita ng

isang pilosopiyang pilipino. Alam naman natin na umiikot ang istoryang ito

tungkol sa kahirapan ng buhay. Nagpamalas naman ang mga tauhan ng

ilang kaisipan na kadalasa’y ginagawa ng mga Pilipino sa realidad ng buhay.

Minsan iniisip lang natin na magawa ang isang bagay kahit na hindi natin

alam ang maaaring maging resulta nito. Hindi muna natin inaalam ang mga

susunod na bagay na mangyayari pagkatapos ng aksyon na gagawin natin.

Narito pa ang ilang mga pilosopiyang nakita sa kwento:

o Ang karahasan ng buhay ay depende kung sino ang mandarahas

at dinarahas.

o Ngitian ang mga bagay na hindi malunasan.

o Ang buhay ay hindi simpleng pagtugon lang sa kalam ng

sikmura.

o Lahat ng tao ay pwedeng mangarap. Wag tumigil mangarap. At

isabuhay ang pangarap.

o Ang pangarap ng isang pinakasimpleng tao ay singhalaga rin ng

pangarap ng pinakamakakapangyarihan sa mundo.

o Ang buhay ng pinakapayak na tao ay katumbas ng buhay ng

pinakamayayaman sa lipunan.

d. SIMBOLISMONG PILIPINO

Maraming simbolo ng pagka-Pilipino ang nakita ko sa pagbabasa ng akdang

ito. Ang Kalye Marino ay sinisimbolo ang ating bansa na dumadaan sa

matinding kahirapan. Kahirapan na patuloy na lumalala magpasahanggang

ngayon. Ang Kalye Marino ay isang lugar kung saan matatagpuan ang

totoong pinagdadaanan ng karamihan sa atin. Dahil nga sa hirap ng buhay

na nararanasan ng karamihan sa ating bansa likas na sa atin ang pagiging

Page 13: INTOY SYOKOY

masipag at pagiging matiyaga. Tulad na lamang ng pangunahing tauhan sa

kwentong ito na si Intoy - dahil siya ay isang binatang may pangarap sa

buhay nagsisikap siya sa pagtatrabaho magkaroon lamang ng panlaman sa

tiyan.

Ang mga pesteng alig naman ay sumisimbolo sa mga taong

sumisira sa pangarap ng ibang makahaon sa kinasasadkalakan. Ang mga

alig rin na ito ang nagbibigay ng ‘false hope’ sa mga tao. Ito rin ang mga

makapangyarihan sa lipunan na walang habas kung abusuhin ang kanilang

kapangyarihan sa mga walang kalaban-laban.

Isa rin sa simbolismong Pilipino na nakita namin sa akdang ito ay ang mga

karakter ng mga babaeng tauhan. Alam naming hindi na bago sa atin ang

mga usapin na tungkol sa prostitusyon , pag-bubugaw o kung anuman ang

tawag sa pagbebenta ng puri at dangal. Naipapakita kasi sa akdang ito na

dahil sa hirap ng buhay naisasakripisyo ng mga kababaihan ang kanilang

pinagkaka-ingatan para lang makaahon sila sa hirap.

V. PANITIKANG PAGTATALAKAY

A. PANLIPUNAN

Iba’t ibang uri ng tao ang bumubuo sa lipunang ating ginagalawan.

Ipinapakita ng akdang ito ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa

ating lipunan. Sa pagkakaiba-iba ng lebel ng tao, iba-iba rin ang kanilang

pangangailangan upang mabuhay sa lipunang kanilang kinabibilangan.

Page 14: INTOY SYOKOY

Sa isang lipunan, mayroon at mayroong makapangyarihan na gagamitin ang

kanyang kapangyarihan na kung tawagin ay power, upang kontrolin ang mga

hindi nabiyayaan ng kapangyarihan. Matagumpay na naisalamin ng akdang

ito ang sistema ng politika sa ating bansa. Ang sistema na may konsepto ng

pagiging mataas at mababa sa lipunan.

B. PANG-MORAL

“Ang taong gipit, sa patalim kumakapit”

Isang sikat na kasabihan na akmang-akma sa akda. Nangangahulugang sa

oras ng kagipitan, napipilitan tayong gumawa ng kamalian. Problema,

pinansiyal man o personal, ang nagtutulak sa isang indibidwal upang

gumawa ng mga hindi inaasahang bagay.

Ipinapakita ng akdang ito ang pagsasawalang bahala ng mga tao sa kanilang

moralidad at dignidad sa buhay, mapakain lang ang kanilang kumakalam na

mga sikmura at mapunan lang ang kanilang damdamin.

C. PANG-ARKETIPO

Gamit ang trabahong pagtatahong, naging epektibo ang akda sa mga

mambabasa. Sa tulong nito nagawa ng akdang bulabugin ang isipan ng mga

mambabasa. Kagaya ng ibang kabuhayan tulad ng pagsasaka na ang

kalaban ay peste, gayun din ang pagtatahong na ang kalaban ay alig.

Isinalamin ng alig ang mga makapangyarihan sa lipunan na walang habas

kung abusuhin ang kanilang kapangyarihan sa mga walang kalaban-laban sa

Page 15: INTOY SYOKOY

kanila katulad ng tahong na nakatali lamang at walang nagawa ng daanan

ng alig.

D. PANG-SOSYOLOHIKAL AT PANG SIKOLOHIKAL

Kung ang pag-uusapan ay aspetong sosyolohikal, hindi nagkulang ang

akdang ito. Kitang-kita sa akda ang pagiging liberal ng may-akda sa nakikita

niyang mali sa lipunan. Kahirapan ang puno’t dulo ng maikling kwentong ito.

Ito ang unti-unting pumapatay sa mumunting buhay ng mga nasa

masalimuot na lipunan. Sakit ng lipunan na tila hindi na magagamot pa

kailanman.

Hindi nagbabago ang lugar, ang tao ang nagbabago na nagbabago sa lugar.

Ayon sa sikolohiya, ang lipunang ginagalawan ng tao ang siyang

pangunahing tagahubog ng kaniyang mga kilos at pag-uugali. Ang tagpuan

ng maikling kwentong ito ay sa tabing-dagat kaya’t ang kabuhayan ng mga

tao dito ay galing sa dagat. Tulad ng sinabi sa kwento, ang Kalye Marino ay

hindi na Kalye Marino kung walang magtatahong.

VI. TEORYA O PANANALIG NA PAMPANITIKAN

Teoryang Realismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga

karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.

Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay. Pinaghugutan

mismo mula sa karanasan ng manunulat na si Eros Atalia ang kwento

dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino.Hinubog ng Kalye Marino

ang pagtingin ko sa buhay. Tinulungan siya ng Kalye Marino na makita

ang kagandahan ng buhay sa gitna ng karukhaan. Ito ay nabuo mula

Page 16: INTOY SYOKOY

sa nakasalamuha niyang ilang kagalang-galang na mga indibidwal. Na

bagamat salat sa buhay, puno ng kaalaman. May lalim.

Eksistensyalismo – Masasabing ang isang akda ay nasa Teoryang

Eksistensyalismo kung may layunin ito na maipakita na ang isang tao

ay may kalayaan na pumili at mag-desisyon para sa kanyang sarili.

Katulad sa akdang ito kung saan ipinakita na ang mga tauhan ay may

kalayaang gawin ang nais nilang gawin . Mismong ang sarili nila ang

nagde-desisyon kung anuman ang mga bagay na gagawin nila sa

kanilang buhay.

Sosyolohikal -Masasabing nasa teoryang sosyolohikal ang akdang

ito dahil halos lahat ng pangyayari ay sumasalamin sa kung anong

klase ang lipunang ginagalawan ng tauhan. Ang mga kinikilos at

paraan ng pananalita ng mga tauhan ay dahilan at resulta lamang ng

lugar na kinikilusan nila.

TeoryangMoralistiko- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t

ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang

pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o

ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang

moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.Sa

kwento ay may maikikitangpagsasawalang bahala ng mga tauhan sa

kanilang moralidad at dignidad sa buhay, mapakain lang ang kanilang

kumakalam na mga sikmura at mapunan lang ang kanilang damdamin.

Page 17: INTOY SYOKOY

VII. IMPLIKASYON

KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA

Ang paksa ng akda ay umikot sa kahirapan, prostitusyon, at sa kawalan ng

pag-asa – Ilan lamang sa mga realidad ng buhay na kinakaharap ng lipunan

ngayon.

May mga lugar pa rin hindi lamang sa CAVITE, ngunit maging sa iba pang

parte ng bansa, lalong lalo na sa Maynila ang nakakaranas ng kalagayang

inilahad sa akda. Ito ang takbo ng lipunan noon, ito pa rin ang takbo ng

lipunan ngayon.

Mailap ang pagbabago at pag-unlad dahil patuloy ang pagtangkilik ng mga

tao sa ganitong klase ng pamumuhay, dahil wala silang ibang magagawa

kundi ang gawin lamang ang nakasanayan dahil walang mangyayari kung

aasa lamang sila, aasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Mula sa

mga tao, patungo sa maliliit na komunidad o barangay, lipunan, at buong

bansa. Lahat ay apektado ng kahirapan.

Ang akda, na naglahad ng kasalukuyang realidad ng ating bansa, realidad na

marapat lamang na hindi hayaang magpatuloy pa at manatiling realidad, ay

maaaring magsilbing pambukas isip at kamalayan sa mga tao, lalong lalo na

ang mga nasa posisyon upang gumawa ng paraan nang masolusyonan ang

malawakang problema ng ating bansa pagdating sa kahirapan, prostitusyon

at sa kawalan ng pag-asa.

KALAGAYANG PANSARILI

Page 18: INTOY SYOKOY

Subukan mong ilagay ang sarili sa kwento. Isiping isa ka sa mga karakter sa

kwento at kalimutan muna ang iyong sarili. Kahit saang anggulo ay

napakahirap maging isa sa kanila. Ang klase ng buhay nila na malayo sa

iyong kinagisnan.

Ang akda ay naglalahad at ipinapaalam sa atin ang mundo ng ibang mga

tao sa malalayong kabihasnan. Kung ano pa ang mga bagay na hindi pa

natin nakikita, mga bagay na itinatago ng midya upang mapagtakpan ang

totoong kalagayan ng bansa.

Ito ay magbibigay sa atin ng ideya, kaalaman, at kamlayan tungkol sa mga

bagay na malimit lamang nating marinig sa pang araw araw nna

pamumuhay, hindi dahil hindi sila totoo, ngunit dahil hindi natin alam na

mayroon palang ganoong katotohanan.

Inilalahad rin nito sa bawat mambabasa, ang kaibahan ng buhay na mayroon

sila sa buhay ng mga karakter sa akda.

Maaari rin itong makaapekto sa paniniwala at pagtingin ng isang tao sa mga

bagay na nangyayari sa paligid, na maaaring makadulot ng maganda o

makapagbigay ng masamang impresyon.

Maaaring hayaan lamang natin na ganito ang kalagayan ng lipunan at kung

hindi maagapan, maging kalagayan ng buong bansa sa mga susunod na

taon, ngunit maaari rin naman tayong gumawa ng paraan upang malabanan

ang mapait na realidad ng buhay na ito. Pansamantala lamang ang lahat at

sa sarili natin magsisimula ang pagkilos at pagbabago.

Page 19: INTOY SYOKOY