0 ___ Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Ika-apat na Markahan – Modyul 4 Ang Sekswalidad ng Tao Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
16
Embed
Ika-apat na Markahan – Modyul 4 Ang Sekswalidad ng Tao
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
0
___
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Ika-apat na Markahan – Modyul 4 Ang Sekswalidad ng Tao
Zest for Progress
Zeal of Partnership
8
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
1
Sa modyul na ito ay mabibigyan mo ng kahulugan ang mga salitang di-
mauunawaan at maipaliliwanag ang hakbang sa pag-uunawa ng mga bagay na may
kinalaman sa sekswalidad. Inaasahan din na maipamamalas mo ang kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa sa paksa at nasusuri ang ilang napapanahong isyu sa
sekswalidad ayon sa sa tamang pananaw rito.
Dito ay makikilala ang tamang pakahulugan sa sekswalidad, masusuri ang mga
napapanahong isyu batay sa tamang pananaw sa sekwalidad at makabubuo ng mga
paraan upang makaiwas sa mga napapanahong isyu sa sekswalidad.
EsP8IPIVa-13.1, EsP8IPIVa-13.2
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ikaw ay
sumasang-ayon at ekis (x) kung hindi ka naman sumasang-ayon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
_____1. Ang pagiging tapat ay nagsisimula sa sarili.
_____2. Ang pagbibigay-puri kahit hindi totoo ay tama kung makapagbibigay
kasiyahan sa tao.
_____3. Ang pangungupit ay isang uri ng paglabag sa katotohanan.
_____4. Ang lahat ay dapat magsabuhay ng katotohanan upang mapanatili ang
magandang pakikipag-ugnayan.
_____5. Dapat itago ang kasalanang nagawa ng kapatid laban sa ibang tao upang
hindi masira ang dangal ng pamilya.
Modyul 4
Sekswalidad
Alamin
Balikan
2
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel. _____1. Alin ang HINDI napapanahong isyu sa sekswalidad?
A. kawalan ng komunikasyon B. pag-aabusong sekswal C. maagang pagbubuntis
D. pornograpiya
_____2. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, bakit mahalaga ang pagkilala sa iba’t-ibang napapanahong isyu sa sekswalidad?
A. mapaghandaan ang mga ito B. maiwasan ang mga ito C. hindi maging biktima D. lahat ay tama
_____3.
Bilang isang Boy Scout o Girl Scout Leader, ano ang iyong magiging sagot sa pahayag?
A. Sige, wala naman tayong ginagawa at wala ring tao sa paligid. B. Mamaya na, maraming tao sa paligid baka mapagalitan tayo. C. Huwag, hindi maganda ang epekto niyan sa ating pag-iisip. D. Ayoko, kung gusto niyo, kayo na lang.
_____4.
Paano mo siya ma kombinsi na pwede siya na inyong maging kaibigan?
Lapitan ang ibang kaklase na lalaki at ipaalam ito na walang kaibigan ang bagong classmate.
A. Kakausapin ang bagong kaklase at sasabihin na bukas ang grupo mo na pwede siyang maging kaibigan.
B. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin. C. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
Subukin
“Walang magawa, manood nlng tayo ng x-rated na pelikula, may nakuha
ako mula sa internet.”
May bago kang kaklase na lalaki, sa iyong obserbasyon halos tatlong
linggo na nakita mong wala itong kasama. Apat kayong mag kaibigang
puro babae, gusto mo siyang kaibiganin ngunit baka ito ay mailang sa
inyong grupo
3
_____5. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao – lalaki o babae na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
A. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.
B. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao. C. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao. D. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
_____6. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din ang babae
B. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao. C. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao
D. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.
_____7.
Paano mo maipapaliwanag sa iyong kaibigan na ito ay maaring maging
adhikain din ng kahit na sino? A. Ipaliwanag na lahat ay maaring magsabuhay ng pagiging ”Laging Handa.” B. Sasabihin mong itanong muna natin sa Scout Coordinator ng paaralan. C. Hayaan lang ang tanong ng kaklase at huwag itong pansinin. D. Buksan ang laptop at hanapin ang sagot sa internet.
_____8. Ano ang sabi ni Ludwin Molina, sa kanyang Human Sexuality? A. Ang sekswalidad ay mayroong pangunahing gampanin sa buhay ng mga
tao B. Walang mahalagang kaibahan ang tungkulin ng babae at lalaki. C. Ang babae ay higit ang gampanin kay sa lalaki. D. Ang lalaki dapat ang nangunguna.
_____9. Bakit masama ang prostitusyon?
A. Maaaring makakuha ng nakamamatay na sakit. B. Nakapagpababa sa moral ng tao. C. Nakakasira sa kinabikasan. D. Lahat ng nabanggit.
_____10. Ito ay ang pakikipagtalik na hindi pa kasal, kadalasang dahilan ng maagang pagbubuntis ng isang babae.
A. maagang pagbubuntis B. pre-marital sex C. pornograpiya D. droga
Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki.
Naglakad kayo ng iyong kaibigan, Napansin niya ang mural sa padir ng
inyong paaralan na may nakasulat na “BOY SCOUT AKO! “AKO AY
LAGING HANDA” tinanong ka niya kung sa Boy Scout of The Phillipines
lang ba ang adhikaing ito?
4
Panuto: Ano sa palagay mo ang maaaring gawin ng isang kabataaang tulad mo sa
pagpapahayag ng iyong sekswalidad sa katapat na kasarian?
Basahin ang mga pahayag sa ibaba, ang mga ito ay maari mong maranasan
sa iyong pakikipag-ugnayan. Isulat sa sagutang papel ang maaring reaskyon o
gagawin kung nahaharap sa mga sitwasyon nabanggit. Lagyan ng MG kung maaring
gawin, HT kung hindi tiyak ang gagawin at HDG kung hindi dapat gawin. Sa huling
kolum, gumawa ng maikling paliwanag sa napiling sagot.
______1.
Pagpapahawak sa kamay
______2.
Paghalik
______3.
Pagpapaligaw
______4.
Pagdidisco
______5.
Pakikipagdate
Paliwanag ng mga kasagutan:
Tuklasin
5
Ang Sekswalidad ng Tao
Ano nga ba ang sekswalidad? Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Hindi ka magiging ganap na tao maliban sa iyong ganap na pagiging babae o lalaki. Maaari ding sabihing, sa iyong pagkalalaki o pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao. Halimbawa, may kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalaki sa papel na ginagampanan mo sa pamilya at sa lipunan. Sa pamilya, babae lang ang maaaring maging ina, ate, lola, o tiya; at lalaki lang ang puwedeng maging ama, kuya, lolo o tiyo. May mga gampanin din na kakaiba sa lalaki o babae ayon sa dikta o pamantayan ng lipunan o kulturang kinamulatan.
Bagama’t tiyak na natutukoy sa kapanganakan pa lang ang pagiging lalaki o babae ng isang tao, ito’y malaya ring tinatanggap at ginagampanan ng tao ayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang, ang pagpapakalalaki at pagpapakababae ay isang malayang pinili at personal na tungkulin na gagampanan mo sa iyong buong buhay. Ang seksuwalidad na pantao o seksuwalidad ng tao ay ang paraan ng isang tao kung paano siya naaakit sa iba pang mga tao. Ang maaari nilang maramdaman ay maaaring
A. heteroseksuwal (naaakit sa katapat o kasalungat na kasarian), B. homoseksuwal (naaakit sa kaparehong kasarian), o kaya C. biseksuwal (naaakit sa kapwa mga kasarian).
Ito ang kakayahan ng mga tao na magkaroon ng mga karanasan at mga
pagtugong erotiko. Maaari rin itong tumukoy sa paraan ng pagkaakit ng isang tao sa iba pang tao, na bukod sa pagkaakit sa may katulad na kasarian o sa dalawang kasarian, ay maaari ring sa lahat ng mga katauhang pangkasarian (panseksuwalidad), o kaya ay hindi maakit kaninuman sa paraang seksuwal (aseksuwalidad). Ang seksuwalidad ng tao ay nakakaapekto sa pangkalinangan, pampolitika, pambatas, at pampilosopiyang mga aspeto ng buhay. Maaari itong tumukoy sa mga paksa ng moralidad, etika, teolohiya, espirituwalidad, o pananampalataya. Subalit, hindi ito tuwirang nakatali sa kasarian.
Ayon kay Ludwin Molina, sa kanyang Human Sexuality, ang seksuwalidad ay mayroong pangunahing gampanin sa buhay ng mga tao, anuman ang edad, kasarian, o kabansaan ng mga ito. Isa itong mahalagang bahagi ng mga gawain ng tao at ng katauhan o kung sino at ano ang tao na dapat harapin ng lahat ng mga tao. Isa rin itong mahalagang bahagi ng personalidad, namamamalayan man o hindi, ng bawat isang tao. Sabi pa ni Molina, ang seksuwalidad ay kung minsan, bagaman may hangganan o limitasyon, ay isa sa mga bagay na nakapagkokonsumo ng oras ng pag-iisip at ugali ng tao na pinag-iinugan ng bawat tapya ng buhay ng tao, bukod sa pangangailangang kumain at matulog.
Magaling! Binabati kita dahil malapit ka nang matapos sa iyong mga gawain.
Sa puntong ito, nais kong malaman ang iyong kakayahan sa pagkilala sa mga
pagpapahalagang dapat taglayin at pagbuo ng mga paraan upang makaiwas sa mga
banta sa sekswalidad.
Panuto: Sagutin ang gawain sa ibaba. Kopyahin sa sagutang papel at isulat ang mga
sagot sa mga nakalaang kahon. Ang unang bilang ay nagawa na para sa iyo.
Mga isyu sa
sekswalidad
Mga pagpapahalaga o
values na dapat taglayin
upang makaiwas sa mga
banta sa sekswalidad
Mga paraan upang
makaiwas sa mga
banta sa sekswalidad.
Pre-Marital Sex Paggalang Umiwas sa maagang
pakikipagrelasyon
Teen Pregnancy
Pornograpiya
Pang-aabusong
Sekswal
Prostitusyon
Isagawa
12
Rubriks para sa pagtatala ng puntos:
Kraytirya 5 3 1 Iskor
Kaangkupan sa paksa Lahat ng sagot
ay angkop sa
paksa
May 4-3
sagot ang
angkop sa
paksa.
May 1-2
sagot na
angkop
sa paksa
Mga pagpapahalaga o values
na dapat taglayin upang
makaiwas sa mga banta sa
sekswalidad
Nakapagbibigay
ng kompletong
sagot sa lahat
ng aytem
Mayroon
1-2 aytem
ang
walang
sagot
Mayroon
3-4 na
aytem
ang
walang
sagot
Mga paraan upang makaiwas
sa mga
banta sa sekswalidad
Nakapagbibigay
ng kompletong
sagot sa lahat
ng aytem
Mayroon
1-2 aytem
ang
walang
sagot
Mayroon
3-4 na
aytem
ang
walang
sagot
Kabuuang Puntos
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bialng. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.
_____1. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa
A. pang-aabusong sekswal B. pornograpiya C. prostitusyon D. pambubulas
_____2. Bilang isang Girl Scout Leader, ano ang iyong magiging sagot sa pahayag?
A. Sang-ayon ako, marami na tayong kamag-aral na mag nobyo na. B. Oo, dahil tunay na karapatan natin ito bilang nagdadalaga C. Hindi, dahil maaring maging sagabal ito sap ag-aaral D. Depende kung mayroong manligaw.
Tayahin
“Walang problema ang pagnonobyo kahit nag-aaral pa, inspirasyon ito sa
ating pag-aaral”
13
_____3. Ano ang masamang naidudulot ng Pre-Marital Sex?
A. Maaring maging dahilan ng maagang pagbubuntis. B. Nakakapagpapababa ng tiwala sa sarili. C. Walang basbas ng kasal. D. Lahat ng nabanggit
_____4. Bakit masama ang prostitusyon? A. Nakapagpababa sa moral ng tao. B. Maaring makakuha ng nakamamatay na sakit C. Nakakasira sa kinabikasan D. Lahat ng nabanggit
_____5. Ang alin ang HINDI kabilang sa mga paraan upang mapanatili ang seskwal na integridad
A. Tanggihan ang panghihikayat o alok na gawin ang isang sekswal na gawain
B. Linawin sa sarili at sa katapat na kasarian ang iyong mga limitasyo C. Magsuot ng mga hindi kanais-nais damit. D. Ingatan ang iyong kilos at salita.
_____6. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, bakit mahalaga ang pagkilala sa iba’t-ibang napapanahong isyu sa sekswalidad?
A. upang mapaghandaan ang mga ito. B. upang maiwasan ang mga ito. C. upang hind imaging biktima D. lahat ay tama
_____7. Anong pagpapahalaga o values na isinasabuhay ng mga Boy Scout of the Philippines ang nilabag ni Noel?
A. pagkamatulungin B. katapangan C. kahandaan D. katapatan
_____8. Ito ay ang pakikipagtalik na hindi pa kasal, kadalasang dahilan ng maagang pagbubuntis ng isang babae.
A. pre-marital sex B. pornigrapiya C. pambubulas D. droga
Si Noel ay isang Boy Scout troop leader sa inyong paaralan. Alam ng lahat
na si Luisa ay matagal na niyang nililigawan, ngunit isang araw nalaman
mong mayroon siyang ibang nililigawan.
14
_____9. Ano ang pagpapahalaga (values) ang kailangan taglayin ng isang nagbibinata o nagdadalaga upang makaiwas sa mga napapanahong isyu sa sekswalidad?
A. Paggalang sa sarili at kapwa B. Pagmamahal sa sarili lamang C. Paggalang sa kapwa D. Pagsisinungaling
_____10. Ano ang palatandaan na ang isang nagdadalaga o nagbibinata na mayroon maayos na pagkaunawa sa kanyang sekswalidad.
A. May sapat na kaalaman sa mga limitasyon. B. Maingat sa kilos at pananalita. C. Walang pinipiling kaibigan. D. Ang sagot ay a at b.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang titik “T” kung
ang pahayag ay Tama at “M” naman kung ang pahayag ay mali.
____1. Ang Teen Pregnancy ay walang masamang naidudulot sa mga kababaihan
____2. Ang pakikinig sa mga payo at paggabay ng mga magulang ay nakakatulong
upang maiwasan ang mga suliranin sa sekswalidad.
____3. Ang pagkalulong sa pronograpiya ay maaring magtulak sa tao na gumawa
ng pang-aabusong sekswal.
____4. Maraming tao na sa ngayon ang gumagawa nito, kaya walang masamang
naidudulot ang pre-marital sex.
____5. Ang paggalang sa kapwa ay paggalang rin sa kanyang sekswalidad.
Barcelona, Villa Eden C, Dinio, Carmela O., “ Ang Pagsasabuhay II” Rex Printing
Company, INC.2011
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitan, Modyul para sa Mag-aaral, Unang
Edisyon, 2013
Punsalan, Twila G., et al, “Pagpapakatao 8, Rex Printing Company, INC 2013
Mga bumubuo ng modyul para sa mag-aaral Manunulat: EMILY A. GOMERA Francisco Ramos National High School Division of Zamboanga Sibugay Editor: Epimaco M. Paster Jr., LPT, MBA, MPA Kabasalan National High School Division of Zamboanga Sibugay Tagasuri: Edelee C. Salvador Surabay National High School Division of Zamboanga Sibugay Jeffrey S. Libed Taway National High School Division of Zamboanga Sibugay
Mona Lisa M. Babiera, Ed.D. – EPS
Education Program Supervisor Tagapamahala: Evelyn F. Importante OIC- CID Chief EPS Aurelio A. Santisas OIC- Assistant Schools Division Superintendent