Top Banner
22

Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3 wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Jan 12, 2017

Download

Education

Arnel Bautista
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental
Page 2: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Kung ang inyong bakuran ay matagal nang may tanim na mga halaman at puno, maaari ba itong baguhin?

Page 3: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental
Page 4: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Mas magiging maayos at mapa -lamuti ang inyong bakuran kung may kaalaman ang gagawa ng simpleng landscape gardening. Alamin muna ang anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi maganda ang dating mga tanim, maaaring dagdagan ng

Page 5: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

lupang mataba o anumang organikong bagay na maaaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang mga pananim kapag tuyo, matigas, at bitak-bitak ang lupa. Ganito rin ang mangyayari kapag malagkit at sobrang basa ang lupa.

Page 6: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa sa pagta- taniman ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, kung ito ay malag -kit at sobrang basa?

Page 7: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Matapos makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman ito. 1. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, nararapat na haluan ito ng mga organikong bagay gaya ng mga binulok (decomposed) na mga halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong dahon, at mga dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang tataniman.

Page 8: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

2. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost upang lumuwag ang lupa.

Page 9: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Ano-anong kasangkapan ang gagamitin upang maayos ang lugar na pagtataniman?

Page 10: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Kapag naayos na ang lupang tataniman, pwede na itong bungkalin gamit ang asarol at piko. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di kailangang bagay ng halaman sa lupang tataniman habang nagbu- bungkal.

Page 11: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong pataba gaya ng kompos o humus at patagin ito gamit ang kalaykay (rake).

Page 12: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang taniman, maaari na itong taniman ng mga halaman o punong ornamental.

Page 13: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental
Page 14: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

PAGLALAHATSa paghahanda ng taniman para sa mga halamang ornamental, maganda ang disenyo kapag may nakaangat na lupa at may iba’t ibang hugis ng bato sa panabi ng taniman. Sa malalawak na lugar, maaaring maglagay ng

Page 15: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

pergola, fish pond, garden set,at grotto,at sa di-gaanong malalawak, simpleng kaayu -san lamang ang nararapat gaya ng mga palamuting banga o porselanang sisidlan ang ilalagay.

Page 16: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Pangkatang Gawain:Lalabas ng silid-aralan at isasagawa ang paghahanda ng lupa. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng lugar kung saan magtatanim ng mga halamang ornamental.

Page 17: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental
Page 18: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Pagtataya:Sagutin ang sumusunod:1. Kailangan bang gumamit ng angkop na kasangkapan sa paghahanda ng taniman?a. Tama c. Puwedeb. Mali d. Maaari2. Sa pagtatanim ng mga halamang ornamental, ang lupang taniman ay karaniwan nang nakaangat?a. Tama c. Puwedeb. Mali d. Maaari

Page 19: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

3. Ano ang maaaring ilagay sa gilid ng lupang tataniman? a. kawayan c. bulaklak b. mga bato d. paso4. Paano napapaganda ang malalawak na lugar? a.garden set c. pergola b.grotto d. lahat

Page 20: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

5. Ano ang dapat ilagay kapag ang uri ng lupa sa pagta- taniman ay tuyo, matigas, at bitak-bitak? a. lupa c. organiko b. mga bato d. buhangin

Page 21: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Takdang-aralin:Maghanda ng mga halaman/ punong ornamental na gagamiting pantanim upang makagawa ng isang simpleng landscaping sa paaralan.

Page 22: Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ng halamang ornamental

Powerpoint source by:ARNEL C. BAUTISTADEPED. LUMBO E/S