Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino
Hanapbuhay ng mga Unang
Pilipino
Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino 1. Pinagyaman at pinangalagaan ng mga unang Pilipino ang likas
na yaman ng bansa. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga
sinaunang Pilipino, sila ay nagtanim ng mais, palay, niyog,
abaka, tubo, saging at iba’t ibang gulay at sari-saring punong
namumunga.
2. Mayroong dalawang sistema ng pagsasaka na ginagamit noon
ang pagkakaingin at paglilinang. Natuto ang mga tao noon ng
pagkakaingin upang magkaroon ng iba pang
mapagkukuhanan ng pagkain bukod sa pangangaso at
pangangalap ng pagkain sa kagubatan. Sa pagkakaingin ay
sinusunog at pinuputol ang mga puno sa kagubatan.
3. Ang paglilinang naman ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa gamit ang araro at suyod, sa ganitong paraan natutunan ang paggamit ng kalabaw dahil noon ay tao ang gumagawa. Natutunan rin ang sistema ng patubig.
4. Ang mga naninirahan naman sa tabing dagat ay natuto ng pangingisda at paninisid, natuto silang gumamit ng pana, salakab, sibat, at bingwit at paninisid ng perlas at korales.
5. Ang mga sinaunang Pilipino ay naging mahusay rin sa pangangaso, gumagamit sila ng pana, sibat, at punyal upang maging madali ang paghuli sa mga maiilap na hayop.
6. Ang mga sinaunang Pilipino ay natuto rin na gumawa ng mga
sasakyang pantubig na mahalaga na ginagamit kapag sila ay
nakikipagkalakalan at nakikipagdigma. Ang ilan sa mga ito ay
tinawag nilang karakoa, parao, vinta, at birey. Ang matitibay at
maninipis na kahoy na ginamit sa paggawa ng mga sasakyang
pandagat ay nagmumula sa mga kabundukan.
7. Dahil mayaman ang ating bansa sa mineral ay nakakapagmina
ang mga Pilipino noon ng ginto, pilak, tanso, at bakal, na
pangunahing ginagamit sa paggawa ng alahas, palamuti,
panluto, at pagpapanday na ginagamit pa sa ibang industriya
para makadagdag sa kabuhayan.
8. Ang mga Pilipino noon ay nakagawa rin ng mga alak at ito ay
naging maunlad, nakagawa sila ng tuba at lambanog mula sa
niyog, basi mula sa tubo, at pangasi at tapuy na mula sa bigas,
hanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin ang mga katutubong
alak na ito.
9. Ang mga kababaihan naman ay natutong magburda at
pagkukulay ng tela, naghahabi rin sila ng mga telang yari sa
kapok, bulak, abaka, at hibla ng pinya.
Sistema ng Pagmamay-ari ng Lupain Malaki ang pagkakaiba ng pagmamay-ari ng lupa noon at sa
kasalukuyang panahon. Mayroong dalawang uri ng pagmamay-
ari noon ang pribado at pampubliko.
Ang Datu ang nagmamay-ari ng pribadong lupain, lubhang
mataba at sagana ang ganitong uri ng lupain sapagkat
naaalagaan itong mabuti ng mga alipin. Maaari itong paupahan
kung may gustong magtanim dito at maaaring bayaran sa
pamamagitan ng buwis. Ang mga lupaing niregalo, namana at
nakamit ay maituturing rin na pribado.
Pampubliko o panlahatan ay mga uri ng lupang mahirap sakahin,
di gaanong mataba at malapit sa kabundukan. Lahat ng tao ay maaaring magsaka sa pampublikong lupain.
Pakikipagkalakalan ng mga Unang Pilipino Ang pakikipagkalakalan ay ginamit ng mga sinaunang Pilipino
upang matugunan ang iba pang pangangailangan sa
pangkabuhayan, sila ay nakipag-ugnayan sa ibang katutubo sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan at pakikipagpalitan ng
produkto.
Nakatulong at naging maunlad ang sistemang ito kaya ang mga
Pilipino noon ay nakipagkalakalan na rin sa mga dayuhan na
bumibisita sa bansa lalo na sa mga karatig bansa sa Asya.
Maliban sa mga likas na yaman at produkto natuto rin ang mga
Pilipino ng mga tradisyon, kaugalian, paniniwala, paraan ng
pamumuhay , at paniniwalang espiritwal o relihiyon sa
pakikipagkalakalan nila sa mga dayuhan sa bansa.
Pangkapuluang Kalakalan at Ugnayan Gamit ang mga sasakyang pandagat ay nakarating
ang mga sinaunang Pilipino sa iba’t ibang lugar ng
Luzon, Visayas, at Mindanao para makipagkalakalan
sa mga kapwa katutubo.
Walang anumang salapi ang ginagamit noon sa
pakikipagkalakalan. Tanging produkto lamang ang
ginagamit gaya ng halamang pananim, alagang
hayop at iba pa. Tinatawag itong Barter.
Pangkapuluang Kalakalan at Ugnayan
Naging madali para sa mga dayuhan ang
makipagkalakalan sa mga Pilipino noon dahil sa
ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa
pamamagitan nito ay marami silang
napupuntahan para makipagpalitan ng mga
produkto gamit ang kanilang mga sasakyang
pandagat. Ito rin ang naging dahilan kung bakit
mayroong halong lahi ang ibang mga Pilipino
sapagkat nakapag-asawa ang mga Pilipino ng
mga dayuhang mangangalakal.
Pakikipagkalakalan sa mga Dayuhan Naging madali para sa mga dayuhan ang
makipagkalakalan sa mga Pilipino noon dahil sa ibat’
ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan
nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan
ng mga produkto gamit ang kanilang mga sasakyang
pandagat. Ito rin ang naging dahilan kung bakit mayroong
halong lahi ang ibang mga Pilipino sapagkat nakapag-
asawa ang mga Pilipino ng mga dayuhang
mangangalakal.
Kalakalang Orang Dampuan - Pilipino Sa pagitan ng taong 900 AD at 1200 AD
nagsimulang makipag-ugnayan ang mga Orang-
Dampuan sa Sulu, nagmula sila sa Timog Annam ng
bansang Vietnam. Sa una ay matiwasay at maganda
ang ugnayan nila sa mga Pilipino, subalit nagkaroon ng
hidwaan ang mga Orang Dampuan at ang mga
Baranun ng Sulu kaya nagpasya ang mga dayuhan na bumalik sa kanilang bansa.
Kalakalang Tsino - Pilipino Nagsimula ang kalakalan sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino
noong ika - 17 siglo AD sa ilalim ng dinastiyang Song ng Tsina.
Karaniwang gawa sa porselana ang mga ikinalakal na mga
produkto ng Tsina sa Pilipinas sa panahon ng nasabing dinastiya.
Naitala ng mga manunulat na Tsino na sina Chao Ju-Kua at
Wang Ta-Yuan na sumakay sa mga sasakyang pantubig ng mga
Arabo ang mga Pilipino patungo sa Canton, Tsina upang
makipagkalakalan.
Natuwa ang mga Tsino sa taglay na katapatan ng mga Pilipino
pagdating sa pakikipagkalakalan, iniiwan lamang ng mga Tsino
ang kanilang produkto sa mga Pilipino ng walang kapalit at
pagbalik nila ay nakahanda na ang produktong pamalit ng mga Pilipino.
Karaniwang ipinagpapalit ng mga Pilipino ang mga yantok,
bungangkahoy perlas, kabibe at iba pa. Walang palatandaan
na nandaya ang mga Pilipino sa kanilang pakikipagkalakalan.
Nagmula rin sa mgha Tsino ang mga produktong telang
sutla, kagamitang porselana, salamin, jade, at musk. Pati mga
pagkain gaya ng pansit, lumpia, siopao, siomai, at hopia. Ang
mga salitang ampao, susi, gunting, tanso, kuya, sangko, sanse,
at ditse ay sa mga Tsi no rin galing.
Kalakalang Arabo - Pilipino Dumating sa Sulu ang mga Arabo para makipag-
ugnayan sa mga Pilipino noong ika-9 na siglo. Ang
pinakamahalagang pangyayari sa ugnayan na nangyari ay
ang pagpapalaganap ng relihiyong Islam sa bansa,
partikular na sa Sulu at sa Mindanao. Impluwensya rin ng
mg arabo ang pagkakatatag ng pamahalaang sultanato.
Maraming naipamana sa kulturang Pilipino ang mga
Arabo. Kabilang na rito ang Arkitekturang Arabesque na
ginagamit na disenyo para sa mga mosque, kalendaryo o
talaarawan, sarimanok ng Maranao, disenyong okir, at alpabeto at sulating arabiko.
Nagmula rin sa mga Arabo ang hindi pagkain ng baboy
at agarang paglilibing sa yumao pagkatapos nitong
mamamatay, at pag-aasawa ng higit pa sa isa para sa mga
kalalakihan.
Nanggaling rin sa mga Arabo ang mayamang musika at
sayaw na Singkil at Kandingan, sa panitikan naman ay ang
Epiko ng mga Maranao at ang Darangan na may inspirasyon
mula sa tanyag na Epiko ng mga Arabo, ang Arabian Nights.
Sa pakikipagkalakalan sa mga Arabo ang karaniwang
ipinagpapalit ay gawa sa metal tulad ng tanso, ginto, perlas
at punongkahoy. Ang mga namana naman nating produkto
ay alpombra, telang lana, telang musli, bulak, palayok, at
mga mamahaling mineral.
Kalakalang Indyano Pilipino Ipinalalagay ng mga mananaliksik na walang tuwirang
ugnayan na nangyari sa pagitan ng India at Pilipinas.
Bagkus ay nagkaroon lamang ng impluwensyang Indyano sa
kulturang Pilipino dahil sa ugnayan ng mga kalupaan sa
Timog-Silangang Asya.
Ang mga salitang Sanskrit gaya ng ama, asawa,
dalaga, Diwata, halaga, isla, mutya, sampalataya, sandata,
tala at iba pa ay nahalo sa ating wika. Impluwensya rin ng
mga Indyano ang paggamit ng belo at kurdon sa kasal,
pagbibigay ng dowry sa pakakasalan, paniniwala sa mga pamahiin, pagsusuot ng sarong at putong.
Kalakalang Hapones - Pilipino Ang mga Hapon ay unang nanahan sa Maynila sa
gilid ng Golpo ng Lingayen at Cagayan noong 654 AD
hanggang sa ika-13 siglo.
Sinasabing tinuruan ng mga Hapon ang mga Pilipino
noon ng mga magagandang kaugalian gaya ng
pagkamalikhain, kasipagan, at katapatan.
Nagmula rin sa mga Hapon ang pagkatuto ng mga
unang Pilipino sa industriya ng pagpaparami ng mga
bibe at isda, at pagkukulay ng katad at paggawa ng sandata.