-
HEKASI4
ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)DistanceEducationforElementarySchoolsSELFINSTRUCTIONALMATERIALS
ANGPAKIKIPAGUGNAYANNGMGADAYUHANSABANSA
DepartmentofEducationBUREAUOFELEMENTARYEDUCATION2ndFloorBonifacioBuildingDepEdComplex,MeralcoAvenuePasigCity
-
Revised2010bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),
DepEdDivisionofNegrosOccidentalundertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation
inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).
ThiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistributionthroughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupportedbyAusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright
shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. This material was originally
produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of
Education, Republic of the Philippines.
-
1
GRADE IV
ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA
Suriin ang larawan sa itaas. Sinu-sino ang mga unang dayuhang
ito na nakipag-ugnayan sa ating bansa? Nakilala mo na ba sila?
Sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Matututuhan mo ang tungkol sa
mga
sumusunod:
Ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa Ang mga bansa sa
Asya na unang nakipag-ugnayan sa Pilipino Ang mga dahilan ng
pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga
dayuhan
ALAMIN MO
-
2
Sa tulong ng mapa ng mundo sa ibaba, hanapin mo ang mga
bansang
pinagmulan ng ibat ibang pangkat ng dayuhang dumating sa bansa.
Batay sa ginawa mong paghanap sa mga bansa, sa isang bahagi
lamang
ba ng mundo nagmula ang mga ito? Bakit kaya sila nakaabot sa
ating bansa? Ano kaya ang pangunhaing dahilan at nakarating sa
Pilipinas ang mga
dayuhang ito?
PAG-ARALAN MO
-
3
Basahin mo ang mga sumusunod na talata upang masagot mo ang mga
katanungan.
Sagutin ang mga tanong. 1. Sinu-sino ang mga Orang Dampuan at
Orang Banjar? Saan sila
nagmula? 2. Nakabuti ba sa atin ang pakikipag-ugnayan ng mga
Orang Dampuan
at Orang Banjar? Bakit? 3. Ano ang dahilan ng pagkikipag-ugnayan
nila sa ating bansa?
Maaari mong isulat ang mga sagot sa mga katanungang ito sa iyong
kuwadernong sagutan upang makita ng iyong guro.
Ang Mga Orang Dampuan at Orang Banjar
Unang dumating sa Pilipinas ang mga Orang Dampuan o ang mga
taga-Champa. Ang Champa ay ang kilalang Vietnam sa ngayon. Pumunta
sila sa Pilipinas upang makipagkalakalan. Nagtatag sila ng
Kalakalan sa Sulu. Wala silang plano na sakupin ang mga taga-Sulu
na tinatawag na Buramin. Hindi naging maganda ang ugnayan ng mga
Orang Dampuan at ng mga Buramin at nauwi ito sa digmaan. Natalo ang
mga Buramin dahil sa mahuhusay na armas ng kalaban.
Ang mga Orang Banjar ay mga taong buhat sa Banjarmasin, isang
teritoryong sakop ng Imperyong Shri-Visaya sa kanlurang Indonesia.
Nabalitaan nila ang tungkol sa magagandang Perlas sa Sulu kaya
pumunta sila rito upang makipagkalakalan noong ika-13 daantaon.
Naging maganda ang samahan ng mga Orang Banjar at Buramin, hanggang
sa nang magtagal, naging higit na makapangyarihan ang mga Orang
Banjar kaysa sa mga Buramin. Ang mga Buramin pa ang nagbabayad ng
buwis sa mga Orang Banjar. Marami pang Banjarmasin ang dumating sa
Sulu. Nagawa nilang itaboy ang mga Buramin.
-
4
Sagutin mo ang mga tanong. 1. Ang mga Tsino ang may
pinakamatagal na pakikipag-ugnayan sa mga
Pilipino, ano kaya ang dahilan ng kanilang pakikipag-ugnayan? 2.
Anu-ano ang palatandaan ng impluwensiya ng mga Tsino sa ating
bansa? 3. Anu-anong mga kagamitan, pagkain, laro at salita ang
namana natin
sa mga Tsino?
Ang Mga Tsino
Sa mga unang pangkat na nakipag-ugnayan sa ating bansa ang mga
Tsino ang may pinakamatagal na pakikipagkalakalan. Nagsimula ang
kalakalan noong ika-10 siglo, ang mga Tsinong nagsimulang manirahan
noong ika-12 siglo. Nakaimpluwensiya sa ating kultura ang mahabang
pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga Tsino. Ang mga kagamitang
tulad ng tapayang proselana, kristal, aboloryo, karayom, plorera,
patalim, telang seda at jade ay namana natin sa mga Tsino. Sa
kanila din natin natutuhan ang paggawa ng pulbura at mga kagamitang
yari sa metal. Natutuhan din ng mga Pilipino ang paggamit ng mga
paputok at kwitis, paying, tsinelas at bakya mula sa mga Tsino. Ang
paglalaro ng trumpo at sungka, pagpapalipad ng saranggola ay sa mga
Tsino rin nagmula.
Maraming pagkaing Tsino ang naging bahagi na ng pagkaing
Pilipino. Ilan dito ang pansit, lumpia, siopao, mami, okoy, siomai
at chopsuey. Ang mga gulay tulad ng petsay, kintsay at bataw ay
dala rin ng mga Tsino.
May mga salita ring naging bahagi ng ating wika. Ilan dito ay
ang ate, ditse, sangco, gunting, susi, sipit at kuya. Ang mga
kaugaliang tulad ng pagkakabuklod ng pamilya at paggalang sa mga
magulang at matatanda ay namana rin natin sa mga Tsino.
-
5
Isulat mo ang mga kasagutan sa iyong kuwadernong sagutan at
ipakita mo sa iyong guro na panahon ng inyong pagkikita.
Ang Mga Arabe
Tulad ng mga ibang dayuhan, naparito ang mga Arabe upang
makipagkalakalan at magpalaganap ng relihiyong Islam. Bagamat ang
mga Arabe ay nakarating na sa bansa dahil sa pakikipag-kalakalan sa
Tsina, noon lamang ika-15 daantaon nagsimulang lumaganap ang
impluwensiya ng Islam sa Pilipinas. Ang paglaganap ng Islam ang
nagbigay daan sa pagtatag ng pamahalaang sultanato. Ito ang
pamahalaang pinamumunuan ng sultan.
Ang mga batas at kaugalian sa Mindanao at Sulu ay impluwensiya
rin ng mga Arabe. Ang mga batas na ito ay batay sa Koran na siyang
banal na aklat ng mga Muslim. Ang di-pagkain ng baboy at ang
pagdalaw sa Mecca at iba pang lugar na banal sa kanila ay
impluwensiya rin ng mga Arabeng nakipag-ugnayan sa mga Pilipinong
Muslim.
Ang Singkil na sayaw-pangkasal ng mga Tausug sa Mindanao at Sulu
ay buhat din sa Arabia. Ang wika tulad ng sulat, pilat, alamat,
apo, bukas, alak at maalam ay hango sa Arabe. Ang epikong
Indarapatra at Sulayman na nahahawig sa mga kuwento ng Arabian
Nights ay impluwensiya rin ng Arabe.
Sagutin ang mga tanong. 1. Paano nakipag-ugnayan ang mga Arabe
sa ating mga ninuno? 2. Ano ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga
Arabe sa bansa? 3. Anu-ano ang mga impluwensiya ng Arabe sa
kulturang Pilipino? 4. Maituturo mo ba sa mapa ang kinalalagyan ng
Arabia?
-
6
Sagutin ang mga tanong. 1. Saan-saang pook sa bansa nanirahan
ang mga Hapones na nagtungo
rito? 2. Anu-ano ang natutuhan natin sa mga Hapones? 3. Nakabuti
kaya ang pakikipag-ugnayan ng mga Hapones sa ating mga
ninuno? 4. Makikita mo ba sa mapa kung nasaan ang Hapon? 5. Ano
kaya ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng Hapones sa ating
bansa? Isulat mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa iyong
kuwadernong
sagutan at ipakita mo sa iyong guro.
Ang Mga Hapones
Ayon sa kasaysayan ng sinaunang Hapones, ang mga Hapon ay
nagtungo rito upang makipag-kalakalan o manirahan. Nanirahan sila
sa mga purok ng Ilog Cagayan, Golpo ng Lingayen at Maynila.
Matagal ding nag-ugnayan ang mga Hapones at ang mga unang
Pilipino. Nagkaroon din ng impluwensiya ang kulturang Hapones sa
ating kultura. Natutuhan natin ang pag-aalaga ng itik at
pagpaparami ng isda. Kasabay ng kaalamang ito ang pagkatutuo ng
pagluluwas ng itlog at tuyong isda sa ibang bansa. Natuto ring
magpanday ang mga Pilipino kaya nakayari sila ng ibat ibang
kagamitan sa paggawa. Ang paggawa ng alahas ay kanila ring
natutuhan. Tinuruan din tayo ng mga Hapones ng negosyong tingian,
ang pagtatabas ng balat ng hayop at ang paggawa ng sandata. Itinuro
rin ng Hapones ang paggawa ng katad mula sa balat ng usa.
Nakapangasawahan ang ilang Hapones at Pilipino.
-
7
Ang Mga Hindu
Nakarating sa Pilipinas ang kulturang Indian sa tulong ng mga
mangangalakal na buhat sa Indonesia. Malakas ang impluwensiya sa
kanila ng Imperyong Shri-Visaya. Pumalit dito ang Imperyong
Madyapahit. Nagpatuloy ang impluwensiya ng Indian sa Pilipinas.
Ang pinakamalaking impluwensiya ng kulturang Indian ay makikita
sa papantig na pagsulat natin. Humigit-kumulang sa 350 salita sa
Filipino ang hango sa Sanskrit. Sinaunang wika ng mga Indian ang
Sanskrit. Ilan sa mga salitang ito ay ang sumusunod: diwata,
sampalataya, saksi, dusa, parusa, suka, mukha, sutla, hari, ama,
asawa, maharlika, mutya, kudyapi at sandata.
Ang kasuotang tulad ng putong at sarong ay buhat din sa Indian.
Ang mga kasuotang Igorota ay hawig sa kasuotan ng mga Hindu. Ang
barong tagalog ay nahahawig sa tabas at burda sa kurta ng India.
May mga prutas na nagmula rin sa India tulad ng mangga, langka at
aratilis. Kabilang naman ang ampalaya, patola at malunggay sa mga
gulay. Ang sampaguita at champaca ay galing din sa India.
Ang paglalagay ng belo at kurdon sa mga ikinakasal ay
impluwensiya rin ng India. May mga paniniwala ang Pilipino na
nanggaling sa India, tulad ng : ang babaing kumain ng kambal na
saging ay magkakaanak ng kambal; ang dalagang umaawit habang
nagluluto ay magkakaasawa ng biyudo; at ang paglitaw ng kometa ay
babala ng taggutom, digmaan at iba pang masamang pangyayari.
-
8
A. Isulat ang pangkat ng mga taong pinagmulan ng mga sumusunod
na
impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino. Isulat ang sagot sa
kuwadernong sagutan.
1. Pag-aalaga ng itik 2. Tapayang Porselana 3. Relihiyong Islam
4. Kasuotang putong at sarong 5. Pagpapaputok ng kwitis 6.
Paglalagay ng belo at kurdon sa ikinakasal 7. Sayaw na Singkil 8.
Pagtabas ng balat ng hayop 9. Pancit, siopao, siomai 10. Ang
di-pagkain ng baboy
B. Piliin ang titik ng salita sa hanay B na kaugnay ng nasa
hanay A. Isulat
ang sagot sa kuwadernong sagutan.
Hanay A Hanay B 1. mga taong taga-Champa A. Indian
2. mga taong sumakop sa Buranon ng Sulu B. Orang Dampuan
3. ipinalit sa kalakal ng Tsino C. Orang Bajar
4. nagsimula ng negosyong tingian D. Hapones
5. Sanskrit E. Perlas
PAGSANAYAN MO
-
9
C. Punan ang tsart ng mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga
ninuno sa mga dayuhan. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
Dahilan ng Pakikipag-ugnayan
Tsino Arabe Hapones Indian
TANDAAN MO
Ang mga unang dayuhan na nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga
unang Pilipino ay ang mga Arabe, Intsik, Hapones, Indian, Orang
Dampuan at Orang Banjar.
Nakipagkalakalan ang mga unang dayuhan sa mga
katutubong Pilipino.
Ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan ng mga unang Pilipino ay
nakapagpayaman at nagkaroon ng impluwensiya sa katutubo nilang
kultura
-
10
1. Nakabuti ba ang ating pakikipag-ugnayan sa mga tao buhat sa
ibang bansa? Bakit?
2. Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating kultura kung hindi
tayo
nakipag-ugnayan sa mga dayuhan?
Isulat mo ang iyong paliwanag sa kuwadernong sagutan. Ipakita sa
guro para ikaw ay mamarkahan.
Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng mga
dayuhan sa mga unang Pilipino at gawing diorama. Ipakita sa iyong
guro para mamarkahan.
A. Kilalanin ang mga unang dayuhan sa Pilipinas. Isulat k,ung
anong pangkat ang nagkaroon ng mga sumusunod na impluwensiya sa
kulturang Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
1. mga taong mula sa Banjarmasin ________ 2. mga taong hindi
makasundo ng Buranon ________ 3. mga taong pinagmulan ng putong at
sarong ________ 4. mga taong nagturo sa mga Pilipino ng paggamit ng
tsinelas, bakya
________ 5. mga taong nagpakilala ng relihiyong Islam ________
6. nagpaunlad ng kalakalan sa Sulu ________
ISAPUSO MO
ISAPUSO MO
PAGTATAYA
-
11
7. pinanggalingan ng ilang paniniwala ________ 8. nagturo ng
paggawa ng pulbura ________ 9. pinagbuhatan ng sayaw na singkil
________ 10. .nagturo ng paggawa ng katad mula sa balat ng usa
________
B. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot
sa
kuwadernong sagutan.
1-4. Sinu-sino ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa
bansa?
5. Ano ang tanging dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga unang
dayuhan sa ating bansa?
6. Bakit umalis ang Orang Dampuan sa Sulu? 7. Ano ang ibang
tawag sa Banjarmasin? 8. Anong kasuotang banyaga ang kahawig ng
barong Tagalog? 9-10. Sa aling bahagi ng pamumuhay ngayon makikita
ang
pambansang kultura ng mga Arabe? Hapones?
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito!
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
36 - ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA - Cover36 -
ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSAGRADE IVALAMIN
MOPAG-ARALAN MOAng Mga Orang Dampuan at Orang BanjarAng Mga
TsinoAng Mga ArabeAng Mga HaponesAng Mga HinduPAGSANAYAN MOTANDAAN
MOPAGTATAYAISAPUSO MOISAPUSO MO
/ColorImageDict > /JPEG2000ColorACSImageDict >
/JPEG2000ColorImageDict > /AntiAliasGrayImages false
/CropGrayImages true /GrayImageMinResolution 300
/GrayImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleGrayImages true
/GrayImageDownsampleType /Bicubic /GrayImageResolution 300
/GrayImageDepth -1 /GrayImageMinDownsampleDepth 2
/GrayImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeGrayImages true
/GrayImageFilter /DCTEncode /AutoFilterGrayImages true
/GrayImageAutoFilterStrategy /JPEG /GrayACSImageDict >
/GrayImageDict > /JPEG2000GrayACSImageDict >
/JPEG2000GrayImageDict > /AntiAliasMonoImages false
/CropMonoImages true /MonoImageMinResolution 1200
/MonoImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleMonoImages true
/MonoImageDownsampleType /Bicubic /MonoImageResolution 1200
/MonoImageDepth -1 /MonoImageDownsampleThreshold 1.50000
/EncodeMonoImages true /MonoImageFilter /CCITTFaxEncode
/MonoImageDict > /AllowPSXObjects false /CheckCompliance [ /None
] /PDFX1aCheck false /PDFX3Check false /PDFXCompliantPDFOnly false
/PDFXNoTrimBoxError true /PDFXTrimBoxToMediaBoxOffset [ 0.00000
0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXSetBleedBoxToMediaBox true
/PDFXBleedBoxToTrimBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ]
/PDFXOutputIntentProfile () /PDFXOutputConditionIdentifier ()
/PDFXOutputCondition () /PDFXRegistryName () /PDFXTrapped
/False
/CreateJDFFile false /Description > /Namespace [ (Adobe)
(Common) (1.0) ] /OtherNamespaces [ > /FormElements false
/GenerateStructure false /IncludeBookmarks false /IncludeHyperlinks
false /IncludeInteractive false /IncludeLayers false
/IncludeProfiles false /MultimediaHandling /UseObjectSettings
/Namespace [ (Adobe) (CreativeSuite) (2.0) ]
/PDFXOutputIntentProfileSelector /DocumentCMYK /PreserveEditing
true /UntaggedCMYKHandling /LeaveUntagged /UntaggedRGBHandling
/UseDocumentProfile /UseDocumentBleed false >> ]>>
setdistillerparams> setpagedevice