1. Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 3 Pagbabahagi sa Kahalagahan ng Pag-aaral at Pagsusulat ng Sistematiko kaugnay ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna 7 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
16
Embed
Ikaapat na Markahan Modyul 3 Pagbabahagi sa Kahalagahan ng ...
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1.
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Pagbabahagi sa Kahalagahan ng Pag-aaral at
Pagsusulat ng Sistematiko kaugnay ng
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
7
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Roselyn M. Duloguin
Alma Mei I. Villaganas
Editor: Archie Mae P.Collamat
Juluis A. Enguito
Tagasuri: Naser M. Dacula
Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS – LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD
EPS – Filipino
3
Alamin
Magandang umaga kaibigan! Maligayang pagdating sa bahagi ng modyul na ito. Ako
ay nagagalak na makasama ka para lakbayin natin ang nilalaman ng modyul na ito
at binabati kita na maayos mong natapos ang unang dalawang bahagi ng ikaapat na
quarter.
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra mestra sa Panitikang Pilipino.
Naisusulat ang sariling tula sa anyong korido na nagtatalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang pagbahagi sa kahalagahan ng pag-aaral at
pagsulat ng sistematiko kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-
aaral ng Ibong Adarna. F7PSIVa-b-18 ;
• Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na
impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna . F7PU-IVa-b-1
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Kaya’t hali na kaibigan, kung handa ka na, simulan na natin ang paglalakbay
upang mas malinang ang iyong kaalaman at mas mapaunlad ang iyong kakayahan
sa aralin na ito. Simulan mo na!
4
Balikan Panuto: Ibigay ang kahulugan ng korido.Isulat sa mga kahon ang salitang may
kaugnayan nito.
SSSSSSSSSSSSSSSS
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Anong katangian ng korido ang nagsasaad sa kahalagahan sa pag-aaral
nito?
2. Aling panahon ng kasaysayan lumaganap ang korido? 3. Anong uri ng panitikan napabilang ang korido?
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga korido? 5. Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng mga korido?
Tuklasin
A. Isulat ang salitang tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng
kahalagahan sa pag-aaral ng Ibong Adarna at isulat ang salitang
mali kung hindi.
____ 1. Pagpakita sa pinagmulan sa isang lugar.
_____2. Ang mga mensahe ay maaring gabay sa makabagong panahon
korido
3
Aralin
5
_____3. Kapulutan ng aral sa buhay. _____4. Nagpapabatid sa mabuti at makatarungang pamumuno
_____5. Nagsasaad ng pagiging politiko.
B. Lagyan ng tsek(√) ang kahon kung ang pahayag ay nagsasaad ng impormasyon sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna,
at eks(x) naman kung hindi.
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaring hinango sa kwentong-
bayan sa mga bnsang Europa.
Lumaganap ito sa panahon ng mga Hapon.
Sa mga koridong nilimbag sa Pilipinas ang Ibong Adarna ang higit na kilala sapagkat ang sipi ay naipagbili sa perya at isinasagawa tuwing
kapistahan ng bayan-bayan.
Naiugnay sa relihiyon at pananampalataya ang paksa ng Ibong Adarna.
Naiuugnay ito sa paghihimagsik ng mga Pilipino sa panahong
lumaganap ito.
Suriin
Sa bahaging ito , mababasa mo ang iilang impormasyon sa Kaligirang kasaysayan
ng ibong Adarna at kahalagahang naidudulot sa pagbabasa at pag-aaral nito.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Ayon sa Kay Pura Santillan- Castrence (1940) ang kasaysayan ng Ibong Adarna
ay maaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba’t ibang bansa sa Europa, tulad
ng Alemanya, Denmark, Romania, Australia, Finland, Indonesia at iba pa.
Kung uugatin ang kasaysayan ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong
panahong Middle Ages. Tinatayang noong 1610 mula sa bansang Mexico , ito ay nakarating sa Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol upang
mahimok ang mga katutubong yakapin ang relihiyong katolisismo. Masasalamin sa
akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na
pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa mga
nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob,mataas napagpapahalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan,pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa
mga pagsubok ng buhay, at marami pang iba. Ang akdang ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay
nagdulot din noon ng kasiyahan o kaaliwan sa kanila.
Sa katunayan, ang akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas
o (escapist) sa pagkat ang mga Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit noon dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay
6
pansamantalang nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito at mailagay ang
kanilang sarili sa pakikipagsapalaran sa ni Don Juan na siyang pangunahing
tauhan sa akda.
Kahalagahan:
Umiinog ang kwento ng akdang Ibong Adarna mula sa pagkahimbing ng tulog ng Haring Fernanado nang napanaginipan niyang may masamang mangyayari sa
kanyang bunsong anak na si Don Juan. Simula noon naging matamlay na ang hari
at nawalan ng sigla hanggang siya ay tuluyang nagapo ng isang matinding karamdaman.
Walang manggagamot at uri ng gamot ang maaring maging lunas sa sakit ng hari kundi ang awit ng isang makapangyarihang ibon na matatappuan sa puno
ng Piedras Platas sa bundok ng Tabor. Dahi dito nasusubok ang kakayahan ng tatlong prinsipe na makuha ang ibon upang magamot at mapagaling ang amang
hari.
Unang sumubok ang nakatatandang anak na si Don Pedro subalit nabigo
siya at naging bato. Sumunod naman si Don Diego nabigo rin at naging bato. Sunod ang bunsong anak na si Don Juan, pero bago ito umalis humingi ito ng basbas ng
amang hari bilang sandata sa kanyang paglalakbay. Naibalik niya sa pagiging tao ang dalawang kapatid at matagumpay na nahuli ang Ibong Adarna dahil na rin sa
payo ng isang ermitanyo. Subalit pinagtaksilan ito ng kanyang mga kapatid, pinahirapan at muntik nang mamatay. Talagang ang katotohanan ay di
mananatiling makatago kailan man. Ibinunyag ng Ibong Adarna ang katotohanan sa
pamamagitan ng napakagandang awit nito. Gumaling ang hari at pinarusahan ang dalawang magkapatid.
Ang patuloy na pagbabasa at pag-aaral sa koridong Ibong Adarna ay
nakakatutulong sa pag-unlad ng sariling pananaw sa buhay, nakapagpapatibay sa relasyon ng pamilya dahil ang mensaheng hatid nito ay kapulutan ng aral sa buhay
, nakatutulong sa iyo habang kayo’y tumatanda kung nakakasalubong ng mga iba’t ibang karanasan, masasalamin dito ang kultura at tradisyon at pananampalataya ,
maging gabay ng mga kabataan sa makabagong panahon, nakatutulong sa mabuti
at makatarungang pamumuno pati ang pagsasabuhay sa kasaysayan. Bilang isang mag-aaral tulad mo nakatutulong ito sa pagpapatibay ng sariling paninindigan, at
makapupukaw ng konsensiya sa pagkikilala sa kung ano ang tama at mali ,mabuti o masama.
Pagsulat - Ito ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit
na mapagsasalin ng mga nabuong salita,simbolo at ilustrasyon ng isang
tao. ( Bernales,et al.,2001) - Isang komprehensib na kakayaahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang elemento.(Xing at Jin, 1989)
Sistematiko - iisang sistema o paghanay ng mga patakaran, isang pag-aayos ng
mga salita o mga bagay sa loob ng isang pahayag.
7
Pagyamanin
A. Basahin ang mga pahayag na napapaloob sa kahon.Gayahin ang grapiko
sa sagutang papel at isulat ang iyong sariling pagpapahalaga nito sa kabilang kahon.
Pahayag kahalagahan
B. Batay sa iyong nabasang mga iilang impormasyon sa kaligirang
pangkasaysayan, ayusin ang mga sumusunod na impormasyon sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1-3 sa loob ng bilog kung alin
ang una at sunod na mga impormasyong nabanggit.
A.
B.
C.
Pagsunod sa payo ng mga
magulang at nakatatanda.
Pagsasabi ng katotohanan
Ang Ibong Adarna ay maaring
hango sa mga kwentong-bayan sa
iba’t ibang bansa sa Europa tulad
ng Alenamya, Denmark at iba pa.
Tinangkilik ang Ibong Adarna ng
ating mga ninuno sa panahon ng
mga Espanyol.
Masasalamin sa akda ang mga
kaugalian at pagpapahalaga ng
mga Pilipino at ang matibay na
pananampalata sa Poong
Maykapal.
8
Isaisip
Tandaan: Hindi lang umiikot ang mga pagpapahalagang dulot sa pag-
aaral ng akdang Ibong Adarna sa kabuuan, kundi nagdudulot din ito sa pagpapahalaga sa pamilya, sa sarili, sa kapwa at sa pamayanan o sa
bayan.
A. Pagmasdang mabuti ang mga imahe, ilarawan ito, sabihin kung kung saan
umiikot sa pagpapahalagang dulot ng bawat imahe. Isulat sa ulap ang sagot..
Panuto: Magsaliksik ng dagdag na mga impormasyon tungkol sa kaligiran pang kasayan ng Ibong Adarna sa internet, sa mga aklat o ano mang babasahin,
Pagkatapos isulat ito ng patalata. Alalahanin ang wastong pagsasaayos ng mga pangungusap, wastong gramatiko, baybay at bantas. Gamiting gabay ang rubriks
na makikita sa ibaba bilang gabay sa iyong pagsagot sa gawain.