Top Banner

of 30

grald alamat

Jul 15, 2015

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript

Talambuhay ni Dr. Jose RizalSi Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Page 1

Talambuhay ni Ferdinand MarcosSi Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging pangulo ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitili niya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa. Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan..

2

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay at inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.

Talambuhay ni Corazon AquinoSi Mara Corazn Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac. Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino. Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o kilala sa tawag na Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging pinakabata rin itong gobernador hanggang sa maging senador. Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at isa sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-usap sa mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston matapos na palayain ang kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso. Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang asawang si Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sangayon sa pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay ipinapatay siya matapos makalapag sa paliparan ang eroplanong kanyang sinasakyan.

3

Marso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ang dating pangulong Corazon Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris Aquino, ang artista at TV host na bunso niyang anak. Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood pressure nito, paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang kawalang-gana nito sa pagkain, hindi gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba ng timbang na naging sanhi ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid na Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang kalusugan ng kanilang ina at dito natuklasan ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon.Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa pagdarasal upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.

Talambuhay ni Manny Paquiao Si Manny Pacquiao ay ipinanganak sa Kibawe, Bukidnon, Mindanao at kasalukuyang naninirahan sa kanyang sariling bayan General Santos City, South Cotabato, Philipppines. Siya ay kasal kay Jinkee Pacquiao at sila ay may apat na anak na ang pangalan ay Emmanuel Jr, o Jimwell, at Michael, na parehong 9 na taong gulang, na sinusundan ng Mary Grace, o Princess, na 2, at ang pinakabagong karagdagan Queen Elizabeth o Queenie na ipinanganak noong nakaraang Disyembre 30, 2008. Ang Talambuhay ni Manny Pacquiao na nagsimula ang kanyang karera sa boksing mga propesyonal na nasa edad ng 16 at 106 (light flyweight). Ang kanyang mga unang bahagi ng fights kinuha na lugar sa mga maliliit na lokal na venues at ay ipinapakita sa antigo Sports' ihip ng ihip, na kung saan ay isang gabi boksing ipakita aired sa Pilipinas. Ang kanyang mga propesyonal na debut ay isang 4-round labanan laban sa Edmund "Enting" Ignacio sa Enero 22, 1995, na kung saan Pacquiao won sa pamamagitan ng desisyon, nagiging isang instant star ng programa. Isara ang mga kaibigan Mark Penaflorida ang kamatayan sa 1994 spurred ang kabataan Pacquiao upang humanap ng isang propesyonal na karera sa boksing. Ang Talambuhay ni Manny Pacquiao Ang kanyang timbang ay tinaasan mula sa 106 sa 113 bago pagkawala sa kanyang 12th labanan laban sa Rustico Torrecampo sa pamamagitan ng isang third-round knochout (KO). Manny Pacquiao ay hindi ginawa ang timbang. Kaya siya ay pinilit na gamitin heavier guwantes kaysa Torrecampo, sa ganyang paglalagay Pacquiao dehado.

4

Talambuhay ni Manny Pacquiao's big break ang dumating sa Hunyo 23, 2001, laban sa IBF Super Bantamweight mananalo Lehlohonolo Ledwaba. Pacquiao stepped sa labanan bilang isang huli kapalit at nanalo ang away sa pamamagitan ng mga teknikal na knockout na maging ang IBF Super Bantamweight mananalo sa isang labanan na gaganapin isang MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Siya defended sa pamagat na ito ng limang beses at fought sa isang anim-round gumuhit laban Agapito Sanchez sa isang labanan na noon ay tumigil sa maagang matapos Manny Pacquiao natanggap 2 headbutts.

Talambuhay ni Sarah GeronimoSi Sarah Asher Tua Geronimo (ipinanganak noong Hulyo 25, 1988) ay isang mangangantang Pilipino, aktres at modelo. Siya ang nagwagi sa reality show na Star for a Night sa Pilipinas. Siya ang pinakabatang nanalo ng Star For A Night, isang reality-based show sa Pilipinas, na may host na si Regine Velasquez, at muling ipinangalang bilang Search For A Star, na ipinalunan ni Rachelle Ann Go. Siya rin ang pinakasikat na artista ng VIVA Entertainment at ABS-CBN, The Kapamilya Network. Noong panahon ng MTV Pilipinas Awards 2004, kumanta si Geronimo, kasama si Guy Sebastian. Ginawad si Geronimo bilang sikat na artista sa MTV Philippines. Ginawad rin siya bilang Nickelodeon's Kids Choice for Wannabe Personality. Siya rin ang aktres sa kanyang soap opera na pinamagatang "Sarah: The Teen Princess. nagtapos rin si Geronimo sa pelikulang "Filipinas", "Lastik Man" at "Annie Batungbakal". Pinapakita rin siya sa patalastas ng Jollibee, Charmee, Globe. Pinapakita rin si Geronimo sa programmang, ASAP Rocks, na pinapalabas tuwing tanghali kapag araw ng Linggo sa ABS-CBN. Ginawan din siya ng bagong teleserye hango sa pelikula ng nag-iisang Mega Star sharon Cuneta. Gumanap siya bilang Emerald sa Pangarap na Bituin.

Talambuhay ni Lea SalongaSi Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga ay mas kilala bilang Lea Salonga. Ipinanganak siya noong 22 Pebrero 1971. Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989.

5

Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa Broadway production na Les Misrables. Si Lea rin ang umawit ng A Whole New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para sa Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang Filipino entertainers upang makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng karangalan sa ating bansa.

Talambuhay ni Nicanor AbelardoSi Nicanor Abelardo ay isang Pilipinong kompositor ng mga awitin sa pelikula o entablado. Nilikha niya ang mga awitin na kung tawagin ay Kundiman tulad ng "Nasaan ka, Irog" noong 1923, "Kundiman ng Luha", "Mutya ng Pasig", "Ang Aking Bayan", "Himutok", "Pahimakas", "Bituing Marikit" at marami pang iba. Ang kauna-unahang pelikula ng Sampaguita Pictures na Bituing Marikit kung saan pinagsama ang si Rogelio dela Rosa at ang tinaguriang Singing Sweetheart of the Philippines na si Elsa Oria ay hango sa likhang awit Kundiman na ito ni Abelardo. Si Abelardo ay namatay noong 1934 at nag-naiwan ng mahigit 140 na nilikha.

Talambuhay ni Julian FelipeSi Julian Felipe ay kinikilala bilang may-katha ng Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Enero 28, 1861 sa Lungsod ng Cavite, Cavite at siya ang bunso sa labindalawang anak ng mahirap na mag-asawang sina Justo Felipe at Victoria Reyes. Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya natutong tumugtog ng piyano at kinalaunan ay naging organista rin siya sa simbahan ng San Pedro. Bukod sa pagtugtog ng piyano ay nagkatha rin siya ng mga awiting gaya ng Mateti el Santesismo, Cintas y Flores at Amorita Danga. Nagkamit siya ng karangalang diploma bilang pagkilala sa kanyang kakayahan dahil sa mga awiting ito. Pansamantalang isinantabi ni Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Kabite. Naaresto at nakulong siya noong Hunyo 2, 1898 ngunit nakalaya rin naman. Kinuha siya ni Heneral Aguinaldo bilang isang piyanista at kompositor. Nang

6

ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Kabite ay iwinagayway ang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Julian Felipe. Dahil dito ay hinirang siya ni Heneral Aguinaldo bilang direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas. Sa larangan ng pulitika si Julian ay nanilbihan bilang konsehal ng lungsod ng Kabite, Kabite noong taong 1902. Siya ay binawian ng buhay noong Oktubre 2, 1941.

Talamuhay ni Susan RocesSi Susan ay unang nasilayan sa pelikula ng Lebran Pictures noong siya ay 10 anyos pa lamang para sa pelikulang Mga Bituin ng Kinabuksan na isang Drama kabituin si Ike Lozada na noon ay isa ring batang paslit. Pagkatapos ng pelikulang nasabi ay pansamantalang tumigil si Susan sa pag-aartista at inasikaso muna ang pag-aaral at pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ang isang batang paslit na isang dalagita na sa pelikulang Komedya ang Miss Tilapya subalit pangalawa lamang siya at suporta sa artista na noo'y reyna ng Sampaguita Pictures na si Gloria Romero. Pagkaraan ng pelikulang iyon ay binigyan siya ng isang pelikulang maituturing na siya mismo ang bida, ito ay ang una niyang starring role ang Boksingera kung saan itinambal siya kay Luis Gonzales na isang Komedya-Dramang pelikula, subalit ang nasabing pelikula ay di gaanong pumutok sa takilya kaya sa kanyang mga sumunod na pelikula ay isinama muna siya sa mga bigating artista ng naturang kompanya. Isa siya sa mga barkada ni Dolphy sa pelikulang Kulang sa 7 at papel ng isang dalagitang umako ng kasalanan ng iba sa madramang pelikula na Sino ang Maysala at isang panauhing artista lamang sa pelikulang Pasang Krus (1957) kasama si Romeo Vasquez. Taong 1957 ng bigyan muli siya ng isang natatanging pagkaganap kasama ang baguhang si Romeo Vasquez sa pelikulang Prinsesang Gusgusin at isa sa mga contestant na nagsiwalat ng kanilang natatanging karanasan na Dramang-Panradyo na isinalin sa pelikula ang Mga Reyna ng Vicks na katunggali niya sa paglalahad ng kanyang natatanging buhay sina Amalia Fuentes, Gloria Romero at Rita Gomez.

7

Talambuhay ni Fernando Poe Jr.Si Ronald Allan Kelley Poe (Agosto 20, 1939 - Disyembre 14, 2004), higit na kilala bilang Fernando Poe, Jr., ay isang dating aktor, direktor, politiko sa Pilipinas na isang idolo at maraming nakakakilala. Kilala rin siya sa mga palayaw na FPJ o Da King. Ginagamit niya ang alyas na Ronwaldo Reyes sa mga pelikulang siya ang direktor. Una siyang gumanap bilang Palaris sa Anak ni Palaris sa ilalim ng Deegar Cinema Inc. noong 1955 noong siya ay 16 taong gulang. Hindi ganoon kabilis ay kanyang pagsikat at sumama siya sa ilang pelikulang hindi siya ang bida tulad ng Simaron ng Everlasting Pictures, Babaing Mandarambong ng Everlasting Pictures at ang kauna-unahang LoWaist Gang na pawang taong 1956. Isa siyang produkto ng Premiere Production kung kaya't ginawa niya ang mga pelikulang Bicol Express, Pepeng Kaliwete, May Pasikat Ba sa Kano?, Atrebida, Laban sa Lahat at marami pang iba, samantalang ang mga pelikulang Kamay ni Cain, Tipin, Obra-Maestra naman ang ginawa niya sa People's Pictures.

Alamat ng AlagawNoong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigang natatatag kundi pulupulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan. Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito, "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda ay hindi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupuna sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ng ating balangay." "Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."

8

Si Marahas nagpatuloy, "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako - ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas." Naghiwalay sila. Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galing kay Marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamang iniwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan. Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nasawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman. Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan. Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak. Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, ng lagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon ng halaman at mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan, iinom ng tubig na pinaglagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw. Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...

Alamat ng AmpalayaNOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.

9

Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlangmaputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga! Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak. Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito. Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa. Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola. "Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili. KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipontipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga! Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay. Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya! ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.

10

"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw. "Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa. "A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig. "Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin. "Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya. Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagilagilalas na nangyari kay Ampalaya. Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait. MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya. Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.

Alamat ng ApoyNoong unang panahon, wala kang mapapansing apoy sa paligid. Ang tanging apoy na makikita mo ay binabantayan ng dalawang higante sa isang malaking yungib. Gustung-gusto ng mga taong magkaroon ng apoy upang ang kadiliman ng gabi ay maliwanagan. Pero mahigpit magbantay ang dalawang higante. Ayaw nilang magbigay ng apoy kaninuman. Tanging ang maabilidad na si Lam-ang ang nakaisip ng paraan. Tinawag niya ang ilang hayop na kaibigan. Sinabi niya ang isang plano kung paano makaaamot ng apoy na inaasam-asam.

11

Pinatayo ni Lam-ang ang Palaka sa kabukiran. Pinatindig niya ang Kabayo sa paanan ng bundok. Pinagbantay niya ang Alamid sa buhanginan. Pinaghintay niya ang Aso sa palanas. Pinagmanman niya ang Baboy-Damo sa lambak na malapit sa kwebang tirahan ng mga higante. Matapos suriin ang katauhan ng dalawang kinakatakutang nilalang, nahinuha ni Lamang na totoo ngang mapanganib na kalabanin ang mga higante pero may puso rin ang mga ito kung pakikipagkaibigan ang layunin ng tao. Sinikap na kaibiganin ni Lam-ang ang dalawang nalulungkot na nilalang. Nang makuha niya ang simpatiya ng dalawang higante ay sinabi niya ang hinaing ng mga tao. "Kailangang-kailangan ng mga kababayan ko ang munting titis ng apoy na binabantayan ninyo. Maaaring bang umamot sa inyo ng kahit katiting man lang nito?" Napakunot ng noo ang dalawang higante, "Bantay kami ng apoy na ito. Ikinalulungkot naming hindi ka mabibigyan ng kahit na maliit na ningas nito." "Maawa na kayo sa mga tao. Mapapabuti ng apoy ninyo ang kabuhayan ng mga kalahi ko." "Akala ko ay nakikipagkaibigan ka, bakit kailangang ipakiusap ang hiling ng mga kalahi mo?" nagtatakang usisa ng unang higante. "Katulad ka rin ng iba na may masamang layunin sa paglapit sa amin. Naiiba ka lang sa kanila sapagkat nakipagkaibigan ka muna bago ipinilit ang masamang layunin," nagngangalit ang mga ngiping sabi ng ikalawang higante. "Kaaway ka rin namin! Kaaway! Kaaway!" Nang mapansin ni Lam-ang na nanginginig ang mga baba at nawala ang pagtitiwala ng mga higante ay inunahan na niya ang mga ito sa pagtayo. Mula sa pintuan ng kweba ay kaagad siyang humudyat sa Baboy-Damo na biglang umatungal. Umalulong kaagad ang Aso sa palanas. Humiyaw ang Alamid sa buhanginan. Humalinghing ang Kabayo sa paanan ng bundok at kumokak nang kumokak ang Palaka sa kabukiran. Lalong pinagbuti ng mga hayop ang sama-samang pambubulahaw. Pinagsabay-sabay nila ang malalakas nilang tinig na pilit na isinisigaw. Gusto nilang tulungan si Lam-ang. Gusto rin nilang tulungan ang lahat ng tao sa sandaigdigan. Ang maliit na titis ng apoy ay simula ng isang bagong kinabukasan. Ang pinagsama-samang atungal, alulong, ngiyaw, halinghing at kokak ay lubhang tumakot sa nanginginig na mga higante na napatakbong palabas sa kweba. Mabilis na nagpasiya si Lam-ang. Kaagad siyang nagnakaw ng maliit na titis ng apoy. Itinakbo niya itong papalabas pero nakita siya ng mga higante na galit na galit na

12

humabol. Lalong binilisan ni Lam-ang ang pagtakbo. Tiyak na papatayin siya ng dalawang higante kapag inabutan sa daan. Tumakbo siya nang tumakbo. Hapung-hapo na siya subalit gusto niyang mapagwagian ang apoy na ipinakikipaglaban alang-alang sa sandaigdigan. Babagsak na sana siya sa pagod nang dali-daling maabot ng naghihintay na Baboy-Damo ang nagniningning na titis ng apoy. Umaatikabong habulan na naman ang naganap. Aabutan na sana ng mga higante ang Baboy-Damo nang mahawakan ng umaalulong na Aso sa palanas ang nagdiringas na apoy. Habulan uli. Lawit na ang dila ng Aso sa kakatakbo pero pinanindigan nito ang pagtulong sa mga tao. Bibigay na sana ang hilahod na Aso nang abutin naman ng nagngingingiyaw na Alamid sa buhanginan ang nagliliyab pang apoy. Sige pa rin ito sa pagtakbo. Sige rin ang dalawang higante sa paghabol dito. Habang napapagod ay lalong lumalakas ang dalawang dambuhala. Mabibilis pa rin ang mga higante. Paspas din sa pagtakbo ang Alamid na animo hangin sa bilis. Matagal ang habulan. Hapo na ang Alamid pero kapag naiisip ang pagtulong kay Lam-ang at sa daigdig ay nag-iibayo ang sigasig nito. Hihimatayin na sana ang Alamid nang parang buhawing agawin ng Palaka sa kabukiran ang aandap-andap na titis na apoy. Mabilis pa sa alas-kwatrong tumalon nang tumalon ang palaka. Mataas ang talon nito papalayo sa nag-aalborotong higante. Sa laki ng mga hakbang ng dalawang dambuhala ay naabutan nila ang palaka at nahawakan ang mahabang buntot nito. Inisip ng Palaka ang pangako nito na pagtulong kay Lam-ang at sandaigdigan kaya ubod lakas pa rin itong nagtatalon na ikinaputol ng kanyang buntot. Sa pagsisikap na marating ang mga tao ay isang napakataas na pagtalon ang ginawa nito na naging dahilan upang makuha ng sandaigdigan ang maliit na titis ng apoy. Ang buong lakas na pagtalon ang ikinaluwa ng mga mata ng pobreng Palaka. Naabot ng mga tao ang apoy na nagpaunlad sa sandaigdigan. "Mabuhay si Lam-ang!" sigaw ng kalalakihan. "Mabuhay ang apoy ng tagumpay!" pagbubunyi ng kababaihan. Sa pagkapahiya ng mga higante ay nagbalik sila at nagkulong sa kanilang kweba. Iyan ang simula ng pagkakaroon ng apoy sa daigdig.

Alamat ng Araw Buwan at BituinNoong unang panahon ang paligid ay pawang kaliwanagan. Wala pa noong gabi sapagkat laging magkasama ang Araw at ang Buwan.

13

Bilang mag-asawa, pala-utos ang Araw sa Buwan. Hindi nito binibigyan ng kapantay na karapatan ang Ina ng Tahanan. Sobra naman sa bait si Buwan. Lahat ng utos ni Araw ay sinusunod niya. Kahit na ang ipinag-uutos ay dapat na suriin at pabulaanan. Minsang magbalak mamasyal si Araw ay inutusan niya si Buwang ipaglaga siya ng mga dahon ng gabi. "Kailangang puno ng nilagang dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!" utos ni Araw sa nahihintakutang si Buwan. "Pe... pero tiyak na uurong ang mga dahon ng gabing ilalaga ko," marahang paliwanag ng Buwan na mistulang sunud-sunuran sa kaniyang asawang naghahari-harian. "Basta tiyakin mong puno ng dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!" pasigaw na diin ng Araw sa nanginginig na maybahay. Nag-iiyak nang nag-iiyak ang Buwan. Alam niyang hindi mapupuno ang palayok kapag nilaga sa kalan. Sapagkat lubos na mabait ang Buwan, pinagtiyagaan niyang lutuing mabuti ang mga dahon ng gabi. Pero kahit sikaping mapuno ang palayok ay hindi niya ito magawa. Lagi at laging may bakante pa ring lugar sa loob ng palayok na pinagpapakuluan. Nang magbalik ang Araw at itanong ang mga dahon ng gabi ay napaihng ang Buwan. "Gi...ginawa kong lahat ang makakaya ko pe....pero hindi ko mapunu-puno ang palayok sapagkat umuurong ang mga dahon ng gabing inilalaga ko." "Laging ganiyan ka!" panumbat ng Araw. "Noong isang linggo pinapalitan ko sa iyo ng ibang kulay ang asul na karagatan pero di ka man lang nakasunod sa aking kautusan! At hindi ba pinakiusapan din kitang pantayin ang lahat ng burol at bundok sa kanluran pero ano ang ginawa mo? Ipinagkibit balikat mo lang ang utos ko!" "Asawa mo ako at di utusan!" ngumatal ang boses ng galit na galit na Buwan. "Pantay lang ang ating karapatan. Kung utusan ang turing mo sa akin, mabuti pang tayo ay maghiwalay." "Aba, kung yan ang gusto mo ay susundin ko," taas noong sagot ni Araw. "Ako ang ina ng mga bata kaya kailangang sa akin sila sumama." "Para mamatay sa lamig mo?" nanghahamong tugon ng Araw. "Paano kung isasama mo sila? Tiyak na mamamatay sila sa sobrang init mo!" "Sa akin dapat sumama ang mga bata. Ako ang ama nila!"

14

"Ako ang ina na laging kayakap nila!" Nag-away ang dalawa. Sa paghahatakan nila sa mga anak ay nahulog ang mga bata sa kalawakan. Mabilis na hinabol ng Buwan ang mga anak na naging kumpol ng Bituin sa kalangitan. Ang Araw ay kuntento namang naghihintay na lamang sa kaniyang makinang na trono sa kalangitan. Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng asawa at mga anak. Mapapansing sa umaga at katanghalian matatanaw natin ang mapagmalaki at magagaliting Araw sa kalangitan. Sa gabi naman, makikita natin ang malamlam na liwanag ng Buwan at kikislap-kislap na mga Bituin sa kaitaasan.

Alamat ng AsoNoong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan. Ang ama na si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain. Samantalang ang ina naman na si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sina Maria at Jose. Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ng pamilya. At sa paglipas ng panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso. Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubas, naging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid. Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain. Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa.

15

At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar. Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose. "Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria. "Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose. Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog. Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol. Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata. Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama. Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama. Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin. "Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog. Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig. "Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon. Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

16

At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan. At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito sa mga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata. Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak. Kaya't maging maingat tayong makasakit ng ibang tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hindi marunong magmahal na tulad ni Magda.

Alamat ng BahaghariNoong unang panahon may mag-asawang Manobo na naninirihan sa baybayin ng mga Isla ng Saranggani. Bagama't maginhawa ang kabuhayan, malungkot ang mag-asawa sapagkat hindi sila biniyayaan ng kahit na isang anak man lamang. Lahat ng uri ng mga halamang gamot na ipinayo sa kanila ay walang naidulot na mabuting epekto. Ito ang dahilan kung kaya malungkut na malungkot ang dalawa. Sumangguni sila sa mga nakatatanda na nagpayong, "Kung hindi magamot ng tao, Diyos ang balingan ninyo." Nagpasyang makipagkita kay Walian ang mag-asawa. Ang Esperatista ay nagdasal upang ihatid ng Diwata ng Pagdadalangtao ang kanilang kahilingan. Ilang buwan lang ang nakaraan ay tuwang-tuwa nang ibinalita ng babae sa asawa na siya ay buntis na. Nagpasalamat ang mag-asawa kay Bathala sa magandang handog sa kanila. Isang malusog na sanggol na babae ang naging supling nila na pinangalanang Blunto. Lumaking napakaganda nito. Ipinagkakapuri ng mga tribung Manobo ang angking kariktan ni Blunto. Bukod sa ganda, masipag na masipag din ang dalagita. Tinamnan niya ng makukulay na bulaklak ang paligid ng bahay nila. Magaganda ang lumaking mga rosas, ilang-ilang at kamya. Nakakatawag pansin ang bugambilya, santan at ehampaea. Nakakabighani rin ang rosal, dama de noehe at orkidya.

17

Parang may magneto ang mga kamay niya. Bawat halamang madiligan ay pinamumulaklakan. Bawat bulaklak na bumukadkad ay kinagigiliwan. Lagi nang nagpapasalamat si Blunto sa Araw at Buwan sa pagtanglaw nila sa mga bulaklak dumilim man o lumiwanag. Isang gabi, habang pinanonood ni Blunto ang marahang pamumukadkad ng mga bulaklak ay nagulat siya sa isang parang panaginip na nabanaagan niya mula sa dagatdagatan. Hindi siya nagkakamali. Isang makisig na binata ang sakay ng isang puting kabayong lumilipad sa alapaap. Hindi alam ni Blunto na ang Araw at Buwang pinasalamatan na Hari at Reyna ng Kaitaasan ay natanawan siyang namimintana sa kanilang tinitirhan. Alam nilang mabuti ang kalooban ni Blunto na angkop na makilala ng kaisa-isa nilang anak. Iyon ang dahilan kaya parang panaginip na ipinatanaw nila sa dalagita ang katauhan ng anak nila. Maya-maya pa ay biglang naglaho ang papalapit na sanang binata. Kinaumagahan, iniisip-isip ni Blunto kung panaginip nga lang ba ang nakita niyang makisig na binata, at puting kabayong lumilipad sa alapaap? Isang umagang nagdidilig ng mga bulaklak si Blunto ay binulaga siya ng isang tinig. Paglingon niya ay hindi siya makapaniwala. Ang lalaking makisig sa kaniyang panaginip ang kaharap niya. Nakikiusap itong makikiinom sa matinding uhaw sa pamamasyal. Hindi na inusisa pa ng dalaga kung saan galing ang kausap niya. Para sa kaniya, sapat nang masaya siya habang kinakausap ng bisita. Nakipagkilala ang makisig na binata. Sinabi nitong sa isang napakalayong lugar siya nakatira na mahirap puntahan ninuman. Naging pala-isipan kay Blunto ang misteryosong binata. Hindi na niya itinanong kung ito nga ba yung binatang nakasakay sa puting kabayong lumilipad sa alapaap. Sapagkat nahihiya naman siyang sundan at tingnan kung nasaan ang may pakpak na kabayo, nakuntento na siyang nakita niya ang maamong mukha at nangungusap na mga mata ng isang binatang taos pusong iibigin niya. Laging hinihintay ni Blunto ang paglubog ng araw. Nangangahulugan kasi itong maaari na namang maligaw sa hardin niya ang makisig at mabait na binatang tinitingala niya. Hindi nagkamali ng sapantaha ang dalagita. Tuwing hapon nga ay dinadalaw siya ng panauhin niya. Lubos na napagsino ni Blunto ang kabaitan at katapatan ng binata. Ang makisig na panauhin ay nabighani rin sa kagandahan ni Blunto. Bukod sa panlabas na anyo, ang binata ay humanga sa natural na pag-uugali ng dalagita. Matapat at simpleng-simple lang ang mga gawi nito. Mapagkakatiwalaan mo si Blunto. Naniniwala ang makisig na binata na hindi panlabas na anyo ang dapat maging husgahan ng isang

18

nagmamahal. Kailangang may katuwaan ka sa puso kapag kasama mo ang dalagang pakakasalan mo. Kailangang iisa ang tinatanaw ninyong pangarap. Kailangang gusto mo siyang makasama sa buhay at kamatayan. Pero bata pa si Blunto upang tumanggap ng seryosong pakikipag-ibigan. Sapagkat wagas ang pagmamahal, matagal ding naghintay ang binata. Ilang taon din ang binilang bago tanggapin ni Blunto ang pag-ibig ng binata. Nang sagutin siya ng matamis na oo ay ipinagtapat ng misteryosong ginoo ang kaniyang tunay na katauhan. "Blunto, mahal ko, gusto kong malaman mo kung sino talaga ako." Sinabi ng binata na anak siya ng Haring Araw at Reyna Buwan. Na bumaba siya sa lupang sakay ng puting kabayong may pakpak mula sa kaitaasan. Na ipinadala siya ng mga magulang upang ipasabi sa dalagang nakararating sa kanila ang mga dasal ng pasasalamat na siyang dahilan upang ang mga tanim niya ay mag-usbong at mamulaklak. Na natutuwa ang mga magulang niya sa pagkakaroon ng isang nilalang sa daigdig na may busilak na kaloobang hindi mapapantayan ng anumang kayamanan. Binanggit din ng binata na alam na ng mga magulang niya ang damdamin nito sa dalaga. Na siya ay umiibig nang wagas kay Blunto. Na ipagsasama niya ang dalaga upang pakasalan sa kanilang kaharian sa kaitaasan. Nang pituhan ng binata ang puting kabayo na nagkakanlong sa mga puno ay naniwala na si Blunto sa sinasabi ng binata. Totoo nga palang may puting pakpak ang kabayo na katulad sa panaginip na nabanaagan niya maraming taon na ang nakaraan. "Hindi panaginip ang nakita mo, mahal ko. Ako yon na nagpakita sa iyo mula sa alapaap sa ibabaw ng dagat!" Sapagkat matagal nang minahal ni Blunto ang misteryosong mangingibig ay pinakiusapan niya itong ipagpaalam siya sa mga magulang. Sapagkat parang kabubukadkad pa lang na bulaklak si Blunto kaya tumutol ang mga magulang niya sa pagpa-paalam. Ayaw mawalay ng mga magulang ang nag-iisa nilang anak. Nagtangkang magtanan ang magsing-irog pero nahuli sila. Lalo tuloy hinigpitan ang dalaga. Bilang parusa, ikinulong si Blunto sa bahay nila at itinaboy ang misteryosong binata. Sa sobrang kaiungkutan, ang dalaga ay nagkasakit. Lubos na nag-alala ang kasintahan niya. Kahit na anong sibat ang iharang ay nagmamakaawa pa rin itong dalawin ang kasintahan. Sa pagpupumilit ng binata ay naaawa naman ang mga magulang ni Blunto. Ibinase nila ang pagpapalaya sa anak sa matapat na pag-ibig ng

19

binata. Sa takot na baka magkasakit na muli ang kaisa-isang anak ay pumayag na silang iuwi ng binata sa kaharian ng Araw at Buwan ang kaisa-isa nilang anak na pinakamamahal. Nanindigan ang mga magulang ni Blunto na kailangan munang maikasal sa lupa ang dalawa bago umalis papuntang kaitaasan. Simple subalit makabagbag-damdamin ang idinaos na kasalan. Magkahalong lungkot at saya ang nadama ng mga magulang ni Blunto. Saya na may makakatuwang na sa hirap at ginhawa ang anak nila. Lungkot, sapagkat maialayo na ang tanging anak na pinanggagalingan ng kanilang katuwaan sa araw-araw. Pagkatapus na pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam na ang mga bagong kasal. Sakay ng puting kabayong maglilipad sa kanila sa kaitaasan, dala-dala nila ang makukulay na bulaklak na pararamihin nila sa kaitaasan. "Ama, Ina," luhaang pagpapaalam ni Blunto, "kung malulungkot po kayo ay tumingin kayo sa kalangitan at tiyak na makikita ninyo ang mga bulaklak na tanim ko. Kapag nakita ninyo ang mga makukulay na arko ng mga bulaklak ay tiyak na naroroon ako at tinatanaw ko kayo." Mahigpit na niyakap ng mga magulang ang kaisa-isang anak at matapat na kinamayan ang manugang nila. Sa isang kisapmata ay nasa kalawakan na ang mga bagong kasal na kumakaway sa mga Manobong nagsisipagbunyi. Ilang araw lang ang lumipas ay malungkot na ang ama at ina ni Blunto. Subalit tulad ng pangako ng anak ay matatanaw nga naman sa kaitaasan ang arko ng mga bulaklak na sa lupa ay parang makulay na bahag ng hari. Bagama't pinanginginigan ang mga labi ng kalungkutan ay mapapansin din naman ang katuwaan sa mga mukha ng mga magulang. Habang tumatagal ay lalong nagiging makulay ang bahaghari ng kalikasan. Iyan ang alamat ng Bahaghari ng mga taga-Isla Saranggani sa Mindanaw.

Alamat ng BawangMapag-aruga at mapagmahal na ina si Uganda. Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na mapalaking mabait ang kaisa-isang anak na si Kulala.

20

Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kaniyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya. Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang mamatay ang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag-iisa na siya ay hindi na niya inisip mag-asawa. Pinagsikapan niyang palakihin sa mabuting asal si Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit si Uganda sa anak. Nais niyang makapag-asawa ito ng mayaman upang malayo sa karalitaang kanilang naranasan. Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ni Kulala. May kasabihang ang kagandahan at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung maganda ang isang dalaga, maaaring makapag-asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat ding kayamanan. Ito ang naging pamantayan ni Uganda para sa anak. Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag-usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang kutis at balingkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap na mga mata siya. Ang mga labi niya, kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na dala lalo't kapag siya ay nagtatampo na. Sapagkat marunong makipagkapwa tao kaya siya ay kaibigan ng bata at matanda. Mahirap at mayaman ay pantay lang sa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pinakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para sa kanya, ang pagpapakatao ay isang mabuting pag-uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rin daw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala. Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit lahat ay pinakikiharapan ng anak, nangangarap pa rin ang ina na sana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapangasawa ng kaniyang magandang dalaga. May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag-ibig sa kaniya pero wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat nang manhhgaw niya ay nagpapakiramdaman at nagpapayabangan mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na nagpapasikatan. Naririyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lang ay mayabang na itong lumusong sa tubig at sumisid na parang

21

barakuda sa kailaliman. Pero sinamang palad siyang mabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya kaagad. Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaylay na katawan ng mangingibig. Nasundan ito ng abenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay mayabang na lumusong sa ilug-ilugan na kinaroroonan ng pinakamababangis na buwayang kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus-diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag. Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa hapong katawan. Una siyang nalagutan ng hininga bagu tuluyang namatay ang diyablo. Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig. Namatay ang binata sa pagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag-aagawan ng kabinataan. Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ina ni Kulala ay siyang pumili ng mapapangasawa ng anak niya. Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Naririyan si Anturo na anak ni Datu Basti at naririyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayan ni Uganda, binuo niya sa sariling matira sa matibay ang dapat na paglabanan ng dalawa. Minsang nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay nagparunggitan sila sa isa't-isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa gusto nilang makamit ang kagandahang pinag-aawayan, ang pakikipaglaban ay nagwagi sa pakikipagkaibigan na nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay. Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punung-puno ng kalungkutan ang katauhan niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud-sunod pang naglaban ang marami pang mangingibig na handang mag-alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang pagmamahal. Sa dami ng dugong dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan patungo sa ituktok ng bundok. "Bathala ng Kabundukan!" nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, "Kunin na po Ninyo ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirap na po ang kalooban kong maging instrumento upang pag-awayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na pagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa na po kayo!" pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama ng pag-ibig na nakauunawa at sagrado.

22

Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Nagsalubungan ang mata talim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may ngiti ang mga labi sa katuwaan. Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto ni Kulalang lisanin ang daigdig. Maligaya si Kulala sa kinaroroonan ni Bathala. Sa tuktok ng Bundok ipinalibing ni Uganda ang bangkay ng anak. Lagi niya itong dinadalaw hanggang sa isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala. Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala. "Nasa kaharian Ko na si Kulala at masayang-masaya. Ang halamang iyan ay magpapaalala sa iyo sa mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at ipakilala sa mga tao." Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula noon ang mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na tinatawag ngayon bilang Bawang.

Alamat ng Bulkang TaalMayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan. Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos kinagisnan. sa kaisa-isa mahinhin si Taalita ang ng ugaling

Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak.

23

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay. Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda: "Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa." "Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?" "Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan. "Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina." "Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina," sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha. Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama. "Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!" "Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu. Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon. "Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo," paliwanag ng Datu. "Salamat ng marami po, Ama ko," ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo." Ilang sandali pa ang lumipas. " Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na," pakiusap ng Datu.

24

"Siya pong mangyayari Ama ko," Sagot ng Prinsesa. Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa. Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman. Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo. Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy. Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. "Isang himala ito!' laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?." Kaya't ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa. Subali't ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama. Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.

25

Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa. Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang. Nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala. Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat. Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.

Alamat ng Bulkang PinatuboMasagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas. Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim. "Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda." "Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana. "Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu.

26

"Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito. "Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay." "Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay. "Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu. "Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay. "Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu. Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok. Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya. Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin. May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu," saad ng salamangkero. "Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu. "Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng panauhin. "Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis na pasiya ng Datu. Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong mutya. Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot

27

sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok. "Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?" paksa ng usapan ng mga tao. Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero. "Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero. Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito'y kanyang nakaligtaan. "Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao," sumbong ng matatanda sa Datu. "Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian. Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin. Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe. "Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya.

"Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng Datu.

28

"Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas." Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga. Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok. Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon. Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon. Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito. Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo. "Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti. Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe. "May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan. "Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang hiling ng prinsipe. "Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu. Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw. Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging isang lawa. Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na "Lawa ni Alindaya" sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo.

29

Alamat ng Bundok ArayatAng Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan. Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng engkantada. Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.

30