BAKIT MAGPAPATALA SA TALAAN NG MGA BOTANTE? Upang magkaroon ka ng boses sa kung paano patatakbuhin ang bansa! Sa New Zealand kung gusto mong bumoto, makibahagi sa referendum, o lumagda sa isang petisyon para sa referendum kinakailangan mong mapabilang sa talaan ng mga botante. Kapag nakatala ka maaari kang bumoto sa mga lokal na halalan para sa mga taong nais mong gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong lokal na lugar, at sa mga pangkalahatang halalan para sa mga partido at politiko na nais mong kumatawan sa iyo sa Parliyamento. Sinasabi ng batas na dapat na nasa talaan ka kung ikaw ay: • 18 taong gulang o mas matanda pa, at • tuluy-tuloy na nanirahan sa New Zealand nang mahigit sa isang taon sa ilang panahon ng iyong buhay, at • isang mamamayan ng New Zealand, o • isang permanenteng residente ng New Zealand. Kung ikaw ay isang Māori, Niuean o Tokelauan mula sa Cook Island, maaari kang magpatala kung tuluy-tuloy kang nanirahan sa New Zealand sa loob ng 12 buwan. Hindi mo kinakailangan ng permanenteng paninirahan upang maging karapat-dapat na magpatala at bumoto. PAANO AKO MAGPAPATALA? Madali lang mapasama sa talaan! Upang makakuha ng form ng pagpapatala: • Mag-online sa elections.org.nz • Libreng i-text ang iyong pangalan at tirahan sa 3676 • Libreng telepono 0800 36 76 56 • Dumalaw sa anumang PostShop Kapag nakapagpatala ka na, mapupunta ang pangalan mo sa talaan ng mga botante. Ikaw ay dapat na nasa talaan ng mga botante upang makaboto. ANG TALAAN NG MAORI Bilang isang New Zealand Māori, o inapo ng New Zealand Māori, maaari kang pumili kung magpapatala ka sa talaan ng mga botante ng Māori o sa pangkalahatang talaan ng mga botante. Kung ikaw ay nasa pangkalahatang talaan ng mga botante, makakaboto ka para sa MP sa isang pangkalahatang manghahalal sa susunod na Pangkalahatang Halalan. Kung ikaw ay nasa talaan ng mga botante ng Māori, makakaboto ka para sa MP sa Māori electorate sa susunod na Pangkalahatang Halalan. Ang uri ng talaan ng mga botante na kinaroroonan mo ay walang ipinagkaiba sa kung kanino ka maaaring bumoto para sa Boto ng Partido. ANG DI-NAKALATHALANG TALAAN Kung nag-aalala ka tungkol sa kaligtasan mo o ng iyong pamilya kung mapupunta ang pangalan mo sa talaan ng mga botante, maaari kang mag-aplay upang mapunta sa di-nakalathalang talaan. Makipag-usap sa iyong lokal na Registrar of Electors, pumunta sa elections.org.nz o tumawag sa 0800 36 76 56 para sa higit pang impormasyon at form ng aplikasyon. 17 AT SABIK NANG MAGPATALA? Maaari kang pansamantalang magpatala sa gulang na 17 taon. Nangangahulugan ito na kapag nag-18 ka na awtomatikong mapapabilang ang iyong pangalan sa listahan ng mga botante. KAILANGAN NG KARAGDAGANG TULONG? Kung kailangan mo ng tulong sa pagpupuno ng iyong form, dahil sa mga problema sa wika o kawalang-kaya, maaari kang humingi ng tulong sa ibang tao, o maaari kang makipag-ugnayan sa Registrar of Electors. HANDA KA NA BANG MAGPATALA AT BUMOTO?