TINTA 4 TIMAY, MONSANTO, SALAZAR Philippine School Doha Intermediate Department S.Y. 2021-2022 TINTA 4: (Isang Gabay sa Wikang Filipino) Jessie A. Timay, MAFil Kayumanggi L. Monsanto, MEd Enrique H. Salazar, EdD Mga May Akda Isinaayos kasama ni; Portia R. Bechayda, MAEd
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
Philippine School Doha Intermediate Department
S.Y. 2021-2022
TINTA 4:
(Isang Gabay sa Wikang Filipino) Jessie A. Timay, MAFil
Kayumanggi L. Monsanto, MEd
Enrique H. Salazar, EdD
Mga May Akda
Isinaayos kasama ni;
Portia R. Bechayda, MAEd
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
1
ANONG MALALAMAN KO?
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang mga
pangngalan at mga aspeto nito upang magamit mo sa komunikasyong pasulat o
pasalita bilang isang tour-guide. Sa partikular, ikaw ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga pangangalan at dalawang uri at konsepto nito;
2. nakabubuo ka ng larawang kakaikitaan ng mga pangngalan;
3. nabibigyang-halaga ang gamit ng pangngalan upang makabuo ka ng islogan na
nanghihikayat ; at
4. nagagamit mo bilang isang tour-guide ang mga pangngalan sa pagbuo ng mapa ng
iyong makasaysayang travelogue .
Ang lahat ng mga ito ay nakatutulong nang malaki sa iyo upang maging mahusay
kang mananalita sa iyong pipiling propesyon sa kinabukasan.
IKALAWANG MARKAHAN
MODYUL 1: PANGNGALAN Unang Paksa: Pangngalan( Uri ayon sa katangian, Uri
ayon sa Konsepto,Kasarian ng Pangngalan)
(240 minuto)
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
2
ANONG NALALAMAN KO?
Subukan Mo!
A: Panuto: Suriin at piliin ang titik/letra ng mga pangngalan sa mga sumusunod na
salita. Isulat ang letra ng iyong sagot sa iyong Filipino notbuk.
1. a. ate c. sumigaw
b. matulin d. sila
2. a. mataas c. ibon
b. mahimbing d. si
3. a. alin c. mahaba
b. cabinet d. tumula
4. a. lumipas c. bangka
b. kukunin d. marami
5. a. nagtayo c. kapatid
b. ito d. puntahan
B. Panuto: Tukuyin kung pantangi o pambalana ang mga salita. Kopyahin
at isulat ang PT=pantangi at PB=pambalana sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Toyota _____4. Tonyo
_____ 2. mantika _____5. pagkain
_____ 3. paaralan
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
3
ANO ITO?
Pagganyak:
Ang mga tao lalo kapag bakasyon ay mahilig pumunta sa
magagandang lugar sa iba’t ibang panig ng mundo. Bago tayo magsimula
ay iyo munang panoorin ang bidyong ito
(https://www.youtube.com/watch?v=0rNr_qnoPQ4). Habang
pinapanood mo ay iyong gamitin ang iyong lapis at papel. Iyong ilista ang
mga nakikita sa iyong napapanood.
Pagtalakay:
Iyong basahin kung anu-ano ang nasulat sa iyong papel. Sa tingin mo
ba ay magugustuhan mo ang mga lugar na iyan kung ikaw ay mamasyal?
Sino ang iyong isasama kung sakaling mamasyal ka sa mga lugar na
iyan? Bakit sa tingin mo ay maganda ring mamasyal sa mga iba’t ibang
lugar sa mundo? Tama ka sa iyong kasagutan, minsan ay kailangan din nating
magrelaks sa kabila ng mga kaganapan sa ating buhay habang nililibot at
pinapahalagahan ang mga tanawin na ito.
Sa kabilang banda, ating balikan ang iyong mga inilistang mga salita.
Anong tawag sa karamihan ng iyong sinulat? Suriin mong maigi. Tama ka!
Ito ay mga pantawag sa karamihan sa iyong mga nakikita. Ano ang tawag sa