Top Banner
1 GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA Ngayon, kaibigan, ay madali mo nang mapag-aaralan ang modyul tungkol sa pag- iimbak sa pamamagitan ng paggamit ng preserbatiba at matutuhan ang pagtutuos ng gastos at kikitain sa pagbibili ng inimbak na pagkain. Handa ka na bang magsimula? Sa panahong napakarami ang huling isda at sobra-sobra ang inaning mga gulay at prutas ay mabuting mag-imbak ng pagkain upang ang mga ito ay di masira at mabulok. Dito, malalaman mo ang mga mabisang preserbatibang kailangang gamitin. Bago mo sinimulan ay magbalik-tanaw ka sa mga paraan ng pag-iimbak. ALAMIN MO
11

GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

Nov 02, 2021

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

1

GRADE VI

PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA

Ngayon, kaibigan, ay madali mo nang mapag-aaralan ang modyul tungkol sa pag-

iimbak sa pamamagitan ng paggamit ng preserbatiba at matutuhan ang pagtutuos

ng gastos at kikitain sa pagbibili ng inimbak na pagkain. Handa ka na bang

magsimula?

Sa panahong napakarami ang huling isda at sobra-sobra ang inaning mga

gulay at prutas ay mabuting mag-imbak ng pagkain upang ang mga ito ay di

masira at mabulok. Dito, malalaman mo ang mga mabisang preserbatibang

kailangang gamitin. Bago mo sinimulan ay magbalik-tanaw ka sa mga paraan ng

pag-iimbak.

ALAMIN MO

Page 2: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

2

Basahin ang mga bugtong na nakasulat sa mga kahon. Piliin ang sagot ng tamang

paraan ng pag-iimbak na nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Pagyeyelo

2. Pagtutuyo

3. Pag-aasin

4. Pagsasalata

5. Pagmamatamis

1.

Paraang ginamit ay yelo

Sa pagsugpo ng mikrobyo

Anong paraan ito?

2.

Magkaibigan ang isda at karne

Asin ang kasama sa bote

Anong paraan ito?

3.

Ako’y si pusit

Nakadipa sa init

Anong paraan ito?

4.

Sa lata na walang pinto

Nang pumasok ako

Walang buntot walang ulo

Anong paraan ito?

5.

Ako’y asukal na pino

Sa prutas sumama ako

Sa paraang gusto mo

Anong paraan ito?

Matapos mong sagutan ang mga bugtong ay maaari mo nang pag-aralan ang mga

preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain.

PAGBALIK-ARALAN MO

Page 3: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

3

Ipakikilala ka sa iyo ang iba’t ibang preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng

pagkain.

1. ASIN- Isinasama at inihahalo sa pagkaing nais patuyuin.

2. INIT NG ARAW- Ang pagkain ay hinihiwa nang manipis, inilalatag sa

lalagyan at ibinibilad sa init ng araw.

3. USOK- Ang isda ay inaasinan at niluluto ng bahagya bago inilalantad sa

usok ng nasusunog na pinagkataman na kahoy.

4. ASUKAL- Ang prutas o bungangkahoy ay pinepreserba sa maraming

asukal.

5. SUKA- Ang pagkain ay inihahanda, inaasukalan at nilalagyan ng suka at

iba pang pampalasa na nagbibigay sarap na lasa at amoy sa pagakain.

6. SALITRE- Isang kemikal na ginagamit sa karne, isda, gulay o prutas

upang tumagal ang pagkain.

7. YELO- Ang lamig ng temperatura ang pumipigil sa pagkakaroon ng

mikrobyo sa pagkain.

Matapos mong makilala ang mga preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng

pagkain ay pag-aralan mo ang isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. pag-aralan ang

batayang impormasyon at paraan ng pagdadaing ng hasa-hasa

PAGDADAING NG ISDA

Mga Sangkap Mga Kagamitan:

1-tasang asin pantakip na lambat

2-tasang tubig salaan

1-kilong sariwang hasa-hasa kutsarang kahoy

mangkok

katsa

bistay na salaan

sisidlan o clay jar

PAG-ARALAN MO

Page 4: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

4

Paraan ng Paggawa:

1. Hiwain sa likod ang isda at ibuka ito. Alisin ang lamang loob o bituka.

Hugasan nang mabuti ang tiyan ng isda.

2. Ilagay ang mga isdang biniyak sa salaan upang patuluin ang tubig.

3. Kung 1 kilong isda ang dadaingin, maghanda ng 1 tasang asin

paghaluin ang 3 tasang tubig at 1 tasang asin. Ito ang “ brine solution”

Page 5: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

5

4. Salain sa katsa ang brine solution upang maalis ang anumang dumi.

5. Ilagay sa malalim sa palanggana ang mga isda, at ibuhos dito ang brine

solution.

6. Patungan ng plato ang mga isda. Idiin nang bahagya ang kamay upang

masiksik at mababad nang husto ang isda sa solusyon. Ibabad ito sa

loob ng 6 na oras. Pagkatapos, patuluing mabuti ang tubig.

Page 6: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

6

7. Ilagay ang mga isda sa bistay. Tiyakin na hindi magkakapatung-patong

ang mga binilad na isda upang maging pantay ang pagkakatuyo ng

mga ito, Takpan ng lambat upang di dapuan ng kulisap at ibilad sa init

ng araw.

Mahalagang magkaroon ka ng karanasan na matuto sa paggawa ng Daing na isda,

ngunit kailangang malaman mo rin ang pagtutuos ng gastos at kikitain sa paggawa ng

daing na isda, lalo na kung nais mong magkaroon ng dagdag kita.

Magiging tagumpay ka sa gawaing ito kung isasagawa at isasaloob ang mga

tamang paraan at gawi sa paggawa.

Ngayon, tingnan mo ang Pagtutuos ng nagastos sa mga sangkap sa pagdadaing ng

isda.

Sangkap:

1-tasang asin P 4.00

2-tasang tubig

1-kilong hasa-hasa P 100.00

P 104.00- Halaga ng puhunan

Ang paglalagay ng presyo o halaga ng paninda ay ibinabatay sa pamantayang

pinaiiral ng pamahalaan.

Pormula: puhunan P 104.00-Puhunan

X 15% X15% -

15.60 dagdag

P 104.00

+ 15.60

P 119.60- halaga ng pagbebenta ng 1

kilong daing na isda.

Page 7: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

7

Inaasahang maliwanag ang kuwenta sa “Pagdadaing ng Isda”. Sa puhunan mong

isandaan at apat na piso (P104.00) ay maipagbibili mo ng isang daan, labinsiyam na

piso at animnapung sentimos (P119.60). Kaya may tubo kang labinlimang piso at

animnapung sentimos (P15.60). Hindi ba maayos na iyon? Kaya kung may puhunan

ka, maaari ka nang magsimula ng isang negosyo upang kumita ka.

Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isang

malinis na papel.

1. Ano-ano ang mga preserbatibang ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain?

2. Bakit mahalaga ang mga preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain?

3. Ibigay ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng daing na isda.

.

Ang suka, asukal, yelo, salitre, asin, init ng araw, at usok ang mga preserbatibang

ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain. Ginagamit ang mga ito upang hindi agad masira

ang pagkain. Sa pag-iimbak, kailangang malaman ang pagtutuos ng mga gastusin

para sa mga sangkap gayundin upang malaman ang tutubuin.

SUBUKIN MO

TANDAAN MO

Page 8: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

8

Sagutin nang matapat ang mga tanong sa tseklist.

OO HINDI

1. Natutuhan ko ba ng mga hakbang sa

pagdadaing ng isda?

2. Alam ko na ba ang iba’t ibang

preserbatiba na magagamit sa pag-iimbak

ng pagkain?

3. Alam ko ba na ang mga isda ay angkop

gawing daing? Magagawa ko ba itong

mag-isa?

4. Makapagtutuos ba ako ng gastusin kung

mag-iimbak ako ng pagkain?

5. Magagawa ko bang magkaroon ng

tutubuin at di malulugi kung

magnenegosyo ako?

Kabuuan

Iskor para sa OO 4-5- Napakagaling

2-3- Magaling

0-1- Kailangan pagalingin pa

ISAPUSO MO

Page 9: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

9

A. Basahin ang mga pangungusap at sagutan ang mga puwang.

Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Ang _______ ay isang sangkap na kailangan sa pagdadaing ng isda.

2. Ang atsarang papaya ay tinitimplahan ng ______ at iba pang pampalasa.

3. Sa paggawa ng hamon at tocino, may sangkap na isinasama tulad ng

_________ upang tumagal at di masira ang pagkain.

4. Ang lamig ng ______ ang pumipigil sa pagkakaroon ng mikrobyo sa

pagkain.

5. Ang Jam at Jelly ay nilalagyan ng tamang sukat ng ________.

B. Gumawa at humanap ng mga larawan na may kaugnayan sa iba’t ibang paraan ng

pag-iimbak sa isda. Gupitin at ilagay sa isang malinis na papel. Lagyan ng

“caption”.

Kilalanin ang mga sumusunod na preserbatiba, sangkap, at kagamitan sa pag-

iimbak ng pagkain.

1. - Asin

GAWIN MO

PAGTATAYA

Page 10: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

10

2. – suka

3. - yelo

4. - salitre

5. – isda

6. –mangkok

Page 11: GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO

11

7. -bistay

8. –asukal

9. –lambat

10. – salaan

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging

pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-

aralan ang susunod na modyul.