Top Banner
H iyas Lahi ng A l i n su n o d s a 9 Kto12 G a b a y n g G u r o Gabay ng Guro at Karagdagang mga Pantulong sa Pagtuturo n Magdalena O. Jocson May-akda/Patnugot/Koordineytor Advance Reading Copy
32

Gr9_tmdhgsdgbsd

Dec 27, 2015

Download

Documents

vaiz_killer

sdbnsdbsdbsdb
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Gr9_tmdhgsdgbsd

Hiyas Lahing

• Alinsunod sa •

9Kto12

Gabay ng Guro

Gabay ng Guro at Karagdagang mga Pantulong sa Pagtuturo

n Magdalena O. JocsonMay-akda/Patnugot/Koordineytor

Advance Reading Copy

Page 2: Gr9_tmdhgsdgbsd

ii | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

Sining ng Komunikasyon SeryeHiyas ng Lahi 9Panitikan, Gramatika, at RetorikaAlinsunod sa K to12 Kurikulum

Gabay ng Guro at Karagdagang mga Pantulong sa Pagtuturo

ISBN 978-971-07-3107-7

Karapatang-ari © 2013 ng Vibal Publishing House, Inc. at ni Magdalena O. Jocson.

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaa ring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang digital at pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Lahat ng ilustrasyon na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng Vibal Publishing House, Inc. at di-maaaring kopyahin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng v Vibal Publishing House, Inc.

MANILA: 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines

CEBU: 0290 Nivel Hills, Lahug, Cebu City, Philippines

DAVAO: Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City, Philippines

Kasapi: Philippine Educational Publishers Association (PEPA); Book Develop-ment Association of the Philippines (BDAP); and National Book Development Board (NBDB).

PASASALAMATTaos-pusong pasasalamat sa mga dakilang manunulat ng ating bansa sa paggamit ng kanilang

mga akda sa aklat na ito na malaking tulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral; buong akda man, buod o halaw. Ang tinutukoy na mga manunulat ay sina:

Joe Lad Santos, Ildefonso Santos, Jose Corazon de Jesus, Patrocinio V. Villafuerte, Cirio H. Panganiban, Ponciano B. P. Pineda, Amado V. Hernandez, Jose Villa Panganiban, Alejandro G. Abadilla, Francisco Baltazar, Emilio Jacinto, Teodoro Gener, Andres Bonifacio, Julian Cruz Balmaseda, P. Mariano Sevilla, C. M. Vega, Lorenza V. Abellera, Dionisio Salazar, Rogelio Sicat, Aurelio Tolentino, Fausto Galauran, Juan Cruz Matapang, at Francisco ‘Soc’ Rodrigo.

Pagpapahalaga sa sumusunod na akda na nagbigay ng mayayamang impormasyon na pagkaka-kilanlan ng kulturang Pilipino. Ito ay ang sumusunod:

Comedia de Juan Tiñoso, Duplo, Karagatan, Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, Alin ang Mabisang Puhunan ng Tao sa Pagpapaunlad ng Pilipinas: Sipag o Talino?, Pag-aalay Kay Birheng Maria, Alin ang Lalong Mahalaga: Ang Sariling Wika o ang Wikang Dayuhan?, at Panuluyan.

Muli, maraming salamat po.

Page 3: Gr9_tmdhgsdgbsd

| iii

Sa bawat pagbabago ng kurikulum sa edukasyon, layon na mapaunlad ang kalidad nito.

Maraming pangangailangan ang dapat gawin upang maipatupad ito, tulad ng mga aklat, modyul, iba pang babasahin, at ang pinakamahalaga ang GURO.

Dapat na handa ang guro sa anumang pagbabago upang tugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral na kaniyang tinuturuan.

Dahil sa pagbabagong nabanggit, K to 12 na kurikulum ang haharaping hamon ng mga guro at mag-aaral.

Pangkalahatang layunin ng kurikulum na K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi.

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino sa tulong ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, panonood, at pagpapahalagang pagpapakatao ang paglinang ng:

1. kakayahang komunikatibo, 2. replektibo/mapanuring pag-iisip,3. pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang

babasahin, at paggamit ng teknolohiya upang mapatatag ang pambansang pagka-ka kilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Dahil dito, ang Hiyas ng Lahi na isang serye ng aklat sa Panitikan, Gramatika, at Retorika ay tinugunan ang pagbabagong ipatutupad sa Batayang Edukasyon — ang K to 12 kurikulum.

Papaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sinunod ang dulog na spiral progres-sion, na habang tumataas ang antas ng pag-aaral ng bawat mag-aaral, nalilinang naman ang kahusayan sa mga makrong kasanayan sa komunikasyon. Bunga nito, nagiging maka-hulugan at epektibo na ang kanilang pagkatuto.

Kalakip ng Batayang aklat na ito ang Gabay ng Guro sa pagtuturo na lilinang sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Gagabayan nito ang guro sa bawat gawain na dapat ipatupad sa mga mag-aaral.

Gumamit ng teknolohiya bilang pagpapayaman sa aralin tulad ng web links.Sa kabuuan, modelong UbD ang ginamit sa Gabay na ito ng Guro na malinaw na

ipinahahayag na layong magkaroon ng tiyak na produkto sa pagtatapos ng bawat kwarter. Sa paglinang ng bawat produkto, may ugnayan (scaffolding) ang Inaasahang Pagganap (Performance Task) sa bawat aralin. Ang nasabing produkto ay mapakikinabangan ng mga mag-aaral sa araw-araw na buhay niya.

Makikita rin sa Gabay ng Guro ng Aklat na ito ang konseptuwal na balangkas ng bawat aralin at karagdagang rubrics na magpapatibay sa pagtatasa ng iba’t ibang kakailanganing gawain gayundin sa mga Inaasahang Pagganap/Produkto.

Ang May-akda

Page 4: Gr9_tmdhgsdgbsd

iv | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

Isang malaking hamon ang pagtuturo ng sabjek na Filipino. Nagsisilbi itong pundasyon sa wasto at maayos na pakikipagkomunikasyon ng isang mag-aaral.

Malaking tulong sa isang guro ng nasabing asignatura ang ilang mahahalagang konsepto sa Filipino tulad ng:

ang Filipino ay isang sabjek pangwika;

sabjek batay sa kasanayan (skill based subject) na ang pokus ay linangin ang mga makrong kasanayan sa komunikasyon (pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood);

magagamit ang Filipino sa larangang akademiko

Kaugnay ng mga konseptong ito sa sabjek na Filipino, makikita sa Gabay na ito ang mga pantulong upang mas lalong maging malinaw kung paano ito ituturo sa mag-aaral na Pilipino.

Dahil sinunod ang modelong UbD (Understanding by Design) binubuo ng tatlong antas ang bawat aralin.

Maglalaman ang Antas I ng:

Pamantayang Pangnilalaman – Nakapaloob dito ang mga konseptong lilinangin sa Panitikan, Gramatika, at Retorika.

Produkto ng Bawat Kwarter – Ito ang inaasahang matatamo ng mga mag-aaral sa bawat kwarter.

Pamantayan sa Pagganap – Ito ang inaasahang output sa bawat aralin na kaugnay (scaffolding) ng produkto ng bawat kwarter.

Pokus na mga Tanong Para sa Aralin (EQ) – Mga tanong na magiging gabay sa pag linang sa pam panitikan at panggramatikang kasanayan na may integrasyon sa Retorika.

Mahahalagang Konsepto (EU) – Mga pag-unawa sa nilalaman ng bawat konseptong lilinangin na mga tugon sa Pokus na mga Tanong.

Konseptuwal na Balangkas ng Aralin – Grapikong magpapakita ng mga konsepto/araling tatalakayin at lilinangin. Magiging gabay ito na mas madaling maunawaan ang araling tatalakayin.

Mga Kasanayang Pampagkatuto – Sa bahaging ito nakalagay ang mga kasanayan/domain na lilinangin sa bawat aralin.

Page 5: Gr9_tmdhgsdgbsd

| v

Sa Antas 2 naman ilalahad ang Pagtataya sa Produkto/Inaasahang Pagganap sa tulong ng rubrics at ilang piling gawain. Gagamitin ang Rubrics sa pagtatasa ng Produkto sa bawat kwarter.

May paglalahad din sa antas na ito ng tungkol sa Aspekto ng Pag-unawa (Six Facets of Understanding) na ginamit sa pagpapahalaga ng tekstong binasa, para sa iba’t ibang gawain at mga pagsasanay sa bawat aralin. Binubuo ang Aspekto ng Pag-unawa ng sumusunod:

Pagpapaliwanag – Naglalahad o nagbibigay ng linaw sa mga pahayag, pangyayari, sitwasyon, kahulugan, simbolismo na ginamit sa akda at iba pa.

Pagpapakahulugan – Tinatawag ding interpretasyon. Binibigyang pagpapakahulu-gan ang matatalinghagang pahayag, mga gawi o kilos ng mga tauhan sa isang kuwento, kaugnayan ng pamagat sa mga pangyayari sa kuwento at iba pa.

Paglalapat – Aplikasyon sa buhay na maaaring naranasan na ng mag-aaral sa lipu-nang ginagalawan niya. Mga kaisipan, mahahalagang pangyayari, katangian ng mga tauhan ang maaaring magkaroon ng paglalapat.

Pagbibigay ng Sariling Reaksiyon – Lahat ay maaaring magbigay ng pananaw sa anumang pangyayari, ikinilos ng mga tauhan, iba’t ibang sitwasyon, kalagayan ng lipunan, at iba pa. Maaaring ibatay ang pananaw sa namasid, naramdaman, at naranasan.

Pagpapahayag/Pagdama ng Sariling Damdamin at Damdamin ng Iba – Pag-uugnay ng sariling damdamin at damdamin ng iba kung ikaw ang nasa kalagayan nila.

Pagkilala sa Sarili – Sa pag-unawang ito, naipakikita kung nakaimpluwensiya o nakapagpabago ng ilang dati nang gawi o ugali pagkatapos na basahin ang kuwento o akda.

Naglalaman naman ang Antas 3 ng apat na pangunahing bahagi ng bawat aralin. Ang Tuklasin, Linangin, Palalimin, at Ilapat. Dito dumaloy ang paglinang sa mga konseptong nilinang sa bawat kwarter. Nakapaloob dito ang bawat gawain at mga pagsasanay na ginamit sa paglinang tungo sa pagtatasa ng pag-unawa ng mga mag-aaral.

Ang May-akda

Page 6: Gr9_tmdhgsdgbsd

vi | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

Sa bahaging TUKLASIN ang simula ng pag-talakay sa PANITIKAN. Dito ihahanda ang mag-aaral sa ara ling tata lakayin. Nakapaloob din dito ang Mahahalagang Tanong na dapat masagot ng mag-aaral sa pagtatapos ng aralin.

Maipahahayag ng mag-aaral ang kaniyang iskema o dati nang alam sa araling tatalakayin na habang nagtata lakay ay malalaman niya na may kaugnayan at wasto ang dati na niyang alam.

Binubuo ng Apat na Pangunahing Bahagi

ang AKLAT:

Sa LINANGIN, ipababasa ang teksto para sa araling pampanitikan. Ang unang aralin ng bawat kwarter ay may b Tunghayan Mo kung saan mababasa ang Kaligirang Pangkasaysayan ng panitikang babasahin. Sa bahaging b SiMulan Mo lilinangin ang tala salitaan. Kasunod ang b unawain Mo na susubok sa kompre-hensiyon ng mag-aaral sapagkat may mga tanong o gawain na ipasasagot o ipagagawa. May pagtalakay rin sa aral na nakapaloob sa binasang teksto. Sa bahagi pa ring ito ang paglinang ng kasanayang pampanitikan tulad ng mga elemento ng isang akda, uri, at batayan ng pagkakasulat o pagkakabuo.

Page 7: Gr9_tmdhgsdgbsd

| vii

Sa bahaging PALALIMIN ang lalim ng talakay sa kasanayang pampanitikan sa tulong ng mga tanong o gawain.

Dito lilinangin ang kasanayan sa GRAMATIKA na may integrasyon ng RETORIKA.

Sa ILAPAT, dito naman lilinangin ang Inaasahang Produkto sa bawat kwarter na pinakamahalagang layong nais matamo sa bawat mag-aaral.

Holistiko ang paglinang ng aralin sa PANITIKAN, GRAMATIKA, at RETORIKA, na ang ibig sabihin ay buo at magkakaugnay.

Naniniwala ang mga may-akda ng Batayang Aklat na malaking tulong ang Gabay na ito sa interdisiplinaring pagkatuto ng mag-aaral. Magkakaugnay na matututuhan ang mga makrong kasanayan na maga gamit sa araw-araw na buhay ng mag-aaral.

Halika, mag-aral at simulan mo na!

Page 8: Gr9_tmdhgsdgbsd

viii | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

Panimula sa yunit ng bawat kwarter na nagbibigay ng mga panimulang kaalaman sa anyo ng panitikan na lilinangin.

Inaasahang pangunahing layon na mata-tamo ng mag-aaral sa bawat kwarter.

Nililinang sa bawat aralin bilang pan tulong sa Inaasahang Produkto sa pagtatapos ng kwarter.

Teaser, dito karaniwang nakapaloob ang aral na inilahad sa araling tinalakay.

Mga kasanayang lilinangin sa Panitikan, Gramatika, at retorika.

Karagdagang impormasyon na pasaliksik ang paraan. Makatutulong ito sa higit na pagpapalawak ng kaalaman sa tulong na rin ng web links na nakasaad.

Inihahanda ang mag-aaral sa bahaging ito sa aralin sa Panitikan. Nililinang ang iskema o dati nang alam sa araling tatalakayin.

Mahahalagang Tanong para sa aralin sa Panitikan.

Paglinang sa talasalitaan at mga tanong pangkomprehensiyon kaugnay ng araling tatalakayin. Gumamit ng mga tanong na nasa anim na aspekto ng pag-unawa (Six Facets of Understanding).

May iba’t ibang teknik at graphic organizer.

Teksto na lilinang sa kasanayang pam panitikan tulad ng elemento, uri, at batayan ng pagkakasulat o pagkakabuo.

May karagdagang kaalaman kaugnay ng paksa ng babasahing teksto.

Page 9: Gr9_tmdhgsdgbsd

| ix

Susubok sa pag-unawa ng mag-aaral sapagkat may mga tanong o gawain na sasagutin o gagawin.

Lalim ng talakay sa kasanayang pampani-tikan sa tulong ng mga tanong na kritikal at interaktibong mga gawain.

Mahahalagang Tanong sa Gramatika na susubuking sagutin ng mag-aaral.

Induktibo ang paraan ng paglinang na sini mulan sa paglalahad na magi ging batayan ng lilinanging aralin sa Gramatika.

Dahil nga induktibo, magkakaroon ng pagsusuri sa paglalahad at kapag nasuri na ng mag-aaral kung anong Gramatika ito, kayarian man o komunikatibo, papatibayin ito ng b Tan-daan Mo. At upang mataya ang natutu-han, may iba’t ibang Pagsasanay sa ilalim ng b gawin Mo.

Kasanayang lilinangin sa retorika na may integrasyon sa Gramatika.

b iSulaT Mo, sa bahaging ito ang output ng natutuhan sa Gramatika na karaniwang ang paksa ng isusulat ay may kaugnayan sa Panitikang tinalakay.

Pagsasagawa ng pangunahing layon ng aralin o kwarter. May sariling pagtataya sa tulong ng rubrics.

Lagom na natutuhan sa bawat bahagi ng aralin na nilinang.

Page 10: Gr9_tmdhgsdgbsd

x | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

LaGom nG mGa niLaLaman

Lawak ng Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin at Gawain ...................................

Kwarter I MGA AKDA: PAMPANITIKANG ASYANO SA PAGBABAGO NG AKING SARILI Aralin 1 Sa Burma Lahat na lang Ipinagbibili ......................................................................................................

PaniTikan: 1. ......... Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento sa Timog at Timog-Silangang Asya

2. Sa Burma Lahat na lang Ipinagbibili Maikling Kuwentong Burmese ni Maria Sanda (Salin sa Filipino

ni Pamela Constantino) 3. Pag-iisa-isa ng mga Bahaging Nagpapakita ng Tiyakang Kaugnayan

ng mga Tauhan sa Pwersa ng Kaliksan ................................................................

graMaTika: Paglalahad Nang Pasalita ng mga Pansariling Damdamin Tungkol sa Akda na May Kaugnayan sa: ...................................................• mgahilig/interes • pagkatakot

• kagalakan/kasiglahan • pagkaaliw/pagkalibang

• pagkainip/pagkayamot • atibapa

reTorika: Pagsulat ng Isang Tekstong Naglalahad ng Pagpapaliwanag ng Pamamaraan Kung Paano Mabisang Makabubuo ang Isang Photo Essay .............................................................................................................................

Aralin 2 Papel ........................................................................................................................................................................................PaniTikan: 1. Maikling Kuwentong Singaporean ni Catherine Lim ......................

2. Pagbubuo ng Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda Batay ...................................... sa mga Pamantayang Internal na Taglay ng Mambabasa

3. Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Konotasyong Ginamit sa Binasang Akda ..........................................................................................

graMaTika: Paglalahad Nang Pasalita ng mga Pansariling Damdamin Tungkol sa Akda na may Kaugnayan sa: .............................................................• mgahilig/interesokawilihan • pagkatakot

• kagalakan/kasiglahan • pagkaaliw/pagkalibang

• pagkainip/pagkayamot • atibapa

reTorika: Pagsulat ng Isang Tekstong Naglalahad ng Pagpapaliwanag ng Pamamaraan Kung Paano Mabisang Maisasagawa ang Isang Monologo ...................................................................................................................

Aralin 3 Beristerikan Barbalan .............................................................................................................................................

PaniTikan: 1. Alamat na Supernatural Mula sa Brunei Darussalam (salin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson) ...........................................

2. Pag-uugnay ng mga Kaisipang Nakapaloob sa Akda Batay sa Karana-sang:• pansarili • pampamilya

• panlipunan • pandaigdig

• pampamayanan

graMaTika: Pagpapahayag nang Buong Linaw

Page 11: Gr9_tmdhgsdgbsd

| xi

ng mga Kaisipan at Damdamin Tungkol sa Paksa/AkdareTorika: Pagsulat ng Pagpapaliwanag Kung Paano Isasadula

ang Napiling Bahagi sa Binasang Akda ...............................................................

Aralin 4 Sa Isang Malayong Bayan ..................................................................................................................................

PaniTikan: 1. Nobelang Malaysian ni K.S. Maniam (Kabanata 11) (salin sa Filipino ni Galileo Zafra)

2. Pagsusuri sa Tunggaliang Tao vs sarili

3. Pagbibigay ng inTerPreTasyon sa Mga PahiwaTig na ginaMiT sa binasang akda

graMaTika: Mga Pahayag na Maaaring Gamitin sa Pagsusuri .................................reTorika: Pagsulat ng Isang Pangyayari na Nagpapakita

ng Tunggaliang Tao vs Sarili ........................................................................................ Aralin 5 Rebolusyon .......................................................................................................................................................................

PaniTikan: 1. Isang Nobelang Cambodian na isinalin ni Ruth Elynia S. Mabanglo (Halaw) ....................................................................................................

2. Paglalarawan ng mga Katangian ng Akdang May Manipestasyon ng Realismo

graMaTika: Pagbibigay ng Sariling Kuro-kuro o Palagay sa mga Detalye, Pangungusap, Kaisipan, at Opinyong Nakapaloob sa Akdang Binasa

reTorika: Pagsulat ng Opinyon Tungkol sa Mahalagang Isyu Kaugnay ng Rebolusyon sa Bansang Asya (Timog-Silangang Asya) ...................

Aralin 6 Tinig ng Darating (Tula – Pilipinas) ni Teo S. Baylen ..............................................................

PaniTikan: 1. Paglalahad ng Sariling Pananaw Kaugnay ng Pananaw ng Iba Tungkol sa Pagkakaiba-iba o Pagkakatulad ng mga Paksa sa mga Akdang Asyano .................................................

2. Pagpapaliwanag sa Gamit ng Magkakasingkahuligang Pahayag sa Ilang Taludturan .....................................................................

graMaTika: Paggamit Nang Wasto ng mga Salitang Naglalarawan ...........................

reTorika: Pagsulat ng Ilang Taludtod na Naglalarawan ng Pagpapahalaga ng Pagiging Mamamayan ng Isa sa mga Bansa sa Asya .........................

Aralin 7 Dekada ‘70 (Pelikulang-Dula) ni Lualhati Bautista sa Direksiyon ni Chito S. Roño

PaniTikan: 1. Paglalapat ng Pangunahing Kaisipan ng Pelikula-Dula sa Sarili Bilang Asyano ................................................................................

2. Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Salita Habang Nagbabago ang Estruktura Nito ......................................................................................

graMaTika: Pagsusuri ng Wastong Gamit ng mga Salita na Nagpapahayag ng Pagiging Makatotohanan ........................................................................

reTorika: Pagsulat ng Pagsusuri ng Pagiging Makatotohanan ng Ilang Pangyayari sa Isang Pelikula o Dula ..................................................

Aralin 8 Malikhaing Panghihikayat ng Pinili at Sinuring Akdang Asyano sa Pamamagitan ng Pagsasakomiks Nito .............................................

Mga Kasanayan:

Page 12: Gr9_tmdhgsdgbsd

xii | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

• Panghihikayat

• Pagsusuri

• PagbuongKomiks

• Pagguhit(Larawang-guhit,FigureStick,Anime)

Lawak ng Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin at Gawain ................................

Kwarter II PAG-UNLAD NG PAMILYANG ASYANO: INILALARAWAN SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN ...........................................................................................

Aralin 1 Tanka at Haiku (Tulang Hapones) ..................................................................................................PaniTikan: 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku (Tulang Hapon) .. 2. Pagsusuri sa Estilo ng Pagkakabuo ng Tanka at Haiku 3. Pagbibigay-kahulugan sa Matatalinghagang SalitagraMaTika: Pagbigkas Nang May Wastong Antala/Hinto at Damdamin .............reTorika: Pagsulat ng Sariling Tanka at Haiku .......................................................................

Aralin 2 Ang Mabuting Mag-isip at ang Di-Mabuting Mag-isip (Mula sa Panchatantra ng India) PaniTikan: 1. Ang Mabuting Mag-isip at ang Di-Mabuting Mag-isip

(Mula sa Panchatantra ng India) (Salin ni M.O. Jocson) ...................... 2. Pagkiklino sa mga Salita Batay sa Tindi ng Emosyon/Damdamin

graMaTika: Paggamit ng Iba’t Ibang Paraan sa Pagpapahayag ng Emosyon/Damdamin ................................................................................

reTorika: Pagsulat ng Pabula na Babaguhit ang Karakter ng Isa sa mga Tauhan sa Pabula ...............................................................................

Aralin 3 Analects (Salawikain sa Tsina) ...........................................................................................................PaniTikan: 1. Pagsusuri sa Proseso ng Padron ng Pag-iisip

(Thinking Pattern) sa mga Ideya at Opinyong Inilalahad sa Binasang Sanaysay .............................................................

2. Pagpapaliwanag sa Salitang May Higit sa Isang Kahulugan ........graMaTika: Wastong Gamit ng mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag

ng mga Opinyon ...............................................................................................reTorika: Pagsulat ng Sariling Opinyon Tungkol sa mga Dapat

o HIndi Dapat Taglayin ng Isang Kabataang Asyano ................................

Aralin 4 Mas Gusto ng Ilan ang mga Halamang Matinik (Nobelang Hapones) (Kabanata 14) .............................................................................................PaniTikan: 1. Nobelang Hapon ni Junichiro Tanizaki (

salin sa Filipino ni Romeo G. Dizon) .................................................................. 2. Paglalahad ng Kulturang Nakapaloob sa Binasang

Halimbawa ng Nobelang Pangkatutubong Kulay ............................graMaTika: Paggamit ng mga Pahayag sa Pagsisiimula ng Kuwento o Salaysay

Aralin 5 Dulang Komedya (Dobu Kachirri – Hapones) .......................................................................PaniTikan: 1. Pagsusuri ng Dula Batay sa Pagkakabuo ng mga Elemento Nito

2. Elemento ng Dula• Tagpuan • Tauhan

• Banghay • Dayalogo

• Iskrip

Page 13: Gr9_tmdhgsdgbsd

| xiii

graMaTika: Paggamit ng mga Cohesive Devices sa pagsulat ng Storyline ..........

reTorika: Pagsulat ng Isang Storyline Tungkol sa Karaniwang Buhay ng Isang Asyano ..................................................................................................

Aralin 6 Daan Pauwi (The Way Home) Kuwento-Pelikula ni Lee Jeong-Hyang (Timog Korea) PaniTikan: 1. Pagpapaliwanag ng Kaisipan, Layunin, Paksa, at Paraan

ng Pagkakabuod ng Pelikula/Iba Pang Akda ..................................... 2. Pagpapaliwanag sa mga Salitang Di-lantad ang Kahulugan .......

graMaTika: Pagpapahayag ng Kakayahan sa Paggamit ng Makahulugan at Makulay na Pagpapahayag ng Mahahalagang Pangyayari sa Isang Pagsasalaysay ....................................................................................

reTorika: Pagsulat ng Buod ng Isang Pelikula ............................................................................

Aralin 7 Likas na Yaman sa Silangang Asya (Sanaysay) .....................................................................PaniTikan: 1. Pagbibigay-reaksiyon sa mga Impormasyong Binasa ....................

2. Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Halimbawa ..................................................................

graMaTika: Paggamit Nang Wastong Salita o Pahayag sa Pagbibigay ng Reaksiyon ......................................................................................................

reTorika: Pagsulat ng Sanaysay na Nagbibigay ng mga Impormasyon sa Isang Mahalagang Paksa .........................................................................................

Aralin 8 Pagsulat ng Sariling Akda ng Pagpapahalaga ng Pagiging Asyano ..................Mga Kasanayan:

• PagsulatngSarilingAkda • Pagbabalangkas

• PagsusuringmgaElementongIsangAkda

Lawak ng Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin at Gawain ................................

Kwarter III HILAGA AT KANLURANG ASYA SA NAGBABAGONG PANAHON ....................

Aralin 1 Ang Pagbibinyag ng mga Muslim ..................................................................................................

PaniTikan: 1 Pag-Islam: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim (Salin Mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo) ..................................................

2. Pagbibigay ng Reaksiyon sa Sangkap ng Akda Batay sa mga kaisipan o Ideya Tungo sa :

• paksang-diwaotema • paningin

• banghay • pahiwatig

• katimpian • simbolo

graMaTika: Pagpapahayag o Pakikipag-unawaan Nang Maayos Ayon sa Sumusu-nod na Kalagayan Kung Paano: ................................................................................

• sasagot(kikilalanin,pag-uugnayin,sasang-ayunan/sasalungatanatibapa)

• mababago

• iangkopbataysareaksiyon

reTorika: Pagsulat ng Reaksiyon na Iaangkop sa Paksa ng Isang Editorial Cartoon

Aralin 2 Ang Aklat ni Ruth (Unang Bahagi) (Isang Saling Kuwento - Mesopotamia/Iran) PaniTikan: 1 Paglalahad Nang May Panunuri ang Sariling Damdamin/

Damdamin ng Iba Kapag ang Sarili ay Nakita sa Katauhan/

Page 14: Gr9_tmdhgsdgbsd

xiv | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

Katayuan ng Pangunahing Tauhan sa Maikling Kuwento ................. 2. Pagpapakita ng Transpormasyong Nagaganap sa Tauhan Batay sa

Pagbabagong:• pisikal

• ispirituwal

• emosyonal

• ideolohikal

• intelektuwal

graMaTika: Pagpapahayag ng Isang Linggong Talaarawan na Magpapahayag ng Naging Damdamin sa Bawat Pangyayaring Naranasan ..................

Aralin 3 Epiko ni Gilgamesh Isinalin sa Ingles ni N. K. Sandars ..............................................PaniTikan: 1. Mula sa Epiko ni Gilgamesh 2. Paghahambing ng Iba’t Ibang Epiko Gamit ang mga Elemento NitograMaTika: Mga Pahayag na Naglalarawan ng Pagiging Bayani ng Isang Tao...

reTorika: Pagsulat ng Isang Pangyayari sa Kasalukuyan na Nagpapakita ng Kabayanihan ...................................................................................................................

Aralin 4 Paglipas ng Isang Oras .................................................................................................................PaniTikan: 1. Paglipas ng Isang Oras (Maikling Kuwento) (Iran) 2. Pagpapatunay na ang mga Pangyayari o Transpormasyong Nagaga-

nap sa Tauhan ay Maaaring Mangyari sa Tunay na Buhay 3. Pagbuo ng Salita Batay sa Pinagmulan NitograMaTika: Paggamit ng Angkop na mga Salita sa Pagbuo ng Pagsusuri sa Katan-

gian ng Maikling Kuwento na Mau Uring Pangkatauhan ..................reTorika: Pagbuo ng Pagsusuri sa Katangian ng Maikling Kuwento na May Uring

Pangkatauhan ....................................................................................................

Aralin 5 Ang Libingan ni Tutankhamen (Maikling Kasaysayan) (Ehipto) ..........................PaniTikan: 1. Paghahambing ng Binasang Akda sa Iba Pang Katulad na Genre

Batay sa mga Tiyak na Elemento Nito 2. Pagpapakahulugan sa Pamamagitan ng Pormal na DepinisyongraMaTika: Paggamit ng mga Pahayag o Salita na Karaniwang Ginagamit sa Pagsu-

lat ng Kasaysayan ..............................................................................................reTorika: Pagsulat ng Mahahalagang Impormasyon Mula sa Binasang

Seleksiyon o Kaugnay na Selksiyon ............................................................ Aralin 6 Pagislam, Ang Pagbibinyag ngmga Muslim

(salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo) ...........................................................................PaniTikan: 1. Ang Pagbibinyag ng mga Muslim 2. Pagbibigay ng Reaksiyon sa Sangkap ng Akda Batay sa mga Kaisipan

o Ideya Tungo sa:• Paksang-diwaotema • Pagkakasunod-sunodngmgakonsepto

• Katimpian • Paningin

• Pahiwatig • Simbolo

graMaTika: Pagpapahayag o Pakikipag-unawaan Nang Maayos Ayon sa Sumusu-

Page 15: Gr9_tmdhgsdgbsd

| xv

nod na Kalagayan Kung Paano Iaangkop Batay sa Reaksiyon ..........reTorika: Pagsulat ng Reaksiyon na Iaangkop sa Paksa ng Isang Editorial Cartoon

Aralin 7 Mula sa Epiko ni Gilgamesh (isinalin sa Ingles ni N.K. Sandars ............................PaniTikan: 1. Paghahambing ng Natatanging Kulturang Asyano na Masasalamin

sa Epiko 2. Pagbibigay-kahuligan sa mga Salita Batay sa Konteskstong GamitgraMaTika: Paggamit nang Wasto ng mga Pahayag/Salita sa Paghahambing .reTorika: Pagsulat ng Isang Paglalarawan ng Ina sa mga Itinuturing na Bayani sa

Kasalukuyan ng Alinmang Bansa sa Asya ................................................

Aralin 8 Masining na Pagtatanghal ng Kulturang Asyano .........................................................Mga Kasanayan:

• Pagmumungkahi

• Pagbabalangkas

Lawak ng Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin at Gawain ..................Kwarter IV NOLI ME TANGERE SA PUSO NG MGA ASYANO ........................................................ Aralin 1 Paghahandog kay Selya ..............................................................................................................

PaniTikan: 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere 2. Pagtiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda sa pamamagitan ng: 3. Pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat ng akda 4. Pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda at ang

epekto nito 5. Pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang

bahagi ng akda

PagsulaT: Pagsulat ng Maikling Kasaysayan ng Noli Me Tangere (pabuod) ..... Aralin 2 Kilalanin, Mga Tauhan ng Nobela ..........................................................................................

PaniTikan: 1. Kilalanin, Mga Tauhan ng Nobela2. PagTukoy sa kakaibang kaTangia ng akda sa PaMaMagiTan ng Paglalahad ng

PaPel ng ginagaMPanan ng Mga Tauhan sa akda

3. PaglalaPaT ng Mga Tiyak na laPiT aT Pananaw sa Pagsusuri ng akda Tulad ng Pag-iisa-isa sa Mga eleMenTo na Pangunahing kaTangian ng akda bilang:

• Klasismo

• Humanism

• naturalistiKo

4. Pagsusuri sa Pagkilos ng mga Tauhan .......................................................PagsulaT: Pagsulat ng Isang Masining na Paglalarawan ng Napiling

Tauhan sa Akda ........................................................................................................... Aralin 3 Pagharap sa Iba’t Ibang Suliranin ..........................................................................................

PaniTikan: 1. Pagharap sa Iba’t Ibang Suliranin 2. PagTiyak sa Mga eleMenTong MaTaTagPuan sa akda kaugnay ng kinabibilan-

gan niTong genre

3. PagTukoy sa Mga Tunggaliang naganaP sa akda

Page 16: Gr9_tmdhgsdgbsd

xvi | Hiyas ng Lahi • Baitang 9

4. Pagbibigay ng Sariling Solusyon sa mga Suliranin ng Tauhann

PagsulaT: Pagsulat ng Isang Paglalahad Kung Paano Lulutasin ang mga Suliraning Naranasan ..........................................................................

Aralin 4 Mga Impluwensiya sa Kulturang Asyano ..........................................................................PaniTikan: 1. Mga Impluwensiya sa Kulturang Asyano

2. PagPaPakiTa ng Pagkakaroon ng Mas MalaliM na Pagkaunawa sa akda uPang MaPahagalahan aT kalugdan iTo iTo nang lubos sa PaMaMagiTan ng PagTukoy sa akda ng Mga Tradisyong kaTuTubo, PaMbansa, Pang-asya aT Pananaw Panrelehiyon

PagsulaT: Pagsulat ng isang maikling diyalogo/usapan na nagpapakita ng impluwensiya ng bansang Asyano sa Kulturang Pilipino ..............

Aralin 5 Pagbuo ng Sariling Pilosopiya sa Buhay ............................................................................PaniTikan: 1. Pagsusuri sa mga Kaisipang Inilahad (Diyos, bayan, kapwa, magulang)

2. Pag-iisa-isa ng Mga kaisiPang iTo gaya ng: • pamamalaKadngpamaHalaan•paniniwalasadiyos

• KalupitansaKapwa•Kayamanan

• KaHirapan•atibapa3. PagTukoy sa Mga bahaging TuMiTiyak sa Mga kaisiPang luTang sa akda kaugnay

ng: • Karanasangpansarili•gawaingpangKomunidad

• isyungpambansa•pangyayaringpandaigdigPagsulaT: Pagpapahayag ng Sariling Paniniwala at Pagpapahalaga

Kaugnay ng mga Kaisipang Lutang sa Akda ............................................... Aralin 6 Mga Aral na Dapat maging Gabay ng Kabataang Pilipino .....................................

PaniTikan: • Mga Aral na Dapat Maging Gabay ng Kabataang Pilipino • pagbibigay-KaHulugansamatatalingHagangKaisipan,tayutayatsimbolo

• pagtuKoysamgaimaHengginamitsaaKda

PagsulaT: Pagsulat ng isang Pagpapaliwanag na Naglalahad kung ano ang Simbolismo ng isang Kabataan sa Kaniyang Bansa..............

Aralin 7 Implikasyon ng mga Pangyayari sa Kasalukuyang Lipunan (Buod ng Noli Me Tangere at Ang Katapusan) ...............................................................PaniTikan: • Implikasyon ng mga Pangyayari sa Kasalukuyang Lipunan

• Pagtiyak sa mga Bahagi ng Akda sa Pamamagitan ng Pag-uugnay sa Ilang Pangyayari sa Kasalukuyan • Pagtukoy sa Akda ng mga Kaugnay na Pangyayari sa Kasalukuyan at Kaugnay na Pangyayari sa Kasaysayan

• Pagsusuri sa Pagigin Makatotohanan ng Akda ...........................................................................PagsulaT: Pagsulat ng pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan

kaugnay ng kalagayang panlpunan n gating bansa na kabaligtaran ng isa sa mga pangyayari sa akda .....................................................................

Page 17: Gr9_tmdhgsdgbsd

| 1

ng Hiyas Lahi

Gabay ng Guro at Karagdagang mga Pantulong sa Pagtuturo

Page 18: Gr9_tmdhgsdgbsd

Gabay ng Guro at Karagdagang mga Pantulong sa PagtuturoUnang Kwarter

Lawak at Pagkakasunod-sunod ng mga AralinTema: Mga Akdang Pampanitikang Asyano sa Pagbabago ng Aking SariliPamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang AsyaPamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing panghihikayat o book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang AsyaBilang ng AralinInaasahang PagganapPag-unawa sa NapakingganPag-unawa sa BinasaPaglinang ng TalasalitaanPanonoodPagsasalitaPagsulatGramatikaEstratehiya sa PananaliksikPagpapahalagang PagpapakataoAralin 1Panitikan• Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento sa Timog-Silangang Asya• Sa Burma Lahat na Lang IpinagbibiliMaikling Kuwento-Burma ni Maria Sanda isinalin sa Filipino ni Pamela C. Constantino• Pag-iisa ng mga Bahaging Nagpapakita ng Tiyakang Kaugnayan ng mga Tauhan sa Puwersa ng KalikasanRetorikaPagsulat ng Isang Tekstong Naglalahad ng Pagpapaliwanag ng Pamamaraan Kung Paano Mabisang Makabuo ng Isang Photo EssayPagbuo ng Photo Essay na Nagsasalaysay Kung Paano Lumaganap ang Maikling Kuwento sa Timog-Silangang AsyaNasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akdaNaiisa-isa ang mga bahaging nagpapakita ng tiyakang kaugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasanNaibibigay ang kasingkahulugan ng ilang salitang ginamit sa akdaNapaghahambing ang mga piling pangyayari sa napanood na dula sa kasalukuyang lipunang AsyanoNaipaliliwanag ang nilalaman Literary Poster kaugnay ng kulturang Asyano na nakapaloob sa binasang akdaNaisusulat ang isang tekstong naglalahad ng pagpapaliwanag ng pamamaraan kung paano mabisang makabubuo ng isang photo essayNailalahad nang pasalita ang mga pansariling damdamin tungkol sa akda na may kaugnayan sa:• mga hilig/interes• kagalakan/kasiglahan• pagkainis/pagkayamot• pagkatakot• pagkaaliw/pagkalibang

2

Page 19: Gr9_tmdhgsdgbsd

• atbp.Nakukuha ang mahahalagang datos o impormasyon mula sa aklat, pahayagan, magasin, dokumentaryo, panayam, o internetHindi habambuhay ang kahirapan kung tutugunan ng pagsisikapAralin 2Panitikan• PapelMaikling Kuwento-Singapore ni Catherine Lim• Pagbuo ng Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda Batay sa mga Pamantayang Internal na Taglay ng MambabasaRetorikaPagsulat ng Isang Tekstong NagsasalaysayPagsulat ng Isang Teksto na Sinusunod ang Proseso sa Paglikha Nito Gaya ng Tekstong Nagsasalaysay ng:• isang mahalagang desisyon• isang mahalagang pagbabago sa sarili• isang litrato mo nang ikaw ay 2 o 3 tanong gulangNasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang akdaNabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayang internal na taglay ng mambabasaNaibibigay ang kahulugan sa mga konotasyong ginamit sa binasang akdaNagagawan ng lagom ang kuwentong napanood sa telebisyon nang may maayos na pagkakasunod-sunodNaisasalaysay sa tulong ng mga larawn ang binasang kuwentoNaisusulat ang isang tekstong nagsasalaysayNagagamit ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Hindi sapat ang mangarap, huwag hadlangan upang ito'y matupadAralin 3Panitikan• BarbalanAlamat-Brunei Darussalam• Pag-uugnay ng mga Kaisipang Nakapaloob sa Akda Batay sa Karanasang:• pansarili• pampamilya• pampamayanan• panlipunan• pandaigdigRetorika• Pagsulat ng Pagpapaliwanag Kung Paano Isasadula ang Napiling Bahagi sa Binasang AkdaPagsasadula ng Napiling Bahagi ng Binasang AkdaNauuri kung ang napakinggan mula sailang pahayag ay kaisipan o damdaminNaiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa karanasang:• pansarili• pampamilya• pampamayanan• panlipunan• pandaigdigNaipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa binasang akda

3

Page 20: Gr9_tmdhgsdgbsd

Naisasagawa ang isang paghahambing nang ayon sa elemento ng alamat ang binase at pinanood nito mula sa isang teleserye (youtube)Naipahahayag nang may damdamin sa pamamagitan ng malakas na pagbasa ang ilang piling bahagi ng binasang alamatNaisusulat ang pagpapaliwanag kung paano isasadula ang napiling bahagi sa binasang akdaNaipahahayag nang buong linaw ang mga kaisipan at damdamin tungkol sa isang paksa

Walang lihim na hindi nabubunyagAralin 4Panitikan• Sa Isang Malayong BayanNobela-Malaysia (Kabanata 11) ni K.S. Maniam isinalin sa Filipino ni Galileo ZafraPagsasagawa ng Isang Palitang Diyalogo ng Napiling Bahagi ng Binasang NobelaNauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng pinakamataas na katotohanan, kabutihan, at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela• Pagsusuri sa Tunggaliang Tao vs Sarili• Pagbibigay ng Interpretasyon sa mga Pahiwatig na Ginamit sa Binasang AkdaNasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobelaNabibigyan ng interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akdaNasusuri ang bahaging nagpapakita ng tunggalian sa pinanood na teleseryeng AsyanoNaisasagawa ang isang palitang diyalogo ng napiling bahagi ng binasang nobelaNaisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sariliNagagamit nang wasto ang mga pahayag na ginagamit sa pagsusuri ng nga pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili

Nakikita ang pakatao ng isang nilalang sa katatagan ng pagharap sa mga pagsubokAralin 5Panitikan• RebolusyonNobela-Cambodia isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Mabanglo (Halaw)• Paglalarawan ng mga Katangian ng Akdang May Manipestasyon ng Realismo• Pagbibigay ng Iba't Ibang Kahulugan ng Ilang Salita Mula sa Binasang Akda sa Pamamagitan ng CollocationRetorika• Pagsulat ng Opinyon Tungkol sa Mahahalagang Isyu Kaugnay ng Rebolusyon sa Bansang Asya (Timog-Silangang Asya)Pagsasagawa ng Biglaang Pagtatalumpati Tungkol sa Paksang Nauugnay sa RebolusyonNaibibigay ang sariling reaksiyon sa napakinggang opinyonNailalarawan ang mga katangian ng akdang may manipestasyon ng realismoNaibibigay ang iba't ibang kahulugan ng ilang salita sa pamamatian ng collocationNasusuri ang nilalaman ng isang pinanood na pelikula na ang paksa ay tungkol sa rebolusyon at pagkatapos ay magbibigay ng sariling opinyon tungkol ditoNaibibigay ang ilang opinyon kaugnay ng isang pangunahing isyu sa bansang Asya at napaliliwanag ang nasabing mga opinyonNaisusulat ang opinyon tungkol sa mahalagang isyu kaugnay ng rebolusyon sa bansang Asya (Timog-Silangang Asya)Nagagamit nang wasto ang mga salita/pahayag sa pagbibigay ng mga opinyonGawing aral sa buhay ang anumang rebolusyong naranasan ng isang bansaAralin 6

4

Page 21: Gr9_tmdhgsdgbsd

Panitikan• Tinig ng DaratingTula-Pilipinas ni Teo S. Baylen• Paglalahad ng Sariling Pananaw Kaugnay ng Pananaw ng Iba Tungkol sa Pagkakaiba-iba o Pagkakatulad-tulad ng mga Paksa sa mga Akdang Asyano• Pagpapaliwanag sa Gamit ng Magkakasingkahulugang Pahayag sa Ilang TaludturanRetorika• Pagsulat ng Ilang Taludtod na Naglalarawan ng Pagpapahalaga ng Pagiging Mamamayan ng Isa sa mga Bansa sa AsyaPagbigkas nang maayos at may damdamin ng isinulat na sariling taludturanNaiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming napakingaan mula sa isang tulaNailalahad ang sariling pananaw batay sa pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng mga paksa sa mga tulang AsyanoNaipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturanNasusuri mula sa youtube ang ilang halimbawa ng pagbigkas ng tula isahan man o sabayanNabibigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na sariling taludturanNaisusulat ang ilang taludtod na naglalarawan ng pagpapahalaga ng pagiging mamamayan ng bansang AsyaNagagamit nang wasto ang mga salitang naglalarawan

Anumang pagkawasak ng kapaligiran, tao pa rin ang magtatayo ay magpapaunlad nitoAralin 7Panitikan• Dekada '70 (Pelikula-Dula)• Paglalapat ng Pangunahing Kaisipan ng Pelikula-Dula sa Sarili Bilang Asyano• Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Salita Habang Nababago ang Estruktura NitoRetorika• Pagsulat ng Pagsusuri ng Pagiging Makatotohanan ng Ilang Pangyayari sa Isang Pelikula O DulaPagsulat ng Iskrip ng Dulang Pantelebisyon o Pampelikula na Nagpapakita ng Pagiging Makatotohanan ng Ilang Pangyayari sa Lipunan ng mga AsyanoNabubuo ang kritikal na paghuhusga sa kapayakan ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayagNailalapat ang pangunahing kaisipan ng dula sa sarili bilang AsyanoNaipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nitoNapahahalagahan ang napanood na halimbawa ng dula sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibiganNabibigkas nang may paglalapat sa pagsasatao ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dulaNaisusulat ang isang pagsusuri ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang pelikula o dulaNasusuri ang wastong gamit ng mga salita na nagpapahayag ng pagiging makatotohanan ng mga pangyayari

Pamilya ang pundasyon ng isang lipunanAralin 8• Pagsasagawa ng pagtatanghal ng malikhaing panghihikayat ng isinakomiks na pinili at sinuring mga akdang Asyano para sa isang book fairPagtatanghal ng Malikhaing Panghihikayat ng Isinakomiks na Pinili at Sinuring Akdang Asyano Para sa Isang Book FairNaihahambing ang napakinggang mga pasalitang panghihikayat na isinagawa ng bawat pangkat

5

Page 22: Gr9_tmdhgsdgbsd

Naipaliliwanag kung paano naghihikayat at magsusuri ng ilang piling akdang AsyanoNabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa book fairNasusuri ang napanood na halimbawa ng pasalitang panghihikayat sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibiganNatatanghal ng malikhaing panghihikayat ng isinakomiks na pinili at sinuring akdang Asyano para sa isang book fairNaisusulat ang isang pagsusuri ng aling akda sa Timog-Silangang Asya na kabilang sa isinasagawang panghihikayatNagagamit nang wasto ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng malikhaing panghihikayat

6

Page 23: Gr9_tmdhgsdgbsd

Kwarter 1 Mga Akdang Pampanitikang Asyano sa Pagbabago ng Aking SariliAralin 1 Sa Burma Lahat na Lang Ipinagbibili4 na SesyonAntas 1 – Inaasahang BungaPamantayang Pangnilalaman• Napahahalagahan ang mga akdang pampanitikang Asyano Timog-Silangang Asya• Naiuugnay ang ilang pangyayari sa akda sa kasalukuyang lipunan ng mga taga Timog-Silangang Asya• Nailalahad ang mga pansariling damdamin tungkol sa akda na may kaugnayan sa iba't ibang bagayPamantayan sa Inaasahang Pagganap• Nabubuo ang photo essay na nagsasalaysay kung paano lumaganap ang maikling kuwento sa Timog-Silangang AsyaPokus na mga Tanong Para sa Aralin (Mahahalagang Tanong)• Paano lumaganap ang maikling kuwento sa iba't ibang bansa sa Timog-Silangang Asya• Bakit mahalagang malaman sa isang maikling kuwento ang pag-iisa-isa ng mga bahaging nagpapakita ng tiyakang kaugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan?• Paano mailalahad nang pasalita ang mga pansariling damdamin tungkol sa isang akda na may kaugnayan sa mga hilig/interes; kagalakan/kasiglahan; pagkainip/pagkayamot; pagkatakot; pagkaaliw/pagkalibang; at iba pa?• Bakit mahalagang mailahad nang pasalita ang mga pansariling damdamin tungkol sa isang akdang nabasa?Mahahalagang Konsepto• Ika-20 siglo nang nagsimulang sumulat ang mga manunulat sa ilang bansa sa Asya ng mga kuwentong piksiyon ang uri. Karaniwang paksa ay tungkol sa kapaligiran, katutubong kultura, at ritwal. Bawat bansa sa Timog-Silangang Asya ay nagkaroon ng mahahalaga at makasaysayang pangyayari na pinagbatayan ng paglaganap ng maikling kuwento.• Mahalagang malaman ang nasabing pag-iisa-isa ng mga bahagi sapagkat ang mga tauhan ang nagpapakilos sa isang kuwento. Sa pamamagitan nila makikita kung paano naimpluwensiyahan ng kapaligiran ang isang tao nang ayon sa sitwasyong nararanasan niya.• Mailalahad ang iba't ibang damdamin nang epektibo sa pasalitang paraan kung iaayon sa siywasyong pinanggamitan. Isaalang-alang din ang ponemang suprasegmental na diin, tono o intonasyon, at antala o hinto.• Mas nadarama ang nararamdaman ng isang tao kapag pasalita niya itong nailalahad. Mas mauunawaan din kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.Konseptuwal na Balangkas ng AralinAralin 1Panitikan• Sa Burma Lahat na Lang IpinagbibiliKuwento-Burmaisinalin sa Filipino ni Pamela C. ConstantinoGramatika• Pasalitang Paglalahad ng Pansariling Damdamin na May Kaugnayan sa Iba-ibang NadaramaRetorika• Pagsulat ng Isang Tekstong Naglalahad ng Pagpapaliwanag ng Pamamaraan Kung Paano Mabisang Makabubuo ng Isang Photo EssayMga Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat DomainPag-unawa sa Napakinggan• Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano sa

7

Page 24: Gr9_tmdhgsdgbsd

napakinggang akdaPag-unawa sa Binasa• Naiisa-isa ang bahaging nagpapakita ng tiyakang kaugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasanPaglinang ng Talasalitaan• Naibibigay ang kasingkahulugan ng ilang salitang ginamit sa akdaPanonood• Napaghahambing ang mga piling pangyayari sa napanood na dula sa kasalukuyang lipunang AsyanoPagsasalita• Naipaliliwanag ang nilalaman ng Literary Poster kaugnay ng kulturang Asyano na nakapaloob sa binasang akdaPagsulat• Naisusulat ang isang tekstong naglalahad ng pagpapaliwanag ng pananaw kung paano mabisang makabubuo ng isang photo essayEstratehiya sa Pananaliksik• Nakukuha ang mahahalagang datos o impormasyon mula sa aklat, pahayagan, magasin, dokumentaryo, panayam, o internetPagpapahalagang Pagpapakatao• Hindi habambuhay ang kahirapan kung tutugunan ng pagsisikapAntas 2 – PagtatayaA. Inaasahang PagganapSa Inaasahang Pagganap na pagbuo ng photo essay na nagsasalaysay kung paano lumaganap ang maikling kuwento sa Timog-Silangang Asya, magkakaroon ng pagtataya sa antas nito: Angkop ang larawan sa nilalaman ng pagsasalaysay; may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari; makatulong sa pagiging masining ang ginawang photo essay; angkop ang gramatikang ginamit sa mga pangungusap ng bawat bahagi ng pagsasalaysay; at sa kabuuan, nagtataglay ng elemento sa isang photo essay.Sa Pagpapatibay naman sa Antas ng Pag-unawa, maipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag; paglalapat; pagdama sa damdamin; pagpapakahulugan; at pagbibigay ng sariling reaksiyon.B. RubricsRubric sa Pagpapakahulugan ng Literary PosterKraytirya (happy face) (sad face)

1. Malinaw ang mensaheng nakapaloob sa Literary Poster2. Nakatulong upang mas madaling maunawaan ang iniuugnay sa binasang kuwento3. Naipakita ang kulturang Asyano na dapat na mensahe ng pagkakaguhit ng Literary Poster4. May batayan5. Masining ang pagkakaguhit

Rubric sa Pagpapahayag ng Iba't Ibang Damdamin Ayon sa Pangyayari/SitwasyonKraytirya Ganap na Naisagawa Naisagawa Hindi naisagawa

1. Angkop sa pangyayari ang damdamin2. May batayan ang ipinahayag na damdamin3. Naging makahulugan ang ipinahayag na damdamin4. Magkakaugnay ang pagpapahayag ng bawat damdamin5. Naging tapat sa pagpapahayag ng damdamin

Rubric sa Pagbuo ng Photo EssayKraytirya (happy face) (sad face)

1. Angkop ang larawan sa nilalaman ng pagsasalaysay

8

Page 25: Gr9_tmdhgsdgbsd

2. May maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari3. Nakatulong sa pagiging masining ang ginawang photo essay4. May batayan ang ginawang photo essay5. Angkop ang gramatikang ginamit sa mga pangungusap ng bawat bahagi ng pagsasalaysay6. Sa kabuuan, nagtataglay ng elemento ng isang photo essay

C. Mga Patunay sa Antas ng PagganapSasagutin ng mga mag-aaral ang mga gawain at pagsasanay sa Tuklasin, Linangin, Palalimin, at Ilapat.Antas 3 – Plano ng PagtuturoPanitikanTuklasinA. Bilang panimula ng pagtalakay sa Unang Kwarter, magkaroon ng malayang pagtalakay gamit ang teknik na UTS (Ugnayang-Tanong-Sagot) sa nilalaman ng unit divider, pp. 2-3 ng Batayang Aklat. Pahalagahan ang nilalaman ng tatalakayin sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga tanong na nasa gawing kaliwa ng teksto, pp. 2-3 pa rin.B. Ipagawa ang Gawain A na pagsusuri at pagpapaliwanag sa nilalaman ng bawat larawan, p. 4 ng Batayang Aklat. Magkaroon ng malayang talakayan.C. Ipabasa ang Mahahalagang Tanong at subukin ang mga mag-aaral sa sagutin ang nasabing mga tanong, p. 4 ng Batayang Aklat.• Sabihin, “Pagkatapos na sagutin o magbigay ng hinuha na maaaring sagot sa Mahahalagang Tanong, tandaang mabuti ang naging mga sagot na pahahalagahan natin pagkatapos na talakayin ang aralin sa Panitikan.”• Maaaring magbigay ng karagdagang mga tanong ang mga mag-aaral.• Iugnay ang gawain at mga sagot sa Mahahalagang Tanong.LINANGIN*Maaaring magtakda ang guro ng gawaing pananaliksik na kukunin ang mahahalagang datos o impormasyon mula sa aklat, pahayagan, magasin, dokumentaryo, panayam, o internet. Gagamitin bilang karagdagang impormasyon sa kaligirang pangkasaysayan ng maikling kuwento sa Timog-Silangang Asya pagkatapos na talakayin ang teksto.*Tunghayan Mo• Ipabasa ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento sa Timog-Silangang Asya, pp. 5-6. Ipahanap ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan na binanggit din sa tekstong tinalakay. Ipabasa nang malakas sa ilang mag-aaral ang nasabing mga pangyayari at ipasuri ang mga ito batay sa pagkakarinig.Simulan Mo• Ipagawa ang gawain A, p. 7 ng Batayang Aklat.• Magkaroon ng malayang talakayan.• Magkaroon din ng talakayan sa KWHL Chart ng gagamitin sa gawain B, p. 7.• Ipagawa ang gawain B, p. 7, na ang ipasasagot lamang ay ang Know, What, How, at ang Learned ay ipasasagot pagkatapos talakayin ang kaligirang pangkasaysayan ng maikling kuwento sa Timog Silangang Asya.• Magkaroon ng malayang talakayan sa isinagawang gawain (B).• Ipasagot ang Learned sa KWHL Chart bilang lagom ng pag-unawa sa teksto.Basahin Mo• Ipabasa ang maikling kuwentong, “Sa Burma Lahat na Lang Ipinagbibili,” ni Maria Sanda at isinalin sa Filipino ni Pamela C. Constantino, pp. 8-11.• Bigyang-talakay ang tanong na nasa unahan ng teksto at iugnay sa babasahing teksto.Unawain Mo• Magkaroon ng talakayan tungkol sa Focused Listing na teknik na gagamitin sa ilang pangyayari sa maikling kuwento, p. 12.

9

Page 26: Gr9_tmdhgsdgbsd

• Ipagawa ang gawain A, p. 12 na gagamitin ang Focused Listing, na magtatala ng lima hanggang pitong salita o maiikling pahayag na naglalarawan ng mga pangyayari sa binasang maikling kuwento.• Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa gawain.• Magkaroon din ng talakayan tungkol sa Cut Up Stips na teknik na gagamitin sa gawain B, p. 12.• Ipagawa ang gawain B, p. 12 na gagamitin ang Cut Up Strips sa pagsusunod-sunod ng mahahalagang pangyayari.• Ipasagot ang mga tanong sa gawain C, p. 13 at magkaroon ng malayang talakayan.• Magkaroon ng talakayan tungkol sa Literary Poster na teknik na gagamitin sa paglalarawan ng kulturang Asyano na nakapaloob sa binasang maikling kuwento.• Ipagawa ang bilang 4 na nasa gawain C, p. 13 na gagamitin ang teknik na Literary Poster na ilalarawan ang kulturang Asyano na nakapaloob sa binasang maikling kuwento. Maaaring iguhit o gumamit ng mga larawan.• Magkaroon ng malayang talakayan kaugnay ng gawain.• Magkaroon ng pagpapahalaga sa aral na nakapaloob sa maikling kuwento na, “Hindi habambuhay ang kahirapan kung tutugunan ng pagsisikap.” Ipagawa sa pamamagitan ng maikling iskit.• Ipasagot ang bilang 6 sa gawain C, p. 14 at magkaroon ng malayang talakayan kaugnay nito.Isaisip Mo• Ipabasa ang pagpapaliwanag sa domain ng pag-unawa sa binasa sa araling ito na, “Mga Bahaging Nagpapakita ng Tiyakang Kaugnayan ng mga Tauhan sa Puwersa ng Kalikasan.” Magkaroon ng talakayan sa nilalaman nito at iugnay sa ginawang pagsagot sa bilang 6 sa gawain C, p. 14 na makatutulong sa paglilinaw ng paglinang sa nasabing domain.PalaliminTalakayin Mo• Ipabasa ang halaw na bahagi ng nobelang Thai, p. 15, Kabanata 21 ng, “Ang mga Guro ng Latian ng mga Asong Ulol” ni Khru Barn Nork na isinalin sa Filipino ni Florentino A. Iniego.• Magkaroon ng pagsusuri sa bahaging nagpapakita ng kaugnayan ng tauhan sa puwersa ng kalikasan.• Ipasagot ang tanong 1, p. 15 at magkaroon ng malayang talakayan.• Ipasagot din ang mga tanong 2 at 3 na pokus na mga tanong sa aralin sa panitikan. Pabalikan ang naging sagot sa Mahahalagang Tanong sa bahaging Tuklasin at ihambing sa naging mga sagot sa bahaging ito. Maaaring ipasagot din ang karagdagang mga tanong na ibinigay ng ilang mag-aaral na bahagi pa rin ng Tuklasin.GRAMATIKA• Ipabasa ang bahaging A, Mahahalagang Tanong at subuking ipasagot ang mga ito, p. 16.• Maaaring magbigay ng tanong ang mga mag-aaral na magiging karagdagan sa Mahahalagang Tanong, ipasasagot din.• Sabihin, “Pagkatapos talakayin ang aralin, muli nating babalikan ang mga tanong upang masuri ang pagkakaugnayan ng naging sagot ninyo sa nasabing aralin.”Ilahad Mo• Ipabasa nang may damdamin ang pangungusap sa bawat speech balloon, p. 16.Suriin Mo• Magkaroon ng pagsusuri sa binasang mga pangungusap sa tulong ng mga tanong, p. 17.• Magbigay ng input ang guro na bahagi ng malayang talakayan; magbigay ng iba pang halimbawa ang guro na susundan ng mga mag-aaral.Tandaan Mo• Ipabasa ang nilalaman ng bahaging ito, p. 17 na magbibigay ng linaw sa aralin sa Gramatika.Gawin Mo• Ipasagot ang Pagsasanay 1, 2, at 3, pp. 17-18.• Magkaroon ng talakayan sa naging sagot ng mga mag-aaral sa bawat pagsasanay.

10

Page 27: Gr9_tmdhgsdgbsd

• Ipagawa ang Rubric sa Pagpapahayag ng Iba't Ibang Damdamin Ayon sa Pangyayari/Sitwasyon na nasa Gabay na ito, p. ___.• Magbigay ng feedback ang guro.• Pabalikan ang naging sagot sa Mahahalagang Tanong at iugnay sa naging talakay sa aralin.RetorikaIsipin Mo• Ipabasa ang pagpapaliwanag sa Pagsulat ng Pagbuo ng Photo Essay, p. 14. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol dito.• Maaaring magpakita ng ilang halimbawa ang guro.• Pahalagahan ang ipinakitang mga halimbawa sa pamamagitan ng ugnayan ng larawan sa paliwanag ng nasabing photo essay.Isulat Mo• Ipasulat ang mga paraan kung paano mabisang makabubuo ng photo essay.• Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga paraan kung paano mabisang makabubuo ng photo essay.Inaasahang PagganapIlapat• Ipagawa ang gawain A, p. 20 na pagbuo ng isang photo essay na nagsasalaysay ng paglaganap ng maikling kuwento sa Timog-Silangang Asya.• Magkaroon ng sariling pagtataya ang mga mag-aaral sa isinagawang gawain gamit ang Rubric, p. 20.• Ipagawa ang gawain C, p. 20 sa pagsulat ng kongklusyon sa kinalabasan ng ginawang pagtataya.• Magbigay ng feedback ang guro.Karagdagang Pagtataya Gamit ang GRASPS• Ipagawa sa mga mag-aaral.Gawain: Naatasan ka ng isang propesyonal na potograper na gawan ng pagpapaliwanag ang isa sa pinakamahusay na larawang kaniyang nakunan. Isa kang manunulat. Magiging audience mo ang potograper na kumuha ng larawan. Kailangang may masining na paliwanag ang larawan sapagkat isasama ito sa isang eksibit.Tiyakin na ang gagawing pagpapaliwanag ay nakabatay sa sumusunod na pamantayan sa pagmamarka:A. Hikayat 40 puntosB. Mga Elemento ng Tekstong Nagpapaliwanag 30 puntos• kaisahan• kalinawan• pagbibigay ng diinC. Pagkamasining 30 puntosKabuuan: 100 puntos• Magkaroon ng talakayan.Sintesis• Bilang lagom ng aralin, ipagawa ang Sintesis, p. 21 bahaging A at B.• Magkaroon ng malayang talakayan.Mga Kagamitan at Sanggunian• Batayang Aklat, pp. 3-21• Mga Halimbawa ng Photo Essay• Sipi ng Rubric sa Pagpapakahulugan ng Literary Poster at Rubric sa Pagpapahayag ng Iba't Ibang Damdamin Ayon sa Pangyayari/Sitwasyon

11

Page 28: Gr9_tmdhgsdgbsd

Aralin 2 Papel4 na SesyonAntas 1 – Inaasahang BungaPamantayang Pangnilalaman• Napahahalagahan ang maikling kuwento na nagpapakita ng kulturang Asyano• Naisasagawa ang pagbuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda• Nasusuri ang wastong gamit ng mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayariInaasahang Pagganap• Naisusulat ang isang teksto na sinusunod ang proseso sa paglikha nito gaya ng tekstong nagsasalaysay ng: Isang mahalagang desisyon, Isang mahalagang pagbabago sa sarili; Isang litrato mo ng ikaw ay 2 o 3 taong gulangPokus na mga Tanong(Mahahalagang Tanong)• Paano makabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayang internal na taglay ng mambabasa?• Paano maibibigay ang kahulugang konotasyon na ginamit sa binasang akda?• Bakit makatutulong ang mga kataga o pahayag na nagsasabi ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?• Paano gagamitin ang mga kataga o pahayag na magpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?Mahahalagang Konsepto• Hindi madali ang humatol, kailangang pag-aralan itong mabuti. Karapatan ng bawat tao ang pagbibigay ng hatol o matuwid. Ibabatay ito sa pamantayang internal ng mambabasa na ibig sabihin siya lamang ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon ang kaniyang hotel.• Isang dimensiyon sa pagpapakahulugan ang konotasyon. Hindi literal ang kahulugan. May pahiwatig ang karaniwang kahulugan nito.• Nagiging gabay o pantulong ang mga kataga o pahayag na nagsasabi ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Nalalaman kung alin ang una, mga kasunod pa, hanggang sa wakas nito.• Ginagamit ang mga kataga o pahayag karaniwan sa unahan ng pangyayari. Napag-uugnay nito ang simula, gitna, at wakas ng kuwento.Konseptuwal na Balangkas ng AralinARALIN 2Panitikan• PapelMaikling Kuwento – Singaporeni Catherine Lim• Pagbuo ng Sariling Hatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda Batay sa mga Pamantayang Internal na Taglay ng Mambabasa• Konotasyong PagpapakahuluganGramatika• Mga Kataga o Pahayag na Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod ng mga PangyayariRetorika• Pagsulat ng Isang Tekstong NagsasalaysayMga Kasanayang PampagkatutoPag-unawa sa Napakinggan• Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggan akdaPag-unawa sa Binasa

12

Page 29: Gr9_tmdhgsdgbsd

• Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayang internal na taglay ng mambabasaPaglinang ng Talasalitaan• Naibibigay ang kahulugan sa mga konotasyong ginamit sa binasang akdaPanonood• Nagagawan ng lagom ang kuwentong napanood sa telebisyon nang may maayos na pagkakasunod-sunodPagsasalita• Naisasalaysay sa tulong ng mga larawan ang binasang kuwentoPagsulat• Naisusulat ang isang tekstong nagsasalaysayGramatika• Nagagamit ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayariPagpapahalagang Pagpapakatao“Hindi sapat ang mangarap, huwag hadlangan upang ito'y matupad”Antas 2 – PagtatayaA. Inaasahang PagganapSa Inaasahang Pagganap na pagsulat ng isang teksto na sinusunod ang proseso sa paglikha nito gaya ng tekstong nagsasalaysay ng: isang mahalagang desisyon; isang mahalagang pagbabaso sa sarili; isang litrato mo ng ikaw ay 2 o 3 taong gulang, magkakaroon ng pagtataya sa antas ng pagganap nito: may maayos bang organisasyon ang isinulat kong pagsasalaysay: may panimula, gitna, at wakas; magkakaugnay ba ang mga pangyayari; napagsusunod-sunod ko ba nang maayos ang mga pangayayari; ang pinili ko bang paksa ay angkop sa nilalaman ng ginawa kong pagsasalaysay; may batayan ba ang aking sinulat na pagsasalaysay; isinaalang-alang ko ba ang wastong mekaniks sa aking pagsulat; angkop ba ang pamagat ng aking isinulat; kapupulutan ba ng aral ang isinulat kong pagsasalaysay?Sa pagpapatibay naman sa Antas ng Pag-unawa, maipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag; pagpapakahulugan; pagdama sa damdamin ng iba; pagkilala sa sarili; paglalapat, at pagbibigay ng reaksiyon.B. RubricsRubric sa Pagsasagawa ng Interview ChainKraytirya

1. Sistematiko2. Makahulugan ang bawat tanong3. Magkakaugnay ang tanong4. Lahat ay nakapagbigay ng tanong at nakasagot5. Naging maayos ang pakikilahok ng bawat isa

Marka:Pagpipiliang Marka:5 puntos: Kung lahat ng kraytirya ay naisakatuparan4 na puntos: Kung apat sa mga kraytirya ang naisakatuparan3 puntos: Kung tatlo sa mga kraytirya ang naisakatuparan2 puntos: Kung dalawa sa mga kraytirya ang naisakatuparan1 puntos: Kung isa sa mga kraytirya ang naisakatuparanRubric sa Pagsulat ng Buod ng Maikling KuwentoKraytirya Napakahusay Mahusay Hindi Mahusay Kailang pang Paunlarin

1. May maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari2. Gumamit ng mga kataga o pahayag upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari

13

Page 30: Gr9_tmdhgsdgbsd

3. Ginamit ng mga salitang madaling maunawaan4. May ugnayan ang bawat pangyayari5. Madaling mauunawaan ang isinulat na buod

Rubric sa Pagsulat ng PagsasalaysayKraytirya Sagot

1. May maayos bang organisasyon ang isinulat kong pagsasalaysay: may panimula, gitna, at wakas?

2. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari?3. Napagsunod-sunod ko ba nang maayos ang mga pangyayari?4. Ang pinili ko bang paksa ay angkop sa nilalaman ng ginawa kong pagsasalaysay?5. May batayan ba ang aking isinulat na pagsasalaysay?6. Isinaalang-alang ko ba ang wastong mekaniks sa aking pagsulat?7. Angkop ba ang pamagat na aking isinulat?8. Kapupulutan ba ng aral ang isinulat kong pagsasalaysay?

C. Mga Patunay sa Antas ng PagganapSasagutin ng mga mag-aaral ang mga gawain at pagsasanay sa Tuklasin, Linangin, Palalimin, at Ilapat.PanitikanTUKLASIN• Ipagawa ang Gawain A, p. 23 pagdidikit ng larawan ng sariling tahanan at ipalalarawan ito.• Magkaroon ng malayang talakayan.• Ipabasa ang Mahahalagang Tanong, p. 23 at subukin ang mga mag-aaral na sagutin ang nasabing mga tanong.• Sabihin, “Pagkatapos na sagutin o magbigay ng hinuha na maaaring sagot sa Mahahalagang Tanong, tandaang mabuti ang naging mga sagot na pahahalagahan natin pagkatapos talakayin ang aralin sa Panitikan.”• Maaaring magbigay ng karagdagang tanong ang mga mag-aaral.• Iugnay ang gawain at mga sagot sa Mahahalagang Tanong.LINANGINBasahin Mo• Ipabasa ang maikling kuwentong, “Papel” mula sa bansang Singapore na isinulat ni Catherine Lim, pp. 24-29.• Bigyang-pansin ang mga tanong bago simulan ang kuwento, p. 24 at pabigyan ng kaugnayan ito sa babasahing akda.Simulan Mo• Ipabasa at talakayin ang paliwanag sa pagpapakahulugang konotasyon, p. 28.• Ipagawa ang gawain na pagpapakahulugang konotasyon, p. 29.• Magkaroon ng talakayan sa ginawang pagpapakahulugan.Unawain Mo• Magkaroon ng talakay sa teknik na History Frame na gagamitin sa gawain A.• Ipagawa ang gawain A, p. 30 gamit ang teknik na History Frame.• Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain.• Ipasagot at magkaroon ng talakayan sa mga tanong 1-4, pp. 30-31 sa gawain B.• Talakayin ang tungkol sa teknik na Interview Chain.• Ipagawa ang Rubric sa Pagsasagawa ng Interview Chain na nasa gabay na ito.• Ipasagot ang tanong bilang 5, p. 31, gamit ang Interview Chain.• Ipasagot ang tanong bilang 6, p. 31-32 at magkaroon ng talakayan.Isaisip Mo• Ipabasa nang malakas sa isang mag-aaral ang bahaging ito na nagpapaliwanag ng nilinang na domain sa pag-unawa sa binasa.

14

Page 31: Gr9_tmdhgsdgbsd

• Magkaroon ng talakayan.PALALIMINTalakayin Mo• Ipabasa ang bahagi ng maikling kuwentong, “Bangkang Papel,” ni Genoveva Edroza Matute, p. 33.• Ipasuri ang mga bahagi na may mga ideyang maaaring bigyan ng hatol o pagmamatuwid.• Ipagawa ang pagsusuri, p. 34. Magkaroon ng talakayan.• Ipasagot ang tanong 2 at 3, p. 34.• Magkaroon ng talakayan at feedback ang guro.• Pabalikan ang naging mga sagot sa Mahahalagang Tanong sa bahaging Tuklasin at ihambing sa naging mga sagot sa bahaging ito. Maaaring ipasagot din ang karagdagang mga tanong na ibinigay ng lang mag-aaral na bahagi pa rin ng Tuklasin.GRAMATIKA• Ipabasa ang Mahahalagang Tanong, p. 35 at subuking ipasagot ang mga ito.• Maaaring magbigay ng tanong ang mga mag-aaral na magiging karagdagang mga tanong, ipasasagot din.• Sabihin, “Pagkatapos talakayin ang aralin, muli nating babalikan ang mga tanong upang masuri ang pagkakaugnayan ng naging sagot ninyo sa nasabing aralin.”Ilahad Mo• Ipabasa ang talataan, p. 35.Suriin Mo• Magkaroon ng pagsusuri sa mga kataga o pahayag na ginamit sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga tanong, p. 36.• Magbigay ng input ang guro na bahagi ng malayang talakayan, magbigay ng ba pang halimbawa ang guro na susundan ng mga mag-aaral.Tandaan Mo• Ipabasa ang nilalamang paliwanag sa bahaging ito, p. 36 na magbibigay ng linaw sa aralin sa Gramatika.Gawin Mo• Ipasagot ang Pagsasanay 1, 2, at 3, pp. 36-37.• Magkaroon ng talakayan sa naging mga sagot sa Pagsasanay 1 at 2.• Balikan ang Pagsasanay 3. Ipabasa nang malakas sa ilang mag-aaral ang isinulat na maikling kuwento. Batay sa napakinggang buod, ipasuri kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.• Magkaroon ng talakayan kaugnay ng gawain.• Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang itinape na kuwento na ipinalabas sa telebisyon, pagawan ng lagom.• Pahalagahan ang ginawang lagom sa pamamagitan ng pagtalakay sa ginawa ng ilang mag-aaral.• Ipagawa ang Rubric sa Pagsulat ng Buod ng Maikling Kuwento.• Pabalikan ang naging sagot sa Mahahalagang Tanong at iugnay sa naging talakay sa aralin.RetorikaIsipin Mo• Ipabasa ang pagpapaliwanag sa Pagsulat Nang Maayos na Filipino sa Pagsulat ng Kuwento na may Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari at magkaroon ng talakayan tungkol dito, p. 38.Isulat Mo• Ipagawa ang bahaging ito, p. 38.• Tumawag ng ilang mag-aaaral at ipabasa ang isinulat na kuwento na may pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari bilang pagpapahalaga sa gawain.• Magkaroon ng peer evaluation ang mga mag-aaral.

15

Page 32: Gr9_tmdhgsdgbsd

• Magbigay ng feedback ang guro kaugnay ng gawain.Inaasahang PagganapIlapat• Ipagawa ang bahaging Ilapat, p. 39.• Magkaroon ng sariling pagtataya ang mga mag-aaral sa isinagawang gawain.• Magbigay ng feedback ang guro.Sintesis• Bilang lagom sa aralin, ipagawa ang Sintesis, p. 39.• Magkaroon ng malayang talakayan.Mga Kagamitan at Sanggunian• Batayang aklat, pp. 22-39• TV set• Tape ng Isang Kuwento Mula sa Telebisyon• Sipi ng Rubric sa Interview Chain at Rubric sa Pagsulat ng Buod ng Maikling Kuwento

16