Top Banner
Kaugnayan ng Gramatika at Retorika
24

Gramatika at Retorika

Apr 27, 2015

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript

Kaugnayan ng Gramatika at Retorika

BalangkasPagbuo ng Pangungusap Mabisang pananalita Rhetorical o transisyonal devices

Pagbuo ng PangungusapKailangan ng kaisahan sa pangungusap para maging efektivo ito.Bawat bahagi ng pangungusap Pangunahing Diwa

May Kaisahan

Pagbuo ng Pangungusap1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.[Timbang] X Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater. Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater.

Pagbuo ng Pangungusap1. (Pagpapatuloy)[Paralelismo] X Ang pag-eehersisyo at masusustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan. Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

Pagbuo ng Pangungusap2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusapX Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.

Pagbuo ng Pangungusap3. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkaugnay na kaisipan.X Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit at nahilig tayo sa kalayawan. Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit.

Pagbuo ng Pangungusap4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maramingkaisipan sa isang pangungusap. X Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mgabata ng taguan kung gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw. Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga bata, ay tunay na nakalilibang.

Pagbuo ng Pangungusap5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at panulong na sugnay.X Upang masagip niya iyon, lumusong siya sa baha para masagip ang kotse. Upang masagip niya ang kotse, lumusong siya sa baha.

Pagbuo ng Pangungusap6. Kapag ang simuno ay di gumaganap ang kilos gamitin ang tinig na balintayak ng pandiwa.X Si Jose ay nagsulat ng liham para kay Ana. Ang liham ay sinulat ni Jose para kay Ana.

Pagbuo ng Pangungusap7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.X Mahirap ang buhay ngayon talaga. Mahirap talaga ang buhay ngayon.

Pagbuo ng Pangungusap8. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang kinakatawan nito.X Ginamit ni Ana ang perlas sa klase na bigay ng lola niya. Ginamit ni Ana sa klase ang perlas na bigay ng lola niya.

Pagbuo ng Pangungusap9. Sa Filipino, una ang panaguri kaysa sasimuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.a. Magaling magturo ang titser ko. b. Sinusubukang lutasin ni GMA ang problema. KAYSA: a. Ang titser ko ay magaling magturo. b. Ang problema ay sinusubukang lutasin ni GMA.

Mabisang Pananalita- Panghalip na Panao Halimbawa: Si Louis ay tanghali na kung gumising kaya siya nahuli sa klase. Nasan na ba si Francis? Kailangan ko na siya ngayon.

- Panghalip na Pamatlig Halimbawa:Pakilagay ang gamit ko dyan sa upuan. Matagal ko ng hinahanap ang libro ko, san mo ito nakita?

Salitang Naghahayag ng Karagdagan Halimbawa: Gusto ko pumunta sa isang lugar na tahimik ang kapaligiran, maganda ang tanawin at walang nakakikilala sa akin. Hindi lang Tokyo, Narita at Shibuya ang ating pupuntahan sa Japan, may isa pang lugar.

Mga Salitang naghahayag ng pagsalungat

Subalit Ngunit Pero Bagamat

Halimbawa: Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan at ng mamamayan sa bansang ito ay hindi lamang nagsasaad ng ligaya at tuwa. Ngunit ni wala sa isa mang tuminag sa mga nakikiramay. Parang may kinakailangang bagay na di inaasahang mangyayari.

MGA SALITANG NAGHAHAYAG NG BUNGA NG SINUNDAN Dahil Bunga Sapagkat

Halimbawa: Dahil sa magandang pakikisama, nakaamot paminsan-minsan ng kung anu-ano si aling Dora sa mga kapwa tindera. Bunga nito at may pagkakataong higit na pinapanigan ng alipin ang kanyang panginoon kaysa kapwa niya.

Salitang naghahayad ng pagkakasunod-sunod ayon sa panahon * Huling natapos kumain ang grupo nila Janjan. * Pagkatapos kong kumakain ng hapunan, biglang tumawag ang aking kaibigan.

Salitang magkasing kahulugan at pag-uulit ng mga salitaMaraming siga-siga sa Tondo. Ngunit pawang bastabasta lang ito kung ihahambing sa pagkasiga ni Necor. Si Necor ang siga ng mga siga sa Tondo.

Lahat ng nagugustuhan ni John Dean ay ang magagandang babae. Napupukaw ang kanyang atensyon sakanila. Kung kaya, kapag may dumadaang babaeng marikit, siyay mapapatitig talaga.

MARAMING SALAMAT!!!